But Alice, this is not wonder...

By ImaDeadWriter

831 58 42

Not your ordinary story of Alice. More

§INTRODUCTION§
§PROLOGUE§
§II: PECULIAR THING§
§III: WICKED§

§I: HE'S ALICE§

159 10 10
By ImaDeadWriter

§Chapter I§

He's Alice

ALICE'S

"Good morning Alice in the Gaynessland!" Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang sa silid namin ay agad na sumalubong sa akin si Aureus at inakbayan ako gamit ang batak n'yang braso. Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto kung saan ako tumigil at napabuntong hininga nalamang.

Don't get the wrong idea, This dude is not a friend of mine. Well, I don't really have friends in this room--- university rather.

In short...

I live alone.

"Kamusta ang pinaka paboritong alaga ko sa buong mundo?" aniya at sinimulang idiin ang kamao niya sa tuktok ng ulo ko. Kung s'ya ay galak na galak sa ginagawa n'ya ako naman ay napapangiwi nalamang sa sakit dahil sa diin ng kamao n'ya sa ulo ko.

"Ito, buhay parin naman" walang emosyon kong sagot sa kabila ng sakit na pinararanas n'ya sa akin.

"Tanga! Bobo! Walang utak! Kelan pa natutong magsalita ang isang hayop ha?" giit nito at sa bawat panglalait na binitaw ng bibig n'ya ay may kaakibat na sapok sa ulo ko pero tiniis ko nalamang ito, ni hindi manlang ako nakakaramdam ng urge para gumanti. Okay lang kung ibitin man n'ya akong patiwarik o kahit pagbubugbugin n'ya man ako sa harap ng mga kaklase ko ngayon. Well, the thing is I started not to care anymore.

"Hoy Alice the whimpy dumb dog, nalimutan mo na ba kung paano tumahol?" tanong nito sabay tulak sa akin sa sahig na syang dahilan para mapatigil ang lahat sa kani- kanilang usapan at buong atensyon nila ay napunta sa amin.

"Mas muka kang aso sa'kin bro"

Gusto ko sanang sabihin ito sa kanya dahil sa muka n'ya na parang pitbull dahil sa magkakasalubong na kilay nito na dahilan ng pagkakunot ng noo nito. Pero 'wag nalang, baka maoffend ko pa s'ya.

"Aba, nagiging asong ulol kana ata ngayon ah" bulyaw nito at kinuwelyuhan ako dahilan upang mapaangat ako sa kinauupuan ko at mapatapat ang muka ko sa muka n'ya. Nagulat nalamang ako nang tingnan ko s'ya, mata sa mata.

He looks like a angry pitbull that's ready to eat a bag of dog treats but this is not the thing that bothered me...

I know this familliar morbid feeling...

Even though this isn't the first time seeing death it still gives me the creeps.

"Time of death 12:30 PM"

"Place of death The University Cafeteria"

" Cause of death is food"

Kahit hindi ko man s'ya tanungin ay agad naman akong pinangunahan ni Cheshiree na bigla-bigla nalamang sumulpot sa likod ni Aureus galing sa kawalan at nakangisi pa na ani mo'y galak na galak dahil napag-alaman.

"Para ka yatang nakakita ng multo" puna ni Aureus na hangang ngayon ay hawak parin ako sa kwelyo.

"Any last words for him, Alice?" nakangising tanong ni Cheshiree habang patong patong ang siko niya sa balikat ni Aureus na walang kamalay-malay sa presensya niya. Well, actually all of them doesn't know her existence. Unfortunately, only I can see this haft human half cat thingy...

"I pity you, Aureus" sambit ko habang nakatingin sa mga mata n'ya na bakas ngayon ang pagtataka marahil sa sinabi ko.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong itulak na s'yang nagpatumbang muli sa akin sa sahig.

"Weird shit. Magsama nga kayo ni Jeremiah!" huling sambit nito at tuluyan na akong tinigilan sabay layo at umupo nalang sa kan'yang desk.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo para magtungo sa upuan ko. Habang naglalakad napansin ko na nagsisimula bumalik sa kani- kanilang kwentuhan ang mga kaklase ko, parang wala lang nangyari.

All these bystanders, they are worst than Aureus. Kita na nila may nasasaktan pero mas pinili nilang manood at pagtapos na wala nang pakialam. The society today is the worst.

Nang makaupo na ako ay napansin kong may nakatingin sakin sa peripheral vision ko kaya nilingon ko ito. Naabutan kong nakatingin sa akin si Jeremiah na agad namang lumihis ng tingin at nagkunwaring inaayos ang kanyang salamin sa mata.

I guess this guy wants to help me earlier but too scared to do so. He's Aureus pet too, like me. Mas grabe pa nga si Aureus d'yan eh pero hindi narin magtatagal ang paghihirap n'ya. Sawakas at makakawala narin s'ya sa tali n'ya. Not too long...

He will be free atlast.

-----

Huling subject na namin bago maglunch, yung iba tinutulugan nalamang ang prof namin na parang machine gun ang bibig kung magsalita pero ako ay sinusubukan parin s'yang pakinggan dahil major subject namin s'ya.

"I don't understand what's he's saying Alice! And why are all listening to his preach?" reklamo ni Cheshiree habang nalipad sa ere.

Let me rephrase what I've said earlier...

I don't live alone anymore, I'm stuck with this bizzare creature that I first saw the moment I opened and rotated my eyes to live for a second time and said that she's a God's gift so I should be thankful.

Gift? Seriously I don't even know if I'm blessed or cursed with this ability. Seeing someone's future death? What's the use of it if I can't save that person. Well, I don't care if everyone in this world dies anyway. Life goes on and death comes along, nothing will change. But mine is a different story though...

"What's with triangles? Why are you people wasting your time with triangles?"

Bullshit, ang hirap-hirap na nga ng Solid Mensuration tapos dadagdag pa'tong isang 'to na walang tigil ang bibig. Tanong ng tanong, ang sakit na sa tenga ng boses. Bakit ako pa kasi ang napili n'yo Lord? I just wanna live a normal life.

"Okay, class dismissed" sambit ng guro namin kaya naman nanlaki nalamang ang mga mata ko dahil hindi ko namalayan na tapos na pala s'ya sa pagdidiscuss. Agad kong binilisan ang pagkopya ng examples n'ya para aaralin ko nalang sa bahay.

"12:00 PM" narinig kong sambit ni Cheshiree kaya agad akong napalingon dito. Muli, nakangisi nanaman ito at kitang kita pati ang kasiyahan sa kulay asul at berde nitong mga mata.

Kung s'ya natutuwa sa mangyayari pwes ako hindi. That guy, even though he did horrible things to me he can still change to become a better person. But his death has been decided so there's nothing I can do now.

Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay lahat ng ito sa bag ko. Tatayo na sana ako pero nakaramdam ako ng sakit sa batok ko--- hinampas na pala ako ni Aureus ng hawak niyang notebook. Napahaplos nalamang ako sa ulo ko dahil sa sakit.

Okay, on second thought I think it's better for him to die. Satan, you can take him now.

------

Nakaupo ako sa isang sulok ng Cafeteria habang umiinom ng strawberry yogurt drink at nakamasid kay Aureus na ngayon ay nakapila sa may food area.

"This is your third time seeing death in a person's eye but this is the first time you are seeing it in actual right Alice?" giit ni Cheshiree habang pinalilipad ang sarili n'ya sa ere.

That's true.

The first and second person that I saw in my premonition just passed by me, I didn't have a chance to see their actual death.

"You look excited!" puna ni Chesiree habang pinapaikot ang konting hibla ng berde n'yang buhok at nakatingin sakin ng nakakaloko. Everytime I see her eyes it gives me an uneasy feeling, maybe because they have different colors, looking Heterochromiac.

"Time check 12:23 PM" paalala pa nya habang nakangisi parin habang sinusundan ng tingin si Aureus na ani mo'y hindi na makapaghintay sa insidenteng mangyayari sa kanya.

Napabuntong hininga nalang rin ako at humigop sa yogurt drink ko. Gaya niya tinuon ko nalang ang pansin ko kay Aureus na ngayon ay nakapila at kumukuha ng pagkain at inilalagay sa tray niya.

Cause of death is food? Is he going to choke himself to death? What a stupid way to die.

Patuloy ko lang syang sinusundan ng tingin pero may nakaagaw ng pansin sa akin. There's this guy wearing a black jacket with it's hoodie right next to Aureus, init na init pero nakajacket s'ya? Pansin ko rin na parang hindi s'ya mapakali sa paligid nya at maya't maya syang lingon ng lingon. Nangunot ang noo ko sa mga ikinikilos n'ya kaya minatyagan ko ang bawat galaw n'ya.

"Who are you" bulong ko at mariing nakatingin sa kanya habang hinihintay na magkaroon ng tyansa na makita ko ang muka n'ya dahil sa palinga linga n'ya.

"Pakidagdagan naman nung sabaw! Sayang ang ibinabayad ko dito sa school na'to kung titipidin nyo lang ako!" biglang reklamo ni Aureus sa tindera pero hindi ko parin inialis ang atensyon ko sa taong kasunod nya ngayon. Nangunot ang noo ko nang biglang may inilabas syang isang maliit na bote mula sa bulsa ng jacket nya, binuksan nya iyon at ibinuhos ang laman nito sa mangkok na nakalagay sa tray ni Aureus na wala paring kamalay-malay dahil patuloy parin syang nakikipagtalo sa tindera tungkol sa sabaw.

"What the hell?" sambit ko habang natutok parin ang atensyon ko sa kanya na dali-dali na ngayong inilagay sa bulsa ang wala nang lamang bote at tumiwalag na sa pila. Sa paglingon nya sa parte kung saan ako nakaupo doon ko nakumpirma kung sino sya.

Jeremiah...

"Wicked" narinig kong magsalita si Chesiree kaya agad akong napalingon dito. Kapansin-pansin ang pagbabago ng ekspresyon nito, ang maloko nyang tingin ay naging seryoso at ang mata nya ngayon ay tila ba nanlilisik.

"What did you say?" tanong ko dito kaya napalingon rin sya sa akin pero bigla nanamang nagbago ang ekspresyon ng muka nya at ngumisi ulit.

"Ten...nine...eight" imbis na sagutin ang tanong ko ay nagsimula itong magbilang hudyat na ilang segundo nalang ay katapusanna ni Aureus.

Muli akong tumingin kay Areus na ngayo'y nakaupo na sa isang mesa kasama ang mga iba pa nyang kabarkada hindi kalayuan samin at nagsisimula ng kumain.

"Five...four..."

Unti-unting hinihigop na ni Aureus ang mangkok kung saan may inilagay na kemikal si Jeremiah.

"Tree...two...one" as Cheshiree reached to one that's when Aureus stared coughing and hitting his chest.

"Ano pare okay ka lang?" tanong ng isa nyang katabi sa table habang natatawa-tawa pa.

Hindi sumagot si Aureus sa halip ay mas lumakas lamang ang pag-ubo nito na syang nagpukaw ng atensyon ng lahat ng nasa loob ng Cafeteria.

"Aureus anong nangyayari sa'yo? Uminom ka muna ng tubig" prisinta pa ng isa ngunit nung iaabot ns nya ang tubig ay bigla nalang itong tumayo pero agad naman dimng natumba sa sahig at marahas paring sinasapo ang kanyang dibdib, tila nahihirapan narin syang huminga.

Palakas ng palakas ang ang pag-ubo n'ya na tila ba may nakabara sa kanyang lalamunan na gusto nyang tanggalin ngunit ayaw. Nagpatuloy lang syang ganoonm hanggang sa may lumabas na sa kanyang bibig.

Dugo...

Sobrang daming dugo ang lumabas mula sa bunganga nya pati narin sa ilong. Ang lahat ay napapatili nalang dahil sa gulat nang dahil sa nasasaksihan. Pati ang mga kaibigan n'ya na ag aangas ng dating ay hindi na naiwasan pang manginig at mapasuka nalang rin. Kelangn follow the leader talaga hanggang sa sukahan?

"Alice are you not amused?" biglaang tanong ni Chesiree na ngayon ay nakangisi habang nakatitig sa hindi kaaya-ayang pangyayari.

"Why should I?" sagot ko dito at ibinaling ko ulit ang atensyon ko kay Aureus ngunit napangiwi nalamang ako nang makita s'yang balot na sarili n'yang dugo habang patuloy paring umaagos ang malapot at pulang likido mula sa bibig at ilong nito. Tumingin s'ya sa direksyon ko at nagulat ako nang bigla nalang nanlaki ang mga mata nito lalo, nanginginig man ay itinaas nito ang braso nito sa direkston ko, na para bang gusto akong lapitan pero wala pang ilang segundo ay bigla nalaman bumagsak ang kamay nito kasabay ng pagbagsak ng katawan n'ya plaktado sa sahig na ngayon ay balot na ng kanyang dugo.

Nabalot ng nakakapangilabot na sigaw ang Cafeteria at kasabay nito ang pagtatakbuhan ng mga taomg nakasaksi ng pangyayari.

"Yay! He finally died!" tuwang-tuwang sambit ni Chesiree na may pag-ikot pa sa ere pero ako ay nanatiling nakaupo sa kinauupuan ko at hindi maiwasang maisip kung bakit nya ako tinitigan kanina.

The creepy thing is I was the last person he saw before his last breath.

"Now to find his soul" napatingin ako kasy Chesiree dahil sa sinabi n'ya at nabigla nang makitang literal na nagliliwanag ang mata n'ya habang lumulutang na lumapit sa katawan ni Aureus.

Nang makalapit na ay inilapit niya ang kamay nito sa dibdib ng walang buhay na katawan nito. Tumagos ang kamay nito sa dibdib ni Aureus.

"Oh! Got it!" pagkahila ng braso n'ya ay hibndi lang kamay niya ang nailabas n'ya sa dibdib ni Aureus...

There's this blue shinny orb like thingy that came out with her hand. Is that what are souls look like?

"Yes Alice, this are souls of the dead. And do you know what I do to souls like this?" tanong ni Chesiree habang hawak hawak parin ang bilugang bagay na syang kaluluwa palas ng tao.

"What?" sagot ko nalamang pero nagulat nalang ako sa sumunod nyang ginawa.

Bigla nalang nya itong isinubo at nginuya sandali sabay lunok.

"I eat them"

I got to brace myself because I can sense that things will be even weirder and weirder...

And weirder, than before.


°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

END OF CHAPTER I

Imadeadwriter: This is my first time doing this kind of story. Nawa'y magustuhan n'yo! :----)

By the way Chesiree is read as Che-say-ri.

VOTE AND COMMENT!

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 502K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
2.4M 184K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
255K 6.5K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...