MIR 2: My Sweetest Downfall [...

By hanjhanjbeybe

2.6M 30.8K 4.5K

C O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Respect
CHAPTER 02: Unexpected
CHAPTER 03: Away away away.
CHAPTER 04: He's Not Okay
CHAPTER 05: Strange
CHAPTER 06: The Hidden Reason
CHAPTER 07: Lenard
CHAPTER 08: Nganga
CHAPTER 09: Uhh..
CHAPTER 10: The Difference
CHAPTER 11: Welcome Back To Me
CHAPTER 14: Heavy Heart, Heavy Head
CHAPTER 12: Cloud/Claynard
CHAPTER 13: Pasalubong
CHAPTER 15: I Don't Want To Fall
CHAPTER 17: Did He Cheat?
CHAPTER 18: Paris
CHAPTER 19: Green
CHAPTER 20: Just Drama
CHAPTER 21: Additional
CHAPTER 22: Everything's Settled
CHAPTER 23: Fishy
CHAPTER 24: Good News
CHAPTER 16: Pokmaru
CHAPTER 25: Graduation
CHAPTER 26: This is Supposed To Be Fun
CHAPTER 27: BieBi The Perfect Two
CHAPTER 28: One More Chance
CHAPTER 29: The Pieces Don't Fit Anymore
CHAPTER 30: Fight For Rights
CHAPTER 31: Trying To Be Strong
CHAPTER 32: Family
CHAPTER 33: Pain
CHAPTER 34: Puso ng Saging
CHAPTER 36: First Climax
CHAPTER 37: Second Climax
CHAPTER 38: Third Climax
CHAPTER 39: Fourth Climax
CHAPTER 40: Fifth Climax
CHAPTER 41: It's Too Late
CHAPTER 42: Lunyeta Park
CHAPTER 43: Reunion
CHAPTER 44: The End
CHAPTER 45: Hihi
CHAPTER 46: Ordinary Girl
CHAPTER 47: I Do ♥
CHAPTER 48: The Gift
CHAPTER 49: I-push Mo Yan
EPILOGUE

CHAPTER 35: Miscarriage

24.9K 483 70
By hanjhanjbeybe

CHLOE

"SIGURADO ka ba talagang ayaw mong magpahatid?"

"Oo, Rod. Okay lang talaga ko promise."

"O, sige. Basta mamaya paglabas niyo, susunduin kita."

I nodded. Ngumiti sya sa'kin, isang napakatamis na ngiti. "Mahal kita, Chloe." Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "I want you to forget everything that hurts." Mahirap kalimutan. Pero dahil sa mga ginagawa mo ngayon, mas nagiging magaan ang lahat. "Sige Rod, aalis na ko."

"Take care." He looked down at the level of my tummy.

"Why?"

He suddenly held my waist on both sides. "May laman na kaya 'to?"

"Hmmm...may laman 'yan 10 cups of rice, isang kilong isda, isang kilong samgyeopsal, isang kilong crabs, isang gallon of ice cream!" nakangiti kong tugon.

Natawa na lang siya at hinaplos niya ang buhok ko. "Sige na. Baka ma-late ka pa. Ingat sa pagda-drive."

Pumasok na ko sa loob ng kotse ko at nagmaneho na. Habang nagmamaneho ako ay humawak ako sa tiyan ko, sumasakit na naman. Three consecutive days nang sumasakit ang tiyan ko. Pero pagkagising ko kaninang umaga, there were blood spotting sa underwear ko. Dito na ko kinabahan ng lubos and that prompt me to consult an OB. Gusto ko mang magpa-check-up sa hospital ng school ni Rod ay hindi pwede dahil baka mabalitaan ni Rod, mag-aalala lang siya. Hindi ko rin ito nagawang sabihin kina Mama at Papa maski kay Dianne. Medyo matagal akong naghintay sa OB dahil madami rin ang nakapila.

"Mrs. Martinez." Ako na ang tinawag ng secretary kaya dumiretso na ko sa loob. Tinanong ako ng doctor kung anong nararamdaman ko at sinabi ko lahat ng nararamdaman ko. Kung kailan nag-start, kung gaano kasakit, kung gaano kadalas, kung may iba pa ba kong nararamdaman kagaya ng pagkahilo at pagsusuka, pero wala naman.

I undergo urine test to check for my hormone levels. It took only a minute to check my result.

"May history po ba kayo ng mga namamanang sakit, misis? Kagaya ng high blood, diabetes."

"Wala naman po."

"Sa side po ng husband niyo, meron po ba?"

"May sakit po sa puso ang asawa ko, aortic dissection to be exact. It runs in the family daw po lalo na sa mga lalaki."

"I see. Sa work niyo naman po, hindi po ba kayo exposed sa mga polluted na lugar?"

"Enviromental researcher po ako so madalas po nasa field ako."

"I see. Nasabi niyo po kanina na bago niyo naramdaman ang pananakit ng tiyan niyo ay nadulas po kayo at nahulog sa pool."

"Opo."

"Malakas po ba ang impact?"

I remembered everything. "Opo."

She just finished writing on my medical record at tinignan na niya ko. "Misis, gusto ko hong malaman niyo na isang buwan na kayong buntis"

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa narinig ko. I'm...I'm pregnant. Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti.

"But, misis..."

Biglang napawi ang ngiti ko, sa tono pa lang ng boses niya ay naramdaman kong may masamang nangyayari.

"You still have to undergo Doppler ultrasound to detect the fetal heart rate of your baby, para malaman natin ang kalagayan niya."

Sunod-sunod akong napakurap. "A-Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi po ba maganda ang kondisyon niya?"

"Hindi ko pa masasabi sa ngayon for we have to do the diagnostics first. Here's a referral letter. Balik ka sa'kin kapag lumabas na ang results."

"S-Sige po."

Sinunod ko ang sinabi ni Doc, nagpa-ultrasound ako. The resident doctor told me na makukuha ko ang results within 20 to 30 minutes, if gusto ko raw munang mag-lunch then I can go ahead. Tutal gutom na rin talaga ko, lumabas muna ko para kumain. Pagkalabas ko ay may natanaw ako, papalapit siya sa'kin habang nakangiti.

"Lenard," nakangiti kong bati sa kanya.

Matagal na kong walang balita sa kanya. Hindi rin naman masyadong nagkwekwento si Rod tungkol sa kanya. Ang alam ko lang he's busy with another project dito sa Pinas. Hindi ko na din siya nakita after ng CamSur trip namin. Sobra kasing daming nangyari saka ang tagal ko ring nawala tapos naging busy pa ko sa trabaho.

"Long time no see Chloe ah," nakangiti rin niyang tugon.

"Oo nga, eh. Bakit ka andito?"

"May dinaanan lang ako tapos nakita kita. Hmm...nag-lunch ka na?"

"Kakain nga sana ko."

"I was about to eat too. Would you mindi if I join you? My treat?"

Pumunta kami sa pinakamalapit na fastfood. Medyo konti lang ang kumakain since vicinity pa rin naman ng hospital 'to. Ang daming pagkain sa harap ko pero nawawalan ako ng ganang kumain.

"Hindi mo ba gusto 'yung mga pagkain?"

"Gusto ko."

Napilitan na rin akong kumain dahil nakakahiya naman sa kanya kung hindi ko kakainin ang mga ito.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Andito ba si Kuya?"

"Uhh wala. May dinaanan lang ako."

"Kumusta kayo ni Kuya? Right after everything that happened in...CamSur. Are you still together?"

Napangiti ako. "Of course we're still together."

"How long will you stay a martyr?"

"What do you mean?"

"Nang nalaman kong Vanessa and my Kuya kissed," I clenched my fist, "I immediately stop every connections I have with Vanessa. I've been single and waiting for years, but if I'll end up sa kagaya niya lang, I don't think my waiting game is worthy."

Hindi ako nakapagsalita. He has a point.

"Tama ako 'di ba?" he asked me.

"Yeah. You have a point. But our case is different. Kayo ni Vanessa, you're just on the stage of getting to know each other. Kami ni Rod, we're already married."

He smirked. "Married. Funny."

"What's funny?"

Tumingin siya sa'kin. "Nakakaawa ka."

"Come on, Lenard. Hindi kita maintindihan."

"All this time naniniwala kang kasal kayo ni Kuya?"

Lalo akong nalito. He's getting on my nerves. "Anong ibig mong sabihin? Diretsuhin mo nga ako!"

Tumingin siya sa'kin, hindi ko alam pero kinakabahan talaga ko. "Your marriage isn't legal." Napalunok ako at sunod sunod na huminga ng malalim. Pinilit kong ngumiti. "Lenard, w-wag k-ka ngang m-magbiro ng ganyan."

Hindi siya nagsalita pero sa puntong ito para nang papatak ang luha ko. Kahit pa pinipilit ko ang sarili kong isipin na nagbibiro lang si Lenard, sinasabi ng puso ko na totoo lahat ng sinabi niya.

"Walang dahilan para magbiro ako ng tungkol dun, Chloe."

Napatungo ako at napapikit at hindi tumitigil sa panginginig ang kamay ko.

"Ayoko nang nakikita kang ganyan, Chloe. Ako 'yung nasasaktan kapag paulit-ulit kang sinasaktan ng Kuya ko. I don't want you to live in lie. Chloe, you have all the rights to know this. At kung hindi kayang sabihin ni Kuya ang totoo, ako ang magsasabi ng lahat sa'yo."

Napamulat ako pero nanatili akong nakayuko. Sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay buong katawan ko na ang nanginginig.

"Peke ang kasal niyo ni Kuya, Chloe."

"Tama na..." Iyon lang ang nakuhang sambitin ng labi ko kahit napakadami kong gustong sabihin.

"Hindi ako pwedeng tumigil Chloe. I can't just sit here and pretend that nothing's happening and that I don't know anything. It's true, peke ang kasal niyo ni Kuya. Noong una, may plano siyang sabihin sa'yo lahat ng totoo at pakasalan ka niya ulit. Pero nang matapos ang kasal niyo at two months kayong nagkahiwalay ayun 'yung panahong inalagaan siya ni Vanessa. At noong mga panahon ding 'yon, muling nahulog si Kuya kay Vanessa."

"Tama na, Lenard. Itigil mo na 'yan." Nanatili akong mahinahon pero para na kong nilalamon ng mga hikbi ko.

"Makinig ka Chloe, my Kuya is betraying you for a long time already. Hindi tumigil ang communication ni Vanessa at Kuya. They're having an affair."

Para akong pauli-ulit na sinasaksak at pinapatay ng mga salita niya. Nanigas ako sa kinauupuan ko, napahawak ako sa mantle ng lamesa at pinipigilan ang isang malakas na iyak.

"Hindi ka mahal ni Kuya, Chloe."

"TAMA NA!" Napakalakas ng boses ko at sa tingin ko ay napatingin sa'min lahat ng taong nasa loob, pero wala akong pakialam.

Tinignan ko diretso sa mata si Lenard. "Tama na, Lenard. 'Wag mo na kaming sirain, dahil sirang-sira na kami. Pinipilit na lang namin ayusin 'to, ginagawan namin ng paraan para mabuo ulit kami. Pero kahit ganito ang nangyayari, mahal ako ni Rod. Mahal niya ko. Sigurado ako dun."

"Hindi ka niya mahal, Chloe."

"MAHAL NIYA KO! MAHAL AKO NG KAPATID MO! SINUNGALING KA!"

"Si Vanessa ang mahal niya!"

Tuluyan na kong lumabas ng restaurant para na rin mawala ang eskandalo sa loob. Dumiretso ako sa parking at sumakay sa kotse ko. Hindi ko na nagawang balikan ang result. Kailangan kong puntahan ngayon si Rod sa office niya to confirm everything. Kahit na niloko niya ko, mas may tiwala ako sa kanya at sa pagmamahal niya sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 85.2K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
12.4K 920 17
Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng pe...
1.5K 161 36
MOON SERIES #2 | COMPLETED Gabrielle Angela Garcia is a very close person to Arely in their squad- buddy, sister, name it that she will do everything...
4.7M 169K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...