Maghihintay Sayo (The Love St...

By Gidgetwitty

46.3K 937 419

Paano pang ipagpapatuloy ang buhay kung ang taong pinakamamahal mo, ang tinalagang soul mate mo ay biglang ma... More

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7 (A new beginning)
Chapter 8

Chapter 6

4.2K 101 43
By Gidgetwitty

Dedicated to Xian Lim. Happy Birthday!

Please play the music on your right. "Kailangan Kita" by Ogie A.

Inabot ni Alex kay Sam ang hawak na papel na naglalaman ng resulta ng DNA.. Nanginginig na tinaggap ito ng babae.

"Oh my God, totoo ba ito?" naluluhang tanong ni Sam pagkatapos basahin ang resulta.

"Oo Sandy, ikaw ang nawawala kong asawa," halos gumaralgal ang boses ni Alex sa tindi ng emosyong nararamdaman.

Nanghihinang napaupo sa sofa si Sam, halos takasan ito ng kulay sa nalaman. Hawak nito ng mahigpit ang papel na nagbunyag ng kasinungalingang pinaniwalaan niya ng dalawang taon, ang magpapabago sa buhay nila ni Xander.

Halos hindi niya namalayan ang pag-upo ni Alex sa tabi niya, ang pagyakap nito ng mahigpit sa kanya. Mabuti na lang at naglalaro sa kabilang silid ang dalawang bata at hindi nito nakita ang nanginginig niyang katawan.

"I love you so much, Sandy. Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para maipabalik ang alaala mo. Magtutulungan tayo na muling mabuo ang masaya nating pamilya."

At mananagot ang lahat ng taong nagpahiwalay sa atin. Pangako ni Alex sa sarili.

"Alex, natatakot ako. Paano kung hindi na bumalik ang memorya ko? Ni hindi ko man lang maalala ang birthday ni Marion. Anong klaseng ina ako? Oh my God, kawawa naman ang anak ko, dalawang taon kong napabayaan," sabi ni Sandy saka napahagulgol  ng malakas.

"Honey, wala kang kasalanan sa nangyari. Please don't cry, hon. Ayaw na ayaw kong nakikitang nahihirapan ka," bulong ni Alex habang banayad na hinahagod ang likod ng asawa.

"Alex, I'm so sorry. Hindi agad ako naniwala sa iyo. Hindi ko alam kung bakit nagawa sa akin ito ni Ate Amelia."

"Sandy, please don't beat yourself up over this honey, wala kang kasalanan."

"Daddy? Why is mommy crying?" Nagulat silang pareho ng biglang sumulpot sa sala ang dalawang paslit. Nasa mukha ng mga ito ang pagtataka.

Mabilis na tumayo si Sandy para yakapin ng mahigpit si Marion. 

"Baby, I'm so sorry. Mommy is here now. Mommy loves you so much!" Umiiyak na sabi ni Sandy.

"Mommy?" nagtatakang tanong ni Marion.

"I'm so sorry. I love you very much, Marion!  You and your brother, Xander are my life."

"How about their daddy?" nakangiting tanong ni Alex.

Saglit na sumulyap si Sandy dito pagkaraan ay muling ibinaling sa mga bata ang atensyon.

"Ouch, that hurts. Wala man lang comment. Aba kung hindi dahil sa akin ay wala kaya ang dalawa nating anak," pabulong na sabi ni Alex.

"Anong binubulong bulong mo, Alex?"

"Wala hon. Masaya lang ako dahil mahal mo rin ako," nakasimangot nitong turan.

"Mommy, are you going to live with us in Manila?" tanong ni Marion.

"Ha?" Napatingin bigla si Sandy kay Alex, naghahanap ng tulong kung paano sasagutin ang anak na panganay.

"Of course, mommy and Xander are going home with us, Sweetheart."

"Yipee!!!" nagtatalon na hiyaw ni Marion. Bumaling ito sa kapatid. "Xander, you heard that?"

"Mommy, di ko intindi Ate," sumbong ni Xander sa ina.

"Xander, titira na tayong lahat sa Manila kaya masaya ang ate mo," salo ni Alex.

"Yepee!" GInaya nito ang kapatid sa pagtalon-talon.

"Alex, pwede ba tayong mag-usap sandali," sabi ni Sandy.

"Of course, honey." Bumaling ito sa mga bata. "Marion, please bring your brother back to the bedroom. Mommy and I are going to discuss something important."

"Why can't I stay here. I'm a big girl na. Xander, go back to the bedroom," utos nito sa kapatid.

"Marion," may babala na sa boses ni Alex kaya napilitang sumunod ang panganay nila kahit na nakasimangot ito. 

"Come, Xander. Let's watch cartoon channel."

"Caltoon, yipee!!!"

"Cartoon, Xander not caltoon." Napangiti ng palihim ang mag-asawa sa usapan ng dalawang anak.

"Sandy, kailangan na nating bumalik lahat sa Manila as soon as possible. Hindi pa alam nila mama at papa ang tungkol sa resulta ng DNA. Kailangan din malaman ng Kuya Simon at Ate Ellen mo ang nangyari sa iyo."

"Sino si Simon at Ellen?"

"Ang Kuya Simon mo ang kaisa-isang mong kapatid na nagtratrabaho sa Dubai bilang chef. Siya rin ang nagpaaral at tumayo bilang ama mo dahil maaga kayong naulila. Si Ate Ellen mo naman ang asawa ng Kuya mo, kasama siya doon ng kuya mo. Nurse siya katulad mo, honey."

"Alex, wala akong maalala kahit na isa sa kanila," malungkot na sabi ni Sandy.

"In time, hon. Huwag mong pilitin, naniniwala ako na babalik lahat ang alaala mo. We just have to be patient."

Tumango lang ng bahagya si Sandy. Nasa mukha nito ang pagdududa na babalik ang memorya.

"Sandy, maaalala mo rin ang lahat. Kung gaano kita kamahal mula pa noon hanggang ngayon. Ikaw lang babae para sa akin, ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito katindi." Nasa mukha ni Alex and katapatan ng sinasabi sa kabiyak.

"Diyos ko po, Ma'am Sandy! Kayo nga, nagbalik kayo galing sa lupa! Ahe! Sorry po. Galing sa sa, sorry," excited na bulalas ng kasambahay nilang si Tessa.

"Hoy, Tessa, umayos ka nga diyan. Ang gulo mo," saway ng mas matandang katulong na si Manang Susan.

Kararating lang ng mag-anak galing sa Palawan ng oras na iyon. Mababanaag sa mukha ni Sandy ang takot sa bagong kabanata ng buhay nito.

"Tessa, pakidala sa kuwarto ang mga gamit ng Ma'am Sandy ninyo," utos ni Alex sa kasambahay na nanglalaki ang mga mata sa pagkakatitig kay Sandy.

"Hoy, Tessa. May inuutos si Sir sa iyo," marahang hinampas ito ni Manang Susan sa braso.

"Sorry po talaga, Sir. Nagulat po kasi ako."

"Ako na lang ang magpapanik ng maleta ko, ituro lang ninyo kung saan ang kuwarto namin ni Xander," simpleng sabi ni Sandy.

Hindi nito nakita ang pagdilim ng mukha ni Alex sa narinig.

"Tessa, pakidala ng maleta ng Ma'am ninyo sa master bedroom tapos iyong kay Xander doon sa pinaayos kung kuwarto."

"Pero__," tipong kokontra pa sana si Sandy nang makita ang ekspresyon ng mukha ni Alex.

"Nandito na pala kayo. Hija, welcome back! Naikuwento na ni Alex ang lahat.  Tumawag siya sa amin kanina habang lulan kayo sa private plane." Niyakap siya ng mahigpit ng ina ni Alex. Kasunod nito si Don Miguel na masaya ding yumakap sa manugang.

"Thank you," matipid na sagot ni Sandy.

"Alam namin na mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, hija pero nandito lang kami ng papa mo para umalalay sa iyo. Mahal na mahal ka namin, Sandy. Maligaya kami at nabigyan pa ng isang pagkakataon ang anak namin para muling lumigaya. Akala namin ay nawalan na rin kami ng anak dahil halos mabaliw si Alex nang nawala ka."

Napakagat sa babang labi si Sandy sa narinig. Walang malamang isagot kay Dona Victoria.

"Ma, Pa please meet your handsome grandson, Xander." Karga ni Alex ang bata.

"Oh ang pogi ng apo ko! Kamukha ng lolo," masayang bulalas ng ama ni Alex.

"Carbon copy siya ni Alex, Miguel," natutuwang wika ni Dona Victoria.

"Kiss mo ang lolo at lola mo, baby," nakangiting utos ni Alex sa anak.

Tumalima naman agad ito sa iniutos ng ama.

"Daddy, why did you call him baby. I'm your baby," nakasimangot na sabad ni Marion kay Alex.

"Sweetheart, dalawa kayong baby namin ng mommy ninyo," paliwanag ni Alex.

"No! I'm your baby, daddy!" Naiiyak nitong sabi.

"Marion, you'll always be the first baby and your brother will be the second baby," mahinahon na sabi ni Sandy.

"Okay, mommy but I'm the first baby okay?"

"Okay, sweetheart!"

Ma'am, Sir nakahanda na po ang dinner ninyo," magalang na anunsyo ng kasambahay nila.

"Let's all have dinner," masayang sabi ni Alex.

"Alex, doon na lang ako sa guest room matutulog," sabi ni Sandy kay Alex nang makaalis na ang magulang nito.

"Sandy, dalawang taon na hindi kita nakapiling. Kailangan kita muling makasama, mayakap. I missed you so much, honey."

"Pero hindi pa ako handa. Wala akong maalala sa pinagsamahan natin. I need time to process everything, Alex."

"Sandy, I'm not going to force you to make love to me.  I just need to hold you tonight," tahimik na sabi nito.

"Hindi ko alam, Alex. Parang mabilis lahat ang pangyayari," nalilitong sagot ni Sandy.

"Just let me hold you tonight, honey. Please," pagsusumamo nito.

"Sige na nga pero pag may ginawa kang kalokohan, humanda ka sa akin," mataray na banta ni Sandy.

"Promise, I'll be a good boy," pilyo nitong sabi.

Yes! Ang galing mo talaga, Alex!!!  Ito ang sigaw sa isip ni Alex.

"Hon, mauna ka ng maligo. I'll just check the kids."

"Sige," maiksing sagot ni Sandy. Oras na tumalikod ang asawa ay nagmamadali itong pumasok ng banyo para maligo.

Huwag kang magkakamaling gumawa ng kalokohan, Alex at baka makatikim ka sa akin ng batok, hmmp!

"O bakit hindi ka pa tulog, Sweetheart?" Nadatnan ni Alex na naglalaro sa IPad ang panganay.

"Sir, ayaw po talagang matulog ng alaga ko," sumbong ng yaya nito.

"Daddy, can I sleep in your bed tonight?"

"Baby, not tonight please. Come on, I'll tuck you in bed."

"Why, daddy?"

"Ha! Kasi you need to sleep na, baby. Come on, say your prayers and go to sleep na. Be a good girl."

"Please read me a story first," malambing nitong sabi.

"Okay, baby. Scoot over so I can sit down." 

Sandy, huwag ka munang matutulog, hintayin mo ako honey! Tahimik niyang dasal ng oras na iyon.

Nakahiga na si Sandy nang bumalik ng master bedroom si Alex. 

Patay, nakatulog na yata ang honey ko. Nagmamadaling pumasok ng banyo si Alex para mag-shower.

Samantalang sa kama ay biglang nagmulat ng mga mata si Sandy nang marinig ang pagpasok ng asawa sa banyo.

Oh my God, hindi naman siguro ako pipilitin ni Alex sa tungkulin ko bilang asawa niya. Bahala na nga. Magkukunwari na lang akong tulog para hindi na ako guluhin.


Muling ipinikit ni Sandy ang mga mata niya nang marinig niya ang pag-off ng shower senyales na tapos ng maligo ang lalake. Maya-maya lang ay naramdaman na niya ang paghiga nito sa malambot na kama.

"Honey, are you still awake?" mahina nitong bulong sa tainga niya.

Walang imik mula kay Sandy na nakapikit pa rin.

Naramdaman na lang ni Sandy ang pagyakap ng asawa sa kanya. Pagkaraan ng ilang minuto ay mainit na hininga naman nito ang naramdaman niya sa may leeg niya kasabay ng banayad na mga halik nito.

Biglang bumalikwas sa kama si Sandy.

"Hoy, magkaliwanagan nga tayo. Nag-promised ka na hindi ka gagawa ng kalokohan." Mataray na sabi ni Sandy.

"Honey naman, mag-asawa tayo. Kalokohan ba na halikan kita. Sobra lang talaga kitang na-missed," sabi ni Alex sabay kamot sa ulo.

"Eh sa hIndi pa ako handa noh!"

"Kailan ka ba magiging handa? Baka tubuan na ako ng puting buhok hindi ka pa handa."

"Pilosopo pa ito. Hindi ko pa alam, basta. Walang ano muna," hindi malaman ni Sandy kung paano ipaliliwanag.

"Anong wala muna?" nakangising tanong ni Alex.

"Basta alam mo na iyon," namumulang sagot ni Sandy.

"Ang alin?"

"Iyon," kinumpas pa ni Sandy ang kanang kamay sa ere.

"You mean our lovemaking?" pilyong sabi ni Alex.

Tumango si Sandy. Hindi makatingin sa lalake.

"Honey, dalawa na nga ang anak natin, nahihiya ka pa? Kabisado ko na lahat ng nunal mo sa katawan, ganoon ka rin sa akin. Alam mo bang may nunal ka sa ____,"

"Shhh, ano ba! Matulog na nga tayo," putol ni Sandy sa sasabihin ni Alex.

"Okay, honey. Pagbibigyan kita ngayong gabi. Pero sanayin muna sa isip mo na mag-asawa tayo," seryosong sabi ni Alex.

Sa isang bahay ay nag-uusap ang dalawang babae.

"Shit, palpak talaga ang nangyaring ito! Hindi pwede ito!"  Galit na sabi ng babae.

"Wala na tayong magagawa pa, nagkita na uli ang mag-asawa. This time, mahihirapan na tayong paglayuin sila. Siguradong maglalagay ng mahigpit na security si Alex kay Sandy.

"Hindi ako makakapayag. Ang tagal ko ng hinintay na mapansin ni Alex."

"Tumigil ka na sa pinaplano mo. Baka mapahamak na tayo nito."

"Never! Akin lang si Alex. Akin lang siya, naiintidihan mo?" Nasa mga mata nito ang determinasyon at poot.

"Anong plano mo?"

"Tingnan mo na lang dahil hinding hindi mapupunta kay Sandy si Alex."

Maagang nagising si Sandy kinabukasan. Mahimbing na natutulog sa tabi niya ang asawa. May ngiti pa sa mga labi nito na parang nanaginip ng maganda. Dahan-dahang tumayo ng kama si Sandy. Palabas na siya ng kuwarto ng mapansin ang picture frame na nakapatong sa bedside table sa gawi ni Alex.

Please look at the picture on your right.

Sana nga ay bumalik na ang alaala ko, Alex.

"Good morning, Ma'am Sandy. Si Sir po?" masayang bati ni Manang Susan.

"Tulog pa po," nakangiting sagot ni Sandy.

"Ma'am, ano po ang plano ninyong ihanda ngayong birthday ni Sir?"

"Birthday ni Alex?" Nabiglang bulalas ni Sandy.

****Sino ang salarin? Mabalik pa kaya ang alaala ni Sandy? Ano ang mangyayari sa panibagong buhay ng mag-asawang Alex at Sandy?

Thank you sa inyong pagbasa.

 @Gidgetwitty (If you want to follow me on Twitter and Instagram)

Gidget Corpuz (Facebook)

http://www.facebook.com/groups/gidgetwitty/  (Please join our open reading group Kim Xi FanFic Stories by Gidgetwitty)

www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty. (Please like our fan page also. Thanks.)        

Continue Reading