Kung Kailan

By myfinalfantasy

96K 1.7K 203

Piyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo... More

Kung Kailan
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Espesyal na Kabanata
feu

Kabanata 38

1.1K 17 0
By myfinalfantasy

Kabanata 38

Love Is Not An Obligation

----------

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin na umalis ka na ng SC?" tanong ni Ate Lousha.

Umagang umaga, tumataas ang boses niya. Nawawalan tuloy ako ng ganang kumain. Makaalis na nga.

"Sorry," sabi ko na lang para magtigil na siya.

"Kung di lang sinabi sa akin ni Maru kahapon, hindi ko pa malalaman." Bumuntong hininga siya. "Ikaw pa naman ang gusto kong gawing secretary next year."

Uminom ako ng tubig. "Wag na, Ate Lousha. Wala namang boboto sa akin kasi hindi naman ako sikat katulad mo."

Tinignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala. Tumayo na ako.

"Mauna na kong pumasok." Narinig kong may bumusina sa labas.

Agad akong napatingin sa kwarto nina mama at papa. Natatakot ako na baka magising sila sa ingay ng busina.

"Sino 'yon?" tanong ni ate.

"Zieg," simple kong sagot at tsaka lumabas na ng bahay.

Pagkalabas ko ng gate, nakaabang na siya sa akin. Sinalubong niya ako ng kanyang ngisi.

"Good morning," he greeted.

"Good morning." Sumimangot ako. "Next time itext mo na lang ako kapag nandiyan ka na. Palagi akong natatakot na baka magising sina mama dahil sa ingay ng busina mo, e."

Natawa siya. "Alright. I'm sorry. Hindi na mauulit."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga kamay namin. Napatingin kami parehas sa aming mga kamay at sabay kaming napangiti. Wow, ang saya ko ata ngayon. Umaapaw ang saya ko. Abot hanggang FEU.

"Mauna ka na sa room, Zieg. Punta muna akong cr," sabi ko sakanya.

Tumango siya at binitiwan ang kamay ko. "Okay. Take your time."

Nang makita kong pumasok na siya ng room, pumasok na rin ako sa cr. Napahinto ako sa pagpasok ng cubicle dahil may isang nilalang na kung makatitig sa akin ay akala mo ang bait bait ko. Really, Leilani? Mukha talaga siyang mabait pero ang totoo, hindi naman! May dilang demonyo 'yan, e.

Sinuklian ko rin ang titig niya. I was looking at her like she was an angel fell from heaven. Huh, take that. Susuklian ko ang lahat ng mga ibibigay o gagawin mo sa akin para pantay lang tayo.

"Mukhang masaya ka, ah?" her smile became wider.

Mas lumapad din ang ngiti ko. "Syempre naman. Masaya talaga ako."

"Because of Zieg? Why? Did you have sex already? Hindi ka na virgin?"

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Oh my gosh. Tama ba ang narinig ko? Sinabi ng isang Leilani iyon? Kahit alam kong may dilang demonyo siya, hindi pa rin ako makapaniwala na sasabihin niya iyon. Sa itsura niyang sobrang inosente, maling mali na marinig ko iyon mula sakanya.

"Bastos," hindi makapaniwalang sabi ko.

Umiling ako bago siya talikuran at pumasok ng cubicle. Mabilis kong sinarado ang pinto. Nagulat ako nang humiyaw si Leilani. Binuksan ko ang pinto. Nakita kong hindi na maipinta ang mukha niya sa sobrang sakit habang hawak ang kamay niyang mukhang naipit sa pinto dahil sa pagkasara ko.

"Ang sama mo! Isusumbong kita kay Zieg!" bulyaw niya at lumabas ng cr.

Natameme ako. Ilang segundo pa akong natameme bago ako tumawa. Ang isip bata naman ni Leilani. Nakakatuwa.

Isumbong daw ba ako kay Zieg? Sus. Ano siya? Kapatid ni Zieg? Siya ba si Zylie? Umaasa ba siyang papagalitan ako ng ugok na 'yon? Subukan lang niya.

Pumasok ako ng room. Hindi na ko nagulat nang makita ko si Zieg at Leilani na nakatayo habang ang lahat ng blockmates ko ay nakaupo at nakikinig sakanila. Lahat sila ay napatingin sa akin.

"Zieg, ang sakit sakit. Naipit ako ni Saeko. Hindi ko naman siya inaano," mangiyak ngiyak na sumbong ni Leilani.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilang tumawa. Isip bata talaga.

Tumayo si Yuni at pumunta kay Leilani para aluhin siya. Napairap ako. Yeah, alam ko. Hindi ko na siya kaibigan pero nakakabitter lang na makita ko mismo na may iba na siyang kaibigan. At si Leilani pa.

"Zieg, bakit wala kang sinasabi? Dapat pagalitan mo 'yan si Saeko. Kampihan mo ako."

Napairap ulit ako. Nakikita ko na ang mga blockmates ko na mukhang natutuwa sa napapanood nila. Nakakatuwa naman kasi talaga itong si Leilani. College na pero isip bata pa rin!

"No, Zieg. Ako ang kampihan mo," sabi ko, pinipigilan ang tawa.

Sige, sasakyan ko ang drama mo, Leilani.

Palipat lipat ang tingin ni Zieg sa amin ni Leilani. Tinaasan ko siya ng kilay. Subukan mo lang na piliin iyang ex mo, lagot ka sa akin.

"Zieg! I'm your first love! First in everything! Ako ang kampihan mo!" untag ni Leilani.

Napanganga ang iba kong blockmates sa narinig. Umiling ako. Grabe na siya. Sasabihin niya talaga ang kahit ano para lang kampihan siya ni Zieg?

Nakita kong tumayo si Shaira at pumunta sa gilid ko.

"Mukhang tanga 'tong si Lala. Parang desperada na siyang makuha ulit si Zieg. Dati lang ay si Zieg ang patay na patay sakanya pero niloko lang niya. Karma is really a bitch," natatawa niyang sabi. "Go, Katarina. I'm with you."

Sa simpleng tayo lang ni Shaira sa tabi ko, pakiramdam ko may totoo na kong kaibigan na hinding hindi ako lolokohin at tatraydurin. Iyong kaibigan na masasabi kong sa akin lang talaga.

Napangiti ako.

"I'm not taking sides, alright," sabi ni Zieg at tumingin sa akin.

Nainis ako sa sinabi niya. Umiiral na naman ang pagiging neutral niya! Dati gusto ko ang ugali niyang iyan pero ngayon, sinusumpa ko na! Bakit hindi niya kayang kampihan man lang ang isa sa amin? Bakit hindi niya ako kampihan? He loves me, right? Gusto kong ipakita niya sa lahat na ako ang kakampihan niya dahil mahal niya ako! Bwisit siya!

"Gago ka talaga!" untag ko. Umalingawngaw ang boses ko sa buong room. Lahat ng mga mata ay nasa akin na. "Gago ka, Zieg Lloyd." Pumiyok ang boses ko.

Alam kong malapit na akong umiyak kaya lumabas ako ng room. Mahal niya ako pero hindi niya ako kayang kampihan. Kahit tama man o mali ako, dapat sa akin siya kakampi.

Umupo ako sa hagdanan at yumuko. Pilit kong pinipigilan ang mga luha kong tumulo. Saeko naman... Umagang umaga tapos iiyak ka?

"Katarina..." tawag ni Zieg. Sobrang lambing ng boses niya. Gusto ko tuloy siya yakapin pero galit ako sakanya. Pakiramdam ko pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao.

"Please, look at me..." pagsusumamo niya.

Hindi ko siya sinunod. Magpapakipot ako kasi galit ako. Gusto ko lambingin niya ako.

Patago ko siyang sinilip. Nakita ko ang mukha niyang sobrang guilty. Buti naman alam mo kung anong ginawa mo kanina. Pinaramdam mo lang naman sa akin na hindi mo ako kayang kampihan.

"Sorry na..." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko kaya napaangat na ako ng tingin sakanya.

Nakaluhod siya sa aking harapan. Hindi kaya siya malaglag? Nasa hagdan kaya kami ngayon.

Tipid siyang ngumiti. Hinaplos niya ang mga kamay ko. "Don't feel bad. I know it's my fault for not taking your side. I'm sorry. Hindi na mauulit. Sa'yo naman ako kakampi, e."

I hold back my tears. "Alam ko naman na neutral kang tao. Pero nakakainis ka. Sabi mo mahal mo ako pero hindi mo ako kinampihan. Pakiramdam ko pinahiya mo ako kanina."

"Sorry na, Katarina..." nag puppy eyes siya.

Gusto ko tuloy siyang yakapin. Ang cute niya. Nawala na lang bigla iyong inis ko. Can I cuddle with him right now?

"Okay lang, Zieg. Hindi ko ata kakayanin kapag mas kinampihan mo 'yong ex mo kesa sa akin na girlfriend mo."

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Napatulala siya sa akin. Ayaw niya ba ng sinabi ko?

"Girlfriend? You're my girlfriend?" he asked me with trembling voice.

"Ayaw mo ba?" I made a face. "Diba ganoon naman talaga? Kapag nagkaaminan na ang isang babae at isang lalaki, common sense na 'yon. Couple na sila. Ano ba, Zieg. Ang hina mo ata ngayon?" mapang-asar akong ngumisi.

"Ayaw mo bang ligawan kita?"

Umirap ako. "Wag na. Sayang lang sa oras, e. Mahal naman natin ang isa't-isa. Bakit kailangan pa ng ligaw? Ligawan mo na lang ako kahit tayo na." Tumawa ako.

Pumikit siya at ngumiti nang wagas. Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinalikan kagaya ng palagi niyang ginagawa sa mga kamay ko.

"Wag mo naman ipahalata na masayang masaya ka," asar ko sakanya.

"I'm really happy, Katarina. It's been a long time since I have a girl to call my own," sabi niya habang nakapikit at nakangiti pa rin.

"Ang ewan mo talaga!" Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa labi.

Humiwalay siya. "Akala ko ba ayaw mo ng PDA?"

"Bakit? Wala naman tao, ah?"

Tumingin siya sa likod ko. Napatingin din ako sa aking likod. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko si Maru na matalim ang tingin kay Zieg. Oh my God. Nakita ba niya na hinalikan ko si Zieg?

Tumayo si Zieg. Hinawakan niya ang kamay ko at tinayo rin ako. Tinapunan ng masamang tingin ni Maru ang magkahawak naming kamay. Napalunok ako. Damn. Parang lalabas na ang puso ko sa aking dibdib.

"What's with the text, Saeko?" Buong buo ang boses niya. "You love him?" Tinignan niya si Zieg.

Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakikipagtitigan kay Zieg. Panay lang ang ngisi nitong ugok na 'to. Hindi niya ba maramdaman iyong tension sa pagitan naming tatlo?

"Maru, I'm sorry." Hindi ako makatingin sakanya.

Bumuga siya ng hininga. "Please, wag ngayon. Alam kong naguguluhan ka lang. Wag muna nating pag-usapan iyong text mo sa akin." Tumingala ako para tignan siya. Hindi na maipinta ang mukha niya habang tinitignan kaming dalawa ni Zieg. "Alam kong mahal mo ako, Sae."

Mahal kita, Maru. Pero mas mahal ko si Zieg. Ang sama sama ko, diba? Pinaasa na naman kita. Sasaktan na naman kita kagaya dati. You're a great guy but you don't deserve a girl like me. I'm the type of girl that can fall in love with another guy while saying she's in love with you.

"She loves you," Zieg said. I looked at him. How could you say that? "But she loves me more than she loves you."

Nagtiim bagang si Maru. "Stop saying nonsense things."

"Stop being an ass." Mahina siyang humalakhak. "Love is not an obligation. It's a feeling. Minahal ka talaga ni Katarina. Alam ko iyon. Naramdaman ko. Pero habang tumatagal, nahuhulog na siya sa akin because you were an ass. Nagkabalikan kayo pero unti-unti nang nawawala ang pagmamahal sa'yo ni Katarina. Akala niya mahal ka pa rin niya pero hindi. She was obligated to love you because she hurt you before. Gusto niyang bumawi kaya minahal ka pa rin niya kahit ako na talaga iyong totoong mahal niya. Naiintindihan mo ba, Maru Domingo? Because you were an ass, she fell for me. I was always there when you were not around."

Bumilog ang mga kamao ni Maru. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Zieg.

"That's not true." Tumingin sa akin si Maru. Nagsusumamo ang kanyang mga mata. "Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang lahat ng mga sinabi niya."

Umiwas ako ng tingin sakanya. I can't, Maru. Ayokong magsinungaling sa'yo pero hindi ko naman kayang sabihin sa'yo ang totoo.

Dammit. Lahat ng mga sinabi ni Zieg ay totoo. I don't want to comfort you with lies.

"I'm sorry—" he cut me off.

Suminghap siya. "Don't be. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Let's talk about this next time. Clean your head and know your true feelings for me, Sae. I will be expecting you to say on my face that everything he said was a lie. You can't be in love with a guy like him." Umiling siya sa akin bago siya tumalikod at umalis palayo sa amin.

"A guy like me?" he chuckled. "Anong klaseng lalaki ba ako, Katarina?"

Masama ko siyang tinignan. May gana pang tumawa ang ugok na 'to. "You're an idiot who doesn't take things seriously."

Buong araw ay hindi ako makatingin nang diretso kay Maru. Katabi ko pa rin siya ng upuan kaya sobrang naiilang ako. Gusto ko nang matapos ang araw na ito.

Nagtama ang mga mata namin ni Leilani. Sabi ko magiging mabait ako sakanya. Sabi ko susuklian ko ang lahat ng mga binibigay at ginagawa niya sa akin pero hindi ko kinaya ang tamis na ngiting binigay niya sa akin. Ano bang tumatakbo sa utak ng babaeng ito?

Inirapan ko na lang siya. Hindi ko alam kung plastik siyang tao o ganoon lang talaga siya.

Hinatid ako ni Zieg sa aming bahay. Nasa harap pa kami ng aming gate. Ayaw niya pang bitawan ang kamay ko.

"Talaga bang ganoon iyong ex mo? Hindi ko alam kung plastik siyang tao o ano, e. Makita ko pa lang mukha niya, pakiramdam ko ako na ang pinaka masamang babae sa mundo. Pero ang totoo, siya naman iyong may dilang demonyo sa aming dalawa."

Humalakhak siya. "Wag mo na siyang pansinin. Ganoon talaga iyon."

"Ang isip bata pa niya. Hindi ko naman kasalanan na maipit siya nang sinara ko iyong pinto ng cubicle. Malay ko bang sumunod siya sa akin. Kung ano-ano kasing pinagsasabi. Ang bastos ng bibig."

"Bakit? Ano bang sinabi niya?" Nag dalawang isip pa ako kung sasabihin ko sakanya. Nakakahiya kasi, e. "Sabihin mo na, Katarina."

Bumuntong hininga ako. "Sabi niya ang saya ko raw. Dahil daw ba sa'yo. Nag sex na raw ba tayo. Hindi na raw ako virgin. Bwisit," bulong ko.

Tumaas ang kilay niya. "Dapat pinagsigawan mong virgin ka pa. Be proud!" tumawa siya.

Hinampas ko ang dibdib niya. Hinatak niya lang ako at hinalikan sa labi.

"Zieg!" pilit akong humihiwalay sa labi niya dahil nasa harap kami ng bahay namin.

Hindi siya nakinig sa akin. Hinawakan niya ang batok ko at mariin niya akong hinalikan. Hindi na ako nagpumiglas nang kagatin niya ang lower lip ko.

"Zieg..." I moaned his name. "Si Kuya Joey... baka nakatingin," sabi ko sa gitna ng halikan namin.

"Don't mind him."

Iyon nga ang ginawa ko. Kahit nasa gilid lang namin ang Montero niya at malaki ang posibilidad na nanonood sa amin si Kuya Joey, hindi ko na inisip iyon at sinuklian na lang ang mapupusok na halik ni Zieg.

Napadilat ako habang naghahalikan kami nang marinig kong may humintong sasakyan sa aming harapan. Nalaglag ang panga ko at tinulak si Zieg. Bumukas ang bintana ng front seat.

"Go to your room! Now!" halos mapigtas na ang ugat sa leeg ni mama nang sigawan niya ako.




Continue Reading

You'll Also Like

224 10 25
Napunta ka sa isang sitwasyon na kailan man ay hindi mo ginusto. Paano mo kaya matatakasan ang isang sitwasyon na hindi mo ginustong pasukin at kahit...
22 0 20
Kailangan mo sumugal kung gusto makilala ang taong mahal ka.. Di lahat nag mahal ,minahal din Minsan kailangan pa natìn isugal ang ating buhay natin...
312K 1.5K 5
Pain and hardship are part of life, but moving on? That is the hardest part of all. Alessana Martinez thought she had finally buried the past. But in...
19.2K 453 33
Mahirap masaktan. Mahirap magmahal ng paasa. Pano kung yung pagmamahal na gusto mo, eh isa lamang palang pagpapanggap? Kaya mo bang tanggapin na It's...
Wattpad App - Unlock exclusive features