The Superstar (COMPLETED)

By JayceeLMejica

328K 10.8K 922

The Dela Fuente Brothers Book 1: Paulo Dela Fuente Paulo Dela Fuente, pinakasikat na bokalista ng bandang S... More

Prologue
The Superstar: 1
The Superstar: 3
The Superstar: 4
The Superstar: 5
The Superstar: 6
The Superstar: 7
The Superstar: 8 (Collab with xPANICx)
The Superstar: 9
The Superstar: Finale
The Superstar: Special Chapter
NEW STORY - The Other Side (Prologue)

The Superstar: 2

28.2K 1K 92
By JayceeLMejica

N/N: 


Ngayon lang ay kinusap ulit ako ni JR (in real life)  wala lang, natatawa lang ako. HAHAHAHA!  Nakakapressure talaga, ngayon lang ako nagkaroon ng ganito karaming reads during Christmas Vacation, thank you so much!  <3  


Si Paulo yung nasa multimedia!   By the way dedicated ang chapter na ito kay KetSebastian, bye-bye hahahaha baka hindi mo na ito mabasa kasi wala ka ng internet, #WalangPoreberSaInternet.  LOLS. 


When He Smiles: 2



"In the end your smile brings me back to you."


JADE'S POV:


"Oy, Jade! Ang dami naman ng binili mong softdrinks!" Bati sa'kin ni Mama nang bumaba ako ng kwarto at nakasuot na ng uniform.


"May raffle kasi si Paulo! Three day vacation ang premyo, Ma!" Tili ko sabay talon.


"Dios Mio! Jade, disi-otso ka pa lang! Oo nga at bading ka pero dapat ipakita mo sa ibang bading na iba ka sa kanila. Magpayaman ka, 'wag puro lalaki ang inisiip!" Pangaral nito sa'kin at nag hair flip ako.


"Dean's Lister ako, nag-aaral akong mabuti at may matataas na grades. Sapat naman siguro na minsan eh maghanap ng jowa! Jusko mader, para namang hindi mo naranasan ang maging ganito noong teenager ka." Kinuha ko na ang baon kong isang bote ng softdrink at isang sandwich na ginawa ni Mama.


Kahapon habang kasama ko si Oning Bading sa supermarket, sinagutan ko ang halos 20 raffle tickets at sabay-sabay silang inihulog sa box. Kapalit naman noon ang halos 20 ring bote ng softdrinks na kaya na yatang supplayan ang isang buong children's party.


"Aalis na 'ko Ma!" Paalam ko at naglakad na ako papalabas ng pinto.


**


Nakarating ako ng University kung saan ako pumapasok na fresh na fresh pa rin ang itsura pero naging ilado ng makita ko si JR kasama si Denden at sabay silang papasok sa entrance. Oo masakit pa rin pero ano bang kailangang gawin? 'Di ba ang tanggapin?


Naglakad na ako papasok sa gate at alam kong tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Kailangan sa buhay alam mo kung kailan ka lilingon at kung kailan hindi. Alam mo dapat kung ano ang masakit, dahil kakailanganin mo 'yun kapag wala ka nang matakbuhan.


Pumasok na ako ng classroom at nginitian ako ng mga kaibigan ko, pare-parehas naming hindi gusto ang kursong IT pero pinush na rin namin dahil masaya naman ang paggawa ng kung ano-anong program.


"Musta ang pagbili mo ng softdrinks?" Panimula ni Hannah at natawa naman si Cindy.


"Nararamdaman ko talagang ako ang mananalo sa raffle." Conceited at confident kong sagot sa kanila.


"Tama nga si Oni, nababaliw ka na talaga kay Paulo.. Paano na si JR?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Cindy at naisip ko na naman ang eksena namin kanina sa gate.


"Wala namang naging kami ni JR, duh~. Tsaka si Paulo naman talaga ang crush ko bago ko pa siya makakilala." Maarte kong award sa kanilang dalawa.


Si Cindy ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni JR kaya medyo ganyan siya, bida-bida!


Natigil ang daldalan sa classroom ng bumati na ang guro namin. "Good morning, Class!"


PAULO'S POV:


Tanghali na akong gumising dahil hindi ako nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung bakit pero para akong inaatake ng insomnia at ang nakikita ko tuwing pumipikit ako ay yung lalaking nasa bulto ng mga tao bago ako pumasok ng NRJ Building.


Yung mga ngiting yun! Ayan ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Bumangon na ako sa kama at umiling-iling para medyo magising ang diwa ko, gusto ko pang matulog pero may recording kami mamayang hapon.


Pagtayo ko kama, nakita ko agad sa salamin ang katawan ko. Hindi naman ako sobrang katangkaran katulad ng mga Kuya Ethan ko, pero alam kong mas gwapo ako! Sinuot ko na ang t-shirt ko na kulay puti at lumabas na ng kwarto. Pagdating ko sa sala ay nakita ko si Kuya Ahron na nagbabasa ng diyaryo, natural niya na yang ginagawa kapag nandito siya sa bahay, siya kasi ang leader ng isang secret task force na nanghuhuli sa mga kriminal.


"Laman ka na naman ng balita." Pambati nito na nginitian ko lang. Usually close naman talaga kaming magkakapatid kaso nga lang wala talaga akong tulog kaya wala ako sa mood para makipagkulitan. Bunso ako kaya medyo spoiled ako sa kanilang lahat maski na kay Mommy at Daddy na nag-migrate na sa States.


Tumayo si Kuya Ahron at inilapag ang diyaryo sa lamesita sa tapat ng kinauupuan kong sofa, nakita ko nga ang likod ko na papasok sa building pero isa ang pumukaw ng atensyon ko, yung nakangiting lalaki na nasa gilid. Lumawak ang mga ngiti ko sa nakita ko na sumakto pa na bumalik si Kuya na may dalang baso ng orang juice.


"Anong ngini-ngiti mo?" Tanong sa'kin ni Kuya Ahron na salubong ang kilay.


"Can you do me a favor, Kuya?" Balik ko sa kanya at umiling-iling ito.


"Hindi ka pa nagsasawa na humingi ng pabor sa'kin, Paulo? Nandyan naman si Ethan o kaya si Kuya Howard." Inis na sagot nito sa'kin sabay upo ulit sa sofa.


"Hahanapin mo lang 'yan, Kuya! Ikaw magaling dito eh." Pambobola ko which is totoo naman, si Kuya Ahron ang lalaking kayang hanapin ang taong matagal ng nabura ang pangalan sa mundo.


"Sino ba diyan?" Tumingin ulit ito sa diyaryo at itinuro ko ang lalaking nakangiti sa gilid, tumingin si Kuya sa'kin at iniarko nito ang kilay niya.


"Nagpapahanap ka ng lalaki? Bakit ninakawan ka ba niyan kaya ganyan makangiti?" Sunod-sunod na bira nito.


"Stop being stupid, Kuya! Malamang fan ko yan?" Sagot ko dito at natawa siya.


"I just found it very unusual, kailan ka pa naghanap ng information about sa isang fan mo? At malala, lalaki pa." Ibinaba ulit nito ang diyaryo sa lamesita at huminga ako ng malalim.


"Alam mo ba yung love at first sight?" Pakikipag-argue dito na alam ko namang medyo dehado ako.


"Sa babae, oo.. Pero sa lalaki, Paulo? Seriously? Bading ka ba?" Bakas sa mukha nito ang pandidiri ng sabihin niya ang salitang bading.


"Ako? Bading? Magsapakan pa tayo dito Kuya! Sabihin mo lang kung hindi mo hahanapin at ako na lang ang maghahanap sa kanya." Tumayo na ako dahil nakita ko ang oras sa wall clock ng salas namin.


"Fine! Hahanapin ko na, just be sure na hindi ka bakla Paulo at hahanapin ko 'to dahil naniniwala ka sa love at first sight."


Lumingon ako dito at tumango ako, "Thanks bro." Tumango na ito at bumalik na ako sa kwarto.


**


Nakipag-bro fist si Gelo sa'kin nang marinig niya ang ginawa kong hook sa bagong kanta na ginagawa namin . "Ang ganda ng pasok mo sa lead! Astig!"


"Ganyan talaga kapag inspirado kay Czarina." Ani naman ni Niel, ang bassist namin.


Czarina? Yung babaeng buntot ng buntot sa'kin ang reason kung bakit ako inspirado? Makati yung babaeng 'yun eh, she tried to seduce me once pero wala talaga siyang appeal sa'kin.


"Asa mga bro. Tigilan niyo ang lovelife ko." Suplado kong sagot dito at nagtatawa naman si Niel.


"Kahit naman sa ayaw at sa gusto mo, hangga't walang nakikilala ang fans mo na girlfriend mo, habang buhay nakakabit sa pangalan mo si Czarina. Tsaka ano bang ayaw mo dun pare? Maganda, magaling umarte." Kinagat nito ang labi nito at dinilaan niya pagkatapos na ikina-nginig ng katawan ko.


"Shit! Itigil mo nga 'yan!" Binato ko ito ng bote ng mineral water nang biglang mag ring ang cellphone ko.


Lumabas ako ng recording room at sinagot ito.


"Kuya Ahron, bakit?" Agad kong panimula dito, and at the same time nae-excite ako.


Bading na ba ako?


"Jade, Jade Santillan ang name niya."


Ngumiti ako ng abot-langit..


Jade huh?


"I'll send you the other infos on e-mail. Gotta go, bye." Binabaan na ako nito agad ng linya at nagulat ako ng makita ko sa tabi ko si Manager Reena.


"Paulo, next week na daw bubunutin kung sino ang winner sa raffle. Better be ready para dun and gusto ko lang ipaalala na gustong marinig ni boss ang new record niyo."


Parang walang pumapasok sa utak ko. Ang tanging naintindihan ko lang ang tungkol sa bakasyon, at dahil kay Jade parang ayaw ko nang magbakasyon.


Uulitin ko ang tanong ko, bakla na ba ako?


Arrrrg!


Nawala ang kung anong iniisip ko ng tinapik ako ni Manager sa braso.


"You're insane."


Insane, insane na kay Jade.



//COMMENT VOTE SHARE//








Continue Reading

You'll Also Like

33.2K 2.1K 94
Some get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine...
745K 22.9K 61
Mikee Lacsamana.Isang taong lumaki sa ampunan.Hindi nakapagtapos ng pag aaral.Subalit malaking pagbabago ang nangyari sa pagsugal niyang ibigin ang i...
146K 9K 16
3rd time is a charm! The 3rd Book of Torrero Series. Simula pagkabata ay sanggang-dikit na sina Blaine at Oswald. Ang unang pagkikita nila ay noong k...
101K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...