From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

18. Napagtanto

21.2K 282 100
By hunnydew

Lunes. Tulad nga ng inaasahan ni Mason, kalat na sa buong high school department ang mga nasabi niya noong Prom nang magkasagutan sila ni Ray sa harap ng mga kamag-aral nila. Sa kabila nang bulong-bulungan ng mga estudyanteng nakakakita sa kanya, pinili na lamang niyang huwag itong pansinin at tumuloy na lang sa office ng Student Council kung saan may magaganap na pagpupulong kasama ng mga volunteers sa naganap na event.

 

Subalit pagbukas pa lamang niya ng pintuan, bumungad na sa kanya ang masiglang talakayan ng mga ito.

“—balitang may gusto si Kuya Mason kay Ate Louie?! Goraaabeee, nag-confess daw siya sa harap ng maraming tao eh!” umaalingawngaw ang boses ni Gwyndale.

“Anong narinig? Nandun kaya kami! Kitang-kita namin ang mga pangyayari! Sarap ngang bayagan ni Ray eh, alam mo bang kinaladkad niya si Ate Louie?!” dagdag pa ni Rona. “Hinanap ko pa si Charlie tsaka si Kuya Basti para humingi ng tulong kaso hindi ko sila makita.”

“San ka ba naghanap? Kung sa malapit sa pagkain ka tumingin, tiyak na makikita mo si Charlie don! Si Kuya Basti naman, nakita kong may kasayaw eh,” wika naman ni April. “Pero grabe, kinilig ako nang bongga sa confession ni Kuya Mason! Bagay sila ni Ate Louie ‘no?”

“Eto ang tanong: sino ang bet niyo para kay Kuya Mason? Si Ate Clarisse o si Ate Louie?” pag-uuntag pa ni Ericka.

Okay naman si Ate Clarisse… kaso… halata kasing may gusto siya kay Kuya Mase. Tapos… parang may kulang… parang… walang kilig vibes? Gets niyo ba?” sinubukang ipaliwanag ni Vash.

“Si Ate Louie naman… well-rounded, tapos maraming alam. Si Kuya Mase, genius. O diba? Bagay… street-smart and genius—“ pag-aanalisa ni Anna.

“Kay Ate Louie din ako! Mason-Louie-Forevs! Makapagtayo nga ng fans club!

“Mason-Louie-Forevs? Ano ‘yun?” Si Chan-Chan na kararating pa lamang kasabay ng iba pang mga officers. Nagsilingunan tuloy ang mga volunteers at nanlaki ang mga mata nang makitang nakaupo sa bandang likuran si Mason.

Pumasok na rin sa silid si Miss Leyn. “Oh, mamaya niyo na ituloy ‘yang chismisan niyo,” paninimula nito bago pumunta sa harapan upang pangunahan ang pagpupulong.

Kahit walang reaksiyong ipinakita si Mason sa mga naging palitan, hindi niya alam kung ano ang iisipin at mararamdaman sa mga narinig. Paniguradong nakarating na rin ang mga ito sa kaibigang si Ray.

Si Ray.

Isa pang malaking palaisipan kay Mason kung paano haharapin ang kabarkada sa oras na kausapin siya nito. Hindi kasi siya ang klase ng tao na magpapaliwanag kung hindi naman hinihingan ng opinyon. Hindi rin niya pinapansin ang mga balita tungkol sa kanya lalo na’t walang katotohanan ang mga iyon. Subalit sa pagkakataong ito, nag-aalala siyang maaapektuhan ng mga usap-usapan ang pagkakaibigan nila ni Ray.

Pagdating ng tanghalian, magkakasama pa rin silang apat na kumain. Ngunit kapansin-pansing pinipilit nina Nile at Aaron na magkaroon ng pag-uusap at halatang iniiwasang talakayin ang mga naganap noong Prom upang maibsan ang tensiyon sa ere.

Subalit naganap na nga ang kinatatakutan pagdating ng uwian. Kababalik lamang ni Mason galing sa faculty sapagkat kinausap na siya ng mga guro na paghandaan ang Valedictory speech para sa nalalapit na pagtatapos. Ang mga kaibigan na lamang niya ang naroroon at naghihintay sa kanya.

“Pare, anong ibig sabihin nito?” Bakas sa tinig ni Aaron ang umuusbong na inis at itinaas ang isang piraso ng papel.

Kumunot ang noo ni Mason at iniharap naman ng kaibigan ang hawak at ibinagsak ang paper bag sa paanan niya. Ang larawan pala ni Clarisse. Naalala niyang itinago niya iyon sa inner breast pocket ng coat niya na siyang ipinahiram naman niya kay Louie. Sandaling nagtaka siya kung paano napasakamay ni Aaron ang larawang iyon at nais din sanang magpaliwanag, pero nagtuloy-tuloy na ito sa pagsasalita kasabay ng paglapit nina Nile at Ray.

“Pare naman. Alam mong matagal ko nang pinopormahan si Clarisse diba? Tinatalo mo ba ako?” sumbat nito sa kanya.

“Ibibigay ko ‘yan sa’yo,” maikling tugon naman ni Mason dahil iyon naman ang totoo.

Padaskal na ibinato ni Aaron ang larawan bago iyon bumagsak sa sahig. “Para ano? Para ipamukha sa’kin na ikaw ang gusto ni Clarisse? Tingin mo ba hindi ko alam ‘yun? Sana sinabi mo sa’kin noon pa kung trip mo rin pala siya para nagparaya na lang ako diba? Hindi yung ganitong kung kailan ako gumagawa ng move, saka ka eeksena,” pagpapatuloy nito.

Pumagitna na rin ang dalawa pa nilang kaibigan dahil mukhang hahawakan na ni Aaron sa kwelyo ng uniporme si Mason. “Pare, kalma lang,” mahinahong sabi ni Ray.

“Wala akong gusto kay Clarisse,” kalmadong paglilinaw ni Mason.

Ngunit tumawa lamang ng pagak si Aaron. “Paasa ka rin eh, noh? Tang-ina Pelaez. Ngayon ko lang na-realize na isa kang malaking epal. Alam mong maraming nagkukumahog na babae sa’yo pero ‘yung nililigawan ng iba ang pasimple mong pinupuntirya. Para ano? Ha? Para ipamukha kung gaano ka ka-angat sa amin? Na kahit anong gawin namin, wala kaming panabla sa’yo?”

“Aaron, tama na,” pag-awat ni Ray na mahigpit na hinawakan sa balikat ang kaibigang nagpupuyos sa galit.

“Tama na?” pag-ulit ni Aaron at nilingon si Ray. “Huwag ako ang sabihan mo niyan. ‘Yang henyong si Pelaez ang sabihan mo. Tanga ka kasi eh. Palibhasa masyado kang mabait. Hindi mo alam na inaahas ka na pala. Baka nakakalimutan mong umamin yang magaling mong kaibigan na may gusto rin siya sa ex-girlfriend mo. Sa harap ng madla. Kung kailan desperado kang magkabalikan kayo,” pagpapaalala nito at agad ding nabato sa kinatatayuan si Ray na napatingin lamang kay Mason.

“Sinabi ko lang ‘yon para matigil si Ray dahil wala siya sa katinuan nun,” sagot naman niyang nakakuyom na ang mga palad.

“At ngayon ka pa magmamalinis? Sasabihin mo ring wala kang gusto kay Louie?” umiling si Aaron at mapait na ngumiti. “Akala mo ba hindi ko napapansin na lagi kang nakatingin sa kanya? Na lagi mo siyang pinagmamasdan? Hindi ako tanga, Pelaez. Ikaila mo mang walang katotohanan ‘yung mga sinabi mo nung Prom, alam kong may gusto ka kay Kwok,” pagdidiin pa ni Aaron.

“Totoo ba?” siyang tanong din ni Ray na mukhang hindi makapaniwala sa mga narinig.

Ibubuka na sana ni Mason ang bibig upang pabulaanan ang mga paratang ng kaibigan subalit hindi siya binigyan ng pagkakataon nito.

“Tingin mo aamin yan sa harap mo, Ray? Ang tanga mo talaga,” pilit na tawa ni Aaron bago tinignan si Mason sa mata. “Nagsisisi ako kung bakit nakipagkaibigan pa ako sa’yo Pelaez.” Tumalikod na ito at halos kaladkarin si Ray palabas ng silid na mistulang naestatwa pa rin na nakatingin sa kanya.

Nagtangka pa si Nile na habulin ang dalawa subalit pinigilan na lamang niya ito.

Tila nawalan siya ng lakas sa pangyayaring iyon kaya napaupo at natampal na lamang niya ang noo. Nawalan na rin siya ng ganang mag-isip kung paano aayusin ang hidwaan nilang magkakaibigan dahil lamang sa maling akala.

Pinulot naman ni Nile ang larawan ni Clarisse at ipinasok iyon sa paperbag bago tinapik-tapik ang balikat niya. “Galing kay Chan-Chan. Pinapaabot daw ni Louie,” ang tanging sambit lang nito at iniabot ang mga iyon sa kanya. “’Yaan mo muna sila. High on emotions lang siguro. Magkakaayos din kayo,” pag-aamo ni Nile na naupo sa tabi niya.

Tumango na lamang si Mason. Alam niyang sa tindi ng mga binitiwang salita ni Aaron, mukhang malabong magkaayos sila agad. Sandaling sinilip din niya ang laman ng paperbag at nakitang laman nga  niyon nga ang ipinahiram niyang coat kay Louie.

Muling nagbalik sa alaala ni Mase kung paano ba niya nakadaupang-palad ang dalaga.

Naging interesado lang naman siya dito upang maunawaan ang kapatid sapagkat inakala niyang kung mauunawaan niya si Louie, madali na rin niyang maiintindihan si Charlie. Lagi niya itong pinagmamasdan para sa kapakanan ng bunso at hindi dahil may pagtingin na siya dito.

Pero naalala rin niya ang kakaibang kasiyahan nung gabi ng Prom – ang di-inaasahang makasayaw niya ito, ang pag-uusap nila sa labas ng bulwagan, ang pagpagitna niya sa pamimilit dito ni Ray, ang paghahatid niya sa dalaga pauwi sa bahay nito.

Siguro nga ay tama si Aaron.

Marahil na ang kagustuhang maunawaan ang kapatid ay nauwi sa unti-unti at di-maiwasang pagkahulog ng loob ni Mason kay Louie.

Mabuti na lamang at hindi pa siya umaabot sa puntong hindi na niya maikubli ang nadarama tulad ng nangyari kay Ray. Sa kinalalagyan niya ngayon, kaya pa niyang pigilan ang sarili. At wala na siyang balak palaguin ang paghanga sa dalaga. Hindi na gugustuhin ni Mason na mas lumala pa ang lamat ng pagkakaibigan nila ni Ray matapos ang mga mabibigat na salita ni Aaron.

At sa estado ng buhay ni Louie ayon na rin sa pag-oobserba niya at sa mga naibabahagi ng kapatid tungkol dito, masyadong kumplikado ang buhay ng dalaga. Ayaw na rin ni Mason na makadagdag pa sa mga problema ni Louie.

Kaya mabuti na rin at sa loob ng isang buwan ay magtatapos na si Mason. Kung magkikita pa rin sila ng dalaga, ipinagsasalamat niyang hindi na ‘yon ganoon kadalas.

Samakatuwid, ang paghanga niya kay Louie Kwok ay hindi na mauungkat pa at tuluyang mababaon sa limot.

Mapait na ngumiti si Mason nang maalala ang mga huling linya ng awiting napakinggan niya sa radyo nang ihatid si Louie pauwi.

…But it’s time to face the truth..

…I will never be with you…

 

 ====

A/N: YEEESSS.. I knoww.. basag ang mood niyo ngayon. Ganun talaga. It's a love that was never meant to be.. charot XD hahaha. Gusto ko sanang ilagay sa dulo 'The End' kaso pakiramdam ko, kukuyugin ako ng mga MasonLouie fans =_= lels.. pakiabangan nalang ang UD ni Miss Astig in the next few days :D

Continue Reading

You'll Also Like

707K 25.6K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
348K 23.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...