CHAPTER 17 : Gustong-gusto kita!!
5:00 pm na ah..
nandito ako ngayon sa labas-gilid ng gate kung saan naghintay siya kagabi hanggang 9 : 00 pm at hinihintay siya..
Asan na yung babaeng yun..??
Kanina pa kong 4:30 dito.. 30 minutes na siyang late.. ayaw na ayaw ko pa namang pinagihintay ako..
sumaglit lang ako sandali sa practice para sa utang ko sa kaniyang "date" daw..
hallah nauutang na pala ngayon ang DATE...??
psh!! Ang daming alam ng babaeng yun..!
" uy si Geoffy oh.. " girl 1
" OO nga noh.. Ang guwapo niya talaga.. " girl 2
" pero teka anong ginagawa niya diyan? " girl 3
" may hinihintay siya..?? Girlfriend niya kaya.. " girl 4
" Huh?? May girlfriend ba siya..? Sino naman..? " girl 5
" wait.. Don't tell me sila nung.. AYah..?? " gilr 6
Anong kami ni Ayah..?? Nevah noh!! Over mah dead, sexy, gorgeous, coca-cola body!!
" Sino?? YUng hindi niya sinipot sa date nila at pinaghintay hanggang 12 am..?? " girl 7
anoh daw..?? 12 am..?? hallah anong 12 am ang pinagsasasabi ng mga toh..
" Oy hindi.. ang sabi natuloy daw talaga ang date nila.. " girl 8
natuloy..?? Kelan?? Bakit hindi ko alam..??
" Oo nga daw.. ang sabi pa nga may part 2 daw eh.. " girl 9
Part 2?? Anong part 2..? Anoh toh..? Movie na may part 1 part 2..??
" Kaya ba siya nandiyan? Hinihintay niya si Ayah para sa part 2 ng date nila..?? Wow ang sweet naman.. Nakakainggit.!! Ang swerte ni Ayah " girl 10
teka.. teka.. wag kang mainggit.. walang special sa date na toh.. napipilitan nga lang ako eh.. kundi lang dahil sa nakokonsensiya ako eh.. naku!
Asan na nga ba yung babaeng yun..??
Maya-maya may napansin akong paa sa may halaman sa loob-gilid ng gate na sa tingin ko napansin din ni manong guard dahil nakatingin din siya dun at parang kinakausap sa mahinang boses yung kung sino mang nagtatago dun..
Ano ba yan..magtatago na nga lang dun pa sa halaman na makkita yung paa niya.. sino ba namang tanga yan..
wait.. that shoes.. I think nakita ko na yon.. well marami namang shoes ang magkakaparehas..
pero.. there's something eh.. pinakatitigan ko pa yung paa at pilit na inaaninag yung taong nagtatago dun..
" lumabas ka na diyan iha.. nakita ka na niya.. " Sa sinabi ni Manong guard nakumpirma ko na nga kung sino man yung sinabihan kong tanga na 'yon.. siya lang pala..
" Manong naman kasi eh.. ang gulo niyo.. hindi sana ako mapapansin kung hindi niyo lang ako kinausap.. sabi ko pretend na hindi niyo ko nakikita eh.. " sinisi pa talaga si Manong..
" eh iha.. pano bang hindi kita papansinin eh kandatuwad ka na jan sa kakasilip.. ako ang nangangawit sa'yo eh.. kanina ka pa diyan.. " Manong gurad.. kanina pa..??? so sinadya niya pa lang paghintayin ako ah..
" hmp..! manong sinira niyo plano ko.. " si Ayah.. aba't talaga pa lang plinano niya yun hah..
" ehemm!!! Hi Hubby!!!! " she said in volume 50.. napahinto ang mga taong palabas sana at napatingin sa kaniya at pati na rin sa'kin..
at teka ano yun..?? Hubby?? as in Husband?? Kelan lang Honey tawag sakin ngayon iba na naman..
" Hubby daw...??? Woah!! Kung ganun sila na talaga..?? WEH?? " girl 11
" Pinatulan niya si Ayah..??kung sabagay maganda din naman si AYah.. simpleng ganda. " girl 12
" OO nga kaso masiyadong guwapo si Geoff para kay Ayah.." girl 13
" Ibig lang sabihin mahal niya talaga si Ayah.. " girl 14
" mahilig pala sa simple si Geoff bakit hindi siya na fall sakin..?? " girl 15
" ambisyosang palaka ka naman day! " girl 16
" N-no.. no It's not what-- " ako
" Oh HUBBY.. kanina ka pa ba..? " si Ayah.. hindi ko siya pinansin.. at hinarap yung mga tao sa paligid.. at tinuloy yung sinasabi ko..
" It's no what you think guys.. We're just friends.. really..! friends.. no more... but I can't promise you there's no less.. " maybe there is.. pag napika na ko ng tuluyan sa babaeng toh.. pero hindi ko na sinabi sa lahat yun baka mapahiya pa siya.. Ayan na naman nakonsensiya na naman ako.. tsk!
" Yah.. right!!! Friends PA lang kami.. but maybe in a couple of months time kami na.. we can't tell.. we're sitll in the stage of getting to know each other kasi .. " si Ayah.. what??? getting to know yourself!!
" TAra na HUBBy at masiyado na natin silang naaabala..! " Si aya ulit.. kumapit pa sa braso ko habang hinihiltak ako..
tinanggal ko yungkamay niya.. kumapit ulit siya.. tinanggal ko ulit.. kumapit na naman.. tinanggal ko ulit.. kumapit na naman...
Anak ng..! Hindi naman BAKAL ang braso ko pero kusang bumabalik ang kamay niya na parang hinihigop ng bakal dahil may MAGNET sa kamay niya at muling napapakapit sa braso ko... sa huli ako rin ang napagod.. kaya hinayaan ko na lang..
"Sinadya mo kong paghintayin don!!! " ako.. hindi nagtatanong kundi nagsasabi ng katotohanan..
" wala pa 'yon sa halos limang oras na paghihintay ko.. " siya.. well tama naman siya..
" At anong HUbby hah..??! Kelan pa kita naging wife..??! Tigilan mo nga ako sa mga nakakadiri mong endearment.. Geoff ang pangalan ko hindi Honey o Hubby..! " ako..
" Geoff...???? Kung Geoff lang ang itatawag ko sa'yo napaka plain naman..Kaya mas maganda kung Honey or Hubby na lang.. basta kung ano na lang ang maisip ko.. wag lang sa pangalan mo.. eh yun ang tawag sa'yo ng lahat eh.. gusto ko naiiba ako.. " siya..
" Wala kang kara-- "
" At isa pa.. kailangan kong ibalik sa dati ang nasira kong reputasyon sa School.. Alam mo bang kilala na ko ngayon sa School na " Si AYAh na hindi sinipot ng ka-date! " or " Crazy Ayah " or " Pitiful Ayah " o kung anu-ano pa.. and It's all because of you.. " siya.. hindi ako nakaimik.. totoo ba yun?? teka baka ginogoyo na naman ako nito..
" Hindi kita ginogoyo.. I'm telling the truth.. " huh?? nabasa niya nasa isip ko..??
" Oh well.. saan ang date natin..?? " siya
" It's not a date...We're just going to hangout " ako
" whatever you call this!! Basta for me It's a date..!! " siya.. ang kulit ng bungo nito..
" BAhala ka sa buhay mo..! Tara na nga..! " ako.. pero hindi naman siya sumunod..
" what?!? " ako naiirita na..
" Anong klaseng pag-aaya yan..?? hindi ba dapat imbis na "tara na nga!" dapat ang sasabihin mo "shall we go??" yun ang sinasabi ng mga lalake sa mga babae kapag may date sila eh.. yun ang napapanood ko.. sa sinabi mo para ka lang napipilitan eh.. "
" eh sa napipilitan lang talaga ako eh..! " ako
" You're being mean again.. " siya
I rolled my eyes.. and through gritted teeth I said..
" shall we go..?? " napipilitan na nangigigill na sabi ko.. ang daming Drama sa buhay ng babaeng toh..
" Hindi mo ba iaabot sakin yang kamay mo..?? " siya.. ano na namang gusto niya??
" bakit ko naman gagawin yon..?! " ako.. though may idea na ko kung bakit pinagagawa niya sakin yun
" dahil after sabihin ng lalake ang "shall we go?? " yun ang next move niya... ang alalayan ang babae.. " psh!! what a pest!
" wala ka sa hagdan para alalayan kita..! Bahala ka sa buhay mo.. kung ayaw mo wag mo..! Ang daming arte! " nagsimula na kong maglakad.. hinabol naman niya ko at kumapit na naman sa braso ko..
-
-
-
-
" Is this what you call a date??!! " wait.. pang-ilan na ba niyang sinabi yun simula kanina.. hindi ko na matandaan..
dinala ko kasi siya dito sa Tom's world kung saan maraming tao.. particular na mga bata.. at mga high school students.. na naglalaro..
bumili ako ng benteng token tsaka binigay sa kaniya yung sampu..
kasalukuyan akong naglalaro ng tekken ngayon... at kanina pa ko natatalo dahil naiirita ko sa kaniya habang salita ng salita ng kung anu-ano..
" bakit hindi ka na lang mag-laro dun?? Ginugulo mo ko dito eh.. " ako
" what??! Mag-laro?? ako mag-isa..?? Anong klaseng date toh??! " siya.. sumisigaw.. ayos lang maingay naman dito kaya hindi siya maririnig ng iba dahil busy sila sa pag-lalaro ng kung anu-ano..
" oo kaya nga binigyan kita ng token diba?? " ako..
" you know what.. I'm expecting a candle light dinner.. not like this!! " siya.. na siyang kinatawa ko ayan bigla tuloyakong ginanahan sa nilalaro ko.. malapit na kong manalo sa nilalaro ko..
" candle light dinner?? Are you kidding me..??? Anong oras na ba?? 5:30 pa lang.. sinong siraulo ang mag ke-candle light dinner ng ganitong oras..??! " ako habang tatawa-tawa.. yes.. malapit na.. mananalo na ko
" Meron.. Tayo! " siya..
" HAhaha.. hindi ako siraulo.. ikaw pwede pa.. pero ako hindi.. matino ako.. " ako..
aww shit di ko makita.. tinakpan niya kasi ng bag niya yung screen kaya hindi ko nakita.. pag alis ko sa bag niya at pagtingin ulit sa screen.. " game over! you lose ".. talo na naman!! naku naman! ang babaeng toh..
"Kani-- "
" Gusto kong mag videoke! " siya..
" eh di mag-videoke ka dun..! Bakit kailangan mo pang sirain ang laro ko..! " ako
" Mag duet tayo! " siya..
*taas kilay..
" Ayoko! " ako
" sige na please.. mag duet lang tayo.. after that pwede na tayong umuwi.. " siya..
" you mean?? "
" yah!! after that tapos na.. "
" Okay.. madali lang akong kausap.. "
tumayo na ko at nagpunta na kung nasan yung videoke.. ayoko sana kasi maraming tao.. kaso pwede na daw kaming umuwi after this kaya sige pagtiisan.. ano bang kanta ang pangit i-duet..?? may panglamay ba dito?? naghahanap pa lang ako nung ibigay niya sakin yung isang mic..
" may kanta na.. " siya.. ang bilis naman niyang makahanap??
nagsimula na ng intro..
nothing's gonna stop us.. ang kanta..
" Ikaw ang una kaya ayusin mo hah.. " siya.. oo alam ko.. kahit labag sa loob kong kantahin toh..
" maganda ang kanta kaya hindi ko sisirain.. " ako..
nagsimula ng magpaikot ang mga tao samin..
at nagsimula na rin ang kanta..
Looking in your eyes I see a paradise
This world that I found is too good to be true
Standing here beside you, want so much to give you
This love in my heart that I'm feeling for you
habang kumakanta ako sa screen lang ako nakatingin.. at katulad nung unang kinanta namin ang terrified nakatitig na naman siya sakin.. psh! nakakailang..
siya naman ngayon..
Let 'em say we're crazy, don't care 'bout that
Put your hand in my hand baby, don't ever look back
Let the world around us just fall apart
Baby, we can make it if we're heart to heart
Hindi ako crazy.. Ikaw lang..dinamay mo pa ko..
ang lagkit talagang makatingin oh..
chorus sabay kami dito..
And we can build this dream together, standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers, we'll still have each other
Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now
Woh woh oh
mukhang feel na feel niya yung kanta ah.. ginagalaw galaw niya pa yung ulo niya habang kumakanta..
" hoy love song kanta natin hindi rock " bawal ko sa kaniya.. para na kasi siyang baliw eh..
pero hindi pa rin siya tumitigil.. yung iba pinagtatawanan na siya kaya naman para makaiwas sa mas lalong kahihiyan..
nilapit ko siya sakin.. inakbayan at hinawakan sa ulo.. yun lang ang way para tumigil siya..
and success!! tumigil nga siya.. huli na nung maisip kong sa ginawa ko pala may iba pang meaning yun sa kaniya at sa iba na ring nakakakita samin..
" ang sweet.. " someone 1
" Ang cute naman nilang couple.. inakbayan pa talaga siya nung gwapong lalake.. " someone 2
" in love talaga sila sa isa't-isa.. oh ang Lucky nung girl.. " someone 3
Oh! Another Misunderstanding..! Wala na kong magagawa..
Ooh, all that I need is you
All that I ever need
And all that I want to do
Is hold you forever, forever and ever
humarap siya sakin at hinawakan ako sa pisngi.. aww nakakapaso..! este nakakailang..
pasimple kong tinanggal yung kamay niya at nag focus sa kanta habang nakatutok ang mata sa screen.. gusto ko ng matapos toh.. nag-iinit ang katawan ko..ooppzzz.. it's not what you think..
first time ko siyang inakbayan.. at yung feeling na akbay ko siya is.. is... is..
unexplainable..ah.. nevah mind!!
-
-
-
" nakatsansing ka dun ah! " bigla akong napatingin sa kaniya..
" what?? "
" yung pag akbay mo sakin.. " siya
" Para ka na kasing baliw sa pagshake ng ulo mo.. pinagtitinginan na tayo kaya ginawa ko yun.. If I know sinadya mo talaga yun para maakbayan kita eh.. hindi naman rock yung kinakanta natin kaya bakit shake ka ng shake ng ulo mo.. " ako.. tsansing daw..! psh!
" ikaw na lang kasi laman ng isip ko kanina kaya kailangan kong gawin yon pag hindi ko ginawa yun baka kung ano ng nagawa ko sa harap ng maraming tao.. baka nahalikan na kita.. "
O__O <------------------- ako.. speechless
" Joke lang.. well half truth haha.. nakakalimutan ko kasi yung lyrics kaya shinake ko yung ulo ko para maalala.. " siya..
" bakit may lyrics naman sa screen ah.. " ako
" oo nga noh?? nakalimutan ko.. sabi ko nga diba ikaw lang ang laman ng isip ko kaya nakalimutan ko pati yun.. " siya.. woah! anong ngyayari sa babaeng toh..??
" tigilan mo ako sa pick up line mo na yan hah.. kinikilabutan ako.. " ako.. totoo yun parang gusto kong kilabutan..
" haha uyy.. naapektuhan siya.. " siya.. na tinusok pa ko sa may tagiliran.. hindi ko yun inaasahan kaya napapitlag ako.. to put it simple nakiliti ako..
" ehh??! May kiliti ka??? " siya..... ---------> (O)___(O)
" KIYAhhhhh.. ang kyut...!! " siya ulit... ----------> (^)___(^)
lumipat siya sa kabila at tinusok ulit ako sa tagiliran.. dahil alam ko na ang gagawin niya kaya wala ng talab sakin..
" Oh wala na?? " siya.. -----------> (?)__(?)
inulit niya..
inulit niya ulit..
" stop it! " saway ko..
" okay.. " siya.. huh? nakapagtatakang tumigil agad siya..
at nauuna pa siyang maglakad sakin...
nung medyo malayo na siya ng konti sakin.. bigla siyang huminto.. at humarap sakin..
hindi ko masiyadong makita ang mukha niya.. nakatalikod kasi siya sa araw habang nakaharap naman ako sa araw..
5:45 na at palubog pa lang ang araw..
tumngin tingin muna siya sa paligid bago nagsalita..
" GEOFFERSON SALAZAR...!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! " siya nakasigaw.. obvious ba??
napatingin ako sa paligid.. nakapagtatakang walang tao na dumadaan sa mga orsa na toh..
pero buti na lang.. dahil baka pagpyestahan na naman kami...
isang minuto bago siya ulit nagsalita..
" GEOFFERSON SALAZAR!!!!!!!!!!!!!!!GUSTO KITA!!!!!!!!!!!!!!!!!! GUSTONG GUSTO KITA!!!!!! GUSTONG GUSTO TALAGA KITA!!!!!!! ALAM KONG ALAM MONG GUSTO KITA!!!!!!!!!!! PERO UULITIN KO ULIT SA'YO GUSTONG GUSTONG GUSTONG GUSTONG GUSTONG GUSTO TALAGA KITA!!!!!!!! GUUUUUUSSSSSS--TTTTTTTOOOOOOOOOOO--KKKKKKKIIIIIIIIIIII---TTTTTTTTTTAAAAAAA!!!!!! "
O____O
yun ang sinabi niya tsaka nagmamadali ng umalis...