Haraam (GxG)

By Messiahd

48.4K 2.2K 503

"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 19

1.3K 83 24
By Messiahd

Ako ang babaeng walang pakialam sa itsura. Okay na ako sa face powder lang at lip balm tuwing lumalabas dahil para sa’kin wala naman ng dapat ayusin o pagandahin sa mukha ko. Ngunit iba ngayon. Nabibighani ako sa nakikitang repleksyon sa salamin. Isang babaeng naka-formal attire, suot ang crimson red sheath dress. Nakalugay ang mahabang buhok na wavy sa bandang gitna hanggang dulo. Di gaya ng nakasanayan, hindi ko magawang baliwalain ang ganda sa sariling nakikita ko ngayon.

Bumaling ako sa kasamang naka-roba pa at imbes na isunod nang ayusan ang sarili ay naabutan kong nakatitig lang sa’kin.

“Pa’no ka natuto mag-make-up?” Takang tanong ko kay Heather. Siya ang nag-ayos sa’kin. No-Make-Up look. Kailangan naming maging presentable para sa white coat ceremony.

Mula sa blangkong pagkakatitig sa’kin ay bigla siyang napangiti nang di pa rin inaalis ang tingin sa mukha ko. Pumalatak siya ng dila kasabay ng pagpilig ng kanyang ulo. “Told you, I’m an entertainer. I have to learn how to look beautiful and appealing for the client.”

Mukha lang akong marikit sa ayos, but still...not lady-like to behave like a slime. Mahina ko siyang sinuntok sa balikat dahil sa biro niya.

“Konti na lang, maniniwala na talaga ‘kong high-end prosti ka.”

“I am.” Malokong ngiti niya.

“Diba sabi mo hindi ka hooker?”

“I’m a liar.”

Napaismid ako at muling humarap sa salamin. “You’re a bee.” Naalala ko ang unang araw ko dito.

“I make honey? You’re my honey. Does it mean I made you?” Bigla siyang napaatras at umaktong nagtataka. “You’re not real? Gawa-gawa lang kita?”

“Ano ako? Imaginary friend? Baliw! Totoo ako ‘no?”

“Tell me, that I’m not crazy. You never leave me and this is really happening.” Kanta niya.

“Mag-ready ka na. Kailangan na nating umalis mamaya.”

Pero hindi pa rin siya kumikilos. Hindi ko alam kung naka-blank stare siya o nakatitig sa mukha ko. Tatanungin ko sana nang bigla siyang magsalita.

“You sure? You don’t wanna call them?”

Makailang beses na niyang naitanong ‘yan simula pa kahapon. Nagbabakasakali siyang kausapin ko ang foster parents ko upang may um-attend para sa akin sa Ceremony.

“Okay lang naman kahit walang pumunta.” Sagot ko. “Mga totoong magulang ko nga, marami na ring na-missed na special events noon sa buhay ko.”

Sa pagiging sundalo ng mga magulang ko kung saan lagi silang nababase sa malayong lugar, madalas pang sa tuwing may mahalagang araw sila nalalayo sa aming magkapatid.

Naalala ko noon ang isang recognition day na walang um-attend para magsabit ng medal sa akin dahil parehong na-base sa malayong lugar sina papa at mama at hindi sila makauwi agad-agad.

Lumaki kami sa ampunang kinalakihan nila maski hindi pa kami ulilang lubos noon. Wala nga kasing kamag-anak ang parehong magulang namin kaya sa mga nakalakihang madre kami ipinagkakatiwala noon sa tuwing kailangan nilang lumayo.

“Can you give me a hand?” Paki ni Heather sa’kin. Suot na niya ang black long sleeve bodycon dress, at dahil back-zip ay hindi niya kayang isara nang mag-isa ang zipper sa likod. "Please?" Inipon niya sa isang ayos ang buhok at itinaas.

Lumapit ako at marahang iniangat pasara ang zipper ng kanyang suot. Ako na rin ang nag-lock ng hook sa dulo at dito ko lang napansin ang marka sa ibaba ng batok ni Heather. Hugis tatsulok at sa gitna ay may division na parang letter T kaya mukhang hati sa tatlong portion ‘yong triangle. Para itong itinatak sa balat sa pamamagitan ng pagpaso o pagsugat dahil kulay balat lang din, hindi kagaya ng sa tattoo na ginagamitan ng ink.

“Thank you.” Agad niyang ibinaba ang buhok, inabot ang stiletto at naupo.

“Ano ‘yong nasa ibaba ng batok mo?”

“Tatts.”

“Pero bakit parang scar...na sinadya?”

“Yes it is. Branding ang tawag, actually. It’s the other way of marking the skin -- instead of getting inked like in tattoo, they slice or burn the skin with your desired design. Hanggang sa maging keloidal, tapos maghihilom and then voila! You’ve got branded.”

“Ba’t ka nagpa-ganyan? Kelan pa ‘yan?”

“Hindi kasi ako generic.” Maloko niyang sabi pero hindi binigyang sagot ang pangalawa kong tanong.

“Anong meaning niyang pinalagay mo?”

“It means, I wanted to have a design on my skin.” Di pa rin seryosong sagot niya. “Tara na.” Tumayo na siya’t lumabas matapos isuot ang stiletto, ni hindi na nag-abalang magpahid ng kung ano sa mukha o ayusin man lang ang buhok. Mabilis akong kumilos para kunin ang purse at white coat saka na sumunod sa kanya.

Gamit ang isang magarang itim na kotse ay nagtungo kami ni Heather sa college multipurpose hall.

Ngayon ko lang nalaman na alam magmaneho ni Heather ― Not so surprising dahil mukha naman talaga siyang maraming alam. Ang ipinagtataka ko ay kung paano, saan o kanino galing ‘tong Alfa Romeo na gamit namin ngayon. Wala akong gaanong alam sa mga sasakyan pero alam kong hindi basta-basta itong gamit namin dahil may ganitong kotse sila Mr. Linares na pinagkagastusan pang lalo para sa pagmo-modify ng interior design.

Nang tanungin ko si Heather kung paano siya nagkaroon nito, ang sagot niya ay kela Anthony daw, ipinahiram sa kanya bilang service patungo sa venue. Well, walking-distance lang naman ang university namin pero ang pangit naman kung sa ganitong ayos ay lalakarin pa namin mula building ng pad hanggang doon.

“Ta’s pinapahiram-hiram lang sa’yo?” Di pa rin makapaniwalang tanong ko.

Hanep talaga ‘tong babaeng ‘to. Una, flat at financial support mula kay Rashif. Ngayon naman, service car mula kay Anthony. Alam niya kung paano pakinabangan ang lalaki.

“Of course. Kasama kasi kita.”

“Ha?” Takang tanong ko sa naging sagot niya.

“Because I’m your chaperone.”

“Chaperone ka diyan?”

“Parang gano’n na rin. Servant, attendant, whatever you call it. Ako ang naging make-up artist at stylist mo, ngayon naman driver tapos mamaya escort.”

Sasagot pa sana ako pero bigla na niyang pinatay ang makina. Ngayon ko lang namalayan na nakahinto na ang sasakyan at narito na kami sa parking space ng university.

Naunang bumaba si Heather dala ang invitation, nakasampay naman sa kanang braso niya ang whitecoat naming dalawa. Akma na rin akong susunod nang pagbuksan niya ‘ko ng pinto at inalalayang bumaba ng sasakyan.

“Di mo na kailangan―”

“I have to serve you milady.”

“Amin na nga.” Kinuha ko sa kanya ang invitation at whitecoat na pagmamay-ari ko. “Di kita servant, hoy.”

“Okay lang naman sa’kin na pagsilbihan ka.” Di ko alam kung seryoso siya o nagbibiro dahil nangingiti na naman.

“Ang corny mo Heather.”

Tumungo na kami sa multipurpose hall at pagpasok pa lang sa bungad ay agad nang sinalubong ng maingay na pagpansin nila Jade.

“Hoy! Steffan dito!” Sigaw ng kaklase kong walang hiya at nag-wave pa talaga ng kamay para ipahayag kung nasaan sila.

“Go on.” Ani sa’kin ni Heather at akma nang tutungo sa kaliwang gawi kung nasaan ang kapwa niya medlabsci student pero inabot ko ang braso niya para pigilan.

“Wala akong kasama.” Ngayon ako nakaramdaman ng intimidation nang makita ang mga kaklaseng kasama ang parents or guardians.

Ngiti ang iginawad sa’kin ni Heather. “Wala din naman akong kasama.”

Mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanyang braso ay tuluyan kong inilingkis ang kamay rito. “Wag mo muna ‘kong iwan.”

“Steffan!”

Natikom ang bibig ni Heather mula sa akmang pananalita nang biglang may boses na tumawag sa last name ko.

“Fo― Uhm, Anthony.” Hindi maayos ang pananalita ko dahil hindi ako sigurado kung ako ba ang ina-approach niya o si Heather.

Lalo akong naasiwa nang mapansing hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa mukha ko. Nawala lang ito sa atensyon nang hawakan ito ni Heather sa baba para isara ang bibig nito mula sa bahagyang pagkakanganga.

“Oppenheim.” At mukhang ngayon lang nito napansin si Heather. “Akala ko―”

“Not today.” Pagputol niya kay Anthony.

Muling ibinalik ng lalake ang tingin sa’kin. “Uhm, hi Steffan.” Tila nauutal nitong sabi. “S-sinong kasama mo?”

“Si Heather.” Nagtataka na ‘ko kung bakit ako ang kinakausap ng Anthony na ‘to samantalang sa pagkakaalam ko ay si Heather ang dinediskartehan.

“I mean, s-saan ang parents mo?”

“Patay na.”

Tumaas ang parehong kilay nito, halatang nabigla sa walang pasubali kong sagot. “Uhm, sorry.”

“Ba’t ka nagso-sorry? Ikaw ba pumatay?” Singit ni Heather.

Bumukas ang bibig ni Anthony ngunit muli ring tumikom. Tila hindi alam ang sasabihin. Naasiwa na rin talaga ako sa titig nitong nakapako sa’kin. Hindi naman yung tinging mukha akong hinuhubaran. Para itong nami-mental block sa sasabihin na naka-blank stare sa’kin.

“Okay ka lang? May dumi ba sa muk’a ko?” Di ko natiis na tanong. Tanging pag-iling ng ulo ang naging sagot nito.

“Seriously, boy?” Natatawang sabi ni Heather sa parang ewan na binatang nasa harap namin. “I made you get to the door, all you have to do is knock.”

Napatingin ako kay Heather na nakamasid na ngayon sa ibang mga narito, resting bitch face as usual. Ang bilis naman magbago ng emosyon.

Ano ba talagang nangyayari?

“Uhm,” Muli kong hinarap si Anthony at nahuling nakatitig pa rin sa mukha ko. “Thank you nga pala sa pagpapahiram ng sasakyan.” Sabi ko na lang kahit wala sa intensyon ko ang magpasalamat.

“Sasakyan?” Tila wala itong idea sa nabanggit ko.

“Chance is over.” Inalis ni Heather ang kamay kong nakahawak sa kanya at ako naman ang hinigit niya sa bewang nang di inaalis ang tingin sa kaharap namin. “Just be a good boy.” Saka na niya iniwan si Anthony kasama ako.

“Anong meron? An’yare do’n?” Tanong ko kay Heather na sinasabayan ko lang sa paglalakad kahit hindi ko alam kung sa’n kami patutungo.

“Just don’t mind him. Di lang siya nakainom ng gamot niya.”

“Ha?”

“Hindi na nakakatawa ‘yong joke pag in-explain ko.”

“Ang gulo niyong kausap. Di ko kayo maintindihan.”

“Na-starstruck siya sa’yo. Siguro?”

“Sa’kin? Hindi ba dapat sa’yo kasi―”

“You’re so naive. Tingin ko kailangan mo pang makipag-interact para makaramdam ng konti.”

“Wow ha? Coming from you. At ano bang sinasabi mong makaramdam ng konti? Teka, sa’n tayo pupunta?” Ngayon ko lang namalayan na patungo kami sa direksyon ng kinaroroonan nila Jade.

“Dadalhin kita sa mga friends mo.”

“Classmates. Hindi―”

“Steffan.” Natutuwang tawag sa’kin nila Jade at Ysa pero ang tingin ay parehong nakay Heather.

“Mabuti at dinala mo sa grupo natin ‘tong pinsan mo. Hi Heather.” Sabay kaway ni Jade sa kasama ko.

“Siya ang nagdala sa’kin.” Sagot ko matapos akong ipaghila ng upuan ni Heather. Five seaters ang bawat table. “At anong grupo natin sinasabi mo?” Kwestyon ko kay Jade. Sa tabi ko umupo si Heather.

“Ay grabe. Beni-belong ka namin sa group of friends na 'to tapos ikaw, taklesa pa rin.” Sabat ni Ysa.

“Pinsan?” Napalingon ako sa nagtanong. Makahulugang ngiti mula kay Heather ang sumalubong sa’kin.

“Oo.” Maang kong sagot. Hindi tanga si Heather. Alam kong sa umpisa pa lang gets nang sinabi ko sa ibang magpinsan kami. “Diba distant relatives tayo?” Sa loob-loob ay nahihiya na ‘ko sa pagkukunwari pero umaktong parang wala lang.

“Ah yeah.” Lumingon siya sa tatlo nang di nawawala ang ngiti sa labi. “Don’t we all?”

“Ha?” Pare-parehong naguguluhang reaksyon nila. Maging ako ay hindi naunawaan ang sinabing iyon ni Heather.

“If you buy the Adam and Eve story.”

Nakakapanibagong masaksihan na nagbibiro ‘tong si alien sa ibang tao sa halip na maging snob.

“O, kayong mga katoliko.” Tila iwas na komento ni Ysa.

“Di ka ba nagbabasa ng bible?”

“Ano ka ba?”

Halos sabay ngunit magkaibang katanungan nina Jade at Anica sa kaibigan.

“Hindi.” Sagot ni Ysa. “Porn-again.” saka natawa.

“‘Kala ko Jehova’s wetness.” Gatong pang biro ni Jade.

“Sure kang hindi ka kabilang sa More Moans?”

Haynaku. No wonder kung bakit magkakaibigan ang tatlong ‘to.

“Would you like to convert on one of those religions. Para di maging boring buhay mo.”

“Sige, isa ka pa. At sinong nagsabing boring ang buhay ko?”

“Kaya nga. Masaya sa religion namin. Convert na!―Teka, ano bang religion mo?”

“Importante ba ‘yon?”

“Eh ikaw Heather?” Hindi na nila ‘ko kinulit pa, kay Heather agad bumaling. Halatang mas interesado talaga sa kasama ko.

Nagkibit-balikat si Heather bago nagawang sumagot. “Pantheist? Maybe.”

“Panty-yes?” Ngisi ni Jade.

“No. Pantheist. It’s a real thing.”

“Ano ba ‘yon?” Tanong ni Anica.

“From the word itself ‘pan’ that means ‘all’ and ‘theist’ means belief in god. Pantheist is knowing all the gods or deity of whatever religions or creeds.”

“Hindi ba Muslim ka?” Kwestyon ko kay Heather.

“Muslim ka?!” Di makapaniwalang tanong ni Jade.

“I was raised Muslim but I have an open mind to know other beliefs and respect it.”

“Taga-saan ka ba? Muk’a kang… parang middle eastern.” Usisa na naman  ni Jade at relate ako sa pagiging unsure niya kahit sa paghula lang ng lahi o pinagmulan ni Heather dahil gano’n din ako noon. Hindi ko ma-define ang diversity ng itsura niya. Undistinguishable.

“Kaya nga. Hindi ka naka-scarf.”

“I see the stereotype.” Sarkastikong ngiti ni Heather. “And by the way, it’s called hijab.”

“Kinakahiya mo ba religion mo? Hulaan ko. Syrian ka 'no? Terrorist. Ta's nagtatago dito.”

Umismid lang si Heather.

"Sabi na e." Ani Ysa.

“No. Of course not." Pansin ko ang panandaliang pagtaas ng isang kilay ni Heather. "And what made you say Syrians are terrorist. That's an ultimate stereotype."

"Sorry. Triggered ka?"

"No. I just don't like your conception of thinking Islams are terrorists."

"Para kasing kinakahiya mo na Muslim ka?"

"It’s just that... for me, it doesn’t matter. I try not to put a label on my beliefs. I believe that there’s God, Allah, Elohim or whatever you can call that creator. I know the story of Moses, Jesus Christ, Buddah, Mohammad and whoever messiahs. I know ‘cause I love studying things. Religion don’t define us, so, let’s not make it a big deal. Bakit ba parang big deal sa inyo na Muslim akong hindi naka-hijab?”

“Galing mo naman magsalita. Pwede ka mag-ahente ng religion.”

“I call it verbal diarrhea.” Birong sabi ni Heather. “I keep on blabbering when I’m having panic attacks.”

Nagsitinginan ang tatlo. Sigurado akong dahil sa sinabi ni Heather. Maging ako ay napatingin sa mismong nagsabi.

“Panic attacks?”

“I have social anxiety and that’s another damn story.”

Sandaling nangibabaw ang katahimikan sa aming grupo hanggang sa biglang sumabat si Jade kasabay ng pagbalik ng ngiti nito. “Ah! You’re charoting us.”

At kelan pa naging verb ang word na charot?

“Anong social anxiety? E, ang angas mo? Natural kang suplada kamo. Namimili ng kausap.” Sabi ni Ysa kay Heather saka bumaling sa mga kaibigan. “Selective mutism. Diba may gano’n?”

“Or yung ano… Ano nga ulit yun? Avoidant Personality. Antisocial personality.”

Hindi namin inaasahan ang biglaang tawa ni Heather. Alam ko na ang bungisngis na ‘yon.

“I’m just messing with you. I don’t have a personality disorder.” Napapailing niyang sabi nang di nawawala ang ngiti sa labi. “I’m so normal, like anyone else.”

Napasinghal ng tawa si Anica. “Sa generation ngayon, tingin mo may normal pa sa mundo?”

“Yung mga shallow or narrow-minded siguro.” Sagot ni Ysa. “Kasi sila yung mga di gaanong nag-iisip.”

“So, hindi healthy ang mental health ng mga nag-iisip?”

“Depende sa iniisip.”

Tiningnan ako ni Heather habang abala ang tatlo sa diskusyon. “I like your friends.”

“Befriend them.” Pakli ko.

“May I go now? Iwan na kita sa kanila.” Paalam niya bigla.

“Ha?” Muli akong napahawak ng mahigpit sa kamay niya. “Samahan mo ako hanggat hindi pa nag-start yung program.”

“Okay okay.” Tila sukong sagot niya. “Ikaw yata dito ang may social anxiety. ” Saka bigla ulit siyang napangiti. “Or may Separation Anxiety ka na sa'kin?”

“Duh. Ayoko lang ma-O.P. 'no?”

“Aren’t you good at mingling with others?”

“Ayoko ng others. Me and You lang gusto ko.” At hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga pinagsasabi kong ‘yon dahilan para sumilay na naman ang malokong ngiti ni alien.

“I knew it from the very start.” Garantiya niya.

“Nagbibiro lang ako. Confidence mo, nag-uumapaw na naman.”

“Admit it. You kinda have a thing with me.”

“Hindi pwede, couz.” Kunwaring nagtataray kong sabi.

“Okay couz.” Paggaya rin niya ng emphasis ko sa pinaikling word ng 'cousin'. Minsan gusto kong matawa sa kalokohan between sa’min pero mas napa-puzzle pa rin ako sa behaviour nitong alien na kasama ko ngayon. Siguro nga tama si Ysa na may Selective Mutism siya.

“Where are your parents?” Tanong ni Heather nang maputol ang diskusyon ng tatlo.

“Ayon.” Itinuro ng tingin ni Anica ang direksyon ng grupo ng mga magulang na tila may kanya-kanya ring diskusyon.

“Kayo?” Nanumbalik ang tingin namin sa pinakamausisang taong nakilala ko. “May um-attend ba para sa inyo?”

“Vanessa.”

Napalunok ako ng sariling laway nang marinig ang familiar na baritonong boses na tumawag sa pangalan ko.

Ang mga kaharap kong kaklase ay napatingin sa likuran ko.

Continue Reading

You'll Also Like

45.7K 897 38
Stubborn Love (Denny & Raikko from JABIL) is now complete and available on Dreame. Search for my profile name, Destinesia or search for "Stubborn lov...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
166K 5.2K 98
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...