The Superstar (COMPLETED)

By JayceeLMejica

328K 10.8K 922

The Dela Fuente Brothers Book 1: Paulo Dela Fuente Paulo Dela Fuente, pinakasikat na bokalista ng bandang S... More

Prologue
The Superstar: 1
The Superstar: 2
The Superstar: 3
The Superstar: 4
The Superstar: 5
The Superstar: 6
The Superstar: 7
The Superstar: 8 (Collab with xPANICx)
The Superstar: 9
The Superstar: Special Chapter
NEW STORY - The Other Side (Prologue)

The Superstar: Finale

29.3K 944 258
By JayceeLMejica

N/N:


Hindi talaga ako naglagay ng babala ng finale na ngayon, gusto ko lang kayong ma-surprise (as if?).  Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at nakatuntong na sa chapter na ito.  Salamat rin sa pagtyatyaga sa panget na kwentong ito.  Hahahaha!   Pero 'wag kayong mag-alala, may iba pang kapatid si Paulo, mamili na kayo kay Howard, Ethan Race, at Ahron kung sino ang susunod.  Feel kong mas maganda yun dahil Summer Vacation ko gagawin.. :)


Hi rin nga pala sa mga tagabasang tahimik, hahahaha.  Minsan uso din magsalita mga bhe!  'Wag palaging tahimik, minsan sa sobrang tahimik mo, hindi mo na alam na nasasaktan ka na pala.  #Hugot.


Dedicated ang kwentong ito kay J.R. at kay Paulo, mga taong nagturo sa'kin ng lessons na babaunin ko forever, hindi mapapanis at hindi mabubulok.   Mahirap na friends pa rin tayo J.R. pero go pa rin ako kasi wala naman akong magagawa eh.  Buti na lang rin hindi ka nagbabasa ng wattpad, pero alam kong may chance na mahuli ako!  Oh well, that's life.



The Superstar: Finale


"But you are not the kind of boy who should be marrying the wrong girl."


**


Simula ng sumagot si Paulo sa kasal na sinabi ni Czarina, aligaga ang buong industriya ng showbiz dahil first time na nangyari ito na isang singer at isang magaling na aktres ang magpapakasal. Nagkaroon din ng balita sa radyo, diyaryo, at sa telebisyon.


Marami ring babae at bakla ang nagalit kay Czarina dahil alam nilang hindi magagawa ng iniidolo nilang si Paulo Dela Fuente ang sex video na 'yun. Isa rin naman rito si Jade pero pinipili niyang 'wag nang isipin ang mga sinabi ni Paulo sa kanyang babalikan siya. Ayaw niya munang umasa.


Dalawang linggo muli ang lumipas, at sumapit ng Linggo, ang araw kung saan magaganap ang kasal ni Paulo at Czarina.


Kasalukuyang nakaupo ang tatlong magkakapatid sa kwarto ni Ahron, kanina pa sila nag-uusap na tama ang gagawin nila.


"Sigurado ka bang hindi malilintikan si Paulo sa gagawin natin?" Alalang tanong ni Ethan kay Ahron.


"No, gusto ko lang ipakitang mali ang inaakala ng lahat tungkol sa'ting magkakapatid. Ikaw ba Ethan Race kakayanin mong magpakasal sa taong hindi mo naman mahal?" Balik nito at natahimik si Ethan Race.


"'Wag na kayong magtalo, pasalamat talaga 'yang si Paulo at spoiled siya sa'ting tatlo. Natatawa na lang ako sa Czarina na yan. " Napapailing na kwento ni Howard at natawa ni Ahron.


"Nakakatawa na lang siya, kuya." Natatawa ring sagot ni Ethan.


"Nakalimutan kong ite-text ko nga pala ang soon to be girlfriend.." Natawa ito, "Ay! Gayfriend pala ni Paulo."


"Galing talaga magplano, tsk tsk." Iling-iling na sabi ni Ethan.


"Hindi ako ang nagplano nito, ako lang ang umaaksyon. 'Di ba, Kuya Howard? Dapat hindi ka na lang naging CEO, dapat naging wedding planner ka na lang." Pang-aaasar ni Ahron at ngumiti lang si Howard.


"Sometimes you need to manipulate people. Mahirap ang ikaw ang mamanipulate, lalo na kung hindi mo ikakabuti. I know na magagawa mo namang maigi 'yan Ahron." Paninigurado ni Howard, si Ethan naman ay kinakalikot ang cellphone at text ng text.


"'Wag mong kakalimutan ang baril na kapalit nito." Hindi na sumagot si Howard bagkus ay tumango na lang ito kay Ahron habang nagtatype rin ng text para kay Jade.



JADE'S POV:


Ito na ang simula ng sembreak namin at kasalukuyan akong nasa activity center ng barangay, sadly ay hindi ko nakita si Angelo, ang hirap kasi kapag wala kang makakwentuhan. Si Oning Bading naman ay laging may trabaho.


Si Mama naman ay hindi ko makakwentuhan dahil busy ito sa bago nitong tuklas na laro sa App Store. Hindi ko naman kayang libangin ang sarili ko dahil kahit anong alis sa isip ko, alam kong ikakasal pa rin si Paulo ngayong hapon.


Siguro nga ngayon ay wala pa rin talagang para sa'kin, I almost gave myself to JR before at pagkatapos naman n'on ay gusto ko ng umasang mayroon sa'ming dalawa ni Paulo.


Bumuntong hininga ako at napatingin sa cellphone ko. May isa akong text message, pero feel kong 8888 lang naman yan. Hinayupak!


Hindi ko ito pinansin bagkus ay nagpatuloy ako sa panonood ng mga batang naglalaro ng volleyball. At nang ilang sandali pa ay nagulat ako ng sunod-sunod na umilaw ang cellphone ko at doon ko nakita na number pala ito ng isang tao at hindi ni 8888.


From: 0905*******

Pumunta ka sa likod ng simbahan kung saan ikakasal si Paulo. This is Ahron Dela Fuente, kapag hindi ka kumilos ngayon, maraming nakatingin sa'yo at kapag walang ginawa within 10 minutes may kakaladkad sa'yo.


Halos umabot ng isang-daang message na puro ayun lang nakalagay. Ahron Dela Fuente? Kuya niya? Siya lagi yung nababalitang nakakahuli ng kung ano-anong sindikato sa TV kaya medyo pamilyar siya sa'kin.


Naisip ko ang text message nito, ano naman ang gagawin ko sa likod ng simbahan kung saan ikakasal si Paulo? Sign ba ito na ipinapamukha sa'kin na wala talang chance?


Hindi ko pinansin ang nasa cellphone ko at pinatay ko ito tsaka nilagay sa bulsa. Pinanood ko ulit ang mga batang naglalaro, paano namang may kakaladkad sa'kin rito?


Nang mag-spike ang bading na kanina ko pa tinitignan ay nagulat na lang ako ng may dalawang lalaking humawak sa braso ko.


"Ten minutes na ang nakakalipas." Sabi nung isang nasa kaliwa ko. May itsura naman silang dalawa pero malalaki ang muscles.


"'Wag niyo kong hawakan!" Alma ko pero umiling naman ang lalaki sa kanan ko at tumango siya sa lalaking nasa kaliwa ko.


Nagulat na lang ako sa susunod nilang ginawa. Binuhat nila akong dalawa.


"Hoy! Pakawalan niyo 'ko!" Pagpupumiglas ko pero wala silang pake, nasa labas na pala ang isang van at mabilis lang din nila akong isinakay.


Grabe pala yang Ahron Dela Fuente na yan!


**


Halos hilo-hilo akong bumaba ng van, iba rin kasing magpatakbo ang driver kaya halos umikot ang mundo ko. Nasa saktong likod na kami ng simbahan, wala ng paparazzi dito pero nakita ko sa harap na santambak ang nag-aabang na camera, may mga van pa ng iba't-ibang network.


Mapapasabi ka na lang ng 'edi wow' eh.


Ako na lang mag-isa ang natira at ako lang din ang mag-isa ang nandirito. Umupo ako sa isang plantbox na may puno sa gitna. Naririnig kong nagpapractice ang chorale sa loob, isa ito sa mga binalita sa TV, masyadong nagmadali ang babaeng si Czarina kaya nagmadali rin ang lahat.


Nagugulat nga kong 'oo' lang ng 'oo' si Paulo sa mga demands ni Czarina, kapag nakikita ko siya sa TV parang napipilitan lang naman ang mukha niya. Hay, ewan ko ba! Napakagulo ng buhay ni Paulo, napakagulo ng trabaho niya.


"I bet kanina ka pa nandyan, Jade Santillan." Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng amerikana at may panloob na itim na polo.


"Ahron." Sambit ko, parehas na parehas kasi ang itsura at expression ng mukha nito sa TV.


"Ahron Dela Fuente, nice meeting you." Iniabot nito ang kamay niya na siya namang tinanggap ko.


"Bakit mo ako pinapunta dito?" Walang kaabog-abog kong tanong at umismid ito.


"Alam mo bang naging stalker mo si Paulo?" Panimulang kwento nito, pampalit sa pandededma niya sa tanong ko.


"Anong pinagsasabi mo?" Maangan kong tugon rito, umupo na rin siya sa tabi ko.


"Naaalala kong kwento niya ay noong nakita ka niyang nakangiti sa kanya ng papasok siya sa NRJ Building, at pinahanap ka niya sa'kin. Naging stalker ka niya sa social media accounts mo, ako man din nagugulat sa mga pinaggagagawa niya pero wala eh! He's my brother at bunso pa naming apat kaya we don't care sa gusto niyang mangyari sa buhay niya."


Napatiim ako, wala akong masagot sa mga binabahagi ng kuya niya. Naging stalker ako ni Paulo? Parang ang hirap talagang paniwalaan.


"At ngayon nandito ka, alam kong nagtataka kung bakit. Pero I know na ikaw ang gustong makita ni Paulo after ng gagawin ko mamaya." Dagdag pa nito na hindi ko na maintindihan.


"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya pero itinaas lang nito ang dalawang balikat niya na tipong hindi niya alam.


"Ayan na! Magsisimula na, dito ka lang Jade. Watch and learn!" Kinindatan ako nito bago tumakbo papunta sa harap ng simbahan.


Ano kayang mangyayari?



PAULO'S POV:


Samu't-sari ng bulungan ang naririnig ko at sinasabing nasa labas na raw ng simbahan si Czarina. Hindi pumunta sina Kuya Howard at Ethan, alam kong may gagawin sila kaya nila ako pinunta sa sitwasyon na 'to, pero sana naman 'wag nilang tagalan!


Kanina ko lang nakita si Kuya Ahron pero hindi ko na siya makita ngayon. Iniisip ko si Jade, paano kung matuloy ang kasal na 'to?


"Okay, nandyan na po ang bride. Sinimulan ng pong isara ang pinto ng simbahan."


Huminga ako ng malalim, para akong unti-unting nahuhulog sa building at walang sasalo. Putek naman o!


Bumukas na ang pinto at bumulaga ang mga abay na pinili lahat ni Czarina, masyado na akong armored noong umoo ako sa kanya. Kaya ang ginawa ko, hindi na lang ako lumabas ng bahay.


Mabilis lang ding nakarating sa altar si Czarina, hindi ko pa rin nakikita si Kuya Ahron. Gusto ko nang tumakbo pero nagtitiwala ako sa kanya at sa mga kapatid ko.


"Masaya akong ikakasal sa'yo, Paulo." Ani Czarina sabay abrisyete sa'kin. Wala nang sinabi ang mga magulang nito dahil mukhang sinabihan na rin ito ni Czarina.


Saktong pagharap namin sa pari ay biglang may biglang malakas na tunog ang umalingawngaw sa speaker at biglang may nagsalitang babae.


"I swear, napakaraming tao ang naniwala sa sex video na yun! Dahil yun sa'yo, napakagaling ng pagkakaedit mo!" Humalakhak pa ito pagkatapos.


Natahimik bigla ang buong simbahan at lahat ay nakikinig. Muling umingay ang buong simbahan dahil sa tunog na parang nadikit na mic, bumukas rin bigla ang projector at biglang lumitaw ang mukha ni Czarina kasama ang ibang lalaki.


At ang ibang lalaki na yun ay ang totoong tao sa sex video na ikinalat niya.


Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak ni Czarina sa'kin. Kita ko sa mukha nitong naiiyak na siya sa mga nakita at narinig ng tao.


"You thought na ganuon mo mabibilog ang ulo naming mga Dela Fuente?" Sigaw ni Kuya Ethan habang naglalakad sa isle ng simbahan, kasabay nito si Kuya Howard.


"Guys, I'm really sorry pero mukhang false alarm ang kasalang ito." Sigaw rin ni Kuya Howard.


Ngumiti ako at lumapit na sa kanila.


"Good job, bro! May tiwala ka talaga sa'min!" Masayang wika ni Kuya Ethan sabay tapik sa braso ko.


"Akala mo tapos na Czarina?" Napatingin ako sa altar, si Kuya Ahron! Hindi niya na suot ang tuxedo, nakapolong itim na lang ito.


Si Father naman ay nakikinig lang, mukhang nasabihan na rin siya ni Kuya Ahron dahil ngumiti ito kay Father.


Tumayo na ang pamilya ni Czarina pero biglang lumabas ang ibang kasamahan na agent ni Kuya Ahron para pigilan ito.


Lumabas mula sa likod ng altar ang lalaking nasa sex video talaga. Doon bumuhos ang luha ni Czarina, at tatakbo sana ito pero hinawakan ito ni Kuya Ahron.


"Bros, papasukin niyo ang press!" Sigaw nito.


Tumakbo ang napakaraming tao sa loob ng simbahan. Hawak pa rin ni Kuya Ahron si Czarina habang tunaw na ang kulay itim sa mata nito dahil sa kakaiyak.


"Welcome to front page, bitch!" Natatawang sigaw ni Kuya Ahron.


"Hey bro, may regalo kami sa'yo!" Tapik sa'kin ni Kuya Ethan, na nagpawaglit sa pagtingin ko sa eksenang nagaganap.


"Ano?" Puzzled kong tanong sa kanya.


"Dumaan ka sa likod ng altar at may makikita kang exit." Mando nito sa'kin.


"Nag-aantay lang 'yun don." Dagdag ni Kuya Howard.


At isa lang ang pumasok sa utak ko, si Jade!


Dali-dali akong tumakbo, sumiksik sa press at nilagpasan ang pari na nasa altar. Mabilis kong nahanap ang labasan at sumalubong sa'kin ang isang lalaking nakaupo sa plant box at busy sa pagtingin sa simbahan.


"Jade!" Sigaw ko at lumingon siya.


Tumingin lang ito sa'kin na parang hindi makapaniwala sa nakikita niya.


"'Di ba dapat nasa loob ka?" Bungad na tanong nito pero ngumiti lang ako.


"Paano kung sabihin ko sa'yo na bumalik na ako?  At paano rin kung sabihin ko sa'yo na hindi ako ang nasa video?" Pabiro kong sagot sa kanya pero hindi ako nito pinansin.


"Jade, I'm sorry! Sorry kung matagal ako bago nakabalik, sorry kung akala mong ako ang nasa video, pero handa na ako ngayon at alam kong handa ka na rin." Pagrarason ko at doon siya tumingin sa'kin mata sa mata.


"Bakit ano ba tayo, Paulo? Ano bang balak mo? Sinabi mong babalik ka pero wala kang sinasabi kung bakit ka babalik! Hindi ako manghuhula, Paulo!" Singhal nito na pagalit.


Hinawakan ko ang mga braso nito at hinarap siya sa'kin.


"Hindi ba obvious, Jade? Mahal kita!" Sigaw ko at natahimik siya.


"Mahal mo 'ko?" Tanong niya pabalik at tumango lang ako.


"Ever since na makita ko ang mga ngiti mo, nabihag mo na ako. I've never been so in love like this before. Hindi kita minamadali, Jade pero please take a chance on me!" Pagmamakaawa ko.


"Hindi ko alam ang sasabihin ko.. Pero gusto ko nang umasa na pwede nga." Hinawakan nito ang dibdib ko.


"Hindi mo na kailangan pang umasa dahil nandito lang ako lagi sa tabi mo. Hindi ako katulad ng ginawa sa'yo ng lalaking kinekwento mo. Sa'yo lang ako." Tumungo na ako dahil ramdam kong hindi ko siya mapilit.


"Sa mga sinasabi mo, hihindi pa ba ako? Crush kaya kita!" Napaangat ang ulo ko sa mga sinabi nito at sumalubong sa'kin ang magandang ngiti nito, ang ngiting bumihag sa puso ko.


Niyakap ko siya agad-agad at ibinaon ko ang ulo niya sa dibdib ko para marinig niya ang tibok ng puso ko..


Naputol ang yakap ko sa kanya ng biglang may sumigaw, 'Yan ang bunso namin! Whooo!" Si Kuya Ethan pala.


"'Wag kang mag-alala dahil liligawan muna kita, hindi kita mamadaliin." Nakangiti kong wika sa kanya.


May mga kamay na pumagitna sa'ming dalawa at natawa bigla si Jade.


"Itigil niyo na 'yan! Nabibitter na si Kuya Howard!" Pang-aasar ni Kuya Ethan na ikinatawa naming lahat.


"Shut-up!" Balik na sigaw ni Kuya Howard.


"Sino kaya ang susunod na magkakalovelife sa'ting tatlo?" Tanong ni Kuya Ethan.


"Grabe ang kulit niya no?" Ani Jade habang natatawa, inakbayan ko na ito habang pinapanood naming nag-aasaran ang mga kapatid ko.


"I know na hindi mo gustong magkaroon ng sikat na boyfriend. And I'm willing to give-up my carreer for you." Bulong ko sa kanya.


"'Wag! Naisip ko na ayun ang isa sa nagustuhan ko sa'yo. At kung wala yon, malamang wala ka rito ngayon." Nakangiti itong nakatingin sa'kin na ikinatuwa ko ng husto.


"I hope na hindi magbabago 'yan, I hope na mahalin mo ng todo ang isang Paulo Dela Fuente." Natawa ito sa sinabi ko at lalo kong hinigpitan ang pagkaka-akbay ko.


"Yeah, darating tayo diyan, Paulo Dela Fuente, The Superstar!"


Alam kong mapapasagot kita, Jade. Iba pa rin ang karisma ng isang Dela Fuente. Pero ngayon, ano pa bang hihilingin ko kung nasa akin na ang taong binigay ng Diyos? Simple lang, ang mahalin siya habang buhay..



THE END



** Comment lang mga bhe, masaya na ako.  Maraming salamat sa pagbabasa nitong kwento ni Paulo Dela Fuente :)


(c) Christmas Break, 2015





Continue Reading

You'll Also Like

116K 4.3K 31
Two strangers, One night. Nothing is sure. Is it really possible to fall in love in just one night?
33.2K 2.1K 94
Some get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine...
136K 2.9K 11
HIS Trilogy: Side Story Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog ang loob mo sa isang baliw, call it stupidity ang lalaking iyon ay nabaliw... nabali...
1.7K 102 20
[ROUGH DRAFT] Isang kasong tatlong taon ng hindi nasosolusyunan ay muling binuksan dahil sa isang krimeng walang kasagutan na tinatayang konektado sa...