Panyo by S.M.B
~
“Shiela ayoko na..” Nagulat ako sa mga sinabi niya.. Automatic na napaluha ako dahil dun..Di ako makapagsalita,di ako makapaniwala..“Tama na..”
“B-bakit C-ced?” sambit ko habang tuloy tuloy parin sa pagluha.. habang gulong gulo ang isipan..
“Itigil na natin to.. wala nang patutunguhan ang relasyong to.. shiela.. wala na”. Hinawakan niya ang dalawang kamay kong nanginginig na ngayon.. “Itigil na natin.. shiela please”
“May kulang ba? C-ced ano? Ced naman..” Humigpit lang ang hawak niya sa mga kamay ko.. “C-ed please.. Wag namang ganito..” pagmamakaawa ko..
“Shie…” nakayuko siya.. lalo akong napahagulgol dahil sa pagsambit niya ng pangalan ko.. Ced.. ayoko.. ced..
Di ko alam kung bakit ganito ang nangyayari ngayon.. di ko alam kung bakit siya ganito.. maayos naman kami ee.. maayos ang relasyon namin.. Masaya kami.. Pero bakit ganito.. bakit?
Anniversary namin ngayon.. diba dapat Masaya kami?.. diba dapat nageenjoy kami?.. diba dapat tuwa ang makikita sa mga mata namin hindi luha? Diba dapat saya ang nararamdaman namin pareho? Pero bakit makirot? Bakit masakit? Ayoko nito ayoko..
“Shiela…” nakayuko parin siya..
“Bakit ba? Bakit ka bibitaw? Masaya naman tayo diba? Ano bang problema sabihin mo naman Ced please..” Tuloy tuloy parin ang mga luha ko sa pagtulo.. di ko alam pero di na ata sila titigil.. dahil hindi ko kayang pigilan.. Hinawakan ko ang mukha niya at inangat ang ulo niya para makita ko siya.. tinitigan ko ang mga mata niya.. ayokong itanong dahil di ako handa sa isasagot niya.. Ayoko mang itanong pero dapat.. “C-ced m-mahal mo pa b-ba ako?” utal utal na tanong ko..
“Sorry” Isang simpleng salita lang pero sobrang sakit.. parang isang milyong kutsilyo ang tumusok sa puso.. isang salita lang pero siya namang nakapagpaguho sa mundo ko.. Bumitaw ako.. kahit ayoko.. bumitaw ako kahit masakit.. Tumayo ako.. at tumalikod sa kanya.. “Sana maging Masaya ka” yan ang huling pangungusap na binitawan ko bago ako tumakbo at lumayo..
Di ko alam kung saan ako tutungo di ko alam kung saan ba dapat.. Malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo.. Masakit.. kasi mahal ko si Ced sobrang mahal ko siya..
Napaupo nalang ako sa kalsada dahil wala na akong lakas nanghihina na ako.. Nanginginig ang buo kong katawan.. Wala na akong pakialam kung sino man ang makakita sakin ngayon dito.. wala na akong pakialam kung anong isipin nila.. kasi wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.. wala na..
Nagulat nalang ako nang may biglang kamay na may hawak na panyo sa harapan ko.. “Miss kailangan mo yan.. Kunin mo na..” Napatingala ako dahil sa nagsalita.. Lumuhod siya at pinunasan ang luha ko.. “Di ka dapat umiiyak sa kalsada miss.. Di bagay sayo.. ang ganda mo pa naman” Tumayo siya at kinuha ang kamay ko para itayo.. Namumukhaan ko siya pero di ko alam kung saan ko siya nakita.. tsss wala ako sa mood para alalahanin pa..
Ngumiti siya ng matamis sakin pero.. di ko kayang ngumiti pabalik.. Yumuko lang ako.. nakakahiya.. para akong isang batang naagawan ng candy sa itsura ko ngayon.. “S-salamat”yan nalang ang nasambit ko.. tatalikod na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.. At pinihit niya ako paharap sa kanya.. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin.. Weird yung pakiramdam dahil sa yakap niya pakiramdam ko safe ako.. Pakiramdam ko maayos ang lahat.. lahat okay..
“Ang pagmamahal ay kakambal ng Sakit.. Masasaktan at masasaktan ka pag nagmamahal ka.. Wala ka nang magagawa dun Miss.. Pero yang sakit na yan mawawala rin..Pagdating ng panahon” Pagkasambit niya niyan ay lumayo siya sakin at ngumiti.. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila.. di ko alam kung saan niya ako dadalhin pero di na ako nagcomplain.. mabait naman siguro siya..
Tumigil kami sa isang park.. Pinaupo niya ako sa swing at siya umupo rin sa kabilang swing.. Humawak ako sa magkabilang tali ng swing at yumuko..
“Kalimutan mo siya.. kalimutan mo lahat ng memories niyo..” bigla bigla nalang siyang nagsalita.. Kaya napatingin ako sa kanya.. nakatingala lang siya at minamasdan ang kalangitan..“Mahirap yun at masakit. Pero Kailangan mo yung kayanin kasi pag di mo ginawa yun.. Walang mangyayari.. di mawawala ang sakit.. Ang puso inaalagaan hindi sinusugatan.. Kung nasugatan man pinapagaling yan.. Sunugin mo lahat ng litrato mong kasama siya.. Itapon mo lahat ng binigay niya.. Pampabawas din yun ng sakit.. Bitter man kung bitter pero.. diba bitter is better nga sabi nila” Tumingin siya sakin at ngumiti..
“gumawa ka ng bagong memories kasama ang ibang tao.. Wag mo siyang alalahanin kasi sinaktan ka niya.. Kung patuloy mo lang na itatanim sa utak mo ang pangalan niya patuloy lang yang babaon sa puso mo.. patuloy lang na lalalim ang sugat patuloy lang na sasakit..” Ang lalim ng taong to.. di ko alam kung saan niya hinuhugot lahat ng sinasabi niya.. Pero nakakatulong siya..
“Hugh!” nagulat ako nang biglang may sumigaw.. Kaya napalingon ako.. Namumukhaan ko sila.. Apat sila at papalapit samin.. ni… Hugh??? O.O
“Andiyan ka lang pala hugh.. kanina ka pa namin hinahanap ee..”
“Oo na Gerald.. “ tumayo si Hugh at nilapitan ako.. Inabot niya yung panyo “Kailangan mo parin yan miss diba? Sige na alis na ako..” siya sabay talikod..
Pero bago sila umalis narinig kong nagsalita si Gerald..
“Siya ba yun Hugh?” Di ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko..
Pero nang makalayo na sila.. Napukpok ko ang ulo.. Si hugh ng Parking Five Jrs. Pala ang kasama ko kanina pa.. isang sikat na banda yun at sila Gerald, Carlo, Lyndon at Kensumi pala ang mga yun.. Hayyy shiela tanga ka… Talaga naman.. Tsk tsk..
----
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagbabasa ng libro na gawa ni Hugh ang “Forever and a Day” nang biglang may pumasok sa kwarto ko..
“Tara na shie.. may mall show ngayon ang Parking five juniors. Inaantay na tayo ni Lian sa baba”
“Sige Lia susunod na ako..” Oo tama ang basa niyo si Lia nga ang kausap ko.. nagkakilala kami dahil simula ng araw na kinomfort ako ni Hugh.. yun na din ang simula nang madalas na pagpunta ko sa mga mall shows at mini concerts ng P5 jrs. Fangirl na ako mg ate.. siyempre ni Hugh ahahaha!
Mag-iisang taon na din ang nakalipas simula nang araw na yun.. hahaha! Tagal na no? Pero simula nun di ko pa ulit nakakausap si Hugh.. nakakalungkot man pero.. hayyyyy…
Agad agad akong nagayos at pagtapos bumaba ako nadatnan ko naman si Lian at Lia sa sala..
“Hayyysss may kasing baliw na nga talaga si Lia..” Napatawa nalang kami ni Lia sa sinabi ni Lian..
Pumunta na kami sa Venue at siyempre sa harapan kami.. Kami pa.. Kung tatanungin niyo ako kung kamusta na ang puso ko.. Well okay naman na siya may bago nanamang laman.. Hawak ko ngayon ang panyo ibinigay sakin ni Hugh noon.. Hayy naalala niya pa kaya.. sana..
Nagulat ako nang biglang may humila sakin.. Nakahood.. “Te-teka.. huy sino kaba?” tanong ko pero wala di siya nakikinig waaaaa. Kikidnapin na ba ako? Waaa naman ee gusto ko pang mabuhay gusto ko pang makausap si Hugh ulit ee.. “YAAAA.. Bitawan mo ko!!!” sigaw ko pero walang pumapansin sakin.. shemss anong problema nila? Huhuhuhuhu kinakabahan na ako aa. Ang higpit ng hawak neto ni kuya sakin…
Nagulat ako nang tumigil kami sa isang kwarto.. yaaa bakit ang dilim dito huhuhuhu naman ee.. Napatingin ako sa lalaking humatak sakin.. “Lyndon!?” gulat na sambit ko..
“Ahahaha! Ako nga sorry aa.. nag-aalala ka ba? Si Hugh kasi ee” siya sabay kamot sa ulo.. ako eto gulong gulo..
Nagulat ako ang biglang nagkailaw.. At nagpakita sakin ang banda buong banda nila.. Si Hugh nasa gitna.. hala!? Anong meron?
“hi! Shiela!” nakangiting sambit ni hugh.. waaaa shemay nahihiya akoo.. kinikilig ako sa pagsambit niya ng pangalan ko. Nemen ee.. “Aa… ano! Hehehehe!” waaa namumula rin ba siya? Yaaaaaa…
“Namumula si Hugh guys wooo!” sigaw ni Kensumi.. nakita ko namang binatukan siya ni Carlo.. ahahaha ang kwela talaga nila..
“Shiela.. Ahmm.. Kasi matagal na kitang kilala.. kasi nga crush kita matagal na.. alam ko lahat ng galaw mo.. yung pagkakita ko sayo sa kalsada? Sadya yun kasi nga sinusundan kita.. at yun na din ang time na nagkalakas ako ng loob na lapitan ka..”siya sabay kamot sa ulo.. hala nahihiya ka ba hugh.. gosh pa hug nga ang cute mo ee. ahahahah!
“Lapitan mo na bro!” sigaw ni Carlo..
“Onga’” hala si chandria pala andito din.. PAti sina Lorraine, Jillian at mariko..
Shockss nahihiya ako..
Nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni Hugh ang mga kamay ko. Iba talaga ang pakiramdam ko pag siya ang gumagawa nun.. Ibang iba..
“Matagal akong naghintay sayo Shiela.. Nasaktan man ako nung naging kayo ni Ced pero di ako sumuko kasi nga mahal kita.. Ang paniniwala ko Di allowed ang magpakatanga kahit para pa sa taong mahal mo kasi sa buhay hindi patangahan pero.. lahat yun nagbago nang Makita kita kasi sobra kong naging tanga.. sobrang naging torpe.. Ganun pala talaga pag nagmahal no? Di ako nagpakita sayo simula nang gabing yun kasi alam kong nasasaktan ka pa.. ayoko maging band aid no.. sino bang may gusto? Pero ngayon.. wala na akong pakialam kung gawin mo man akong band aid diyan sa puso.. wala akong pakialam kung rebound lang ako. wala akong pakialam kung mahal mo pa siya.. pero gagawin ko ang lahat para maghilom yang sugat sa puso at mabaon ko diyan ang pangalan ko.. Mahal na mahal kita Shie.. sobra..” Napaluha nalang ako sa mga naririnig ko..
Pinunasan niya ang mga luha ko..”Wag ka ngang umiyak.. kasi dobleng sakit ang nararamdaman ko pag nasasaktan ka..Please wag mo akong pahirapan tahan na..”siya sabay yakap sakin.. ito nanaman yung feeling ko.. yung safe ako sa yakap niya.. Shockss inlove na nga ata ako sa taong to..No hindi ata! Oo inlove na ak kay Hugh Gothico.. Gosh.. at..at.. mahal niya ako OMG.. Niyakap ko siya ng mahigpit at napahagulgol.. Ngayon isa lang ang alam ko.. Tumutulo ang luha ko di dahil sa sakit kundi dahil sa saya..
“Mahal din kita Hugh..” sambit ko habang nakayakap sa kanya.. bigla naman siyang kumalas sa yakap at tumingin sa mga mata ko.. Napangiti ako halatang gulat na gulat ee.. “Oo Hugh Gothico mahal din kita.. Mahal na mahal kita..” sabi ko nang nakangiti.. “
Hindi ka rebound hindi ka band aid at hinding hindi mangyayari yun.. Kasi simula nang araw na binigay mo ang panyong to” sabay pakita ko sa panyo niya na hanggang ngayon nasa akin parin.. “Simula nun napalitan na ang laman ng isip ko at sa paglipas ng panahon Bumaon na ang Hugh Gothico sa puso ko.. Malalim na hugh.. malalim na..”
Dahil sa binitawan kong mga salita niyakap niya ulit ako hindi siya nagsasalita pero ramdam ko sa bilis ng tibok ng puso niya na Masaya siya.. Hello? Ako din kaya Masaya.. Isang Hugh Gothico ba naman ang magmahal sayo..
Minsan allowed din talaga masaktan ang isang tao no.. kasi dahil dun may mga darating ..
Sa tingin niyo ba lalapit siya sakin at magaabot ng Panyo kung di naman ako parang batang umiiyak na nakasalampak sa kalsada.. sa tingin niyo ba papayuhan niya ako kung di kami nagbreak ni Ced.. lahat ng mga nangyari, nangyayari at mangyayari may rason.. Lahat may dahilan masakit man o Masaya may patutunguhan..
Akalain niyong dahil sa sakit na naramdaman ko noon yun pa ang naging dahilan para sobrang sumaya ako ngayon.. Well that’s life =)
So Yun ang love Story namin ng isang “Hugh Gothico”.. Patuloy na yang babaon sa puso ko.. Di na ako matatakot na palalimin pa ang pagbaon niyan sa puso ko kasi alam ko di niya ako sasaktan.. hihihihihi BYE!
“YIEEEEEEE Hahahahaha” rinig kong sigaw nilang lahat nagkatinginan naman kami ni Hugh at nagtawanan..
Panghabang buhay na ang sayang to… Sana…
~
Voteeeee!! :D