3 Days To Make Him Fall - Day |③|
Isang linggo kung pinagplanuhan ang magiging 3 days vacation namin. Grabe - sobrang saya ko. Nagdesisyon akong sa isang resort kami pumunta. Total 1st anniversary din naman namin. Kahit papano maipagcecelebrate namin ang anniv namin kahit kinaumagahan nun ay hiwalay na kami.
Hindi naman siya tumutol sa plano kung sa isang resort kami mag stay for 3 days. Pinabayaan niya lang akong magdecide.
Bukas na ang alis namin at sobrang excited ako. Inihanda ko na ang lahat ng mga dadalhin. Nagpresenta na nga din akong ako na ang mag aayos ng gamit ng asawa ko gaya ng lagi kong ginagawa pero tumanggi ito.
Maaga akong nagising kinaumagahan para maghanda. Nagluto agad ako ng breakfast para makapag almusal kami ng asawa ko. Pinatugtug ko sa IPOD ko ang kanta ni Colbie Caillat na Brighter than the Sun. Sinasabayan ko pa ng kanta para mas maganda.
Simpleng breakfast lang ang inihanda ko , sinangag , itlog at hotdog. Maya maya pa ay nakita ko nalang ang asawa ko na pababa ng hagdan.
"Good Morning" bati ko sa kanya na may kasamang malapad na ngiti. Mukhang nagulat siya kaya naman napatingin lang siya sakin.
Nang mapansin kong wala siyang balak na magresponse at gumalaw sa kinatatayuan niya ay ako na mismo ang lumapit at umabresiyete sa kanya.
"Tara na, breakfast na tayo." sabi ko habang nakakapit sa braso niya saka siya hinila papunta sa lamesa.
Pagkaupo niya ay agad ko naman siyang pinaglagyan ng sinangag sa kanyang plato.
"Coffee? sandali at ikukuha kita." nagsalin ako ng mainit na kape mula sa cofee maker. Inilapag ko to sa harapan niya. Nakatitig lang siya sa akin na parang nagtataka kung ano bang nakain ko at ganito ako sa kanya ngayon.
Umupo ako sa tapat niya. Nakangiti pa din ako sa kanya na hindi pa rin ginagalaw ang pagkain. Ganun pa rin ang itsura niya, nakatingin lang sakin at nakakunot noo.
"O kain ka na. Para maaga tayong makaalis." masayang sabi ko saka ako naman ang nagsandok ng sinangag sa plato ko at kumuha ng hotdog.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kung ginalaw na niya ang kutsara niya para kumain. Wala kaming imikan, pero pag nagkakatitigan kami ay nginingitian ko siya. Wala pa rin siyang reaksiyon sa ginagawa ko.
Matapos kumain ay nagligpit na ako at naghugas ng mga pinagkainan. Umakyat naman sa kwarto ang asawa ko, siguro ay maliligo.
Natapos ko na ang mga gawain ko kaya naman umakyat na din ako sa kwarto ko para mag ayos. Naligo at inilabas ko na ang mga gamit ko. Simpleng blue green na short at plain white shirt ang suot ko. Nag lagay din ako ng light make up saka nagpaikot ikot sa salamin. Nahagip ng mata ko ang shades kaya naman kinuha ko ito at isinuot. Bumalik ako sa salamin at nakita ko namang bagay kaya dadalhin ko nalang.
Sinipat ko ang oras, pasado alas 10 y medya na ng umaga. Babyahe kami ngayon papuntang batangas. Gustong gusto ko kasing puntahan yung isang resort doon, matagal ko ng plinano yun para sana doon kami magcelebrate ng anniversary. At sa wakas ay matutuloy naman. Ayoko na munang isipin kong anong kahihinatnan pagkatapos ng 3 araw. Importante sa akin ngayon ay makasama siya.
Naabutan ko sa sala ang asawa ko. Simpeng shirt at pants lang ang suot niya. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.
Napansin kong isang bag lang ang dala niya, samantalang ako ay maleta ang dala ko. May hawak siyang shades kaya naman natuwa ako dahil parehas kami.
"Ready" walang kabuhay buhay na tanung niya. Ngumiti lang ako saka siya tumalikod para lumabas. Nakaramdam ako ng kirot, alam ko namang ako lang ang may gusto nito. Hindi ba pwedeng magpanggap siyang masaya kahit nagyon lang?
Binaliwala ko naman ang nararamdaman ko para hindi masira ang araw na to. 'Think positive, mahaba pa ang araw , marami pang pwedeng mangyari.' pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Huminga muna ako ng malalim bago sumunod palabas ng bahay kay erold. Naabutan ko siyang nasa may kotse at binubuksan ang back compartment. Inilagay nito ang kanyang dalang bag. Napansin naman niya ako, lumapit siya sakin at kinuha ang dala ko.
Pinagmasdan ko lang siya habang inilalagay ang mga gamit. Nang matapos ay isinara niya ito at pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi man lang nya ako pinagbuksan.
Sumunod naman ako sa kotse. Nang makasakay ako ay pinaandar na niya ang kotse. 2 hours ang byahe namin at tahimik lang kami sa byahe.
Hindi ko na natiis kaya naman binuksan ko ang stereo ng kotse. Hindi naman siya tumutol. Tumugtug mula sa stereo ang kantang Buko ni Jireh Lim. Bigla akong napatingin kay erold, diretso lang siyang nakatingin sa kalsada. Nagsimula na ang kanta.
Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti ♬♪
At Ika’y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo ♬♪
Bigla akong napangiti, naalala ko kasi nung mga panahong nililigawan ako ni Erold. Sobrang sweet niya, lagi siyang may dalang mga bulaklak araw araw. Palagi niya din akong sinusundo at hinahatid sa eskwela. Hindi siya nawawalan ng oras sa akin kahit busy siya bilang SSC President.
Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko ♬♪
Sobrang kulit niya din dahil halos araw gabi kaming magkausap. Plagi siyang tumatawag sakin. Lahat ng lakad niya alam ko dahil palagi siyang nagpapa alam sa akin.
Chorus:
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko ♬♪
Sabay kaming nangarap noon - nangarap kung ilan ang mgaiging anak namin, kung saan kami titira pag kinasal kami, kung saan kami maghohoneymoon at kung ano ano pa.
Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin aking susungkitin ♬♪
(Repeat Chorus)
Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi ♬♪
Chorus
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Pumuti man ang mga buhok ko
ohhhh... ♬♪
Ito rin yung kantang kinanta niya noonng 1st monthsary namin. Sobrang nakakahiya yung ginawa niya dahil sa field niya ginawa ang kalokohan niya. Nasa Soccer Team din kasi si erold. May laban ang soccer team noon sa kabilang school. Sobrang dami ng tao, Late akong nakarating noon dahil ma tinapos pa akong project. Nang dumating ako ay sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao, sikat kasi si erold sa school.
Narinig ko pang sabi ng nakasalubong kung babae na malapit na daw matalo ang team namin kaya dali dali akong nagpunta sa field.
Eksaktong pagdating ko ay nakakabawi na ang team. Natapos ang game at kami ang nanalo. Agad kung hinanap si Erold mula sa mga players para icongratulate pero hindi ko siya nakita. Nagtanung tanung din ako sa mga kateam niya pero walang makapagsabi kong nasaan siya.
Nang mapagod ay umupo nalang ako sa isang bench doon at tinitingnan ang mga tao. Sobrang busy nilang lahat dahil sa pagkapanalo ng team. Maya maya pa ay biglang may nagsalita sa intercom ng school. Nagulat ako dahil boses yun ni erold.
"Hi loves, alam kong hinahanap mo ako ngayon. May gusto kasi akong sabihin, nahihiya akong sabihin sa harapan mo hehe. *pause* Alam mo mahal na mahal na mahal kita? Hindi mo lang alam kung gaano ako kasayang naging girlfriend kita. Kaya nga kahit nakakahiya tong ginagawa ko basta para sayo okay lang. Gusto ko lang sabihin sa lahat na si EROLD ASUNCION ay mahal na mahal si FEBERLY RODRIGUEZ at hinding hindi kami maghihiwalay. I love you so much loves. HAPPY MONTHSARY <3" saka tumugtug ang kantang buko. Ang lakas ng hiyawan ng mga tao sa field, at halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin nakangiti.
Maya maya pa ay may mga players ng soccer team ang nag abot sa akin ng rose. Gulat pa rin ako sa nangyayari, pulang pula na din ang mukha ko. Sobrang dami ng taong nagbigay sa akin ng rose, kung pagsasamasamahin ay pwede ng magng isang bouquet. Hindi nagtagal ay nakita ko na siyang papalapit sa akin. Doon na tumulo ang luha ko. May dala dala kasi siyang banner na nakalagay na 'I LOVE U - HAPPY MONTHSARY'
Nang makalapit siya sa akin ay binaba naman niya ang banner. Ganun pa din ang mga tao, lahat nakatutuk sa amin, parang nanunuod ng pelikula. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha.
"O hala bakit ka umiiyak? hindi mo ba nagustuhan ang surprise ko?" umiling lang ako.
"Ah baka natinik ka siyan sa mga rose, sandali lang" may inilabas siyang parang pambalot ng bouquet kaya naman natawa ako. Hanep talaga tong lalaking to, sobrang sweet na pero nagagawa pang magpatawa. Kinuha naman niya lahat ng rose at ibinalot. Nang mabalot saka niya inabot sa akin.
"O ayan flowers for you." sabi niya ng nakangiti. Marami akong gustong sabihin pero walang lumabas na tinig mula sa labi ko. Iyak lang ako ng iyak kaya naman niyakap niya ako. Hanggang sa makaalis kami sa field ay tinutukso pa rin kami ng mga ka school mate namin. Marami ding bumati sa min, yun na ata ang isa sa pinakamasayang araw ko kasama siya.
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig
Ikaw parin(ikaw pa rin)
Ang buhay ko. ♬♪
Nabalik ako sa realidad ng matapos ang kanta. Nakangiti akong tumingin kay Erold, napansin naman niya na nakatingin ako kay nilingon niya ako. Ganun pa rin ang reaksyon niya, kaya unti unting nawala ang ngiti sa labi ko.
Hindi ba siya masayang marinig ang kantang yun? Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa puso ko kaya pinatay ko nalang ang stereo. Tumingin ako sa may bintana, pinagmamasdan ang paligid. Hanggang sa dalawin ako ng antok.
***
Nagising ako dahil sa pagyugyug sa akin ni erold. Nandito na pala kami. Sobrang ganda talaga ng beach na to gaya ng nakita ko sa internet, romantic din ang paligid at sobrang sariwa ng hangin.
Nagcheck in kami sa hotel ng resort na to. Isang kwarto lang ang ipinareserved ko kaya nagulat siya. Nagpumilit siyang kumuha ng isa pang room pero fully booked na daw ang hotel. Wala ng nagawa pa si erold at nagsimulang maglakad papunta sa floor kung nasaan ang room namin. Alam kong galit siya dahil nakakuyom ang kamay niya habang naglalakad.
Nang makapasok kami ay bigla na lang niyang initsa ang kanyang bag sa kama. Galit siyang humarap sa akin.
"Bakit isang room lang ang pinareserved mo?" galit na sabi niya
"Erold gusto ko lang namang makasama ka, kaya isang room lang ang kinuha ko. 3 days lang naman to ee, pwede mo bang pagtyagaan?" malungkot kong sabi. Unti - unting nawala ang galit niya saka napaupo na lang sa kama.
"O sige." yun lang ang narinig ko kaya naman bigla akong nabuhayan ng loob. Masaya ko siyang niyakap pero bigla niya akong naitulak.
"M-Malili-ligo lang ako." sabi niya saka pumasok sa banyo. Naiwan akong nakasalampak sa sahig. Napatawa ako ng mapakla, bakit ba ang saklap ng kapalaran ko, gusto ko lang namang makasama siya - masama ba yun? Tumulo na naman ang luha ko kaya bigla ko nalang itong pinunasan. Ayokong masira ang bakasyon namin, kailangan kong magpakatatag.
Inayos ko nalang ang mga gamit namin, saka ako humiga sa kama. Ilang minuto pa naramdaman kong bumukas ang pintuan ng banyo. Hindi ko muna iminulat ang mata ko. Nakikiramdam lang ako sa ginagawa niya.
Lumulubog ang ilang parte ng kama, hudyat n may umupo o gumapang sa kama. Naramdamn kong may malamig n bagay ang humaplos sa pisngi ko. Pero hindi rin nagtagal ay tinanggal niya din ito. Sumunod kong naramdamn ang isang tela na bumalot sa aking katawan. Saka ko narinig ang click ng pintuan hudyat na may taong lumabas.
Iminulat ko ang aking mata. Saka sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Nagkaroon na naman ako ng pag asa. Mahal niya pa kaya talaga ako? o ako lang 'tong nag aasume sa mga ginagawa niya. Hindi ko rin alam ang sagot sa tanung ko basta ang importante ay masaya ako.
Tuluyan na akong bumangon saka nagpunta sa banyo para maligo. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto sa pagbabad sa tubig saka lumabas ng banyo. Matapos magbihis ay lumabas ako ng room namin daahil nakakaramdam na ako ng gutom pasado alas 3 na din kasi ng hapon at nakalimutan ko ng kumain.
Kinuha ko ang aking phone para itext ang asawa ko. Gusto ko kasing sabay kaming kakain gaya kanina. Ang saya kasi sa feeling na may kasama kang kumain.
To: Asawa ko
Where are you?
Ilang minuto pa akong naghintay ng reply niya pero wala akong napala. Tatawagan ko na sana siya ng biglang magring ang phone ko. Masaya akong sinagot ang tawag niya. Ngayon ko lang kasing nakitang tumatawag ang numero ng asawa ko sa akin.
✆ -- Calling Asawa ko
"hello?" sabi ko
"Nasa lobby ako ng hotel, hintayin kita" saka niya binaba ang tawag. Kahit na pinatayan niya ako ng phone ay masaya pa din akong bumaba sa lobby ng hotel. Hinihintay kasi ako ng taong mahal ko. :)
Pagkababa ko ng elevator agad na hinanap ng mata ko ang taong naghihintay sa akin. Nakita ko naman agad siya. Malayo palang ay alam ko ng siya iyon. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko habang papalapit sa kanya.
"hey! kanina ka pa?" masayang bati ko.
"Hindi naman. Kumain ka na ba?" tanung niya.
"Ah hindi pa nga ee, tara kain tayo." sagot ko naman. Saka ko siya hinila sa labas para maghanap ng resto na pwedeng kainan.
Nakahanap naman kami agad ng resto. Umoorder na ako noon ng pagkain ng mapansin kong parang wala siyang mapiling kainin.
"Ayaw mo ba ng pagkain dito? Gusto mo lumipat tayo?" tanung ko naman sa kanya.
"Hindi ayos lang, hindi na rin naman ako kakain - kumain na ako kanina." sabi niya. Unti unting nawala ang ngiti ko. Akala ko kasi magiging maganda ang araw na to.
"Ah ganun ba?" yun na lamang ang nasabi ko.
"Alis lang ako" sabi niya at akmang tatayo pero hinawakan ko ang braso niya para siya'y mapigilan sa pag alis.
"Saan ka pupunta? Sama nalang ako." sabi ko at tatayo na din sana pero -
"Huwag na, kumain ka nalang" saka niya inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya. Napabalik ako ng upo at sinundan na lamang siya ng tingin habang papalabas ng resto.
"Iniwan na naman niya ako." nasabi ko nalang sa sarili ko saka humugot ng malalim na hininga. Sumisikip na naman kasi ang dibdib ko.
Matapos kong kumain ay lumabas na ako ng resto, at naglakad lakad ako sa paligid ng resort. Ang ganda talaga dito, pero mas masaya sana kong kasama ko siyang naglilibot. Nang mapagod ay umupo ako sa may buhanginan kung saan makikita ang papalubog na araw. 'Ang ganda ng sunset' sa luob luob ko.
Napukaw ang atensiyon ko ng isang pamilya na masayang naglalakad at nagtatampisaw sa gilid ng dagat. Hinahabol ng bata ang kanyang tatay samantalang tuwang tuwa namang naglalakad ang nanay at pinagmamasdan sila. Maya maya pa ay nahabol ng bata ang tatay niya dahil nagpahabol talaga ito at nagpakarga. Nakakatuwa silang pagamasdan, isang larawan ng masayang pamilya.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako, but the moment na narealize ko na what if nagkaroon agad kami ng anak ni Erold, magiging ganito din ba kasaya ang pamilya namin? Pano kung hindi nangyari yun 3 months ago, masaya pa din ba kami ni erold? nagkababy kaya kami ngayon?
Napangiti na lang ako ng mapakla sa mga naiisip ko. Oo nga naman WHAT IF. Isang posibleng tanung na mahirap bigyan ng definite na kasagutan. Kung sabagay tayo pa din ang gumagawa ng kapalaran natin, tayo din ang may kakayahang baguhin ang hinaharap.
Madilim na ng mapagpasyahan kung bumalik sa hotel. Mag aalas 8 na din ng gabi. Wala akong naabutang Erold sa room namin. Kaya naman tinext ko siya. Naisipan kung mag shower habang hinihintay ang reply niya pero natapos na ako't lahat lahat ay wala pa rin akong nakuhang balita galing sa kanya.
Nagparoom service nalang din ako ng pagkain dahil tinatamad na akong bumaba. Habang kumakain ay hindi ko mapigilang icheck palagi ang aking phone, nagbabakasakaling nagtext na ang asawa ko. Alas 10 na ng gabi pero wala pa rin siya. Pati ba naman sa bakasyon namin, gabi na din siya uuwi?
Ilang minuto pa at hindi na ako nakatiis kaya naman tinawagan ko siya. Ring lang ng ring ang phone niya at hindi niya sinasagot. Kung sabagay ano nga bang bago, ganito naman talaga lagi ee. Matapos ang ilan pang dial at itinigil ko na din ang pagtawag. Dumapa ako sa kama at itinago ang mukha ko sa unan saka nagsimulang umiyak.
Nakakainis lang dahil hindi ito yung ineexpect kung bakasyon. 3 araw lang naman ang hinihingi ko pero bakit parang hindi niya ako mapagbigyan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
Nagising ako dahil sa ingay ng nabasag na bote. Agad akong npabangon dahil baka may ibang nakapasok dito sa kwarto. Nagulat ako ng mabungaran ko ang asawa kong lasing. Ano pa bang bago, palagi namang pag umuuwi siya sa akin ay palagi siyang lasing.
Pinupulot niya ang nagkalat na basag na bote, kaya hindi niya ako napapansin. Nang malinis na niya ay saka siya nagpagewang gewang na pumasok sa banyo.
Hinintay ko siyang lumabas, hindi ko na kasi matiis na hindi siya kausapin tungkol sa bagay na ito. Ayoko namang matapos ang tatlong araw na ganito lang ang mangyayari.
Hindi ako mapakali habang nasa loob siya ng banyo. Nagiisip kung pano ko ba didiskartehan to. Lumabas ang asawa ko na nakatapi lang ng tuwalya, kaya naman unti-unting nagsubside ang galit ko at napalitan ng pagka-ilang. Hindi ako makatingin sa kanya. Napansin naman niyang gising na ako pero wala man lang siyang sinabi.
Hinintay ko muna siyang makapagpalit ng tshirt at boxer bago ko siya hinarap. Sumampa na siya sa kama para matulog pero hinigit ko ang braso niya.
"Erold pwede ba tayong mag-usap?" malumanay ko ng sabi. Tiningnan niya lang ako na tila hinihinntay ang sasabihin ko. Huminga muna ako ng malalim saka nag salita.
"Erold bakit ganun? Kasama nga kita pero bakit feeling ko ang layo layo mo pa rin sakin?" panimula kong sabi. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya napakunot siya.
"Ano pa bang gusto mo? Sumama naman ako sayo dito ha!" sagot naman niya. Unti unti kong niluwagan ang pagkakakapit ko sa braso niya.
"Hindi ba pwedeng mag enjoy tayo kahit ngayon lang. Kalimutan natin yung nangyari, kahit ngayon lang?" sumisikip na naman ang dibdib ko, marahil dahil na din sa napakadaming emosyon ang gustong kumawala sa dibdib ko.
Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagka-inis. Mas lalo akong nakaramdam ng sakit. Hindi ba talaga niya kayang makasama ako? Wala na akong ibang pwede pang gawin kundi ang gawin to.
Dahan dahan akong lumuhod sa harapan niya na ikinagulat niya. Call me despirate but the hell I care, masisisi niyo ba ako? Wala na akong ibang naiisip na paraan. Nagmamahal lang ako, and unfortunetly kinaiinisan naman ako ng taong mahal ko.
Humihikbi akong nakaluhod sa harap niya. Naramdaman kung lumuhod din siya para maging pantay kami.
"T-Tama na, h-huwag ka ng umiyak." nauutal niyang sabi. Pero patuloy pa rin ako sa pag iyak, ayaw din kasing tumigil ng luha ko.
Naramdaman ko nalang na yakap yakap na niya ako. Mas lalo akong umiyak ng haplusin niya ang buhok ko at paulit ulit niyang sinasabi na 'Shhh ! tahan na'. Ganito siya noon pag umiiyak ako, palagi siyang gumagawa ng way para mapatahan ako. Gusto kong bumalik kami sa dati, kahit saglit lang.
"Ano bang gusto mong gawin ko para tumahan ka na?" malumanay niyang sabi habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko. Kumawala ako sa yakap niya, saka ko siya tiningnan sa mata.
"Pwede bang bumalik tayo sa dati? Yung masayang tayo? Posible naman yun diba? " patuloy pa rin ang agos ng luha ko. Kinuha ko yung kamay niya at inilapat sa puso ko.
"Gusto kasi nitong maramdamang sumaya ulit. Dalawang araw nalang ang natitira sa bakasyon natin, pwede ko bang sulitin." ayaw pa din tumigil ang luha ko. Hindi siya nagsalita.
"Hindi mo ba kaya? *pause* p-pwede bang k-kahit mag p-panggap ka nalang? -- Please !" nasabi ko nalang. Humahagulhul na ako ng iyak sa harap niya.
Natigil ako sa pag-iyak ng bigla niya akong halikan. Kailan nga ba niya ulit ako nahalikan? hindi ko na matandaan. Hindi ako kaagad nakapagresponse dahil sa gulat. Nang marealize kong maaaring ito na ang sagot niya ay saka ko ikinawit ang braso ko sa batok niya para palalimin pa ang halik.
Naramdaman ko nalang na lumapat ang likod ko sa kama. Patuloy parin ang paghahalikan namin. Kung ano man ang mangyari ngayong gabi, ito na siguro ang isa sa masasayang alaalang pwede kong ibaon kapag nagkahiwalay na kami.
✂----- |
Part 2 of chapter 3 will be next to be posted ! ✺