Mysterious Soulmate

By -Babin-

1M 11.4K 1.4K

A story of a guy who finds his perfect match in the imperfect world of corporate industry. More

Note:
Stanly's Profile
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 {part 1}
Chapter 3 {part 2}
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (under construction)
Chapter 11 (under construction)
Chapter 12 (under construction)
Chapter 13 (under construction)
Chapter 14 (under construction)
Chapter 15 (under construction)
Chapter 16 (under construction)
Chapter 17 (under construction)
Chapter 18 (under construction)
Chapter 19 (under construction)
Chapter 20 (under construction)
Chapter 21 (under construction)
Chapter 22 (under construction)
Chapter 23 (under construction)
Chapter 25 (under construction)
Chapter 26 (under construction)
Chapter 27 (under construction)
Chapter 28 (under construction)
Chapter 29 (under construction)
Chapter 30 (under construction)
Chapter 31 (under construction)
Chapter 32 (under construction)
Chapter 33 (under construction)
Chapter 34 (under construction)
Chapter 35 (part 1) (under construction)
Chapter 35 (part 2) (under construction)
Chapter 36 (under construction)
Chapter 37 (under construction)
Chapter 38 (under construction)
Chapter 39 (under construction)
Chapter 40 (under construction)
Author's Note
MMS Special
SC - The Wedding
SC - The Reception

Chapter 24 (under construction)

19.2K 217 23
By -Babin-

Angelie's POV

It's been a month. Hindi nako pumapasok sa office, pinipilit kong bumalik kay mother pero ayaw na niya talaga eh. Wala na rin akong contact kay Stanly wala nakong paki elam sa kanya.
Si Slate siya na ang madalas kong kasama ngayon. Eh wala eh siya lang naman kasi ang matinong kausap sa kanilang dalawa eh kaya.. hmmm

Iilan nalang ang pera ko sa bangko saktong pang dalawang buwan ko nalang... pag di pako naka hanap ng trabaho neto tiyak pupulutin nako neto sa bangketa.

Tumawag si Slate..

"Yow?"

"Anj. Mamaya?"

"Ummm busy ako eh." Hayy ito nanaman sa date nakaka sawa.

"Huh? Panu nangyari yun? May trabaho ka na ba ulit?"

"Wala pa.. o sige na mamayang 7 puntahan mo ko dito."

"Ok see you."

"Yeah." Binaba ko na ang phone.

Waaaaaaaaah nakakatamad na ang buhay ko!!!!! Parang wala ng nangyayari, hindi na umuusad!! Hayyy eh kung... ahhh wait..

I'll just call Tanya na nga lang.

"Hey it's Tanya who's this?"

"Girl si Angelie to."

"Angelie!!! Bakit ngayon ka lang tumawag?"

"Just busy."

"Anong busy? Ano ka ba ilang linggo, buwan ka na ata hinahanap ni kuya bakit ka ba nagpalit ng number?"

"Basta save mo nalang to iniiwasan ko talaga si Stanly."

"Huh? Aba aba aba may nangyayaring di kanais nais dito....."

"Ehh basta ui anong balita sayo? Miss ko na si baby Alex."

"Hayy ito enjoy ang life!"

"Buti ka pa...."

"Anong drama?"

"Hayy nako sige na nga, mamaya may date ulit kami ni Slate gusto mo sama ka? Hehe."

"Hoy bruha ka! Anong pinag sasabi mo?"

"Ano?"

"Nag de-date kayo ni kuya Slate??"

"Oo bakit? Actually halos gabi gabi nalang kaya nagsasawa nako baka bukas makalawa sagutin ko nalang to.."

"Nooooooooooooo! Kay kuya Stanly ka!"

"Huh?"

"Ahh wala tara magkita tayo ngayon sama ko si Alex."

"Sige saan?"

"Shopping?"

"No..."

"Kahit window shopping lang?"

"Ano ka ba mapapabili lang tayo niyan kahit anong mangyari... malapit nako maghirap kailangan mag budget."

"Ummm playground para kay Alex din..."

"Hello?? Edi sana sa playroom niyo nalang tayo nagpunta."

"Sa restaurant?"

"Fastfood?"

"Deal! May malapit na mcdo samin dito nalang.."

"Ano bayan ang layo ah..."

"O siya sige na nga kami nalang pupunta diyan malapit sa apartment mo ok bye."

"Sige see yah."

Binaba ko na ang phone ko. Hayyy salamat naman at makakalayas ako... ilang oras nalang at malapit nakong mabulok sa bahay.

Tanya's POV

No way! Hindi pwedeng mabulilyaso ang mga plano ko. Loko ka kuya Slate sabi ko pagselosin mo lang si kuya Stanly! Hindi ko sinabing agawan! Hmmm gagawin ko ang lahat para hindi matuloy yang date na yan.

Tinawagan ko si kuya Slate..

"Hey Tanya."

"Hoy kuya hindi na kita favorite tandaan mo yan!"

"What? Ano nanaman bang pagpapa baby yan?"

"Basta walang date na magaganap."

Binaba ko na ang phone hmmm hehe bahala ka kuya pag bawal na hwag ng pilitin ha.

Kasalukuyang nasa byahe kami ni Alex. May nakatabi kaming isang ferrari habang red ang stoplight. Hmmm pinatunog niya ng malakas ang tambutso niya. Hmmm naghahamon to tsk tsk tsk.

Gumanti ako ng pausok ko hmmm... ang yabang ng may ari mukha naman 3rd hand yung kotse niya. Nakaka buwisit ang sarap batukan, sorry manong gusto ko sana makipag race sayo eh para makain mo naman ang usok na iiwan ko kaya nga lang may kasama akong bata eh...

Hmmm teka hindi pwedeng hindi ko maisahan to ano ba Lord tulong naman...

Napatingin ako sa harapan ng sasakyan.. teka lang hmmm may mga mmda ayos!
Pinabangis ko ang sasakyan ko, ganun din siya hehe gumaganda ang mga bawat detalye... mga idiot talaga karamihan ng mga mayabang eh... labanan kami palakasan ng tambutso.

Now I'm here waiting for the stoplight to let us go. At the count of 5, 4, 3, 2, 1!

Pinatulin niya ang sasakyan niya at hinayaan kong maiwan niya ko. Sa isang iglap hinto rin siya haha go go manong ticketan mo yang ungas na yan hahaha ang saya..

Binaba ko ang bintana ko at huminto sa kanya.

Naku ang bantot ng itsura ng may ari nakaka galis.. hiiiiii..

"Hoy sa susunod nalang! Hahaha"

Umalis nako at pumunta na sa meeting place hmmmm binuo ng galis na yun ang araw ko.

Nagkasalubong kami ni Angelie phew magkasabay lang kami halos nakarating.

"Grabe ka talaga Tanya! Pinalipad mo nanaman ba yang sasakyan mo?"

"Di naman. Ang bagal ko pa nga eh."

"Ikaw talaga." Pumasok na kami hinayaan ko ng si Angelie ang mag order, sinamahan ko muna si alex sa slide. Kahit naman papaano naatutuwa nako dahil nakikipag mingle na siya sa ibang bata unlike dati na yung twins lang talaga ang trip niyang kasama.

"Angelie bumalik ka na kasi sa trabaho mo.. ikaw din mahirap mawalan ng pera sige ka.."

Nag uusap na kami habang kumakain, si Alex hmmm sige ayaw kumain di naman siguro siya madidisgrasya kung iwanan ko muna siya sa play area at isa pa malapit lang rin kami doon naka upo kaya yun ay basta.

"Paano nga ako babalik? Eh ayoko na nga at isa pa ang sabi mo pag nagtrabaho ako sa kuya mo matutupad ang pangarap ko eh parang mas lalo atang lumala eh.."

"Hindi basta bumalik ka na malapit na yun promise."

"Ayoko nga, di ko na matiis yung kasupladuhan ng kuya mong yun!"

Hmmm kuya kasi eh, basta hindi parin kayo pwede magdate ni kuya Slate gagawa ako ng paraan..

"Ok fine tell me about kuya Slate."

"Ok siya, noong una ayoko talaga magpaligaw sa kanya, kapatid lang kasi turing ko sa kanya eh pero ang kulit hmmm mag iisang taon na rin halos yun manligaw kaya baka sagutin ko na tutal nakita ko namang desidido siya eh."

"Ano ka ba Angelie kung kapatid lang ang turing dapat kapatid lang.."

"Ehh mapilit nga eh.."

Nakaka inis naman..

Sigh.. "you love him?"

Natahimik siya sandali... "matututunan ko naman siyang mahalin diba?"

"Umm! Tumpak! Angelie wrong turn ka hwag mo sasagutin si kuya Slate kung hindi mo naman siya mahal. Kagaya ng sinabi mo kapatid lang ang turing mo sa kanya, ngayon kung sasagutin mo siya at hindi naman mag work.. mauuwi at mauuwi lang rin kayo sa hiwalayan at pag nangyari yun mawawalan kayo ng connection dahil siyempre magkaka akward moments kayo pag magkasama kayo. Lahat ng pinagsamahan niyo mawawala. And at the end of the day, pareho lang kayong masasaktan. So please hwag."

Nag isip-isip siya.

"Pero matututunan naman siguro yun, bakit si Charlie? Arrange marriage nga siya di ba o..."

"Iba si Zack kay kuya Slate no... si Zack matino ang pag iisip nun, si kuya ine-explore pa nun ang buhay niya..."

"Kung sabagay may point ka eh.. alam mo bang muntik ko na siyang sagutin dati kung di lang dumating si Stanly."

"May ganung moments kayo?"

"Yeah, pero mahabang kwento.."

"Ano na girl? Sabihin mo na kay kuya na hindi talaga kayo pwede."

"Eh kasi naman eh Tanya kung sasabihin ko ba sayo to hindi ka magagalit?"

"Sure ano yun?"

Huminga siya ng malalim...

"Inlove ako sa kuya mo." Sabi niya habang naka pikit..

"Kay kuya Slate? Pinagtitripan mo ba ko?"

"No no no kay....... ano........ kay Stanly."

"Ano? Paki ulit mo nga?"

"In love ako kay Stanly."

"Ahhhhhhhhhh."

"Ahhhhhhhhhh."

Tilian kami habang kumakain ng mcfries shocks finally naman at umaayon sa itinakda ang lahat.. lumapit ang manager samin..

"Ma'am is there something wrong with the food?"

"Ohh sorry ms.manager were just having a teen age crisis."

"Ehhhh.."

"Yeah you can go now thank you."

Hayyy nako nakaka teen ager si Angelie....

"Pero may problema ako Tanya eh.."

"Ano nanaman?"

"Hmmm ano ba yan ang dami na kasing nangyari eh.. ang dami ko tuloy ikukwento."

"O sige na makikinig ako.."

Ayos humahaba ang pag uusap mas nagkaka chance na hindi matuloy ang date hehe..

"One night akala ko kami na ni Stanly..."

"Oh tapos?"

"Kasi habang natutulog siya sa kwarto niya, bigla niya kong hinawakan tapos ayun mabilis ang pangyayari..."

"Ano?? Angelie sinuko mo ang bataan??"

"Loka hindi! Ayoko nga no, kahit gaano pa ka lakas ang sex appeal ng gwapo mong kuya mo hindi ako bibigay. Nag kiss lang kami sa lips, smack lang naman."

"Ahhhhhhhhhhh." Ahem naku baka may lumapit nanamang asungot ayieh basta kinikilig talaga ako....... oh my gosh.....

"Oh tapos ano pang nangyari? Grabe ka girl ang habang ng hair mo sing haba ng edsa!"

"Ayun na nga akala ko kami na pero kinabukasan nag iwan siya ng letter sakin at nag sosorry hindi daw niya sinasadya yung nangyari.."

"Ano?? Hindi niya pa sinasadya yun ano ka ba ginagawa ka ata niyang tanga sinong taong hindi sasadyain ang pagkakatong yun, kung lasing pa siya mas maiintindihan ko pero di naman umiinom ng alak yun eh!"

"Ayy o nga pala nakalimutan kong sabihin na may sakit siya noong gabing yun kaya binantayan ko siya.."

"Ayy bongga yan o tapos.."

"Bongga sayong may sakit kuya mo?"

"Yung pagbabantay mo! Yun yung bongga."

"Loka!"

"O bilis na..."

"Hayyy nagsapakan sila ni Slate kaya noong time na yun puro pasa at black eye ang makikita mo sa pag mumukha niya.."

"Huh? Grabe hindi ako updated sa kanila ahh bakit daw sila nag sapakan??"

"Ewan, hayy naku ginawa ko na ang lahat para malaman pero sadyang malihim ang dalawa kaya di ko na pinagpilitan."

Tsk tsk tsk ano nanaman kayang kalokohan meron yung dalaang yun?? Hmmm pag umpugin ko sila eh hayyy...

Wala nakong mai topic... pati si Angelie wala na rin naku anytime magyayaya na tong umuwi.... kailangan kong maka isip ng paraan.

Tinext ko si Charlie...

"Charlie, call me now na."

Silence.... silence..... silence.....

"Tanya tar......." cring!!!!!!!!!

Jackpot!

"Wait lang Angelie...

"Hello?"

"Bakit mo ko pinatawag?"

"Ehh basta.. ahhh talaga?? Sige bestfriend pupunta na kami diyan... "

"Anong pinagsasabi mo?"

"Oo kami ni Angelie ui pagluluto ko kayo ahh basta ahh papunta na kami diyan kasama ko si Alex para naman mag kalaro na rin sila ng mga twins... oo sige bye love you girl muah.."

"Teka lang Tanya....."

Binaba ko na ang phone... hmmm girls night out haha..

"Tanya sino yun?"

"Si Charlie sino pa ba? O tara na pinapupunta niya tayo sa kanila..."

"Huh? Ehh may date nga kami ni Slate ngayon di ba?"

"So ipagpapalit mo kami sa kanya? O sige diyan ka na!" Tumayo ako...

"Tanya ano ba?? Nakapangako nako sa kanya eh..."

"Ikaw na nga rin mismo nag sabi na halos gabi-gabi kayo magkasama no! Ano ba namang sumama ka sakin minsan na nga lang tayo magkita..."

Napapa isip siya hehe naku naman Tanya kahit kelan hindi ka talaga pumapalya sa mga plano mo...

"Pero..."

"Ayy bahala ka!" Paalis nako...

"Teka sandali lang! Sige na nga sasama nako... miss ko na rin si Charlie."

Pumalakpak ako para kunyari natuwa ako, hindi niya alam tuwang tuwa talaga ako dahil naisahan ko si kuya Slate hehe..

"Teka lang tatawagan ko lang si Slate para sabihing hindi kami matutuloy.."

Hinablot ko ang phone niya..

"Oh no you can't basta behave na no cellphones ok? Dito muna yung phone mo sa bag ko."

"O siya siya sige na!"

Hayyy success..

"Kukunin ko na si Alex sa play area.."

"Sama nako .."

"Ok."

Hindi ko inaasahan ang nakita ko! Oh my God anong ginagawa ni Alex???

"Shocks Tanya awatin mo si Alex!!!"

"Huh?? Ayy oo."

Kinuha ko agad si Alex.. galit na galit siya sa isang bata dun kaya sinabunutan niya ng malakas..

"Mom she started it!"

"Hey quiet Alex."

"But mom she bumped me."

"Is that so?"

"Yes mom."

"Is that a good reason for you to hit her?"

"Yes mom I will punch her face, you ugly duckling!"

"Hey that's enough."

"But mom, I'm just protecting myself."

"I said enough Alex where's your manners? Huh? Apologize to her!"

"Mom.."

"Now!"

Lumapit si Alex sa baby girl at humingi ng apology.. but the girl seems that she don't wanna forgive Alex. Hmm may attitude din pala talaga ang bulilit na to, kung di ka lang bata baka tinuhod ko yang pagmumukha mo! Hayy pero cute naman siya kaya diko rin kaya hehe..

"Hi baby girl I'm so sorry for what happened." Ako na ang nag sorry at mabilis niyang tinanggap hayyy sa wakas naman at di nako uuwing nakukunsyensya sa ginawa ng baby Alex ko.. phew san niya ba namana ang ganung attitude? Ang tapang tapang kala mo di babae hayyy ...

Nakarating na kami sa bahay nila Charlie.

"Bestfriend!!"

Kinurot niya ang gilid ng tiyan ko..

"Aray ko naman!"

"Eh puro ka kalokohan eh, ano bang pinagsasabi mo kanina sa phone?"

Napatingin ako kay Angelie... tapos binulungan ko si Charlie..

"Ano ka ba?? Hwag mo nga akong bistuhin kay Angelie... sisirain mo plano ko eh may date sila ni kuya Slate ngayon at hindi pwede yun kaya ninanakaw ko ang oras niya ngayon.."

Agad namang nakisakay si Charlie sa trip ko..

"Hayy naku kayo naman kasi ang tagal-tagal niyo. O tara na dun tayo sa pool side."

"Teka lang magluluto muna ako no."

"Hwag na! Nag pa order nako ng pizza siguro mga 5 minutes nalang nandito na yun..

Dingdong..

"O andiyan na nga. Teka kukunin ko lang.."

Lumabas na si Charlie, hmmm kunyari pang galit galitan nag paorder din naman pala... tsk tsk sk..

Hmmmm matawagan nga si kuya Slate... ay teka mamaya nalang pag lutang na si Angelie hehe puyatan kami wohoww for sure dito na kami matutulog..

Angelie's POV

Sigh,.,.,.,., tama lang ang sinabi ni Tanya, pero nakukunsyensya pa rin ako ehh dapat hindi nalang ako pumayag na magpaligaw eh ayan tuloy namomroblema ako...

Hayy ewan hindi ko muna iisipin yan mag papakasaya muna ako kasama ang dalawang to, hayyy buti nalang sa kanila naka libre ako ng lunch makaka libre pako ng dinner hehe di magagalaw ang budget hayyy..

"Angelie, kumain ka pa." Sabi ni Charlie..

"Ayoko na busog na busog nako no at isa pa hindi niyo ko katulad dalawa, na kahit sandamukal ang kainin hindi tumataba... maka tatlong slice lang ako bondat nako no..."

Natawa silang dalawa hmmm wala akong nakikitang nakaka tawa sa sinabi ko pero sige na nga...

Nag kwentuhan kami ng nag kwentuhan di namin namamalayan ang oras. Tulog na ang kambal at si Alex.. tinabi nalang ni Tanya si baby Alex kay baby Zia hayy naku ang ku-cute talaga nila ang sarap nakawin kaya nga lang wala naman din akong ipapakain sa kanila ehehehe...

Inaantok nako kaya nga lang nag eenjoy pa kaming tatlo sa pag kukwentuhan.. grabe talaga kahit paulit ulit na nilang na kwento sakin ang buhay teen agers nila natatawa pa rin ako sa mga kalokohan nila... kinuwento nila ang mga lovelife nila.. ang buhay ni Charlie tungkol sa step sister niya etc. Hayy parang ang gaan gaan ng pakiramdam nila dahil nasasabi nila ang mga ganung bagay, tungkol sa pamilya nila pero ako, talaga atang makukulong na sa mga sikreto. Hayyy.

Tumabi si Zack kay Charlie pero pinapasok din namin agad dahil no boys allowed sa pool area ngayon.. sayang naman... masaya siguro kung lahat kami nandito eh.. si Andrew, Zack si Ice, si Clarisse at hayy yung Ramirez brother.. pero di bale na nga lang...

Cring........

"Hala si Andrew tumatawag."

"Sagutin mo na.." sabi ko..

"Bawal, girls night out remember?"

"Hayy nako tigilan mo ko Tanya! Kilala naten yan si Andrew hindi yan titigil hanggat hindi ka sumasagot.." sabat ni Charlie

"Ehh pauuwiin lang ako nun no!"

"Papatalo ka?" Biro ni Charlie..

"Of course not." Hayy ito nanaman..

"Hey Andrew.."

"Hoy nasaan kayo ni Alex?"

"Basta."

"Anong basta? Umuwi na kayo!"

"Anong uwi? Bakit ako uuwi? Ehh nag eenjoy ako kasama ang mga boys.. subukan mong hwag umalis sa bahay everyday baka hindi ako maghanap ng iba.."

Nagpipigil ng tawa si Charlie..

"Ano!? May kasama kang lalaki diyan!?"

"Yup umm siguro mga sampu."

"Hindi pwede! Humanda sakin yang mga yan! Tandaan mo!"

Natatawa na rin si Tanya..

"Nasaan ka ba??"

"Ummmm hulaan mo!"

"Isa!"

"Go Kanor dance with me!"

"Kanor?"

Tuluyan na kaming natawa kaya di na rin nakapag pigil si Tanya at sinabi na niya kung nasaan siya.. agad na pumunta si Andrew dito at naka pang tulog na hayyy ano ba to? Boarding house? Hay ewan.

"Matulog ka na nga Andrew tingnan mo nga ikaw lang lalaki dito oh.."

"No." Niyakap niya si Tanya ng mahigpit.

Pinalo-palo ni Tanya si Andrew..

"Hoy hindi ako makahinga... bitiwan mo ko."

Tahimik lang si Andrew na parang walang naririnig..

"Andrew ano ba??"

Wala pa ring kibo hanggang sa maya maya pa at..

Hinalik-halikan niya si Tanya mula balikat hanggang sa lips grabe ang pda nila tiningnan ko si Charlie at kilig na kilig.. grabe dumami bigla ang mga langgam.. pati ako kinakagat na sa kilig hayyy sana lang at hindi pa ubos ang ganyang uri ng lalaki. Lakas ng trip nilang mag asawa di ko ma take hayyy.

Continue Reading

You'll Also Like

706K 14.9K 42
Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama s...
524K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
18.9M 202K 76
This story is now published under Summit Media's SIZZLE. Available in all leading bookstores and stores nationwide.