"NABASA KO NA YAN"

By mgahangal

70.5K 1.1K 584

(Isang nakakaaliw at kakaibang story description na magiging dahilan upang mahikayat ka at hindi mapigilan na... More

"NABASA KO NA YAN"
Chapter 1: The Development of Accounting Profession
Chapter 2: MANOK
Chapter 3: Arrozcaldo ni Karen
Chapter 4: Nobody
Chapter 5: AUTOLOADMAX
Chapter 7: Cinderella
Chapter 8: Remembering Sunday
Chapter 9: ILONG
Chapter 10: Love Story
Chapter 11: Sudoku
Chapter 12: Pinky Promise
Chapter 13: Hatred
Chapter 14: Karne
Chapter 15: The Sims
Chapter 16 part 1: The Party
Chapter 16 part 2: The Overnight
Chapter 17: Not Bad
NABASA KO NA YAN: CHRISTMAS EDITION
Chapter 18: Langgam
Chapter 19: Some Things are better left unsaid.
Chapter 20: Hey, Mr. Cool Cool
Chapter 21: Invisible Ties
Chapter 22: Good Luck
Chapter 23: Love Pollution
Chapter 24: Please Don't Go
Chapter Undefined: Gidaba eskerembojo

Chapter 6: Unlimited

1.9K 26 17
By mgahangal

***asdfghjkl aburabugudug haaaaaaa

 SUCH A TURN OFFFFF! Gravity namang tae un oh. Ba't ngayon pa, hindi nakisama?! Akala ko pa naman mag bestfriend kame kase lagi ko siyang nakakasama sa kalangitan (heaven kase kapag tumatae)

 "YAKKK!!!" sabi ni lucy habang natatawa

"Badtrip naman, sige mag lakad lang, tuloy tayo, mag hugas nalang ako doon."

"Ambahoooooo!"

"Baho?" tapos tinignan ko na yung sapatos ko. WALA NAMANG DUMIKIT.

"wala naman eh. ang artii."

"sige tara na. kadiri kaaaaa. hahahahaha!" 

       ....Pero sandali, ito ay isang sign. Alam nyo ba yung banat na.. "para kang tae,  hindi kase kita magawang matiis at matapakan."

           Di kaya ang ibig sabihin nun ay walang spark samin ni lucy dahil natapakan ko siya? (oo, tinuring ko na siyang tae) oh well, overthinking nanaman.

nasa kainan na kame. tapos..

"anung gusto mo?" tanong ko.

"hmm... eto nalang yung pork steak."

"UY BAGO yan ah!" sabi ko. e pano ba naman kase, yun ang lagi naming binibili ng mga dabarkads ko kapag kumakain kami dun. nga pala, abnormal yung pag kakareact ko dun kaya ganito ang naging itsura niya.

(  !@#$%^*(&*_____#$@%&()#^!  )    - smiley yan.

TOTALLY SHOCKED siya. e ba't ka naman kase mapapalakas ng boses sa ganun diba. e aso ako e. nagiging natural lang ako at TOTOO. ganun talaga ako. abnormal nga lang.

"Ayos ka lang? Nakatapak ka lang ng tae, nabaliw ka na. Hahaha." sabi ni Lucy.

Ang cute ng style ni Lucy. Ang cute ng smile ni Lucy. Ay mali mali. ANG GANDA NIYA <3 (oh nakacapslock yan kase gusto kong maramdaman niyo na talagang maganda siya sa paningin ko. Hahaha. Bakit ganun, hindi ko maiwasang mapangiti din kapag tumatawa siya. Ang sarap tuloy ng feeling. Parang tumatae din ako..... but I'm sorry tae, mas gusto ko sa piling niya kaysa sayo. Just face it tae, hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.

Grabe noh? Kinakausap ko pati yung tae! Haha. Sobra na ata ako. Paano kaya kung magsalita din yung tae. Nakooo, ayoko ng marining. >,<

Anyway,

Oorder na nga kami, at dahil palagi ako dito, malakas ako sa may-ari ng kainan.

"Kuya!" tawag ko kay kuya.

"Oh Travis! Asan na yung mga kabarkada mo? (napatingin kay Lucy) Ahh, kaya naman pala may kasama kang iba eh." tapos tumawa siya ng may kasamang pang-aasar.

"Kuya naman, nililibre ko lang siya. We're just friends."

UH-OH. WHAT DID I JUST SAY?!

"Oo nga po kuya, ililibre lang niya ako." sabi na eh.tssss

"Patay tayo diyan Travis, busted ka na agad?" dagdag pa ni kuya.

"H-hindi ahh. Hindi ko naman siya nililigawan eh."

NOT AGAIN?!

Ano bang pinagsasabi ko? Grabe mamamatay na nga ata ako sa chapter na to dahil sa heart attack!! Waaaaa...

"Kuya, nagugutom na kami, paorder na kaya kami ng pagkain?" sabi ni Lucy.

"Haha. At your service miss?" tanung ni Kuya.

"Lucy po. Kayo po kuya?" tanong din ni Lucy.

"Hephep. Ako na magsasabi, gusto mo full name pa eh." ayan, natauhan na ulet ako.

"Osige nga Travis. Niresearch mo talaga ako ah. Ang sweet mo naman. HAHAHA." sabi ni Kuya.

"Asus. Ang pangalan ni kuya ay Adrian James Enriquez.. Oha kuya?" hahaha. full name yan, kung gusto mo isearch mo pa sa facebook para makita mo siya. LOL.

"Tama na nga yan, Travis. Anu bang oorderin mo?" tanung ni kuya.

"Pork Steak dalawang order, unlimited rice siyempre." sabi ko.

"Teka lang ha." sabi ni kuya.

Kumuha na siya ng ulam pati ng rice. Tig-isa kami, at dahil unlimited yun, dalawang cup na pinalagay ko. :)

"Grabe naman Travis, sobrang gutom?" tanung ni Lucy.

"Haha. Normal na sakin to, eh ikaw din naman gutom na gutom diba?" sabi ko.

"Hindi naman kasi ako matakaw tulad mo. Haha." sabi niya.

weeeee.la lang.nung naserve na kami, naghanap na kami ng mauupuan.

"Oh tara na. Let's start to eat na!" sabi ko.

Gutom na gutom talaga ako. Masarap din talaga yung pork steak nila. Binigyan pa kami ng sabaw. Habang kumakain kami andami kong naririnig...

"Nauuhaw ako dre." sabi nung isang lalake.

"Eh ako din sino kayang mabait nakukuha ng baso at tubig.." sabi pa nung isa.

"Osige ako na. Nagpaparinig pa eh." sabi nung isa pa nilang kasama.

----------

"Grabe napanuod niyo UAAP?!" sabi nung isang lalake sa isang table habang may laman yung bibig. Syempre nagtalsikan na yung ibang kanin.

 ---------

"Wow anong ulam yan patikim nga." sabay buraot sa kasama.

---------

Hehe. Yan mga naririnig ko nung time na yun. Actually madami yan, eh katamad kaya isa-isahin. Mawawala na yung concentration ko kay Lucy. Pinipilit ko naman na hindi maging aso eh! :)

"Lagi ka bang kumakain dito?" sabi ni Lucy.

"Oo simula nung nagkaroon sila ng unlimited rice, dito na kami kumakain." sabi ko

"Tapos close pa kayo ni kuya mukhang friendly ka sa lahat ah." sabi ni Lucy.

"Hindi naman, approachable naman si kuya eh, kaya madaling makaclose. Kung gusto mo dito ka na din kumain" sabi ko.

"Uhm, depende na kila Arvee ( isa sa mga friends niya) yun, kung ayaw nila edi baka hindi na ako makakain dito." sabi niya.

"Gusto mo pilitin ko sila? Magaling ako mamilit." sabi ko.

"Wag na. Ako na bahala. Haha." sabi niya.

Magkaharap kami habang kumakain, ang hinhin niya kumain. Tapos nung naramdaman ko yung kamay niya, parang pangprinsesa. Parang wala siyang ginagawa sa bahay. Parang ansarap ng buhay niya.

"Sabihin mo nga, marunong kang maghugas ng pinggan?" tanong ko.

"Uhh, oo naman, haha bakit?" sabi niya.

"Eh kasi nung nagmamadali tayo papunta dito, naramdaman ko yung kamay mo. Feeling ko wala kang ginagawa sa bahay. Hahaha." sabi ko.

"Meron naman, pero most of the time... wala nga. Hahaha. Hindi naman nila ako inuutusan sa bahay eh." sabi niya

"Ah. May katulong kayo noh?" tanong ko.

"Wala ah. HIndi naman kami mayaman, sakto lang." sabi niya.

"Parang hindi ako naniniwala. Hahaha." sabi ko.

"Edi wag! >_<" hala, nagtampo?

"Hala joke lang! Kain ka na muna, masarap ba yang porksteak?" tanung ko.

"Che. Masarap naman, si kuya ba yung nagluluto nito?" sabi niya.

"Ah. Oo galing yan sa ibang bansa bilang chef tapos nagtayo ng sariling negosyo dito. Dami kong alam noh?" 

"Kaya naman pala, ayan nadagdagan na yung mga reasons para kumain kami dito." tapos ngumiti siya. GRABE, nakaktunaw....

Tinapos na namin yung pagkain namin, syempre ako yung nagbayad nakakahiya naman sa kanya. Feeling ko tuloy nasa date ako! YEAH!! *wishful thinking* nagpaalam na kami kay kuya na panay ang asar sa aming dalawa, syempre hindi ako nagpapahalata kinikilig ako.hahaha! weeee...

Bumalik na kami sa school kasi mukhang tapos na yung ginawa nila sa gym. Pagpasok namin sa school..

"Sakto lang pala, tapos na yung program sa gym." sabi ko.

"Oo nga eh. Uhm. Travis, hahanapin ko na sila Arvee ah?" sabi ni Lucy.

"Ah sige lang. Nabusog ka ba? Haha." sabi ko.

"Oo naman, busog na busog ako. Salamat nga pala ah. Sa susunod ulet!" tapos umalis na siya.

OHHHH YEEEAAAHHH!!!

Kung pwede lang tumalon ako ng tumalon sa tuwa eh ginawa ko na. Kaso nakakahiya naman kung gagawin ko yung sa harap ng madaming tao. Hahaha. Pero hindi ko maitago yung mga ngiti sa akong bibig.Naks. Feeling ko fullfilled na ako sa araw na ito. Feeling ko din pwede na akong mamatay.. Hahaha....

"Travis!" sigaw ni Raul.

"Oh bakit kayo pumasok sa gym?" bigla kong natanong.

"Eh pumasok din sila Karson kaya napasunod na yung iba, grabe nagugutom na ako. San ka naggaling?" tanong niya.

"Ah kumain na ako. Asan na yung iba?" sabi ko.

Unti-unti ko ng nakita yung mga katropa ko nahalatang init na init galing sa gym. Wala nga lang si Karson kasi kasama yung girlfriend niya.

"Oh saan tayo, nagugutom na ako eh. Wala naman daw klase." sabi ni Casio.

"Tara kain tayo! Nakahanda na yung kutsara't tinidor ko. Haha" sabi ni Bruce.

"Mainit, tara mall tayo." sabi ni Scott habang nilalagay yung tuwalya sa likod niya.

"Whoa whoa, wait lang. Ano naman gagawin naten dun sa mall eh puro tayo lalake?" sabi ni Polo.

"Edi magbabaklaan. HAHAHA." sabi ni Antonio tapos nagtawanan din kami.

"Mall na kung mall, ayoko magdota ngayon eh. Sa mall na din kayo kumain. Kumain na kami ng mahal ko eh. HAHA." sabi ko.

"Di nga?" sabi nilang lahat.

"Sasabihin ko ba kung hindi nangyari? Isip isip din. Hahaha." hirit ko naman.

"Aba aba, gumagalaw ka na Travis ah, ipagpatuloy mo lang yan." sabi ni Jejomar.

"Asus. Tara na nga, lalaki nanaman ulo netong mokong na to eh." sabi ni Casio.

Habang papunta kami sa mall, kinuwento ko yung mga nangyari sa amin ni Lucy. Pero hindi naman ako magaling magkwento katulad ni Raul kaya naman hindi perfect yung pagkakasabi ko nung mga nangyari. at least naintindihan nila diba? hahaha.

At eto na nga, kahit wala kaming kasamang babae, andito na kami para magpalamig. Hahaha.

Dumiretso agad kami sa Mcdo para kumain, mura lang kasi yung bibilhin ng mga neto eh. Eh ako naman coke float lang yung kinuha ko. Baka masobrahan yung expenses ko. Hindi pa ako nakakareocver sa mga libre ko kay Alice. T.T

Nasubukan niyo na bang magtanong ng jolly hotdog sa Mcdo? Ako nasubukan ko na. Hahaha. Ang awkward ng moment na yun, parang kakainin ako nung tagamcdo. Pero dahil isa akong customer ako yung tama. Hahaha! Excercise your right! :D

Kumain na sila at ako iniinom yung coke float ko. Ayoko ng haluin yung ice cream masarap kasi eh. Tapos tinatanggal ko lahat ng yelo sa float kasi hindi ko naman yun kailangan. Tama naman diba? Kase mas madami pa yung yelo sa coke at ice cream. Magkano naman kaya yung yelo na yun?

Slippery when wet..

Avon.

Cherry Mobile.

Oh papasukin niyo muna yung babae, sige lang pasok konting siksik pa po diyan.

Eto na po ba sir yung bibilhin niyo?

May iba pa bang size?

Ay wala na po, last stock na po namin eto.

Pahiram ng isang ina

Nagbabagang Bulaklak

Babaeng Hampaslupa

Bangis

Hahaha. Sorry ah. Dami kong napapasin eh. Yung iba naiinis ako, yung iba tinatawanan ko na lang. Minsan gawin mo din eto, umupo ka tapos pansinin mo lahat ng nasa paligid mo. Astig yun. XD

Balik tayo, kumakain na sila, si Bruce hindi makaburaot kasi ang kokonti ng mga pagkain, kaya bumili na lang ng fries. Si Reynaldo may kulangot sa pisngi . Si Raul, hindi maubos yung pagkain dahil sa kakakwento. Si Jejomar tahimik lang. Yung iba normal lang ang pagkain, ako nakangiti pa din at inaalala yung nangyari kanina... Hahahaha!!

Pagkatapos namin kumain, saan pa ba kami pupunta? Sa supermarket!!!

Karaniwang nasa baba yung supermarket ng isang mall kaya bumaba na kami gamit yung escalator.

Teka teka, baka hindi niyo alam yung gagawin namin sa supermarket...ano pa bang meron sa supermarket na masaya at libre? Edi FREE TASTE!!

"Sir subukan niyo na po ang bago naming product blah blah."

So kunwari titignan mo yung product nila, minsan drinks minsan pagkain, kapag hindi pagkain, wag mo na puntahan. Sayang oras mo. Hahaha. Pipila ka for free taste, tapos itatanong mo kung magkano yung product tapos pila ka ulet. Repeat the Process... and it's super effective! HAHA.

Kung hindi mo kaya, may safer way naman, kumuha ka ng free taste tapos kumuha ka ng cart tapos ipakita mong bibili ka. Then, after ilang minutes, iwanan mo yung cart ng mabilis tapos balik ka dun sa free taste. Trust me, as far as experience is concerned, it always works :P

Kung hindi mo talaga kaya,

NAKO SUMAKAY KA NA SA SPACESHIP NI KOKEY TAPOS DUN KA TUMIRA SA PLANETANG YEKOK. YOU'LL MAKE THE WORLD BETTER. :)

At dahil diyan, libre lang din ang pagtae. Bakit hindi mo pa damihan diba?

Kapag may gusto manlibre sa inyo, piliin mo na yung pinakamahal. Sayang yung libre. Konti na lang ang libre sa mundong ito, kaya naman panatilihin natin itong libre. Hahaha.

And according to Bruno,

Libreng magmahal, bakit hindi pa natin lubos-lubsusin hindi ba?

Wala namang batas kung paano magmahal, at hindi ka naman magmumulta kapag nasaktan ka. Kaya magmahal ka lang at ingatan mong mabuti ito, dahil kapag lumagpas na sa limitasyon, maaring magdulot ng kapahamakan sa iyong sarili at sa ibang tao.

At dahil sa libre ito, maraming umaabuso nito..

Ginagamit ng iba ang pagmamahal ng ibang tao para sa kanilang pansariling pangangailangan, marami ang nasasaktan, at marami ang naapektuhan. Baka magising ka na lang na pati ang pagmamahal,

per hour na lang. :)

Ginagawa namin yun everytime na pumupunta kami sa mall. Masama na ba kaming tao? Hmmmm... Nakakabusog kasi kapag libre eh. Wag mo sabihing mali ako? Hahaha.

Natapos na namin yun, at nagsawa na din kami sa mga free taste. Medyo tumagal kami dun at nagdecide na kaming pumunta sa lugar kung saan bagay kaming mga kabataan. Hahaha.

"Tara na WOF! (Worlds of Fun)" sabi ni Casio.

So WOF, hahaha, anu bang gusto kong laruin muna. Naghiwahiwalay kami papunta sa iba't ibang arcade games. Ako pupunta sa basketball, kaya naman pumunta na ako sa bilihan nung tokens.

"Kuya sampu ngang tokens." sabi ko.

"Oh eto oh." sabi ni kuya. napansin ko lang, may itsura si kuya. tapos tinawag siya nung isang lalake, mukhang nasira yung isang arcade game. Nakita ko yung pangalan niya sa I.D. uhhh... ayun! John carlo Trinidad. Aba astig din pala ng pangalan neto ah. Kahit eto lang trabaho niya nakakasunod pa din sa fashion kase daming spike ng buhok. Hahaha. Wala lang nagkainterest lang ako.

Nakuha ko na tokens ko, kaya pumunta na ako sa basktball arcade.

Nagsimula na akong magshoot ng bola. Unang bola shoot... tapos sunod sunod.. kapag wala si Alice nakakasunod sunod ako eh. Hahaha. Feeling ko tuloy anggaling ko na sa basketball. :)

Habang nagsshoot ako, biglang may tumama na bola sa akin. Awwww.. Masakit din yun ah..

"Nako sorry ah.." sabi nung tao...babae yung boses..

"Okay lang." ako na kumuha ng bola tapos inabot ko sa kanya.

"Travis?" sabi niya.

"Lucy..." sabi ko.

OH ANO NA? HAHAHA. PINAGTAGPO TALAGA KAMI NG TADHANA. PILIT KAMING PINAGLALAPIT EH. <3

"Ayos ka lang talaga?" tanung niya ulet.

"Oo wag ka mag-aalala. Andito ka din pala?" sabi ko.

"Oo nakikita mo nga ako eh." at mukhang kasama niya mga kabarkada niya.

"Haha. Oo nga naman, ishoot mo na kaya yan? Mauubos na time naten ohh." sabi ko.

"Hala! Oo nga!" sabi niya.

Naglaro pa kami ng naglaro. Busy din yung mga kaklase namin ni Lucy kaya naman minsan sinusundan ko siya, napunta kami sa dance maniac, sa mga video games yung may drive drive. Tapos napunta kami dun sa may crane machine ata tawag dun...

"Kaya mo bang kumuha diyan ng stuff toy?" tanong niya.

"Aba hinahamon mo ata ako eh. Sige ba!" edi sinimulan ko na. Unang try, FAIL. Pangalawa, pangatlo, pangapat......... GRABE BA'T ANG HIRAP NETO? >,<

"Akala ko ba kaya mo? Hahaha." sabi niya.

"Eh yung teddy bear kase umiiwas, wala na naubos ko na tokens ko..errr" sabi ko..pero hindi naman ako naiinis, napaptawa ko naman si Lucy eh. Hahaha.

"Okay lang yan, konting practice pa, mapperfect mo din yan, tapos pwede mo ng ibigay yung teddy bear sa special someone mo." OO NGA EH. IBIBIGAY KO DAPAT SAYO. HMPFT.

"Next time na lang nga. Haha. Mukhang nagsawa na din sila Raul." sabi ko na lang..

Mukhang ubos na din yung mga tokens ng mga taong eto. Hahaha. Tapos nagtagpo yung mga barkada ko at ni Lucy. Since magkakaklase naman kami, bakit hindi isa na lang yung puntahan namin diba? LOL.

"Mga girls saan niyo gustong pumunta?" tanong ni Casio.

"Sa Karaoke hub tayo, para pwedeng maraming tao!" sabi ni Polo.

"Yung mga babae yung tinatanung ko eh, panira ka naman." sabi ni Casio.

Tapos nagusap-usap yung mga babae.........................

Sana pumayag sila...

Sana pumayag...

Sana..

..

.

.

.

 "So, ano ng desisyon niyo?" :))

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 512K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
335K 23K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...