Sadako's First Love

By BadReminisce

697K 22.4K 2K

Even the scariest girl in the world has her own love story. More

Sadako's First Love
Teaser
Prologue
Chapter 1. "A knight in a school uniform"
Chapter 2. "Saving Sadako"
Chapter 4. "Somethin' Fishy"
Chapter 5. "Love Hunt"
Chapter 6. "My knight is jealous?"
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Chapter 39.
Chapter 40.
Chapter 41.
Chapter 42.
Epilogue
Author's Note
Send Your Review!
ANNOUNCEMENT:

Chapter 3. "Nerdy Prince"

19.6K 684 35
By BadReminisce

Chapter 3. "Nerdy Prince"

Amiko's POV

"Pakawalan niyo si Amiko" sigaw ni Francis sa limang lalaking kurimaw. Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Francis habang masamang nakatingin sa mga kurimaw. Ewan ko ba pero biglang lumambot ang puso ko nang dumating si Francis para bang nasa fantasy lang ang lahat ito. Yung boses niya, na may halong pag-aalala sa akin ramdam ng puso ko ang kakaibang tuwa.

Pinunasan ko ang mga luha ko habang si Francis naman ay nakatayo sa harap ako. Imagine? Yung ganyan kagwapong nilalang prinoprotektahan ka? Di ba, parang hindi ako si Sadako? Pero paano niya lalabanan ang limang kurimaw na 'to? Napatingin ako sa limang kurimaw na masamang nakatingin kay Francis.

"Sino ka ba pare?" tanong ni Kurimaw 1.

"Pre walang basagan ng trip, bakit? Gf mo ba yang nakakatakot na 'yan?" Sabat ni

Kurimaw 2. Naglakad pa abante si Francis ng tahimik. Seryoso ang mga kilos at expression ng mukha niya habang nakapako ang tingin sa limang kurimaw. Lalabanan niya ba talaga ang limang kurimaw na 'yan?

Nagbilang ako sa isip ko. Binilangan ko talaga ang pagsugod ni Francis sa mga kurimaw.

Isa, dalawa, tatlo!

Napapikit ako nang makalapit si Francis sa limang kurimaw, pero agad akong napamulat nang wala akong narinig na balibagan. Pagmulat ko, halos mahulog ang mga mata ko sa nakita ko. Si Francis habang kinukuyog ang isang kurimaw at masayang nagtatawanan.

"Mga pare naman, wag niyo naman pagtripan ang Gf ko. Kahit naman nakakatakot yan eh, mahal ko yan." Napanganga ako sa narinig ko. Ano daw?

"Ano? Totoo Francis? Gf mo ang nakakatakot na yan?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Kurimaw 1. Sinimaan ko naman siya ng tingin at agad siyang umiwas ng tingin sa akin. Jusme, kalaki-laking tao takot kay Sadako?

"Oo pre, sorry di ko sinabi sa inyo ah" Napatingin ako kay Francis na masayang tumatawa. Sandali naguguluhan ako. Kilala niya ang mga kurimaw na 'to?

"Potspa pre, wala na ba ang taste mo sa babae?" Sabat naman ni kurimaw 2. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian lang ako ng kurimaw. Hiya naman ako sa kanya na ginawang braces ang mouthpiece. Natigil naman ako sa pagtingin kay kurimaw 2 nang marinig kong tumawa si Francis.

"Wag naman sa harap ng Gf ko pre" Aniya't tiningnan ako saka kumindat. Napangiwe ako sa ginawa niya. "Tara na Amikobabes, hahatid na kita sa inyo" Halos mandiri ang mukha ko sa sinabi ni Francis, takte halos tumayo ang bangs ko sa sinabi niya, and the fact na di ko maimagine na may kaibigan siyang mga kurimaw.

Lumabas na kami sa madilim na iskinita kung saan ako dinala ng mga Kurimaw. Habang naglalakad kami ni Francis, napansin kong...

"owww" hinila ko ang kamay ko na hawak ni Francis. Kaya naman napahinto kami sa

paglalakad.

"Bakit Amiko?" tanong nito pero nakayuko lang ako at di maiharap sa kanya ang mukha ko. Ewan ko, kahit na may nakaharang na bangs sa mga mata ko. Malinaw kong nakikita ang mukha ni Francis.

"Uy Amiko" humakbang siya papunta sa akin, pero umurong ako palayo sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Teka? May ginawa ba sayo ang mga lokong yon?" nagaalalang tanong niya sa akin.

"Wala." Maikili kong sagot dito.

"Eh bakit ka ganyan?" Pangungulit niya.

"Wala sabi." Mabilis kong sagot.

"Ano? Alam mo ang labo mo, tara na nga uwi na tayo" akmang hahawakan niya ulit ang kamay ko ng pinanlisikan ko siya ng mata. "WHOA! Nakakatakot ka naman!" Nabigla niyang sabi't napaurong pa palayo sakin.

"Alis diyan!" sinagi ko siya at tumakbo na pauna sa kanya.

"Amiko!" Rinig ko pang tawag niya sa akin pero nagpatuloy lang ako at hindi na siya nilingon pa.

Ilang takbo at hingal din ang nakalipas para matakasan ko siya. Magdidilim na din at napansandal ako sa isang poste.

"Ano bang nangyayari? Bakit ganon ang kaba ko" napahawak ako sa dibdib ko habang sinasabi ko iyon. At ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. "Amiko, anong nangyayari sayo?" Natulala ako habang binabagabag ang isip ko sa nararamdaman ko.

"Amiko...hindi....hindi...nakakaloka ka" Ginulo ko ang buhok na parang baliw. Bakit ba nararamdaman ko ang ganito lalo na sa kanya?

Out of nowhere biglang may boses na sumingit sa pagitan ng pag-iisip at paguusap namin ng sarili kong katinuan.

"Miss...is this yours?" Napatingin ako sa nagsalita. Pagkakita ko sa kanya, tila ba bumagal ang oras at humangin ng mahina at para bang tinangay ang bangs kong nakaharang sa aking mukha dahilan para mas makita ko ng malinaw ang mukha ng lalaking nagsalita.

"O-oo." Utal kong sagot saka kinuha ko ang inabot niyang panyo sa akin. Pero teka sakin nga ba 'to? Ewan basta kukunin ko na.

"Hey, umuwi ka na madaming masamang tao ngayon." Aniya't ngumiti sa akin saka tumakbo palayo. Sinundan ko siya ng tingin at para bang na-record ng tainga ko ang boses niya at na-capture ng mata ko ang image ng mukha niya. Ang gwapo niya at bagay sa kanya ang salamin niya. That guy parang nakita ko na siya. Pero sandali.

Nabuhayan ako ng loob ng mapagtanto ko ang nangyari kanina.

"Tama ba ang nakita ko? Hindi siya natakot saken?" Tanong ko sa sarili ko't tumingin sa direksyon kung saan tumakbo yung lalaki. Nang mga oras na 'yon, isang munting ngiti ang gumuhit sa aking labi. Akala ko si Francis lang ang hindi natatakot sa akin meron pa palang iba.

Amiko, why so landi!

Umuwi na ako agad pero bigla saya ng pakiramdam ko. Papasok na sana ako sa gate ng may pusa nanaman akong nakita.

"Hello Neko" Bati ko sa pusa pero tulad ng lagi kong nararansan, tinarayan na naman ako ng pusa.

Kinabuksan gagawin ko lang naman ang lagi kong ginagawa. Pero iba ngayon, dahil hindi ko kasabay na pumasok si Francis. Nasanay na rin ako na nakikita ko siya every morning at pagtritripan ako. Papasok ulit sa school. Pero bago ako pumasok sa room. Nakita kong nag-uusap ang mga classmates ko kasama si Francis.

"Francis, hindi yata kayo sabay ni Sadako?" sabi ni Classmate 1. Err, kainin kita diyan e, i-emphasize ba ang pagiging Sadako?.

"Huh? Nauna ako kasi pinaglinis ako ni Sir Saldivar sa field." nakangiting sagot ni Francis. Mukha namang okay siya, pero sumagi sa isip ko yung kahapon. Remember? Iniwan ko lang siya basta.

"Ganon? Alam mo Francis, ikaw lang yata ang kilala kong tao na di takot sa Sadako na 'yon, alam mo 'yun? Wala siyang kaibigan dito sa school. Wala ngang kumakausap sa kanya eh, tanging ikaw lang. Hindi ka ba natatakot sa kanya?" tanong ni Classmate 2. Hindi ko alam pero alam kong masama ang making sa usapan ng iba pero gusto kong malaman ang isasagot ni Francis.

Nakita ko ang seryoso na mukha ni Francis habang pinapakinggan ang tanong ni Classamate 2. Pinagmasdan ko siya mula dito sa labas ng room at muka akong timang na nagtatago at tanging bangs lang ang nakasilip sa loob ng classroom namin. Ewan ko, pero inaabangan ko ang magiging sagot ni Francis, gusto kong malaman kung bakit?

Napahawak ako sa kaliwang parte ng dibdib ko. Ramdam ko ang kaba sa puso ko? Bakit naman ganito mag-react ang puso ko sa sasabihin ni Francis?

"Hey miss!" Napaigtad ako at napalingon sa likod ko nang may kumalabit sa akin.

"A-ako ba?" Tanong ko.

"Teka? Ikaw yung kagabi sa poste ah? Yung inabutan ko ng panyo?" Medyo hinawi ko ang bangs ko para tingnan siya at nanlaki ang mata ko saka muling tinakpan ang mukha ko ng bangs ko nang makita ko siya. Oo siya nga si Nerdy Prince! Siya nga yung nag-abot sa akin ng panyo na di naman sa akin.

"Ah eh, oo ako nga" nahihiya kong sagot sa kanya.

"Hmm, teka anong ginagawa mo? Bakit ka nakasilip diyan?" tanong niya. Ang chismoso

mo pala Nerdy Prince.

"Ah eh..." Ching! Biglang pumasok sa isip ko na sasagot pala si Francis sa tanong ni Classmate 2. At nang sumilip ako. Nakita ko na lang silang nagtatawanan. Teka anong sinabi ni Francis? Humarap ako kay kuyang gwapong nerd ng nakakatakot na lisik eyes.

"Opss, alam mo nakakatawa ka" Aniya't tumawa pa. Ang nanlilisik kong mga mata ay naglaho dahil sa sinabi niya.

He pat my shoulder and start to walk away from me. Habang ako naman ay naiwan na nagtataka sa sinabi niya. That was the very first time na may nagsabi sa aking nakakatuwa ako.

Pinagmasdan ko lang na umalis si Kuyang Gwapong Nerd.

"Amiko?" Nagulat naman ako sa tumawag sa akin at pagharap ko sa pinto. Si Francis pala.

"Ah eh, sige pasok na ako." Sagot ko saka pumasok at di na siya pinansin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
49.4K 274 42
This is a compilation of my poems that I posted in my Minny Lee account on Facebook, unfortunately I already deleted my Facebook account so here's m...
19.1M 579K 53
She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reape...
62.4K 5.6K 59
It was 19th of November when Ezra Brylle Belo, one of the brightest actors of his generation, mysteriously went missing. No one knows about his where...