RION (Complete)

By royal_esbree

785K 10.8K 1.2K

[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion... More

Author's Note
Ang Barya
All About Him
Sweet Surrender
Dollar Mariella Viscos
Meeting my Nemesis
Ang Habulan
Sa Al's Billiards...
Shadows #1
Ang Raffle Tickets!
Bonding with my Enemy
Their Childhood
The Sweet Tooth
Ang Habulan #2
(°_°)
The Pyromaniac
The Best Buddies
The Powerpuff Girls!
Shadows #2
The Predators
Set Fire to the Rain
The Tattoo
Bespren Shamari and the New Friend
Out of Curiosity
His Stares...
The Halloween Festival
Words from Two Guys
His Branded Kiss
The Patriarch
Lost
Mean Shamari and her Sweet Brother
Building His Haven
'S' stands for?
Shadow#3: Unmasked
Helluva Day
Wicked Kiss for a Wicked Lady
Jaguar's Thoughts
Happy Dollar's Day
My Lab
Snobbish!
Vaughn St. Martin
Bothered
World of Chances
Love On Fire
Power-puffy-pillows
Bees and Terrorist
Certified SOAB
Sneaky Rion
Vaughn's Lunacy
Inviting Him
From Excitement to...
Mosquitoes and Colds
Adding Insult to Injury
Totally Screwed
The Hot Intruder
Marry me?
Stupid Calls!
Facing 'Jaguar'
When Two Devils Collide
The Morning After
Vaughn's Oath
Come Hell or High Water
Rendezvous
Suspicions and Revelations
Powerpuff Meets Jaguar
Love Race
The Tattoo and Me
Zilv and Shamari (Teaser)

My Circle of Friends

11.7K 207 11
By royal_esbree

Dollar's POV

Tiningnan ko ang bunton ng mga dahon na nagsisimula ng lumaki ang apoy.

Fire. I can't help but admire this element.

At katulad ng nangyayari kapag nakakakita siya ng apoy,I was caught in a trance.

"Ahhhck!" Automatic na napatingala ako para makita kung sino ang pumisil sa ilong ko.

Si Moi. Umupo siya sa tabi ko at bahagyang sinulyapan ang papalaking apoy at tiningnan ako. At tiningnan ulit ang apoy at ibinalik ang tingin sa'kin. "Tsk, tsk, tsk." Si Moi habang naiiling-iling pa.

Alam ko ang iniisip ng mokong na 'to. Oo, obsessed ako sa apoy mula pa ng bata pa lang ako.

Obsesyon ko na hindi malaman ni Uncle Al kung saan nagmula. At obsesyon ko na laging dahilan kung bakit kaming tatlong magkakaibigan, ako, si Moi at si Zilv, ay nasasangkot sa gulo nang maliliit pa man kami.

Oo, kaibigan at kababata ko 'tong mestizo playboy na 'to. Dati binabatukbatukan ko lang ito pero ngayon mas matangkad na kesa sa'kin.

"Akina ang lighter mo," at inilahad pa niya ang isang kamay niya.

Iyon ang rule na ginawa ni Moi at Zilv. Sa tuwing mahuhuli ako ng dalawa na nagpo-produce ng apoy nang walang dahilan, kailangan kong isuko ang antigong lighter na matagal nang na sa'kin.

Iniabot ko sa kanya ang kulay gintong lighter. Hmp. Bago ako makauwi sa bahay mababawi ko din 'yan nang di niya alam.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

I smiled. "Sikreto..." Taas-baba ang mga kilay ko. Parang wala pa 'kong balak na i-share sa kanila ang tungkol kay Unsmiling Prince. 

Ang totoo, kanina pa 'ko tapos sa pagwawalis ng mga dahon sa ilalim ng mga bleacher Tiningnan ko lang kung babalik pa si Unsmiling Prince. Pero inabot na 'ko ng hapon ay hindi pa rin bumalik ang lalakeng 'yon. Sayang, dami ko pang plano para sa'ming dalawa. Kaya tinodo ko na lang ang paglilinis, sinilaban ko na din ang mga binunton kong tuyong dahon.

Nilingon ko si Moi. Palingon-lingon din siya.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko kahit alam ko na kung bakit.

Hindi siya pupunta sa isang tagong lugar para lang makipagkamustahan sa akin at lalong hindi kung wala siyang pinagtataguan. Madalas kasing matatagpuan ang lalakeng 'to kung saan matatagpuan din ang nakararaming female species.

"Vacant."

"Ako pa ang niloko mo, Moises Crisostomo, 'di pa man tayo marunong maglakad, tayo na ang magkalaro at magkasama."

Babae na naman 'to for sure.

"Ikaw talaga, umuwi ka na nga, hinahanap ka na ni Uncle Al, pang-umaga ang pasok mo pero alas-seis na ng hapon ay nandito ka pa rin! Anong klaseng babae ka ha?"

"Magandang babae," sagot ko at kumuha ng isang bar ng chocolate sa bag ko.

"Tss!" Lumingon-lingon ulit siya. Annoyed talaga si Moises.

Gabi na pala talaga. Apoy lang ang source of light namin bukod sa may mga kalayuang poste ng ilaw.

May mga night classes na ina-attend-an si Moi at ganoon din si Zilv. Third year na si Zilv sa course na Architecture samantalang first year ECE student naman si Moi.

Wait... Malapit ang building nila Moi sa BizEd Bldg! Nilingon ko ang building na pinasok ko kanina.

Iyon ang building na pinakamalapit sa part na kinaroroonan namin. And an idea hit me.

"Tutal gabi na din naman, di hihintayin ko na kayo ni kuya Zilv para party party tayo. Tagal na ng huling get-together nating tatlo. Ite-text ko na lang si Uncle."

Nagkibit-balikat lang siya at saka ko siya hinila para umalis na doon. 

Ano kayang iniisip ng lalakeng 'to? Unusual kasi ang pagiging tahimik niya samantalang kalaban ko siya sa pagiging madaldal.

Naglalakad kami pabalik sa school nang bigla na lang may humarang na babae sa dadaanan namin. "Miss, have you seen a tall guy, uhm, mestizo siya with an angelic face?" Tanong ng babaeng estudyante rin na parang iiyak na pero nakuha pang i-describe nang ganoon ang hinahanap.

"Ah si Mo---" (O_<)?

Nasaan na ang kasama ko? Katabi ko lang siya kanina ah? What is it with these men at bigla na lang nawawala?

"Ahmn, may nakita nga ako pero nakita kong pumasok sa BusEd Bldg. Siguro nasa CR 'yun, mukhang nag-e- LBM eh." 

Lately napapansin ko na madalas akong nagsisinungaling ah. Tsk, tsk, tsk!

Bigla na lang akong tinalikuran ng babae at hindi na nagpasalamat o nagpaalam.  Napailing na lang ako.

Ewan ko ba naman kay Moi. Ang tagal-tagal ng playboy eh 'di pa din malusutan nang maayos ang mga problema sa mga babae. Haaay...

Saan na kaya 'yong lalakeng 'yon. Pero hindi si Moi ang hinahanap ko... Ayiee!

At saan nga pala 'ko pupunta? Hmn..


{A/N}

Hello readers! Salamat sa pagbibigay ninyo ng time para basahin ang istoryang 'to mula sa mga sabog kong ideya sa sabog kong utak, bwahaha! Kung gusto nyong i-like, mag-comment (positive man o negative)o maging fan o mag-vote (sureness!), wag po kayong mahihiya, hehe! Kung gusto nyo lang po.

It's a free country anyway.

Peace on Earth!


^^^^^^^^

Sayang... Tsk, tsk, tsk!

Sarado na ang SSC office. Malamang nakauwi na din si Unsmiling Prince, wala ng mga third year ang may klase sa building nila.

Note: Alamin ang class schedule, address, e-mail ad at mobile no. ni Rion.

At ngayon nga, pupunta 'ko sa kabilang building. Titingnan ko kung nandon pa si Zilv. Hindi kasi ako sigurado kung pumasok ang lalakeng iyon.

Matalino siya but studying is not his priority. Mas gusto pa 'ata niyon na i-master ang iba't ibang art ng pakikipagbasag-ulo at sumali sa mga karera. But he's a good person nonetheless.

Nagha-hum pa 'ko ng kanta habang naglalakad nang may mapansin.

Bakit ba ang dilim na agad sa building na'to? Ilang fluorescent lamp pa lang ang may ilaw sa hallway at walang naliligaw na tao.

Lingon sa likod. Lingon sa kaliwa. Sa kanan. Lingon ulit sa likod. (O_<) (>_O)

Kung may manghaharang sa akin na siga na doble ang laki sa'kin ay hindi ako matatakot... Pero hindi ang mga multo! Binilisan ko ang paglalakad.

Nilagpasan ko ang elevator. Ayoko ngang sumakay doon. Mamaya magpatay-sindi ang ilaw tapos tuluyang magbrown-out tapos ma-stuck ako dun at may magpakitang... Nanay ko po!

Lakad-takbo na ko. Halos gapangin ko na ang pag-akyat sa hagdan. Di ko na tuloy alam kung nasaang floor na 'ko. Napahinto na lang ako nang may marinig akong mahihinang boses na nag-uusap.

Haay... Buti na lang may tao.

Malapit na 'ko sa hagdan papuntang rooftop bale nasa fifth floor na 'ko. At sa pasilyo doon naroon ang dalawang lalakeng nag-uusap. Madilim sa parteng 'yon. Di ko tuloy makita ang mga mukha nila. Iyong isa ay nakatalikod sa 'kin at ang kausap naman niya ay nakasandal sa pader.

Ilang sandali silang natahimik sa mahinang pag-uusap nila, naramdaman 'ata nila ang magandang presensya ko.

Mayamaya ay tinanguan lang ng nakatalikod na guy 'yong isa at saka umalis na. At saka ko namukhaan ang lalakeng prenteng nakasandal sa pader, his hands in his pockets.

Zilvestrio Macario, my gorgeous kuya-friend.

"Duchess." Zilv recognized me.

Napangiti ako. Bata pa lang kaming tatlo 'yon na ang tawag nilang dalawa ni Moi sa'kin. Lahat kasi ng gusto ko ay sinusunod nila kahit panay ang reklamo ni Moi at may kasama pang pagkakamot. Feel na feel ko naman dahil pare-pareho kaming only child. 

"Sinong kausap mo?" tanong ko at tinanaw ko pa ang lalakeng kausap niya kanina. Pasara na ang elevator kaya di ko na nakita ang mukha niya. But his back and his built looked familiar...

"Wala 'yon." sagot ni Zilv at lumapit siya sa kinaroroonan ko.

"Sino nga?" pangungulit ko. 

"Wala, nanghihiram lang ng ballpen." Patamad niyang sagot at inalalayan ako sa paglalakad.

Hanu daw? Talaga naman 'to oh. Mag-iisip lang ng dahilan iyong hindi pa kapani-paniwala.

"Sino nga 'yon? Grabe naman kayo, maghihiraman lang kayo ng ballpen, dumayo pa kayo dito sa fifth floor. Eh 'di ba sa fourth floor ang room mo?"

Nagkibit lang siya ng balikat. Silent type talaga siya kahit kelan.

I pout. " Siguro may affair kayo no?" atsaka ako humagalpak ng tawa. Just by the thought of Zilv who looks very manly and another guy together ay talagang nagdulot sa'kin ng ibayong katatawanan para sa akin. I'm not against that type of relationship pero masyado ko lang kilala si Zilv kaya nakakatawang imagine-in.

Tiningnan lang niya 'ko. Sanay na naman siya sa pang-aasar ko. Atsaka pinindot ang button ng elevator papuntang ground floor.

"Bakit nga pala nandito ka pa? Pang-umaga ang klase mo di ba?"

"Hmn. Wala lang." Napangisi ako. Naalala ko kasi si Unsmiling Prince. May bukas pa. At may ilang semesters pa.

Tiningnan ko siya. Alam kong gusto niyang malaman kung bakit pero di na din nagsalita. Annoyed din ba si Zilv? Ganoon din si Moi kanina ah. Annoyed ang dalawa kong kaibigan.

O sige, annoyed na din ako. Dadamayan ko muna sila.

Inisip ko na lang kung paano ko susuyuin si Unsmiling Prince. Wala tayong magagawa, first time akong tamaan sa isang lalake. And it hit me big time. Wala naman sigurong masama kung ipu-pursue ko si Marionello Flaviejo, di ba? Nasa demokratiko naman tayong bansa.

Napasulyap ako kay Zilv. Humahanga din ako sa kanya dati at hanggang ngayon but he's more like a big brother to me at nakababatang kapatid din ang turing niya sa'kin pero iba pagdating kay Unsmiling Prince... Iba... and I couldn't name it... 

Basta ie-enjoy ko muna 'to. Ok lang kahit di niya 'ko pansinin basta masaya 'ko sa ginagawa ko. Grabe.... ngayon lang 'to ah, ako ba talaga 'to? Dati mga chemicals at pagbabasa lang ng magazines ang pinagkaka-interesan ko.

Hmn... Come to think of it, ngayon ko lang napansin na parang may mga similarities si Zilv at Rion. Sa kaseryosohan pati sa kamisteryuhan-effect nila and their commanding aura. At meron din silang similarities physically. They both stood almost six feet tall. Their hair, black as raven. Maiitim na mata pero magkaiba ang paraan ng pagtitig nila. At parehong moreno. But all in all, di naman sila magkamukha. Parehong gwapo in different ways.

Rion is the hero image, in coat and tie riding luxury wheels. But he could also be the villain if he chooses to. Zilv is the villain type, in a leather jacket and jeans on top of his Harley Davidson bike but he could also be a gentleman if he chooses to.

Basta ganon na 'yon. They seemed to be the same yet so different. Parang exciting kung magiging magkaibigan din sila. At mangyayari iyon sa pamamagitan ko, kapag jowa ko na si Rion, bwahaha!

Bumukas ang elevator kaya natigil ako sa pag-a-assess sa dalawang lalake sa buhay ko. Hanung sabe! Parang ang sama pakinggan.

Nasa parking lot na kami. Gabi na pala talaga. Hindi ako nag-aalala sa pagdadahilan kay Uncle kung bakit ako ginabi, kasama ko naman si ZiIv. Malaki ang tiwala ni Uncle sa dalawang nabubukod tangi kong kaibigan. Sumampa na si Zilv sa bike niya at nirebolusyon iyon.

"Zilv gimmick naman tayo, ngayon lang tayo nagkita after two weeks eh, partey partey ba?" alanganin akong ngumiti sa kanya. Baka papayagan. 

He didn't answer at tumingin sa likod ko.

"Kay Moi ka na sumabay."

Lumingon ako sa likod ko, nagpakita na si missing Moi, grinning from ear to ear, hindi na annoyed. Mukhang may nalusutan na namang problema sa babae.

"Saan tayo?" tanong ni Moi.

"Same place." sagot ni Zilv at pinaharurot na palayo ang motor niya para di na 'ko makaangal.

Hmp! Alam ko ang same place na sinasabi niya, ano pa nga ba, kundi sa Al's billiards. Sa labing anim na taon ko sa mundong 'to ay iyon pa lang ang nararating kong bar. Thanks to my friends na mga old-fashioned at naniniwala pa ding ang babaeng gaya ko ay hindi dapat pumupunta kung saan-saan kapag gabi na. Kainis!

"Huwag ka ng mag-tantrums, Dukesa Mariella, marami akong ikukwento sa'yo over dinner. Sakay na." at pinagbuksan ako ni Moi ng pinto ng kotse niya.

I just rolled my eyes at sumakay sa kotse. Excited ako para bukas at sa kung anong maiisip kong plano para kausapin ni Rion. Sige no gimmick na nga muna with friends, focus na lang muna ako sa pinu-push kong love life. *Grin

Continue Reading

You'll Also Like

361K 10K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
361K 12.2K 41
Sa mundo kong mapaglaro, may natitira pa bang matino? Lahat ng bisyo ay nasa harapan ko pero lagi kong tinatanggihan. Pero ang isang bisyo na hindi k...
304K 16.4K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
15K 251 23
Loving him is my favorite thing to do. Falling on his charms makes me love him more but then, it change how it goes. He hurt me. He fooled me by hi...