Stuck with my Forever (Stuck...

By NerdyIrel

1.6M 44.6K 12.5K

Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Epilogue
Author's Note

Chapter 20

64.5K 1.8K 905
By NerdyIrel

*Long update since this is the last chapter*

--------------------------------------------


Chapter 20


Alexandra's POV


Tila ba tumigil ang mundo ko ng ilang segundo sa aking mga narinig.


Gusto kong gumalaw ngunit ayaw ng katawan ko.

Gusto kong magsalita pero walang tunog ang lumalabas sa bibig ko.


I'm paralyzed for a moment.


"Sige na sasha, ako na bahala sa mga bata. Tatawagan ko na lang yung nanny ni seanella na pumunta dito" Rinig kong sabi ni Gab sa bestfriend ko.


Kinuha na ni Gabriella si Chloe sa lap ko at lumapit naman agad si Sasha.


"Sis, if the news are true, then you have to be strong. Nate needs you...your family needs your strength"


I blinked and stared at her.


Paano ako magiging malakas?

I can barely move my feet.


"Alexandra" She repeated my name twice for me to respond to her.


Tumingin ako sa triplets ko.

They were all looking at me as if they knew that something's wrong.

For once ay naging tahimik sila at nakatitig lang sa akin.


Don't worry my babies, your dad is fine. I know he is.


Without a word, I ran upstairs to get my phone.

Sumunod agad si Sasha to look after me.


"Come on nate! Pick up!" I shouted after a few rings.


WHY ISN'T HE PICKING UP HIS PHONE?!


"Damn it!!!! Ano ba!" I almost threw my phone, buti na lang ay pinakalma ako ni Sasha.


"Hindi naman totoo yun di'ba? Okay naman si Nathan di'ba?" I asked her.


Nanghihina na ako.

Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari.


"Sis----"

"BAKA NAGKAMALI LANG SILA NG BANGGIT NG PANGALAN! HINDI KASI PWEDE YON! HINDI PWEDENG MABARIL SI NATE!"


Paikot-ikot na ko dito sa kwarto habang paulit-ulit kong sinusubukang tawagan ang cellphone ni Nathan.


"Mas mabuti pa siguro kung puntahan natin yung hospital na sinabi sa news" Sasha said, trying to calm me down.


"NO! BAKIT TAYO PUPUNTA DON? HINDI NAMAN NAAKSIDENTE ANG ASAWA KO HA! HINDI SIYA NASAKTAN! NAGPROMISE NA SIYA SAKIN! Sabi niya hindi niya ko iiwan! May isang salita yun..."


Napaupo na ko sa sahig at tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mukha ko.


Kinakabahan na talaga ako.


Naalala ko yung sinabi ng manghuhula sa amin noon.

Lumayo daw si Nate sa baril....

And then now...


"Alexandra Villanueva! Listen to me! I know you're shocked right now but please, you have to face the reality. If he's not answering his phone, then maybe something really did came up. Hindi mo malalaman yun kung iiyak ka lang dito"


Hinila niya ko patayo at inabutan ng jacket.

Kinuha niya rin yung bag ko sa gilid at inalalayan na ko maglakad pababa.


Pinunasan ko agad yung mga luha sa mukha ko nung makita ko yung triplets.

I kissed their cheeks before telling Gab to call me kapag nagkaproblema dito sa bahay.

She told me not to worry about them.


Papalabas na ko ng bahay ng magiyakan yung mga anak ko.

Nagmadali na lang ako pumunta sa kotse ni Sasha para hindi na sila magwala.

Katulad ni Nate, tuwing umaalis kasi ako sa bahay ay umiiyak sila.


"Hindi na ba talaga kayo lalayuan ng mga problema?"


I didn't answer her. Kahit ako ay yan din ang tanong ko.


Bakit palagi na lang may gustong paglayuin kami ni Nathan?

Bakit ang daming sagabal sa pagmamahalan namin?


On our way to the hospital, wala akong ibang ginawa kundi magdasal ng magdasal.


Please don't take him away from me.


Nagulat ako ng nagpreno si Sasha. Dun ko lang napansin na ang dami palang mga reporters at media sa harapan ng hospital.


Ang ibig sabihin lang niyan ay totoo nga....andito talaga si Nathan.


"Sis, don't worry. Sa parking lot sa baba ako didiretso. Wala naman makakapansin sayo dahil kotse ko ang ginamit natin" Sasha informed me.


She played it cool. Nagdrive lang siya hanggang sa malagpasan namin yung mga reporters. Tinted naman yung kotse niya kaya hindi nila nalaman na andito ako sa loob.

Nung nakapagpark na siya sa baba ay tumakbo agad ako papunta sa elevator. Nung nakarating na kami sa ground floor ay lumapit agad ako sa information desk.


"Miss, I'm here for my husband, Nathan Villanueva"

"Ay ma'am yung CEO po ba ng VE----"

"JUST TELL ME WHAT FLOOR?!" Naiiyak na sigaw ko.

Parang nanlaki ang mga mata niya dahil hindi niya inaasahang sisigawan ko siya. "608 po-----"


Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. I immediately pulled Sasha papunta dun sa may elevator.


Pindot ako ng pindot sa up button hanggang sa nagbukas yun.


I closed my eyes for a minute.

Yung tibok ng puso ko ang bilis bilis.


Nathan's alright, I convinced myself.


Unti-unting nawalan ng tao sa loob ng elevator hanggang sa kami na lang ni Sasha sa sixth floor.

Pagdating pa lang sa hallway, kita ko na yung mga bodyguards ni Nate.


Gusto ko ng magbreak down pero pinigilan ko ang sarili ko.


No...He's okay. He got to be okay.


Dire-diretso lang kami ni Sasha at bubuksan ko na sana ang pintuan ng hinarangan ako ng isa sa mga bodyguard ng asawa ko.


"Sorry miss, off limits dito"

"I'm Alexandra Villanueva" I informed him.

"Pwede po bang humingi ng ID? For security purposes lang po"


I frowned at him.


Hindi niya ba kilala yung itsura ko? Is he a new bodyguard? Hindi ba siya nasabihan ng itsura ng wife ni Nate? Anong klaseng HR meron sila? O talaga bang mukha na kong basura sa gulo ng itsura ko ngayon? I didn't even brushed my hair.


"Hala sis, naiwan natin sa kotse yung bag mo" Sasha said.


I took a deep breath. "Naiintidihan kong kailangan niyong gawin yan but please. I have to see my husband" Pagiyak ko.


Hindi nagsalita yung mga bodyguards ni Nate. Nakatitig lang sila sa thin air.


"NATHAN!" Sigaw ko na, hoping na gising siya at marinig niya ang boses ko. 

"Miss, kung wala kayong maipapakitang proof ng identity niyo, hindi namin kayo pwedeng papasukin dito. Umalis na lang po kayo o mapipilitan kaming kaladkarin kayo palayo"


I wanted to punch something so badly.


"Relax. Ganto na lang, kukunin ko yung bag mo, sis. I'll be right back" Bulong ni Sasha. Tumakbo na siya pabalik sa elevator habang ako naman napahawak sa bibig ko. Nanginginig kasi yun.


"Is he okay?" I asked them but they gave me no response.


I tried to knock on the door pero bago pa man lumapat ang kamay ko sa pintuan ay nahawakan na nila ang mga braso ko. They were already pulling me away from his hospital room.


"NATHAN!!!!" Sigaw ko ulit. "ANO BA! GET OFF ME!" Pinagsisipa ko yung mga bodyguards niya pero sadyang malalakas sila.


"Alex?"


They stopped and so did I.


Yung tibok ng puso ko tumigil din.

Napalingon ako at halos humagulgol ng makita ko si Nathan.


He's safe.

He's alive.


Nahinga siya ng maayos at mukhang hindi naman siya nasaktan.


"What the fuck are you doing with my wife? Let her go!" Pagalit na utos ni Nate.


Tumakbo agad ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

I buried my face into his neck.


"Ghad, I thought the news were true"

"Huh? Anong news?"


Hindi ako lumayo sa kanya. Instead, I hugged him tighter.


"Sobrang natakot ako, akala ko iniwan mo na ko" I confessed.

"Ano? Teka alex, bakit?"


He softly pushed me away upang hawakan ang mukha ko.


"What happened? Anong sabi sa news?" Tanong niya.


Hindi ako makapagsalita kasi parang na-trauma ako.


"Sssh. Stop crying please" He begged me.

"I...I really t-thought...y-you were s-shot" I managed to tell him after a few moments.


Realization hit his face. Napakagat labi pa nga siya sa inis. "Fuck, ang bilis talaga ng media!"


"I d-don't understand. Kung hindi ka nabaril, bakit nandito ka sa hospital? At bakit ganun yung sabi sa balita?" *sniff*


" Sorry, sorry strawberry bunch kung hindi ko agad nasabi sayo. Tatawag pa lang ako sayo nung narinig ko na yung boses mo dito"


Kumuha muna siya ng panyo sa bulsa niya bago niya pinunasan yung mga luha sa mukha ko. Hinawi niya rin yung buhok ko na halos nakadikit na sa face ko.


"Umupo tayo don. I'll tell you everything"


He had his arm wrapped around my shoulder in a second. Alam niya sigurong nanghihina pa ko kaya inalalayan niya ko papunta doon sa parang lobby ang itsura. May mga sofa at tv pero wala namang katao-tao.


Sumunod sa amin ang dalawa sa mga bodyguards niya.


He made me sit in one of those sofas before holding both my hands.


"I wasn't shot pero muntikan na" He confessed.


Itinaas niya ang mga kamay ko upang ka-level ng mukha niya at hinalikan iyon.


"Pagbaba ko ng kotse, kasabay ko yung mga bodyguards ko kaya naman hindi ko naisip na may mangyayaring ganito. Kampante ako na safe ako. Papasok na sana kami sa building ng biglang may sumigaw ng pangalan ko. It was kim"


Mula sa takot ay napalitan ng galit yung nararamdaman ko.


THAT BITCH!

Hindi ba talaga siya titigil sa kahibangan niya?!


"At first I thought, hihingi lang siya ng apology. Yung itsura niya kasi halatang may gumagambala sa kanya. So I told my bodyguards that it was okay for her to speak. Hinayaan ko lang siya magsalita upang marinig ko yung mga gusto niyang sabihin. But she surprised me. She shouted like a crazy woman. Na minahal niya daw ako pero iniwan ko lang daw siya. Na hindi niya daw hahayaang mabuhay tayo ng masaya. Dumami ang mga taong nakinig dahil sa lakas ng boses niya. I told her to give up and stop making up stories but she didn't listend to me. She suddenly pulled a gun from her bag"


She's insane.

Mali pala yung desisyon namin ni Nate na hayaan na lang siya lumayo.


Hindi naman kasi namin inexpect na makakagawa siya ng ganito.

Akala ko ay desperadang babae lang siya na nagkaroon ng crush sa asawa ko.


"Nagsigawan yung mga tao kaya nagkagulo. Nagpanic din siya kaya pinaputok niya bigla yung baril. I was lucky na naitulak agad ako ng isa sa mga bodyguards ko pero siya naman yung nabaril. Kaya dumiretso agad kami dito at sumama na ako para malaman ko yung kalagayan niya. Good thing, ang sabi ng doctor, daplis lang naman daw sa braso. Kinakausap ko pa lang siya upang pasalamatan at sabihing on the way na yung family niya dito ng narinig kita. Nawala sa isip ko na aabot agad sayo yung nangyari. Sorry talaga"


Hinawakan ko yung mukha niya at hinalikan ko siya sandali.


"Thank you for not leaving me..."

"I told you, hindi na ko mawawala sa tabi mo kahit kailan. Hindi ko kayo iiwan ng mga anak natin, promise ko yan di'ba?"


Tumango ako at ngumiti.

Narinig ko si Sasha na nagtatakbo kaya tumayo ako at sumenyas sa kanya.

Nung nakita niya si Nathan na hawak ang kamay ko ay nakahinga din siya ng maluwag.


"Okay ka lang nate?" She asked him.

"False alarm. Mali ng information yung napanuod niyong balita" He said, taking my bag from her. "Salamat sasha"

"Anything for you guys. I'm glad walang nangyari sayo. Ayoko kasing nahihirapan 'tong bestfriend ko"


Umupo na kaming tatlo at kinwento din ni Nate kay Sasha yung nangyari. Tinawagan na din niya yung parents niya at parents ko para sabihing okay naman siya. Si Sasha naman sinabihan na si Gab para wag na din ito magalala.


"Ano na nga palang nangyari kay kim?" Tanong ko kay Nathan.

"Pinadala ko na sa mental hospital. She needs help"


"Sigurado ka bang hindi siya makakaalis dun? Baka mamaya bigla siyang sumugod sa bahay natin, delikado. Ayokong pati yung mga anak natin madamay"


"I hired someone who'll look after her. Of course hindi ko hahayaang may makasakit sayo o sa mga anghel natin. We're safe now"


I held his hand tighter. Tinitigan ko lang siya hanggang sa mawala na yung worry ko ng dahil sa mga nangyari kanina.


I knew it.

May isang salita nga siya.


Hindi niya nga ko iniwanan.


Siguro iiwan niya rin ako kapag tumanda na kami but definitely not soon.

Not today and not tomorrow.


***


After 3 years...


Everything went to normal after that.

Wait, hindi nga pala kami normal na pamilya. Alien kami. Erase. Erase.

Basta balik alien ang buhay namin.

Alien as in kakaiba. Extraordinary!


Pano ba naman kasi, one of a kind family kami.

Mga naiisip ni Nate, hindi maiisip ng isang tatay na may tatlong anak.


Speaking of mga anak, malalaki na yung mga kids namin!

Nakakapaglakad na sila, actually tumatakbo na nga.

Madadaldal na at maiingay.

Nakakaintindi na at nakikinig sa mga sinasabi namin...


Minsan nga lang, masyado silang masunurin...kay Nathan.


"Okay triplets, bark!"

"AWW! AWW!" Sabay-sabay na sigaw nung tatlo.


(-____-)

Jusko, ginawa na namang aso ni nate ang mga anak namin.


"Very good! Ito naman! Ang mauna may chocolate mula sakin....fetch this!" Sabay hagis ni Nate ng isang boomerang palayo.


Nandito kami sa park malapit lang sa bahay namin. Nagyaya kasi si Nathan mag-picnic since nag-day off siya today. He barely had a whole day free kaya naman sinusulit niya tuwing may pagkakataon.


Nagtakbuhan agad yung tatlo at rinig na rinig hanggang sa kabilang village yung tawanan nila.


Si Cleo ang naunang makakuha pero nadapa siya kaya nakuha ni Chloe pero naagaw din naman ni Cole.

Tumayo agad si Cleo at hinabol si Cole. Hinila niya yung damit nito kaya napaupo si Cole.

Nakuha niya ulit yung boomerang kaso dinaganan siya ni Chloe. Gumaya din si Cole kaya napatakbo na kami ni Nathan.


"HAHAHAHA GINAGAYA NIYO TALAGA SI DADDY PAG NASA HIGAAN KAMI NI MOMMY NIYO HA" Biro ni Nate habang isa-isang binubuhat yung mga bata upang tumayo ng maayos.


O////////////////O

Sira ulong to!

Buti na lang di nagets nung tatlo yung sinabi niya!

Leche lang, napaka-dirty ng utak niya! Punong-puno ng lumot!


"Batet daddy? Nagrereslel din po ba kayoy ni mommy?" Bulol na tanong ni Chloe.


Medyo bulol pa kasi siya unlike Cleo and Cole na straight na magsalita.


"Nako, ilang beses na baby. Di na mabilang sa sobrang dami. Mas gentle nga lang yung amin para di masaktan mommy niyo pero pag gusto niya hard, binibigay ko naman"


IBANG WRESTLING NAMAN SINASABI MO EH!

WRESTLING NA ANO.....NA....AH BASTA! WALA AKONG MAISIP NA WORD!


"Daddy! Daddy! Sino po nanalo samen?" Excited na tanong ni Cleo na hinila-hila pa yung kamay ni Nate upang tumingin ito sa kanya.

"Kayong tatlo kasi the best kayong lahat sakin!!!! Here"


Kumuha si nate ng chocolates sa bulsa niya at inabot niya dun sa triplets namin. Tuwang-tuwa naman sila kaya nagtatalon at niyakap si Nathan ng mahigpit.


"Oh sige na, maghabul-habulan na kayo diyan. Wag lalayo ha!"

"Opo daddy!" They all said in synchronization.


"Hay nako, lagi mo na lang sila iniispoil" Pagrereklamo ko habang pinupunasan ang pawis niya sa noo.

"Maliit na bagay lang naman yun, ang KJ neto. Bakit? Inggit ka? Gusto mo rin meron ka? Sige, papalamon ko sayo isang balikbayan box na puno ng tsokolate hahahaha"


(-_-)


"Baka lang kasi masanay sila"

"Alex, ngayon pa lang tinuturuan ko na sila na kailangan nilang pagigihan upang may makuha silang reward sakin"

"Eh di'ba nga walang nanalo dun sa game niyo? Bakit binigyan mo pa rin yung tatlo?"

"Expired naman yun, wag kang magalala"


O______________O

Pinalo ko agad siya sa braso.


"ANO? BALIW KA BA TALAGA?"


Tawa ng tawa si Nate kaya mas lalo akong nainis sa kanya.

Kahit na sinabi niyang joke lang yun ay pinagpapalo ko pa rin siya.

Natigil lang ako nung naramdaman kong may humila ng skirt ko.


"Mommy! Daddy! Don't fight!!!" Cleo said.

"Wag ayay!!!" Chloe added, showing her puppy eyes.

"Madam Gluta!"


Napatingin kami ni Nate kay Cole. "Madame ano?" We both asked.


"Madam Gluta! Yung sa Pangat Ko po! Yung inaway niya si Ate Nana! At Kuya Anggulo!"


Tinaasan ko siya ng kilay at umupo ako sa blanket para subukang intindihin yung mga sinabi niya. Pero mukhang nagets yata ni Nate kasi humalakhak siya ng malakas.


"Ay nako Cole, ibang klase ka HAHAHAHA" Umupo din si Nate sa tabi ko at pinaupo sila Chloe at Cleo sa legs niya. Binuhat ko naman si Cole para sa akin siya nakaupo.


"Ano yun, blueberry babe? Hindi ko nagets"

"Para ka daw si Madame Claudia sa Pangako sa'yo na palabas. Di'ba may scene dun na inaway niya si Ate Yna daw at si Kuya Angelo"


PFFT HAHAHAHAHA.

PANGAT KO! HAHAHAHAHAHAHA

Tibay netong si bunso!


"AYOS YAN COLE HAHAHAHAHA"


At kahit siguro hindi nila nagets ay nagtawanan din naman sila.

Niyakap ko na lang si cole at nagclimb din yung dalawa kaya pati sila niyakap ko rin.

Si Nate nakigaya. Sa laki ng arms niya ay nagkasya kaming lahat sa pag-hug niya sa amin.


^______^


***


First day nila sa school ngayon kaya malalaki ang ngiti nila habang pinapaliguan ko sila.

Mga excited talaga dahil ilang araw na nila ako kinukulit kung kailan ba daw sila magu-uniform.


"Ops! Cleo, nabanlawan na kita! Stay there. Wag makulit" Gusto pa kasi niya tanggalin yung maliit na bathrobe niya para bumalik ulit sa bath tub.


"Mommy, faster!!!" Cole demanded.

"Wait lang" Tinutuyo ko pa kasi si Chloe.


Nung nalagyan ko na silang tatlo ng bathrobe ay pumila na sila.


"Ayan na aalis na ang tren!" I playfully said.

Nagsigawan naman sila kasi ayaw daw nila maiwan.


"Chubby chubby....chubby chubby chubby chubby choot choot!" Kanta naming apat habang naglalakad papunta sa harap ng mga drawer nila.


Hindi pa kami nagpapagawa ng closet kasi ang babata pa naman nila. Nate said, tsaka na lang namin ipapaayos yung bahay kapag medyo lumalaki na sila at kinailangan na nilang maghiwalay-hiwalay ng kwarto. Especially chloe dahil babae siya.


Isa-isa ko na silang dinamitan ng uniform nila. Being the most playful one, ay umakyat agad ng kama si Cleo at nagtatalon doon. Sumunod agad si Cole at nakigaya.


"Walang tulakan ha! Baka masaktan niyo isa't-isa" I reminded them.

Di naman nila ako pinansin dahil busy sila kakatalon.


"Mommy, ang danda po netot" Sabay turo sa palda niya.

"Ganda" I corrected her.

"G-g..."

"Ga"

"G-ga"

"Gan-da" Unti-unting pagturo ko habang binobotones yung pangitaas niya.

"Ganda"

"Ayun! Ang galing naman ng princess ko!"


She smiled proudly at herself.

They really like it when we compliment them.


Sinuklayan ko na siya at nilagyan ng pulbos.

Pinasunod ko na rin ang mga boys ko, na ngayo'y pawisan na, para sila naman ang maayusin ko.


"Mamaya wag kayong takbo ng takbo dun. Listen to your teachers okay?"

"Yes po mommy" Sagot nilang dalawa pero nagngitian naman sa isa't-isa.


Ang naughty!

Manang-mana kay Nathan!


Nauna kong matapos lagyan ng sapatos si Cole kaya lumapit na siya kay Chloe.

Si Cleo naman, tinataas yung buhok niya.


"Oh bakit?"

"Gusto ko po parang kay daddy"


He always imitate those people around him.


Pag nanunuod siya ng TV at nakita niyang naggigitara yung isang lalake sa palabas, kukunin niya agad yung laruang gitara niya at magkukunwaring marunong. With matching pagkanta pa yun.

Ganun din si Cole minsan. Siguro ganun talaga pag bata hahaha.


"Bawal ka pang gumamit ng gel o wax, baby"

"Why?"


Isa yan sa mga mahilig nilang itanong.

WHY?

Lahat ng sasabihin mo, may kadugtong na why.

Kailangan i-explain mo talaga maiigi sa kanila.


"Kasi bata ka pa. Masisira yung buhok mo. Si daddy mo, nung kasing edad mo rin, hindi siya nagamit ng wax. Yaan mo, pogi ka naman kahit wala ka nun"


Ngumiti siya ng malaki. Yung ngiting parang nagpapapogi pa lalo. May taas baba pa ng kilay na nalaman.


"Ikaw talaga haha"


Tumawa na lang ako at tumayo na. Paglingon ko dun sa dalawa napabuntong hininga na lang ako.


Si Cole, nakahiga sa kama tapos nakapikit.

Si Chloe naman, nagdo-drawing sa pader.

Mygosh, ginawa na naman niyang coloring book ang bahay namin.


"Nate!" Sigaw ko.


Dumating din naman siya agad. Nakadamit na rin siya pero inaayos niya pa yung tie niya.


Hinila ni Cleo yung kamay niya at tumabi kay Cole. Ginising gising niya at pinagpapalo ng unan.

I helped Nate before I looked at the triplets again.


"Nakausap mo na ba yung teachers nila? Ayokong may makalabas sa media about our kids"


Lately, our family became the center of attention.

Simula ng nagmall kaming lima at may mga ilang tao ang pinicturan kami, ay mas nakilala kami ng karamihan.

Naging viral yung mga pictures at sinabi nilang 'family goals' daw kami.


It was fun pero ayoko lang talaga na pati yung mga performance ng kids namin sa school ay makarating pa sa mga tao.


"Yeah, I took care of it" He rested his hands on my waist. "Since ako naman ang presidente ng VSU, ay susunod sa akin ang mga iyon"


Syempre sa alma mater namin sila ie-enroll.

From Kinder to College naman kasi ang Villanueva State University.

Tsaka mas kampante ako dun.

Pagmamay-ari kasi namin yun eh.


"And their safety?"


"Wala pang kahit na sinong outsider ang nakapasok sa VSU, you know that. Kahit nung panahon pa natin ay hindi nakakapasok ang mga photographers and such"


"No, I meant from the students inside. Baka masyado silang matuwa or macute-an sa tatlo, magpapicture sila ng magpapicture. Ayokong matakot yung mga anak natin"


"I hired three bodyguards for them. Hindi naman sila sasama sa loob ng classroom pero magbabantay sila sa labas at pagpupunta sa canteen, syempre susunod sila"


"Okay. That's good"


Sanay naman yung tatlo na may bodyguards tuwing lumabas kami ng bahay. Malayo-layo din naman kasi sila sa amin kaya parang wala rin sila dun.


"Ay isasama pa ba si liana?" He asked.


Si Liana, nirefer siya samin ni Gab. Since ayokong may ibang tao sa bahay, pumupunta lang siya samin tuwing umaga upang magluto ng breakfast. Nakakapagod kasing gumising ng sobrang aga. Tsaka siya yung naglilinis ng bahay namin. Minsan pag may kailangan akong gawin, siya yung nagiging nanny ng triplets. Pero after that ay umuuwi na rin siya.


"Hindi na. It's their first day, blueberry babe. Ako na muna magbabantay sa kanila dun"

"You sure? Baka ikaw pagkaguluhan don"

"Alam ko maganda pa rin ako pero nanay na ko. Walang magpapapicture sakin niyan"

"Sus, di naman halatang nanay ka na"

"Talaga? Ano lang?"

"Lola----ARAY HAHAHA"


Loko, binatukan ko nga.

Forever panget na ba talaga ako sa paningin niya?


***


After eating our breakfast ay inihatid na kami ni Nathan sa VSU.


"Mommy baon!!!" Cole shouted habang isinusuot ni Nate sa kanya yung backpack niya.

"Andyan na sa bag mo, bunso"

"No. I want money he he"


Tumayo agad si Nate at kinuha ang wallet niya.

Kumuha siya ng 1k at iaabot na sana kay Cole ng pinigilan ko siya.


"ISANG LIBO TALAGA?" Gulat na tanong ko.

"Bakit? Kulang ba 'to?" Kumuha na naman siya ng isa pang 1k kaya napa-face palm na lang ako.


"Nate, four years old pa lang yang anak mo. Dapat nga hindi mo bibigyan ng pera yan dahil wala naman siyang pagkakagastusan. Tsaka may baon na siya, I made sandwich for him"


"Bunch, hindi naman tayo naghihirap di'ba? And what if magutom pa siya ulit mamaya?"


I rolled my eyes so hard I swear I saw my brain.


"Andun naman ako sa labas ng room nila. Ako bibili pag nagutom pa siya"

Hindi na siya nakipagtalo pa dahil tinignan ko na siya ng masama.


"Mamaya na pala ako papasok. Gusto kong makita yung performance ng mga anak natin sa first day of classes nila" Nate told me.

"Sabi mo may kailangan kang tapusin na project this morning?"

"Ako naman ang boss, pwede kong imove yun mamayang hapon"


Ay eh di wow.


Naglakad na kaming lima papunta sa loob ng campus. May kasama kaming limang bodyguards kaya naman mas lalo kaming pinagtinginan ng mga studyante.

Binati nila kami at naghello sila sa mga bata.

Si Chloe at Cole, game na game na kumaway sa kanila pero si Cleo, suplado. He just looked straight and didn't even bothered looking at those students.


"OMG! Mr. Nathan, papicture naman po!"

"Grabe ang gwapo-gwapo niyo talaga!"

"We heard so many things about you!"

"Boyfriend and husband goals!"


Ang haharot netong mga 'to.


"NO!" Chloe shouted at them. Hinila niya bigla ang kamay ng tatay niya upang lumayo sa mga iyon.


(^____^)

Yes naman ang little princess namin, maalam!


Tumigil ako saglit ng madaanan namin yung gym. Gusto ko lang silipin iyon.

Nagbago na yung pintura ng buong gym pero ganun na ganun pa rin ang atmosphere.


I remember Nathan playing basketball here.

Me playing volleyball.


Dumaan din kami sa cafeteria at lobby bago namin marating yung rooms ng mga bata.

Tsk, dapat pala dun kami sa kabilang parking nag-park.


"Good morning Sir Nathan, Ma'am Alexandra. I'm their adviser po, my name is Angelica"


Makikipagkamay pa sana si Nate pero inunahan ko na.

Tinaasan ko si Nathan ng kilay at binigyan ng look saying don't-you-ever-dare-hold-hands-with-other-girls.

Tumawa lang siya at ngumiti na lang kay Ms. Angelica.


"Please take good care of my kids" I told her.

"I will, ma'am"

"And wag mo sana silang bigyan ng special treatment. Di naman ako magbibigay ng dagdag sahod kahit anong gawin mo" Biro ni Nate.

"Ay si sir, palabiro"


Kinilig ka pa talaga?

(-_-)


"Bye na babies"


Yumuko na ko dahil isa-isa nila akong binigyan ng kiss.

Si Cole hahalikan ko na sana ng biglang umiyak ng malakas.

Tapos yumakap sa leeg ko.


Nagulat ako dahil kaninang umaga lang ay excited na excited pa siya pero ngayon, ayaw ng lumayo sakin.


"Sshhhh, hindi ka naman iiwan ni mommy. Dito lang ako sa labas"


Si Nate sinubukan ding patahanin si Cole pero di nagwork.


"Daddy, why it cole crynin?" Tanong ni Chloe.

"Cause he's a girl" Asar ni Cleo.


Biglang nagpababa si Cole at sinaktan si Cleo.

Gaganti sana si Cleo ng humarang si daddy nila.


"Tsk, ayoko sabing nagaaway kayo di'ba?!"

Natahimik yung dalawa.


"Cleo, bad yun. Wag mong sinasabihan ng ganun ang kapatid mo"


He nodded and smiled at his brother.

Ngumiti na din si Cole kaya alam kong okay na sila.


Buti pa mga bata, hindi marunong magtanim ng sama ng loob.

One minute they're fighting, the other second they're already hugging.


"Coyl, dot cry na" Chloe said, holding Cole's hand.

Hinawakan din niya yung kamay ni Cleo at ngumiti na samin.


"Bye daddy!"


They kissed their dad before they ran inside. Sumunod na rin si Ms. Angelica sa loob to look after the kids.


Sinilip agad namin yung tatlo, magkakatabi sila sa may gitnang part at nakipagkwentuhan agad sa mga bagong classmates nila. Si Cleo lang talaga yung nakaupo ng tahimik dun.

I saw a little girl trying to talk to her pero inisnob naman ng anak ko.


"Mana sakin yun" Bulong ni Nathan.

"As if. Ang landi mo kaya"

"Hindi kalandian yun, pagiging mabait lang pero choosy. Parang si Cleo"

"Choosy ka pa talaga sa lagay mong yan? Eh bago mo ko naging girlfriend, ilan nga ba yung mga na-date mo na wala namang ka-class class?"

"Malamang wala silang class dahil hindi naman sila room"

"Corny"

"Ah basta, siguro nga wala akong taste kasi ikaw yung pinakasalan ko BWAHAHAHA JOKE LANG"


Aish! Isip bata talaga.


Nanlaki ang mga mata ko ng tumayo si Cole sa upuan.

HALA BAKA MALAGLAG YUN!


Pero mas nagulat ako ng sumayaw siya ng hiphop.

Katulad nung mga napapanuod niya minsan sa tv.

Nung nakita niyang lalapit yung teacher niya ay tumawa siya at umupo ulit.


"What was that?" I asked my husband.

"Alam mo na, nagpapaka-weird lang. Mana satin..."


Eh?!

@_@


Nagstart na magsalita yung teacher nila.


Tapos kumuha siya ng chalk at isinulat ang spelling ng name niya sa blackboard.

A lang naman ang nilagay niya. Akala ko buong Angelica ang isusulat niya.


"AHHHHHHHHHHHHH" Sigaw ni Chloe.


"What happened?!" Tanong agad ni Nate sa mga bodyguards na nasa gilid namin.

"Hindi po namin alam sir. Wala naman po kaming nakitang nanakit sa anak niyo"


"Baka may sumakit sa katawan niya!" Pagpapanic ko.


Lumapit yung prof at parang napakunot ang noo.

Pinuntahan niya agad kami dahil alam niyang nanunuod kami ni Nate.


"Ano daw ho nangyari?" I asked her.

"Tinanong ko po siya kung bakit siya sumigaw. Ang sagot niya po sa akin ay, ang tahimik daw kasi. Nabibingi siya"


@_@


"Ganun ba? Pagpasensyahan mo na lang mga anak namin ha. Medyo first time kasi nila makipaghalubilo sa ibang mga bata"


Yung pinsan lang nila na si Seanella ang lagi kong iniinvite sa bahay.


"Baka naman nagpapapansin lang sila satin kasi alam nilang nanunuod tayo" Nathan said. "Halika, iwanan muna natin sila saglit"


Hinawakan niya ang kamay ko at sinabihan ang tatlo sa mga bodyguards namin to look out for them.


Since kanina pa nagring yung bell ay wala ng estudyante ngayon sa hallway.

We walked towards the stairs.


"Namiss ko 'to" He whispered.

"Me too. It's been a while..."


Napatigil kami sa harapan ng dati naming classroom.

Room 226. Fourth year – Maroon.


Napapangiti ako tuwing naaalala ko ang mga memories na mayroon ako sa lugar na ito. I looked at Nathan and he was smiling too.


Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.


"Sinong magaakala na yung seatmate ko pala noon ay mapapangasawa ko at magiging tatay ng mga anak ko?"

"At sino ring magaakala na yung panget na transferee pala namin ang kokompleto sa buhay ko?"


Natawa na lang ako at niyakap siya.


Sigurado akong madami pa ang mangyayari sa buhay naming magasawa.

Hindi ako makapaghintay malaman ang mga iyon.


Lalo na at si Nathan Kyle ang kasama ko?

I know everything will just be...perfect.


------------------------------------------


EPILOGUE NEXT.

*cries a lot*




Continue Reading

You'll Also Like

623K 2.9K 29
Diary Ng Pokpok. Lahat ng nangyayari sa kaniya araw araw ay nakasulat sa Diary niya. Walang lihim. ^_^ Rated SPG
9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
5.5K 300 23
Growing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and...
103K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...