L.A SIDE STORY #1: THIS FOOL

By asrah028

260K 6.3K 937

When mea's mom died when she was 5 years old, hindi na ito kinausap ng kanyan ama. They even consider her as... More

LABYRINTH ACADEMY : THIS FOOL
CHAPTER ONE
CHAPTER 2: THE TRANSFER STUDENT
CHAPTER 3
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7: WHAT MAKES YOU DIFFERENT
CHAPTER 8: LUCKY GIRL
CHAPTER 9: ANG MGA SIDE KICKS NI MEA
CHAPTER 10:BIRTHDAY
CHAPTER 11: SO SLOW
CHAPTER 12:SKIP TO THE GOOD PART
CHAPTER 13: Wherever you are
L.A SIDE STORY#1: FINALE

CHAPTER 14:

9K 307 52
By asrah028

Sorry guys kung ang tagal bago ko nakapag update. Naging busy kase kaya ayun. Pero sana kahit ganun magustuhan niyo pa rin yung update.

Enjoy reading Guys!

xoxo,

asrah028

CHAPTER 14:

TWAYLEM

Maaga kaaming pumasok ngayon, dahil may kukuyugin kami. Isang nag iinasong babaeng mukhang talampakan ni Donald. Hindi alam ni Mea ang tungkol dito, dahil sinadya naming itago ito sakanya.

''Ayan na pala siya e.'' turo ni Jodee na noo'y ngumunguya ng bubblegum. Natigilan ito sa pag lalakad ng makita niya kami. Inirapan ko ito, tinignan mula ulo hanggang paa. Oo maganda ito, magandang sipain papalabas ng outer space.

''Anong ginagawa ng mga losers dito?''

''Losers? Are fvcking me??'' maarteng sagot ni Ava.

''Nandito kami para pasabugin yang pagmumukha mo.'' sagot ni Donella na noo'y nangagalaiti na sa galit.

''Ohh, I'm scared.'' nagkunwari itong natatakot. Samantalang ako nanahimik lang. Nag cross arms ito at tinignan kami mula ulo hangga paa.

''Oh? Tinitignan mo pa kami ng ganyan? Ahh, okay. Gets ko na, kaya tinitignan mo kami mula ulo hanggang paa kase nag oobserve ka. Kase magaganda kami, kasi pangit ka. OKAY. Sabagay sa itsura mong yan mukha kang carbon copy.'' Jodee added.

''Excuse me? Nag oobserve? Yuck! Kung kayo lang, wag na. Lets go na girl malala----'' inikot nito ang mata nito.

Sumabat si Ava sa linalakaran nina Trixie.

 ''Kung gusto mong tumakbo, sorry wala akong balak patakasin ka.'' liningon ako ni Ava.

''Girls, alam niyo na ang gagawin.'' sapilitan naming ipinasok si Trixie sa pink na kotse ni Donald. ''Ano bang ginagawa niyo? Na... Remy! Tawagin mo yung mga--- ouch!! Buhok ko!!''

''Shut up!'' sabay sampal at subo ni Donald sa ginamit niyang medyas sa bibig niya. ''Subukan mo pang mag salita, ipapanguya ko sayo yung mga ingrown ko!''

''Eww, that's disgusting.'' maarteng sabi naman ni Jodee.

''Excuse me, arn-arn bawal ang pet. Siya lang kailangan namin hindi ikaw.'' sabay tulak dun sa kaibigan niyang nag iinaso din. Pagka pasok namin at pagka sarado ng pintuan ng kotse

''Step in Donald.'' naramdaman kong hinila ni Trixie yung kaka hair spa kong buhok.

''Sabi ko na sayong huwag kang magulo e!'' ipinwesto ko yung mga daliri ko sa may patilya ni Trixie, at doon ko siya sinabunutan.

''Ano? Masaket? Sige lang, pag nagdilim paningin ko ihahagis kita papalabas sa kotseng 'to!'' kaimbyernang bruhang 'to!

Gamit nung electric tape itinali ni Donella yung kamay ni Trixie. At pinutol ni Ava yung mahahabang kuko ng bruhang 'to.

Goodbye acrylic nail art.

Nang marating na namin yung abandonadong bahay sa tapat ng bahay nina Harper, bumungad sa amin yung ate niyang kanina pa nang gagalaiti sa galit.

''Omg! Anong ginawa nila sayo Trixie?''

''Geez, nakikita mo naman siguro bakit nag tataanong kapa?'' sabat ni Donella na noo'y hawak hawak sa braso si Trixie.

''Mga demonyo talaga kayo! Mga kampon ni satanas!!'' pasigaw na sabi nung ate ni Mea habang sinusubukan niyang kalasin yung pag kakatali niya sa kamay.

''Bawal ang maingay!! Pag di ka nag tigil sisindihan ko yang mahaba mong buhok!'' sabi ni Jodee dun sa ate ni Mea.

''Ngayon.. Anong pumasok sa mga kokote niyo at pinipilit niyong pag hiwalayin yung mga kaibigan namin?!'' pasigaw na sabi ko sakanila, halos mag yakap at magkapalit na ang mga mukha nila dahil sa sobrang lapit sa isa't isa.

''Wala kang pake alam! Anong magagawa mo kung sa uto uto yung kapatid k---'' lumuhod ako at hinawakan sa mukha yung ate ni Mea.

''Alam mo na palang ganun yung kapatid mo, bakit kailangan mo pa siyang ganunin?!''

''Because she's stupid!''

''Stupid? Huwag mong ma stupid-stupid ang kaibigan ko kung ayaw mong ingudngod ko yang ngipin mong may bakod sa simento!'' sabi ko sakanya habang hawak hawak ko parin siya sa mukha.

''Ipapapatay ko kayo! I dedemanda ko kayo!'' mangiyak ngiyak na sabi naman ni Trixie.

''Go, mag demanda ka! Hindi kami takot.'' sabat naman ni Ava na noo'y may hawak na paddle. Hindi na ako mag tatanong kung para saan yun, kase yung ganung makapal na kahoy, inihahampas lang sa makakapal ang mukha at balat.

''Pero hindi ko ma aassure na makakalabas pa kayo ng buhay dito. Like what you've said earlier, mga demonyo kami.'' saad pa ni Riyee.

''Gusto niyo ng pera? Kahit mag kano ibibigay namin, basta pakawalan niyo lang kam--'' napapikit ang dalawa ng biglang mambasag ng bote si Donald.

Tumayo ako, at pinag masdan kung paano magyakap ang dalawa.

''Ano yan? Minamata niyo kami? Mga tiririt na to, hindi kami poor. MAS MAYAMAN PA KAMI SA INYO! Kaya huwag kayong mag asta na animoy mga dukha kami! Mga eklabung to.'' pag aalburoto pa ni Donald.

Nang sasampalin na ni Jodee yung ate ni Mea, natigilan ito sa biglang presensya ni Mea. Sumigaw ito kaya umatras na si Jodee. Siguro nga'y bitch si Jodee, pero ayaw niyang nakikitang umiiyak si Mea.

Yeah,  yeah, yeah, tama kayo. May puso ang klepto.

''ANONG GINAGAWA NIYO?!'' tumakbo si Mea papunta sa ate niya.

''Mea, tinuturuan ko lang sila ng--'' sabi ni Jodee.

''Pwede ba huwag niyo akong pake alaman!?! Kaya ko ang sarili ko! Ate okay ka lang?'' tanong niya sa ate niya. Sa mga oras na to, gusto kong sabunutan si Mea.

Baket? Kase ang tanga niya.

''Bat ba ngayon ka lang?! Tignan mo nga ginawa sa amin ng mga sira ulo mong mga kaibigan!'' napahawak nalang ako sa bewang ko habang pinag mamasdan kong lait laitin ng bruhang to ang kapatid niya.

''Alam mo Mea? Sarap i-umpog ng ulo mo sa pader. Tao ka, dapat rine-respeto ka hindi ginaganyan. Hanggang kailan ka magiging ganyan? Hanggang kailan ka dedepende sa iba? Mea hindi sa lahat ng pagkakataon kaya ka naming protektahan at ipag tanggol.'' nagsalita na si Harper. Samantalang ako, pinag mamasdan lang kung paano mag pakatanga at magpaka gaga itong si Mea.

''Alam ko mabait kang tao, pero lahat ng sobra ay masama. Kahit minsan man lang sana sa buhay mo, maipagtanggol mo yung sarili mo. Hindi yung ha-hayaan mo nalang. Hanggang kailan kaba magiging ganyan? Maawa ka nga sa sarili mo!'' sabi naman ni Riyee.

''Kahit anong sabihin niyo sa kapatid ko sa akin pa rin siya makikini--'' hindi na ako nakapag pigil at nasampal ko na ang ate niya.

''Shut up! huwag mo siyang diktahan! Kaya nga may utak tayo, para makapag isip hindi para kontrolin ng utak ng iba.'' inikot niya ang mga mata niya,

''Bakit ba ang dra-drama niyo? Yan? ipinag tatanggol niyo? Oh please..  Paano niya ma re-realize yung mga sinasabi niyo kung ang hina hina ng kokote niya?!'' lumapit si Jodee, inihiga niya ang ate ni Mea, sumakay siya sa may tsan niya at pinag sasabunutan niya ito.

''Wala kang karapatan na pag sabihan ng ganyan yung kaibigan namin! Mea! Ano ba?!! Lumaban ka naman.''

''Hayaan niyo nalang ako, sana'y na rin naman ako.. Tsaka hindi naman totoo yung sinasabi niya.'' kalmadong sagot naman nito sa amin.

''Lalait-laitin ka ng iba, tapos hahayaan mo nalang? Oo hindi totoo yung sinasabi nila, pero Mea hanggang kailan ka nila gaganunin? Hanggang kailan ka papayag na yurak-yurakan nila yung pag katao mo? Pag sirang sira kana at hindi kana maka tayo?'' tumahimik lang ito.

''Mea lumaban ka naman. Hanggang kailan ka mag papa aragabyado?! Walang masamang lumaban, basta alam mong nasa tama yung pinaglalaban mo, at lalong walang masama kung ipag tanggol o depensahan mo yang sarili mo.'' halos mag labasan na yung mga ugat sa leeg ni Jodee ng sabihin niya yun kay Mea.

''Kaya nga tayo may bibig, para masabi mo yung nasa isip at nararamdaman natin.'' saad pa ni Donella.

''Ipagtanggol mo yung sarili mo, lalo na't alam mong ikaw yung nasa tama.'' - Ava

''Hindi na kailangan, mas okay na yung gan--to.'' napalook down ito. Kung hindi ako nag kakamali, papaiyak na siyaa.

''Tapos mag rereklamo ka na nasasaktan ka? Ikaw din naman yung may kasalanan, kase binibigyan mo sila ng rason para lait laitin ka.'' sabi ko sakanya.

Linapitan ko si Mea,

''Sorry, pero kailangan kong gawin 'to.'' sinampal ko siya ng napaka lakas.

''Twaylem..'' sigaw nilang lahat sa akin.

''Sinampal kita, baka sakaling magising ka. Baka sakaling maalog yang maliit mong utak at ma realize mo na sobra na yang kabaitan mo. Tandaan mo Mea, you deserve to be happy.  Hindi ganto, yung kino-controll ka, ano ka? Robot? Tabi nga! Nakaka badtrip e.'' pagkatapos nun, umalis na ako..

I love Mea so much, pero hindi ko na ma take ang katangahan niya.

So annoying. *roll eyes*

SA KABILANG DAKO NAMAN

DARTH

''Pare! Inom pa *hiks* tayo!'' nag wa-one on one kami ngayon ni Kyd dahil hindi siya sinipot ni Riyee sa lakad nila dahil nahuli siyang nag chi-chicks.

''Pare, may blade kaba diyan?'' malokong tanong ko kay Kyd na noo'y lasing na.

''Aanhin mo *hiks* ang blade pre?''

''Pre, mag papakatamatay na ako. Sakit pre, ppers *hiks* taymm kong *hiks* masampal. Sa gwapo kong to pre? Nasampal *hiks* ako!'' pinuno ko yung baso niya ng vodka.

''Pre, mas maganda yung chainsaw. *hiks* mababaw lang makukuha mong sugat sa blade. Gasgas lang yung makukuha mo dun pre!  Bwahahahhahahahahah'' sinampal sampal ko ng marahan yung makapal na mukha ni Kyd.

''Matalino ka pala *hiks* pre! ahahha Mu----maya pre, bibili ako nun. *hiks* ikaw una gagamit ha??'' pag sasang-ayon naman ng tungaw na to sa akin.

''Sige pre.. *hiks* cheeeeeeeeeeeers!'' sinalinan ko ulit ng Vodka yung baso namin.  Nag kampay at uminom ng sabay.

''Pre! Sayaw tayo''  napatingin ako sa dance floor, Careless Whisper pa naman yung tugtog.

 ''Sige pareng Kyd, *hiks* pag bibigyan kita! Bwahahahaha''

Dahil walaa na sa tamang katinuan pumayag ako. Tumayo ako at pumunta kami sa gitna ng dance floor. Oo, wala na kami sa tamang katinuan at sumayaw kami na para bang may prom na may pag ka agogo dancer.

''Sexy ko no pre?'' sabi ko kay Kyd. Tumawa lang ito ng tumawa.

Sa kalagitnaan ng sayawan

''Kyd, sobrang sakit nung pag iwan sa akin ni Mea. Para bang tinadtad pre. Parang may sugat puso ko tol! Ang hapdi.'' tumawa ito, at bahagyang pinat ang balikat ko.

''Pre saglit may pupuntahan ako.''

''saan ka pupunta pre? Ang daya mo naman *hiks* Hindi pa tapos ang slow dance natin!''

''Shhh'' pagpapatahimik nito sa akin.

''Babalik ako pare huwag kang mag alala..''

''Saan kaba pupunta??''

''Pre pupunta ako ng drug store, bibili ng betadine''

''Anong gagawin mo sa betadine? Iinumin mo?''

''Pre sabi mo may sugat puso mo, lagyan nating betadine baka sakaling mag hilom.'' sabay ngiti nito ng nakaka-gago. binatukan ko ito.

''Gag*, huwag ka ngang mag patawa. Siryoso ako!''

''Siryoso din ako!''

Tinotoo nito ang sinabi niya. Ewan ko nalang kung anong mangyayare sa susunod.

Pero mga pare, sakit palang ma broken hearted.

MEA

Simula noong nangyare kanina ang dami kong na realize. Una sa sarili ko, pangalawa sa buhay ko. Napalingon ako sa may gawing kanan ko at nakita ako yung Slambook na nakapatong dun sa study table ko. Bigla ko tuloy naalala na sumulat dun si Darth.

Inabot ko yun at binasa..

 

Name: Darth Mcdowell

Nickname: Darth

Skip na tayo, alam ko na lahat ng tungkol sakanya e. Maliban nalang dito sa part na to.

''Confidentially''

DESCRIBE YOURSELF:Tao. Nilalang. May ngipin may ilong. May mata, gwapo.

Friendship means: mga taong tatanggapin ka, kahit gago ka.

Ideal girl/boy: simple lang, may isang ilong may mata. Basta normal na tao.

CRUSH MEANS: Tanong mo sa nag imbento ng tanong na yan.

WHO IS YOUR CRUSH: Yung batang babaeng nakita ko 13years ago.

 

WHAT ATTRACTED YOU MOST: Yung kamangmangan niya.

WHO IS YOUR LOVE?: Hindi ko alam pangalan niya e. Ang kulit.

WHAT IS YOUR FIRST GIFT TO YOUR LOVEONE?: LOLLIPOP.

Message for your love one: Hoy batang parang may tipus! I'm still waiting for you batang adik sa lollipop. Kelan kaba babalik? I'm Darth, anong pangalan mo?

Nang mabasa ko yun, para bang nag flash back lahat, oo tanga ako kase hindi ko alam kung paano ko siya ipag lalaban. Tagal ko siyang hinintay, tapos iiwanan ko lang siya sa ere ng ganun ganun na lang..

''Wala naman sigurong masama kung kakausapin ko na siya diba??'' tanong ko sa sarili habang yakap yakap ko yung slambook ko.

Pero, baka galit sakin yun e. Maya-maya pa'y napansin ko yung cellphone ko. May 3 missed calls na ako, nang tumawag ulit ito, sinagot ko na agad.

*

''Hello Mea, kasama mo ba si Darth??''

''Hindi ate, baket?''

''Hindi pa kasi siya umuuwi.'' tinignan ko yung orasan ko, mag twe-twelve na. Saan naman kaya mag su-suot yun?

''Pwedeng paki tawagan naman yung mga kaibigan niya. Baka kung saan kasi siya pumunta. Umalis kasi siya ng walang pasabe.''

''Sige ate, tatawagan nalang kita pag may balita. Huwag kang mag alaala, tutulungan kita.''

''Salamat Mea.'' pagka end ng call, tumayo ako at kinuha yung jacket ko. Isa lang ang lugar na pwedeng puntahan nun.

''Pag wala siya dun, hindi ko alam kung saan siya nag su-suot.'' kahit wala pa akong lisensya, ginamit ko yung sasakyan namin para hanapin siya. Pumunta ako sa lugar kung saan siya madalas tumambay.

Tama nga ako, nandun nga siya. Sa lugar kung saan ko lagi siya nakikita.

''Mga siraulo talaga..'' ipinarada ko muna yung sasakyan sa tabi, at lumapit sakanya I mean, sakanila.

Nadatnan ko si Kyd na naka handusay sa may damuhan at nakayakap sa mga cactus. Tila ba nag papaliwanag ito sa cactus at nag sosorry. Pero teka nga, hindi ba masakit yung pag yakap niya sa cactus?? Samantalang si Darth, naka upo lang at naka yuko.

''Darth..'' amoy chiko siya. Lasengo talaga..

''Mea..'' bahagyang niyang binuksan ang mga mata niya, at hinaplos ang mukha ko. ''Ikaw ba yan??''

''Oo, ako 'to. Halika na i-uuwi na kita. Kailan kapa natutong mag lasing?'' nabigla ako sa susunod na ginawa niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

''O..oy! Oy! Ano yang tinitingin m---'' inilapit niya lalo yung mukha niya sa mukha ko.

''Darth..'' ngumisi ito,

''Mukha ka talagang siopao.'' and that's it.  Hinalikan niya ako, this time hindi ako yung nag first move. Siya na.

''Daa...'' yinakap niya ako ng napakahigpit at umiyak ito na parang bata.

''Saan kaba kase pumunta, bakit mo kase ako iniwanan??''

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Twaylem, pag si Darth nalalasing nagiging iyakin ito.

''Tss, lasenggero ka. Pasalamat ka't mahal kitaa kung hindi.. Nako!'' pero ng mapatingin ako sa mukha niya.

OhMyDarth! Gwapo talaga!

Tinawagan ko si Venos para sunduin si Kyd, para iuwi na ito sakanila. Hindi naman kalayuan yung bahay nila Venos dito e, kaya siya na ang tinawagan ko.

----

Idineretso ko na si Darth sa kwarto niya, inihiga ko na ito dahil ang bigat bigat niya.

''Mea, bantayan mo muna kapatid ko. Kukuha lang ako ng malamig na tubig at towel. Para mahimasmasan yang sira ulong yan. Mag lalasing di naman kaya.''

''Sige po ate Makenzi.'' paagka alis ni ate Makenzi, lumapit ako kay Darth. Hinaplos ang buhok niya.

''Mea..''

''Gising ka??'' inosenteng tanong ko sakanya.

''Mea.... Huwag mo na akong iiwan.'' hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

''Hindi ako aali---''

''Dito ka lang, baka mamaya pag gising ko wala kana sa tabi ko.''

''Hindi ako aalis Darth sabi e.. Ang kulit, Dito lang--'' hanggang sa hinila niya ako papunta dun sa bed niya.

''Hindi nga ako aalis Dar--'' *gulp*

''Hindi kita bibitawan kaya sana huwag kang bumitaw.'' yinakap niya ako ng napakahigpit. Parang nalalasing na rin ako sa amoy ng hininga niya,

''Tanong ko lang Mea..''

''Lasing kaba talaga Darth? Ang... Weird mo!'' sinusubukan kong itulak papalayo yung mukha niya sa akin.

''Sagutin mo muna tanong ko.. Bakit mo ako hinanap? Labas sa ilong yung pakikipag break mo sa akin no?? Sabi ko na nga ba.. Hindi mo ako matitiis.'' narinig ko itong tumawa ng nakakaloko.

''Napaka confident mo ha?'' tumawa ito at liningon ako.

''Huwag mo na ulit gawin yun ha?''

''Baket? Eh kung gawin ko ulit may magagawa kaba?''

''Wala. Pero huwag mo na ulit gawin yun.'' kalmante nitong sabi sa akin.

''Baket?''

''Kase... Masakit.'' tumahimik ako ng sabihin niya yun.

''This Fool is deeply inlove with you Mea. Kaya huwag mo na akong iwanan, kase baka mabaliw ako.''

Hindi na ako umalis pa sa pwesto ko, bakit pa ako aalis. Alam ko na naman na abot kamay ko na yung kalahati ng buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 6K 1
My name is Blake... I had an accident few months ago.. And after that accident I started having these dreams.. I always dream about this girl.. And I...
91.6K 2K 13
Megan Elizalde, an independent woman who loves to play with people's feelings. She loves to see them suffer because of love. She's merciless, she's c...
103K 1.5K 44
Keep Holding on Minsan.. akala mo kuntento ka na sa buhay mo.. na masaya ka na sa mundo mo.. mahal mo xa at mahal ka nya.. sapat na.. ...
3.4K 84 10
Anong kaya mong gawin para sundan ang lodi mo?