PRESENT TIME
"Pres!"
Tila nagising ako at natapos sa aking pagbabalik-tanaw.
"Nandito lang po pala kayo. May problema po tayo," humihingal na sabi ni Cheska. Ang Auditor ng SC.
"O ano yon?"
"Nagkaroon po ng problema kila Stephen. Mataas po pala ang lagnat nya," aniya.
"Ano? Bakit hindi nila sinabi agad?!" agad na kong tumakbo papuntang backstage.
Pinalilibutan sya ng mga tao nung makarating ako don.
"Edcel, pasabi sa emcee na paki-cancel yung intermission number ng Black Po-faced."
"No, We'll do it," seryosong sabi ni Stephen na halatang masama ang pakiramdam.
"No. Halika dadalhin ka na namin sa clinic," aniko at hinawakan sya pero agad nyang inalis ang kamay ko.
"We'll do it," matigas nyang sabi at tumayo pero muntik na syang matumba buti at naagapan sya ni Justin.
"Dude hindi mo kaya." -Justin.
"Kaya ko," matigas ang ulo nyang sabi.
"Hindi mo kaya. Halika na sa clinic," aniko.
"Stop acting as if you care for me!" inis nyang bulyaw sakin.
"Stephen," pigil ni Euler.
Nainis na talaga ko.
"Stop acting as if I care for you?! E siraulo ka pala eh, hindi ako umaarte! Hindi lang ako ang nag-aalala sa kalagayan mo noh! Tignan mo ang lahat ng tao dito! Nag-aalala sila dahil sa katigasan ng ulo mo!" inis ko ring bulyaw sa kanya.
"Pres. tama na," awat ni Rose.
"Hindi eh! Sabi nya kaya nya di ba? O edi kaya nya. Ituloy nyo yung number nila! Kaya pala nya eh!," galit kong sabi.
"Shiela.." seryosong sabi ni Frederick.
"Sana kasi sinabi nyo na agad kanina na nilalagnat pala sya!" inis kong sabi. "Argh! Tawagin nyo na lang ako kung tapos na kayo." aniko at naglakad na. Napalingon ako nung bigla silang magsigawan.
"Stephen!" sigaw nila.
Nakita kong hawak ni Justin si Stephen na nawalan ng malay. Agad akong tumakbo papunta sa kanila.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" aniko at hinawakan ang pisngi nya. Sobrang init nya. "Stephen! Stephen!"
Sumama ako sa pagdala sa kanya sa ospital, pero nang makita ko ang pamilya nya ay agad na kong umalis. Alam kong hindi na ako dapat pang makigulo sa kanila.
Minsan na kong nakagulo sa kanila at ayoko ng magkagulo uli sila dahil sakin. Nagulat na lang ako nang biglang may tumulo sa mga mata ko. Marunong pa pala uli akong umiyak. Akala ko tapos na kong umiyak noon. Agad ko iyong pinunasan at nagmadali ng umalis.
Sa paglalakad ko ay napadpad na pala ko sa park. Nakakita ako ng swing, umupo ako don at hindi ko na napigilan ang muling maiyak at mabalikan ang mga alaala namin noon.
*FLASHBACK*
Dinala nya ko sa isang park.
"O, akala ko ba magpapaturo ka? Bakit tayo nandito?" tanong ko.
Bigla syang napakamot sa ulo.
"Ahhh... ano kasi.."
"O ano yon?"
Nagulat ako nung hawakan nya ang kamay ko.
"Sa mahigit dalawang buwang kasama kita bilang tutor ko, ang dami mong itinuro sakin, bukod sa academics, tinuruan mo kong maging mabuting anak at kaibigan. Tinuruan mo kong magtiwala at magpatawad." aniya at dinala ang kamay ko sa kaliwang dibdib nya.
Shaks! Feeling ko, hihimatayin ako sa kilig! Hahaha.
"Pero sa lahat ng tinuro mo sakin, isang bagay lang ang pinaka-ipinagpapasalamat ko ng lubos,.. yun ay ang dumating ka sa buhay ko. Binuhay mo ko uli Shiela. Binuhay mo uli ang pagkatao ko na nakalimutan ko nung mamatay si mommy." nakangiti nyang sabi.
Grabe, alam kong good boy na sya pero sobrang na-overwhelmed ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko tuloy mapigilan ang maiyak.
"O bakit ka umiiyak?" tanong nya at pinunasan ang luha.
"Grabe ka kasi eh. Naiiyak ako sa mga sinasabi mo," aniko.
Ngumiti sya at niyakap ako. "Ikaw talaga oh. Tahan na. Ayokong umiiyak ang babaeng mahal ko."
Bigla ko syang tinignan mula sa sinabi nyang yon.
"A-anong sabi mo?"
"Ha? Wala naman akong sinabi ah." maang-maangan nyang sabi.
"Meron eh. May sinabi ka kanina eh," aniko.
Ngumiti sya at inilayo ako ng konti. Huminga muna sya ng malalim bago at itinaas ang kamay nya.
He snap his fingers and I was shocked nung biglang nagliwanag ang paligid. Ang daming maliliit na ilaw ang nakapaligid samin.
Napatingin ako sa kanya. "A-ano to?"
Hinawakan nya uli ang kamay ko. "Alam kong narinig mo ng malinaw yung sinabi ko kanina. Shiela, I may not be perfect, but I will do everything to make you happy. I love you Shiela, will you be my girlfriend?"
SHAKS! Feeling ko lalabas ang puso ko sa sinabi nya! Mahal nya rin ako?! KYAAAAH!
"Uy, ano? Ayaw mo ba?" parang bata nyang tanong.
Ngumiti ako. "Gusto,"
"Gusto? Ibig sabihin, pumapayag ka ng maging girlfriend ko?" excited nyang tanong.
Tumango ako.
"Wooooooh! Hahaha. Thank you! Thank you! Promise hindi ka magsisisi." aniya at niyakap ako. "I love you Shiela,"
"I love you too Stephen," aniko at niyakap sya.
"Pare, congrats!" anila Fred at lumabas sa pinagtataguang puno. "Si Shiela na ang muse ng barkada! Wooohooo!" makulit na sabi ni Fred.
"Matagal na naman syang muse ng barkada ah. Congrats," sambit ni Euler.
"Mga dude, salamat sa tulong." ani Stephen at inakbayan ako.
"Wala yon pare. Congrats," ani Justin.
Inakbayan ni Justin si Euler at Fred. "This cause for a celebration! Tara!" excited nyang sabi at niyakag na sila Fred.
"O ano? Tara na babe. Ihahatid pa kita sa inyo mamaya eh," aniya at inaya na ko.
Shaks! Totoo ba talagang girlfriend na nya ko? KYAAAAH!
---------------------------------
Ang ilang mga buwan ay naging masaya para samin. Alam ng parents ko na boyfriend ko sya at masaya sila para samin, pero napagpasyahan kong hindi na muna namin sabihin sa daddy at lola nya dahil kailangan muna nyang mapatunayang hindi ako makasasagabal sa pag-aaral nya bago namin sabihin sa kanila. Pumayag naman sya.
Busy ako sa paggawa ng reviewer nya nang maramdaman ang pagkulbit nya sakin.
Tinignan ko sya at natawa ng makitang naka-make face sya.
"Anong problema mo? Hahaha,"
"Hindi tayo pwedeng umalis?" parang-bata nyang sabi.
"Hindi po, kasi next week na ang exam kaya mag-aaral muna tayo,"
"Ang daya naman eh. 3rd monthsary natin ngayon eh, dapat nagde-date tayo," maktol nya.
"Stephen..."
"Yeah I know. Aral na muna." malungkot nyang sabi at binasa na uli yung reviewer sa Science na ginawa ko.
Napangiti naman ako at nagsulat na uli.
"Kapag nakakuha ka ng atleast 75% sa exam natin, papayagan kitang gawin ang lahat ng gusto mo sa tatlong araw," aniko.
Para naman syang nabuhayan. "Weh? Promise?" tanong nya.
Tinignan ko sya ng nakangiti. "Promise," aniko at pinisil ng magaang ang ilong nya.
Niyakap nya ko. "Sabi mo yan huh. Magde-date tayo ng tatlong araw. Itaga mo yan sa bato dahil gagalingan ko talaga sa exam," aniya at hinalikan ang ulo ko.
Lumayo ako sa kanya. "Oo, alam ko namang kaya mo talaga yon," aniko at ibinigay ang reviewer nya sa Math.
Napangiti sya at kinuha yung reviewer.
Naging busy na kami sa pag-aaral.
*END OF FLASHBACK*
Napabalik ako sa realidad nang maramdaman ang panyo sa pisngi ko. Agad kong tinignan kung sino ang may hawak non.
"J-Justin," aniko at agad na pinunasan ang mga luha ko. "Kamusta sya?"
"Over fatigue sabi ng doctor. Tatlong araw na pala syang hindi natutulog dahil nagkaroon sya ng mga photoshoot."
"Kailangan ba syang i-confine?" tanong ko.
"Hindi naman. Kailangan lang talaga nya ng kumpletong pahinga, nabigyan na naman sya ng gamot,"
Tumango lang ako.
"You still care for him," aniya.
"Syempre, kasalanan ko kung bakit sya nagkaganon. Kung hindi namin kayo ni-request na pumunta dito, edi sana nakapagpahinga na lang sya."
"Pwede naman naming tanggihan yun eh. Kaso nalaman naming ikaw ang President ng Student Council ng school na yon kaya pumayag kami. Si Stephen tahimik lang naman nung oras na yon kaya alam naming gusto rin nyang pumunta."
"Lagi na lang akong nagdadala ng gulo sa inyo. Pasensya na huh," naiiyak na naman ako. "Request kasi kayo nung mga estudyante dun eh." aniko at pinunasan ang luha ko.
"Shiela, hindi mo naman kasalanan yun eh. Oy, wag ka na umiyak, please. Alam mo namang ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak eh," aniya at hinagod ang likod ko.
Ngumiti ako at tinignan sya. "It's been 5 years since the last time I saw you, pero wala ka pa ring pinagbago."
Ngumiti sya. "Ikaw ba, nagbago na?"
"Oo, marami ng nagbago sakin," aniko at tumayo na. "Salamat kanina huh. Sige una na ko." dagdag ko at naglakad na.
Ayoko ng magkaroon uli ng koneksyon sa kanila dahil lagi na lang akong pinagmumulan ng gulo sa mga buhay nila.
---------------------------------
issa_gokou