plss dont forget to vote....
like
and be my fan
pwede rin pong e tweet ^____^
Day dreamer 14>>when Ivy go Gaga
NATHANs pov
sa bahay
yes makakatulog na ako ng matiwasay dala ko na ang pink towel.
Nawala sa isip ko na pinahiram ko nga pala noong isang gabi. Hay bakit ko ba nalimutan iyon?
[Oo na alam ko na na lahat ng nakabasa ng One rainy night alam lahat na kay Sam ang pink towel. Bakit wala mang nagsabi ni isa sa akin ha?]
[kahit ikaw MISS D di mo man sinabi. Hays... Hinayaan mong yurakan ng evil sister ko ang pagkatao ko.]
nasaan ka ngayon Ivy. Makakaganti na rin ako sa iyo. Wahahaha.
Nagtuloy ako sa kwarto ko. Naligo at nagbihis na ng pambahay.
Aba aba nasaan na kaya si Ivy. Naiinip na ako ha. Nag computer muna ako at nag check ng Facebook. Nakatag ako sa mga pic ni Sam hay Super bowl. At ang daming comment.
MIA: wow Ivy you're so inggitera talaga. And you order the Super Bowl pa talaga. Wahhh you're so takaw pa ha hahaha you look patay gutom tuloy.
aba ito iyong sinasabi niyang Mia na kinaiinisan niya. Grabe pala itong isang ito.
JESSIE: OMG Ivy I soluted u grabe nakaya niyong ubusin iyong SUPER BOWL.
@MIA you're so pakialamera talaga. If i know you're so inggit lang to Ivy. hahaha pustahan tayo babalik ka sa SMILE CITY to order 2 SUPER BOWL.
@ TO YOU'RE BF eeeeeh so cute mo. Grabe crush na ata kita. Peace tayo Ivy.
Weh may BF si Ivy pero ako itong katabi ni Ivy ha. Hehehe so ako iyong cute na sinasabi niya. Aba nagiging slow na ata ako. Lagi ko kasing nakakasama mga bro ko. Nakakahawa lalo na si Mon feeling ko naghahang ang utak ko.
Nakakainip na talaga. So i decided na puntahan na lang si IVY.
"Ivy Ivy Ivy" kumatok ako sa may kwarto niya.
Walang sumasagot napano na kaya ito.
"hoy Ivy anong ginagawa mo diyan?"
wala pa ding sumasagot.
Pumasok na ako. Nakita ko siya nakadapa sa kama at nagmumokmok.
"oh napano ka?"
tinignan niya lang ako. Aba himala nag low ata ang energy niya.
"uy Ivy"
umupo ako sa tabi niya.
"bakit?" tiningnan niya lang ako.
"Bakit ganyan ang itsura mo?"
"pangit ba ako Ivan?"
bakit ganito mga tanong kaya nito.
"Oo" hehehe
"alam ko naman iyon eh. Kaya hindi niya siguro ako napapansin."
"sino?"
"someone" sabi niya lang. Si Ivy ba talaga ito o napoposes lang.
"Hey cheer up i found your PINK TOWEL oh look"
tumingin siya sa towel.
"Ayoko na niyan. Sunugin mo na lang"
"ah?" loko to ha. Ang daming time kong nasayang sa paghahanap lang ng pink towel na ito.
Inabot ko sa kanya.
"oh"
"ayoko na sabi niyan eh. blue na ang gusto kong color"
"ah?"
tapos umupo siya at hinablot sa akin ang towel tsaka hinagis.
"basta ayoko na yan. Kapag nakita ko pa yan lagot ka sa akin Ivan"
sus heto nanaman iyong takutan eh. Sabi niya kapag hindi ko ibinalik sa kanya patay ako. Ngayon naman lagot ako kapag nakita niya ulit ang towel.
Grrrrrrrrrrr......... Malapit na maubos ang pasensiya ko ha.
"nakakainis siya Ivan"
"sino?"
"someone"
"ha?" ang gulo. Sino ba yong hinayupak na someone na yon ha.
"akala ko naman kaya niya ako laging inaasar dahil may gusto siya sa akin ngayon pala huhuhu" T__T
si Ivy umiiyak? Hahahaha
"akala ko naman may gusto din siya sa akin. Umasa pa naman akong masyado huhuhu"
masaya to ha. Tumutulo ang luha niya at sipon hahaha. Lalaki lang pala katumbas mo.
"Akala ko lang pala huhuhu kasi may iba na siya"
hehehe ^_____^
"Ivan ano ba huwag ka ngang tawa ng tawa diyan"
"ha???"
"alam ko tinatawanan mo ako nababasa ko iyong comment mo sa isip mo. Puro hahaha at hehehe"
"hmmmp hindi no" hehehe
lakas niyang umiyak ha. Para siyang naagawan ng isang truck ng candy.
"ano ka ba tumigil ka nga diyan ang dami mo namang suitors ha. Pumili ka na lang ng bago."
"huhuhu siya kaya gusto ko. Gustong gustong gusto"
"as in?"
"oo. Nababaliw ako kapag nakikita ko siyang naka smile. Lalo na kapag inaasar niya ako. lalong bumibilis ang tibok ng puso ko"
"corny" sabi ko.
Binato pa naman ako ng unan. Sapol sa mukha ko.
"tangeks.... Mararanasan mo din itong nararamdaman ko pagdating ng araw."
"hindi no. Sisiguraduhin kong hindi. At sila ang aasang mapansin ko." at nag wink ako sa kanya.
"yabang"
tapos humiga ulit siya.
"waaaaaahhhhhhh naiiyak na naman ako. Huhuhu"
bakit sobrang lungkot nito. Sino kaya iyong astigin na lalaking iyo. I saluted him. Napabagsak niya si Ivy hahaha.
tapos bigla siyang bumangon ulit.
"Ivan tara"
"saan?"
"sa SMILE CITY"
"bakit?"
"kakain ng ice cream. Pampaalis ng sama ng loob"
"eh??"
"sige na tara na."
may magagawa ka pa ba kung kaladkarin ka niya pababa. Kailangan lang naman nito driver eh. Hindi naman kasama.
Sa Smile City
pagpasok palang namin si Ivy parang batang patalon talon pa papuntang counter.
"Hel...lo I...vy wel...come to S...mile Ci...ty Rest...aur...ant" aba bakit nandito ito. Kanina lang inaapoy ng lagnat ha.
"Hello too Sam. Bakit ganyan boses mo so cute naman."
may sayad talaga kapatid ko. Anong cute sa paos. Halos hindi ka na maintindihan magsalita.
"Si...pon at U..bo" sabi niya at nag smile siya.
"paano ba nakukuha iyon?"
hay hay hay nailamos ko na lang ang mukha ko. Kutusan ko kaya ito. Kanina lang iyak ng iyak. Ngayon kumukuha ng pointers kung paano makakuha ng sipon at ubo para ma achieve ang paos na boses. Grabe isang henyo ang kapatid ko.
"he...he...he"
"ang cute talaga pati pagtawa mo paos. Gusto ko ganyan din ako."
"he...he...he mahi...rap mag...salita ng ga...ni...to Ivy"
"ah"
"OO a..nong Or...der ni...yo?"
"hmmmm ah rose boquet na lang. Super bowl ha."
"Ok"
wait super bowl ba sabi niya? No way.
"Ivy ayoko ng super bowl."
"Hindi pwedeng ayaw mo. Moment ko ito."
hayyy super bowl nanaman.
Napailing na lang ako. Hinawakan na ako ulit ni Ivy at ginaya papunta doon sa vacant na table.
Doon ko lang napansin na naka white plain t shirt at pink panjama pala ito at suot suot pa niya ang ang pambahay niyang slippers. Pink rabbit hahaha. Cute naman pala ng kapatid ko. at ang pinaka nakakagulat kahit lip tint wala siyang nilagay. Wow true beauty mana sa kuya. Hahaha.
"bakit?"
"anong bakit?"
"nagagandahan ka sa akin noh." sabi niya na ka smile na siya.
"hindi ha"
"alam ko namang pangit ako. " naluluha na naman siya.
"tumigil ka nga diyan ang daming tao. Nakakahiya kung iiyak ka dito. Baka malagay pa sa facebook ang picture habang umiiyak ka"
"oo nga noh" pinunas niya ang namuong luha sa mata niya.
uto uto naman anong feeling niya artista siya. Sabagay madami din namang haters itong batang ito.
Maya maya lang.
"He...to na or...der ni...yo"
"thanks Sam. The best talaga ito"
"Sa...la..mat"
at umalis na si Sam. Nag umpisa na kaming kumain ng Ice cream. Heto na naman iyong super bowl eh.
"kawawa naman si Sam oh"
napatingin ako sa direksyong tinitingnan niya. Kay Sam sa may counter. Parang wala ata siyang kasama ngayon.
"tignan mo mukha siyang may sakit. Parang ang tamlay niya"
"may sakit nga siya"
"ano?"
"nilalagnat siya kanina eh. Tsaka sinisipon siya at inuubo kaya nawalan ng boses"
"really?"
"yeah it's obvious naman diba"
"oo nga no. Wait lang"
tumayo siya. Alam ko may binabalak ito eh.
"Hey sigaw ko. Ivy come back here."
"just a moment Ivan. Calm down"
"No come back here"
hindi niya ako pinakinggan. Lumapit siya kay Sam. At nakipag usap dito. Ano kaya pinag uusapan nila?
Panay ang iling ni Sam.
Ano nanaman kaya pinagsasabi ng kapatid ko.
Maya maya lang bumalik itong hila hila niya si Sam. Anong nangyari? Pinaupo niya ito sa may upuan niya kanina.
"Ok Sam get some rest. I will take over."
"Pe...ro"
"walang pero pero"
"ikaw na ang bahala sa kanya Ivan"
"bakit ako."
"bakit sino ba ang walang sakit sa inyo?"
"ako"
"edi ikaw ang mag alaga sa may sakit since na ikaw ang walang sakit."
weeew
umalis na si Ivy. Maya maya lang bumalik ulit.
"tsaka Ivan ubusin mo yan. Sabi ni Mom bawal magsira ng pagkain maraming hinding kumakain"
na shock na lang ako. Ubusin ko daw ito. Ok lang siya? Halos nag uumpisa pa lang kaming kumain ng bigla nalang siyang umalis.
"Gus...to mo tu...lu...ngan kita?"
"sige subukan mo para wala ng matirang boses sayo"
"hmmmp"
aba may pa hmmmp pang nalalaman.
IVYs pov
kanina malungkot na malungkot ako dahil si James. Tama si James nga na bff ni kuya. binigyan ng ibang towel iyong Jasmine na iyon. Mas maganda kaya ako doon. Bakit ako di niya mabigyan kahit panyo lang.
Iyong pink towel na iyon? Hindi binigay sa akin iyon ni James kay Jasmine dapat iyon. Kaso naiinis ako noong nalaman ko. NO nagselos ako ng to the max level. Noong araw na iyon na malaman ko from my reliable source na bibigyan nga ng towel ni James si Jasmine halos bumagsak sa akin ang lahat ng planeta.
Akala ko ako lang ang napapansin niya kaya lagi niya akong kinukulit. Mali pala.
Akala ko may gusto siya sa akin kaya tuwing magkikita kami nag e smile siya sa akin ng ubod tamis. Mali pala. Grrrrrrr doon ako nabaliw eh sa smile niya. Tapos mag wiwink pa siya sa akin.
Hay buhay.
Sa sobrang lungkot ko. Niyaya ko si Ivan na kumain ng ice cream dito sa Smile City. Buti na lang hindi siya nagreklamo kahit halos kaladkarin ko na siya dito.
At ngayon andito ako sa counter. Hehehe nagpasub kasi si Sam.
^___^ joke lang....
Pinilit ko lang siya na palitan ko muna dito. Naawa kasi ako ng sabihin ni Ivan na kagagaling niya lang sa lagnat.
"Hi Miss"
masyado na ata akong napatunganga hehehe.
"Yes sir" weeeeew ang gwapo. Hahaha. Lagot ka ngayon James mapaplitan ka na sa puso ko.
"welcome sa Smile City Reataurant. My name is Ivy smile bang" wink. Tagal kong pina practice yan ha. Buhat ng nakita ko si Sam na ginagawa iyon. Lagi ko na siyang ginagaya. Hehehe
"oh nice to meet you IVY. My name is Dave."
"Nice to meet you too."
tapos nakipag shake hands siya. Waaaaah. eeeeehhhhhhh. Kilig naman. May bago na akong crush.
"sir Dave ano pong order nila?"
"hmmmm sabi nila masarap daw iyong rose boquet na nasa super bowl?"
"yes super sarap nga. Iyan lagi kong order dito" sabi ko.
"really. Sige isang rose boquet na super bowl."
"ok coming. Wait niyo na lang sa table ninyo sir"
kumunot iyong noo niya.
"pwedeng wait ko na lang siya dito?"
"sige sir"
"gusto ko kasing makita pano ginagawa. at ang sabi mabilis lang naman daw eh."
"ok sir just a minute ok"
rose boquet?? Pano ba ginagawa ni Sam iyon. Inisip ko kung paano iyong itsura ng in order namin. Tapos ginaya ko. Bakit ganon kakaiba ang shape niya. Para lang siyang square. Tinapon ko iyong reject na nagawa ko sa trash can.
Naghanap ako ng pattern may nakita naman akong nakadikit doon na mga picture. Ginaya ko. Ngeks parang triangle lang na ngayayat. Paano ba ginagawa ni Sam iyon. Grabe ah. Nakakadalawa na ako. Tinapon ko ulit. Reject eh.
"Hmmm Miss Ivy sigurado kaba sa ginagawa mo?"
"Oo naman warm up lang ito" antipatiko. Hindi niya ba nakikita na malapit ng magmukhang rose boquet ang ginagawa ko.
Malapit na akong mainis. Dahil nakakaapat na akong try. I need Sam now.
"SAM" sumigaw ako. Para tumingin siya agad. Hindo ako nagkamali tumingin siya agad sa akin.
Tumayo siya at lumapit sa akin.
SAMs pov
sa Smile City
kahit masama ang pakiramdam ko kailangan kong pumasok. Dahil ako lang mag isang tatao sa resto. Well sanay na din naman akong naiiwan minsang mag isa.
Nagmumuni ako ng pumasok sina Ivy at Nathan. Patalon talon pa si Ivy. Hehehe parang bata.
"Hel...lo I...vy wel...come to S...mile Ci...ty Rest...aur...ant" sabi koy Ivy. Si Nathan nakatingin lang sa akin.
"Hello too Sam. Bakit ganyan boses mo so cute naman."
kakaaliw talaga si Ivy siya lang ang nagandahan sa boses kong ganito. Kainis kayang pakinggan.
"Si...pon at U..bo" sabi ko. Nahihirapan talaga akong magsalita. Namamaga kasi lalamunan ko.
"paano ba nakukuha iyon?"
toinks pano daw nakukuha. Ano to parang dapat maging proud pa ako kasi paos ako.
"he...he...he"
"ang cute talaga pati pagtawa mo paos. Gusto ko ganyan din ako."
"he...he...he mahi...rap mag...salita ng ga...ni...to Ivy"
"ah"
"OO a..nong Or...der ni...yo?"
"hmmmm ah rose boquet na lang. Super bowl ha."
"Ok"
biglang napatingin si Nathan kay Ivy.
"Ivy ayoko ng super bowl."
"Hindi pwedeng ayaw mo. Moment ko ito."
wahahaha under talaga sa kapatid.
hinila na siya ni Ivy papunta sa may vacant na table. Ako naman nag concentrate na sa rose boquet.
pagkatapos ko.
"He...to na or...der ni...yo" dinala ko na sa kanila ang order nila.
"thanks Sam. The best talaga ito" sabi ni Ivy feeling ko nga gustong gusto niya ang rose boquet.
"Sa...la..mat"
iyon lang at umalis na ako.
At maya maya lang
nakita ko si Ivy palapit sa akiN. Ano kaya nangyari sa kanila. Bakit parang nag aaway na naman silang magkapatid?
"Hi Sam"
nag smile lang ako.
"sabi ni Nathan nagka fever ka daw kanina?"
"Oo eh"
"bakit hindi ka nagpapahinga?"
"wa...lang i..to"
"Gusto mo sub muna kita?"
ano daw? Sub daw? Ano ito basketball?
Umiling ako.
"Hay na...ku hu...wag na ka...ya ko na....man"
"sige na. Parang makapag pahinga ka"
umiling ulit ako.
"ka...ya ko na ta...la...ga i...to tsa...ka si...gura...dong ma...gagalit ang bro..ther mo"
makulit din pala ang isang ito.
"hindi yon promise. Sige na sub na kita. Tapos bigla niya akong hinila papunta sa table nila ni Nathan. Ano naman kaya plano nito.
Ng makaupo na ako sa inupuan niya kanina.
"Ok Sam get some rest. I will take over."
"Pe...ro"
"walang pero pero"
"ikaw na ang bahala sa kanya Ivan"
"bakit ako."
"bakit sino ba ang walang sakit sa inyo?"
"ako"
"edi ikaw ang mag alaga sa may sakit since na ikaw ang walang sakit."
hay Ivy makulit ka din noh. Ang sama ng tibgin ni Nathan sa akin.
"Ano ba pinakain mo doon at ang bait niya sa iyo?"
"rose boquet? Super bowl"
"hays super bowl grrrr"
tapos biglang bumalik si Ivy at
"tsaka Ivan ubusin mo yan. Sabi ni Mom bawal magsira ng pagkain maraming hinding kumakain"
at umalis na siya ulit. Si Nathan lumaki ng bahagya ang mata. Malamang na shocked dai pa kasi ng ice cream eh. Hehehe
"anong ngini ngiti mo?" obvious bang na pa smile ako?
"Gus...to mo tu...lu...ngan kita?"
"sige subukan mo para wala ng matirang boses sayo"
"hmmmp"
sungit naman niya. Siya na nga tinutulungan eh. Pinanood ko lang siyang kumain feelibg ko bawat subo niya ay pasan niya ang buong smile city resto hahaha.
Tiningnan niya ulit ako.
"bakit ka nagtrabaho? Nilaglagnat ka diba?"
"hah... Ok na a...ko"
"may ok bang paos pa din?"
nag smile lang ako.
Tapos napatingin siya kay Ivy. Napasunod din ako ng tingin. May customer kasi.
Napapailing na lang si Nathan.
"malamang ito na ang katapusan ng Smile City."
"ha???"
"hinnayaan mong e sub ka niya?"
napapa oh na lang ako sa tuwing itatapon ni Ivy ang maling ginagawa niya. Lagot ako kay Mina. Huhuhu
"hanap ka na ng ibang trabaho Miss President. Bukas na bukas din bank crupt na kaya."
tinignan ko siya ng masama. tama bang tumawa pa? Hello career ko kaya pinag uusapan dito.
"SAM" may maya lang narinig ko si Ivy tumawag. Napatingin ako kay Ivy. Sumenyas na lumapit daw ako.
Tumayo ako at nagbehlat muna kay Nathan bago naglakad papunta kay Ivy.
"ba...kit Ivy?" tanong ko sa kanya paglapit ko.
"rose boquet daw" sabi niya habang nakabusangot.
"ahhh"
"Hi Sam. Finally i met you. Im Dave" napatingin ako kay Dave.
Nilahad niya kamay niya na parang makikipag shake hands. Inabot ko ang kamay ko. Tapos nag shakke hand kami.
Nag smile ako sa kanya.
"natutunaw na ang Ice cream Sam" bigla akong nagulat sa nagsalita sa may bandang likuran ko.
tinignan ko kung sino.
Si NATHAN????
Paano nakasunod ito. Bilis niyang maglakad.
"a minute for rose boquet sir Dave"
"ok." sabi niya at nag wink
freeeze
"uy Sam iyong ice cream" nagulat nanaman ako. Bakit ba singit ng singit ang singkit na ito.
"oo na" sabi ko ginawa ko na ang rose boquet. Grabe ah ang dami kong audience.
"ah ganoon pala iyon. Konti na lang pala nagawa ko na." sabi ni Ivy.
Napa smile ako at iniabot ko na kay Sir Dave ang rose boquet.
"here Sir"
"wow so cute like you"
(eeeeeeeh ito na ba ka love team ko dito?)
"enjoy ea....ting sir"
"ok thanks. I will surely back here every night"
tumingin siya kay Ivy at nag smile.
IVY FREEZE
"Thanks again sir"
tapos umalis na siya. At nagpunta sa vacant na table.
"halika na nga Ivan uwi na tayo."
"buti pa nga" sabi naman ni Nathan.
Nauna ng magmarcha palabas si Nathan.
"Sam uwi na kami ha. Inaantok na ako eh." mukha nga siyang inaantok. Maga pa mata niya umiyak ba siya?
"IVAN BALIK" bigla siyang sumigaw. Bumalik naman si Nathan.
"bakit na naman sabi mo uuwi na ha"
"Oo nga bayaran mo muna iyong mga ice cream na nasira ko bilis."
"magkano ba?" si Nathan habang kinukuha ang wallet.
Nagsabi ako ng prize.
"oh ayan. Sige uwi na kami huwag ka munang kakain ng ice cream."
nag nod na lang ako.
tapos lumabas na si Nathan. Hindi pa ako nakakabalik sa counter ng biglang. Bumalik ulit si Nathan.
"tsaka huwag kang makipag shake hands sa mga customer baka nahawaan pa sila ng sipon at ubo. Kawawa sila" tapos umalis na siya ulit.
Grrrrrr so concern siya sa mga customer. Parang super lakas naman ng virus ko noh.