The Superstar (COMPLETED)

By JayceeLMejica

328K 10.8K 922

The Dela Fuente Brothers Book 1: Paulo Dela Fuente Paulo Dela Fuente, pinakasikat na bokalista ng bandang S... More

Prologue
The Superstar: 1
The Superstar: 2
The Superstar: 4
The Superstar: 5
The Superstar: 6
The Superstar: 7
The Superstar: 8 (Collab with xPANICx)
The Superstar: 9
The Superstar: Finale
The Superstar: Special Chapter
NEW STORY - The Other Side (Prologue)

The Superstar: 3

22.9K 941 39
By JayceeLMejica

N/N:


Sisihin niyo si Ibong_Maya kung bakit wala akong update!  Hahahaha!  Thank you sa lahat ng nagbabasa, nagco-comment, nagvo-vote, at nagbabasa ng iba ko pang mga gawa.  


Dedicated ang chapter na ito kay Ibong_Maya ♥  Dahil wala ng cupcake, hahaha. :) 



When He Smiles: 3


"If every simple song I wrote to you would take your breath away, I'd write it all."


PAULO'S POV:


Ako si Paulo Dela Fuente, isang sikat na bokalista pero ngayon nagiging isang normal na tao dahil sa pangi-stalk ko sa facebook ni Jade. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko o sadyang natutuwa lang ako sa mga ngiti niya.


Dahil lang sa ngiti nagkakaganito na ako?


Kailan pa ako naging ganito? Twenty-two years old pa lang ako at hindi ko nagawa ito sa mga naging girlfriend ko before na sa sobrang dami eh hindi ko na mabilang.


"Ganun? 19 na siya? Akala ko mga 17 pa lang eh." Pakikipagusap ko sa sarili ko habang tinitignan ko ang info sa profile niya, gumawa ako ng dummy account para ma-add ko siya sa facebook at buti na lang inaccept niya ako


Umiling ulit ako at initsa ang laptop sa kama ko. Isang linggo na simula nang makilala ko siya pero araw-araw mayroon akong natutuklasan na kakaiba sa kanya, hindi pala siya ordinaryong bakla lang. Obvious na may ina-achieve talaga siya sa buhay at tuwang-tuwa ako na isa ako 'don!


Yun yun mga bro!


Nakailang post na siya about dun sa raffle ticket sa Soda Company, sana lang talaga siya ang manalo. Kung pwede namang mamili, siya ang pipiliin ko.


Ang laki ng prinoproblema ko. Ngayon ko lang nararanasan na mahirap talagang maging sikat, hindi mo alam kung paano maging normal. Hindi ko rin namang inaasahan na sisikat ako at madaming nag-aabang ng mga nilalabas naming kanta.


Simpleng banda lang naman kami nung College at na-discover lang at dun inilabas ang self-titled album namin na Semisonic at nagulat na lang kami na wala na itong tigil sa radyo, dahil dito napagdesisyunan naming magkaka-banda na iprioritize namin ang music namin at 'wag na munang magtrabaho, 2 years na kaming nasa industry pero hindi ko alam kung kailan ako titigil.


Si Kuya Ahron ang nagbigay sa'kin ng lahat ng information about kay Jade pero alam ko ang kapalit 'nun, baril. Gun collector kasi si Kuya Ahron unlike my other brothers na iba ang kinokolekta. Hindi kami madalas ring nagkikita ngayon dahil busy kami sa kanya-kanya naming mga buhay.


Ang maganda namang sa'ming magkakapatid eh lahat kami ay single pa! Babaero din kasi yung iba kong mga kuya, ako lang ang loya! Naks naman!


"Sir? Handa na po ang tanghalian." Sabi ni Manang habang marahang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.


Malaki ang bahay namin, mansyon nga sabi nila pero sa'kin. Bumaba na ako para kumain mag-isa. Mabilis lang ginawa kong pagkain dahil pupunta ulit ako sa studio para iparinig sa CEO ng recording company ang bago naming record.


**


Nakaupo na kaming lahat sa sofa, hawak na ni Manager Reena ang Demo CD at nasa tapat namin ang player na nakapatong sa lamesita.


Si Gelo, Niel, at si Drake (drummer namin) at ako ay nasa sofa at nakatungong lahat. Ito ang isa pinaka-ayaw naming parte, masyado kasing realtak ang natatamo namin kapag ganito na.


Lumabas na sa office niya si CEO at ngumiti agad si Manager Reena pero kami walang mababakas ng ngiti.


"Shall we?'" Paunang salita nito at duon na kami nag-angat ng ulo, binuksan na rin ni Manager Reena ang player at isinalpak na ang Demo CD namin.


Isa-isa nang tumugtog ang thirteen na kanta at hindi ko alam kung anong gagawin ko, boses ko ang naririnig ko kaya kinakabahan ako.


Nang matapos ito ay pare-parehas lang kaming nagtitinginan. Si Mr. CEO kasi nakatingin lang din sa'min.


"It's beautiful, the background music, lyrics, hooks pero may kulang." Nakangiwing pagbibigay nito ng review.


"Ano pong kulang?" Tanong ko pero umiling ito.


"I don't know pero may kulang talaga, maybe a song? Kayo ang nakaaalam niya kasi kayoa ng gumawa and I know one of you alam kung ano ang kulang pero hindi niyo pa lang nai-internalize." Sagot nito sa akin.


Napantango ang mga ka-banda ko pero hindi ko matanggap, alam ko sa sarili kong maganda na ang kinalabasan ng album na 'to pero hindi pa rin pala sapat.


"So medyo matatagalan po ang pag-release namin?" Tanong naman ni Gelo.


"It depends sa mangyayari at babaguhin niyo sa album. It looks like food guys, parang tapsilog na walang tapa. May kulang." Inulit lang nito ang mga sinabi niya at tumango na ako.


"Okay po Sir, thank you po. We'll set another meeting para po sa revisions na ginawa namin."


Tumayo na kami isa-isa at kinuha ang CD sa player. Pagkalabas ay nakipag-appear sa akin si Niel, at inakbayan naman kami ni Gelo tsaka nagsimulang maglakad.


"Kulang? Anong kulang?" Tanong ni Reena sabay illing.


"By the way Paulo, ngayon na pala ang bunutan para sa 3-day Vacation na raffle." Paalala niya sa'kin, hindi ko naman 'to makakalimutan.


Sa ganitong stress kailangan ko talaga ng bakasyon.


**


Kinagabihan ay wala ako sa mood kaya nagpunta ako sa bar kung saan akong madalas pumunta kapag badtrip ako, umiinom ako ng scotch which is my favorite whisky.


"Paulo?" Tumingin ako sa kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Czarina,dahil yata sa tama ng alak nagiging maganda na sa'kin ang damit na suot nito, crop top at paldang maikli na makikita mo na halos ang buong katawan niya.


"Czarina." Sagot ko dito sabay ngiti, shit! Para akong high.


Ilang minuto kaming nagkwentuhan about sa record at mamaya-maya ay niyaya ako nitong sumayaw. Nakakalasing ang tugtog lalo, sinasabayan ito ng jazz at mayroong wind instruments kaya lalong nakakalasing.


Nararamdaman ko na lang ang pagsanggi ng puwetan ni Czarina sa harap ko, medyo nahihilo na rin ako kaya wala na akong kontrol.


Mali yata ako ng pinasok.



JADE'S POV:


Daig ko pa ang nasa top 5 ng Miss Universe habang nanonood ng special commercial noong softdrinks na 'yun.


Pinapakita nito si Paulo na umiinom ng orange flavor binaon ko din kanina. Ang sarap niyan eh. Hahahahaha.


"I hope you are ready viewers, 'cause we're going to pick-up the luck raffle winner in the count of.."


"10"


"9"


"8"


Sinimulan ng i-jumble ang mga tickets sa parang lotto na machine. Ako na 'yan, nararamdaman ko..


"7"


"6"


"5"


"4"


"3"


"2"


Huminga ako ng malalim dahil nakabunot na ang host. OMG.


"1"


Hindi pa rin ako humihinga, nagsimula na ang drum roll at binasa na ng host ang nasa ticket..


"And the winner of 3-day vacation with Paulo Dela Fuente.." Inilabas ko na ang kanina ko pang pinipigil na hininga at hinabol ko ang oxygen na malanghap ko.


"From Manila, Philippines, Jade Santillan!"


OMG, PANGALAN KO 'YON. PANGALAN KO 'YON.


Nagtatalon na ako sa sofang kinauupuan ko at pati si Mama napababa ng di-oras na agad ko rin namang niyakap.


"Nanalo ako sa raffle~ 3 day vacation, here we go!" Sigaw ko habang yakap si Mama. 



//COMMENT VOTE SHARE//

[{




Continue Reading

You'll Also Like

104K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
378K 25.3K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
33.2K 2.1K 94
Some get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine...
13.4K 1K 23
The Sunset's Boyfriend ********** "Tsk!" Pinigilan ni Haime ang sarili n'ya. Nakayuko pa rin siya sa natutulog na si Irvin. Imbis na halikan si Irvi...