The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Thirty Five :)

182 5 2
By DianaAranda

Chapter 35- Worst

A/N: Ito na ata pinakamahaba kong natype para sa TCG. Haha. Maraming mura dito. Read at your own risk. Enjoy!

Kahit na nangako ako kay Adam na mananatili lang ako kung saan nya ako iniwan, umalis pa din ako. Hindi ko gusto ang nakita ng mga mata ko. Bakit kasi kailangan pang magsinungaling? Maiintindihan ko naman kung magpapaliwanag sya diba?

Hindi ko binitawan ang tingin ko sa dalawang iyon habang papalapit sa kanila. Hah! At meron pa syang lakas bg loob ng tumawa kasama sya pagkatapos nyang magsinungaling sakin?

At may yakap pang kasama ha? Of all people, never kong nakita si Ice na cheating type. Oo, gwapo sya at mukhang may kakayanang gumawa ng masama. But I chose to believe dun sa kilala kong Ice. Alam kong Ice will never cheat on me nor will he even think of doing it. Pero sa nakikita ko ngayon? Shet! Gusto ko sanang panghawakan ang pinaniniwalaan ko ngayon, pero mahirap talaga pag nauunahan ka na ng inis at galit!

Pumasok ako sa loob ng shop. At kahit nakasimangot ako, ngiting ngiti pa din akong sinalubong nung isang babae. Iilan naman ang tao sa shop nila so kaya nila akong i-accomodate. Taas kilay akong lumapit sa isang rack na malapit doon sa dalawa, trying to spy and eavesdrop on their conversation.

Nagkunwari akong namimili ng damit sa rack. Nandun pa din silang dalawa na nakatayo at pinag uusapan kung alin ang mas maganda dun sa dalawang dress na hawak nya.

"B, who called pala?" tanong nya. B? So, no first name basis huh? B? Grabe. Di ko mapigilang matawa. B? Hah! And the way she say it, Gosh! Putang-ina! Boyfriend ko yan! At ang gago kong boyfriend, ayun! Ngingiti ngiti lang!

This feeling is very foreign for me. Hindi ko naman 'to naramdaman kay Noah. Pero si Ice? Putang-ina lang. Sino sya para iparamdam sakin 'to? Shit!

"It's Cream." sagot ni Ice. Biglang tumaas ang kilay nya. Aba't! Ahitin ko yang kilay mo. Tingnan ko kung mapagtaasan mo pa ako ng kilay!

"So? What did she said?" maarte pa nyang tanong. Pilipitin ko yang dila mo eh.

Lumipat ako sa sunod na rack. Still, pretending na namimili lang ako ng magandang damit. Baka nga naman may magustuhan ako diba?

"She asked me where I was." Ice answered. Right again, boyfriend. But you answered me wrong.

"God! Cream is so clingy! And pathetic!" She rolled her eyes. Napa awang ang bibig ko. Ako? Clingy? My boyfriend is with someone right now and I just wanted to ask where he is, tapos sasabihin nya na clingy ako? At dinagdagan pa nya ng pathetic ha? Wow.

"Blue, Cream is still my girlfriend." matigas na sabi ni Ice.

"Oh? Eh what did you answer?" she asked.

"That I'm in my aunt's house! I can't tell her I'm with you."

"Why? Kasi natatakot ka na mahuli nya tayo? So not you Ice!" natatawang sabi ni Blue.

Huminga ako ng malalim. Lumipat ulit ako ng rack. This time, doon sa place na kitang kita nila ako.

To introduce my presence, nagsalita ako sa saleslady.

"Miss, may ibang kulay ba na availabe 'to?" tanong 'ko habang nakatingin dun sa dalawa. Halos mawalan ng kulay ang dati ng maputlang mukha ni Ice. I gave him my sweet smile and pretend na kakikita ko lang sa kanya.

"Oh, Ice!" lumapit ako sa kanila. Nakataas lang ang kilay ni Blue sa akin.

"Cream." mahina nyang banggit sa pangalan ko. That's right Ice, Cream is my name. Cream is the name of your girlfriend. And Cream, is the name of the girl, who will slap the face of the bitch standing next to you kapag umimik pa sya ng sala.

"So, kelan pa 'to naging bahay ng tita mo?" Taas kilay kong tanong.

"Baby, let me explain." Oh, so we are back with the terms huh?

"Oh. Don't worry! Hindi ko pa naman napapatunayan na nagsinungaling ka. Malay mo naman, bahay talaga to ng tita mo." pinandiinan ko pa yung word na 'tita mo'

Ice played with his lips at mukhang nag iisip ng ipapalusot pa sa akin. Tumingin ako kay Blue na masama na ang tingin sakin. If looks could kill, malamang napatay na ako neto. Pero don't worry Blue, matagal na kitang brutal na pinatay sa utak ko.

"Ah! Alam ko na!" pinalakpak ko pa ang kamay ko. May ilang napatingin sa amin. "Sya yung tita mo?" turo ko kay Blue. Nanlaki ang mata nya at bumuka ang bibig nya. That's what you get for calling me clingy and pathetic!

"What the hell!" she hissed. I raised an eyebrow on her.

"Cream, let's go outside." hinawakan ako ni Ice sa braso ko at nagtangkang hilahin ako.

"Oh, teka lang! Bibili pa ako ng damit! Besides, we're definitely not done here."

"Blue, umuwi ka na." utos ni Ice.

"What? Bat—" sinighalan nya ako at inabot sa sales lady na nasa likod nya ang dalawang damit na hawak nya.

"Oh! Wait lang! Hindi pa tayo tapos eh!" tawag ko kay Blue na dere deretso lang.

"Cream, tara na." Aya ni Ice. Hinawakan nya ako sa kamay ko pero nagpumiglas ako.

"Tita Blue!" I called.

"Cream!" saway ni Ice.

Tumigil naman sa paglalakad si Blue at humarap sa direksyon ko. Now, I got her attention.

Lumapit ako sa kanya. Kita kong nagpipigil lang sya ng inis. Naramdaman ko ang kamay ni Ice sa braso ko.

"Cream, tara na!"

"No! Hindi pa ako nakaka pag hi sa Tita mo!" Blue rolled her eyes on me.

"Miss, maniniwala ka ba pag sinabi kong Tita sya—" tinuro ko si Blue "—nito?" tinuro ko si Ice.

"Po? Akala ko po—"

"Exactly! Mukha silang mag syota." I said finishing the sentence.

"He's my boyfriend, by the way. And she?" napaismid ako habang maarteng nakaturo kay Blue. "Kabit ng boyfriend ko."

"Cream!" Saway ni Ice. "Blue, I told you to leave! Wag mo na syang pansinin!" sabi pa ni Ice. Napataas ang kilay ko.

"You know what Ice?" I said, trying to calm myself. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din naman sya sa akin.

"Putang-ina mo." I said then leave both of them there. "Magsama kayong dalawa." Nag walk out ako at umalis na. Shit! Hindi ko man lang nagawa ang gusto ko! Gusto ko sanang lagyan man lang ng pasa ang mukha ng malanding iyon!

I get it! Mag best friend sila! But that was before! So, ano 'to? All along, sa buong buwan na halos tatlong beses lang kami nakapag kita ng boyfriend ko na ngayon ay ex na, silang dalawa ang naglalandian? Ano 'to? Feelings rekindled?

"Cream! I was looking for you—"

"Umalis na tayo." matigas kong sabi.

"Ha? Hindi pa tayo nakakabili—"

"I said, umalis na tayo, Adam!" nagitla sya sa bahagya kong pagtataas ng boses sa kanya. Agad namang kumunot ang noo nya.

"Wait, is there something wrong?" He asked.

"Why don't you ask your brother then?" inis kong saby sabay tuloy sa paglalakad.

"Cream!" narinig kong tawag ni Ice. Of course, he'll come running after me. Paiikutin nya lang ako sa kasinungalingan nya.

Hindi ako lumingon, syempre. Alam ko namang susundan ako ni Adam.

"Oh My God!" sigaw nung isang babae. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa pinaggalingan ng sigaw na iyon.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Adam at Ice na nagsusuntukan. Agad akong tumakbo papunta sa kanila para pigilan ang dalawa. Shit! Sa lahat naman ng lugar, dito pa talaga!

"Ice!" tawag ko para pigilan sila. Tumingin sya sakin dahilan para masuntok sya ni Adam ng malakas.

"Adam!" hinila ko si Adam para pigilan ang dalawa.

"What now Cream huh? Ba't ka nadyan? You're supposed to be on my side! Ano?! Ba't ka nadyan?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ice. How dare him accused me of cheating!

"Tang-ina mo Ice. Wag mo namang ibintang sakin yang ginagawa mo. So ano 'to? Pasahan? Ikaw yung nanloko sating dalawa. Kaya wag mo kong susumbatan na niloloko kita. You cheated, I left! Isnt that what you want?" hingal na hingal ako sa pagsasabi nun. Hinawakan ko sa braso si Adam at hinila palayo. Kita kong nagdudugo ang labi nya. Shit!

Nag insist si Adam na mag drive pero di ko binigay sa kanya ang susi. Ako ang nag drive ng kotse. Wala kaming imikan sa sasakyan. Buong byahe nyang tiningnan ang labi nya na dumudugo at pumutok sa suntok ng kapatid nya.

Galit kong binagsak ang pintuan ng sasakyan. Dumiretso lang ako sa loob ng bahay papuntang kusina. Mukang nagulat pa ang mga katulong sa pagdating ko. Agad akong naghanap ng ice bag para sa pasa ni Adam. Kinuha ko na din ang first aid kit sa cabinet. Sumunod lang ng sumunod sakin si Adam.

Padabog ko pang binigay sa kanya ang ice bag at pinaupo sya sa sofa sa living room. Galit kong binuksan ang first aid kit. Tiningnan ko ng masama si Adam.

"Bakit ka nakipag suntukan sa gago mong kapatid?" tanong ko. Inirapan nya ako.

"Gago eh." maikli nyang sagot. Kinuha ko ang cotton buds at nilagyan iyon ng betadine para malinis ang sugat sa labi nya. Nakalagay naman sa kaliwang pisngi nya ang ice bag.

"What happened?" singkit mata nyang tanong. Tinapunan ko sya ng tingin sabay lapat ng cotton buds sa labi nya.

"Aray!" reklamo nya.

"Sorry." Nalagay ko ata ang inis ko sa kanya.

"Ayun, nahuli ko ang kapatid mo kasama ang kabit nya." muli kong nilapat sa labi nya ang cotton buds.

"Si Blue?" he asked. Hindi ko na kailangang sumagot.

"I'm sorry." sabi nya.

"Ba't ka nag sosorry?" I asked. "Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan."

"Alam ko yung tungkol dun. Pero di ko sinabi sayo. Sorry." Napatigil ako sa pag gagamot ng sugat nya at napatitig sa kanya.

"You know about it?" Singkit mata kong tanong. "Tang ina Adam, alam mo? Pero di mo sinabi sakin?"

"I can't tell it to you kasi iiyak ka!"

"Tang ina. Anong gusto mong gawin ko pag sinabi mo sakin 'yun? Tatawa?" I said sarcasticly.

"Cream.."

"No Adam. So, ako na lang di nakaka alam? Ano 'to? Pinaglalaruan nyo ba 'ko?"

"No! I swear I wanted to tell you! Naghahanap lang ako ng tamang timing.'

"Timing? Shit. Kelan pa nagkaroon ng timing sa ganyan?"

"Cream, kakampi mo 'ko dito. Please don't get mad at me."

"I'm not mad at you, okay? Naiinis lang ako." muli kong binalik yung focus ko sa paggamot ng sugat nya. I actually wanted to ask more questions. Pero hindi ko magawa. Dahil natatakot akong marinig ang nga sagot.

Nanatili lang si Adam samin saglit. Nawalan na ako ng gana mag ayos ng Christmas Tree namin. Pinauwi ko na si Adam para magpahinga. I warned him not to throw punches again.

Nung gabi, kinatok ako ng katulong sa bahay. Nasa labas daw si Ice at ayaw umalis. Gusto daw akong makausap. Sabi ko paalisin na nila dahil hindi ko naman lalabasan ang isang iyon. Buti na lang at nasabihan ko ang guards kanina na wag papasukin si Ice.

Nagising ako kinabukasan na determinadong mag ayos ng Christmas Tree. Adam volunteered himself kaya hinayaan ko na tumulong sa akin. Yung katulong na lang din ang pinabili ko ng dagdag na decors. Sinabi ko na lang ang gusto kong disenyo.

"Mam, di pa po naalis si Sir Ice." sabi nung katulong sakin pagka abot ko ng pera pambili ng extra decors. Napataas ang kilay ko.

"Hindi sya umalis kagabi?" I asked.

"Hindi po. Mam, gusto po talaga kayong makausap. Kausapin nyo na po kaya?"

"Bilisan nyo na lang po ang pagbili. Nakausap ko na si Manong, ipagdadrive nya kayo." Hindi ko pinansin ang sagot nya.

"Sige po."

Kinuha ko ang phone ko at binuksan iyon. Puro text lang ni Ice ang nandun. I texted him na umalis na sya.

Pagdating ni Manang, tinanong ko kung nandun pa ba si Ice, umaalis na daw. Buti naman.

Tinulungan ako ni Adam sa pag aayos ng Christmas Tree. Buti na lang at kahit papaano, nakalimutan ko ang kagaguhan ni Ice.

Hell, ni hindi nya deserve ang mga luhang iniyak ko kagabi. Pero shit! Iniyakan ko sya! Tang ina lang talaga.

Kinabukasan, pumasok ako sa school. Absent si Ice. Buti naman. Nakasalubong ko si Blue na nakataas ang kilay. Tinaasan ko din sya ng kilay. Subukan naman nyang gerahin ako, kayang kaya kong bumawi.

Bandang lunch, tahimik ang table namin nila Trisha. Mukhang may alam na din sila na nagyari. I wonder kung kanino nila narinig. Pakiramdam ko nga, alam ng lahat ng tao sa school ang nangyari. Napapatingin sila sakin pag nadaan ako sa harapan nila.

Pinag uusapan din sa school ang pasa sa mukha ni Adam. Kasalanan nya yan at ng magaling nyang kapatid.

Sinabi sakin ni Adam na may sakit si Ice kaya absent. Aba, nagkakasakit pala ang mga ganung tao?

"Pede ba kong magtanong?" tanong ko kay Trisha at Ivan.

Hindi nila ako inibo. Tiningnan lang nila ako at naghintay ng tanong ko. "Alam nyo bang Ice is cheating on me with Blue?"

Naghintay ako ng sagot sa tanong ko. Tumingin ako kay Ivan tapos kay Trisha.

Naghintay pa ako ng ilang segundo sa sagot nila. Oo at hindi lang naman ang sagot, bakit hirap na hirap sila?

"You know what silence means right?" tanong ko pa.

"Cream—" tinaas ko ang kamay ko para pigilan ang pagsasalita ni Trisha.

"Hindi naman mapapagaan ng paliwanag mo ang nararamdaman ko Trisha."

"I'm sorry." she said.

"I thought you're my friend. Friends are supposed to tell each other things right? Kahit na masakit. Basta totoo. Are you really my friend Trisha? Have you ever been one?" Nakita kong tumulo ang luha nya.

"That's hard, Cream." matigas na sabi ni Ivan. Tiningnan ko lang sya.

"I'm like this because you didnt give me the truth. Anong gusto nyong gawin ko? Yakapin kayo at pasalamatan kasi hindi nyo sinabi sakin? Para ano? Para hindi ako masaktan? Tss. Eto na nga oh. Sobrang sakit na." binaba ko ang kutsara at tinidor ko sabay alis na. Iniwan kong umiiyak si Trisha at nakakunot ang noo ni Ivan. Tahimik na sumunod lamang sakin si Adam. I heard him say sorry. Tss. Bakit sya nag sorry?

Kinabukasan, pumasok na si Ice. Pinagusapan din ng mga tao ang pasa sa mukha nya. Mukhang napuruhan din 'to ni Adam ah?

"Cream, pede ba tayong mag usap?" tanong ni Ice. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sya sa loob ng CR ng girls!

"Ice! Alam mo ba kung nasan ka?" Inis kong sabi sa kanya. Sinubukan kong umalis at iwan sya doon pero humarang sya sa pinto.

Napatitig tuloy ako sa mukha nyang may pasa rin gaya ng kay Adam. Shit. May pasa na, gwapo pa din.

"Ice, palabasin mo na 'ko." walang buhay kong sabi.

"No! We'll talk here." madiin nyang sabi.

Nagcross arms ako. "Anong pag uusapan natin? Kung paano mo ko niloko? Sige. Maganda yan. Pakikinggan ko yung kasinungalingan mo. Tingnan natin kung maloloko mo 'ko."

"Bakit ba galit na galit ka sakin?" he asked. Nanlaki ang mata ko at kumulo ang dugo ko sa unang tanong nya. Seriously?

"Anong gusto mong maramdaman ko Ice?! Magtatatalon sa tuwa kasi niloko mo ko? Tang ina lang!" sagot ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung saan nangggaling ang kalmado kong pagkikipag usap sa kanya. Gustong gusto ko syang sigawan at sapakin eh.

"You cheated first Cream!" sabi nya. Matagal ko syang tinitigan.

"Ako?" turo ko pa sa sarili ko.

"Yes! You cheated first Cream!" Napaismid ako. I cheated first?!

"You slept with Adam right? Sa Palawan?" galit na galit ang mga mata nya nung sabihin nya yun sakin.

"Ano? Natahimik ka? Tama ako diba? Tell me, anong ginawa nyo?" Lumagapak ang sampal sa mukha nya. I dont care about his bruises! Damn him!

Kanina ko pang pinipigilan ang mga luha ko pero sa sobrang inis ay lumabas na sila.

"Fine. I slept with Adam! Pero tang ina naman Ice, oo nagising ako sa kama nya, sa kwarto nya. Pero hindi ko alam kung pano 'ko napunta dun!"

"Bullshit!" mura nya.

"I was drunk! Sa kwarto ko ako unang pumasok! Alam mo 'yan kasi ikaw pa ang naghatid sa'kin remember? Hindi 'ko alam how I ended up there!"

"Do you really think na maniniwala ako dyan?" galit na sabi ni Ice.

Wow! So, baliktad na ngayon ang sitwasyon ha? Ako na ngayon ang nagloko.

"You cheated with my brother, Cream." parang nandidiri pa nyang sinabi iyon. Patuloy lang sa pag agos ang mga luha 'ko. I can't believe na ganun klaseng babae ang tingin nya sakin.

"Funny. Parehas pa kayo ng sagot ni Adam. Pinag usapan nyo ba 'to?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumipad ang palad ko sa pangalawang pagkakataon papunta sa pisngi nya.

"I hate you! Sana man lang tinanong mo 'ko diba? You concluded things that fast! Sana man lang nagtanong ka!" sigaw ko sa kanya.

"Kailangan ko pa bang magtanong? Eh nakita na ng dalawa kong mata?"

"Bullshit! So, ano 'to? Niloko mo ko kasi naganti ka? Ganun ba yun? So ano, masaya ba? Naging exciting ba ang panloloko sakin? Ano? Ha? Shit ka!"

"Hindi kita niloloko!"

"Bullshit naman oh! Ngayon pa ba tayo maglolokohan, Ice? Please naman! Gulo na naman lahat, hayaan mo na magkagulo! Ano?! You wanted to get fair huh? Wow. You deserve an award for that."

"Shit! Hindi kita niloko, Cream!"

"Putang-ina naman, Ice! Gusto mo ba talagang maniwala ako dyan?!"

"And do you expect me to believe you too?" he asked.

Napapikit ako ng mariin. Ano ba 'tong nangyayari samin? Pa'no pa to napunta dito?

"Are you in love with my brother?" he asked after minutes of silence.

Bullshit. What kind of question is that?

"I'm not in love with your brother." Mariin kong sabi. "Are you, in live with Blue?" I asked. He surely didnt dxpect me to ask that.

"I am not in love with her." sagot nya. Gusto ko sanang paniwalaan kaya lang tinatamad na akong gawin yun.

"Sige. Magkukunwari na lang akong naniniwala ako sayo." sagot ko sa kanya.

"Palabasin mo na 'ko Ice. Wala namang patutunguhan 'tong pag uusap na 'to. Pareho naman tayong di naniniwala sa isa't isa."

Natahimik pa kami ng kaunti bago sya umalis sa harapan ng pinto. Agad naman akong lumabas. Nakita ko si Ivan, Trisha, Adam at Blue.

Sampal ni Blue ang agad na sumalubong sakin. Ako pa talaga?

"Blue!" saway ni Ice. Ayan. Magsama kayong dalawa.

Muli akong sinampal ni Blue. Tang ina. Hindi ako magpapasampal lang dito.

Agad kong sinuklian ang binigay nya sakin. Nilagay ko lahat ng frustrations sa sampal na iyon. Nanlaki ang mga mata nya. Probably not expecting na gaganti ako.

Niyukom ko ang kamay ko. Kitang kita ko ang bakas ng kamay ko sa kanang pisngi nya.

Pantayin natin para masaya.

Sinampal ko ulit sya ng isa. Sa kaliwa naman.

Sasampalin nya sana ulit ako ng sanggahin ni Ice ang kamay ni Blue. "Blue! Tama na!" Napa ismid naman ako.

Nilapitan ako ni Adam at hinawakan ang pula ko ring mukha. Lumapit sakin si Ice. "Shit!" dinig kong mura nya. Napapikit pa sya bago ako tingnan. Hinawakan nya ang mukha ko at tiningnan ang lagay nun.

Gusto kong maiyak. I miss him! I miss his touch, his laugh, his eyes. Shit! Tanga ba talaga ako? I wanted to hug him right now and cry in his shoulders. Tang ina naman Ice. Anong pinakain mo sakin at ganito ako kabaliw at katanga sayo?

Tinaggal ko na ang kamay nya bago pa ko umiyak lalo. Naglakad ako palayo doon. Sunod sunod ang tulo ng mga luha ko.

Garalgal kong binuksan ang sasakyan ko. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante dahil sa pag iyak ko. Pero shit! Hindi ko kasi talaga mapigilan na hindi humikbi eh. Ilang gabi na akong umiiyak ng mag isa at tahimik. Alam mo ba kung gaano kahirap yun? Shit. Ganito pala to kasakit.

"Ako na." inagaw sakin ni Adam ang susi.

"Shit Cream! Nakipaghiwalay ako sa girlfriend ko para protektahan ka. Hindi para makita kang umiyak sa gagong yun!" hinila nya ako at napasubsob ako sa dibdib nya. Umiyak na talaga ako. Hindi ko na kinaya lahat ng nararamdaman ko. Umiyak ako kay Adam. Umiyak ako ng matagal. Umiyak ako ng madami. Iniiyakan ko ang gago nyang kapatid.

Tama sila. Mag ingat ka sa mga paru paro sa tyan mo. Baka mamaya, hindi pala yan paru paro kundi mga kulisap.

I can't believe it.

How can the coolest guy, be the worst guy?

A/N: Kamusta pa puso mo?


Continue Reading

You'll Also Like

609K 25.1K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
1.1M 35.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
4.5M 103K 34
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bit...