From A Distance

بواسطة hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... المزيد

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

17. Kaguluhan

22K 295 92
بواسطة hunnydew

Napabuntong-hininga na lamang si Mason nang makitang naka-tuxedo na rin ang kapatid na si Charlotte. Inunahan na siya ni Louie na magtanong kung bakit biglang nag-iba ang damit nito gayong may pruweba pang nag-gown nga ito.

  

Pare… hindi lang ako ang lalaking mahuhumaling sa kapatid mo…

 

Umalingawngaw ang mga salitang iyon ni Nile sa diwa ni Mase. Kaya naman naisip niyang mainam na rin sigurong nagbihis din ang bunso upang hindi ito makitang naka-damit pambabae. Tunay kasing lumitaw ang kagandahan ni Charlotte at siguradong maraming makakapansin noon. Lalo na si Nile.

Napukaw ang ulirat ni Mason nang marinig ang tuluy-tuloy na panunumbat ni Louie at naungkat pa nito ang ilang araw na pag-iwas ni Charlie.

“KASI NGA BESPREN KAYA AKO UMIWAS NON KASI AKALA KO KRAS NA KITA!” pabalang na sagot ng bunso kay Louie na siyang labis na ikinagulat ng kausap nito.

Sa katunayan, pinipigilan ni Mason ang pagtawa dahil naalala na naman niya ang mga panahong gulong-gulo ang kapatid dahil sa inakala nitong nahulog na ang loob sa matalik na kaibigan. Kitang-kita rin niya ang pagkagitla sa mukha ni Louie nang lingunin siya nito.

“Hayaan mo nalang, Louie. Siya naman ang mananagot kung mahuli siya ng teacher eh,” pag-awat sana niya subalit tila hindi na siya narinig ng dalaga dahil hinila na nito palabas ng bulwagan si Charlie. Kaya hinayaan na lamang niya ang dalawang mag-usap at pinagpatuloy nalamang niya ang paglalakad-lakad upang siguraduhing maayos ang pamamalakad ng kaganapang iyon.

Nang mapagod ay bumalik na lamang siya sa assigned table kung saan nakaupo rin ang mga kaibigan at ang mga partner ng mga ito.

“Ano ba ‘yan, Mase! Umupo ka nga! Hindi ka dapat rumoronda ngayon. Ipaubaya mo nalang sa committee,” angal ni Aaron na nakarating din sa kabila ng nasirang sasakyan.

Mukha namang lubusang nasiyahan si Clarisse nang dumating siya. “Oo nga naman. Dito ka nalang. Hindi mo nae-enjoy ‘yung event dahil nagpapaka-busy ka naman. Diba hindi ka napunta sa Prom last year?”

Umiiling si Nile na nagsalita. “Parang di niyo naman kilala si Mase. Umiiwas yan sa mga gustong magsayaw sa kanya. Teka, nasan si Charlie? Di ba dapat dito rin siya nakaupo dahil siya ang partner mo?”

“Oo nga,” pagsang-ayon naman ng kaparehang si Vera. “Gusto ko siyang makitang naka-gown!”

“Nasa mga classmates niya,” tipid na sagot niya na mas napanatag pa dahil hindi na nga nakabestida ang kapatid. Mukhang intersadong-interesado kasing makita ito ng kaibigan. Baka mas lalong tumindi ang nararamdaman ni Nile kung makita si Charlotte na naka-gown. Saka niya napansin ang dalawang bakanteng upuan. “Si Ray?”

“Edi binubuntutan si Kwok. Nainis nga ‘yung partner niya kaya pumunta nalang sa mga kaibigan,” buntong-hininga ni Aaron. “Pakiramdam ko, kung kukulitin niya si Louie, masasapak siya nun nang hindi oras.”

Maya-maya ay pinatayo na sila ng usherette upang kumuha ng pagkain sa buffet table. Bahagya siyang tinabig ni Nile at sinenyasang magpahuli sa pila habang mabagal silang naglalakad. “Mukhang naliwanagan ka na tungkol kay Louie ah.”

Kumunot ang noo ni Mason sa tinurang iyon ng kaibigan.

“Diba sabi ko, alamin mo kung ano ang nararamdaman mo para kay Kwok? Akala ko, gagawin mo ‘yun pagka-graduate natin. Ang akin lang, sana pinalipas mo na lang muna ang ilang buwan bago ka gumawa ng move. Alam mo namang sinusubukan pa rin ni Ray na makipagbalikan sa kanya. Hirap na hirap na ‘yung tao tapos ngayon mo pa tataluhin.”

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Mason sa mga sinabing iyon ni Nile. “Hindi ko maintindihan.”

Muling umiling si Nile. “Nakita ko kayo ni Louie na magkasayaw kanina.”

“Wala ‘yun,” tipid na sagot naman niya. Ayaw ni Mason na sabihin kay Nile na tinataguan ni Louie ang kaibigan nila at naging daan siya upang matulungan ang dalagang layuan si Ray.

“Anong wala? Halos magkayakap kaya kayo kanina,” pagdidiin pa ni Nile. “Pre naman. Isipin mo naman ‘yung nararamdaman ng katropa natin. Pasalamat ka, madilim kanina at ako lang yata ‘yung nakapansin na ikaw ‘yun dahil halos katabi niyo lang kami ni Vera. Pa’no na lang kung may ibang nakakita sa inyo? Mabilis na kakalat ‘yun sigurado.”

Datapwat labag sa kalooban niya, mabilis na inilabas ni Mason ang telepono at kinalikot iyon. Batid naman niyang marunong magtago ng sikreto ang matalik na kaibigan. Pero maganda na ring makasiguro. “And I don’t expect any rumors to start from you,” kalmado subalit may halong pagbabanta niyang tugon sa kaibigan bago iniharap ang telepono dito.

Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ni Nile at hinablot pa nito ang cellphone ni Mason upang makitang mabuti ang litrato ni Charlie na naka-gown. “Shete pare. Ang ganda niya.”

Sabi na nga ba’t ganoon ang magiging reaksiyon ng kaibigan. Paano na lang kung nakita niya ang kapatid sa personal at ganoon ang suot?

Sinubukan ni Mason na kunin ulit ang telepono subalit iniiwas iyon ni Nile at dagliang ipinadala ang larawan sa sariling cellphone sa pamamagitan ng Bluetooth. Saka lamang nito ibinalik iyon nang matagumpay na naipasa ang larawan ng kapatid.

 

Habang unti-unting nagsisitayuan ang mga estudyante mula sa kani-kanilang mga mesa, nagsimula na rin ang mga intermission number. Nagmadali pang kumain sina Nile at Aaron at ang dalawa pa nilang kabanda sapagkat sila na pala ang susunod na magpe-perform. Kasunod nito ay ang isang dance number mula sa mga estudyanteng nasa una at ikalawang taon.

Kasabay nito ay ang pagtungo ni Mason sa registration booth upang kamustahin ang mga volunteers na naroroon. Papalapit na sana siya sa kanila nang marinig ang paksa ng kanilang usapan.

“Nabilang niyo na ba ‘yung balota?” tinig iyon ni Ms. Leyn.

“Opo, ma’am. Landslide win. Prom King si Kuya Mason. Kainggit naman, sana ako nalang ang Prom Queen, hihihi.”

Napaatras tuloy siya nang hindi oras. Isa sa mga pinakaayaw niya ay ang mapunta sa spotlight dahil lang sa walang-kwentang bagay. Tulad na lamang ng napipintong paghirang sa kanya bilang Prom King. Apat na taon niyang naiwasan ang Mr. & Ms. Intramurals dahil nga suplado siya at matipid magsalita. Sa katunayan, nagsimula lamang siyang ngumiti paminsan-minsan noong nanalo siya sa pagka-Vice President ng Student Council noong nakaraang taon. At dahil bawal maging kalahok ang mga officers, nakaiwas din siya sa pageant na iyon.

Paano naman niya maiiwasan ang pagtanggap ng korona sa gabing iyon?

Sa pagtatapos ng dance number, narinig niyang tinawag ang pangalan ng kapatid at ng banda nina Nile. Blessing in disguise na rin sigurong naka-tuxedo ang kapatid. Mukhang kailangan niyang humingi ng tulong dito pagkatapos ng performance.

 

Subalit nang matapos ang pag-awit ni Charlie at ng masigabong palakpakan na kaakibat nito, siya namang pagpailanlang ng upbeat song kaya nagsitayuan na naman ang mga estudyante at nagsimulang sumayaw sa gitna. Hindi na tuloy namataan ni Mason kung saan nagtungo ang kapatid.

Muli na naman niyang ginalugod ang buong bulwagan upang mahanap ang kapatid na nabalitaan na niyang isinasayaw ng mga babae. Maganda nang babae ang isayaw nito kaysa mga lalaki.

Dahil hindi makita ni Mason ang kapatid, nagpasya siyang pumunta sa buffet table. Sa likot at takaw kasi ng kapatid, hindi niya ito makikitang nakaupo lamang at walang ginagawa. Malamang na nasa dance floor ang kiti-kiting si Charlie… o di kaya’y lumalamon na naman.

Tama nga ang hinala niya. Kumakain ito kasama ni Nile na nakaakbay sa balikat nito. Dagliang lumapit si Mason sa kapatid. “Charlotte,” tawag niya dito at kapwa napalingon sa kanya ang dalawa.

“Mason! Kain tayo ng sokoleyt pondu! Masarap!” nakabungisngis na anyaya nito nang ganap na makalapit na siya.

Napailing na lamang si Mason. “Fondue. Chocolate fondue. Anyway, sumama ka muna sa’kin.” Hindi naman nag-atubili ang kapatid na pinahawak pa kay Nile ang buhat na platito at sinamahan siya.

“Bakit? Anmeron?” usisa nito habang papalabas sila ng bulwagan.

“Palit tayo ng damit.”

Mukhang nagulumihanan si Charlie subalit sumang-ayon din naman sa huli. Ngayon lang kasi humingi ng tulong dito si Mason kaya nabigla siguro. Sa locker room  sa labas ng gym na sila nagbihis at sa magkatabing cubicle ang ginamit nila upang maipasa sa isa’t-isa ang mga damit. Mabuti na lamang at tama ang hinala niyang kasya din sa kanya ang maluluwag na damit ng kapatid.

Pasimple rin silang bumalik sa gym. Laking pasasalamat ni Mason at tila wala namang nakapansin ng pagpapalit nila ng damit ni Charlie. “’Pag tinawag ako sa stage, ikaw na ang umakyat. May ibibigay na prize sa’yo.”

“EH?! TALAGA?! Ano yon? Ano yon?” nagniningning pa talaga ang mga mata nitong nagtanong.

“Hindi ko rin alam. Kaya nga ikaw na lang ang tumanggap,” pagpapaalala niya rito bago sila tuluyang naghiwalay.

Lalakad na sana si Mason pabalik sa upuan nang makita naman niya si Louie pabalik din sa loob ng bulwagan. Ang hinuha niya’y galing ito sa rest room na nasa bandang likuran ng gym.

 

“Louie.”

“Ano?” mahinang tanong nito sa kanya bago tuluy-tuloy na naglakad papalabas ng gym.

Naguluhan tuloy siya kung bakit lalabas pa ng bulwagan ang dalaga gayong magre-resume na ang program proper at awarding na rin ng Prom King and Queen. Sa pagkakaalala niya, isa si Louie sa mga nominado sa pagka-Prom Queen. Kaya naman sinundan na lamang niya ito. Isa pa, baka maabutan ito ni Ray at kung ano pang gawin ng kaibigan kay Louie lalo na’t mas kabigha-bighani pa ang dalaga sa anyo nito sa gabing iyon.

Ang katotohanan, gusto lang sana niyang kausapin ang dalaga tungkol sa pagsayaw nilang dalawa kanina. Nais niyang ipaalam dito na may nakakita sa kanila at baka kung anong bali-balita ang kumalat sa paaralan. Subalit iba ang naitanong ni Mason. “Bakit ka nakipag-break kay Ray?”

Humarap si Louie sa kanya na salubong ang kilay at tila may hindi maunawaan. “Bakit gusto mong malaman?”

Hindi rin alam ni Mase kung bakit iyon ang naitanong. Marahil ay hanggang ngayon, gumugulo pa rin sa isipan niya na isa siya sa naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay nga ang dalaga sa kanyang kaibigan. At dahil hindi niya masabi ang mga iyon ay nagbuntong-hininga na lamang siya.

It doesn't concern you. Kung iniisip mo ay kung naging bahagi ka ng desisyon ko dahil natanong mo ako that day bago ako nakipaghiwalay sa kanya, I have my own reasons and I've thought about it prior to that,” paliwanag pa ng kausap.

Sandaling sinuri ni Mason ang sagot ng dalaga. Baka masyado lang siyang nag-assume kaya naisip niya iyon. Tila nakaligtaan niyang ilang araw ding tinaguan ng dalaga si Ray. Siguro nga’t tuluyan na itong naasiwa sa kaibigan kaya nakipaghiwalay na nang tuluyan.

“Your Prom King for this year is… MASON PELAEZ!malakas na pag-anunsiyo ng guro mula sa loob ng bulwagan. “And this year’s Prom Queen is none other than… CLARISSE DEL ROSARIO!”

"Aren't you supposed to be inside now claiming your crown with Clarisse?" pag-udyok ni Louie sa kanya.

“Si Charlie ang pinakuha ko,” tipid na sagot ni Mason bago ibinulsa ang mga kamay.

“Ahh…” ang tanging kumento lamang ni Louie at umiwas ng tingin.

Sa layo nilang isang metro, doon lang niya lubusang napagmasdan ang anyo ng dalaga. Hindi sapat ang mga salita upang ipaliwanag kung gaano kaganda si Louie Kwok. Hindi lang sa gabing iyon kundi sa tuwing nakikita o nakakasalubong niya ito.

Hindi sanay si Mason na magbigay ng compliment sa mga kababaihan. Subalit ngayong si Louie ang kaharap niya, tila nais niyang papurihan ito. “Lou—“

“Mase!”

Sabay silang napalingon sa tumawag at nakita si Clarisse del Rosario na hinirang bilang Prom Queen na papalapit sa kanila.

“Sayaw tayo Mase, dali!” pag-aaya nito at sumukbit pa sa braso niya. “Louie, pahiram ha?” pagpapaalam pa niya bago tuluyang hinila si Mason pabalik sa bulwagan.

Naghihiyawan ang mga kamag-aral nila nang mamataan silang dalawa. Namataan ni Mason ang kapatid na nasa baba ng entablado at suot ang sash ng Prom King. Nagkakamot ito ng batok nang salubungin sila upang iabot ang coat sa gitna ng dance floor.

 

“Sorry, Mase. ‘Di umubra eh,” naka-pout nitong paumanhin sa kanya habang nagpalitan sila ng suot na jacket kasabay ng malamyang tawanan ng mga estudyante. Tumango na lamang si Mason.

Pumailanlang ang tugtuging ‘King and Queen of Hearts’ at nakangiti nang matamis sa kanya si Clarisse bago ipinatong ang mga kamay nito sa mga balikat ni Mason. Marahan at halos hindi pa hinawakan ni Mason ang magkabilang bewang ng dalaga at dahan-dahan silang nagpaindayog sa saliw ng awiting iyon.

Wala pa sila sa kalagitnaan ng kanta nang makarinig sila nang kaguluhan sa bandang likuran ng bulwagan. Isa-isang nagsilapitan doon ang mga kamag-aral kabilang na ang mga guro. Awtomatikong napakalas din si Mason kay Clarisse at napatakbo upang malaman kung ano ang nagaganap doon.

Nakipagsiksikan si Mason sa gitna ng mga nagkukumpulang tao at nagulat nang makitang akmang yayakapin sana ni Ray si Louie. Parang wala ito sa sariling katinuan kaya pumagitna siya sa dalawa at hinarap ang katropa.

“Tama na Ray,” mahinahon subalit mariin niyang pagbabawal sa kaibigan.

Subalit sinubukan pa siyang hawiin ni Ray upang malapitang muli si Louie. “Tol, utang na loob. Huwag kang makialam dito. Hindi ka naman involved eh.”

Saglit na natigilan si Mason ngunit agad din namang nakabawi. “Ayaw nga makipag-usap sayo ng tao.”

“Pakialam mo ba?!” singhal ni Ray sa kanya kaya napansin ni Mason ang amoy alak sa hininga nito.

“Ray, tama na ano ba! Nakainom ka kasi. Pwede ba pag nasa huwisyo ka na tsaka tayo mag-usap? Gumagawa ka ng eksena eh!” siya ring pagtaas ng boses ni Louie na nasa likuran niya.

Nakalapit na rin ang guro sa kanila. “What’s happening here?!” tanong ni Miss Leyn.

Subalit tila wala nang naririnig si Ray. “Mase, pwede bang umalis ka sa harap ni Louie?” Iniharang pa ni Mason ang katawan upang hindi magpang-abot ang dalawa kaya naman naningkit ang mga mata ni Ray at itinulak siya. “Umamin ka nga 'tol! May gusto ka ba kay Louie?!”

Sa pagkainis sa kaibigan, sumagot na rin si Mason nang matigil na ang kahibangan nito. “Paano kung sabihin kong OO?!”

Hindi na lamang pinansin ni Mason ang pagsinghap ng lahat ng mga nakarinig habang matalim na nakipagtitigan sa kaibigan. Siya na ang bahalang magpaliwanag nang lahat pagkatapos ng gabing iyon.

Binasag ni Miss Leyn ang nakabibinging katahimikang tila bumalot sa buong bulwagan. “Tama na yan Ray. I won't tolerate this. Sumunod ka sakin sa office ngayon din,” sabi nito at ibinaling ang tingin kay Mason. "Ihatid mo na si Louie sa kanila. Ako na ang bahala dito.”

Tumango si Mason bago tuluyang hinila ang mga nakakuyom na palad ni Louie. “Tara na.” Mabilis siyang naglakad palabas ng bulwagan habang nagpapatianod na lamang ang dalaga. Saka niya naalala ang suot ni Louie kaya huminto muna at hinubad ang coat na siyang ipinatong sa mga balikat ng dalaga bago ulit hinawakan ang kamay nito at nagpatuloy na maglakad.

Tahimik pa rin si Louie hanggang sa makasakay sila ng taxi. Pirmi lang itong nakatingin sa labas ng bintana. Marahil ay hindi pa ito nakakabawi sa ginawa ni Ray. O baka sa nasabi ni Mason kanina?

Paano kung sabihin kong OO?

 

Mapapakuyom sana si Mason nang maalala ang mga salitang binitawan niya kanina. Saka niya napansing hawak pa rin pala niya ang kamay ni Louie. Napasulyap siya dito at nakitang nakapikit na pala ang dalaga at napapahilig na ang ulo.

Tahimik na napangiti si Mason at umupo nang tuwid upang saluhin ng balikat ang pisni ni Louie nang medyo kumportable naman itong makatulog habang nasa biyahe.

Saka napansin ni Mason ang awiting kanina pa tumutugtog…

“…You're beautiful. You're beautiful.

You're beautiful, it's true.

I saw your face in a crowded place,

And I don't know what to do…”

 

Natawa nang kaunti si Mason sapagkat tila ang awiting iyon na lamang ang nagsabi kay Louie ng hindi niya nasabi kanina. Sana lamang ay narinig ito ng dalaga bago nahimbing.

Bakit ba naging madali para sa kanyang sabihan si Clarisse na maganda ito? Samantalang tila mauutal siya kanina nang subukang sabihin din iyon kay Louie?

“You're beautiful. You're beautiful.

You're beautiful, it's true.

There must be an angel with a smile on her face,

When she thought up that I should be with you…”

Makaraan ang ilan pang kantang pinapatugtog ng taxi driver, nakarating na rin sila sa tapat ng mansiyon ng mga Kwok. Marahang ginising ni Mason ang natutulog na dalaga. “Nandito na tayo sa bahay niyo.”

Unti-unti rin namang gumising si Louie at umupo nang tuwid bago nagkusot ng mga mata. “Mabuti alam mo pa ang amin,” mahinang kumento nito nang pagbuksan niya ng pinto ng taxi.

Napangiti na lamang si Mason at inalalayang makababa ang dalaga. “Pasok ka na para makapagpahinga ka.”

“Sige.” Tumalikod na ito at sasakay na sana ulit si Mason sa taxi nang marinig ulit ang boses ni Louie. “Mase.”

“Hmm?” nakangiting tanong niya.

“Yung coat mo? Sa Monday na lang? Papalaba ko muna. Thank you pala,” pahabol ni Louie at tanging tango lang ang naisagot ni Mason bago tumalikod ang dalaga upang makapasok sa gate ng tahanan.

Pero tila may nakalimutan pang sabihin si Mason kaya tinawag niya ito. “Louie.”

Nakita niyang huminto ang dalaga sa paghakbang at nilingon siya. “Bakit?”

Bakit nga ba? Ano ba ang dapat niyang sabihin? Napakaraming bagay ang tumatakbo sa utak niya ngayon at kung pipilitin niyang magsalita, baka kung ano lang ang masabi niya dito.

“Mase?” pag-udyok ni Louie.

Sa huli, nagpakawala na lamang siya ng buntong-hininga. “Wag mo na lang isipin ang sinabi ko kanina.”

Bahagya naman itong napangiti. “Oo naman. Kalimutan mo na ‘yon. Sige na.” Tuluyan na siyang tumalikod at pumasok sa gate.

Naghintay pa ng ilang sandali si Mason upang makasigurong nakapasok na si Louie sa loob bago siya sumakay ulit ng taxi at ibinigay ang direksiyon pauwi ng tahanan nila. Tila nawalan na rin kasi siya ng ganang bumalik pa sa paaralan. Hindi na rin niya nagawang alamin kung nasaan na ang kapatid. Sigurado namang kasama ito ni Sebastian.

Parang hindi rin niya kayang harapin ang mga kaibigan niya kung sakaling bumalik siya sa Prom.

Paano nga ba niya ipapaliwanag ang mga nasambit kaninang may gusto na rin siya kay Louie Kwok?

Nahahapo siyang napasandal sa kinauupuan at napahawak sa sentido dahil sa mga naisip.

May katotohanan nga ba ang mga salitang iyon?

  

Sa kauna-unahang pagkakataon, may tanong si Mason na hindi niya maunawaan ang sagot.

=====

A/N: MAGTATALON TAYO SA TUWA!! WUHOOOO!!!!

Masaya na ba kayo?? Ipaliwanag sa comment ang kasiyahang nadarama ^_^v

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
14.8K 418 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
11.7K 720 23
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24