Beautiful Disaster

By -QueenLi

695K 2.2K 100

He is the Jacob Rye Lucre, vocalist ng sikat na banda sa buong bansa, Falling in love with him and with his m... More

Prolouge
My Strength
Punta Fuego
Wound
Private
Like
Autograph
Always
Trust
Concert
Complicated
Right time
A girl can dream
False hope
Brother

After Party

19.6K 110 3
By -QueenLi

After Party

Galit kong hinawi ang kamay na nasa bibig ko, siya naman ang nagulat at tumayo ng maayos.

Hiningal ako sa kaba at takot, akala ko ay may kikidnap na sa akin. Matalim ko siyang tinignan, dahan dahang nawala ang saya sa mukha niya at sumeryoso na.

"I'm sorry. Hindi ko dapat ginawa yun."

Unti- unti akong kumalma at naisip na ganito rin siguro ang takot na naramdaman niya ng wala akong paalam na sumakay sa kanyang sasakyan. Bumuga ako ng hangin bago magsalita.

"Pasensya din, nung sumakay ako bigla sa kotse mo." Halos pabulong kong paghingi ng tawad. Quits na tayo. " Ano pala ang kailangan mo? Bakit mo ako hinila dito?" Agad kong pag-iba ng usapan.

Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa tagong parte kami, ngunit kita ang isang puting pintuan na may nakalagay na 'Dressing room The Chase'

"Alam ko na kung sino ang gusto mo." Ngisi niya

Agad bumalik ang tingin ko sakanya, kita ko ang mapanukso niyang ngiti, uminit ang pisngi ko sa kanyang sinabi.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako dinala sa harapan?" Kunot noo kong tanong.

"I'm just curious, kaya ko ginawa iyon." Aniya at nagkibit balikat.

"Hindi mo na dapat ginawa iyon." Sagot ko.

"Why? Hindi ba iyon ang gusto mo?" Tanong ni Nate.

Mataman ko siyang tinignan, kita ko ang ngisi at mapanuri niyang mata, kung sa ibang pagkakataon ay magpapasalamat pa ako sa pag-upgrade niya sa ticket ko, pero wala siyang ideya kung ano ang mayron ako kay Jacob, at wala narin akong balak pang ipaliwanag iyon.

"Ang gusto ko, manood ng concert ng matiwasay. Pero itinabi mo ako sa mayayaman niyong fans, at sa tingin ko hindi ako bagay doon." Sabi ko.

"What? Natatawa niyang tanong.

"Nagtataka ang mga babae doon kung bakit mo ako kilala. May nagsabi pa na bago mo akong P.A, at masyado ka lang mabait para iparanas sakin ang VIP." Pa konsensya kong sabi, kung makokonsensya siya.

"What?" Tanong niya sa mas mababang boses, ang ngisi niya ay unti-unting nawala.

"Oo, may dahilan kung bakit hindi VIP ang kinuha ko, bukod sa hindi ko afford, ay hindi ako nababagay doon." Sagot ko.

Kunot ang noo at seryoso siyang tumingin sa akin.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa sarili mo?" Seryoso niyang tanong, sa sobrang seryoso akala ko galit siya.

Umawang ang bibig ko sa kanyang tanong, naghahanap ako ng pwedeng isagot pero wala akong maisip.

Sasagot na lang sana ako ng kahit ano ng may marinig kaming tunog ng takong na naglalakad palapit sa amin, tumabi siya sa akin at inilapat din ang likod niya sa pader para magtago.

Isang babae ang nasa tapat ngayon ng pintuan, ang suot nitong black na trench coat at ang pula nitong high heels ay nagsusumigaw ng karangyaan. Ang makintab at alon-alon nitong buhok ay halatang alaga sa salon. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

Nagaalangan itong kumatok sa pintuan na nasa harapan, sa huli ay kinuha na lamang nito sa bulsa ang cellphone, huminga ito ng malalim bago mag dial. Ng ilagay ng babae sa tainga niya ang cellphone ay siyang pag vibrate ng cellphone ni Nate.

Agad lumipat ang tingin ko sa kanyang bulsa kung nasaan ang umiilaw niyang cellphone. Nag angat ako ng tingin sa kanya ng parang wala siya balak sagutin iyon. Ngumiwi siya sa akin at kinuha ang cellphone sa bulsa at ng makita ko ang screen 'Maureen is calling'.

Nalalag ang panga ko at nilingon ang babaeng naghihintay ng sagot sa kanyang tawag. Naka side view na ito ngayon at kita ang matangos nitong ilong at ang makinis at maputi niyang kutis. Side view pa lang alam mo ng maganda ito. Napalunok ako sa aking iniisip.

Hindi parin sinasagot ni Nate ang tawag ng bumukas ang pintuan sa harapan at iluwa nun si Jacob. Parehas silang nagulat, nakahawak parin si Jacob sa door knob at dahan dahan namang binaba ni Maureen ang cellphone mula sa tainga nya.

"Maureen? Kailan ka pa dumating?" Tanong ni Jacob na hindi maitago ang gulat.

Hindi sumagot si Maureen at naglakad lamang ito papalapit at niyakap siya.

"I'm late, but congratulations though." Ani Maureen.

Sa pagkamangha ay hindi alam ni Jacob kung yayakap siya pabalik kay Maureen, sa huli ay maingat niya itong niyakap. Ibang iba kung paano niya ako maparusang hinalikan. Napalunok ako at umiwas ng tingin, may kung ano sa puso ko na parang tinutusok ng mga karayom.

Sa gitna ng mga iniisip ko ay hinawakan ni Nate ang pulso ko nilingon ko siya para lang salubungin ang seryoso niyang mga mata. Hinila niya ako palayo doon. Wala akong dahilan para hindi magpahila, basta palayo lang doon ay okay ako.

The way Jacob hugged her makes me realized that. She.love.that.girl. No questions asked. Tama ang lahat ng sinabi nila kanina. Masakit pala kapag nasa harapan mo na at nakikita.

Akay parin ako ni Nate hanggang makarating kami ng kanyang sasakyan, ng bubuksan na niya ito
para isakay ako ay marahan kong hinila ang pulso ko na hawak niya. Napalingon siya sa aking ginawa.

"Uuwi na ako, may dala akong sasakyan." Sabi ko ng nakayuko.

Dinig ko ang buntong hininga niya bago nagsalita.

"Where's your car? Ihahatid kita." Aniya.

Agad akong umiling "Hindi na, ayokong makaistorbo."

Pinasadahan ko ng tingin ang parking at napagtantong, iilang magagarang sasakyan lang ang nakapark sa buong floor na iyon. Ito siguro ang nilaan na parking para sa The Chase.

"Medyo malayo ito sa iba pang parking, ihahatid na kita doon." Ani Nate.

Walang pag-asa akong tumango, malayo nga ito sa kung saan ako nag park. Sumakay na ako sasakyan niya, at sa pangalawang pagkakataon ay nasa loob ako ulit non' this time may pahintulot na niya.

Itinuro ko kung nasaan ang sasakyan ko at huminto siya agad.

Tinaggal ko ang seatbelt at nilingon siya bago bumaba, pero inunahan niya ako at pinagbuksan ng pintuan. Sandali akong natigil sa ginawa niya at agad narin akong tumayo.

"Salamat nga pala." Sabi ko ng naglalakad na kami palapit ng sasakyan ko.

"Saan don?" Makahulugan niyang tanong.

Wala akong maisagot. Ng bubuksan ko na ang pintuan ng kotse ko ay may biglang dumating na kotse na kilalang kilala ko.

Red mustang.

Parehas kaming nasilaw ni Nate sa ilaw, hanggang sa humito ito sa harapan namin at mamatay ang headlight at makina. Napigil ang paghinga ko ng makitang bumababa si Jacob at si Maureen sa mustang. Pigil ang hinga ko ng mahuli ni Jacob ang mga mata ko, nagpapalit palit ang tingin niya sa akin at kay Nate. Si Maureen naman ay takang nakatingin kay Nate.

Ilang sandaling katahimikan, wala ni isang nagsalita o lumapit manlang. Napalunok ako at naisip na hindi ako dapat naririto.

"Nate, I've been calling you, but you're not answering." Sa wakas ay nagsalita si Maureen habang lumalapit kay Nate, saglit niya akong tinapunan ng tingin at na kay Nate na ang buong atensyon niya.

Lumapit na rin si Jacob ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Hirap akong lumunok at hindi alam ang gagawin.

"What are you two doing here?" Nakangiting tanong ni Maureen habang papalit palit ang tingin niya sa amin ni Nate.

"Ah, Maureen, this is.." hindi maituloy ni Nate ang tangkang pagpapakilala niya sakin, ng maalalang niyang hindi niya alam ang pangalan ko.

"Tasha." Pagpapatuloy ni Jacob sa baritonong boses ng hindi pinapatid ang tingin sa akin.

Sabay sabay kaming tumingin kay Jacob. Napalunok ako sa matalim niyang titig.

"Oh.. you both know her?" Ani Maureen

Lumapit siya sa akin at ngumiti "Hi nice to meet you Tasha."  Aniya habang inilahad ang kamay para mag-shake hands. Nagaalangan akong inabot iyon at nakipag kamay sa kanya. Kailangan ko na talagang umalis dito!

"So.. are you also coming to the after party?" Muling tanong ni Maureen.

Umawang ang bibig ko at nag angat ng tignin sa kanya. Nakangiti siyang naghihintay ng sagot ko. Inilipat ko ang tingin ko kay Jacob na ngayon ay maingat ng nakatingin sa akin.

I am not invited in that party, no one invited me, at naiintindihan kong wala akong lugar doon. I am just no one. Ang tamang lugar ko ay sa baba ng stage kung nasaan siya, nakatingala at humahanga. Kailanman ay hindi magiging pantay ang kinatatayuan naming dalawa.

Maureen is invited because she is important. Ang isipin na pwedeng maging kami ni Jacob ay isang kabaliwan. Ang maniwalang gusto niya ako ay isang panaginip lang. Ngayon na ang tamang oras para gumising. Halos hindi siya mag reply sa mga messages ko, dapat doon pa lang ay alam kong hindi na siya seryoso.

"Yes she's-"

"Hindi!" Putol ko kay Jacob. "Hindi ako kasama sa party'ng yon. I am their fan, privilleged fan." Sabi ko sa mahinang boses

Nag-igting ang panga ni Jacob sa aking sinabi, matalim namang nakatingin si Nate sa akin pagkatapos kong sabihin iyon.

Hinarap ko si Nate at ngumiti "Thank you for upgrading my seat." Sunod kong hinarap si Maureen."Nice meeting you Maureen." At sa wakas ay si Jacob. "Jacob.." payuko akong tumango. "I should go."

Agad na akong sumakay sa aking kotse at binuhay ang makina, marahang tumabi sa gilid si Nate at Maureen, hindi tumatabi si Jacob, nanatiling nasa harapan ng sasakyan ko at nakatingin sa akin, sandali king sinalubong ang mata niya, pero hindi ko matagalan. Sa huli ay dahan-dahang gumilid si Jacob habang nakatingin parin sa akin.

Nag umandar ako at makalabas ng parking na iyon ay saka lang ako nakahinga ng maayos, sobrang sakit ng dibdib ko at kinailangan kong ihinto sa gilid ang sasakyan para ikalma ang sarili. Isinandal ko ang aking ulo sa headrest at pumikit. Taas baba ang aking dibdib sa paghinga.
Mula ng hangaan ko si Jacob, kailanman hindi ko narinig na may gusto siyang babae, maraming idnidikit sa pangalan niya, pero lahat iyon ay rumors lang. Kapag walang makuhang kahit anong impormasyon kay Jacob ay bumabalik sila sa sing-sing na nakasabit sa kanyang dibdib. Iniisip ng lahat na ang babaeng nagbigay nun' ang hinihintay niya kung kaya wala parin itong nagugustuhan hanggang ngayon.

They should dig deeper, gusto ni Jacob ang Maureen na iyon. Kung bakit hindi na lang maging sila ay wala akong ideya, maaring hindi ko ganoon kakilala si Jacob, pero hindi ako manhid para hindi maramdamang gusto niya si Maureen. Kung paano niya yakapin si Maureen na para itong mababasag ay alam ko na agad.

Kailangan ko ng tigilan ito, nawala ako sa focus tungkol sa dapat kong alamin sa itinatago ni Auntie Noemi dahil sa paglipad ng isip ko sa ibang bagay. Kailangan kong tanggapin na panadaliang kasiyahan lamang iyon. Kailangan ko ng harapin ang realidad.

Ang sabi noon ni Mama at Papa may tamang oras para sa lahat, hindi natin alam kung kailan darating ang pag-ibig pero mararamdaman natin kung tamang oras na ba para dito. Clearly, this is not the right time and.. the right person. Sinabi din noon ni Papa, wala ring masama kung magiging matayog ang mga pangarap ko, kailagan ko lang daw maniwala sa sarili ko at kailangan ay makatotohanan ang pangarap na ito. Malinaw na hindi makatotohanan ito.

Napakaraming babae na nangangarap kay Jacob. Mayayaman, sikat at may sinabi sa lipunan.  Lahat iyon ay hindi pansin ni Jacob. What makes me special para gustuhin niya?

Mas marami pa akong importanteng dapat asikasuhin sa aking buhay, at itong nararamdaman ko kay Jacob ay lilimitahan ko lang hanggang paghanga, dahil kung lalagpas pa ako roon ay magagaya ako sa gamo gamo na nadarang sa apoy ng lampara at nasunog.

Nag-ring ang maliit kong cellphone at nakitang si Jane iyon. Inayos ko ang sarili bago iyon sagutin na para bang nakikita niya ako.

"Hello, Jane." Sagot ko.

"Nasaan ka? Sabi mo C16? Wala ang kotse mo dito."

Napapikit ako ng maalala ang usapan namin.

"May.. mga tao pa ba diyan?" Maingat kong tanong ng maisip na baka hindi pa nakakalis sila Jacob doon, kahit imposible.. they have a party to attend to.

"Huh? Sinong mga tao? Wala naman, ako lang dito." Ani Jane.

"Pupuntahan na kita diyan." Sabi ko

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...