A Love That Lasts Forever

By Rainnedeerrr

6.5K 49 40

Forever? Nageexist ba yun? Mahal na mahal ko siya at akala ko habang buhay na kami. Pero mali ako at tama sil... More

A Love That Lasts Forever
ALTLF - 1
ALTLF - 2
ALTLF - 3
ALTLF - 4
ALTLF - 5
ALTLF - 6
ALTLF - 7
ALTLF - 7.5
ALTLF - 8
ALTLF - 9
ALTLF - 10
ALTLF - 11
ALTLF - 12
ALTLF - 13
ALTLF - 14
ALTLF - 15
ALTLF - 16
ALTLF - 17
ALTLF- 18
ALTLF - 19
ALTLF - 20
ALTLF - 21
ALTLF - 22
ALTLF - 23
ALTLF - 24
ALTLF - 25
ALTLF - 26
ALTLF - 27
ALTLF - 28
ALTLF - 29
ALTLF - 30
ALTLF - 31
ALTLF - 32
ALTLF - 33
ALTLF - 34
ALTLF - 35
ALTLF - 36
ALTLF - 37
ALTLF - 38
ALTLF - 39
ALTLF - 40
ALTLF - 41
ALTLF - 42
ALTLF - 43
ALTLF - 44
ALTLF - 45
ALTLF - 47
ALTLF - 48
ALTLF - 49
EPILOGUE

ALTLF - 46

81 0 0
By Rainnedeerrr

ELLIE's POV

Uwian na namin ngayon. Pumasok ako sa school kanina na super saya. 

Nawala na kasi ulit yung BV ko. Naging GV na medyo KV. Hahahaha.

Arte ko ba. Sorry naman. Kung kayo man yun baka kiligin din kayo. Hahahaha

" Girls videokehub tayo! " - Kaye

videokehub dawwwwwwwwwwww. :)

" Tara! " - Ava

Kumislap mata ko! Hihi. Favorite namin ng barkada yung videoke eh. Kahit di maganda boses ko aba go lang! Hahaha.

" Game kami! " - Marrie

" Tara tara! Ikaw Elle? Go ka ba? " - Anne

1 new message

Uy may nagtext. Sino kaya to. 

" Uhmmm. Wait. Basahin ko lang to." 

Jaden.

Baby, diba vacant mo na? Tara kain tayo. Treat ko. :)

Weeeeeeeeeeeeeeew. Wrong timing naman eh. 

Barkada or Jaden?

Videoke or Kain? 

Huhuhuhuhuhuhuhu.

Kung kayo asa sitwasyon ko ano pipiliin nyo?

" Elle? Ano? " - Anne

Videoke o Kain?

" Hoy bestfriend? Sumagot ka na sayang oras. " - Ava

Guysssssssssss. Huhuhuhu

" Partner? " - Kaye

" Eh ano kasi eh. Uhmmm. "

" Ano yun Ellie? " - Aeprie

"Nagtext si Jaden.."

Pano ko ba sasabihin. Huhuhu

" Ano sabi? " - May

" Eh inaaya ako kumainnn. "

" No!! Hindi pwede!!! " - Ava

" Huh? Bakit bestfriend? "

Nagulat ako sa reaction niya. 

" Oo nga Ava. Bakit ba? Bigla bigla ka nalang sumisigaw. " - May

Nagulat talaga kaming lahat sakanya. Grabe naman kasi eh. Bigla bigla nalang siyang naging ganun. Parang ayaw na ayaw talaga nya. 

Kung sabagay, e hindi naman talaga siya ganun ka-boto kay Jaden.. Pero weird pa din ng reaction niya.

" Ah. Ano. Eh ano kasi.. Wala. Wala lang. Nagulat alng ako. Syempre kasi magvvideoke tayo tapos wala ang bestfriend ko? Malungkot naman kapag ganun. " - Ava

" Ohhhhh. I see. Osige ano na ba plano? " - Aeprie

Aroooooy. Eto nanaman. Hindi pa ko nakakapagdecide. Huhu. Ano na ba gagawin ko. Tsk.

" Ah. Ehhhh.. "

" Sige na Elle. I know na kailangan mo ng oras maging masaya. These past few days e medyo bagsak nanaman ang lovelife mo kaya go na. Naiintindihan ka namin. Diba girls? " - Anne

Awwwwwwwwwwwe. Natouch ako. Apaka blessed ko talaga. May parents ako, may Jeen na supportive palagi. May Jaden na night in shining armor ko. At may mga kabarkada ako na naiintindihan ako at dinadamayan sa lahat ng pagkakataon.

" Oo nga Partner. Sige na. " - Kaye

" Sige na nga. Alam ko namang walang masamang gagawin sayo si Jaden e. Go na. " - Aeprie

Ang sweeeeet talaga nilaaaa! :)

" Thankyouuuuuuuu girls! The best talaga kayo! "

Kaso, paano naman si bestfriend ko. :( 

Tumingin ako sakanya..

" Ts. Oo na. Sige na. Umalis ka na. Maguusap tayo next time. Madami kang ikwkwento. " - Ava

Yeyyyyyyyyyyyyyyyyyy! Hhahahaha. Nagmamataray na mukha pa tong bestfriend ko pero alam ko na okay lang sakanya. Hayyyyyyy. Para kong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Hihi.

" O alis na! Shupi na! Nang makaalis na din kami! " - Marrie

Tinext ko na si Jaden na magkita kami sa coffee shop sa labas nitong school. Sabi ko pumunta na siya dun kasi in 5mins. andun na din ako. At nagreply naman agad siya ng okay.

-

JADEN's POV

Di ko maexplain kung gaano ko kasaya ngayon.

Iba kasi sa pakiramdam e. Na finally magkakasama na ulit kami. Kasi akala ko talaga hindi na mauulit tong ganitong lalabas kaming dalawa.

Ang sarap talaga sa pakiramam kapag alam mo na makakasama mo yung taong mahal mo. :)

Yung tipong ang daming naging hadlang. Ang daming nangyari. Nagkahiwalay landas namin pero.. magkikita din pala kami sa huli.

At makakasama ko pa siya sa mga ganitong klaseng pagkakataon.

Andito ako sa coffee shop sa labas ng school, hinihintay ko siya.

Hinihintay ko yung taong mahal ko. Hinihintay ko si Ellie.

" Sir, may order na po ba kayo? "

Nilapitan ako nung crew. 

Bigla akong may naisip na idea! 

Sana naman kiligin si Elliepot. 

Hhihi. 

Asan ka na ba Baby Ellie? Bilisan mo naaaaaaa. :)

ELLIE's POV

Naglalakad na ko papunta sa coffee shop. 

Actually kanina pa dapat ako nakarating kaso naisip ko na magprepare ng something sweet. 

Wala lang. Na-feel ko lang na parang kailangan ko bumawi kay Jaden. 

Siya yung andyan para masandalan ko sa mga oras na hinang-hina ako.

Siya yung nagpprotekta sakin.

Siya yung maasahan ko.

Siya eh. Siya.

" Sana naman matuwa si Jaden sa surprise ko. "

Medyo kinakabahan ako. Hahaha. Pero keribels lang. Para naman to sa taong walang ibang inisip kundi ang mapasaya ako.

Pagpasok ko sa coffee shop hinanap ko agad siya.

" Baby! "

Ayun! Nakita ko na din siya.

Gwapo talaga. 

Violet na polo shirt + Jeans + Vans + Jansport =  ANG GWAPO NI JADEN <3

Whahihihihihihi. Ang cute cute ni Jaden! Hahahaha

Lumapit agad ako sakanya.

" Uhm. Kanina ka pa? "

Nagsmile siya sakin. 

Ohmyyy. Hahaha

" Hindi naman. Upo ka na. "

Umupo na ko sa tapat niya. 

" Jaden/Baby.."

Ooops. Sabay pa kami nagsalita.

*dug dug.. dug dug..*

" Ikaw na mauna Jaden.. "

" No. Ikaw na. Ladies first."

Kinakabahan ako.

*dug dug.. dug dug..*

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Walalang naman tong ibibgay ko pero di ko alam kung bakit kabang kaba ko. Pssssh

" Jaden, may ibibgay sana ko sayo? "

Tumingin siya sa mga mata ko.

" Ano yun? "

Nilabas ko yung gift ko para sakanya.

Kinuha niya tapos binasa niya.

*dug dug.. dug dug..*

Ano kayang magiging reaksyon niya?

" Corny ba? "

" Nakakakilig. "

" Huh? "

" Sabi ko kinilig ako. Thanks for this, baby. Punong puno ng effort. "

Wow. Ako naman ngayon ang kinilig. Haha.

Super simple lang naman yung bigay ko sakanya.

Picture namin nakalagay sa isang magandang papel na nilagyan ko ng designs. Tapos yung pinaka center sinulatan ko ng message ko para sakanya.

Message na punong puno ng pagpapasalamat..

Para sa presence niya. Para sa pagmamahal niya.

Message na humihingi ng sorry..

Para sa lahat ng bagay na nagawa ko na nakasakit sakanya..

At message na nangangakong..

Hinding hindi ko siya makakalimutan dahil may special place na siya dito sa puso ko..

" Baby, kung inaakala mo na ikaw lang ang may surprise, ako rin no. Hehe. "

Nagulat at natakot ako sa sinabi niya. Pero kinilig. Hahaha. 

Inaya akong tumayo ni Jaden kaya tumayo na ko.

Pumunta kami sa side netong coffee shop kung saan may piano..

Odiba ang sossy ng coffee shop na to. Hahaha.

" Baby, this is for you. "

NP: A Thousand Years

(a/n: play nyo nalang yung video sa right side. :) )

Pagkapindot pa lang niya sa piano may napatingin na agad samin.

Kinikilig ako kay Jaden..

Kung dati tinatawagan lang niya ko tapos dun ko lang maririnig yung tugtog niya, ngayon sa personal na.

Kumakanta siya habang nilalaro ng mga kamay niya ang intrumentong nasa harapan ko ngayon.

"  .. but watching you stand alone, all of my doubts suddenly goes away somehow.."

Ang sarap pakinggan ng boses niya.

Punong puno ng emotions.

Ramdam na ramdam mong sincere siya sa pagkanta niya.

" ..darling don't be afraid.. "

Nakakatuwang isipin na may isang Jaden na handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya.

Para sakin.

Pero nakakalungkot isipin na hindi ko man lang masuklian ang pagmamahal na binibigay nya..

Oo maaring may nararamdaman ako para sakanya. 

Pero hindi yun kasing tindi ng pagmamahal niya sakin.

Alam mo yung may nagkakagusto sayong tao na hinding hindi ka sasaktan pero nababaliw ka pa din sa taong di makita ang halaga mo? Ako yun eh. Ako.

" .. I would not let anything take away what's standing in front of me.. "

Pagkasabi niya nung line na yun tumingin siya sakin.

" Ang swerte nung girl! "

Narinig kong may sumigaw galing sa mga tao sa loob netong shop.

Jaden..

Bakit mo ba to ginagawa.

" .. one step closer.."

Hindi ko alam kung bakit sa pagbanggit niya ng lyrics na yun e humakbang nga ako papalapit sakanya.

"..  I have died everyday waiting for you. Darling don't be afraid I have loved you for a thousand years. And I'll love you for a thousand more.. "

May biglang lumapit sakin na babae. 

Crew siya ng coffee shop na to.

May inabot siyang paper airplane. 

Paper airplane na katulad ng laging pinapalipad ni Jaden sa room ko every morning.

Binasa ko yung nakasulat sa loob..

"Wendy, true love waits. So I'll be in the waiting shed to wait you..

  - Peter Pan.  "

Biglang tumulo yung mga luha ko.

Naiiyak ako sa sinabi ni Jaden sa paper airplane na to.

Hihintayin niya ko.

:(

Maghihintay siya sakin habang ako may hinihintay na iba. :(

Jaden..

Bakit ka ba ganyan. Bakit ba pinaparamdam mo sakin na andyan ka lang. Pasayahin mo naman yung sarili mo.

Tumayo siya at inabutan ng mic nung crew na nagabot sakin ng paper airplane.

" Goodafternoon po sa lahat. Pasensya na po sa istorbong gagawin ko pero may hihingin lang po sana akong pabor sainyo.. "

Nakatingin na talaga lahat ng tao samin. Parang gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon. 

" Jaden ano ba ginagawa mo nakakahiya. Nakatingin na sila satin oh. "

Di nya ko pinansin.

May mga matatanda. May mga young adults. May mga couples. At may mga estudyanteng katulad namin. Iba't ibang klase ng mata ang nakatingin samin ngayon..

" Gusto ko po sana na maging witness kayo sa oras na to.. "

Binubulungan ko na siya.

" Jaden ano ba... "

" Sa oras po kasi na to, nangangako ako sa harap ng babaeng mahal ko na hinding hindi ko siya iiwan at hihintayin ko siya hanggang dumating yung tamang panahon para saming dalawa.. "

Awwwwwwwwwwwwwwwwwwwtsu. 

Kinikilig ako tae.

Pero nahihiya din ako..

Nangistorbo pa talaga siya.

Huhuhuhu. 

" Jaden ano ka ba. "

Lumuhod siya bigla sa harapan ko at naglabas ng isa pang paper airplane.

Nakakabigla.

" Wendy, katulad ng eroplanong to na lumilipad tuwing umaga papunta sa kwarto mo ang pagmamahal ko sayo. 

Araw araw mong mararamdaman ang prescence ko. At araw araw mong mararamdaman na hindi ka nagiisa.

 Katulad ng paper airplane na hawak ko, araw araw din kita papangitiin at sasabihin sayo kung gaano ka kahalaga sakin. 

Kung gaano kita kamahal. 

At kung gaano katagal ko kaya maghintay para sayo. 

Kung gaano ko kayang tiisin ang tagal at layo ng mga puso natin. 

Katulad ng eroplano na to, kakayanin kong akyatin ang matatas na harang na humadlang para makita kita katulad ng mga bakod sa bahay nyo.. "

Wala akong masabi. Lalong nagtuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.

" Miss! Ang swerte mo sa boyfriend mo! "

Hindi ko siya boyfriend. 

Pero pinaparamdam niya sakin na handang handa niya kong protektahan, ingatan at alagaan na parang girlfriend niya.

Sa sobrang tindi ng mga halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon bigla nalang akong lumuhod para yakapin siya.

" Jaden. Thankyou. Thankyou. "

Imbis na magsalita siya, sinagot niya ko ng isang mas mahigpit na yakap.

Naramdaman ko na umiiyak din siya.

Mga dalawang minuto kaming nasa ganoong sitwasyon.

Wala akong ibang marinig o makita. Pakiramdam ko talaga kapag kasama ko siya kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Hindi ko alam pero ganun ang nararamdaman ko.

Tumayo kaming dalawa, hinawakan niya ang kamay ko tapos nagsalita ulit siya.

" Salamat po sa inyo. Kapag sinira ko ang pangako ko sa babaeng to, lahat po kayo pwede akong gulpihin. Hehe. Salamat po ulit. "

Nagpalakpakan yung mga tao.

Maraming sumisigaw na ang sweet daw ni Jaden.

Na ang swerte ko daw. Blah blah.

Pagkabalik namin sa upuan namin.. 

" Jaden ano ka ba naman! Nakakahiya yung ginawa mo! "

" Baby naman. Hindi mo ba nagustuhan? :( "

Biglang lumungkot yung mukha niya.

" Hoy umayos ka nga! Baka kung ano isipin ng mga tao. Baka sabihin nila sinurprise mo na nga ako na 'girlfriend' mo daw kahit hindi naman tapos aawayin pa kita. Tsssk. Nagustuhan ko po. Okay? Smile na? "

Bigla naman siyang ngumit ng sobra.

Parang adik talaga to. Hahahaha

Tawa lang kami ng tawa ni Jaden. 

Uminom ako ng water kasi feeling ko madedehydrate ako kakatawa. Hahaha. Ewan ko ba. Kaso habang umiinom ako nakarecieve nanaman ako ng text mula dun sa "frenemy" ko.

0915..

Saglit na saglit na oras nalang. Humanda ka na. 

*dug dug.. dug dug..*

BIgla nanaman akong kinabahan.

" Baby, may problema ba? "

Gusto ko nang umuwi.

Kinakabahan ako.

" Ah. Wala naman. Kaso, pwede ba uwi na tayo? Bigla kasing sumama pakiramdam ko. "

Nilagay niya yung kamay niya sa noo ko.

" Hmm. Hindi ka naman mainit baby. Pero baka kasi siguro dala ng pagod kaya sumama pakiramdam mo. Osige halika na. Hahatid na kita. "

Paglabas na paglabas namin ng coffee shop may batang lumapit sakin.

" Ate, basahin nyo daw po. "

Sheeez. Eto nanaman. Akala ko wala akong makukuha ngayon e. Hindi talaga natapos ang araw na to na hindi ako makakatanggap nito. 

Pero medyo special ata to ngayon.

Heart-shaped balloon siya ngayon. Di tulad nung mga nakakaaan na circle lang. 

Binasa ko yung note na kasama.

" Love of my life, please meet me at the gym. I'll wait for you. "

" Ellie ano yan? "

Shoooooooooot. Eto na nga ba sinasabi ko e.

" Ah eh. Jaden, kasi, kagaya mo, may nagpapadala din sakin ng sweet messages everyday. Pero kada hapon nga lang. Tapos laging may kasamang balloon. Pero hindi ko siya kilala. Ayaw magpakilala. "

Bigla namang kumunot noo niya.

" Baka si Nick? "

Nick?

As in Ian Nicollo Villafuerte? 

" Imposible. "

Apaka imposible naman kasi talaga. Hello. Oo sweet siya pero hindi ko ma-feel na gagawin niya sakin to. Matapos ang lahat? Tsss.

" Hindi imposible Baby. Baka nagising na siya sa katotohanan. Baka namimisss ka na. "

Namimiss? Tssss. 

" Matagal na siyang gising, Jaden. Matagal na niyang nakikita ang sitwasyon. Matalinong tao siya at alam kong alam na alam niya kung ano ang tama at mali. Aware siya sa lahat ng mga ginagawa niya. Choice niya yun. "

" Okay okay. Chill. Relax. Sumeseryoso ka nanaman eh. Alam mo bakit hindi mo nalang puntahan? Para malaman mo kung sino siya. "

Natatakot ako. Baka kung sino to. Or baka trap to. Haha.

" Ano? Natatakot ka? "

" Pano mo nalaman Jaden? "

" Halata kaya sa mukha mo. Osige halika na. Sasamahan kita papunta dun. "

-

Kanina pa kami ni Jaden dito sa may gym pero wala naman kaming makita na "secret admirer" ko DAW ayon kay Panget.

Wala man lang clue or hint kung sino siya.

Walang message na nagsasabing andito na siya sa gym.

Aba. Di kami manghuhula ni Pete.

5mins.

10mins.

13mins.

" Ellie dadating pa ba yang manliligaw mo? "

Kumunot naman noo ko.

" Jaden! Anong manliligaw. Baliw! Hndi ko manliligaw yung taong nagpapadala sakin ng messages no! "

" Sus. Ganun din yun. Pa-shy type lang at pa-suspense ng konti pero manliligaw din yan. Natotorpe lang sa ngayon. "

Inirapan ko siya. Nakakainis. Ang kulit.

" Uy baby sorry na. Joke lang.."

Pinisil pisil niya yung pisngi ko.

" Baby.."

Pero hindi ko siya pinapansin -_____-

Bahala siya.

" CR lang ako ha. Balik ako agad.  Wait mo ko dito. "

Pumunta muna siyang restroom. HIndi ko din naman kasi siya pinapansin. Kunwari lang namang galit ako e. Drama lang. Hahaha

5mins..

Ang tagal naman ata ni Jaden sa CR. Tsss. Baka na-flush na yun. Hala.

Tatalikod na sana ko para maglakad papuntang CR ng biglang..

-

JADEN's POV

Tinagalan ko talaga yung pagCCR. Baka kasi sakaling humupa yung inis ni Ellie kahit papano.

ewan ko nga kung naiinis ba talaga sya eh. Hahahahaha

Habang naglalakad ako palabas..

" Girl! Ang sweet talaga nung guy sa labas! "

Uy. May sweet na guy sa labas. Matignan nga. Baka mainlove ako. Hahahaha

Sino kaya yung lalaking yon? Mas sweet pa kaya sa ginawa ko kanina yung nangyayari sa labas? 

" Dalian mo baka di natin maabutan! "

Ngayon naman nakakita pa ko ng tumatakbo. Mga excited makita yung nangyayari sa labas.

Ano ng kaya ang meron sa labas?

Si Ellie kaya nakikigulo din?

Pagbalik ko dun sa pinag-iwanan ko kay Ellie wala na siya.

Naku. Baka kaya nakisiksik yun dun sa banda na yun.

May natatanaw kasi akong nagkukumpulan na mga tao e. Pakiramdam ko yun yung may sweet guy daw. Baka andun si Ellie nakikitingin.

Mapuntahan na nga lang.

" Excuse me po. "

Lumapit na ko kaso ang daming tao wala akong makita.

" Excuse me. Excuse me. "

Ano ba yan ayaw nila magpadaan. Tsss. Hinahanap ko si Ellie di ko naman siya makita. Baka nasa bandang harap pa.

" Excuse me po.. "

Sobrang gitgitan pero sa wakas! Narating ko na din yung pinakaharap.

Tama ako.

Makikita ko si Ellie dito.

Dito sa harap.

Andito siya sa harap.

Nakatulala.

Nasa harap niya ngayon ang ex-boyfriend niya.

Nasa harap niya si Nick.

Madaming lobo. May mga letters na nakasulat sa illustration board. 

I L   O   V   E Y   O   U E   L   L   I  E !

" Babe, one more chance. One last chance. Hinding hinding hindi ko na sasayangin. "

So si Nick pala ang "secret admirer" niya.

Sabi na eh.

Hindi pa din makasagot si Ellie.

" Babe.. "

Kinakabahan ako sa isasagot niya.

Natatakot ako.

Natatakot akong baka bigla niyang balikan si Nick dahil sa surprise na to.

Baka maulit yung dati na hinihintay niya lang magsorry si Nick. Tapos nung nangyari nga yun, nilayuan na niya ko.

Ayokong layuan niya ko.

Alam ko namang mahal na mahal pa niya ang lalaking yun pero umaasa pa din ako na may puwang na ko.. na may puwang na ko sa puso niya..

Sa sobrang kaba ko sa isasagot niya bigla kong nasabi ang pangalan niya..

" Ellie.. "

Lumingon siya sakin.

Lumingon din sakin si Nick.

 Lumingon lahat ng tao dito.

" Jaden.."

Tinitignan ko lang siya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. 

Kahit gusto ko siyang ipagdamot, ayoko namang pigilan siya at hatakin siya palayo dahil wala naman akong karapatan. 

" Pare wag ngayon. Samin ang pagkakataong to. "

Napatingin ako kay Nick.

Kitang kita ko sa mga mata niya na nakikiusap siya saking umalis ako.

Kahit di niya direktang sabihin alam ko. Naiintindihan ko. Usapang lalake. 

" Sino ba siya? Bakit niya sinisira ang moment na to? "

" Girl, yang si pogi sinurprise din niya si girl kanina sa coffee shop. Andun ako e. Di ko alam tuloy kung sino talaga ng lovelife ni girlalush. "

" Ang swerte naman. Dalawang gwapong lalaki nagkakagusto sakanya.. "

Andami kong nariinig na side comments.

Siguro dapat nga umalis ako.

Siguro dapat ko nang bitawan si Ellie at ibalik siya sa totoong may nagmamay-ari sakanya.

Siguro nga.

Biglang tumulo yung mga luha ko.

Pasensya na pero sobrang sakit lang talaga.

Pahiram lang pala yung oras kanina na nakasama ko si Ellie.

Pero lalake ako. Hindi ko dapat pinapakita na umiiyak ako. 

Tumalikod na ko..

Naglakad na ko palayo.

Andami ko lalong narinig na bulung-bulungan. Pero isang boses lang ang tinatanggap ng isip ko...

" Jaden.. Don't go. "

-

(a/n: guys. sorry sa matagal na update. medyo busy na po talaga sa school e. pero don't worry, laging may update. bsta once a week :) 

Hi nga pala kay Beaulah Pacis at Paul Tuazon! :)

sino sa tingin no ang pipiliin ni Ellie? :)

Team JaEll or Team ElliN? :)

comment naman kayo para mas mainspire ako. kung wala kang wattpad account, kahit through fb or instagram nalang. hehe . thankyou! :) 

twittter/insta: rainnedeer

thankyou! :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 1 30
Forever is not OVER, but sometimes, Forever is only the beginning, not always not FOREVER, Sabi nga nila FOREVER is a long time but, i wouldnt mind s...
343 7 4
Anong gagawin mo kapag yung inaakala mong wala na, meron pa pala? Pano kung bigla syang bumalik para sabihing mahal ka pa rin niya? Kakalimutan mo ba...
33.2K 362 24
What if biglang sinabi ng parents mo na ipapakasal ka sa taong pinakamamahal mo? Anong magiging say mo? Go ka pa rin ba kahit alam mong simula nung u...
91 0 17
Anong gagawin mo kapag bigla na lang mawala ang lahat? Anong gagawin mo kapag bigla na lang siyang nawala? Mamahalin mo pa rin ba siya? Kung sakaling...
Wattpad App - Unlock exclusive features