My Naughty Bratinella (Comple...

By twinklingberyl

151K 2.5K 151

KONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
For Special Chapter
Special Chapter
Author's Note

Chapter 19

2.4K 45 4
By twinklingberyl

Jace's POV

"I know na masyado pong mabilis but as we all know, matagal na po kaming magkakilala ni Jace kaya ayun po... And promise ko naman po sa mga nagmamahal at sumusuporta kay Jace, I will take care of your prince so don't worry po. Magiging strong po ang relationship namin, promise po namin yan. Besides—"

In-off ko na ang TV at napatayo ako sa couch na inuupuan ko at hinarap si Tita May.

"What the hell was that Tita?! What does it mean?!" inis na tanong ko kay Tita May tungkol doon sa live interview ni Aileen.

"Jace, let me explain this—"

"Yes tita. You really need to explain this!"

"Aileen told us—me and her manager...na may balak ka daw ligawan si Amethyst Tuazon. Jace, alam mong hindi pwede yun sa career mo diba? Hindi lang sayo magkakaroon ng negative impact kundi pati na rin kay Amethyst pag nagkataon. Is that what you want?"

"Pero tita...may karapatan akong malaman kung ano yung mga pinaplano niyo na may kinalaman sa trabaho ko. Hindi yung ganito."

"Bakit Jace, pag sinabi ko ba sayo yung tungkol dito... will you agree for this? Ikaw lang at ang career na pinaghirapan mong buuhin ang iniisip namin. This is your Mom's dream for you, right?" she said. Hell yeah! This is my Mom's dream—ang maging sikat na artista ako. Pero pano naman ako?

I took a deep breath, "Until when?" I asked.

"Hangga't sikat ang JaceLeen."

"Pero Tita—"

"Hindi na mahirap sayo 'to Jace. Magpapanggap ka lang—I mean, kayo ni Aileen like a real couple. You're in showbiz for almost six years. Para saan pa't naging artist aka kung hindi mo kayang gawin ang simpleng acting lang na yun? Just think about it Jace. Kung talagang gusto mo si Amethyst, hindi mo hahayaang mapasama siya sa magulong mundo na kinabibilangan mo." she explained which made me think.

"I don't know if I can."

"Yes you can, Jace. Oh, and one more thing... don't tell this to anyone. Kahit sa mga kaibigan mo...kahit kay Amethyst. At kung maaari, iwasan mo muna si Amethyst. Para sayo rin to." then she turned her back atsaka ako iniwan dun.

Napaupo na lang ako at nasapo ko na lang ang noo ko. Damn this life!

**********

After ng shooting for this day ay diretso akong pumasok sa kotse ko at denial ang number ni Amethyst. Malamang napanood niya yung interview ni Aileen kanina. Kaso... ano namang sasabihin ko? Kakamustahin ko ba siya?

"H-hello, Amethyst?" kinakabahang sabi ko sa kabilang linya.

[.........]

"Amethyst? Are you okay?" tanong ko dahil hindi siya sumasagot hanggang sa makarinig na lang ako ng mga hikbi kaya bigla akong nagpanic, "A-Amenthyst... I-I'm sorry..." nasabi ko na lang at nanlulumo akong napahawak sa manibela. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nagpapanggap lang kami. Bullshit!

[Your sorry is not enough... Nasaktan mo na 'ko...at ang sakit sakit.]

"Amethyst! No... J-just let me explain..."

[Para saan pa? Para magsinungaling ka na naman? Loving someone like you is the biggest mistake I did in my entire life because I ended up hurting myself. Pinaasa mo 'ko sa wala!]

"Amethyst, please... I will tell—"

Tut. Tut. Tut.

"Damn!" I shouted sabay hampas ko sa manibela. Hindi ko alam kung ano baa ng dapat kong maramdaman ngayon. Masaya ba dahil gusto din ako ni Amethyst kasi nasasaktan siya o maiinis dahil sinaktan ko siya. Leche! Bakit kung kelan pwede saka naman hindi pwede? Gets niyo? Ang gulo diba?

Did I already lose her?

********

Amethyst's POV

Kapag malungkot talaga ako, pinapanood ko lang ang paborito kong drama para mas lalo akong maiyak at maubos ang luha ko. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko ng pinanood to kasi actually, kabisado ko na yung line ng mga bida.

Nakaupo lang ako sa kama ko habang yakap yakap ko yung unan ko at iyak lang ako ng iyak dahil maghihiwalay na yung mga bida, e yun kasi yung favorite scene ko e. Hanggang mag-ring yung cellphone ko. Sinagot ko iyon pero di na ko nag abalang tingnan kung sino yung tumawag dahil tutok na ko sa pinapanood ko at ayaw kong palampasin ang scene nay un.

"Your sorry is not enough... nasaktan mo na ko. At ang sakit sakit... Para saan pa?Para magsinungaling ka na naman? Loving someone like you is the biggest mistake I did in my entire life because I ended up hurting myself. Pinaasa mo ko sa wala!" sabi ng bidang babae na sinabayan ko. Pakshet talaga. Ito talaga yung favorite part ko sa movie na 'to e. Huhuhu

Nakalimutan kong may kausap nga pala ko sa cellphone, ay lintek nay an. Yung movie kasi e, ang ganda. Saka ko lang naisipang tingnan kung sino yung tumawag at...

PUTSPA! SHET NA MALAGKET!

S-si... JACE!!!

I tried to dial his number again pero wala akong signal jusko! Bakit ngayon pa nagloko yung network na gamit ko! My gosh, Amethyst... kahit ang ganda mo na, ang tanga mo pa rin! Aish.

Nagmamadali akong lumabas ng unit ko at naghanap ako ng signal kaso network failed pa rin! Yung totoo? Nakikisabay lang sa katangahan ko? Ilang minuto rin akong nasal abas at ng bumalik ako sa loob, buti naman at okay na ulit yung signal.

Ida-dial ko na sana ulit yung number ni Jace ng may ma-receive akong text galing kay Mommy.

From: Mommy

Anak, nagpa-reserved ang Dad mo sa restaurant for dinner later. Hindi daw siya titigil hangga't di mo nakikilala ang future husband mo. You need to be there hija.

WTF! Again?!

Muling nag-vibrate ang cellphone ko at si Mommy ulit yung nagtext.

From: Mommy

Sorry anak pero nahuli ako ng Dad mo na palihim kitang pinapadalhan. He will cut all your accounts pag hindi ka sumipot mamaya. Don't worry baby, I'll help you to explain. I'm still your Mom at tanggap kita.

Mata-touch na sana ako sa sinabi ni Mommy kung totoong tomboy ako e! Kaso...Grabe naman si Daddy huhuhu. Spoiled ako kay Dad pero pag siya talaga ang nagalit, malupit. Dad will cut all my accounts? Noooo! Mas matindi pa sa nightmare yun pag nagkataon! Pano na lang ako makakabili ng mga trendy clothes ngayon? Oh gosh, dagdag stress to.

I dialed Trish's number.

[Oh? Ano na namang problema mo? Busy ako Amethyst. Nagre-review ako para sa quiz sa Monday at--]

"Trish I need your help! Right.Now!

[As in ngayon na? Agad-agad? Ano na naman ba yun?]

"Si Dad! Ipinipilit na naman niya sa akin yung arranged marriage na gusto niya!"

[Patulan mo na kasi para hindi ka na nagkakaganyan.]

"No! Mabait naman si Carl pero I don't see him as my husband in the future. Bestfriends, pwede pa. Buti sana kung si Jace, ako pa ang magpipilit kila Dad na pakasalan siya ngayon!" I said na ikinatahimik niya sa kabilang linya, "Hey, Trish! Please... nagmamakaawa ako sayo. Help me..."

[Magpapanggap ka ulit?]

"Kung yun lang yung pwede kong gawin ngayon, oo. Or... sabihin ko na lang kaya kila Dad na kilala ko na si Carl at—"

[No! I-I mean... kapag sinabi mong kilala mo na future husband mo eh di mas lalong pipilitin ka nilang ipakasal sa kanya because you already know him at baka isipin nilang close na kayo. Iisipin nilang mas okay yun. Gets mo? Kaya wag... wag mo munang sabihin.]

"Sabagay... sige sige Trish! Pupunta ako sa inyo now na, okay? Wait for me there." I said then I ended the call.

Broken hearted na nga ko, stress pa! Haaaay. Kainis na buhay naman 'to oh.

********

Cloud's POV

"Dude, nagtext si Trish sa akin. Humihingi daw ng tulong sa kanya si Amethyst at magpapanggap na naman daw yun. Gusto pa daw sanang sabihin ni Amethyst na kilala na niya 'AKO' as her future husband. Buti na lang at napigilan niya. The fuck dude! Nadadamay na ko sa problema mo." Carl said na ngayon ay nakapamewang sa harap ko at sinisermunan ako na akala m e tatay ko. Tss. Nandito kasi ako sa condo unit niya at kagaya ni Amethyst, humihingi rin ako ng tulong sa kanya. Pota kasi, lutang ako ngayon dahil sa napanood kong live interview ni Aileen. Gusto kong harapin si Jace pero iso-solve ko muna 'tong pesteng arranged marriage na to. "Sabihin mo na lang kaya ang totoo na magkakilala na kayo ni Amethyst?" he suggested.

"No! Once na sabihin ko yun for sure mag-a-assume na silang may closeness na between me and Amethyst at malamang nun, i-a-announce na nila yun at mas lalong mawawalan ako ng pag-asa kay Aileen kapag nalaman niyang ikakasal ako sa iba pagdating ng panahon. And I won't let that happen."

"Eh di tell them na hindi mo talaga gusto si Amethyst."

"Dude, pag ginawa ko yun...maaapakan ko ang ego ng mga Tuazon dahil tinanggihan ko ang unica hija nila and they will surely hate us."

"Eh anong gagawin mo? Ang gulo naman! Tss."

"Kaya nga gumagawa ako ng paraan para sila na ang kusang umayaw sa akin."

"Don't tell me...magpapanggap ka ulit? Pfft!" natatawang tanong niya.

"If that's the only way for now, yes. Siguro mas gagalingan ko na lang ang acting ko ngayon para mas effective and I know it's bullshit."

"Pano yan, magkikita kayo ni Amethyst dun?"

"Hindi. I know her, alam kong hindi rin siya magtatagal dun lalo na't ganun yung hitsura niya. Tss. Arte kaya nun! Pagkaalis nila saka tayo lalabas. For now, kelangan muna nating makaisip kung pano mas magiging effective yung acting ko."

"Kelangan mong humanap ng magpapanggap bilang boyfriend mo. Puta. Kadiri diba? Pero yun yung pumasok sa isip ko e." bahagya pa siyang natawa pero nahinto siya ng titigan ko siya at napangiti ako sa suggest niya, "Hoy tangina mo Cloud! Ang creepy ng tinginan mo. Ang manyak mo pa tingnan diyan sa ngiti mo. Leche ka, alam ko tumatakbo diyan sa madumi mong utak. Out ako diyan!"

"Dude last na 'to please! Pa-suggest suggest ka tapos di mo rin pala ako tutulungan."

"Pakyu ka! Tutulong ako! Tutulong akong maghanap, leche ka!"

"But we're running out of time. Dude I owe you, pag naging success to. Hahanapan kita ng chics, kahit ilan pa gusto mo."

"Pero ano? Ikaw muna magiging chics ko? Ay puta kadiri! Naiisip mo ba yun? Ano? Nababading ka na talaga saken?"

"Kilabutan ka nga! Kung di ko lang kailangang gawin to, susmaryosep! Pumayag ka na, tangina nito ang arte! Diring diri na ko. Para kong nagmamakaawa sayo maging boypren mo. Psh."

"Bakit hindi pa ba?"

"Um-oo ka na lang dami mo pang sinasabi!"

"Cloud naman kasi! Ano na lang iisipin saken ng mga magulang mo? Na pinatulan ko kalandian ng anak nila? Jusko! Di ko maatim na isipin! Nasusuka na ko kapag naiisip ko pa lang na naglalandian tayo sa harap ng mga magulang niyo ni Amethyst. The fuck! Tapos aabot kay Mommy na mag-jowa tayo? Tangina that!"

"Gago! Eh di ako magpapaliwanag sa Mommy pag umabot sa kanya. A-acting lang tayo, maka-ano to! Tss. You're overthinking or maybe over reacting na rin." then I rolled my eyes at sumandal ako sa couch niya.

"Wag mo nga kong mairap-irapan diyan mas lalo kong naiisip na bading ka e."

"Fuck you dude."

I know that this is really insane but I can't think anymore! Masyado ng occupied ni Aileen ang isip ko. Gusto ko ng matapos tong problemang 'to dahil gusto ko na ring masuntok si Jace dahil sa hindi niya pagtupad sa usapan.


**********

A/N: 2 updates! Pambawi hahaha! Merry Christmas and happy new Year guys! Labyaaah :****




Continue Reading

You'll Also Like

35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
687K 15.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
561K 14.8K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...