Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge

109K 4.7K 2.3K
By Serialsleeper


NO TO SPOILERS. THANKIES.


CHAPTER XXIV:

Hitting all the birds with a deadly stone of revenge

Third Person's POV



Litong-lito at hilong-hilo, paulit-ulit na kinukurap-kurap ni Raze ang kanyang mga mata. Labis ang kirot na nararamdaman niya dahil sa sugat sa noo kaya naman huminga siya ng malalim bago dahan-dahang gumalaw.


"What the fuck?" Mahinang sambit ni Raze nang mapagtantong nakatali ang mga kamay at paa niya dahilan para hindi siya makagalaw. Nagpumiglas si Raze, paulit-ulit, hanggang sa tuluyan siyang mapasigaw dahil sa labis nag alit.


"Pakawalan niyo akong mga hayop kayo! Ano bang kailangan niyo sakin!" Napasigaw ang nagngi-ngitngit na si Raze habang nagpupumiglas. Hindi siya mapakali, natataranta siya dahil alam niyang sa bawat segundong hindi niya nakikita ang mga kaibigan ay maaring nasa bingit na ito ng kapahamakan o mas higit pa.


Mayat-mayang napapamura si Raze lalo pa't pumapalya ang lahat ng naiisip niyang paraan upang makatakas.


Hindi nagtagal ay tuluyang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Raze at kasabay nito ang napakalakas niyang pagsigaw. Nagbalik sa isipan niya ang lahat; mula sa pagtanggap ng balitang pumanaw na ang ama, makita niya ang bangkay nito sa morgue, makita itong gumalaw, at malamang huli narin ang lahat para mailigtas niya ang ina at mga kapatid mula sa mga bayolenteng nilalang na sumakop sa lungsod nila.


Mula nang magsimula ang lahat ng kaguluhan, kinimkim ni Raze ang sama ng loob dahil sa nangyari sa kanyang pamilya. Ngayong nag-iisa na siya at wala nang kaibigang pinoprotektahan ay hindi na niya napigilan pa ang sariling panghinaan ng loob. Hindi na niya maitago pa ang labis na panlulumo dahil sa nangyari sa kanyang pamilya at mga kaibigan.


Nadagdagan pa lalo ang sama ng loob ni Raze nang maalala ang dating kasintahan na si Cielo; nakita niya itong hinahabol ng mga kalaban ngunit hindi man lamang niya ito natulungan.


Habang lumuluha ay nilibot ni Raze ang kanyang paningin at nagtaka siya nang mapansing nasa isa siyang kwarto. May kama sa kanyang likuran at tadtad ng mga litrato at newspaper clippings ang mga dingding.


"Anong—" Nakunot ang noo ni Raze nang mamukhaan kung sino ang nasa litrato.


Itinuon ni Raze ang paningin sa pintong nakasara. Dito ay nakita niya ang isang malaking litrato ngunit hindi niya mapunto kung sino ito dahil sa mga maliliit na patalim na nakatusok sa litrato na animo'y siyang pinagbubuntungan ng galit.


Sa isang iglap ay unti-unting gumalaw ang pinto hanggang sa tuluyan itong bumukas. Labis ang gulat na naramdaman ni Raze nang mapagtanto kung sino ito.



"H-harper...." Mahinang sambit ng naguguluhang si Raze nang makita si Harper dala ang isang maliit na bote ng tubig at tinapay.


"G-gising ka na." Rumehistro man ang gulat sa mukha ni Harper, mahinahon parin naman ang dalaga at tila ba hindi magawang tingnan si Raze sa mga mata.


"Harper anong nangyayari?! Anong ginawa mo?! Harper pakawalan mo ako!" Muli, nagpumiglas si Raze at pinanlisikan ng tingin ang dalaga.


"Raze calm down, please I just need you to calm down." Pakiusap ni Harper dahilan para sarkastikong mapasinghal si Raze at lalong rumehistro ang galit sa mukha nito.


"Calm down?! Putangina Harper! Anong ginawa mo?! Harper kailangan nila ng tulong!" Pagwawala lalo ni Raze dahilan para mapabuntong-hininga na lamang si Harper dahan-dahang maupo sa sahig, sa mismong tapat ni Raze.


"Raze, do you want your dad back?" Tanong ni Harper at unti-unting napatingin sa mga mata ni Raze.


"Harper pakawalan mo ako utang na loob!" Apektado man dahil sa naging tanong ni Harper, mas nanguna parin ang pag-aalala ni Raze sa mga kasamahan.


"Raze just hear me out," Napabuntong-hininga si Harper at unti-unting ibinaba ang tingin sa sahig, "Your dad died before all of this happened right? Nabaril siya ng isang holdaper nang gabing nag-celebrate tayo ng birthday ni Church.... But believe it or not Raze, you can get your Dad back. Not just your dad but your whole family... We can get our families back Raze." Mahinahon na sambit ni Harper na may lungkot sa kanyang mga mata.


"N-nilayasan ka ng mga magulang mo Harper! Pagkatapos noong corruption scandal ng tatay mo—"


"Mali ka..." Kumurba ang maliit na ngiti sa mukha ni Harper ngunit kasabay naman ito ng pagpatak ng luha mula sa mga mata niya, "Raze, pagkatapos noong corruption scandal na naging dahilan kung bakit napalitan si Papa bilang Mayor ng Drayton..." Umiling-iling si Harper at lalong naluha.


"Isang araw umuwi ako sa bahay at nadatnan ko si Papa na labas ng kwarto nila ni Mama, umiinom siya ng alak at para bang wala sa sarili. Pumasok ako sa kwarto nila at nakita ko si Mama, she was no longer breathing Raze... I wanted to call for help but Papa told me not to kasi sinadya niyang lasunin ang mama ko. Turns out, may lason narin pala ang alak na iniinom ni Papa.... Raze, my father begged me to drink it too. He wanted us to leave this fucked up world together as a family but I couldn't do it! I couldn't dare to kill myself so I just stood there and watched him succumb to the poison !" Napahagulgol si Harper at napayakap sa sariling tuhod dahilan para maiwan si Raze sa gulat.


"M-my father was torn, lahat ng pinaghirapan at pinundar niya gamit ang sariling sikap ay kinuha mula sa amin dahil sa isang putanginang alegasyon mula sa vice mayor na 'yon! At para saan?! Para maging ang kasalukuyang mayor ngayon! Sinaktan nila ang papa ko hanggang umabot sa puntong kamatayan na lamang ang natitira niyang solusyon para matakasan ang lahat ng 'to!" Mula sa matinding lungkot at paghihinagpis ay rumehistro ang poot sa boses ni Harper nang magbalik sa isipan niya ang lahat ng pinagdaanan ng kanyang pamilya.


"H-harper anong ginawa mo?" Hindi na maitago pa ni Raze ang panlulumo sa kanyang boses.


"They... they deserved it Raze." Pilit mang punasan ni Harper ang luha sa pisngi, patuloy parin ang pagtakas ng luha mula sa mga mata niya.


"Harper anong ginawa mo?!" Hindi na napigilan pa ni Raze na mapasigaw habang lumuluha.



"I made it happen Raze... What's meant to happen all along." Lumuluhang sambit ni Harper dahilan para lalong maguluhan si Raze.


"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na sambit ng naguguluhang sambit.


"The legend about Drayton's darkest past—The damned city beneath us... ang fergullo... It's real Raze... It's all real... They are all real." Pabulong na sambit ni Harper sabay turo sa mga lumang papel at newspaper na nakadikit sa pader.


Biglang nagbalik sa isipan ni Raze ang kwentong narinig niya noong bata pa siya, ang tungkol sa bayan ng Fergullo na biglang nawala na parang bula. Malabo man para sa kanya ang mga detalye, naalala naman niyang minsan niya rin itong narinig mula sa dating guro na si Emma.


"Harper kalokohan lang iyon. Harper makinig ka," Pinilit ni Raze na tingnan si Harper sa mga mata, "Harper nahihirapan ka lang dahil sa pinagdaanan ng pamilya mo. Harper hindi mo kailangang maniwala sa mga sinabi ni Teacher Emma—"


"Look around you Raze! It's all real!" Biglang giit ni Harper, "Ang mga skunks?! Raze sila ang mga dating nakatira dito sa bayan ng Drayton! Mira was right when she told Cielo that it was all our fault, I tricked Mira into playing that old record... That old record contained the miserable souls of every single soul of the old city of Fergullo! And by playing it, we freed them all!" Paliwanag pa ni Harper kaya hindi na halos makapagsalita pa si Raze. Hindi na nito alam kung ano ang paniniwalaan.


"Our bodies are only shells for our spirits. And once we die, our spirits leave. Kaya nang pinakawalan namin ang mga kaluluwa nila mula sa plaka kung saan sila nakakulong, nagawa nilang makapasok sa mga bangkay at mabuhay ulit. Gusto nilang maibalik ang ilan pa nilang mga kababayan kaya paulit-ulit silang pumapatay! Titigil lang sila sa pagpatay oras na mahanap at makuha nila ang kailangan nila..." Paliwanag pa ni Harper dahilan para manlaki ang mga mata ni Raze nang may maalala.


"S-sina Cielo at Axel..." Mahinang sambit ni Raze nang maalalang inuusig ng mga skunks ang dalawa.


"The ones that got away... More like taken away..." Mahinang sambit ni Harper.


"Harper, Harper pakiusap, pakawalan mo ako dito. Sina Cielo, kailangan nila ng tulong. Wala silang ginawang masama sa'yo." Pakiusap na lamang ni Raze.


May lungkot man sa kanyang mga mata, umiling-iling si Harper, "Everything that's been happening? It's like hitting all the fucked up birds with a single deadly stone of revenge. I hate this city Raze, and everyone in here for what they've done to my family. Ginawa ni Papa ang lahat upang paglingkuran ang lecheng lungsod na'to pero dahil lang sa isang alegasyon, bigla nilang tinalikuran ang papa ko at ang buong pamilya namin. Pero Raze higit pa sa tinalikuran ang ginawa nila! You saw how everyone alienated us! Kung ano-ano ang pinagsasabi nila tungkol sa mama at papa ko! Kinuha ang lahat ng ari-arian namin! Kinutya at Inalipusta kami ng paulit-ulit! Raze, napakasakit makita ang mga magulang mong umiiyak araw-araw dahil sa isang kasalanang hindi naman nila ginawa!"


"Harper huminahon ka.... Kailangan mo ng tulong ng isang propesyonal at makukuha mo 'yon oras na makaalis tayo dito. Pangako, hindi ko sasabihin sa iba na may sira ka sa—"


"Raze nang pinlano ko ang lahat ng 'to, sinabi ko agad sa sarili ko na hindi ko isasali ang ama mo at ang pamilya niya. Your dad was the only one who tried to save and protect our family, sa kabila ng lahat pilit siyang gumawa ng paraan upang maipagtanggol si Papa at Mama mula sa panggigipit ng taumbayan. And when my parents died, your Dad kept everything a secret kasi alam niyang ang lahat ng pagkakautang ng parents ko ay sa akin mapupunta. Your Dad was the only person who showed kindness to me kaya pagkatapos ng lahat ng 'to, hindi lang ang pamilya ko ang mabubuhay ulit kundi pati narin ang pamilya mo. Raze, malaki ang utang na loob ko sa papa mo kaya ibabalik ko rin siya."


"S-si Dana, Harper tinuring kang kaibigan ni Dana!" Katwiran ni Raze na hindi parin lubos na makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan.


"That bitch?! To her I was only a friend of necessity! Walang nakakatagal sa ugali niya maliban lamang kay Cielo at dahil wala si Cielo, pinagtiyagaan niya ako!" Katwiran naman ni Harper.


"Sina Dana, Shem, Church, Mira at marami pa.... Harper nagmalasakit sila sa'yo at alam mo 'yon!" Nakasara man ang pag-iisip ni Harper, pinilit parin ni Raze na mangatwiran at ipaalala sa dalaga na may mga tao paring hindi siya tinalikuran.


"Whatever Raze! Sige, sabihin na nating hindi nga lahat nagkasala sa pamilya ko... Pero Raze that doesn't change the fact of how important my family is to me... Raze I need my family and I will do whatever it takes to get them back. Raze quit being a hypocrite, if you were in my shoes and you know there's a way to get your family back, diba ito rin ang gagawin mo?"


Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Kung si Raze ay nahihirapan paring paniwalaan at iproseso ang lahat ng narinig, si Harper naman ay patuloy paring lumuluha habang naalala ang kanyang pamilya.


"Harper... Harper sa tingin mo ba maibabalik mo ang pamilya mo sa pamamagitan ng paghihiganti? Harper wala na sila at hindi na sila—"


"See that's where you're wrong Raze... Three years ago your dad felt pity on me at inako niya ang tuition fees ko. I wouldn't accept his help so he just hired to be his bookkeeper for awhile... Kaya nalaman ko agad ang nangyari kay Cielo. Truth is, I read about your Dad's official police report. Nang gabing mangyari ang krimen na yon, binanggit ng lolo ni Cielo ang tungkol sa mga Fergullo, na galing sa malayong angkan ng fergullo sina Cielo at ang nanay niya. Knowing a bit of the legend, I decided to look into the basement of Cielo's old house... That's when I realized that everything about the legend is real, na totoo sila. Na may malagim na nakaraan ang Drayton... I spent so many months researching, I gathered every little piece of information until I found out about what happened back when Drayton wasn't Drayton..." Tumayo sa harper at kinuha ang isang lumang notebook na napakakapal. Mula sa mga pahina at tinta ay masasabing tunay ngang napakaluma na nito.


"Ayon dito sa journal na nakuha ko, There was once a town called Fergullo headed by Primo Fergullo. Ang bayan ng Fergullo, iba sila sa karaniwan kasi kung ang iba ay laging pinipinsala ng delubyo, sila hindi. Parating sagana ang mga ani nila at kung tuusin, napakamatiwasay ng pamumuhay nila. Higit rin silang mas naiiba kasi hindi sila nakikisalamuha sa ibang lungsod, mailap sila sa hindi nila kababayan. Nagkaroon ng mga sabi-sabi tungkol sa bayan ng fergullo, na sumasamba daw sila sa demonyo kaya naman isang araw, nang magkaroon ng epidemya sa kabilang bayan, ang mga fergullo agad ang pinagbintangan. Isang araw biglang nawala ang dalagang anak ni Primo at ang kasintahan nito. Nawala sila at hindi na natagpuan pa kaya naman sa sobrang galit, isinumpa ni Primo ang kabilang bayan. Hayun, lumala ang epidemya sa kabilang bayan kaya nagkagulo. Nagkaroon ng gantihan hangggang sa sinunog ang buong bayan ng fergullo at pati ang mga mamamayan dahil sumasamba raw ang mga fergullo sa demonyo, at dahil nga pinaniniwalaang masasama ang mga fergullo, ikinulong ng isang albularyo ang lahat ng mga kaluluwa nila sa isang plaka sa pamamagitan ng pagre-record sa mga sigaw nilang punong-puno ng galit at hinagpis. Ang hindi nila alam, may dalawa palang sanggol na nakaligtas, bale they were spared kasi nga naman sanggol.... See, naniniwala ang lolo ni Cielo na maaaring great-great granddaughter si Cielo ng sanggol na iyon. Ayon rin dito sa journal, bago namatay ay sumumpa si Primo sa isang nilalang na nagngangalang Astaroth; na ang kaluluwa ng dalawang kabataang nawala ay babalik at babalik, oras na magtagpo ang landas nila ay magiging daan ito sa pagsisimula ng walang hanggang kadiliman." Binuklat ni Harper ang pinakahuling pahina ng notebook at ipinakita ito kay Raze.


"Sa pagtatagpo ng landas ng dalawang pinaghiwalay ng kamatayan, maghahari ang walang hanggang kadiliman. Ang kalahati ang tagapangalaga, ang kalahati ang magiging kasangkapan. Isang hiling mula sa supling katumbas ang isang tagubilin." Ibinaba ni Harper ang notebook at pinagpag ang mga kamay, "Malabo ang message kasi transcribed lang ito mula sa lumang panulat—"


"Harper tumigil ka na sa kahibangan mo!" Sigaw ni Raze na litong-lito na dahil sa mga ibinabahagi ng dalaga.


"Raze, listen to me! I tried my best to find Axel. It's a good thing hindi na ako nahirapang hanapin siya kasi may napakaraming sketch na naiwan si Cielo sa bahay niya. Kung tutuusin, parang suntok sa buwan ang lahat Raze... Hindi ako sigurado sa lahat ng mga mangyayari pero ginawa ko parin alang-alang sa mga magulang ko. I convinced Cielo's Dad na mapapabuti siya kung titira siya ulit sa Drayton and I even booked Axel's band na magperform dito sa Drayton... But guess what? Kahit ang tadhana, pinagtagpo parin sila sa pamamagitan ng isang aksidente. Aaminin ko, kahit hinanda ko na ang sarili ko, natakot parin ako sa mga skunks. Pero nang tumunog ang kampana nang magkita ulit sina Axel at Cielo, alam ko na sa sarili ko na matutupad ang hiling kong maibalik ang mga pamilya natin." Unti-unting napangiti si Harper.


Umiling-iling si Raze, kahit na anong sabihin ng dalaga ay hindi parin niya ito magawang mapaniwalaan, "Harper hindi totoo ang mga hiling! Harper sa isip lang natin yan! Walang malas, walang swerte! Tayo ang gumagawa sa sarili nating kapalaran!"


Tumango-tango na lamang si Harper at muling ngumiti sabay punas ng luha niya, "Raze hindi kita pipilitin na paniwalaan ang lahat ng 'to pero sinasabi ko sa'yo, at the end of all this, we will get both of our families back. And if magbabago ang isip mo, sana tulungan mo akong mapapunta si Cielo sa Cathedral upang makahiling na siya kay Astaroth."


"Harper, Harper pakiusap... May batang sangkot rito..." Muli, sinubukan ni Raze na pakiusapan ang dalaga.


Napalingon si Harper sa litratong nasa likod ng kanyang pinto, ito ang litratong tadtad ng maliliit na patalim, "His father was the reason why my parents died. He made up some stupid allegations that lead to my family's demise! Hindi inisip ng lalakeng iyon ang mangyayari sa akin kaya bakit ko iisipin ang mangyayari sa anak niya! Bwisit rin si Primo eh, sa lahat ng pwede niyang sapian dun pa sa bwisit na mayor na kinasusuklaman ko."


"Harper... Harper mabuti kang tao... Alam kong—"


"Raze after all of this, hindi lang ang mama mo at ang kapatid mo ang makukuha mo, you'll also get your father's life back. Raze maibabalik nina Cielo at Astaroth ang mga pamilya natin... Raze please isipin mo muna ang sarili mo bago ang iba." Muling sambit ni Harper at muling napatayo.


"Don't get me wrong Raze, I'm not that heartless... Kahit papaano, I feel bad for what's happening too. But mas matimbang parin sa akin ang pamilya ko. Please pag-isipan mo muna 'to... At sana... Sana malinawagan ka at tulungan mo akong mapapunta si Cielo sa Cathedral." Sabi pa ni Harper at tuluyang lumabas.


Muling naiwan si Raze na mag-isa sa silid. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang mga sinabi ni Harper at kasabay nito ang pagbaha ng alaala ng kanyang ama. Hindi mapigilan ni Raze na muling maluha nang maalala ang ama at buong pamilya.



END OF CHAPTER 24!

Author's Note: *EVIL SMILE* Alam na this bwahahaha

Nah, kapit lungs. Hindi isang bagsakan ang magiging sagot sa ating katanungan. Baby steps oh yeah naman hahaha.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3





Continue Reading

You'll Also Like

383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
1.7M 99.4K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...