Limited Days to Love - [KathN...

By xhinitoprinz

42.3K 800 202

SYNOPSIS: After a year of treatment, The doctor finally declared that Blue was already healed from his Brain... More

Limited Days to Love
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
The End

Chapter Six

1.4K 34 1
By xhinitoprinz

*dedicated kay ItsCola_ ... uy ineng ba't mo naman to binasa? Wag ka nang magpatuloy, sobrang pangit nito. Hahaha*

Pink'S POV

"Teka Daddy san tayo pupunta" napansin ko kasing parang sa ibang direksyon papunta si Daddy eh at parang papunta sa .... company namin?

Nung medyo makalapit-lapit na kami ay nakikita kong kumakaway si Mommy at Kuya.

Pagka-stop ng kotse ay bigla silang pumasok

"Okay let's go" sabi pa ni Mommy sa masiglang boses

"Oo nga Daddy, excited na akong bumalik s Farm. Namiss ko yung preskong hangin" dugtong pa ni Kuya

"Farm? Akala ko po ba sa resort tayo ... I mean ako pupunta pero bakit kasama kayo" pagtatakang tanong ko

"Bakit ayaw mo ba kaming kasama?" para namang nagtatampong tanong ni Daddy

"Hindi naman yun Daddy eh. Akala ko kasi ako lang at sa resort ako pupunta" tugon ko naman

"Ganyan na ba talaga kasama ang tingin mo sa amin at iiwanan ka naming mag-isa sa birthday mo, ilang days na lang kaya yun" sagot ni Mommy

Yun pa yung isang knaiinis at kinatatampo ko talaga sa kanila. Akala ko nakalimutan nila ang birthday ko

"Talaga po? Edi may business trip kayo sa Singapore at diba may maga scheduled gigs si Kuya" 

"Ano ka ba naman Pink. Siyempre your most important to us kesa sa mga business trip na yan at mga gig na yan and besides you Kuya is the one who suggested this" nakangiting tugon ni Mommy

Natouch naman ako dun sa narinig ko. I feel so very important at this moment. And si Kuya?

"Si Kuya? Si kuya talaga?" Napatingin ako kay Kuya at napalingon naman siya sa bintanan para umiwas ng tingin sa akin pero nakita ko naman yung smile at parang nahihiya pa.

"Yup! Sabi niya kasi na since hindi ka pa raw nakakapunta sa Farm natin sa Baguio ay yun na lang daw ang gift namin sayo" tugon naman ni Mommy


Wow. Farm namin sa Baguio. Yun yung laging sinasabi sa akin ni Kuya eh at gustong-gusto ko na talagang makita yun kasi si Kuya grabe makadescribe, nakaka-inggit.

"Psh!!! Kuripot lang yan eh at ayaw akong bilhan ng regalo kaya ito na lang" sabi ko naman bilang pag-asar kay Kuya.

Naramdaman kong parang tumingin si Kuya sa akin at maya-may pa ay nagsalita na siya

"Hoy hoy, hindi ako kuripot noh. Pasalamat ka nga't naisipan kitang dalhin dun sa farm noh. Balik na nga lang tayo Mommy, mukhang ayaw naman dun ni Pink eh" angal nito

"Ano ka ba Kuya. Agaaga napakahighblood mo. Thank you Kuya" tapos kiniss ko siya sa cheek

Nahiya ulit siya. Ano ba to'ng Kuya ko? Hindi pa nasanay sa akin.

Akala ko this will be the worst vacation ever pero hindi pala. I have my family sa kaarawan ko at sa buong bakasyon. This will be the best panigurado.

Blue's POV

Bumalik ako sa bar para hanapin yung kwintas ko pero bigo pa rin akong makita ito kaya umuwi na lang ako. 

Nakayuko ako habang nakapamulsang naglalakad nang may natabig ako

"Sorry" tinaas ko lang yung kamay ko ng di ko nililingon kung sino yun pero mukhang babae ata

"Blue?" pagkarinig ko pa lang ng boses na yan ay parang  humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko at nanlamig ang buong katawan ko. 

That voice. Kilala ko kanino yun

Dahan-dahan kong nilingon kung sino yun at hindi ako nga ako nagkmali. It was Lexie, may ex-girlfriend na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin.

Lumapit siya sa akin habang ako naman ay nananatiling nakatunganga sa kintatayuan ko.

"Nakalabas ka na pala from the hospita and you really look better now" saka pa lang ako nakabalik sa katinuan ko nung magsalita siya at hindi ko lam pero parang may nabuhay na galit sa puso ko

"I do look better now kaya pwede mo na akong balikan. Diba iniwan mo lang naman ako kasi may sakit ako, pumapangit na ako at humihina ang katawan ko? Diba?" may diin kong saad sa kanyo

"That's not true. Hindi kita minahal kasi gwapo ka at kung ano man yun. Mahal kita simply because I love you ... until now" tugon nito at ikinagulat ko pa ang huling sinabi niya

"Until now? Eh bakit ka nagpakasal sa iba and worst is hindi mo man lang ako binalitaan. Bigla ka na lang hindi na bumibisita sa akin." sumbat ko sa kanya

"You know that I'm half Chinese right. It's an arranged marriage" 

"Pero kahit na, pumayag ka pa rin so ibig sabihin mahal mo yung gagong yun at hindi mo na ako mahal" Tama ako diba?" 

"Of course not. I refused pero wala akong nagawa. Ikaw lang ang tanging pinagkakatiwalaan ko and becasue of your condition that time, I doubted kong makakaya mo ba akong ilayo sa mga magulang ko. I wanted to runaway from them nung mga oras na yun pero I don't know where to? Gustong-gusto kitang puntahan at sabihin ang lahat sayo nun kaya lang naisip ko na baka lalong makasama sayo" paliwanag nito

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Kasalanan mo naman pala Blue eh, kung di ka sana nagkasakit edi nailayo mo si Lexie.

"Lexie we can do it now. We can leave. Please sumama ka sa akin" I beg her. Yeah it's the right term for this "beg".

"But Bl--" hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay may biglang tumawag ata sa kanya

"Babe" at dahan-dahang lumapit yung lalaki sa kinatatayuan namin

"What took you so long? Akala ko ano na ang nagyari sayo. Bakit ba hindi mo ako hinintay? Diba sabi ko sayo, sasamahan kita sa check up? So how was it, okay lang ba si Baby?" dire-diretsong tanong nito kay Lexie at sa huli ay hinwakan nito ang tiyan niya. 

Mukhang di pa niya napapansin ang presence ko.

"I'm okay. Don't worry" tugon ni Lexie sa lalaki pero nananatiling nakatingin sa akin

Napatingin na rin sa akin yung lalaki siguro dahil sinundan niya yung mata ni Lexie.

"Oh sorry I didn't notice you dude. I was just ... ah nevermind. By the way I'm Lyndon" inabot nito ang kamay niya sa akin na parang gustong makipagkamay.

Tiningnan ko lang yung kamay niya at ibinalik ko ang tingin ko kay Lexie, hindi pa rin ako makapaniwala. Magkaka-anak na sila so ibig sabihin talo na talaga ako.

Napansin ko namang binawa nung Lyndon na yun yung kamay niya at napakamot na lang sa batok.

"Oh sige Blue, we need to go" pagpapaalam ni Lexie

Para namang nabigla yung Lyndon nung marinig ang pangaln ko

"Ah okay. So you are Blue. Nice meeting you dude. We better go" at inakbayan nito si Lexie at tumalikod na sila at naglakad papalayo.

***

Habang pauwi ako sa amin ay mixed emotions ang nararamdaman ko. May galit, pagsisisi, lungkot, pagka-inis at lubos na nangingibabaw ang paghihinayang.

I regret so much kung bakit lumaban pa ako, kung bakit pinilit ko pang mabuhay. Sana hinayaan ko na lang na lumala ng lumala ang sakit ko nang hindi ko na nararanasan ang sakit na ito ngayon. Mas masakit pa ito eh kaysa sa pagkakaroon ng cancer.

Nung malapit na ako sa gate namin ay bigla na lang kumirot ang ulo ko. Para itong mabibiyak sa sobrang sakit. Napahawak ako sa noo ko at maya-maya pa ay sinasabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Yung ulo ko ... ahhh. asobrang sakit.

Yun na ang huling natatandaan ko kasi sa next thing I know, it all went black.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 45.8K 53
Keeping her feelings to herself, young Kathryn Bernardo learns that every heart has a pain. Only the way of expressing it is different. Fools hide it...
9.2K 171 33
Hindi inaasahan ni Carla na magiging ganito ang kahahantungan ng ginawa nya; ang maitapon sa probinsya. Handa na ba nyang harapin ang naghihintay sak...
5.5K 46 46
(maiikli lang nakalagay sa bawat update. para di kayo mabore basahin. may mga stories kasi na ang hahaba, nakakatamad na basahin.) First part. "The 7...
Wattpad App - Unlock exclusive features