Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

Por Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Mais

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XIX: Whatever happens, whatever it takes

108K 4.8K 2.1K
Por Serialsleeper


CHAPTER XIX:

Whatever happens, whatever it takes

Third Person's POV


"Few more steps Dana!" Bahagyang pumalakpak si Shem habang hinihintay na tuluyang makababa si Dana sa malaking gate na nagsisilbing proteksyon ng buong estasyon ng pulisya. Nakapasok na sina Shem at Raze kaya si Dana na lamang ang hinihintay nila.


"Shhh!" Sita sa kanila ni Raze habang nililibot ang paningin, seryoso nitong pinapakiramdaman ang buong paligid. Tinatalasan ni Raze ang kanyang pakiramdam habang hawak ang kanyang itak, hinahanda niya ang kanyang sarili sa pagkakataong kakailanganin niyang protektahan ang mga kasamahan.


Nang tuluyang makababa si Dana ay muling lumapit si Raze sa kanilang dalawa na animo'y pupulungin ang mga ito.


"Kukunin natin ang lahat ng mga magagamit natin pero lagi niyong tatandaan na ang buhay niyo parin ang importante. Kapag nagkagulo, takbo lang ng takbo." Maotoridad na paalala ni Raze kay Shem at Dana na kapwa pilit na ikinukubli ang nararamdamang kaba.


"We know that Raze... Life before anything else." Tumango-tango si Dana at huminga ng malalim.


"Tangina, mas madali sana 'to kung nasa akin parin ang contact lens na 'yon." Paghihimutok ni Shem na naiinis parin sapagkat naiwan niya ito sa bahay nang salakayin sila ng mga skunks. Walang ano-ano'y bigla na lamang yumuko si Shem at dumukot ng lupa bagay na ipinagtaka agad nina Raze at Dana.


"Hindi ako balahura, dumidiskarte lang." Bulalas agad ni Shem sabay pahid ng lupa sa kanyang leeg.


"Sabi ko nga." Walang emosyong sambit ni Raze at ginaya si Shem sa pagpapahid ng lupa sa kanyang leeg.


"Just so you know, I don't care anymore." Mahinang sambit ni Dana at taas-noong nagpahid rin ng lupa sa kanyang leeg.


Huminga ng malalim si Raze at isa-isang tiningnan sina Shem at Dana, "Naalala niyo ba ang unang sinabi ko sa inyo nang magsimula ang lahat ng 'to? Nang unang beses tayong nagkita-kita habang hinahabol ng mga skunks? Nang kasama pa natin sina Mira, Harper at iba pa?"


"Protect each other," Tumango-tango si Dana at bahagyang ngumiti, "you don't have to remind us, kahit—"


"Kalimutan niyo 'yon sa pagkakataong 'to..." bulalas ni Raze bagay na ikinagulat nina Shem at Dana.


"A-anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong sambit ni Shem.


"Wala tayong alam sa kung ano mang naghihintay sa loob. Kung marami sila, mahihirapan tayong protektahan ang isa't-isa kaya oras na magkagulo, wala kayong ibang gagawin kundi tumakbo... tumakbo ng tumakbo. Wala kayong ibang iisipin kundi ang sarili niyo, ang makaligtas at makabalik kanila Cielo dala ang kahit na anong mapapakinabangan." Paliwanag ni Raze pero tiningnan lamang siya nina Shem at Dana na kapwa naguguluhan.


"Raze that applies to you too right?" Mahinang sambit ni Dana bagay na ikinakunot ng noo ni Raze.


"Don't protect us too. If anything bad happens, you won't look back. You will just run like hell and return to the others. Ang tanging iisipin mo lang ay ang sarili mo, hindi kami o si Cielo o kung sino man. Uunahin mo ang sarili mo." Sambit ni Dana na tila ba hinihintay ang kumpirmasyon at pangangako ni Axel pero imbes na sumagot ay napatingin lamang ito sa hagdang nagsisilbing fire escape ng pasilidad.


"Raze... Raze walang magpapaka-martyr o bayani." Mahinang sambit ni Shem na naiintindihan na ang pinupunto nito.


"Protektahan niyo lang ang mga sarili ninyo." Mahinang sambit ni Raze at pasimpleng tumakbo patungo sa direksyon ng hagdan kaya agad siyang sinundan ng dalawa.


"You think they'll be okay back there?" Hindi maiwasan ni Dana na mapalingon bago pa man siya makaakyat sa manipis na hagdang nagsisilbing fire escape.


"Okay lang sila, sigurado ako." Paniniguro ni Shem kaya sumunod na lamang si Dana kay Raze at umakyat sa hagdan habang nakasunod sa kanila si Shem.


****


"W-wacky... W-we have to go now." Bulong ni Cielo kay Wacky.


Patuloy mang lumuluha, walang emosyong tumango-tango si Wacky at binalewala na lamang ang naririnig at sumunod kay Cielo sa pagtakbo. Hindi man magawang makapag-isip ng maayos dahil sa labis na paghihinagpis, pinipilit parin ni Wacky na itaas ang kanyang ulo at magpatuloy.


Nahinto si Cielo sa harapan ng isang kotse at agad na pinalabas si Pip mula sa ilalim nito. Pinatago niya rito ang bata nang sundan si Wacky.


"A-ate asan si kuya Churchill?" Tanong ng takot na takot na si Pip.


"You're a brave boy Pip, keep being a brave boy." Umiiyak man, pinilit ni Cielo na ngumiti at dali-daling kinarga si Pip. Kahit nahihirapan, pinilit ni Cielo na magpatuloy sa pagtakbo habang karga si Pip. Nakita ni Wacky na nahihirapan na ang dalaga kaya naman agad niyang kinuha si Pip at siya na lamang ang kumarga rito.


Habang tumatakbo ay patuloy paring lumuluha si Wacky pero sa kabila nito ay pinipilit niyang magpakatatag para sa kaligtasan ng mga kasamahan. Maya't-maya siyang napapalingon kay Cielo lalo pa't pansin niyang paika-ika na ito at para bang nauubusan na ng lakas.


Nahinto sina Wacky at Cielo sa pagtakbo nang makaabot sa isang truck. Saglit silang huminto sa pagtakbo upang habulin ang kanilang hininga at pansamantalang bumawi ng lakas.


"We.. we have to keep going." Humahangos na sambit ni Cielo habang nakasandal sa truck.


"Cielo huminto muna tayo, hindi mo na kaya..." Katwiran ni Wacky.


"I..." napalunok si Cielo, "I can" pagpapatuloy nito.


Napahawak si Cielo sa kanyang sikmura at naramdaman niya ang patuloy ng pagtakas ng dugo mula sa kanyang sugat. Huminga ng malalim si Cielo at nilibot ang paningin.


Habang kapwa hinahabol ang kanilang hininga ay bigla na lamang namayani ang isang makapanindig balahibong tunog ng bakal na tila ba kumakalansing sa kongkretong daan.


Kapwa nagkatinginan sina Cielo at Wacky sa narinig. Takot ang rumehistro sa kanilang pagmumukha dahil alam nilang sa puntong 'toy tila ba papalapit ng papalapit sa direksyon nila ang naririnig.


"Whatever happens, keep running." Mahinang sambit ni Cielo at dahan-dahang napalingon sa direksyon kung saan nanggagaling ang ingay.


"Hayun sila!" Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng isang babaeng may malaking hiwa sa mukha. Bitbit nito ang isang palakol na hinahayaang sumayad sa daan habang naglalakad, ito ang pinanggagalingan ng ingay na naririnig ng dalawa.


"Axel..." Napasinghap si Cielo nang mapagtantong ang hawak nitong palakol ay tila ba pagmamay-ari ng binata.


"Takbo!!!" Bulalas ni Wacky dahilan para agad silang kumaripas ng takbo.


Nahihirapan man, pilit na binibilisan nina Wacky at Cielo ang bawat galaw ng mga paa nila lalo pa't hinahabol na sila ng babaeng bitbit ang palakol ni Axel. Hindi nagtagal ay nadagdagan pa ang mga humahabol sa kanila bagay na lalo lamang nagpatindi ng kabog ng mga dibdib nila.


Karga man ang takot na takot na si Pip at hirap makapag-isip ng maayos dahil sa nangyari sa kaibigan, pilit na tinutuon ni Wacky ang buong atensyon sa daang tinatahak upang matakasan ang mga humahabol sa kanila. Maya't-maya siyang napapalingon kay Cielo lalo pa't pansin niya ang labis nitong panghihina.


Hindi na nila alam saan pupunta kaya paulit-ulit silang nagpaliko-liko sa bawat daang bumubungad sa kanila para lang matakasan ang mga ito. Sa sobrang takot at desperasyong makalayo ay ni hindi na nila pansin ang mga pagkakataong umuulit na sila sa pagtahak ng daan.


"Doon!" Bulalas ni Cielo nang matanaw ang gusali na nagsisilbing pinakamalaking opisina ng kapulisan sa lungsod, ang Drayton Police Station.


Habang kumakaripas ng takbo patungo sa estasyon ay napalingon si Cielo at nakita niyang wala pa sa kanilang likuran ang mga humahabol sa kanila.


Naunang makaabot si Wacky sa napakalaking gate ng estasyon. Dali-dali niya itong sinubukang buksan ngunit laking dismaya niya nang mapagtantong nakasara ito mula sa loob.


"N-nakapadlock mula sa loob!" Natatarantang bulalas ni Wacky na nauutal na.


"Akyat!" Giit ni Cielo nang tuluyan maabutan ang binata at makarating sa tapat ng gate. Dali-dali niyang kinuha si Pip mula kay Wacky nang sa gayon ay makaakyat ito, "Wacky akyat! Bilis!" Bulalas pa ng natatarantang si Cielo.


Hindi na nag-atubili pa si Wacky at dali-dali niyang inakyat ang gate sa kabila ng labis na sakit na dulot ng namamagang paa. Nang tuluyang makarating si Wacky sa loob ng hardin ay dali-dali niyang itinuon ang paningin sa malaking padlock na nagsisilbi nitong lock. Sa sobrang desperasyon mapapasok sina Cielo at Pip ay pinilit niyang sipain ang padlock.


"Wacky hindi yan uubra! Kunin mo si Pip! Kunin mo si Pip!" Natatarantang sambit ni Cielo at pilit na itinaas si Pip na ayaw bumitaw sa kanya dahil sa labis na takot.


"Pip akyat! Pip umakyat ka!" Giit ni Cielo pero umiling ang bata habang humahagulgol sa takot.


"Pip you're a brave boy! Be the brave boy that your dad wants you to be!" Bulyaw ni Cielo at pinanlisikan ng mga mata ang bata. Nang mabanggit ang ama ay lalo lamang napaiyak si Pip pero sa kabila nito ay pinilit niyang humawak ng mahigpit sa rehas ng gate.


"That's it! That's a very brave boy! You can do it Pip! Yes you can! Just lift yourself up! Lift your body up and hold onto the railings!" Paulit-ulit na sambit ng lumuluhang si Cielo habang tinutulungan itong makaabot sa pinakatutok ng gate sa pamamagitan ng pagtulak paakyat ng katawan nito.


"Mama.. Papa..." Napahagulgol si Pip sa takot nang tuluyan siyang makarating sa tutok ng gate at mapagtantong malayo na siya mula kay Cielo na nasa baba.


"Pip! Pip dito! Pip tingin ka kay Kuya!" Giit ni Wacky sabay taas ng mga kamay niya dahilan para agad mapalingon si ang bata sa direksyon niya, "Pip talon... Tumalon ka at pangako, sasaluhin kita!" Pangangako ni Wacky sa bata.


"Pip close your eyes and jump! Pip you have to! Please you have to." Pagmamakaawa ni Cielo kaya labis mang natatakot, dahan-dahang ipinikit ni Pip ang kanyang mga mata.


Sa isang iglap ay nilalag ni Pip ang kanyang sarili patungo sa direksyon ng mga kamay ni Wacky na handang sa sumalo sa kanya.


Naghanda man pagsalo kay Pip, muntikan paring mawalan si Wacky ng balanse dahil sa bigat ng bata at pwersa ng pagkalaglag nito. Napaungol si Wacky dahil sa labis na sakit na naramdaman sa kanyang mga paa lalo pa't dito siya humugot ng lakas upang huwag matumba.


"Cielo—" Napalunok si Wacky at huminga ng malalim dahil sa nararamdamang sakit, "Cielo bilis! Akyat na!" Dagdag pa nito kaya agad na napahawak si Cielo sa bakal rehas ng gate.


Huminga ng malalim si Cielo at itinaas ang kanyang paa sa gate upang magsilbing pundasyon ng lakas. Bago tuluyang maingat ang sarili, napalingon muna siya sa pinanggalingan at laking panlulumo niya nang makitang tumatakbo na ang mga skunks patungo sa direksyon nila.


"Cielo bilis! Akyat!" Bulalas ni Wacky.


"Ate! Ate Bilis!" Pakiusap naman ng batang si Pip.


"Run." Natatarantang sambit ni Cielo at bigla na lamang tumayo ng maayos at bumitaw sa gate. Bakas man ang takot sa mukha at labis ang kaba, buo na ang pasya nito.


"Ano?!" Gulat na sambit ni Wacky at agad na kinalampag ang gate, "Cielo bilis akyat na!"


"I'll distract them! Go find the others!" Walang pag-aalinlangang sambit ni Cielo sabay hakbang ng paatras mula sa gate bagay na labis ikinagulat at ikinapanlumo nina Wacky at Pip.


"Cielo 'wag mong gagawin 'to! Bilisan mo na! Akyat! Sasaluin kita!" Pagpupumilit ni Wacky pero umiling-iling lamang si Cielo at ngumiti. Tunay ngang buo na ang pasya ng dalaga at wala na siyang balak sumunod pa sa dalawa.


"Ate!" Iyak naman ni Pip.


"Tell Dana, I'm sorry. Wacky, whatever happens please 'wag mong pababayaan si Dana. Protect Dana, whatever it takes, Wacky I'm begging you." Natataranta at nagmamadaling pakiusap ni Cielo kay Wacky. Walang ano-ano'y bigla na lamang nagtatakbo palayo si Cielo.


Hindi man mapakaniwala dahil sa ginawa ni Cielo, walang magawa si Wacky kundi magtatakbo na lamang patungo sa gusali, bitbit ang nagpupumiglas si Pip na gustong balikan si Cielo.


Habang tumatakbo ay paulit-ulit na napapalingon si Cielo. Nang makitang madadanan na ng mga skunks ang Police Station ay agad siyang tumigil sa pagtakbo at humarap sa direksyon ng mga ito.


"Ako' to, si Amelia! Hindi ba't ako ang hinahanap niyo?!" Sumigaw si Cielo ng pagkalakas-lakas kaya nahati ang atensyon ng mga humahabol sa kanila. Ang karamihan sa mga ito ay tumakbo patungo sa direksyon niya samantalang ang iilang natira ay nagpumilit namang makapasok sa gate.


"Holy Oreos." Mahinang sambit ni Cielo sa takot nang makita ang napakabilis na pagtakbo ng mga nilalang na tila ba hayop na sumusugod sa kanilang biktimang walang kalaban-laban.


Sa isang iglap, agad na kumaripas si Cielo ng takbo habang hawak ang sikmurang kumikirot.


****


Hindi napigilan ni Raze na maluha nang makita ang pangalan ng ama na nakaukit sa pinto ng opisina. Gamit ang kamay na nangangatog, kinuha niya ang isang keychain mula sa bulsa at gamit ang isa sa mga susi na hawak ay pumasok siya rito ng mag-isa.


Nagkalat pa ang mga gamit sa loob ng opisina ng kanyang ama. Walang pang nagbabago rito matapos ang pagkamatay ng ama lalo pa't pumanaw ito nang gabing magsimula ang kalbaryo nila.


Naglakad si Raze palapit sa mesa ng kanyang ama at nakita niya ang isang picture frame, sa loob nito ay litrato ni Raze noong bata pa, kasama ang kanyang ama habang nangingisda. Pinulot ito ni Raze at pinagmasdan.


"Pangako... Po-protektahan ko sila gaya ng pag-protekta mo sa aming lahat. Gaya mo, hindi ko rin sila pababayaan." Mahinang sambit ni Raze habang nakatitig sa nakangiting mukha ng ama.


Dahan-dahang ibinaba ni Raze ang litrato at binuksan ang isa sa mga tokador ng ama. Gaya ng inaasahan, natagpuan niya ang isang baril at mga magasin na puno ng bala. Agad niya itong inilagay sa bulsa ng kanyang suot na jacket.


Matapos pakiramdaman ang paligid, agad niyang kinuha ang isa pang susi mula sa tokador at dali-daling nagtungo sa isang aparador ng kanyang ama na puno ng mga tropeyo at parangal na nakuha nilang mag-ama sa iba't-ibang larangan. Dali-daling tinulak ni Raze ang aparador hanggang sa tuluyang tumambad sa kanya ang isang tagong pintuan na natatakpan ng aparador.


Laking gulat ni Raze nang biglang tumambad sa kanya ang walang lamang silid. Ang dating kinalalagyan ng mga de-kalibreng armas ay wala nang laman maliban lamang sa iilang posas at helmet. Hindi makapaniwala si Raze na ang mga armas na kanilang pinunta ay wala na pala.


Nayayamot man dahil sa nalaman, walang magawa si Raze kundi masapo na lamang ang kanyang noo dahil sa dismaya. Maglalakad na sana siya palabas sa opisina ng ama nang bigla siyang may mamataang kakaibang tanawin sa bintana.


Lumapit si Raze sa bintana at patagong sumilip. Laking gulat niya nang mapagtantong si Cielo ang kanyang nakikita, tumatakbo habang hinahabol ng mga nilalang na umuusig sa kanila.


Tila ba nawala sa tamang pag-iisip si Raze at pinangunahan siya ng emosyon. Labis siyang natakot para sa dating kasintahan dahilan para agad siyang magtatakbo palabas ng opisina at patungo sa direksyon ng fire exit. Tila ba na-blanko ang pag-iisip ni Raze at nawala sa sa isip niyang nasa itaas na bahagi ng gusali sina Shem at Dana na nangunguha rin ng mga kagamitan. Dahil sa daang tinahak, napunta si Raze sa likurang bahagi ng gusali at hindi na nakasalubong pa sina Wacky at Pip.


***


Litong-lito si Raze nang tuluyan siyang makabalik sa madilim na kalsada. Pilit niyang nililibot ang paningin, hinahanap si Cielo at determinadong mailigtas ito mula sa tiyak na kapahamakan.


Takbo si Raze ng takbo hanggang sa bigla na lamang may tumawag sa pangalan niya. Agad siyang napalingon ngunit kasabay naman nito ang biglang pagtama ng isang matigas na bagay sa ulo niya dahilan para agad siyang bumagsak sa sahig, duguan ang noo at litong-lito.



END OF CHAPTER 19!


Author's Note: Bitin ba? Bwahahahaha *Laughs menacingly while hugging my demonic trident*.... Nah I'm just kidding. No worries guys, kapit lang sa bangs ng aso kong si Meow :) Errrr, what the heck am I saying hahahaha. Nothing to see here, Carry on :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT!



Continuar a ler

Também vai Gostar

4.3K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
Gossips From Mars Por ce.

Ficção Adolescente

100K 6.1K 60
Tarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and s...
866K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
4.1M 123K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...