Taking Chances (Published Und...

Av heartlessnostalgia

11.1M 207K 8.3K

Hot Bachelors Series #4: Allison Clarisse Madlang-awa's happy and uncomplicated life changes when she meets D... Mer

Hot Bachelors #4: Taking Chances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
TC Special Chapter
TAKING CHANCES BOOK (PUBLISHED)

Kabanata 10

170K 3.5K 125
Av heartlessnostalgia

Kabanata 10

Expected

Nagtayuan ang balahibo ko nang bumulong siya at pigil na ang paghinga ko.

"What, huh, baby?" tawag niya sa akin. Naramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko at agad na akong naalarma ng ibaba niya ang turtleneck kong neckline.

"No!" Tinulak ko siya palayo pero hindi ko siya napalayo. Sa halip ay mas idiniin niya lang ako sa pader at nararamdaman ko na ang lamig galing doon.

"Why are you hiding? Scared?" Tinitigan niya ako at nakita ko ang kaseryosohan ng mukha niya. Mukha naman siyang bubuga ng apoy kapag nagpumiglas ako.

"W-We shouldn't be...seeing each other again," mahina at pabulong kong sabi na nagpasalubong ng kilay niya.

"What the hell are you saying?" Umiling ako. Tinulak siya ulit palayo at nagpadala siya. Malalim ang titig niya sa akin.

"That's only for one night, 'di ba? Iyon naman ang gusto mo?" Nag-igting ang panga niya sa sinabi ko at tumigas ang ekspresyon niya.

"Fucking one night stand?" mahina pero matigas niyang sabi sa akin at naiilang man ay tumango ako. "Oo, iyon ang gusto ko," malamig niyang sabi at nakita ko ang paglubog ng biloy niya. "Pero putangina. Hindi ko alam kung bakit ako bumabalik sa 'yo."

Tumindig ang balahibo ko nang naglakad siya ulit palapit sa akin at siniksik ang katawan ko sa pader. I can feel his fast heartbeat at katulad niya ay ganoon din ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Magulo.

"Bakit ka umalis?" tanong niya habang hinuhuli ang mga mata ko pero hindi ako nagpapahuli. Umiiwas ako hangga't maaari. I can't get involved with this man. Hindi pwede. Hindi maaari.

"That's usual, 'di ba? You should be glad na umalis ako. Hindi ako maghahabol." Pinatigas ko ang boses ko at hindi iniinda ang nararamdaman ko sa may puson. Suminghap siya sa sinabi ko at pagak na tumawa na parang may mali at kalokohan akong sinabi.

Hinawakan niya nang marahan ang panga ko para mapatingin sa kanya at kung matatag na ang boses ko ay mas matatag ang sa kanya na halos manlambot ang tuhod ko.

"How dare you leave me after I made you moan, scream my fucking name and beg that night?!" pabulong pero mariin niyang sabi at kumabog nang mabilis ang dibdib ko na parang sasabog na ito anumang oras.

Hindi ko siya nasagot at nakatulala lang ako sa mga mata niya na mukhang naiinis at galit na nakatingin sa akin.

"Y-Yun...ang...tama," sagot ko na lang at nauna nang nag-iwas ng tingin dahil sa hindi ko na kaya ang intensidad ng sa kanya. Nakalulunod ang ganoong klaseng tingin niya. Nakapapaso.

Kung ang madaldal na Greg ang kausap ko, malamang ay nasagot ko na siya pero bakit hindi ako makasagot sa bersyon niyang ito sa harapan ko? Why was he like this?

"L-Let me go," Tinulak ko siya pero hindi siya nagpatalo.

"Babalik ka rin sa akin. Babalik ka," mariin niyang sabi bago ako pakawalan. Mabilis akong tumakbo palabas.

Nang nakalabas ako ay napahawak ako sa dibdib kong mabilis ang pagkabog. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya. Kinakalma ko ng pilit ang sarili ko. Lumanghap ako ng hangin para umayos ang pakiramdam ko. Nanginginig pa rin ako at kinikilabutan sa mga sinasabi niya.

I expected him to be the one who will help me stay away from him pero mali ako. Ang akala ko ay pagkatapos ng gabing iyon ay mawawala na siyang ulit sa landas ko. Katulad ng dati. Pero alam kong mali ako. I need to get away from this situation as fast as I could.

Mali ang nakita ko pa siyang muli! Maling-mali!

Mabilis akong pumara ng sasakyan at sumakay. Nang makauwi sa bahay ay agad kong nakita ang anak ko ng nagbabasa ng abakada kaya napawi ang kaba ko. Nilapitan ko agad siya at hinalikan sa pisngi.

"Baby ko," I called him. Ngumiti siya sa akin.

"Mama ko!" tuwang-tuwa niyang bati at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Pinauwi ko na rin ang nagbabantay sa kanyang si Mare at ikinandong ko siya.

"Kumusta ang baby ko?" tanong ko sa kanya at hinaplos ang buhok niya. Nagtaka naman ako nang bumaba siya sa hita ko at kinuha ang papel na nasa mesa.

"Mama, I make this!" Napangiti ako nang makita ang papel na may drawing na tao at may kulay pa. Sa likod no'n ay may bahay at mga ulap.

"Ako ito Mama. Tapos ikaw, tapos ito ang bahay natin!" masaya niyang sabi at sumabay sa kanyang pagngiti ang mga mata niya. Ang gilid naman ng labi niya ay lumubog sa ginawang iyon.

"Mahal kita, Chance." Ngumuso siya sa sinabi ko at umayos ng upo sa kandungan ko.

"Si Mama naman, oh," mahinang sabi niya at lumambitin sa leeg ko. Kinarga ko naman siya at iniakyat sa kwarto niya. Nilinisan ko muna siya bago kami sabay na nagdasal at tinatapik ko ang hita niya para makatulog siya.

I hum a song to him hanggang sa nakita ko ang unti-unting pagpikit ng mata niya.

"Love you, Ma."

Tumalon ang puso ko sa sinabi niya at lumapit ako para halikan ang noo niya. "I love you too, anak."

***

"Pero, Sir..." Umiling siya sa akin at napatingin ako sa kamay ko.

"Allison, Mr. Salcedo only wants you." Hindi ko alam kung bakit iba ang interpretasyon ko sa sinabi niya at napabuga ako ng hangin. "Sa meeting namin noong nakaraang Miyerkules ay ikaw ang gusto niyang makausap. Just come to think of it. I'm his bussiness partner but he wants you to talk about the proposal. Tell me, Allison, why is that?"

Natigalgal ako at hindi muna nagsalita. Nag-iisip ako ng pwedeng sabihin. Baliw talaga ang Salcedong iyon.

"M-Magkaklase po kasi kami dati kaya close na po kami..." mahinang sagot ko and that's not a lie. Totoong naging magkaklase kami noong college pero mukhang hindi niya ako kilala at hindi na ako nagulat doon. Ang hindi lang totoo ay ang close kami.

Never in my wildest dreams na mangyayari iyon.

"I see." Tumango siya habang nakatingin at kunot ang noo. "Bakit ayaw mong makipagmeeting sa kanya if you two are close friends?"

That caught me off the guard.

"Naiilang po kasi ako," sagot ko na lang pero mukhang hindi siya nakumbinsi. "But you have to attend the meeting later. Ikaw ang ipapadala ko."

Mariin akong napapikit.

"Sir..."

"Whether you like it or not, Miss Madlang-Awa, ikaw ang aatend."

Kinagat ko ang labi ko at umiling. Hindi talaga pwede.

"Sir, ayoko p—"

"Or you'll be fired."

Nanigas ako sa inuupuan ko at hindi nakapagsalita. Nanlamig ako at nakaawang ang labing nakatingin sa kanya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay naunahan na niya ako.

"I'm sorry but I have to do this. Salcedo's really a big client and I can't lose them. I am sorry, Allison, but ginagawa ko ito dahil alam kong hindi ka na makatatanggi. You love your job, I know, kaya gagawin mo ito." Tipid siyang ngumiti at tiningnan ako. "Payag ka na?"

Nagbilang ako ng tatlo para umayos ang pag-iisip ko at pilit na ngumiti bago tumango.

Nagpupuyos ang galit ko habang padabog na naglalakad sa ospital papunta sa opisina ng gagong Gregorio na iyon. Nakakuyom ang kamay ko at kulang na lang ay masapak ko lahat ng makakasalubong ko.

How dare he? Gago talaga!

"Ma'am! Nandito na kayo!" salubong sa akin ng secretary niya at tumikhim ako.

"What do you mean?" Salubong ang kilay ko at mahigpit ang hawak ko sa handbag ko.

"Mr. Salcedo's expecting you today."

Halos mamula na ang mukha ko sa inis! Gusto kong itapon lahat ng makikita ko at ihagis sa mukha ng lalaking iyon! Expecting? What the hell?! In-e-expect talaga niya ako ha?!

Hindi na ako sumagot at dire-diretso lang ako sa opisina ni Gregorio Salcedo. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nagbabasa ng kung anong papel habang nakasalamin at nakataas ang paa sa mesa. He looked dazzling hot but I know that it's not a good time to fantasize him.

"Gago ka ba?!" Mukhang nagulat siya sa entarada ko at napatalon pa siya sa upuan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Tinanggal niya ang salamin niya bago tumayo.

"Hi, baby! You've come back, huh?" nakangisi niyang sabi at sumisigaw ng kayabangan ang tindig niya. Lumapit siya sa akin at sinipat ako ng tingin. Uminit naman ang ulo ko sa pagsipol niya. He even licked his lips at kinindatan ako.

Gagong ito!

"I'm expecting you here, you know?" mapang-uyam niyang sabi at lumapit sa akin pero hindi ako umatras. Kumuyom pang lalo ang kamay ko at hinagis sa kanya ang bag ko pero sa kasamaang-palad ay nakaiwas siya.

"Woah! Easy! Masyado kang hot." He even wiggled his fucking eyebrows at lumapit pa lalo.

"You're expecting me, really?" Ngumisi rin ako kahit na kaunti na lang ay mapuputol na ang pisi ko.

"Yeah." Pinadaan niya ang daliri sa baba niya at tumango-tango.

Tumawa ako at tinabingi ang ulo ko.

"Well, I think you didn't expect this one."

Magsasalita pa sana siya pero hindi na niya naituloy dahil sa ginawa ko. Sinapak ko lang naman ang mukha niya!

"Oh, Shit!" Napahawak siya sa ilong niyang dumudugo na kaya agad na nanlaki ang mga mata niya.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

721K 4.6K 23
Hi! If you're new to my stories, check this! This is where I'll announce new book releases, chronological orders of my stories, new series coming soo...
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
28.6K 2K 28
Masaya namumuhay si Deina Roberta Lincoln bilang Manager ng isang Crestview Enterprise Company isang kilalang malaking Kompanya sa buong mundo. Hindi...
8.8M 213K 56
[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her...