Mysterious Soulmate

By -Babin-

1M 11.4K 1.4K

A story of a guy who finds his perfect match in the imperfect world of corporate industry. More

Note:
Stanly's Profile
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 {part 1}
Chapter 3 {part 2}
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (under construction)
Chapter 11 (under construction)
Chapter 12 (under construction)
Chapter 13 (under construction)
Chapter 14 (under construction)
Chapter 15 (under construction)
Chapter 16 (under construction)
Chapter 17 (under construction)
Chapter 18 (under construction)
Chapter 19 (under construction)
Chapter 20 (under construction)
Chapter 21 (under construction)
Chapter 22 (under construction)
Chapter 24 (under construction)
Chapter 25 (under construction)
Chapter 26 (under construction)
Chapter 27 (under construction)
Chapter 28 (under construction)
Chapter 29 (under construction)
Chapter 30 (under construction)
Chapter 31 (under construction)
Chapter 32 (under construction)
Chapter 33 (under construction)
Chapter 34 (under construction)
Chapter 35 (part 1) (under construction)
Chapter 35 (part 2) (under construction)
Chapter 36 (under construction)
Chapter 37 (under construction)
Chapter 38 (under construction)
Chapter 39 (under construction)
Chapter 40 (under construction)
Author's Note
MMS Special
SC - The Wedding
SC - The Reception

Chapter 23 (under construction)

18.8K 172 16
By -Babin-

Angelie's POV

"I love you too Stanly.." ang sarap pakinggan ng I love you lalo na kapag sa taong mahal mo maririnig...

Niyakap ako ni Stanly ng mahigpit, ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.
Napapikit ako, mas ramdam ko ang pagmamahal niya sakin.. sobrang saya ko na siya ang kasama ko ngayon.

Pag dilat ko nasa rooftop na kami ng Alexus.

Ang lakas-lakas ng hangin parang uulan nagtataka ako sa kanya bakit lumalapit kami sa gilid ng building. Grabe nakakalula pala dito, nilalamig ako grabe. Tiningnan ko si Stanly.

"Stanly may problema ba?"

Nakatitig siya sa baba.. na para bang gusto niyang tumalon.. tumingin siya sakin.

"Anj are you ready?"

"Ready for what?"

"In 3, 2, 1"

Binuhat niya ko at hinulog sa building!!!

"Waaaaaaaaaaaaaah!"

Tumawa siya ng malakas na malakas.

Boom!

Nahulog ako sa kama. Phew panaginip lang pala hayyy nakaka takot naman yun, teka gaano ba ako kalikot matulog at nahulog pako sa kamang to?? Hayy loka ka Angelie nawiwindang ka nanaman. Tumayo na 'ko..

"Wala na pala si Stanly dito, hmmm siguro nagluluto na siya ng breakfast para samin. Hayy magaling na kaya siya talaga?"

Lumabas nako ng kwarto ng makita ko si Stanly na papalabas na ng unit niya. Bakit siya naka coat? Papasok na ba siya? Di man lang niya ko ginising...

Hinayaan ko na siya at di na tinawag. Naalala ko nanaman ang panaginip kong yun, grabe kung gagamitan ko ng logic yun marami talagang mensahe ang panaginip na yun?? Ano kaya yun? Kinakabahan ako.

Napansin kong may note na iniwan si Stanly sa table.

Para sa 'kin pala.. binasa ko na..

"Angelie, di na kita ginising dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo ang lahat ng nangyari kagabi.
Sorry kung nahalikan kita hindi ko sinasadya, sana kalimutan mo na yun. Isipin nalang natin na walang nangyari.
Wala lang sakin yun at sigurado akong wala lang rin sayo ang nangyari.
Siguro sa mga oras na 'to nasa office na 'ko.
Pinag luto kita ng almusal kumain ka bago umalis,
Sorry talaga hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sayo kaya sinulat ko na lang."

Stanly.

Parang tinadtad ng itak ang puso ko sa mga nabasa ko. Napaupo ako sa sahig na naiyak nalang ng bigla,

Wala lang pala sa kanya ang lahat. Hindi ko akalaing hindi niya pala ginustong halikan ako, ang sakit sakit talaga.

Buong maghapon akong nakaupo sa sahig ng condo unit niya. Nakakapagod din palang umiyak, natauhan ako ng biglang may tumawag sa phone ko. Tumayo agad ako at pumasok sa kwarto para kunin ang phone.

Slate's calling...

Sasagutin ko ba 'to?

Sinagot ko ang phone..

"Hey Anj."

"May kailangan ka?"

"Nasaan ka? Nandito ako sa tapat ng apartment mo eh. Pumasok ka ba??"

"Huh? ... ahh oo nasa office ako ngayon bakit?"

"Teka umiyak ka ba?"

"Huh? Bakit mo naman natanong??"

"Bakit parang iba ang boses mo ngayon? Parang galing ka sa iyak?"

"Hindi ako umiyak no! Bakit naman ako iiyak ang saya-saya ko nga eh.."

"Pwede ka ba mamaya?"

"Saan naman?"

"Basta lang, dinner."

"Oo di naman ako busy ngayon..."

"Ahh ganon ba? Ahh sige magkita nalang tayo mamayang gabi susunduin kita diyan okay?"

"O-o sige."

Binaba ko na ang phone.. tulala parin ako habang inaalala ang mga nakasulat sa note ni Stanly.

Nagulantang ako bigla ng maalala kong susunduin ako ni Slate mamaya. Dali-dali akong tumakbo palabas ng unit ni Stanly at umuwi ng apartment, maliligo muna ako pagkatapos di-diretso ako sa main lobby ng office.

Tama nga si Slate, hindi lang ako magiging masaya kay Stanly dahil hindi naman niya ko gusto. Eh ako naman kasi tong tatanga tanga eh, eengot engot ayan tuloy ang napapala ko. Pinag aksayahan ko lang ng panahon tsk sana nga kay Slate nalang ako nainlove eh, siguro masaya ako ngayon. Arggg palagi nalang akong pinaiiyak ni Stanly ang sama niya.

Pumunta na 'ko sa office at umupo sa salas ng lobby. Tinignan ko nalang ang buong paligid.

Grabe para talaga akong nasa palasyo sa sobrang laki at sobrang ganda ng lugar na 'to... hayyy
tama kikilalanin ko nalang si Slate ng maayos. Hmmm kilala ko naman na siya eh, eh kung sagutin ko na lang kaya siya? Mabait naman siya eh at mahal niya ko kaya tiyak akong magiging masaya rin ako sa kanya..

Maya-maya pa at dumating na si Slate, inakbayan niya ko papalabas at ang tingin na naman ng mga katrabaho ko.. naku nakakatunaw sa sobrang panlilisik hayyy..

Hmmm basag-basag din pagmumukha ni Slate ahh hmmm mukhang alam ko na kung saan nakuha ni Stanly ang mga pasa niya ahh tsk tsk tsk iba talaga 'tong magkapatid na 'to. Hayy ano kayang uri ng laro ang ginawa nila noong isang gabi?? Sapak sapakan?? Hayy...

Stanly's POV

Hmmm hindi pumasok si Angelie. Sabi ko na nga ba at wrong moves na naman ako, sabaw tsk dapat sinabi ko na lang ng maayos sa kanya. Baka galit yun sa 'kin ngayon tsk.

Umalis na 'ko sa office di-diretso ako sa apartment ni Angelie para kausapin siya ng maayos.
Nabastos ko yata talaga siya kagabi nakakahiya.

Nakabastos na nga ako mali pa ang paghingi ko ng apology tsk tsk bobo ka na naman Stanly!

Pagdating ko dun wala si Angelie. Siguro nasa unit ko pa siya di-diretso na lang ako.

Napadaan ako sa flower shop kaya naisipan kong bumili ng isa para sa kanya.

"Magkano?"

"1.5k po sir.."

"Yan na ba ang pinakamaganda niyo?"

"Meron pa po sir pero mas mahal."

"Kukunin ko ang pinaka magandang bulaklak niyo."

"Sige po sir."

Ayan sigurado akong matutuwa siya dito.

Pag akyat ko sa unit ko akala ko nandoon siya pero wala pa rin siya dun? Nakita ko ang breakfast na iniwan ko hindi man lang nagalaw. Anj nasaan ka na ba?

Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang phone niya.

Hindi ako mapakaling hindi siya makausap ngayon.. kailangan kong humingi ng tawad kasalanan ko naman ang lahat ng 'to eh.

Bumalik ako sa office, ewan di ko na din kasi alam kung saan ko siya mahahanap..

"Si Angelie ba pumunta dito?"

"Sir?" Tanong nang isang babaeng staff.

"Si Angelie, nagpunta ba siya dito?"

"Bakit po sir?"

"Tinatanong ko kung nagpunta ba dito si Angelie!!!!!"

"Opo sir kanina po bakit po ba?"

"Wala kang pakialam wala kang kwentang kausap! Hwag na hwag ka nang magpapakita pa dito ah umalis ka na at maghanap ng bagong trabaho wala kang kwenta!"

"Sir naman..."

"Lumayas ka sa harapan ko!"

Tinanong ko na lang ang guard..

"Mga anong oras nandito si Angelie?"

"Mga alasais po sir, nagtataka nga po kami kung bakit umupo lang siya sa salas kanina at di umakyat. Siguro sir mga kalahating oras lang sinundo siya ni sir Slate dito."

"Teka.. magkasama sila ni Slate ngayon?"

"Opo sir."

"San daw pumunta?"

"Wala naman pong sinabi sir."

Umalis na 'ko at hinanap ang dalawa. Umuusok ang tenga ko sa galit!!! Slate saan mo dinala si Angelie!?!
Hinding hindi mo ko matatalo Slate akin lang si Angelie! Tsk ano na bang nangyayari?? Dapat di ko nalang hinalikan si Angelie eh, edi sana ngayon hindi siya galit sakin. Siguro pumasok na lang siya kesa nakipagkita sa kapatid ko. Tsk.

Pinuntahan ko ang lahat ng mga posibleng restaurant na puntahan nila pero wala sila doon. Habang tumatagal lalo akong napipikon! Tinulinan ko ang pagmamaneho ko at nang bigla akong matauhan, muntik na pala akong bumangga sa malaking puno sa isang playground.

Hingal na hingal ako. Parang napagod ako sa paghahanap ng makita ko si Slate at Angelie na nakaupo sa isang bench malapit sa isang lamp post.

Lumabas ako ng sasakyan at agad na lumapit sa kanila..

"Slate.."

Tumingin si Slate kay Angelie..

"Yup?"

"Gusto mo talaga ako no?"

"Oo naman at kahit paulit-ulit ko pang sabihin sa lahat mahal na mahal kita Anj."

Napangiti si Angelie at..

"Sige Slate pumapayag na 'ko."

"Pumapayag na alin?"

"Na ano..."

Nagdilim ang paningin ko kaya sinugod ko si Slate at binangasan sa mukha. Hinawakan ko si Angelie at hinila papunta sa sasakyan ko..

"Stanly ano ba!?"

"Ano ba!? Anong ginagawa niyo ni Slate dito?"

"Ano bang pakialam mo!"

"Angelie ano bang ginagawa mo sa sarili mo?"

"Ano bang problema mo? Ha?? Wala kang pakialam sa gusto kong gawin o sa kung sino ang gusto kong kasama! At isa pa iwasan mo ngang maging masyadong marahas! For sure ikaw ang nag umpisa kaya kayo nagkasapakan dalawa noong isang gabi!"

"Gusto ko lang naman humingi ng tawad eh."

"Wala akong pakialam sayo umalis ka na nga!" Pumiglas siya sa pagkakahawak ko.

Kinuha ko ang bulaklak sa loob ng sasakyan ko at binato sa kanya.

"Yan bulaklak mo! Magsama kayo ng kapatid ko!"

Pumasok na 'ko sa sasakyan ko at umalis na. Tsk pinag aksayahan ko lang ng panahon si Angelie sana pala hindi ko na siya hinanap naubos lang ang oras ko.

Angelie's POV

Naiyak na naman ako, nakakabastos ang ginawang pagbato sakin ni Stanly.
Pero hindi ko nalang pinansin dapat nasasanay na kasi akong ganun talaga siya, walang galang sa mga babae.

Bumalik ako kay Slate..

"Slate ayos ka lang ba?"

"Yup I'm ok eh ang hina hina naman sumapak ni kuya eh!"

Natawa nalang ako sa sinabi niya at pinalo siya sa braso..

"Sira ka! Ano ba kasing pinag awayan niyo noong isang gabi?"

"Ayun? Wala yun."

Umupo ako sa tabi niya at sinabunutan yung tipong hihiwalay ang bawat hibla ng buhok niya sa anet.

"Ikaw! Anong wala huh? Saan niyo na kuha ng kuya mo yang mga pasa niyo sa mukha?"

Natawa siya bigla at lumapit sakin namula ako bigla..

"Sigurado kang gusto mo malaman kung sino ang pinag-aawayan namin?"

Kinabahan ako bigla...

"Oo nga!"

Natawa nanaman siya at tumalikod sakin..

"Wala nga yun, usapan ng mga lalaki ang ganung bagay hindi mo dapat tinatanong.."

Tumayo siya bigla... at humarap sakin..

Nag gagalit galitan ako baka matakot siya at sabihin sakin ang pinag-awayan nila ng kuya niya.

"Teka nga.. may sinasabi ka sa 'kin kanina eh ano nga ulit yun?"

Nataranta ako bigla..

"Huh? Ano yun? Wala yun no!"

"May sinabi ka eh.."

"Wala nga!"

"Isa! Sasabihin mo ba o hindi?"

"Aba! Pwes kung gusto mong sabihin ko ulit yun, ikwento mo muna sakin ang nangyari sa inyo ng kuya mo!" Tinaasan ko siya ng kilay.

Natawa siya bigla. "Di bale na nga." Tumayo na siya at niyaya nakong umuwi.

Phew kinabahan ako dun, grabe nagpapadalos dalos ako ng desisyon.. nagawa ko lang ata yun dahil galit ako kay Stanly eh. Hayyy basta kailangan ko munang kilalanin mabuti si Slate bago ko siya sagutin.. buti nalang at kahit papaano eh na enlighten ako hayyy grabe... itutulog ko na nga lang 'to, salamat kay Slate at kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

Teka napapansin ko lang, sa tuwing inaaway ako ni Stanly palaging si Slate ang sumasalo sakin... hmmm.

Continue Reading

You'll Also Like

567K 15.9K 30
Transferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudy...
4.1M 84.6K 38
"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa mga...
15.1M 110K 64
Eugenio Carlos or Gin is perfect. He is tall, handsome and he has money. He is the only son of Governor De Villa. And not to add he will inherit th...
360K 12.1K 41
Sa mundo kong mapaglaro, may natitira pa bang matino? Lahat ng bisyo ay nasa harapan ko pero lagi kong tinatanggihan. Pero ang isang bisyo na hindi k...