The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Thirty Four :)

238 4 1
By DianaAranda


Copyright © Diana Aranda

Chapter 34 — Where are you?

"Cream!" Kumakatok si Daddy sa room ko. Pinagbuksan ko sya at nakita kong kasama nya si Adam. Anong ginagawa nya dito?

"Hindi ka pa bihis?" tanong ni Adam. Bihis para saan? Nagtinginan sila ni Daddy.

"May ribbon cutting ceremony ka ngayon ah?" Shit. I completely forgot about that. It's Saturday nga pala! At pinakiusapan ko si Adam noon na magpadala ng message at sabihin na aattend ako sa mahalagang event na iyon.

"Ugh. Nakalimutan ko. Bat ka nandito?" tanong ko kay Adam.

"Susunduin ka." Mabilis nyang sagot. Tinanong ko nga pala kagabi si Ice if pwede nya akong i-accompany sa event na iyon since sya pala ang nag donate using my name. Yung pera ay galing sa pinag bentahan ng kotse nya na itinaya nya noon sa loob ng kulungan para matulungan ko sya. Hindi ko naman alam na seseryosohin yun ni Ice. Hindi ko alam kung masyado lang ba syang matulungin o may sapak talaga sya.

"Okay. Um, nakaligo na ko so, magbibihis lang ako."

"Okay. I'll wait downstairs." he said. Nag-usap sila ni Daddy about something. Agad naman akong humanap ng masusuot. Since it's a ribbon cutting, ayaw ko naman ng masyadong agaw atensyon na damit. I chose my white dress. This should do. Besides, I do not want to appear overdressed. Pagkatapos kong magbihis at makapili ng sapatos ay tiningnan ko ang sarili ko. Wonderful! Now, make ups.

Dahil nagmamadali ako, tinext ko na si Adam na akyatin ako sa kwarto at tulungan akong i plantsa ang buhok ko. Agad naman syang magpunta.

"You kmow how to use this?" I asked sabay abot sa kanya ng flatenning iron.

"Oo naman. Meron si Rain nito." sinaksak nya iyon at hinintay na uminit. Ako naman ay patuloy sa paglalagay ng make up.

"Bakit daw busy si Ice?" I asked out of nowhere.

"Um, di ko alam. Di ko natanong." sagot nya.

"Are you two still on fight?" natigil ako sa paglalagay ng make up at napatingin sa salamin. Adam was looking at me too.

"Nah. It's just a small fight. We'll get over it eventually. So, wag mo na isipin okay?"

"Ano ba kasing pinag awayan nyo?" taas kilay kong tanong.

"Nothing serious. Basta. Bilisan na natin! Nakakahiya pag nalate tayo." he said. True enough, late nga kaming nakarating sa event. Buti na lang at may hinihintay pa ding ibang tao bukod samin. Nakakahiya.

"Thank you for coming iha." Salubong sakin ni Sister Maria. I smiled and talked to her aboit the building na iriribbon cut namin ngayon. Binati rin nya si Adam. Nginitian sya ni Adam bago nya ako iwanan kay sister.

Nakita ko sila Trisha at Ivan so I waved at them. Ganun din ang ginawa nila. Pinakilala din sakin ni Sister ang mga bata sa ampunan. Sobrang nakakatuwa sila. I got sad for them. Wala na silang mga magulang. At the same time, I felt lucky. Kahit hiwalay ang magulang ko, I know I have them.

"Okay. Let's start?" ngiting sabi sakin ni Sister. Tumungo ako at sumunod sa kanya.

The event went well! Kinabahan pa ako kanina sa maaring magyari. What if mapurol yung gunting, what if maputol ko agad yung ribbon, what if this happens, what if that happens. Luckily, none of my imaginations happened. Naitawid ko ng maayos ang ribbon cutting ng walang tanga moment.

"Ugh. It's done." sumakay ako sa kotse ni Adam at pinahinga ang sarili ko. Masakit na ang mga paa ko sa kakalakad. Nakipaglaro pa kasi ako sa mga bata after the event. Ewan ko, I feel like doing it kanina eh. Yun na lang kasi ang kaya kong ibigay sa kanila. I also promise the kids na babalik ako once na makahanap ako ng magandang oras so that I could spend the whole day with them.

"Congratulations on your first ribbon cutting!" sabi naman ni Adam na kasasakay lang ng kotse.

"Thanks! Akala ko talaga magmumukha akong tanga dun." sabi ko pa. Hinubad ko ang sapatos ko at nilapat ang paa sa sahig ng sasakyan nya. My feet are all sore.

"Buti na lang hindi." he started the engine, checked the mirrors and then the wheels started moving.

"Wait, saan ka pa ba pumunta at pinauna mo pa ko?" I asked out of a sudden. Kanina kasi, uuwi na sana kami ng bigla syang magpaalam na may titingnan lang daw sya. I told him that I'll go with him pero sabi nya wag na daw. I insisted but he still said no to me and told me to rest in the car dahil nga masakit na ang mga paa ko. Pumayag na din ako at pumunta mag isa sa sasakyan.

"I saw someone. Anyway, hindi naman sya mahalaga kaya mabilis din akong nakabalik." lumiko sya then straight way na ulit.

"Oh. Okay." Kibit balikat ko. Nakareceive ako ng text kay Trisha na magkita daw kami sa may tea house sa isang mall dahil gusto daw nyang mag girl bond kami ng legit na kami lang. I said okay kaya sinabi ko iyon kay Adam. Ibababa na lang daw nya ako dun dahil may dadaan pa sya.

Minutes passed and...I really wanted to ask something to Adam. I've been dying to ask him this but...lagi akong nauunahan ng hiya. We may be the best of friends but...there are limitations to our friendship. Minsan kasi, hindi mo talaga pedeng i share ang lahat. You have to keep it on your own to protect yourself from those who wanted to ruin you.

"May itatanong ka ba?" saglit nya akong tiningnan ng nakataas ang kilay. I smiled guiltily. Masyado talaga akong transparent. Kaya hirap na hirap ako magsinungaling eh.

"Um, did you and...Kendy..." hindi ko pa natatapos ang tanong, nasundan na nya.

"Broke up? Yes." Okay. So, tama si Trisha at Ivan. Nag break nga ang dalawa. Nag ayos ako ng tayo at tumagilid paharap sa kanya para makapagtanong pa ng mas marami.

"Why?"

"I can't tell you the reason."

"Bat naman? Best friends are supposed to share right?" ngumiti ako sa ng painosente.

"God I swear, muntik na akong mahulog sa puppy eyes mo. But that wont work. Sorry." He flashed me that white teeth sabay kurot sa pisngi ko. "God, you're adorable!"

"Hindi ako aso." Sabi ko sabay pout.

"And I'm glad you're not."

"Kung hindi pwede ang why, pede ba ang when?" Pagba-baka sakali ko. He again turned to ne and made a deep sigh before answering.

"Hindi na kami okay sa last two days ng Palawan trip natin. She knows we slept together." Ivan was telling the truth. Not that I dont believe in him but...iba pa rin ang kay Adam manggagaling. "She slap me hard that lunch and broke up with me." Natahimik ako sa sagot nya.

"I'm sorry. Ako ang may kasalanan nun. If you want me to talk to he—"

"Nah. She wont listen anyway, matigas ulo nun. Besides, the break up was not made final until our first day back here in school."

"Adam, I'm really sorry." Mahina kong sabi.

"I can't say it's okay kasi hindi naman. Minahal ko yun eh. The first girl that I willingly commited myself to. But Cream, hindi yung pagtulog mo sa kwarto ko ang totoong dahilan ng break up namin. There's a deeper reason. And that's why I can't tell it to you."

"Why? What is this reason?" Gusto ko tuloy bigla malaman ang sagot sa why ko. What could have been the deeper reason for their break up?

"You'll know, okay? But not now."

"Kung malalaman ko din naman pala, bakit di pa ngayon?" I sais impatiently.

"Because you cant okay?"

"Okay. Answer this question then. May kinalaman ba to sa away nyo ni Ice?" Seryoso nya akong tiningnan. May natamaan ba ako?

"My fight with Ice is a petty fight. We normally have that. Wag mo na problemahin yun."

"You didn't answer my question, Adam."

"It's not, okay? I'm driving, I can't talk."

"Ano bang pinag awayan nyo ni Ice?" He didn't answer me.

"If it's petty, then I should know. Hindi naman pala big deal." sabi ko pa. He still didn't answer.

Humugot ako ng malalim na hininga and typed a message to Trisha telling her that I'm cancelling our time because I badly need to know something and this day won't end without me knowing that.

"Sa bahay mo na ako ihatid. The meeting was cancelled." Saglit syang tumingin sakin sabay liko papunta sa bahay namin.

Hindi na ulit kami nag imikan ni Adam. Nakarating na kami ng bahay at nakababa na kami ng sasakyan, wala pa ring imikan.

"So, alam mo naman siguro na hindi kita titigilan diba?" tiningnan lang nya ako at dumeretso sa loob ng bahay.

"Adam...I will not stop. Alam mo yan. Now, tell me." Tamad nya akong tiningnan at umiling sabay ngiwi.

"I can't okay? I made a promise. Besides, maniwala ka na lang sakin, okay? Ice and I can handle this."

"Well at least tell me kahit man lang an idea para di naman ako mukhang tanga na naghuhula diba?"

"Why don't you ask Ice, then?" taas kilay nyang tanong.

"I haven't seen him since forever. Ikaw yung nandito kaya ikaw ang sumagot." I told him.

"No Cream. Ask Ice first then tell me kung anong sinabi nya. Then, I'll tell you the truth."

"What? No, I ask you and then I'll ask him!"

"Nope. Hindi ka mananalo dito Cream. Believe me. Magsasayang ka lang ng laway mo. So, just rest and if you feel bored, call me." Hinalikan nya ako sa noo sabay alis na. tinitigan ko lang sya hanggang sa makalabas sya ng bahay. So, kahit charms k okay Adam, hindi na rin nagana? And what's with their problem? Ugh. Boys.

That night, I busied myself with movie marathon. Nahiya naman daw ako sa pop culture handicap ko kaya nanuod na din ako ng mga movies para di ko naman maramdaman na out of place ako sa kanila pag nagkukwentuhan sila about movies. I still don't get it. Super cliché ng mga stories. We all know the ending already. Bakit pagtyatyagaan pa panuorin diba?

Nakatulugan ko na ang panunuod ng Limitless. Maganda sya pero bumigay na talaga ng kusa ang mga mata ko. Nagising ako kinabukasan na wala na ang laptop ko sa kama at balot na balot na ako ng kumot. I checked my clock as it read 10 AM. Grabe. Tinaghali pala ako ng gising.

As usual, tamad na naman akong bumangon. I checked my phone for some messeges at waa man lang kahit isa na nagmula kay Ice. Ano na naman kaya ang kinaaabalahan ng isang yun?

Nagitla ako ng biglang mag ring ang phone ko. "Shit!" tiningnan ko ang caller ID. Drake's name was on it.

"Where are you?" yun ang una nyang sinabi.

"I'm home." Napaisip tuloy ako bigla kung may shooting ba kami ngayon. "Wait, may shooting ba?" I asked. Kinuha ko agad ang planner ko at tiningnan ang schedule ko. Wala pa naman ngayon ah.

"Nope. May itatanong lang ako about kay Ice." Napakunot naman ang noo ko. Oh. What's with Ice?

"Sure. Ano yun?"

"Nasan sya?"

"Ha?"

"I mean, I need his response sa e-mail ko kagabi. Wala pa syang sagot so I was wondering kung alam mo."

"Oh. Hindi ko alam eh. Hindi pa rin sya nagrereply sakin."

"Ah. Ganun ba? Sige. Um, salamat."

"Yeah. Sure!"

Naisipan ko na ring tawagan si Ice after ng tawag ni Drake. Baka naman sagutin nya yung sakin. I heard a few rings and then the line went dead. I tried again pero walang nangyari. Nasan ba si Ice? May shoot ba yun or may inaasikaso lang?

A month passed ng ganun ang set up namin ni Ice. Sa loob ng isang buwan nay un, tatlong beses ko lang ata sya nakita. Saglitan pa. Isang beses lang talaga yung nagtagal kami ng pag-uusap at nagtagal kami sa magbo bonding. Mukha namang walang mali sa kanya. Busy lang siguro at maraming ginagawa.

Kinalimutan ko na rin ang issue nila ni Adam. Matatanda na sila para ayusin ang kung ano man ang pinag awayan nila. At sa loob ng isang buwan, kung petty man ngang maituturing ang awayan nila, siguro naman ay okay na sila.

"Yo, Cream! May assignment ka na kay Sir Lantin?" kaklase ko si Ivan sa isang subject. Kaming dalawa lang ang magkaklase doon sa barkada kaya kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan sa kung gaano kahirap ang assignment ng professor naming na iyon. Astang major eh. Kaasar!

"Meron na pero kulang pa. Pa kopya!" nilabas nya ang catleya nya at nilabas ko din ang akin. May ilang items na magkaiba kami ng sagot pero hindi na kami nagpalit nab aka sabihin ni Sir eh nagkopyahan kami. In the end, kaming dalawa ni Ivan ang nakakuha ng pinakamataas na score sa assignment na iyon. Parehas kaming tig anim ang mali. Grabe, ito na ata ang pinakamaraming mali na nagawa ko sa isang assignament or quiz or major exam.

My days went like a blur. Ice nad I barely celebrated our monthsary. Sabi nya sakin, hindi daw kasi sya monthdary person. I totally agree with him. Kahit nga ako nakalimutan ko na monthsary pala naming kung hindi lang pinaalala ni Trisha samin ang date eh. Nag dinner lang akmi tapos umuwi na kasi pareho kaming pagod.

Matagal na din kaming nakapag start ng shooting naming. At first, it was hard. Super awkward kami ni Adam kapag kaharap na naming ang camera kasi we have to pretend like we are so much in love with each other. Buti nga, wala pa kami sa puntong sinasabi ni Ms. Lustre. The kissing scenes. Gosh. Kakayanin ko ba yun with Adam? Cross fingers na lang. Saka problemahin pag najan na.

"Cream, malapit na ang Christmas. Ano plano?" tanong sakin ni Trisha isang araw na magkasama kami. It's December already and we barely have Christmas decorations sa bahay. I think dapat na lagyan yun. Sayang naman ang malaki naming Christmas Tree kung itatago lang sa bodega.

"Hindi ko alam eh. Si Ice or si Adam tanungin mo. Alam mo namang masama ako magplano." Natatawa kong sabi.

"Yeah. Tama ka. Si Ice or Adam na lang. Anyway, kamusta kayo ni Ice?" she asked. Nagkibit balikat na lang ako.

"Were good, I think. I mean, okay naman. Nagkikita naman kahit papaano."

"Funny isn't it? Nasa iisang school lang kayo pero bibihira kayong magkita. Mag bf/gf kayo pero bibihira kayong magsama. What's he up to?"

"Ewan ko dun. Hindi na lang ako nakikialam. Alam mo naman yun, ayaw nya ng nakikialam ako. Sabi nya sakin, just ask and I'll answer."

"Have you tried asking him? Hindi naman sa nakikialam ako or what ha? But Ice seems different."

"Different? In what way?" I asked.

"In a big way. Oh sya, I should be going na. May klase pa ko. Text kita pag natanong ko na yung magkapatid ah? Kaklase ko yung dalawa sa next subject eh. Bye!" nag wave goodbye din ako sa kanya at naiwan na naman akong nagtataka sa pinagsasasabi nya. Risha has been like that for a month now. Hindi ko na nga masyadong napapansin dahil ayaw kong isipin na napaparanoid lang ako. Is there really something wrong with Ice? Or is there really something wrong with us?

Kinabukasan, niyaya ko si Adam na tulungan ako mag arrange ng Christmas decors. Natext ko na si Adam ng magsabi si Ice na tutulungan nya daw kasi ako namimiss na nya ako. Hindi ko naman pwedeng bawiin ang nasabi ko na kay Adam so hinayaan ko na lang na magpunta ang magkapatid. But since Ice told me na medyo pagabi na sya dadating, niyaya ko muna si Adam na mag mall para mag shopping sa additional decors ng Christmas Tree namin. Nauntian kasi ako kaya nag decide ako na mamili na lang.

Napadaan kami ni Adam sa may Topshop at doon ko nakita si Ice. Why is here? Hindi naman nya nabanggit na pupunta sya sa mall. Nandun lang sya nakatayo habang hawak ang phone nya. What is he doing there?

Nagpaalam si Adam saglit sakin na iihi lang daw sya. Hindi nya nakita si Ice. Hindi ko na binaggit sa kanya kasi baka namamalik mata lamang ako. Nanatili ako sa pwesto ko at pinagmasdan ko sya. I grabbed my phone and dialed his number. Tinitigan ko sya habang naghihintay ako na sagutin nya ang tawag ko.

He didn't answer it. Oh. Sneaky boyfriend huh?

I tried once again. This time, sinagot na nya.

"Hi baby! Napatawag ka? Mamaya pa ko ah?"

"Yeah. Gusto ko lang malaman kung nasan ka?" I asked.

"Why?" he asked.

"Wala lang. Bored ako." I answered casually.

"Ah. Nasa bahay ako ng Tita ko." So, kelan pa nagging bahay ng Tita nya ang mall na ito?

"Ah. Okay. Anong –"

Isang babae ang nagharap kay Ice ng dalawang damit na nakahanger pa. Napataas ako ng kilay. So, manunugod na ba ako? Bahay ng Tita ha? Tingnan ko kung paano ka lulusot sa akin.


ALL MISTAKES ARE MINE.


Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
2.4M 69K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
786K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...
61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...