Meant

By mystelic

879 143 34

We're meant to see. We're meant to meet. But are we really meant to be? START: November 21, 2015. 23:11:12. ... More

Meant
Start
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven

Sixteen

27 4 2
By mystelic

Pinark niya ang kanyang sasakyan sa SM. Aabay naming tinanggal ang seatbelts pero mas nauna siya para pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." Pasalamat ko at bumaba. Sinarado niya ang pinto niya at may pinindot para mailagay na yung bubong ng kotse. Tumabi siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Napatingin ako doon bago bumaling sakanya.

"Tara na?" Tanong niya. Tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad. Pagkapasok namin sa mall ay nagtungo muna kami sa McDo para kumain. Siya ang nag-order kaya pumili ako ng table. Umupo ako sa pangdalawahan.

"Oh, Gail? Mag-isa kalang?" Napatingin ako sa nagsalita. Sa katabi naming table ay si George, isa sa mga kaklase ko. Nakangisi siya habang kasama ang mga kaibigan niya.

"Nope. May kasama ako." Sagot ko at nag-iwas ng tingin. Nanligaw na sakin dati si George pero.... uhmmm.... binusted ko siya. I don't like him. Mayabang siya at makasarili.

"Asan? Baka naman gusto mong ako ang sumama sa'yo?" Tanong niya. Iritado ko siyang binalingan. Ngumisi siya. "Wala kang kasama, diba?" Dagdag pa niya.

Sasagot na sana ako nang may naglapag ng tray sa table. Inangat ko ang tingin ko kay Xavier. Umupo na siya sa katapat kong upuan at ngumiti.

"Sorry. Medyo mahaba kasi ang pila." Saad niya. Ngumiti ako sakanya.

"Nope. Okay lang." Sagot ko. Bumaling ang atensyon ni Xavier kay George kaya napatingin din ako sakanya. Nakalaglag panga siya, no, silang lahat. Ngumiti ako sakanila at binaling nalang ang atensyon sa pagkain.

"So... what do you want? Movie?" Tanong niya. Gusto ko rin sana pero mauubos ang oras namin sa ganon lang.

"Don nalang tayo sa 4th floor. Games." Saad ko. Tumango lang siya. Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami sa McDo.

Nagtungo kami sa 4th floor at naglaro sa Tom's World. Tawa ako ng tawa nang makailang beses akong bumangga habang naglalaro mg Car Racing. Magkalaban kami ni Xavier na halos walang baga.

"Andaya!" Saad ko nang manalo siya sa race. Tumawa lang siya at naghanap na kami ng bagong mapaglilibangan. Natuon ang atensyon ko sa isang parang Hunting Game.

"Dun tayo!" Saad ko at hinila na siya. Naglagay kami ng token at hinanda ko na ang baril ko. Nang magstart ay agad akong bumaril. Natapos ang laro at sobrang saya ko nang maging maayos ang performance ko.

"Kita mo 'yun?!" Natatawa kong saad kay Xavier bago siya binalingan. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sakin habang laglag ang panga.

"You.... you almost killed all the zombies." Saad niya na di makapaniwala. Kumunot ang noo ko.

"Bakit? Diba kelangan naman talaga?" Tanong ko. Ngumisi siya at umiling. Hinila ko naman na siya sa ibang mga games don.

Sa huli ay pagod na pagod kaming umupo sa fake grass ng SM. Kitang-kita namin ang orange na langit.

"Gail, nag-enjoy kaba?" Tanong niya. Bumaling ako sakanya.

"Yup!" Sagot ko at tumawa. Mayamaya ay humikab ako. Inaantok na ako dahil sa pagod. Nagulat ako nang iginaya niya ang ulo ko upang humilig sa balikat niya.

Napatingin ako sakanya. Nakangiti siya sakin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. Napabaling ang atensyon ko don at namula.

May napadaan na grupo siguro ng mga High School students na mas mababa ang year level. Napatingin sila samin. Narinig ko pa na bumulong ang isa sakanila.

"Wala pong poreber." Bulong niya. Binawal naman siya noong binulungan niya pero nagtawanan sila habang umalis. Naramdaman ko ang pag-iling ni Xavier at ang paglagay din ng ulo niya sa ulo ko.

"Mga bata nga naman." Saad niya. Natawa nalang ako. Mayamaya ay napagdesisyonan na naming umalis.

Nakasandal na ako ngayon sa sandalan habang nakatingin sa labas. Top down parin kaya ramdam na ramdam ang lamig ng simoy ng hangin.

Tahimik ang byahe dahil kapwa kami pagod. Nadaanan namin ang bahay nila Clarkson at bukas ang gate. Nakita din namin si Mommy na nasa labas.

"My!" Tinawag ko siya kaya binalingan niya kami bago pumasok sa loob. Hininto ni Xavier ang kamyang sasakyan sa harap ni Mommy.

"Oh, Gail!" Gulat niyang tanong. Bumaling ang kanyang atensyon kay Xavier. Ngumiti siya. "Oh, hijo. Bumaba na muna kayo at dito na maghapunan. Nandito ang buong barkada." Saad niya. Sabay kaming bumaba ni Xavier, at dahil nga gentleman siya, pinagbuksan na niya ako ng pinto. Napangiti nalang si Mommy.

Sabay-sabay kaming tatlo na pumasok sa loob. Rinig namin agad ang ingay nila Senere sa loob kaya naalala ko si Kuya Tyron.

"Kung alam niyo lang!" Halakhak ni Senere. Pumasok na kami sa loob at napatingin sila samin. Ngumisi si Senere.

"Ayun, oh! Si Tsong! Dumadamoves na!" Sigaw niya na ikinatawa naming lahat. Binigyan ako ng upuan ni Xavier habang siya ay nakatayo sa gilid ko.

"Wew, he." Medyo parang mala-Babalu na boses ni Van. "Tatlo na ngayon ang may relationship. Uuuuyyyy, single pa kami, uuuuuy." Gaya niya kay Babalu.

Nagtawanan kaming lahat. Binato naman siya nila Miggy, Clarkson at Xavier ng unan.

"Ano okasyon?" Tanong ko. Bumaling ang atensyon nilang lahat kay Miggy at Krissa na larang may sariling mundo. Dahil na rin siguro sa pagkatahimik namin ay napatingin sila samin.

"B-bakit?" Tanong ni Krissa. Ngumisi ako.

"Ano ba okasyon ngayon?" Tanong ko. Napakunot ang noo niya.

"Hah? Anong okasy--" natigil siya sa pagsasalita at parang may naalala. Namula ang mukha niya. "HEH! Magsitigil nga kayo!" Sigaw niya na ikinatawa naming lahat.

Naging maayos na pala si Miggy at Krissa. Nalaman ko din ang story nila dahil kinwento nilang lahat. Pulang-pula ang mukha ng dalawa habang kami ay tatawa-tawa lang.

Tinawag na kami para maghapunan. Puro tukso ang inabot nila Miggy at Krissa kaya halos hindi makakain ng maayos si Krissa. Sila Trinity at Clarkson naman ay nagsusubuan sa gilid kaya misan ay tinutukso sila, na gustong-gusto naman ni Clarkson.

"Gail." Tawag ni Xavier na katabi ko.

"Hmmm?" Baling ko sakanya. Nagulat ako nang may kutsara sa harap ko. Namumula ang tenga niya.

"Pumapasimple si Tsong!" Tawa ni Van na ikinatawa ng lahat. Pulang-pula naman ang mukha naming dalawa hanggang sa matapos kaming maghapunan.

Nagpunta na muna kami sa salas upang doon ipagpatuloy ang kwentuhan.

"Pero ehem, ikaw hah, Gail." May ngising banggit ni Senere. Kinabahan ako sakanya pero ngumiti nalang ako. Nagmukha tuloy ngiwi.

"Ano naba status niyo? Dating? In a relationship? Getting to know each other?" Tanong niya. Nanlaki ang mata ko. Sasagot na sana ako pero may umakbay sakin. Napabaling ako kay Clarkson na nakangisi.

"Insan, boto ako kay Xav." Saad niya. Gusto kong umayon na boto din naman ako sakanya pero nakakahiya dahil nandyan ba si Xavier.

Speaking of Xavier, napatingin ako sakanya. Kausap niya si Van. Tumatawa pa silang dalawa. Pero nagulat ako nang tumingin si Xavier sa gawi namin kaya agad akong tumingin sa ibang gawi. Namumula ang mukha nang tumayo ako para magpunta sa CR.

Lalabas na sana ako nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko iyin at nakita ko ang message ni Xavier.

From: Xavier Sandoval

Where are you? Uuwi na kami.

I replied.

To: Xavier Sandoval

Nag-CR lang saglit. I'll be there in a minute.

Sagot ko at binilisan ang paglalakad. Wala na sila sa salas kaya nagtungo ako sa labas. Nakita ko sila don. Agaw pansin pa sila Clarkson at Trinity sa gilid at hindi mapaghiwalay.

"Uuwi na kayo?" Tanong ko sakanila nang makalapit ako.

"Yep. Gabi na rin, eh." Saad ni Senere sabay beso sakin. Bumeso din naman ako sakanya. Nang lumayo siya sakin ay nakita ko si Xavier na nakatingin samin. Nang makita niya akong nakatingin sakanya ay umiwas siya ng tingin at tumalikod pero halata ang mapupula niyang tenga. Napangiti nalang ako.

"Alam niyo, kinakabahan ako sa estilo niyong dalawa, eh." Natatawang bulong ni Krissa sakin upang magpaalam.

"Huh?" Tanong ko. Napailing lang si Krissa at tumawa. Sa pagkacurious ko ay aksidente ko siyang nasapak.

"Ouch!" Daing niya. Sinimangutan ko siya. Natawa lang ulit siya at pumunta na kay Miggy. Lumapit naman sakin si Trinity at yumakap.

"Natanggap mo ba ang video na ginawa ni Clarkson?" Tanong ko. Bigla niyang inilayo ang katawan sakin at nanlalaking matang nakatingin sakin. Ngumisi ako.

"Okay lang ba? Tinuruan ko kasi yung pinsan kong parang jeje. Jeje kasi ang gawa niya nong una." Natatawa kong saad. Tumawa naman siya.

"Yup, buti nga hindi sumakit ulo ko." Tawa niya kaya mas lalo kaming nagtawanan. Nagpaalam na sila. Ihahatid sila ni Clarkson gamit ang van. Nagulat nalang ako nang maiwan ang Mercedez ni Xavier. Lumingon-lingon ako sa paligid kaya nagulat ako nang may tumakip sa mga mata ko.

"Ay palaka!" Gulat kong saad. Napatalon pa ako ng bahagya. Hinawakan ko ang kamay na tumatakip sa mga mata ko at pilit na tinatanggal. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Xavier sa tenga ko kaya kinilabutan ako.

"Peste! Xavier, yung kamay mo!" Natatawa pero iritado kong saad. Tinanggal naman niya ang kamay niya habang tumatawa. Lumabas siya kaya magkatapat na kami ngayon.

"So ,uhmm..." Pinasadahan niya ng mga daliri ang buhok niya kaya medyo nagulo ito. Namumula din ang magkabilang tenga niya.

"Hihintayin ko na siguro si Mommy." Saad ko. Tumango siya at lumapit. Agad akong kinabahan kaya napako ang mga paa ko sa semento. Lumapit pa siya hanggang sa isang dangkal nalang ang layo namin sa isa't-isa.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, itinaas. Yumuko siya ng bahagya at pumikit. Akala ko'y hahalikan niya ako sa labi kaya pumikit din ako. Pero nagulat ako nang lumapat ang labi niya sa noo ko.

Shit. Shit.

Linayo na niya ang sarili niya kaya dumilat ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Mapungay na ang mga mata niya. Ngumiti siya at umatras.

"So..." Itinaas niya ang phone niya. Tumango ako at kinawayan siya. "Talk to you later." Saad niya at pumasok na sa sasakyan niya. Pinaandar niya muna ang makina bago bumaling ulit sakin.

Kinawayan ko na siya kaya umalis na din siya. Tinignan ko ang sasakyan niyang paalis pero nagulat ako nang tumigil siya at bumalik. Tumapat siya sa harap ko.

"You should go in first." Saad niya.

"Hindi na. Ikaw na muna." Saad ko. Umiling siya at itinigil ang makina ng sasakyan.

"No, go in." Saad niya. Inirapan ko siya pero napangiti ako.

"Okay, sige." Saad ko at medyo umatras. Tumigil ako nang makapasok na ako at isang dangkal ang layo sa gate.

"Nakapasok na ako. Sige na, umuwi kana." Saad ko. Ngumiti siya at napailing. Inilagay niya ang bubong ng sasakyan bago umalis. Napangiti nalang ako habang sinasarado ang maliit na gate.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 2.3K 52
Happyness. Sacrifice. Longing. Contentment. Guilt. Regret. Realization.
1.7K 115 18
Battle of heart and mind. Who I love? Who I want to stay? Who to choose? Choose Me.
928 6 29
I'm having a miserable life since child. I will never let you experience it
2.2K 115 88
Your the most perfect stranger whom I always love 'til the end, even though life doesn't want us to be together. Your the most perfect stranger whom...
Wattpad App - Unlock exclusive features