Haraam (GxG)

By Messiahd

48.3K 2.2K 499

"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22

Chapter 21

1.2K 58 28
By Messiahd

“Hey, wake up.”

Too good to be true. Tao nga ba siya o ano? Masyadong perpekto ang babaeng ‘to. Kung totoo man ang anghel, anak sa labas marahil itong nasa harap ko ngayon.

“Vanessa, wake up.”

Sa mukha niyang nakakabighani, bakas sa labi niya ang nakakapanlinlang na ngiti at abuhing matang mahirap tantyahin kung nagsasabi ng totoo o hindi.

Naramdaman ko ang malambot na palad na humaplos sa pisngi ko. Sa pagmulat ko ng mata ay muli kong nakita ang perpektong nilalang sa panaginip ko.

“Finally, you’re awake.”

“Hmn?” Tila wala pa rin ako sa ulirat para makapag-isip.

“You had a brain operation. It worked! They made you pleasant and aggreable.”

“Huh?” Otomatiko akong napahawak sa ulo.

“Ha! I’m kidding.” At tuluyan nga akong nagising nang hampasin ako ni Heather ng unan sa mukha. “Get up. Your dad made us breakfast.” Wala sa kagustuhan kong hinila niya ‘ko sa kamay para sapilitang mapabangon. “We’re going somewhere after breakky.”

~~~~~~


Narito kami ngayon sa shooting range. Ito pala yung sinasabi nila na maghanda kami kasi may pupuntahan.

Cardboard targets, earmuffs, goggles, bala ng baril, putok ng baril at iba’t ibang klase ng baril. Hindi na bago sa’kin ang mga ganito. Noong buhay pa ‘yong tatay ko, madalas niya kaming dalhin ni Emil sa shooting range na ‘to kahit against pa si mama. Dahil sa pag-introduce niya sa’min sa ganitong mga bagay ay nagkaroon ako ng knowledge sa mga deadly weapons. Hindi angkop sa edad ko noon na magkaroon ng kaalaman sa mga bagay na mapanira pero ewan ko ba bakit trip ng tatay namin na i-introduce kami sa mga ganitong bagay. Ngayon naman pati sila tito Vincent.

“Not bad.” Kantyaw ko kay Heather matapos niyang maubos ang isang load ng Gloc 19. Walang bullseye pero pasok naman lahat sa target.

“Says lady Deadshot.” Irap kunwari ni Heather sa’kin matapos alisin ang earmuffs at goggles. “Alam mo? Di ko alam kung tinatakot ako ng mga tatay mo pero wala naman sila dapat ikabahala kasi di naman kita sasaktan. Di na natin kailangang umabot sa ganito.” Muli niyang kinuha ang unloaded na baril para ipakita ang tinutukoy.

Natawa na lang ako sa biro niya. Dumako naman ang paningin niya sa shooting vinyl na target ko. “Seriously. We barely know each other yet.”

“Ha?”

Ibinalik niya ang tingin sa’kin. “Who would ever thought na sharpshooter ka? Na ganito ang hobby mo? Na dito ka pro? I mean… what the fish! It blows my mind.” Di makapaniwalang komento niya.

“Hindi ba ako makikitaan ng pagiging badass?” Pabiro kong tanong.

“I only see you as a girl with an attitude. Yung parang laging may dalaw kaya masungit.”

“Hoy, hindi ako masungit. Hirap lang ako makipag-blend in sa iba. Parang ikaw, di ka rin naman palakaibigan a.”

“I have friends. Malayo lang sila.”

“Napaka-loyal mo naman para di na makipagkaibigan sa iba.” Pakli ko.

“Mas loyal akong girlfriend. Di kita ipagpapalit sa kahit gaano pa tayo magkalayo.”

Mahina akong natawa. “Ang corny mo.”

“I mean it.”

“Pero hindi mo ‘ko girlfriend.”

“Hindi naman kailangan.”

“Ha?”

“Just because you’re not my girlfriend doesn’t mean I don’t have to be loyal to you.”

“Nasobrahan ata ng keso yung mac and cheese mo kanina.” Pilit kong biro, di magawang tumingin sa kanya. Kunwaring inabala ko ang sarili sa paglalagay ng bala sa cartridge.

“Seems you two both having fun.”

Pareho kaming napalingon ni Heather sa nagsalita. Sila tito Vincent at Roel ang pumasok sa booth na kinaroroonan namin.

“Yes, indeed. Thank you for having me here sir. I will treasure this experience.”

Gusto kong matawa sa pagiging formal ni Heather. Hindi ko alam kung sinasadya niya para magpatawa or talagang nai-intimidate kaya siya ganyan sa kanila.

“Nagsasayang lang actually ng shooting targets at bala si Heather.” Biro ko.

“Kanina lang sabi mo, not bad.”

“Sa pang-apat mong rounds.”

“I’m a first-timer.”

“Pero tinuruan ka naman kanina.” Saglit akong tumingin kila tito na nagturo sa kanya ng proper handling ng baril at firing.

“You know that I’m a slow-learner. Tingin mo makakabisado ko sa isahang instructions?”

“Okay, okay.” Taas ang dalawang kamay at natatawang tugon ko.

“Oh, bakit di mo siya turuan?” Di ko inaasahang suggest sa’kin ni tito Vincent. Pareho ulit kaming napatingin rito ni Heather. “Total sharpshooter ka, bakit di mo siya turuan ng mga techniques?”

“Kaya nga.” Segunda rin ni tito Roel. “Bakit di mo ituro sa kanya mga alam mo? Like proper gun-grip, posture and when to pull the trigger? Sinabi mo nga nagsasayang lang siya ng bala. Maybe she just keeps on firing.”

“Right. Ba’t di mo ‘ko turuan total nandito ka sa booth ko?” Napatingin ako kay Heather na malokong nakangiti ngayon.

Okay. Pinagsisisihan ko ng tingnan siya rito at kantyawan.

“Sige, balik na rin kami sa booth namin. We’re just checking on you.” Paalam ni tito Roel.

“Remember the Do’s and Don’ts guys.” Paalala naman ni tito Vincent bago kami tuluyang iwan.

“So, where to begin Lara Cro-- Ow!” Tinadyakan ko nga siya. “Hanep. Cariño brutal.” At nagawa pa niyang magbiro habang sinasapo ngayon ang binti niyang tinadyakan ko.

Kinabig ko ang damit niya sa likuran upang patuwidin siya ng tayo mula sa pagkakayuko. Kinuha ko ang earmuffs at goggles niya para ibalik na isuot sa kanya.

“Ayusin mo ‘yang tayo mo. Humarap ka sa target.”

“Okay madam.” Kahit parang subordinate ay nasi-sense ko pa rin ang pagiging sarcastic niya.

Ibinalik ko na rin ang earmuffs at googles ko bago siya simulang turuan.

“Tama ba ‘tong pagtayo ko?”

“Relax mo lang yung katawan mo, wag masyadong stiff. Wala naman talagang proper posture sa firing, basta kung saan ka mas komportableng mag-fire. Pinaka-usual is standing with your legs slightly apart, yung parang tayo ng lalaking umiihi.”

“Ganito?” Exaggerated niyang pinaghiwalay yung mga binti niya.

“Too wide.” Gusto ko ulit siyang tadyakan. “Ganito.” Iminuestra ko yung tamang pagtindig.

“Malay ko ba. Never pa naman ako umihing nakatayo.”

“Example nga lang diba? Hindi mo ba napapansin yung mga lalaking jumi-jingle?”

“So, nakakita ka na ng lalaking jumi-jingle?”

“Haynaku, magseryoso ka nga.”

“Masyado kang seryoso” Saglit na hinaplos ng kanyang hintuturo ang tungki ng ilong ko saka niya ‘ko nginitian.

Ibinalik ko ang atensyon sa pagga-guide sa kanya. “Or try mong iabante ng konti yung right or left foot mo, may mga iba kasi mas okay kapag naka-slightly move forward yung isang paa nila.”

“I’m okay with this ‘Parang lalaking jumi-jingle’.“

Hindi ko binibigyang pansin ang pagbibiro niya. Kinuha ko yung loaded na magazine saka inilagay sa baril na gagamitin ni Heather. “Loaded na yan.” Sabi ko matapos itong ibigay sa kanya. Hindi pa naman kasado kaya iwas aksidente kung sakali mang may mangyaring di inaasahan. “Relax.” Paalala ko ulit habang pumupwesto sa likuran niya para umalalay. “Extend mo yung kamay mo towards sa target.”

“And then shoot?”

“Kung sigurado ka na.”

“Sigurado saan?”

“Na matatamaan mo yung target.” Sagot ko. “Wag kang basta magpapaputok kung di ka sigurado.”

“Tell that to a boy who can’t wait.”

“Barilan yung usapan dito, okay?”

“Okay ma’am.”

“Mali yung paghawak mo.” Pansin ko sa pagkakahawak ni Heather ng baril, basta lang kasing nakapalibot ang kamay niya sa gungrip at nakapasok ang hintuturo sa trigger chamber. “Ganito-- teka, right-handed ka ba or left-handed?”

“Both.”

Napabungtong-hininga ako. Gano’n na ba talaga ako ka-naive para di mapansing ambidextrous siya sa kabila ng matagal naming pagiging roommate?

Umalis ako sa likuran niya at lumipat sa gilid niya para maturuan siya sa proper handgun grip.

“Okay, sa alin ka mas komportable? Dapat kasi yung dominant hand ang gamitin lalo sa pag-pull ng trigger. Imagine, kapag nagbubukas ka ng garapon, ano yung ginagamit mong panghawak dun sa jar at pangbukas no’ng lid?”

“Right na lang para di ka na mag-adjust.”

“Hawakan mo ng mahigpit yung grip. Tapos itong left hand mo naman, gamitin mo ring pang-grip to support your dominant hand.” Paliwanag ko habang inaayos ang mg daliri niya sa paghawak ng baril. “Depende sa model ng handgun kung saan mo ipi-place yung thumb mo pero itong gamit mo ngayon, dito dapat siya sa safety grip, nakataas. Kasi kung hindi, masasarhan mo sa paghawak yung left hand mo. At ang gamitin mong pang-pull ng trigger ay yung index finger ng dominant hand mo pero hanggat hindi ka babaril, dapat nakaabang lang ito dito sa gilid ng trigger chamber. Ipasok mo then pull the trigger pag magpapaputok ka na.”

Napatingin ako kay Heather at naabutan siyang nakatitig sa mukha ko na blangko ang expression.

“My mind went on a greener pasture.”

Di ko nagawang pigilan ang mahinang pagtawa. “Kung di mo kayang magseryoso, at least be professional. Kunwari Reserve Officer trainee ka.”

“Okay let’s do this.” Muli siyang umayos ng tindig. “Pa’no na nga ulit?”

“Extend your arms.” Bumalik ako sa likuran niya. “Grip the handgun.”

“Like this?”

“Tama.” Umalalay ako sa paghawak niya ng baril. “Then aim for the target. Ipikit mo yung kaliwang mata mo ta’s gamitin mo yung right sight naman for aiming. I-align mo yung front sight ng baril mo sa rear sight. Make sure the front sight is directly at the center of the rear sight. Alam mo na yun diba?”

“Yes.”

“Prepare to fire.”

“What if I don’t?”

“Ha?” Pagtataka ko bigla.

“I’m not gonna pull the trigger.”

“Bakit.”

“Kasi gusto ko ganito lang tayo.”

At ngayon lang ako natauhan. Nasa likuran ako ni Heather. Magkadikit kami at sa posisyon ko ay parang nakaakap ako sa mga braso niya dahil nakasuporta pa rin ako sa kamay niya.

Agad akong humiwalay at hindi alam kung saan titingin.

“You ruined the moment.”

“Bahala ka na nga diyan.” Iiwan ko na sana siya pero bigla siyang natawa.

“You’re not a good teacher.” Nakaharap siya sa’kin pero sa cardboard target nakatutok ang isa niyang kamay na may hawak ng baril at hinila ang gatilyo. Gumawa lang ito ng click sound at hindi pumutok.

Sinadya ko talagang hindi ikasa para maiwasan ang aksidente pero hindi ko na ‘yon ipapaliwanag pa kay Heather. Walang salitang kinuha ko sa kanya ang baril, ikinasa, itinutok sa target, pinaputok pagkatapos ay ibinaba sa table sabay alis ng earmuffs ko saka na iniwan si Heather.

“That was a turn-on.” Dinig ko pang sabi niya bago tuluyang malisan.

Bumalik ako sa aking booth para magpatuloy na rin sana pero natigilan ako nang makita ang cardboard target na tinamaan ko. Bullseye.

Aaminin kong hindi ko ‘yon sinasadya. Basta lang akong nag-demo sa harap ni Heather bago siya iwan pero tsambang sa sentro mismo ang natamaan ko. Tsamba lang talaga, bumilib naman ang gaga.

At bakit ba naiilang ako tuwing nagbibiro siya ng something romantic sa’kin. Hindi ko maintindihan kung kinikilig ako or naaasiwa. Kesa mag-isip, inabala ko na lang ang sarili sa gun shooting.

Tumigil din kami sa firing nang makaramdam ng gutom ang mga kasama ko. Nag-aya si tito Roel na kumain na lang sa labas kesa umuwi agad.

Habang kumakain ay nagkaroon naman ng pagkakatong makapagkwentuhan ang mga kasama ko.

“Yes, I like it whenever I get to learn something new.” Sagot ni Heather nang tanungin siya nila tito kung na-enjoy naman ba niya ang paglilibang sa gun range. “Pero hindi ba mahal ang target shooting?” Saglit siyang napatingin sa’kin. “I mean if it’s just a hobby… For what? Self-defense? Having a gun is a great responsibility. And it’s not just a weapon. It’s a deadly weapon. Guns are synonymous with killing. It’s okay to have knowledge about these stuff, pero kung self-defense lang din ang habol bakit hindi na lang mag-aral ng martial arts? And target shooting is not a simple thing. It’s a very expensive hobby. One box of ammo could do a one feeding program for malnourished kids.”

Napatango-tango si tito Vincent para magbigay sang-ayon kay Heather. “Hindi ba nabanggit sa’yo ni Vanessa na hindi siya gumagastos sa firing?”

“Hindi. Bakit?”

“Kami ni Emilio ang nagpatayo no’ng gun-range.” Tukoy ni tito Vincent sa totoong ama ko. “Libre si Vanessa do’n kasi anak siya ng owner. And kung hobby ba niya? Siguro? But not in a way na in’introduced ng kapatid ko sa mga anak niya ang pagpatay or anything violent. Naging bonding lang nilang mag-ama ang target-shooting.”

Hindi ko alam kung kinaklaro lang ni tito Vincent ang bagay na ‘yon tungkol sa’kin o ipinagtatanggol ako sa tila pag-aakala ni Heather na ‘For fun’ lang para sa’kin ang pagbaril.

“At matagal ng natigil si Vanessa sa gun-shooting, ngayon lang ulit siya actually nakabalik sa gun-range.” Dagdag ni tito.

Since namatay ang tatay ko, do’n na rin ako tumigil at nawalan ng interes sa gun-shooting. Si papa lang naman yung rason kung bakit naging sports namin ni Emil ang target-shooting.

“And about martial arts? Hindi rin ba naikwento ni Vanessa sa’yo na may training experience siya sa taekwondo?”

"She's a blackbelter." Dagdag pa ni tito Roel.

Hindi makapaniwalang napatingin si Heather sa’kin at nakaambang na natatawa. Halos di na ‘ko makakain. Napapahiya na talaga ako sa pagbibida ng foster parents ko tungkol sa’kin. Dinaig pa nila ang super proud tatay.

“You’re kidding.” Pagbabalik ni Heather sa kausap.

“Totoo. Hindi man lang niya nabanggit sayo?”

“Hindi naman siya nagkukwento about herself.” Sagot ni Heather at di na nga napigilan pa ang matawa. “Pero totoo talaga?”

“Naitago ko yung mga pictures nilang magkapatid pati yung trophies nila. Ipapakita ko sayo mamaya para maniwala ka.”

“Hindi na kailangan.” Protesta ko para di na ipakita yung mga kuha sa’min ni Emil noong nagti-taekwondo pa kami. “Fifteen pa lang ako no’n. Matagal na ‘yon.”

“So, totoo nga?” Lalong di makapaniwalang tanong ni Heather at muling natawa.

“Matagal na ‘yon.” Pakli ko, narinig ko namang natawa ng bahagya sina tito.

“I just can’t believe.” Bumaling ulit si Heather kela tito Vincent. “Kilala ko lang siya as suplada. Di ko akalaing blackbelter, because one time she’s vulnerable at harrassment pero wala siyang ginawa.”

“Harrassment?” Halos sabay na tanong nila tito Roel at Vincent. Biglang nagseryoso ang mukha at pananalita.

“Not actually. Biro-biro lang naman yun.”

“Ano ba yun?” Bakas pa rin ang concern sa tono ng pananalita ni tito Vincent.

“Yung kunwaring hahalikan siya...no’ng...uhm, attacker pero wala siyang ginawa. She just closed her eyes.”

Naalala ko yung ginawa sa’kin ni Heather na umibabaw siya sa’kin at inilapit ng sobra yung mukha niya sa’kin na para bang plano talagang halikan ako. So, biro-biro lang yun?

Napatingin sa’kin si tito Vincent, tila humihingi ng paliwanag.

“Hindi naman ako hinarrass talaga. At di ako nanlaban kasi alam ko namang trip lang niya ‘kong inisin. Gano’n naman ‘yon e, puro biro.” Lumingon ako kay Heather at nakitang napalis ang ngiti sa labi niya.

“Pero kahit na. Bakit--”

“Kapwa ko po babae ‘yon kaya hindi ako pumalag.” Pangunguna ko kay tito Roel. “Alam ko namang di niya itutuloy.” Pansin kong napainom si Heather sa baso niya. “Gano’n lang talaga ‘yon, lagi akong pinagti-trip-an. Laging gumagawa ng dahilan para masira araw ko.”

“Binu-bully ka ba?”

“H-hindi po.” Gusto ko sanang sabihing oo para lalong maasiwa si Heather dahil alam kong alam niya na siya ang pinatutungkulan ko, pero baka dumako pa sa seryosong usapan kaya wag na lang. “Papansin lang talaga ‘yon.” Sinamaan ko ng tingin si Heather.

“Papansin siguro para makuha atensyon mo.” Ani Heather.

“Mapapansin ko naman siya siguro kahit di siya maging overly-annoying.”

“Pa’no mo mapapansin kung masyado kang occupied.”

Naalala kong si Kline na lang lagi ang iniisip ko noon. Napabuntong-hininga na lang ako at itinuon ang atensyon sa pagkain pero nawalan na ‘ko ng gana. Hindi dahil naalala ko ‘yong ex-boyfriend ko kun’di dahil sa naguguluhan ako kay Heather. Nasabi niyang biro-biro lang daw yun. Clingy ba siya sa’kin kasi bored lang siya at walang ibang mapagdiskitahan maliban sa’kin or gumagawa lang talaga ng paraan para mapansin ko? Hindi naman kailangan kasi matagal na niyang nakuha ang atensyon ko. Hindi siguro noong first encounter namin pero noong nakasama ko na siya at unti-unting nakikilala. Hindi dahil sa maganda niyang mukha kun’di dahil sa pagiging unique niya.

Napaangat ako ng ulo at naabutan ang foster parents kong matamang nakatitig sa’min ni Heather.


~~~~~


Para mapagaan ang atmosphere kanina, muling nag-aya sila tito Vincent na maglaro ng paintball. Kaya narito kami ngayon sa isang paintball field na dati rin naming pinupuntahan noon nila Emil at ng mga totoo naming magulang.

“Why do I have to look like this?” Kwestyon ni Heather na parang nagrereklamo matapos ko siyang pagsuotin ng paintball protective gear.

Suot pa rin naman niya ang military shirt, cargo pants at combat boots na bigay sa kanya ni tito Vincent, pero dahil nga maglalaro kami ngayon ng paintball shooting ay pinagdoble ko siya ng longsleeve jersey at pinagsuot din ng knee pads, elbow pads, tactical gloves at chest protector.

Napangiti ako nang makita siya sa ganoong ayos. Dalang-dala ng tangkad niya ang ganoong get-up. Ang angas niyang tingnan.

“Kasi masakit pag tinamaan ka ng paintball, hindi ka lang naman kasi basta matatalamsikan lang ng pintura. May pressure yun”

“I look like a terrorist.” Reklamo niya habang tinitingnan ang suot.

“Hindi kaya. Imagine mo na lang character ka sa Warface.”

“Ba’t ikaw ganyan lang?”

“Kasi hindi na ‘ko Entry Level player.” Nagdoble lang ako ng longsleeve jersey at chest protector.

“Oh so, you’re saying you’re a pro?”

“Sure lang akong di mo ‘ko matatamaan.”

“Mayabang ka na ngayon?”

“Kampante lang akong di mo ‘ko sasaktan.” Nakangising sabi ko at bago pa man din siya makapagsalita ay isinuot ko na sa kanya ang paintball mask saka na siya tinalikuran at iniwan.

Nakikipag-flirt ba ako kay Heather?

Bago kami magsimula ay tinuruan na siya kanina nila tito Vincent kung paano gumamit ng paintball gun, kung paano maglagay ng paintball sa hooper, basic shooting techniques at ng mga Do’s and Dont’s.

Saktong walang ibang naglalaro kaya apat lang kaming players. Ka-team ko si tito Vincent at ang kunwaring opponent namin ay sina tito Roel at Heather.

Natatawa ako sa tuwing may pagkakataong magkaingkwentro kami ni Heather, kung hindi sablay ang tira ay do’n naman siya nauubusan ng bala. At kahit pa magkalaban kami sa laro, tinutulungan ko pa siya sa pag-refill ng paintball at pag-aayos ng pressure tank ng baril niya.

Mahigit isang oras na rin kaming naglalaro.

“Gotcha.”

Sa pagkakataong ito, wala na ‘kong malusutan dahil na-corner ako ni Heather sa may dead-end, kaya wala akong nagawa kun’di harapin na lang siya at uunahan sanang barilin pero natigilan ako nang makita siya. Mukhang pagod na pagod na sa kahahabol at kahahanap sa’kin dahil kapansin-pansin ang paghingal niya. Inalis na niya rin ang mask para siguro mas makahinga ng maayos.

Mga five feet apart ang layo namin sa isa’t-isa. Mahigpit ang pagkakaakap niya sa baril na nakatutok sa bandang dibdib ko. Nang hilain niya ang gatilyo ay walang lumabas na paintball.

Natawa na lang kaming pareho dahil naubusan na naman pala siya ng bala. Kung kelan may pagkakataon na siyang talunin ako ay do’n naman ulit pumalpak ang gamit niya.

Sa pagod niya ay napahiga na lang siya sa semento na parang starfish. Lumapit ako sa kanya at napagkatuwaang pagbabarilin siya.

“You just made me your canvas.” Ani Heather na hinayaan lang ako sa ginawa sa kanya.

Yung color black na nakadoble sa suot niya ay may iba’t-ibang kulay na ngayon dahil sa random colors ng paintball na gamit ko.

“Rainbow ka na. Bagay naman sayo because you’re gay.” Komento ko at napahiga rin sa tabi niya upang magpahinga, hindi sinasadyang mapaunan ako sa bisig niya.

“Sinong nagsabing rainbow ang kulay ng bakla?”

“I mean, yung LGBT+ flag diba rainbow?”

“May flag sila?”

“Oo. Di mo ba alam yun? Pansin mo sa Pride March, halos puro rainbow makikita mong kulay.”

“Pride March?” Tanong ulit ni Heather. Parang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa mundo.

“Yung celebration ng mga third sex tapos kasabay na rin ata ‘yon ng pagpo-protest nila for equal rights at pagsusulong ng same sex union.”

“How did you know that?”

“Gays ang mga foster parents ko.” Paalala ko. “Ikaw, ba’t di mo alam? Samantalang kabilang ka sa kanila.”

“Who? Me?” Turo niya sa sarili sabay lingon sa’kin. “Just because I like you doesn’t mean I’m gay, bi, or pansexual. Babae pa rin ako na nagkagusto lang sa kagaya kong babae.”

“Baka nasa ibang category ka. Demisexual?”

“Do we really need to give labels on everything?”

Hindi ko rin alam ang sagot. “Pero kung sexuality pa rin ang pinag-uusapan, ngayon kasi there are more than two genders.”

“Para sa’kin kasi dalawa lang. Lalaki at babae. Kung ang lalaki, nagkagusto sa kapwa niya lalaki hindi siya bakla. Lalaki pa rin siyang nagkagusto lang sa lalaki rin. Kung ang babae naa-attract sa babae at lalaki, hindi siya bisexual. Babae pa rin siyang nagkakagusto lang sa lalaki at babae. We love who we love; It’s the person that matters.”

“Pero marami na ngang subcategories ang gender ngayon, like genderfluid and intersex.”

“Then be who they are. I know about the other gender pero yung Pride March, I didn’t know it’s a thing. Bakit sila nagsi-celebrate?”

“Bakit hindi?”

“At bakit Pride March ang tawag? And they have their own flag? And it’s rainbow? Rainbow is not a symbol of pride.”

Napabangon ang ulo ko para tingnan si Heather. “Sure kang hindi ka hypocrite or ignorant?”

“Sure ka bang straight ka?”

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...