Reasons To Love You [EDITING]

By Bloooox

7.6K 579 115

More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 3

375 35 12
By Bloooox



Chapter 3: His Secret

Pagkagising ko ay wala na si kuya. Pero nakakita ako ng isang folder sa maliit na table ko. Nakakita ako ng maraming papers dun at note.


Eli,
Pina imbestigahan ko yung mapapangasawa mo. These papers contains all information about him. Hope this helps. :) Take care. Love you.

P.S Magkikita kayo sa La Via ng 7pm for dinner. Wear formal clothes. -Kuya Caden Pogi


Napairap ako nang nabasa ko yung 'pogi' sa hulihan. Hay nako, kahit may asawa na si kuya hindi padin siya nagbabago. And i like that about him. Thank you kuya. I said to myself.


Binasa ko ang papers dito. His full name is Reijan Dave S. Monteverde, 18?! 18 years old lang siya? I'm 19 years old and i think this is child abuse.


Ayon dito single siya, mabuti naman. Sana mapagkakatiwalaan tong male na nakalagay sa sex niya. Baka mamaya mas marami pa siyang lalaki kesa sakin ah. Hmm ano pa ba? Birthday Nov 2. Seriously? All souls day? Tatawa na ba ako? Bad Elise. Tsk tsk


Ayon dito varsity siya sa school nila sa swimming. He's also a good dancer. Magaling din siya sa singing and almost all instruments. Ayon dito sa history ng love affairs niya.. Yung una niya ay matagal (10 months) pagkatapos nilang magbreak ay ang dami na niyang naka relasyon pero walang tumatagal. Then yung pinaka huling record ng nakarelasyon niya yung tumagal (4 months) tapos nagbreak ulit. Okay.. In short he's a flirt!


He is also modeling in Maxime Mag. It's a magazine originated from Philippines pero binibili din siya sa ibang bansa. Tumaas ang kilay ko sa nabasa ko. Pag nagyabang sakin tong lalaking to, masasapak ko talaga to.


Tinigil ko na ang pagsasayang ng oras ko sa pagbabasa sa buhay niya. Kumuha ako ng pinaka decent cloth sa cabinet ko. Ang nakuha ko ay blue green dress na ilang inches above my knee. Kumuha din ako ng doll shoes na kasing kulay ng dress ko. I guess okay na to para mamaya.


Tinawagan ako ni Zed na mag hangout daw kami. Pumunta kami sa mall para magchill chill. Ang bait niya nga eh, libre nanaman niya. Siyempre naawa naman ako sa pag abuso sa wallet niya nung huli kaming nagkita kaya naman oreo cheesecake at venti choco chip frappe lang ang inorder ko sa starbucks. Mga 6pm ay napagdesisyunan ko ng umuwi at magbihis para sa pagkikita namin ni Monteverde.


Naligo muna ulit ako at sinuot ang hinanda ko kaninang damit. Nagsuklay lang ako at nagpulbo. No need to impress him anyway. I don't like him and I wish he doesn't like me too para walang fixed marriage na magaganap.


"Ihahatid ka na ni Ernesto, Eliana." Pangungulit sakin ni manang.


"Hindi na manang. Gagamitin ko yung kotse ko." I insisted. Ayokong magsama ng alagad ng daddy ko at mapanood pa niya ang nangyayari sa resto. Baka lang naman kasi it'll turn out bad diba?


"Sigurado ka? Baka mapahamak ka."


"Okay lang po ako." Mas okay nga na mapahamak ako para maoospital ako tapos hindi na tuloy ang fixed marriage tapos magbabagong buhay na sila mom at dad at hahayaan nalang nila ako sa gusto ko. Diba?


Napailing ako at natawa sa naisip ko.


Pagkadating ko sa La Via Restaurant ay kinausap ko agad ang waiter na nasa entrance. "Table for Monteverde And Fajardo."


"This way ma'am." Mabuti naman at nakarating ako ng 7:10. Medyo malayo din kasi yung La Via sa bahay namin.


Pumasok kami sa isang exclusive room. Nakita kong may nakaupo na lalaki dun, naka formal din siya pero all black. Nung unang titig niya sakin ay tumaas ang balahibo ko. Hindi ko alam kung yung aura ba niya yon o yung suot niya kasi all black pero naiintimidate ako sa kanya. Or talagang kabado lang ako dahil first time ko ito?


Umupo ako at tinitigan siya. Chinecheck ko ang features niya. Pero wala akong makitang side na pogi siya. Bakit kaya siya naging model? He's not my type. Maputi, messy hair, medyo chinito, mukang mang rerape kung makatingin sakin. The only thing i like about him is his perfect eyelashes and eyebrows.


"Here's your food." Nang nakaamoy ako ng mabangong amoy ay nadivert ang atensyon ko sa pagkain. Wow! Ang sarap ng pagkain. T-Bone steak, seafood platter, honey chicken at vegetable salad.


Agad kong nilantakan yung t-bone steak. Nakakainis nga eh, walang kanin. Hindi sila nagseserve ng kanin sa restaurant na to. Tss, masyadong pasosyal.


Nang napadpad ang mata ko sa mga hipon, crab at lobsters na nakalagay lang dun ay hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya kinuha ko agad sila. Para bang sinasabi nila 'kainin mo kami, masarap kami.' Mehehe


"What the- do you have table manners?" Nabalik ako sa realidad ng narinig ko ang boses ni Montevs. Inirapan ko siya.


"Really? The first thing you're gonna tell me is 'do i have table manners'?" I said in a sarcastic tone. No one disturbs me when i'm eating. At wala siyang pakialam kung pano ako kumain.


"Teka tumigil ka nga muna sa pagkain." Aniya habang nilalayo ang plato ko. Nag alab ang galit sa loob ko ng ginawa niya iyon.


"Akin na yan!" Pilit kong inaagaw yung plato sa kanya ngunit hindi ko to maabot, masyadong mahaba ang kamay niya and it sucks big time.


"Mag usap muna tayo. You're infront of 'The Reij Monteverde' and you act like some pig?" Mas lalong lumakas ang pag alab ng galit sa loob ko sa sinabi niya.


"Wala akong pake sayo. Ngayon kung ayaw mo ibigay yung pagkain ko.." Uhm. Teka.. Anong gagawin ko sa kanya?


"Anong gagawin mo?" He looks like he's challenging me. Nakita ko ang buo pang lobster sa seafood platter at kinuha ko ang sipit nun. Tinapat ko iyon sa leeg niya bilang panakot.


"I'm gonna kill you with this." Seryoso kong sabi. I know this is ridiculous, pero masakit kaya mansipit ang lobsters ano.


Nakita ko ang pag kagat niya sa labi niya na parang nagpipigil ng tawa. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Bago pa man ako sumabog sa asar sa kanya ay ibinaba na niya ang pagkain.


"Just listen to me while you're eating." Tumango tango ako habang kumakain. "I know you don't like me-" Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita niya ay biglang bumukas ang pinto ng room na kinalalagyan namin.


"Kilala ko si Reij Monteverde! Let me talk to him, saglit lang!" Napalingon ako sa babae sa pinto. Nagulat ako dahil parang nakakita ako ng anghel. Her skin is so white, it's pinkish white. Idagdag mo pa yung straight niyang buhok at ganda ng pagkakakulot sa dulo nito. Mas lalo akong na insecure nang nakita kong papalapit na siya samin at nakita kong may mahahaba siyang pilikmata at perfect eyebrows.


"S-sino siya?" Ayun lang ang lumabas sa bibig ko.


"Look Jess, I'm already fixing this. You don't have to-" Nagsasalita si Montevs but the Jess girl cutted him.


"Ako na lang. Ako na magpapaliwanag." Yung boses niya sobrang hinhin. Sa sobrang hinhin niya feeling mo pag hinawakan mo siya ay mababasag siya. "Im Jessica Chua. His girlfriend." Ngumiti siya sakin at inilahad ang kanyang kamay. Umiling iling ako at tinanggihan ko iyon.


"Madumi ang kamay ko eh. Btw, Im Eliana Therese Fajardo. His fian- wait. Girlfriend?!" Saka ko lang narealize ang lahat ng nangyayari nung in-introduce ko na ang sarili ko. Masyado akong na carried away sa kagandahan niya.


This is wrong. This is so wrong. May girlfriend pala siya, so we have to stop this crazy thing called fixed marriage.


"I'm sorry. Teka tatawagan ko lang si dad." Natataranta ako na kinuha ko ang phone ko. Hindi ko napansin na nagsasalita pala si Montevs.


"I said wait!" Kinuha niya ang cellphone ko, kasabay nito ang pagkunot ng noo ko.


"Are you a thief or something?" Nagsisimula nanaman akong mainis sa kanya. Feeling ko din hindi kami magwowork kung sakaling matuloy ang kasal namin dahil ilang minuto palang kami nag uusap ay nagpapatayan na kami. (Ako lang pala)


"Hindi mo pwedeng sabihin na may girlfriend na ako." Mahinahon na sabi ni Montevs. Hindi ko magets ang nangyayari ngayon, walang nag sisink in sa utak ko. "Let's just plan something okay? Para di matuloy ang kasal."


"Ibalik mo muna ang cellphone ko." Nakataas na ang kilay ko ngayon. Pero natutuwa din ako sa nangyayari. Ayaw niya din matuloy ang fixed marriage namin. It's good, this is good.


"Babe, balik mo na yung phone niya." Kinuha iyon ni Jessica sa kamay ni Montevs at binalik sakin. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng beautiful inside and out. It's like she's an angel na nainlove sa demonyong nasa harapan ko ngayon. Ngayon lang ako naniwalang opposite attracts.


"Thanks Jessica. Don't worry we'll make a plan para di matuloy ang wedding namin." Kitang kita ko ang magandang ngiti sa muka ni Jessica.


"Thank you, Eliana." She said while holding my hand. I smiled at her.


"And please, keep her a secret." Ani Montevs. Kahit inis ako sa kanya ay um-oo na ako. I'm not doing this for him, i'm doing this for myself.




--

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features