The Delinquent and The Silent

By Emmie_Carmelo

103K 3.3K 231

A mute girl, Century, was living a cruel life in her guardian's custody. She was a victim of physical and men... More

Copyright
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45

Chapter 5

2.5K 87 2
By Emmie_Carmelo

Hindi kami umimik habang nakatingin lang sa'min 'yong pipi. Sa dilim ng kalyeng to, para siyang kawatan. At idagdag pang may hawak siyang butcher knife! Bakit siya may butcher knife?!

"L-Luke.. b-bakit siya may dalang e-espada?"

Tumingin ako kay Danny. Mukhang iihian na niya pantalon niya. Nasisiraaan na ba to ng mata? "Ano ka ba?! Anong espada?"

Alanganing tinuro niya 'yong hawak ni Century.

Ngumisi ako. "Hindi kaya hindi pa niya nakakalimutan 'yong ginawa mo sa elevator nun kaya binabalikan ka niya?" pananakot ko pa sa kanya.

Siniko naman niya ako sa tiyan. Anak ng--!

Sisinghalan ko pa sana siya pero nagsimula nang lumapit sa'min si Century. Ang higpit pa ng hawak niya sa butcher knife. Hindi kaya hindi lang pipi 'to? Baka may diperensya din siya sa ulo.

Hindi kami nakapagsalita ni Danny hanggang makalapit siya sa'min at tuluyan kaming lampasan.

Napahinga lang kami ng maluwag nang nakalayo na siya sa'min.

"Uuwi na ako! Mommy!" tili ni Danny habang naglalakad siya palayo. Syempre hinila ko hoodie niya bago pa siya makaalis.

"Hindi pwede! Sabi mo sasamahan mo ako kaya sundan na natin siya. Andito na tayo, ayoko ng bumalik bukas para maghanap uli!" singhal ko sa kanya.

"Luke! Hindi mo ba nakita?! Papatayin niya tayo! Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang ikalat ang genes ko!" reklamo nya.

I made a face. "Kung papatayin niya tayo adi sana kanina pa niya ginawa nung nakatalikod pa tayo sa kanya! Pero nilampasan niya tayo Danny!"

"Wala akong pakialam!"

Hindi na din siya naka-angal nang hilahin ko siya para sundan 'yong pipi.

"Diyan siya nakatira?"

Dinagukan ko si Danny. "Huwag kang hater!"

Hindi naman sa hindi maganda ang bahay na pinasukan ni Century pero andami kasing nag-iinuman sa labas ng bahay. Tinisod pa siya nung isang lalaki nang papasok na siya. Tawanan naman 'yong iba.

Kung ako lang 'yong pipi na 'yon, gagamitin ko sa kanila ang butcher knife. Pero hindi eh.

"Parang hindi ako tatagal diyan, Luke. Bahay ba niya 'yan?" tanong na naman ni Danny.

This time, humarap ako sa kanya. "Ano tingin mo sa'kin? Stalker niya, ganun? Malamang hindi ko alam di ba? Kaya nga sinusundan natin siya eh!"

Nag-surrender naman si Danny. "Oo na. Kalma lang boss. Baka tumaas altapresyon mo, mawalan pa ako ng minamahal sa buhay. Mamimiss kita, alam mo 'yan. Mahal kit---"

"Anong kailangan niyo?"

Sabay kaming tumingin sa nagsalita. Isa siya sa nag-iinuman at lahat ata ng tumatagay eh nakatingin sa'min. Siniko ko agad si Danny.

"Ang ingay mo kasi eh!"

"Nawawala ba kayo?" tanong na naman nung mama. May hawak siyang San Miguel sa isang kamay at yosi sa kabila. Halatang may tama na siya pero nakakabilib na nagagawa pa niyang tumayo.

"Ah hindi po, may hinahanap l-lang" sagot ni Danny habang nagtatago sa likuran ko.

Kahit kelan naman talaga.

"Sino hinahanap niyo?"

"Okay lang po. Aalis na po kami. Salamat na lang po" singit ko habang hinihila si Danny pabalik sa dinaanan namin kanina. Ayokong mapa-away dito. Inutusan lang akong hanapin 'yong pipi hindi magpakadakila para mahanap siya. Ang swerte naman niya kung magagalusan 'tong pagmumukha ko para lang sa kanya.

"Bakit hindi mo na lang tinanong 'yong mama?" tanong na naman ni Danny habang hinihila ko siya. Tumalikod ako para tingnan kung narinig siya nung mama pero mukhang hindi naman kaso nakatayo pa din siya dun habang hinihithit 'yong yosi niya. Naaalala ko si Hercules sa kanya. Alam kong hindi nagyoyosi si Hercules pero sa siya nga ang naaalala ko!

"Masama kutob ko sa kan—"

Natigilan kami ng bigla na lang may sumigaw sa bahay. Sabay kami ni Danny na lumingon. Hindi ko sana papansinin pero ang lakas ng sigawan.

"Wala ka ng ginawang tama! Pahirap ka sa bahay na 'to! Pipi ka na nga wala ka pang kwenta!"

Hinihila ng isang babae ang buhok ni Century habang may isa pang lalaki na may hawak ng baseball bat. They're pulling Century outside the door and Century's limping. Mukhang pinalo siya ng baseball bat somewhere sa legs or sa paa niya. I cringed. That hurt.

"Hala lumayas ka! Layas!" sigaw nung lalaki na may hawak ng bat sabay hataw uli kay Century sa likod. She was thrown to the ground.

Okay. I know she's not my business pero that's abuse already. I jogged to them. Hindi ko na pinansin ang mga nag-iinuman sa sinabi nilang wag akong lumapit.

I rushed to Century's side. Her hands and arms are bleeding. Ouch.

"Excuse me sir. Ano po ba kasalanan niya?" Danny asked. His voice is a bit harsh. Nakatayo siya sa likuran ko habang inaalalayan ko si Century tumayo. Danny might be a child most of the times but not at times like this.

"Sino ka ba? Kaibigan ka niya?!" tanong din ng babae na humila sa buhok ni Century kanina.

We didn't respond but Century groaned.

Sasampalin pa sana nung babae si Century kung hindi ko agad siya iniwas.

"Tama na" nagpipigil na saway ko.

She glared at me then turned to Century. "Tandaan mo 'to Century, wala ka ng bahay na babalikan dito! Wala kang kwenta!!"

Agad ko siyang hinila paalis pero dahil hindi siya makapag lakad ng maayos, binuhat ko na lang siya. She protested at first pero hindi ko siya binaba then she calmed down.

Nauna na si Danny para kunin ang sasakyan niya. Sinalubong niya kami at agad huminto. Sinakay ko si Century sa backseat. Nag-panic ako nang hindi na siya gumagalaw.

"Danny, sa hospital tayo. Bilis!" sigaw ko matapos tabihan si Century.

I examined her wounds. Dumudugo pa din 'yong kamay at braso niya. May red marks sa leeg niya na halatang sinakal. And her head's bleeding. Her cheeks have those nasty bruises and she has busted lips. I shook my head. Ano bang buhay ng babaeng 'to?






"Where is she?" tanong ni papa nang makalapit sa'min.

"O.R. dad. Mag-iisang oras na siya dun." I answered.

Agad kong tinawagan si papa nang maisugod namin si Century sa emergency room. She's so pale and I know naubusan siya ng dugo. She's a mess.

"What happened?"

I shrugged. "I don't know—she's..." I paused. "They're beating her"

Dad pursed his lips and scratched his neck.

"I don't know her story but she's got bruised all over her body. Some are healing, some are worse. That's what the nurse said."

Dad slowly nodded. "I need a lawyer."

With that, he walked away. Tumingin ako kay Danny.

"Thanks man. You can go home now."

He shrugged. "It's okay. I wanna stay."

"Okay."

"Tingin mo, anong nagawa niya kanina?"

I shook my head. "Hindi ko alam pero... bakit ganun na lang siya ipagtabuyan kanina."

"Who knows." He stood up. "She's tough though. Hopefully, maging okay siya."

"Luke Aragon?"

Tumingin ako sa doctor na tumawag sa'kin. "Me"

"Stable na siya. Ipapalipat namin siya sa ward. She'll be unconscious for the next 24 hours or so but she's okay now. You can see her in her room in five minutes"

"Is she okay?"

We both turned to my dad. Buti naman andito siya. Wala akong idea kung anong sasabihin sa doctor na 'to.

"Yes... sir" alanganing sagot ni Doc ewan.

"Sorry, my name's Jin Aragon. Luke's my son. I'm the guardian of the patient, doctor."

Doc nodded.

"Can I talk to you in private, doc?"

"Yes of course. This way please."

Dad glanced at me. "Get her a private room, Luke"

I nodded then he followed the doctor. Whew.

hrE


Continue Reading

You'll Also Like

37.8K 350 12
The tittle says it all. [TagLish(Tagalog/English)]
12.9K 1.2K 55
West Land series #2 West Land Military Academy is a school for students who want to be one of the west land's pillars. It's either you will be a sold...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.9K 149 42
Pano mo ipaglalaban ang pag-ibig mo.. kung yung mismong taong iniibig mo, hindi ikaw ang gusto? Gagwin mo ba ang lahat, magustuhan ka lang nya? Kwent...