HATBABE?! Season1

By hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Thirty-Six

14K 303 56
By hunnydew

Masayang hindi ang nararamdaman ko kapag bakasyon. Masaya kasi walang aral-aral, walang asa-assignment, walang project at mas lalong walang exam! ‘Yun nga lang, hindi rin masaya kung wala namang magawa dahil walang allowance.

  

Bored na bored na ako sa kaka-PS3 sa bahay. Buti pa si Mason, naaaliw na sa pagbabasa lang ng libro. At dahil hindi ko siya maistorbo sa pagbabasa niya, kung minsan, kinakausap ko nalang ang sarili ko.

Tapos sa ibang lugar pa magbabakasyon sila besprens—sila Louie, sa Japan… tas sila Chan-Chan sa Singapore naman. Tinanong nga nila ako kung bakit hindi raw kami mag-a-out-of-town. Edi nisabi ko sa kanila na hindi pa kami nakakapag-out-of-town kasi nga, malaking pera ang kailangan nun dahil marami kami. Nagkakasya nalang kaming pamilya sa paminsan-minsang pagkain sa labas tsaka panonood ng sine.

Si Mason nga na gumradweyt na valedictorian ng high school, hindi nabigyan ng kahit ano eh. Tapos mangangarap pa kaming magbakasyon sa labas ng Maynila? Kalabisan yon!

Pero nagulat ako kay bespren Louie kasi pinakausap niya ‘yung Mommy niya kila Mama at Papa ko. Ang sabi, kami muna daw ang tumao sa rest house nila sa La Union. Ang gagastusin na lang daw namin, ‘yung pang-gas tsaka pagkaing lulutuin! Umayaw talaga sila Papa nun kasi nakakahiya talaga pero si Tita Louise pa talaga ‘yung pumilit sa kanila.

Kaya pinauwi nila Mama lahat ng mga Kuya ko para pag-usapang mabuti ang bakasyon. Hindi lang pala ako ang nangangarap nun, pati rin pala sila. Naisip din nila Mama na magandang graduation gip na rin para kila Mason at Kuya Marcus na ga-graduate na rin sa Med School sa susunod na buwan. Kaya ayon, tinanggap na nila Papa yung offer nila Tita Louise.

“Basta Charlie, ikaw dun sa kwarto ko ah. Dun sa malaking kwarto na may Jacuzzi tsaka maraming painting. Susunod nalang kami dun ni Mama,” paalala ni Louie sa’kin kaya mas lalo akong eksaytment! Kasi pers taym kong magkaroon ng sariling kwarto kahit limang araw lang.

Hindi talaga kami magkandatuto sa paghahanda nun. Si Mason lang yata ang hindi eksaytment eh. Enko dun, parang anlalim ng iniisip. Tinanong nga niya sila Papa kung pwedeng di nalang siya sumama. Sempre pinagsabihan siya nila Kuya Marcus. Ngayon na nga lang daw kami magbabakasyon tapos hindi pa siya sasama.

Handang-handa na nga lahat ng gamit namin kahit tatlong araw pa ang hihintayin namin bago kami umalis, hehehehe. Pero sa aming lahat, ako yata ang pinaka-hindi nakatulog. Unang beses ko kasing makakarating sa beach, hehehe.

Pagdating ng araw ng pag-alis namin, hatinggabi pa lang, gising na ako. Muntik na nga akong singhalan ni Mason dahil galaw ako nang galaw kahit may kayakap naman akong teddy burr. Tas ayun, lumarga na kami pagsapit ng alas kwatro ng madaling araw kasi lima hanggang anim na oras ang byahe mula Maynila hanggang sa La Union.

Dahil wala akong tulog, sa sasakyan na ako inantok. Ginising na lang nila ako nung malapit na kami. Tuluyan na akong sininghalan ng mga magulang ko kasi ang ingay-ingay ko sa kaka-WOOOOWWW nung makita ko ‘yung dagat! Ang lawak-lawak kasi!

Napanganga kami nung nakarating na kami dun sa San Buenaventura Resort. Kasi ang laki rin pala nung rest house na kulay puti. Mas maliit siya sa mansiyon nila bespren pero mas malaki pa rin sa bahay namin.

Tatakbo na sana ako sa may pampang para makita ko nang malapitan ‘yung dagat pero hinila ni Kuya Mac-Mac ‘yung kwelyo ng damit ko at sinabihang tumulong muna daw akong magbaba ng mga gamit. Kaya pinigilan ko ‘yung eksaytment ko ng onti at tumulong sa pagbubuhat. Nung naipasok na sa sala ‘yung mga bag namin at nakipagkilala dun sa mga caretakers, hindi na nila ako napigilan nung kumaripas ako ng takbo papunta sa dagat!

Ang ganda-ganda pala talaga. Para akong nasa ibang dimension! Kasi nga walang polusyon, walang usok galing sa mga sasakyan. Malinis ‘yung simoy ng hangin. Ang presko sa pakiramdam. Doon ko naramdaman kung bakit maraming nagbi-beach tuwing bakasyon. Sa wakas, meron na rin akong makukwento sa mga kaklase ko tungkol sa most unforgettable experience dahil ‘yun na ‘yun.

Tinanggal ko pa ‘yung sinelas ko para makalakad sa malamig na tubig. May mga fishie-fish pa akong nakita. Tapos andami ring shells kaya naghanap ako ng kakaibang mga kabibe na natangay ng agos papunta sa pampang.

Hanggang sa hindi ko namalayang napalayo na pala ako. Kaya kahit wala pa akong nahanap na magandang kabibe para magawang dekorasyon ni Mama sa maliit niyang garden, bumalik na ako sa rest house nila Louie. Buti nga mabilis kong nahanap ‘yung bahay kasi madali lang naman ‘yung directions na sinabi sa’min: puting bahay na nasa dulo. Kaya dun ako pumunta.

Kaso, nagtaka ako kasi wala ‘yung sasakyan namin. Inisip ko, baka namalengke lang sila at iniwan ako kaya pumasok pa rin ako sa loob. Wala na rin ‘yung mga gamit sa sala na parang iba yata ‘yung ayos. Hindi ko nalang pinansin kaya hinanap ko na lang ‘yung kwarto ni Louie.

Sinilip ko lahat nung kwarto hanggang sa nakita ko rin ‘yung sinasabing kwarto ni Louie dahil ‘yun lang naman ang maraming painting na nakita ko nung sumilip ako sa loob. Sobrang na-amaze nga ako dahil andaming origami! May mga nakasabit sa kisame na iba-ibang klase ng pagkakatupi, tapos marami pang nagkalat sa mesa tsaka sa carpet. Hindi man lang binanggit sa’kin ni bespren Louie na marunong siya non! Nagtaka lang ako dahil may tatlong gitarang nakasabit sa dingding. Hindi naman kasi yon marunong maggitara kaya akala ko, pang-display lang.

Tameme talaga akong naglibot sa kwarto bago ko pinulot-pulot ‘yung nagkalat na origami para tignan. TAS MAY BEAR ORIGAMI!!! Anlaki-laki! Baka cartolina ‘yung ginamit ni bespren para magawa ‘yun. Naalala ko tuloy ‘yung binigay sa’kin dati ni Krystal. Ang lapad ng ngiti kong dumakot ng maraming maliliit na origami at hinagis yun sa ere para maulanan ako, hehehe. Tas patalikod akong tumalon sa malambot na kama para makahiga…

Pero tumama yata sa headboard ‘yung ulo ko. “ARAY KO NAMAN!”

Nagulat na lang ako dahil biglang may gumalaw sa ilalim ng makapal na kumot at  sumagot! “ANO BA?! KITANG NATUTULOG ANG TAO EH!”

Tas dun ko lang napansin na may tao nga! Nagkasagutan pa kami nung lalaki na halos kaedad ko lang yata o baka mas matanda kasi antangkad e. “Isusumbong kita kila Kuya ko! Trespasser ka! Trespasser!” sigaw ko.

“Edi isumbong mo,” sabi naman niya tas nakita niya ‘yung hawak kong malaking bear origami. “Akin na nga yan! Bakit nasayo yan?!”

Tapos pinag-agawan namin ‘yung origami hanggang sa… “HALA KAAAA!!! NAPUNET MO! Isusumbong kita sa caretaker neto!”

Nagsigawan talaga kami dahil nga natutulog siya sa kwarto ko dapat at ayaw niyang umalis hanggang sa kinaladkad niya ako palabas ng kwarto tas dumating ‘yung caretaker na… hindi ko nga kilala.

“Baka sila ‘yung uupa diyan sa kabilang resort. Tama ba?” nakangiti sa’kin ‘yung matandang babae.

“Eh? Ka-kabila? Hindi po ba ito ‘yung San Buenaventura Resort?” paninigurado ko pa.  Dun ko napag-alamang, mali pala ‘yung bahay na napuntahan ko. Tss.

“Tanga ka pala eh!” pagsingit na naman nung lalaki. “Pakinggan mo ‘to ah. Tandaan mong mabuti ang pangalan ng resort. Please repeat after me.”

 

Edi inulit ko ‘yung sinabi niya. Natawag pa akong retarded child pero di ko nalang pinansin at nanghingi na lang ako ng origami, hehehe.

Lloyd Hiro Resort pala ang pangalan nung napuntahan ko. Malay ko bang may ibang bahay pala sa dulo! Sabi ni Louie ‘yung bahay nila yung nasa pinakadulo ng hilera eh.

Sinamahan na rin niya akong bumalik dun sa tamang rest house kasi daw baka mawala ako at kung sa’n pa mapadpad. Edi pumayag na rin ako. Baka nga sa kung saang bahay na naman ako pumasok eh, hehe. Pagkarating namin dun sa resort nila bespren, nagkakagulo na pala sila sa kakahanap sa’kin.

“Juskopong bata ka! Sa’n ka na naman napunta?!” nag-aalalang tanong sa’kin ni Mama na nangingilid na ang luha.

Sunud-sunod na ring nagsidatingan ‘yung mga Kuya kong naghahanap sa’kin. At kitang-kita ko ‘yung pag-aalala nilang lahat. Na-tats ako.

Lahat sila tinanong kung sa’n ako galing, kaya sinasabi ko lagi na napadpad ako sa Lloyd Hiro Resort. Tas bibigyan ako nung lalaki ng origami bilang premyo dahil naalala ko raw yung tinuro niya sa’kin.

“Oy mga tol! Kamusta?” tuwang-tuwang bati naman nung lalaking naghatid sa’kin at nakipag-brofist kila Kuya ko. Akala ko nga magkakilala sila eh.

Tumaas naman ‘yung kilay ni Kuya Mac-Mac. “Sino naman ‘tong epal na ‘to?”

Napakamot ako sa ulo. Hindi ko nga pala alam kung anong pangalan niya. Itatanong ko sana pero bigla siyang nakipag-shake hands kila Kuya Marcus, Kuya Chino at Kuya Chuck na parang nangangampanya. “Ako po pala ‘yung anak ng may-ari ng resort diyan sa kabila.” Nilingon niya ako. “Psstoy, ikaw magsabi ng pangalan ko. ‘Yung sinabi ko sa’yo kanina.”

Nagtaka naman ako. ‘Yun pala ang pangalan niya? Edi sinabi ko na lang din. “Lloyd Hiro Resort po, Kuya.”

=====

A/N: Yehess… bagong character, bagong book cover! Magdiwaaannng!!!

 

*Dishonareee ni Tarliee

-gip = gift

-sinelas = tsinelas

-natats = na-touch

Sino si Lloyd Hiro?? Pakibasa ang NYORK: Not Your Ordinary Rich Kid ni cursingfaeri. Nasa external link na po para di na kayo mahirapan. Pramis.. last na collab story na yon.. yata.. HAHAHAHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 109 43
"I guess LANY is right. Good guys never win." ~~***~~ Jazmine Neriah Wong loves to date bad boys. There's just something in them that attracts her. B...
6.4K 384 30
Since birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendship...
4.4M 105K 35
***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful bec...
4.6K 299 27
The Way Series #1 | The eyes reveal so much about ourselves. *** A novel. Running away from his tragic past, Calvin transferred to a different univer...