Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

De Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Mai multe

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XXVI: Make a wish

93.6K 4.5K 3.2K
De Serialsleeper


CHAPTER XVI

Make a wish

Third Person's POV



"Walang oras ang dapat masayang! Ipagpatuloy ninyo ang paghahanap sa aking anak!"


Dahil sa naging utos ni Primo ay nag-alisan ang karamihan sa mga kababayan upang ipagpatuloy ang paghahanap kay Amelia sa katauhan ni Cielo. Natira na lamang sa katedral si Primo kasama ang higit sa walo niyang mga alagad.


"Paano mo nagawa sa amin ito?" Hindi man sumisigaw, bakas ang galit at dismaya sa boses ni Primo habang kaharap si Axel na ngayo'y bagsak parin sa sahig habang lumuluha. Hanggang ngayon ay hindi parin makagalaw ang binata dahil sa mga kauring nakahawak sa kanya at pinipigilan siyang makatakas.


"P-primo... Primo paano mo nagawa iyon sa isang inosenteng bata?!" Napasigaw si Axel at kahit siya'y hindi narin nagawang maitago pa ang nararamdamang galit dahil sa mga nasaksihan. Biglang suminghal si Axel at sarkastikong natawa, "ah oo nga pala, kahit naman sarili mong anak handa mo ring talikuran dahil kay Astaroth hindi ba?"


Tila ba sumiklab ang galit ni Primo dahil sa mga salitang binitawan ni Axel. Walang ano-ano'y bigla niyang sinugot ang binata at marahas na hinawakan ang leeg.


"Wala kang karapatang kuwestyonin ang mga desisyon kong para sa kabutihan ng mga kababayan natin!" Nanlilisik ang kulay itim na mga mata, punong-puno ng galit si Primo na animo'y handa nang tapusin ang pangalawang buhay ng binata.


"May kaakibat na kaparusahan ang iyong pagtalikod sa sarili mong bayan!" Binitawan ni Primo si Axel at marahas na itinulak. Dahil sa matinding galit ay kinuha ni Primo ang isang itak, hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan.


Lumuluha man, ngumisi na lamang si Axel nang makitang dahan-dahang naglalakad si Primo papalapit sa kanya dala ang itak.


"Akala ko noon ang protektahan si Amelia ang nais mong gawin ko, pero nang malaman ko noon ang totoo at binabalak mong mangyari, na nais mo lang pala akong maging sisidlan ni Astaroth upang makahiling si Amelia—" Unti-unting iniyuko ni Axel ang kanyang ulo na tila ba tinatanggap na ang kanyang kapalaran, "Pero si Amelia, dugo't-laman mo siya... Paano mo magagawa ito sa sarili mong anak na walang—"


"Manahimik ka!" Sumigaw si Primo ng buong lakas at iniangat ang itak upang bumuwelo ngunit nang akmang tatagain na niya ang ulo ni Axel bilang kaparusahan ay bigla na lamang bumukas ang malaking pinto ng katedral.


"Ama itigil mo na ito!"


Laking gulat nilang lahat nang makita si Amelia sa katauhan ni Cielo. Duguan ito at gaya nila ay kulay itim na ang mga mata at nananalantay sa balat nito ang kulay itim na ugat. Nagtatakbo ang dalaga hanggang sa ilang hakbang na lamang ang layo niya mula sa ama.


"A-amelia..." Sa isang iglap ay mistulang naglaho ang galit na nangingibabaw kay Primo. Tuwa at Galak, ito ang rumehistro sa kanyang naaagnas nang mukha nang muling masilayan ang anak na napakatagal niyang hinanap.


Nang akmang lalapitan na ni Primo ang nag-iisang anak upang mahagkan ay nadismaya siya nang bigla na lamang tumigil si Cielo sa paglapit sa kanya. Lalapitan sana niya ang anak upang mahagkan ngunit bigla na lamang humakbang si Cielo paatras na tila ba takot na takot sa kanya.


"Anak, ako ito.." Nanlulumong sambit ng kanyang ama na animo'y nagsusumamong kilalanin siyang muli ng kanyang anak. Sa puntong ito'y hindi na napigilan pa ni Cielo ang kanyang sarili na maluha.


"Ama, hindi ikaw 'yan.... Ang ama na kilala ko, mabait at hindi nananakit ng kapwa. Kahit kailan, wala kang ibang hinagad kundi protektahan ang bayan at nasasakupan—"


"Kinuha nila kayo mula sa amin! Hindi kami tumigil sa paghahanap sa inyo hanggang sa isang araw bigla nilang sinakop ang bayan at inusig kami na para bang mga peste! Pinahirapan! Pinatay! Sinilaban ng buhay!" Kasabay ng pangangatwiran ni Primo ay ang pag-agos ng kanyang luha, "Sa loob ng napakaraming taon wala kaming ibang naramdaman kundi sakit, pighati at apoy na tumutupok sa kaluluwa namin! Parang walang hanggang paghihirap hanggang sa—"


"Walang kasalanan ang kasalukuyan sa inyo! Ama hindi sila ang may kagagawan sa paghihirap ninyo! Hindi sila ang nagkulong sa kaluluwa ninyo sa plakang iyon! Ama pakinggan mo ako! Ama nilamon na ng matinding pighati at galit ang puso ninyong lahat pero mababago niyo pa ito! Ama tama na! Parang awa mo na!" Pagmamakaawa ng lumuluhang si Cielo dahilan para mabalot ng katahimikan ang buong katedral.


"Anak magbabago ang lahat kung hihiling ka sa kanya." Basag ni Primo sa katahimikan ngunit dahil sa mga salitang kanyang binitawan ay lalo lamang na nanlumo si Cieloat naluha.


"Ama... Ama nang mawala ako... Hinanap mo lang ba ako kasi ako lang ang tanging may kakayahang humiling kay Astaroth? Mahal mo ba talaga ako bilang anak mo o isa lang akong kasangkapan para matupad ang minimithi mo?" Tila ba pinipiga ang puso ni Cielo sa bawat salitang binibitawan.


"Anak... Anak makinig ka..." Muli, sinubukan ni Primo na lapitan ang anak upang mahagkan pero muli ay umiling lamang si Cielo at humakbang paatras.


"Anak lubos kitang minamahal... Pero ang bayan... Sagana ang ani at at maayos ang lungsod, mananatili itong ganoon at mas hihigit pa kung hihiling ka sa kanya.. At ngayon, kung hihiling kang maibabalik ang lahat sa dati, na maayos na namumuhay ang lahat ng Fergullo sa ating bayan, magiging maayos ang lahat. Mabubuhay kami habambuhay at magiging masaya, ayaw mo bang mangyari iyon?" Katwiran pa ni Primo sa anak.


"B-bakit ako? Ama bakit ako pa?" Sambit ng dalagang tuluyan nang napahagulgol.


"Anak para ito sa kapakanan ng nakararami, para sa mga kababayan natin." Muli sinubukang aluin at kumbinsihin ni Primo ang anak na lumuluha.


Ibinaling ni Cielo ang paningin kay Axel na nasa likuran ng kanyang ama at pilit na nagpupumiglas. Panay ang iling ni Axel na tila ba kinukumbinsi si Cielo na 'wag papayag sa sinasabi ng ama.


"H-hayaan mo akong makausap siya." Sambit pa ni Cielo kaya walang magawa si Primo kundi hayaan si Cielo na makalapit kay Axel na hanggang ngayo'y hawak parin ng mga kauri nila upang 'wag makapumiglas o makatakas.


"Axel...." Otomatikong napahagulgol si Cielo nang muling malapitan at mahaplos sa magkabilang pisngi ang binatang gaya niya'y may kulay itim naring mga mata.


"N-naaalala ko na ngayon, naaalala ko na ang lahat... Mahal na mahal kita... Patawarin mo ako kung hindi kita naprotektahan, nabigo ako, patawarin mo ako." Paulit-ulit na sambit ng binatang ngayo'y naaalala na ang nakaraan bilang si Hektor.


"Hindi," Agad na umiling-iling si Cielo sa pagitan ng bawat paghikbi, "wala kang kasalanan. Mahal na mahal kita, si Hektor ka man o si Axel."


"Cielo," Isinandal ni Axel ang noo sa dalaga, "Cielo makinig ka, 'wag kang papayag. Kahit na anong mangyari 'wag kang papayag... 'Wag kang hihiling, parang awa mo na 'wag kang hihiling—"


"Axel!" Napatili si Cielo nang sapilitan siyang kinaladkad ng ama palayo sa binata.


"'Wag kang hihiling! Cielo 'wag mong susundin ang sinasabi niya!" Paulit-ulit na sigaw ni Axel, natigil lamang siya nang pinagsisipa na siya ng isa sa mga kauri na nakatayo sa likuran niya.


"Tama na! Tama na! Ama itigil mo na 'to!" Paulit-ulit na pagmamakaawa ni Cielo habang nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng Ama. Walang magawa si Cielo kundi magmakaawa at maiyak habang pinapanood ang muling pagkakabugbog kay Axel.



"Cielo!"


Biglang umalingawngaw ang isang boses na pamilyar sa pandinig ni Cielo. Ibinaling niya ang paningin sa altar kung saan mistulang nanggagaling ang boses at laking gulat niya nang makita si Raze kasama si Harper. Kapwa nakasuot ng jacket ang mga ito na nagkukubli sa kanilang balat na patunay sa pagiging mortal nila.


"She's still Cielo.... Raze she's still Cielo with Amelia's memory." Pabulong na sambit ni Harper sa binata kaya kahit nanlulumo man si Raze nang makita ang kinahinatnan ni Cielo, mas pinili niyang humakbang parin papalapit sa dating kasintahan.


"Cielo ako 'to... Cielo alam kong nandiyan ka pa, Cielo alam kong di gaya nila ay mabuti parin ang puso mo... Cielo matatapos ang lahat ng 'to oras na gawin mo ang gusto niya... Cielo humiling ka lang... Humiling ka lang at matatapos na ang lahat ng 'to." Pakiusap ni Raze ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umiling ang dalaga.


"No!" Napahikbi si Cielo at nagpumiglas mula sa pagkakahawak ng ama, "Raze hindi ko magagawa 'yan!"


"Cielo napakadali lang ng gagawin mo! Hihiling ka lang!" Hindi mapigilan ni Raze na mapagtaasan ito ng boses lalo pa't hindi niya inaasahan ang naging sagot nito.


"Pero hindi ganun kadali 'yon!" Buong lakas na giit ng luhaang si Cielo at umiling, "Hindi ko kaya ang pinapagawa ninyo sa akin!" Dagdag pa ng dalaga bagay na muling nagpasiklab sa galit ni Primo. Sa gulat naman ni Raze dahil sa naging reaksyon ni Cielo ay hindi na siya nakapagsalita pa.


Napangiti si Axel sa naging desisyon ng minamahal, "Cielo... Cielo ganyan nga... 'Wag kang makikinig sa kanila, hindi mo kailangang humiling... Hindi mo kailangang—"


Isang napakalakas na palahaw na punong-puno ng dalamhati at hilakbot ang pinakawalan ni Cielo sa nasaksihan. Tila ba tumigil ang mundo niya at pinagpira-piraso ang puso niya nang walang ano-ano'y bigla na lamang tumama ng napakalakas sa leeg ni Axel ang itak na hawak ni Primo.


"Ama! 'Wag! Tama na!" Napasigaw si Cielo at agad na sinugod ang ama ngunit bigo siya nang hinawakan siya ng dalawa sa kanyang mga kauri.


Panay ang sigaw at walang tigil ang pagmamakaawa ni Cielo habang pinapanood ang kanyang ama habang walang-tigil at walang-awang tinataga ang leeg ni Axel bilang kaparusahan. Hindi tumitigil si Primo sa ginagawa kahit pa nagtatalsikan na sa mukha niya ang natitirang dugo sa katawan ng binata, tumigil lamang siya ang tuluyang nahulog sa sahig ang pugot na ulo ng binata.


Tila ba tinakasan ng lakas si Cielo sa nasaksihan at walang emosyong bumagsak sa sahig habang walang tigil sa pagtangis.


Kahit sina Raze at Harper ay gulat na gulat sa nasaksihan. Tatakbo na sana si Raze upang saklolohan si Cielo ngunit bigla na lamang hinigit ni Harper ng marahas ang braso niya. Umiling-iling si Harper, mangangatwiran na sana siya nang bigla na lamang may umagaw sa atensyon niya.


"D-dana..." Nanlaki ang mga mata ni Harper nang mamataan si Dana habang inaalalayan si Wacky na animo'y hindi na kayang makapaglakad ng mag-isa. Papalabas na ang mga ito kaya naman dali-daling itinaas ni Harper ang kanyang kamay at itinuro ang direksyon ng dalawa.


Tinangka ni Harper na magsalita ngunit imbes na boses ay laking gulat niya nang dugo ang biglang lumabas mula sa kanyang bibig. Unti-unting umagos ang luha mula sa mga mata niya nang makita ang nanginginig na kamay ni Raze na hanggang ngayo'y hawak pa ang screwdriver na nakasaksak sa leeg niya.


Kapwa nagkatitigan ang luhaang mga mata nina Harper at Raze. Kung ang kay Harper ay punong-puno ng gulat at panlulumo, kay Raze naman ay puno ng galit.


Sa isang iglap ay bigla na lamang dumilim ang buong katedral at umalingawngaw ang putok ng baril.



END OF CHAPTER 26!

Author's Note:

To those who are still confused why Cielo is still Cielo and Axel is--was-- still Axel: Given the fact that reincarnations sila, kumbaga parang naging dormant lang yung memories nina Amelia at Hektor sa isipan nila.

As said in the previous chaps, pumapasok ang spirits ng mga Fergullo sa mga bangkay. Pero nang ang mga katawan nina Cielo at Axel ang namatay, walang nakapasok na ibang spirits sa katawan nila kasi Fergullo parin naman sila. They exist on both timelines kaya nag-stay ang both traits and persona nina Amelia at Hektor. 

Hope this helps :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3





Continuă lectura

O să-ți placă și

20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
KAHIMANAWARI De talesofdemi

Polițiste / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...