Sweet Serendipity (girlxgirl)...

By ruzzymeeh

378K 5.1K 512

Are you afraid on risking ?? Iniisip mo bang baka di maging worth it ? Na baka masaktan ka lang ? Are you... More

PROLOGUE 1.1
PROLOGUE 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 (The Revelation)
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
FIN <3

Chap 1

25.1K 313 18
By ruzzymeeh

sorry for the late UD :| mabuhay sa lahat ng nagvote at naglagay na sa RL nila =))) thankful ako at binigyan ako ng mga supportive na readers =))))

___________________________________________________________________________________

CHAPTER 1

 

‘uwahhhh ! nakakaiyak at nakakakilig naman yung nabasa ko!’  para akong batang gumugulong gulong sa kama dahil di nabigyan ng candy . Halos wala akong tulog dahil tinapos ko yung binabasa kong manga .

 Tapos ngayon pagkatapos ko maligo at kumain ng agahan pagbabasa ulit ang inatupag ko .

‘buti pa pag nagbabasa ako kinikilig at feeling inlove ako’   naupo lang ako para sabihin yun pero dumapa ako ulit sa kama ko para mag emote .

‘sana magkaroon din ako ng ala prince charming sa totoong buhay , what a life. ’  napabuntong hininga na lang ako sa iniisip ko . 

Tumayo na lang ako ulilt at humarap sa salamin, hinawakan ang mukha ko at naglakad papunta sa may bintana , tumingin ako sa malayo at ….

 

‘habang buhay , ako sayo’y maghihintay , umaraw man o umulan , di sasablay , pintado saking puso pag-ibig na tunay’ papikit pikit kong kanta habang humahawak sa may gilid ng bintana na nagslaslide pa .

‘ohyeah !’ pahabol ko habang nakapose ala singer ako . 

 

‘HOY ! SHANNA !!!! MAGBAYAD KA NA NG RENTA MO ! 2 BUWAN KA NG DI NAGBABAYAD !!!’    napatigil ako sa pag eemote ko ng marinig ko ang sigaw na yun .

‘patay ! si madam.’ Napabulong na lang ako sa sarili ko .

Napaupo ako , biglang gumulong sa sahig , hinanap ko ang bag ko ng makita ko ito ay hinablot ko agad at gumulong ulit papunta sa may bintana , tumayo ako para tignan kung may kalaban sa paligid  at buti naman at wala . Pumunta ako sa may banyo at tumayo sa may bowl , dahil medyo malaki ang bintana dito at kasya ako , lumusot ako dun at tumalon .

 

‘heeyahhh !’  sigaw ko ng makalanding ako sa baba.   Nasa second floor kasi yung kwarto ko , pero di naman ganun kataas yung second floor kaya madali matalon .

 

‘ninja moves yun dre !’  sabi ko ulit na may pagpag sa magkabilang braso pang kasama .

 

 

‘SHANNA!!!! Tumakas ka nanamang bata ka !’   nakita ko si Madam na pababa na sa hagdanan at palabas na rin , letse ! sumigaw sigaw pa kasi ako.

 

‘madam ! mamaya na lang hoh yung bayad sa renta , promise po’   nagreready na ko tumakbo palayo ng sabihin ko yun .

 

 

‘yang mamaya mo sa susunod na buwan nanaman yan !!’ sigaw ni Madam na malapit na ko maabutan .

 

‘hindi po .’   nagsimula na ko tumakbo bago pa ko maabutan ni Madam pero bago pa ko tuluyan makalayo eh lumingon ako ulit kay Madam .

 

‘at di po ako tumatakas ! Yun na po kasi ang bagong Shanna’s  way ng paglabas ng bahay ! you know ?’  ngiti sabay peace sign at harurot ng takbo dahil nakaakmang babatuhin na ko ng tsinelas ni madam .

Ako nga pala si Shanna Mei Yamada , hopeless romantic na mahilig magbasa ng stories sa manga at kahit san basta love story pero wala pambayad ng renta , bakit ? kasi inuna ko pambayad sa laptop , im so bright , I know =)))

Yung laptop na nabili ko , 2nd hand , hulugan pa na binenta saakin ng katrabaho ko , binenta niya nga rin saakin yung broadband niya , ubos din pera ko kakaload sa pesteng yun para makapag internet . 

Layas nga pala ako saamin , kung bakit ? secret saka ko na lang sasabihin . 19 na nga pala ako turning 20 , di na ko nag-aaral , kung bakit ? malamang walang pambayad sa tuition , wala ngang pambayad ng renta eh , kayo naman oh . 

Papunta na ko ngayon sa pinagtratrabahuhan kong coffee shop ,waitress ako dun , mahilig ako sa kape kaya wag ka na magtaka kung bakit dito ko napili magtrabaho , mahabang pakiusapan pa nga ang nangyari saakin para lang makapasok dito , ayaw kasi nila tumanggap ng babae dito , kalokohan ng may ari ng coffe shop ayaw daw ng babae , pero since makulit ako at yung isa sa regular costumer nila ay natulungan ko one time ng kamuntikan na siyang madukutan , cinonsider narin nila ko dito .  Isa pa close ko yung manager dito , mabait kasi yun eh .

Medyo malapit yung coffee shop sa apartment ko kaya nilalakad ko lang , isang kanto na lang ang layo ko ng may yumakap saakin at bigla akong hinalikan sa lips . Napatigil ako ng ilang Segundo at bigla ko na lang naramdaman na nag init ang pisngi ko , yung taong biglang humalik saakin eh  pangiti ngiti pa sabay kaway paalis .

Di ko na siya nahabol dahil sumakay siya ng taxi , inis na inis ako , para akong namanyak ng walang kalaban laban , I mean , putakte naman ! naglalakad lang ako tapos may biglang hahalik sayong gwapong nilalang . oh diba ? unfair !

1 buwan na kong nagtratrabaho sa coffee shop , 5 na lang kami nagtratrabaho dito , yung   cook na si kuya Jhony  , medyo may edad na rin at pinakamabait saamin , si Micko ang gwapo pero bading at nakakapanghinayang talaga na cashier namin, si Tyler ang boy-labong mukhang lampa pero mabait na waiter din gaya ko  at si  Harry ang sisterett ni Micko , cute din sana pero mas girl pa saakin at siya lang naman ang assistant cook at barista namin dahil nag resign yung barista at isa pang waiter .

 

‘Kuya Jhony , si Uncle ba pupunta ngayon dito ?’ baling ko kay Kuya Jhon , habang inaayos ang mga tables .

 

 

‘oo daw sha , kasi daw maghire daw tayo ng barista at isa pang waiter . ’    napatango na lang ako sa sagot ni kuya jhony , si Uncle ang boss namin , di daw siya talaga ang may-ari nito pero parang siya narin ang namamalakad , siya yung manager/co-owner dito. Mabait si Uncle diba nga sabi ko siya yung pumayag na iconsider ako dito , di niya kami tinuturing na empleyado , parang mga anak na nga ang turing niya saamin lahat .

 

‘oi girl , ayusin natin ng bonggacious ang shop para may maattract na mga papa at mag apply ! ’ sabi ni micko na pumipilantik pa ang mga daliri habang nasa counter at inaayos ang mga display duon .

 

‘truelaloo sis ! para naman may adonis tayong masight seeing dito , hindi lang puro tong si boy-four eyes .’ singit pa ni Harry na isa pang uhaw ata sa mga lalaki .

 

‘ako nanaman nakita niyo , diyan na nga kayo’   umalis si Tyler at dumiretso sa kusina , tutulong na lang daw siya kay kuya Jhony .

 

‘kayo talaga , si tyler nanaman nakita niyo , magtrabaho na nga lang tayo’  sabi ko naman kina Micko at Harry , nagpeace sign lang sila saakin , kung di lang sila pusong babae gaya ko naku talaga sayang ang popogi nila .

Busy na kaming lahat para sa pagbubukas at the same time eh hiring ng shop , ng biglang may pumasok .

 

‘ah sorry po , di pa po kasi kami bukas .’ sabi ko na lang dun sa pumasok pero di niya ko pinansin at nagtuloy tuloy sa may counter . Dahil nakayuko ako nung pumasok siya , likod niya na lang ang nakita ko habang naglalakad siya papunta sa counter

 

 

‘aba’t ambright nun ah sinabing di pa kami bukas’  bulong ko sa sarili ko ng nakita ko siyang nakikipag-usap kay Micko pero nakatalikod parin .

 

 

‘girl ! mag-aapply daw na barista/waiter ’ sigaw ni Micko nung lumabas yung bingi na di ko nakita dahil tinawag ako ni kuya Jhony sa labas at pagpasok ko naman ay nakalabas na siya

 

 

‘eh dapat si uncle ang magi interview nun , sinabihan mo ba ?’  tanong ko kay Micko .

 

‘oo sinabihan ko ,sinabihan ko nga na pwedeng oo , o pwedeng hindi siya makapasok since ikaw lang naman ang babaeng pinagbigyan ni uncle magtrabaho dito’   sagot naman saakin ni Micko with matching pabeautiful eyes pa na di ko malaman bat niya ginagawa .

 

‘huh ? butch pala yun? tanong ko ulit kay Micko pero bago pa man makasagot si Micko eh pumasok ulit yung mag aapply daw .

’ (A/N :BUTCH- babaeng kilos lalaki at ayos lalaki

Napanganga ako ng makita ko kung sino daw yung mag-aapply .

‘ikaw ?????’   sigaw ko sakanya na ikinataas ng kilay niya at ni Micko .

‘excuse me miss , pero I don’t know you’   sagot niya saakin , para akong sinaniban ni san goku dahil sa sinabi niya .

*pakkkkkk !!!!

Isang malutong na sampal ang nakuha niya mula saakin .    Napahawak siya sa pisngi niya na may halong inis at pagtataka ang tingin niya .

‘para saan yun hah ?’  tanong niya saakin na halata naman sa tono ng boses niya ang galit .

‘for kissing me ! pervert !’        sagot ko naman sakanya ng nakataas ang kilay at nakapamewang .

Kala niya hah , papatalo ako sakanya ! Sana lang wag siyang matanggap ayoko makatrabaho ang isang kissing maniac na kagaya niya .

 ___________________________________________________________________________

VOTE IF YOU THINK THIS CHAPTER DESERVES IT . *crossfingers sana meron :D

COMMENT WHAT YOU THINK =))))  

SPREAD LOVE <3

Continue Reading

You'll Also Like

206K 4.4K 22
COMPLETED - Is there still a chance to fall in love with the person who hurts you somuch, 5 years ago? What if nagkatagpo kayo ulit? At nananatili pa...
12.5K 426 34
Pano kung isang araw bumalik ka Sa panahong malayo sa kasalukuyan..? Maraming ka tanungan Ang babalot sa buhay ng dalagang si Sana ... Isang estud...
245K 5.1K 24
Isa si Maddison Reyes sa pinakamatalinong estudyante sa kanilang Unibersidad. Butihing anak at ni minsan hindi pa sumuway sa kanyang mga magulang. At...