My Blood Is Yours [YBIM BOOK...

By FinnLoveVenn

104K 4.2K 637

Rin Daniel- anak ng mga bampira ngunit hindi niya alam bakit tila nahuhuli ang pagkatao niya para maging isa... More

PROLOUGE
1. Me and Her
2. Do you remember me ?
3. Dreaming Alone
4. Letters
5. His Mine !
6. Red Eyes Black Hair
7. Bienne
8. INU
9. Secrets
11. Pink Polkadots
12. Game and play
13. Our Promise
14. Our Promise? Its Happened
15. Change
16. Her Tears and Smile
17. Confession
18. Best friend
19. Blood Sucker
20. Wrong move
21. Yellow Daisy
22. Fireflies
23. Revelation
24. The Plan
25. Let go
26. October 27
27. Kisses
28. To be the sweetest one
29. Photograph
30. Stargazer
EPILOGUE

10. Sisters

2.5K 129 14
By FinnLoveVenn

[Sisters]

MARFIE FIONNA's POV

Paikot-ikot si papa na naglalakad sa harap namin ni mama at hindi mapakali, si mama naman na bubweset na sabay bato ng unan kay papa.

"Aray naman Fiolee!" Natawa na lang si mama at inayang siyang tumabi sa'min umupo sa kama ko.

"Alam mo hindi na'tin mauumpisahan maipaliwanag sa kaniya kung paikot-ikot ka nakakahilo kaya." gawain talaga ni mama ang maglakad pabalik balik pag nag iisip siya ng gagawin or pagnatataranta na siya.

"Kasi naman si lolo, hindi ko maisip bakit niya na isip 'yun." miske ako ay na bigla sa sinabi ni lolo kanina.

"Ganun ba talaga kalakas ang grupo nila kaya pati si lolo parang nag dadalawang isip na kalabanin sila? kasi kung ako talaga hindi ko papayagan na gamitin nila ang anak ko," sabi ni papa kaya napangite na lang ako.

"At kung malakas din sila bakit kailangan pa nila ng tulong galing sa anak na'tin Marshall?" Tanong din ni mama.

"Alam ko kasi ang na mumuno sa tribo ng mga itim na lobo ay ang Alpha ng mga itim at pinakamalakas ito sa bansa natin." gano siya kalakas? Gaano kaya siya makapangyarihan?

"Eh 'di lalo nang hindi na'tin mapapayagan ang anak na'tin doon. Bakit hindi na lang na'tin sila kausapin ng maayos? Ano bang nais nila sa mga lobo?" Huminga si papa ng malalim at nag kamot ng ulo.

"Yung lugar na tirahan nila, pero hindi ibibigay ng mga lobo iyon dahil siglo na silang na ninirahan doon." ano naman kayang pakay ng mga bampira doon?

"Eh 'yung mga bampira papa anong gusto nila sa lugar na iyon?" Nagbikit balikat siya at yumakap kay mama kaya naman na bigla si mama at nanlaki ang mata, chansing si papa.

"Oy! Nasa harap mo ang anak mo!" sumubsob pa siya lalo sa leeg ni mama.

"Malaki na 'yan baka nga na gawa na nila ni Rin ang mga bagay na dapat hindi nila nagagawa huuuwaaah ang baby ko dalaga na pero ayos lang boto naman ako kay Rin saka gusto ko na ng may bata dito sa bahay ang tahimik kasi hehe." sumama ang tingin namin sa kaniya ni mama at nagtakip siya ng mukha.

"Joke lang haha tayo na lang gumawa ng bata bebe ko." na mula si mama at pinagbabatukan si papa tawa naman ako ng tawa at halos makalimutan na na may problema kaming pinag-uusapan dito.

Nagpaalam na sila at labas ng kwarto, sinilip ko ang cellphone ko at tinignan ang oras, seven pm palang pala napaka aga pa.

Umupo ako sa study table ko at minadaling tapusin ang ile-lesson ko bukas at nagbihis, pupunta muna ako kala Rin.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, bakit kaya hindi niya ko magustuhan? Masyado bang feminine ang porma ko? Gusto niya ba 'yung katulad kay Claire na medyo tomboy pumorma?

"Hayss ano bang gagawin ko?" Ngumuso nguso ako at nag pacute sa salamain. Lalo akong nawalan ng gana at tinamad na umalis.

"Hindi na nga lang ako pupunta." humiga ako sa kama at tumitig sa kisame, ano kayang gagawin namin?

Kung gawin ko kaya ang nais ng mga bampira na iyon? anong mapapala ko? Kaso kung iisipin pag hindi ko ginawa iyon ang lahi namin ang tiyal na uubusin nila at pagsinunod ko naman ang mga lobong iyon ang kikitilin namin?

Ayoko ng parehong senaryo, kahit anong tignan mo mali pa rin, bakit ba natatakot si lolo James sa kanila? Mukhang kakayanin naman namin ang mga iyon.

"Hayss." isang buntong hininga na naman.

Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon gabi na 'to? Sanay kasi akong pumunta kaya Rin tapos uuwi ako ng ten pm at daretsyo tulog na.

Baka busy na rin 'yun kaya siguro itutuon ko na lang din ang sarili ko sa mga bagay na pwedeng pampalipa ng oras ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ito, biglang umilaw 'to at napabangon ako, agad kong binasa ang text at galing iyon kay claire.

"Pupunta siya sa bahay? Bakit kaya?" Agad akong lumabas at ilang segundo lang ay nasa harap na ko ng hagdan patungong sala.

Andun si papa nakahiga sa mahabang sofa at nanguya ng chitchirya, para talaga siyang bata.

"Pa darating daw dito si Claire." umayos siya ng upo at saka tumayo.

"Narinig niyong lahat iyon! May bisita umayos kayong lahat ha." sigaw ni papa na umeko sa buong mansion at lahat ng maids namin ay nakapila na sa harap niya at sabay-sabay na nagbow.

"Yes Sir," tumango tango si papa sabay nguya ulit ng chitchirya.

"Wag kayo masyadong pormal tropa tayo dito," sabi niya at tumango lang ulit sila at umalis na, kahit anong saway mo naman sa kanila na wag maging pormal ay parang hindi rin nila iniintindi, nabubuhay sila na pinaglilingkuran kami kaya hindi sila sanay sa ganung sistema.

Maya-maya pa ay may nag door bell na sa pinto at sinundo siya ng isang maids namin at pinapasok.

"Magandang gabi po tito, tita sorry po sa istorbo." sabay hawak niya sa ulo niya na parang nahihiya.

"Wala iyon, matagal ka nang hindi bumibisita sa'min dito Claire," sabi ni mama at niyakap si claire.

"Pasensya na po tita nahihiya kasi ako dumalaw pag wala si Marfie." tumawa si papa.

"Baka naman natatakot ka lang dumalaw?" Binatukan si ni mama at napaupo siya sa sakit, alam kong masakit talaga 'yun kasi mas malakas si mama sa kaniya.

"Wag mong intindihin ang tito Marshall mo, sige na umakyat na kayo sa kwarto ni Marfie at magpapadala na lang ako ng makakain niyo don," sabi ni mama at hinila ko na siya papunta sa kwarto ko, naririnig ko pang nagbabangayan ang mga magulang ko sa sala kahit pabulong na ito. Natatawa na lang tuloy ako.

"Ang kulit talaga ng mga magulang mo," sabi niya at ngumiti na lang din ako.

"Mga isip bata kasi haha." pareho kaming na tawa at pumasok na sa kwarto.

"Claire bakit nga pala napadalaw ka gabi na ah?" Kinuha niya 'yung backpack niya at nilabas ang isang folder at envelop doon.

"Nakalimutan ko ibigay, record n'yan ng iba pang section na tuturuan mo." nag thank you na lang ako at nagkwentuhan pa kami.

"Tagal ko nang hindi nakakapunta dito pero wala pa ding nagbago haha kahit 'yung mga itsura ng mga maids at butler niyo ganun pa rin natanda ba sila?" Oh crap. Nakakahalata na ata siya.

"Oo nga eh, ang babata nila tignan no?" Tumango siya.

"Lalo na si Jake, naka salubong ko siya kanina doon sa front gate niyo eh, tas binati niya ko, tanda ko pa nung nasa middle school pa tayo ganiyan na rin itsura nun eh, ni hindi man lang pumuti ang buhok." tumayo siya at nagpaikot-ikot sa kwarto, tinitignan 'yung mga picture namin na naka display sa drawer ko.

"Ano kayang sekreto ng mansion na 'to?" Napakagat ako ng labi sa kaba, ano bang iniisip niya? Kinakabahan na ko nakakahalata na ata siya.

Katahimikan ang bumalot sa'min at sabay bulyaw niya ng tawa.

"HAHA gusto kong tumira dito para hindi ako magmumukhang matanda ano kayang ginagamit na cream ng mga iyan? Age defying na cream?" Halos malaglag ang panga ko at nakahinga ng maluwang.

"Hindi lang sila gaano ka stress sa trabaho nila, saka kasi healthy talaga ang pagkain namin dito nagagalit kasi si lolo pag hindi at nag zuzumba sila sa garden pag umaga." palusot ko habang iniikot ikot ang daliri ko.

Tumingen siya sa kamay ko kaya na patigil ako "sama naman nila ako sa zumba nila tuwing sat and sunday." Binato ko siya ng unan.

"Baliw ka manood ka na lang sa youtube." Na tawa siya at niyakap ako.

"Waaaah miss na talaga kita babaita ka." kinukos niya ang pisnge niya sa pisnge ko kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit pero hindi masyado baka kasi madurog ang mga buto niya.

"Waaaah ako rin!" Para kaming baliw na nag yayakapan dito, sa pagiging only child ko sa kaniya ako nakahanap ng kapatid na babae.

Kaya nga hinihiling ko na sana hindi kami pareho ng lalaking minamahal dahil sobrang hirap nun kung sakali, at alam kong talo ako sa kaniya pero kung sabagay okay na rin sa kaniya mapunta si Rin kesa sa iba.

Masaya na ko sa kung anong gusto nila ang importante masaya sila kahit masakit sa'kin.

Pagtapos namin kumain at mag kwentuhan pa ay ipinahatid na namin siya kay Jake kasi malalim na ang gabi, gusto pa nga niya dito matulog katulad ng dati naming ginagawa kaso hindi naman pwede dahil hindi niya dala ang mga gamit niya at may pasok pa bukas.

Humiga na rin ako pag tapos ko magpalit ng pantulog at niyakap ang unan ko, ang hirap pala ng ganito.

Pareho mo silang mahal at mahalaga sayo, kailangan mong mamili kung kasiyahan mo ba ang susundin mo o ang sa kanila.

Pero okay na ko doonsa kasiyahan nila, atleast masaya sila. 

TO BE CONTINUED 

Continue Reading

You'll Also Like

85.9K 2.6K 32
Chicago Clarkson is a professional mixed martial artist and is excellent in shooting both short and long range. Since she was a kid, she was trained...
33.8K 965 26
|Complete| Genius Series 2 Bad Genius (Book 1) I'm lost, I'm totally lost, he's gone. He's feelings are faded. Date completed: April 12 2019
13.4M 642K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
The Vampire's Creed By Inang

Mystery / Thriller

52.2K 2.1K 78
Highest rank achieved #57 in vampire Cyrill Trudeau the lost daughter of the second king of Eripmav City, a city where vampires live. She used to liv...