THE NIGHT HE STOLE IT

By MelCaraballe

157K 4K 249

Heart broken, I tried to drown my sorrow with alcohol until I pass out. But the next morning, I woke up with... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 3

9.3K 227 7
By MelCaraballe


Thankfully, unti-unti na akong naka-move on with each passing day. Everything will be fine basta kasama ko lang si Alex. Siya lang talaga ang palagi kong maaasahan at palaging nandiyan sa tabi ko kapag kailangan ko.

"Vanessa, ito tingnan mo. Bagay 'to sa 'yo," aniyang binuksan ang isang eye shadow duo. Nasa isang mall kami during our Sunday gala. Kapag may nagustuhan, bibili. Kung wala, enjoy lang sa tingin-tingin. Busog na ang mga mata sa window shopping.

"Palagay mo?" tiningnan ko ang kulay at inimagine sa sarili ko.

"Oo naman. Kunin mo na, at i-try natin sa restroom."

After half an hour, lumabas na kami sa restroom for the disabled person. Gandang-ganda ako sa ginawa niyang pag-makeup sa akin. Ang galing talaga niya. Siya ang makeup artist ko kapag may importante akong lakad.

Tuloy kami sa pag-ikot. Nang mapagod, kumain kami sa food court. Patapos na kami sa kinakain namin nang biglang mapaunat sa pagkakaupo si Alex at napatingin sa gawing likuran ko. Instinctively, napalingon din ako.

"Vanessa, can we talk? Please?" si Jeff, looking so sad. Para siyang aso na nanghihingi ng pagkain sa akin habang kumakain ako.

I pushed my plate away and grabbed the bottled water, tumayo ako at mabilis na humakbang palayo ro'n. Sumunod si Jeff, tinatawag ako. Hindi ko siya nilingon, ni hindi ako huminto. Then he grabbed my arm.

"Mag-usap tayo kahit sandali lang," his eyes were pleading.

I tried to yank my arm free but his grip was strong. After all ,lalaki siya. Doon na nakialam si Alex, hinawakan din niya ang braso nito para bitiwan ako nito.

"Give her time," sabi pa niya rito.

"Kahit sandaling-sandali lang. Please!" tuloy ito sa pagmamakaawa.

Naramdaman kong bahagyang lumuwag ang pagkakahawak nito, I was finally able to yank my arm free. Walang sabi-sabing hinatak ko na si Alex palayo roon. Ayokong makita si Jeff, much more makausap. I'm just not ready yet. Hindi dahil galit ako sa kanya kundi dahil guilty rin naman ako. To think na wala na akong maipagmamalaki pa sa kanya...

"Ness, sure ka bang ayaw mo na talaga siyang makausap?" tanong ni Alex nang kapwa na kami nakasakay sa taxi pauwi sa apartment ko.

"Wala na kaming dapat pang pag-usapan," sagot kong tumanaw sa labas ng bintana.

Natahimik siya. Paglingon ko, nakasandal siya sa upuan at nakatingala, nakatitig sa bubungan ng taxi. Is he worried about me?

Umusog ako palapit sa kanya at sumandal sa balikat niya.

"Hindi ko na yata napapansing tumatawag si Carl," naalala kong banggitin.

Walang sagot...

Bigla akong napatingala sa mukha niya. He's still staring up the ceiling, ngunit pakiwari ko'y tumatagos doon ang paningin niya.

"Alex, don't tell me..?" I started to say, pero nangangamba rin akong dugtungan ang sinasabi ko.

"Bakit, kesyo ba nag-break kayo ni Jeff, eh, hindi na kami pwedeng mag-break ni Carl? Akala mo naman ikaw lang, makikiuso rin ako 'no?" this time ay nilingon na niya ako at ngumiti, kaso hindi 'yon umabot sa mga mata niya.

"Gosh! I was so insensitive! I'm so sorry!" natutop ko ang dibdib ko.

"Ano ka ba! Sanay na ako sa break up. Pang-ilan na ba si Carl! Buti nga nagtagal kami ng three months eh," pabale-walang sabi niya pero sa labas ng bintana na siya tumingin.

"Kelan pa?"

"Wednesday lang."

Humilig akong muli sa balikat niya. Kapwa na kami tahimik hanggang makarating sa apartment ko. There are lots of things I want to ask him, but I don't want to rub salt on his wounds. He had been very considerate to me, I have to return the favor.

Everything perked up pagdating sa room ko. The place looked empty since I threw things that reminded me of Jeff, kaya bumili ako ng bagong kurtina at mga pan-display. Tinulungan ako ni Alex mag-ayos. Pati mga aparador at kama, inusog namin para magbago naman daw ang kapalaran ko. Ang mga picture frames na na-blangko dahil pinagtatapon ko lahat ng mga pictures namin ni Jeff, nilagyan ko ng panibagong pictures... mga pictures namin ni Alex na kuha kanina sa mall.

"Ahoy! Natapos din," nagtaas pa siya ng dalawang kamay na parang nanalo sa lotto.

"Salamat, Lex. Maliligo na muna ako," pinulot ko ang mga plastic wrapper at mga papel-papel na galing sa mga pinamili namin.

"Hep, teka lang. Ako ang mauunang maligo. Magluluto pa ako 'no? Para paglabas mo ng banyo, kunting hintay na lang, kain na agad tayo," awat niya.

"Talaga? Ipagluluto mo ako? Yes! Makakakain na naman ako ng masarap na lutong bahay!" parang batang sumayaw-sayaw pa ako kaya natawa siya bago pumasok ng banyo.

Pagkatapos kong magliligpit ng mga kalat, nakaramdam ako ng pagod kaya ibinagsak ko ang likod ko sa kama habang nasa sahig ang mga paa ko at hinintay na makalabas ng banyo si Alex. Ang tagal talagang maligo ng baklang ito.

Pinaandar ko ang paborito kong music sa cellphone at pumikit habang tumitipa-tipa sa sahig ang mga paa ko kasabay ng musika. Inisip ko ang masayang gala namin kanina ni Alex. Nakakapagod, pero sulit naman. Kaso, bigla na namang pumasok si Jeff sa eksena...

One week na kaming hiwalay, tapos kanina nagpakita siya na may gano'ng drama. Lalo tuloy akong nahihirapan. Pinahid ko ang mga luhang nagsimula na namang pumatak sa gilid ng mga nakapikit kong mata.

Nami-miss ko na siya... pero paano ko pa siya babalikan? Siya, kayang-kaya kong patawarin. Ako kaya, mapapatawad niya? Kung kailan ang bagay na ipinagdamot ko sa kanya ay ibinigay ko lang sa iba? Ang masaklap, sa hindi ko man lang kilala.

Nagulat ako sa patak ng tubig na tumama sa noo ko. Sa takot na baka sa mata ko tumama ang susunod na mga patak, nanatili akong nakapikit ngunit ipinansalag ko ang mga palad ko. Lalo lang sumama, dahil sunod kong naramdaman ay basang buhok na humampas-hampas sa mukha ko.

"Eeek!!! Alex!" dalawang braso ko na ang ginamit kong pantakip sa mukha ko.

I tried to roll to the side pero pareho palang nakatukod sa magkabilang tagiliran ko ang mga kamay niya. Wala akong takas. Isang paraan na lang ang naisip ko, ang kilitiin siya sa tiyan. Napaigik siya at agad na bumagsak sa kama sa tabi ko. Hindi ko na tuloy siya tinigilan, ang sarap kasi niyang tumawa.

"Tama na! Tama na! Ayoko na!" pumipiyok na sabi niya habang niyayakap ang tiyan.

Tumayo ako at ngumisi habang nakaumang ang mga kamay kong handa na namang kumiliti sa kanya.

"Aay! Maligo ka na doon, puro ka alikabok! Ang dumi mo kaya! Mangangati ako sa 'yo eh!" aniyang yakap-yakap pa rin ang sariling tiyan, hinihingal.

"Heeh! Ang arte mo talaga!" sumimangot ako at inirapan siya. Iniwanan ko siyang umaaray habang sapo ang tiyan, nakangiti at waring pagod.

Pagkatapos kong maligo, nakaupo na siya, naglalaro ng solitaire sa mesa habang inaantay na maluto ang puchero.

"Ang bango!" nilanghap ko ang hangin.

"Okay na 'yong kanin," nilingon lang niya ang rice cooker, tutok ulit siya sa pagsu-solitaryo.

"Tong-hits tayo. Para ka namang lola niyan eh," inusog ko ang isang upuan at naupo ako sa harap niya.

"Sandali lang, patapos na 'to. Matutupad ang wish ko kapag nakuha ko 'to," aniyang ni hindi man lang tumingin sa akin.

"Weeh! Ano ba ang wish mo?"

"Secret... kapag sinabi, hindi matutupad."

"Hmmm... alam ko na kung ano. Bagong papa," nakangiting nangalumbaba ako.

"Aaayy! Bakit mo sinabi? Ayan tuloy, hindi nakuha!" waring nagmaktol na naibagsak niya ang hawak na three of spades. Limang baraha na lang sana ang nakataob ngunit wala nang moves.

"Hahaha! Naniniwala ka naman sa ganyan! Hindi totoo 'yan. Tong-hits na tayo!" inipon ko na ang mga baraha.

"Mamaya na lang, kain na muna tayo. Luto na 'yon," tumayo na siya at pumunta sa kusina.

Pinagtawanan ko na lang siya habang nililigpit ko ang baraha at pinunasan ang mesa. Tinulungan ko na rin siya sa paglagay ng mga plato, kubyertos, at baso sa mesa.

After the delicious dinner, naglaro na kami ng inuungot kong tong-hits sa kanya. Maya-maya pa, naglabas na ako ng beer na pinalamig ko sa fridge. Habang naglalaro, umiinom kami. Kaya habang tumatagal ang laro namin, lalo kaming naging maingay, tawanan at kantiyawan. Hindi na tuloy namin namalayan ang oras.

"Late na. Huwag ka nang umuwi. Dito ka na lang matulog," anyaya ko sa kanya.

"Lunes bukas. May damit ba akong pampasok dito?" tanong niya matapos mag-isip saglit.

"Plantsado na at naka-hanger. Mag-iisang buwan na 'yan diyan."

"Tagal ko na palang hindi nakatulog dito..."

"Kaya nga, 'wag ka nang umuwi, lasing ka na kasi. Bawal mag-drive."

"Ikaw ang lasing 'no? Wala akong sasakyan," natatawang wika niya.

Tumawa lang din ako. Alam ko naman 'yon, gusto ko lang magbiro.

"Oy, pero alam mo, malapit na akong magka-kotse. Sa susunod na sahod, mabibili ko na ang ibinebentang Corolla ni Sir Max. Second hand 'yon pero maayos pa," excited na balita niya.

"Talaga? Wow! Dito ka na tumira! May car park naman sa baba," tuwang-tuwa namang napatayo ako. It was a wrong move, bigla akong nahilo pagtayo. Naparami yata ang nainom kong beer.

"Oy, ingat!" bulalas ni Alex na nasa tabi ko na agad in seconds at nakaalalay sa akin.

"Hehehe! Naparami yata ang nainom ko," kumapit ako sa braso niya.

"Bakit ba kasi kailangan mong maglasing?" he said as he guided me to the bed.

"Huwag mo na lang itanong, Alex. Gasgas na kasi ang dahilang gusto ko lang makalimot," ibinagsak ko ang sarili sa kama.

Before I close my eyes, I saw his sad eyes. He seemed hurt...

"Thank you, Alex," mahinang wika ko na tuluyan nang pumikit.

.

.

It must be so nice to have a friend like Alex. Iyong tipong through thick and thin ay dadamayan ka.

Continue Reading

You'll Also Like

26.8K 1.1K 34
Rain Desiderio has a smoldering sexy physique. He have an excellent look and attractiveness of the body. But that wasn't what he wished for. Because...
1M 8.8K 64
Dalawang storya sa dalawang magkahiwalay na mundo
637K 4.5K 37
A journey of rich business woman Eve Marie, who was consumed by grief for the murder of her beloved brother, she seeks justice and revenge. Using he...
1.4M 23.3K 41
Ako pala si Allyza Dela Cruz, Ally for short. I'm 20 years old at nagtatrabaho sa isang sikat na kumpanya. I have a gay bestfriend. He is Ian Caleb...