HATBABE?! Season1

By hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Thirty-Five

14.5K 330 57
By hunnydew

Sabay kami ni Maja na nag-register dun sa bungad nung Hall. Natameme nga ‘yung mga committee members sa itsura ko eh. Pati si Ms. Leyn, di agad nakapagsalita kaya hinatak ko na si Maja papasok dun sa hall. Naka-jacket pa ako nun ah! Pa’no nalang kung nakita nila talaga ‘yung suot ko sa loob, sigurado sasakit tiyan nung mga yon sa kakatawa!

Buti nalang, nagsasayawan ‘yung mga tao kaya walang nakapansin sa’kin. Pinaupo ko muna si Maja bago ako lumabas ulit at pasimpleng pumunta sa locker ko kung saan nakatago ‘yung pamalit ko para sa porpormans namin mamaya. Hehehe. Ganun talaga. Mautak ako eh.

Pagkatapos kong magbihis, sinabayan kong pumasok ‘yung mga nagpa-register para hindi ako mapansin, hehehe.

“Boo! Bakit ka nakaganyan?” angal ng mga kaklase kong babae nung makita nilang parang naka-tuxedo na rin ako.

Kaya nagmakaawa ako sa kanilang huwag akong isumbong sa mga teachers namin. At dahil prens ko nga lahat, pumayag sila pero humingi naman ng kapalit. Isayaw ko daw sila. Tss.

Edi imbis na si Maja lang ‘yung sinayaw ko, halos lahat na tuloy ng ka-batch kong babae naisayaw ko. Pati mga ka-batch ni Mason tuloy nakikipagsayaw din sa’kin para naman daw ma-experience nilang maisayaw ang kuya ko kahit papa’no dahil kahawig ko naman daw siya. Ang malala pa, kinunchaba pa ako nung mga lalaki para maka-slow dance nila ‘yung mga kras nila. Ako muna ‘yung mag-aayang sumayaw dun sa babae, tas sa kalagitnaan, saka sila sisingit. Hindi ko na tuloy nahanap kung sa’n nakaupo yung mga besprens ko.

Pero naisip ko, maganda na siguro ‘yung lagi akong napapalibutan ng tao para hindi ako maispatan ng mga teachers, hehehe.

“Eehh, Charlie, dito ka muna, di pa naman tapos ‘yung kanta!” pagdadabog nung isang ateng hindi ko kilala. “Sayaw pa tayo!”

Napalingon ako sa kuyang naghihintay na pasingitin ko siya. “Ah eh, Ate… maraming nakapila eh, hehehe. Ganito na lang, si Kuya na muna ang magsasayaw sa’yo, tas pag wala nang nakapilang isasayaw ko, babalikan kita ah.” Nagmadali akong kumalas tapos agad namang hinawakan ni kuyang hindi ko rin kilala ‘yung mga kamay ni Ate.

“Salamat Charlie ah, ililibre kita sa Lunes!” pabulong na sabi nung kuya bago sila nagpa-sway-sway nung babae.

“Sabi mo ‘yan ah! Isang box ng choco crinkles ang kapalit niyan!” paalala ko sa kanya. Iniisip ko pa lang ‘yung mga nakapangakong ililibre ako sa Lunes, napapangiti na ako. Meron nang nakapangako sa recess, lunch tsaka afternoon break, hehehe. At may ipon na naman ako! Wuhooo!

Paupo na sana ako nung nakita ko si bespren Chan-Chan na naglalakad. Naalala ko tuloy na sinusungitan niya ako. Nakaka-sad pala kung mismong bespren mo ang umiiwas sa’yo. Ganito rin kaya ‘yung naramdaman ni Louie nung iniwasan ko siya?

Tapos nakita kong parang nagulat si Chan-Chan tas nagmadali siyang tumalikod at nagkunwari na di ako nakita. Ahuhu. Bahala na. Di ko kaya ng ganito.

Kumaripas ako nang takbo papunta sa kanya. Di bale nang nababangga-bangga ako sa mga nagsasayawang tao. “Chan-Chaaaannn!!!” tawag ko sa kanya tapos agad akong yumakap. “Sorry na bespren. Sorry na talaga.” Kahit hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapa-sorry.

“Eh? Hindi ako si Chan-Chan.”

Napatingin ako kung sino ‘yung niyakap ko. Hindi nga si bespren kaya napakalas ako agad. “Wah! Sorry po!”

“Ang ingay-ingay mo talaga kahit kelan!” Boses pa lang ni Chan-Chan alam ko na kaya lumingon ako. Nakabusangot na naman siya.

“Waaah!!! Chan-Chaaaan bespreeeeenn!” sigaw ko ulit bago yumakap sa kanya. “’Wag mo na akong iiwasan ah. Nasa-sad ako. Huwag mo na lang pansinin ‘yung mga sinabi ni Nile. Wala naman sa’kin ‘yon. Hindi naman ako naniniwala don. Ha? Ha? ‘Wag mo akong iiwasan ah!”

Naramdaman kong tumawa siya ng onti tapos nag-exhale din ng onti. “Oo na, bitiw na. Nasasakal na ako.”

“Ayaw!” angal ko pero niluwagan ko ‘yung pagkakayap ko sa kanya. “Sayaw muna tayo, hehehe.”

“Yuuuck! Bromance!” parinig nung isang lalaking hindi ko mamukhaan.

“Pakelam mo ba! Suntukin kita diyan eh! Ano? Ha! Lalaban ka?” sumbat ko naman. Nagmo-moment kami ni bespren tapos eepal?

Joke lang. ‘To namang si Charlie! Meron ka ‘no? Hahaha,” humahalakhak niyang kumento bago kami iniwan ni Chan-Chan.

Nagsimula na kaming magpa-sway-sway kahit mukha pa kaming dalawang lalaking nagsasayaw. Nitanong din niya ako kung bakit hindi na ako naka-gown edi nisabi ko nalang sa kanya na ayaw ko talaga. Sabi niya sa’kin, magagalit daw si Louie kung makita niya akong naka-tux na kaya sabi niya, hanapin ko na raw si Louie bago pa niya malaman sa ibang tao na hindi ko na suot ‘yung pinatahi niya.

Bago kami naghiwalay, yumakap ulit ako kay bespren. “Alabshu bespren! Prens por layp tayo ah, hehe.”

Alam kong hindi pipirmi si Louie sa upuan niya dahil sigurado namang aayain siyang sumayaw ni Sting Ray. Saktong nakita ko siya sa dance floor kaya lumapit na rin ako. “Bespreeeenn!!! Kanina pa kita hinahanap eyy!”

Tas nakita ko si Mason na umiiling sa tabi niya. Eh? Nagsayaw sila? Ambilibabol! Hmmm… may naamoy na ako sa dalawang ito eh. Magtatanong sana ako kaso, nanlisik ‘yung mga mata ni Louie kaya nalimot ko na ‘yung itatanong ko dapat.

“ANONG NANGYARI SA’YO?!” halos pasigaw niyang sumbat sa’kin at nagtuloy-tuloy na ‘yung pangangaral niya at hindi na talaga ako nakasingit. Parang armalayt lang ‘yung bibig niya nun – kesyo nagpatahi pa raw siya para lang siguraduhing parehas kaming naka-gown tapos magbibihis-lalaki lang naman daw pala ako. Napatingin na lang ako sa sahig.

Gusto ko sanang depensahan ang sarili ko kasi nga naaawa ako kay Maja na walang partner kaya nagmagandang-loob na lang ako. Pero sempre, alam ni Louie na palusot ko lang ‘yun, huhu. Tapos naungkat pa niya pati ‘yung halos isang linggong pag-iwas ko raw sa kanya.

Kaya di na rin ako nakapagtimpi. “EH KASI NGA BESPREN KAYA AKO UMIWAS NON KASI AKALA KO KRAS NA KITA!” bulyaw ko para lang matahimik siya. Wala na akong pakelam sa mga nakarinig, hindi naman totoo. Ayoko lang talagang nagagalit si Louie, parang mangangain ng tao eh, huhu.

Tas napalingon pa siya kay Mason na pigil na pigil ang pagtawa, ansarap ding sapakin nung isang ‘yon eh! “Hayaan mo na lang, Louie,” sabi naman niya bigla at nagningning ‘yung mga mata ko dahil ililigtas ako ng kapatid ko laban sa nang-aapi, hehehe. “Siya naman ang mananagot kung mahuli siya ng teacher eh.”

Tss. Kala ko naman kakampi sa’kin si Mason! Boo!

Pero gurabe, hindi ko naisip na nalungkot pala talaga si bespren nung umiwas ako sa kanya. Nakakalungkot nga kapag ‘yung mismong bespren mo, iiwas sa’yo. Buti nalang, nagkaayos na kami ni Chan. Subukan lang niya akong iwasan ulit, itatali ko na siya sa balakang namin ni Louie, muhahaha!

Tas pinaubaya na ako ni Mason kay bespren kaya kami nalang dalawa ‘yung nagsayaw. Pero nadidiskrak ako habang magkasayaw kami. Eh kasi naman! Anlaki talaga nung boobs niya eh! Muntik na nga niya akong sampalin nung sinabi ko sa kanya eh.

Pero naisip ko noon na hindi lang pala si Louie ang gumaganda. Gumu-gwapo din si Chan-Chan. Buti pa ang mga besprens ko… nagbibinata at nagdadalaga na. Samantalang ako… bata pa rin. Wala pa ngang boobs diba? Kaya nga maganda na ring nagbihis ako, baka kasi konting galaw ko lang, baka bumagsak na lang bigla ‘yung gown dahil walang kinakapitan. Edi nakita ang kaluluwa ko?

Nung nagsalita na ‘yung teacher namin, naupo na kami kung sa’n dapat uupo. Tas per table, nagsimula nang maayos na kumuha ng pagkain ‘yung mga nandun. Eksaytment na eksaytment talaga ako kasi may fo...fon... Tsk. Basta ‘yung fountain ng sokoleyt! Sempre nilantakan ko rin ‘yung ibang handa at sinigurado kong natikman ko lahat. ‘Yung ngang mga hindi naubos ng mga ka-table ko, sa’kin nila pinaubos eh. Sa sobrang saya ko sa masarap na pagkain, hindi ko tuloy napanood nang mabuti ‘yung porpormans nila Nile.

Di bale, pede ko naman ipaulit sa kanya ‘yung kanta. ‘Di tulad nung pagkain na dun ko lang matitikman, hehehe.

“Napanood mo ba akong kumanta? Hindi naman yata eh,” nagtatampong sabi niya sa’kin nung naghahanda na kami para sa porpormans ko habang hinihintay matapos ‘yung dance number.

“O-oy, napanood ko ah! Galing niyo nga eh,” sabi ko nalang.

“Hooo, sarap na sarap kang kumain eh. Kitang-kita kaya kita. Alam ko namang laging mas matimbang ang pagkain para sa’yo,” natatawang kumento niya kaya napakamot na lang ako sa batok ko. “Tsaka andaya mo naman. Akala ko pa man din makikita na kitang naka-gown sa personal. Bakit nagbihis ka agad?”

“Eh kase.. pangit ako kapag naka-gown. Pramis. Para kang nakakita ng bading.”

“Ikaw lang naman nagsasabi niyan.” Tapos kinuha niya ‘yung selpon niya. “Kung di ko pa nakuha ‘to kay Mason, edi hindi talaga kita nakitang babaeng-babae. Tignan mo, ang ganda mo kaya.” Tas hinarap niya sa’kin ‘yung pichure kong naka-gown!

Halos lumuwa ‘yung mata ko dun! Hindi ko alam na may pichure ako sa selpon ni Mason! At bakit naman niya ipapasa kay Nile yon! Baka mamaya pag-uwi niya, tinatawanan na pala ako, huhuhu. Kung di pa niya pinukaw ‘yung diwa ko, hindi ko alam na ako na pala ‘yung magpe-perform.

Tas nung nandun na ako sa stage, kasama nila Nile at Aaron, di pa kami nagsisimula, naghihiyawan na ‘yung mga kaklase ko kaya nakalimutan ko rin ‘yung pichure ko sa selpon ni Nile. Sempre, sikat ako eh, hehe. Sabi ko nga, prens ko lahat kaya lahat din sila, sinusuportahan ako. Kaya ayos lang din na pumapalakpak lang ‘yung mga besprens ko.

Pero habang kumakanta ako at tumitipa ng gitara, nakikita ko sa gilid ng mata ko si Nile na nakatingin lang sa’kin at hindi man lang tumitingin kung nasa tama bang fret ‘yung mga daliri niya. Tas pag napansin niyang sa kanya ako nakatingin, ngingitian niya ako kaya nagkakamali ako sa chords. Buti na lang nasasalo niya ‘yung mga pagkakamali ko. At buti nalang, hindi ako nawawala sa tono.

Gusto pa sana ng odiyengs na kumanta pa ulit kami ni Nile dahil nagandahan  yata sila dun sa finale naming kanta – ‘yung ‘Only Exception’ dahil duet ‘yun. Pero umayaw na ako. Bukod sa naninigas na ‘yung mga daliri ko sa ngalay, ayaw ko nang makipagtitigan kay Nile. Nahihiya ako sa kanya.

Pero nung nakababa na kami sa stage, hinila niya ako sa buffet table at nag-ayang kumain kasabay nung pagtugtog ulit ng CD kaya nagsimula na namang magsayawan ‘yung mga tao. Siya ‘yung kumuha nung mga chop-chop na prutas at mashmalow tas ako ‘yung nagsasawsaw dun sa fountain nung sokoleyt. Isang plato na lang ‘yung ginamit namin at nakatayong kumakain.

Habang pinagtatawanan namin ‘yung mga nagsasayawan, sinusubuan niya ako kasi ako ‘yung may hawak nung mga inumin namin.

“Charlie,” tawag niya sa’kin kasabay ng pagsubo niya ng prutas sa bibig ko. “Mami-miss mo ba ‘ko kung apat na taon tayong hindi magkikita?”

“Ho? Oo nomon! Bokot hondo.” Halos mabilaukan pa ako sa paglunok ko nung pakwan. “Ikaw ‘yung cheecher ko sa paggigitara, sempre mami-miss kita.” Tumuhog ako ng isang pirasong melon at sinubo ‘yun para mapigilan ko ang sarili kong dumaldal. Baka mamaya, kung ano pang masabi ko.

“Ganon? Mami-miss mo ako dahil teacher mo lang ako? Akala ko ba crush mo ako?”

Tuluyan na akong nabilaukan sa sinabi niya. Nagluha pa ‘yung mata ko kasi bumara sa lalamunan ko ‘yung busit na melon na ‘yon. Habang siya naman, tawa nang tawa. Sabi na nga ba eh, alam niyang kras ko pa rin siya. Huhu.

Tas nagbuntong-hininga siya habang tinutungga ko ‘yung tubig naming dalawa. “Mami-miss din kita. Lalo na ‘yung kakulitan mo. ‘Yung pagiging masiyahin mo. ‘Yung ka-cute-an mo.” Pinisil pa niya ‘yung pisngi ko.

Hinawi ko naman ‘yung kamay niya. “Dapat lang! Wala kang makikitang mas cute sa’kin sa Baguio, muhahahaha!” ganti ko sa kanya.

Nagulat na lang ako dahil inakbayan niya ako tas hinila papalapit sa kanya. “’Yaan mo, pag-graduate ko, ikaw ang unang babalikan ko dito sa Manila.”

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maguguluhan sa sinabi niya. Parang narinig ko na kasi ‘yung mga sinabi niya. Kanino nga ba?

“Charlotte.” Parehas kaming napalingon. Si Mason pala. Binitawan naman ako ni Nile nung nilapitan kami ng kapatid ko.

Humingi ng pabor si Mason sa’kin nun habang naglalakad kami papunta sa Student Council office. Makikipagpalitan daw siya ng damit sa’kin dahil may pinagtataguan daw siya. Tas kapag hinanap siya sa stage, ako na lang daw ang humarap at magpaliwanag.

Edi hindi na ako nagtanong kung bakit. Bihira naman kasing humingi ng tulong si Mason. Buti nga nagkasya siya sa damit ko eh. Ay mali. Buti nalang talaga nagbihis ako. Angalamang siya ang mag-gown diba?

Pagtas naming magbihis, bumalik ulit kami sa hall. Naghiwalay na rin kami ni Mason para walang makahalata sa’min. Tas napansin kong parang eksaytment lahat ng taong malakas na nagbubulung-bulungan. Nakatayo na rin sa stage ‘yung mga cheechers namin na hindi ko naintindihan ‘yung sinasabi dahil ambilis naman ng English nila.

“...is MASON PELAEZ!!!”

Nagulat ako. ‘Yun pala ‘yung tinataguan ni Mason... ang pagtanggap ng award bilang Prom King.

Ako tuloy ‘yung umakyat sa stage at kinoronahan. Tss.

===

A/N: At dito po nagtatapos ang Prom sa POV ni Charlie.. abang-abang din sa version ni Chan-Chan at ng weirdong loveteam ng bayan na sila MaLou/LouSon/MaUie

Kung meron pala kayong gustong tanungin.. may ask.fm na ako.. bahahah.. nasa profile ko ang link. charot.. makapagplug lang eh noh?

*Dishoonaree ni Tarlie

-ambilibabol = unbelievable

-nadidiskrak = nadi-distract

-sokoleyt = chocolate

-odiyengs = audience

-mashmalow = marshmallows

-cheecher = teacher

-angalamang = alangan namang

ANNOUNCEMENT!  nareformat ang aking USB kung saan naka-save ang mga pangalan ng mga nagpapadedic T__T huhuhu.. sareh naman.. paki-PM naman ako para mailista ko ulit kayo at ma-save ko na sa google drive T__T

Continue Reading

You'll Also Like

Bawat Piyesa By Hope

Teen Fiction

468 120 29
Asiel Hirata, a psychology student, faces the challenge of looking after hidden mother, who battles mental illness. Despite his expertise, he struggl...
134K 8.4K 34
PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING.
17.9K 1.1K 42
[ AVAILABLE!!! | COMPLETED ] Crush na crush ni Cass si Ansel, ang unsociable na kakambal ng best friend niyang si Greta. Kahit kulang ito ng kabutiha...
8.7K 281 16
Mostly gores and realisms.