Kabanata 16
Express
"This was great, though may mga adjectives lang na hindi masyadong fit sa gusto mong iparating sa reader," Sir said.
3 more days before the competition. So, naghihigpit na kami sa mga tutorials para maging effective yung mga isusulat kong poems. Araw-araw na kaming may sessions tuwing uwian, minsan naman ay ineexcuse ako ni Sir sa classes ko para lang makapag-practice. Araw-araw din akong hatid-sundo kay Zoen kaya palagi kaming naasar ng mga kaklase at mga teachers.
Wala naman para sa'kin dahil ayoko ng mag-isip ng ganoon sa ngayon, hindi ko kailangan ng distraction.
"Asan nga pala si Zoen?" Tanong ni Sir pagkatapos ibigay sakin ang bagong topic na inspirasyon ko sa susunod kong isusulat. Isinulat niya iyon sa papel saka iniaabot sa akin.
"Ewan ko po," Kinuha ko ang papel saka tiningnan iyon. Napahinga ako ng malalim. About friendship.
"Ah, that's strange." Luminga-linga pa siya sa palagid para hanapin siguro kung nasaan si Zoen.
Minsan naiisip ko kung may gusto to kay Zoen e. Paano ba naman kasi may chismis-chismis na bakla raw ito. Although wala pa namang confirmation galing sa mga chismosa kong mga kaklase pero halata mo rin naman sa way ng pagkilos niya at pananalita niya. Pero may probability parin naman na ganun lang talaga siya kumilos. Wala na tayong magagawa doon.
"You know, writing is an underestimated art," Panimula niya.
Napalingon naman ako sakanya. "Nakita ko lang iyon sa twitter." Tumawa siya.
"May twitter ka po pala?" I said.
Nag-iba ang aura niya bigla at nagseryoso. "Of course! Porket medyo matanda at teacher, hindi pwedeng magkaroon ng twitter?"
Umiling naman ako. "Hindi naman po!"
Tumango naman siya. "Iyon naman pala."
"Well, as I said. Writing is an underestimated art," Panimula niya ulit. Tumango naman ako.
"Because you are painting colorful images on the reader's mind by using words of black and white." He said. Ngumiti naman ako, indeed writing is an underestimated art.
Maya-maya ay biglang may kumatok sa pintuan. Napalingon kami doon. "Siguro si Zoen na iyan."
Tumango naman ako. Well, si Zoen lang naman ang pumupunta rito. Tumayo ako papunta sa pinto par buksan ito.
"What are you doing here?" I asked. Gulat sa bumungad sakin.
"We have a projectto be done. Tayo nalang ang di pa nakapagpapasa. Binigyan tayo ni Ma'am hanggang 5:30 pm para ipasa kasi excused ka naman kanina." He said. Gulat pa'rin ako ngayon, kaya hindi agad ako naka-react sa sinasabi niya.
"Hindi ba si Zoen iyan?" Tanong sa akin ni Sir. Tumayo siya at pumunta sa tabi ko.
"Oh! False hope. Akala ko si Zoen na." Humalakhak siya.
Napabaling naman ako kay Ken na ngayon ay naguguluhan. "Araw-araw dito si Zoen?" he asked.
Bago pa ako makasagot ay sumagot na kaagad si Sir. "Naku! Oo! Ngayon lang nga siya pumalya eh. Araw-araw niya kasing sinusundo o sinasamahan--"
"A-Ah! Sir, pwede po bang bukas ko na lang ito ipasa? May project pa kasi kaming gagawin eh. Submission na ngayon."
Kumunot ang noo ni sir, bumaling naman ako kay Ken an ngayon ay nakakunot din ang noo. "O, sige." Tumango siya sa amin at ngumiti. Tumakbo ako sa upuan kung saan ako nakaupo kanina para kunin iyong mga gamit ko.
Naramdaman ko naman na may tao sa likod ko. Madali kong nilalagay ang mga drafts ko sa bag. "Tulungan na kita."
"W-Wag na! Kaya ko--" Hinigit niya iyong bag ko at isinabit sa balikat niya habang sa isang balikat niya naman ay ang bag niya. Kinuha ko iyon sa kanya ngunit lumihis siya.
"Ako na, kaya ko." Tumango nalang ako. Wala naman din akong magagawa.
Nang maayos namin ang gamit ko ay bumaling ako kay Sir Kris, "Sir, kayo nalang po bahala kay Zoen kung pumunta man siya rito."
Tumango naman siya at tumawa. "Sure, sure."
We bid goodbyes at nagsimula na kaming maglakad ni Ken.
"Saan tayo?" He asked.
"Uhm, sa mga bench nalang." I answered casually.
Tumango naman siya at 'di na ko kinausap muli. It feels weird because hindi siya nauubusan ng topic 'pag magkasama kami. Siguro nga maraming nagbabago.
Pagkababa namin sa building ay naghanap kaagad kami ng bench na may tables. Agad naman siyang nakahanap at agad na nagtungo doon. Huminga ako ng malalim.
"Let's start, paano ang gagawin dito sa part na ito?" He asked pagkatapos namin umupo at ilapag ang mga gamit na kailangan.
"Uh, diyaan yung garage." I said. Tumango naman siya. ay hinanap ang ilalagay para sa projects.
Buong isang oras kaming ganoon lang. Mag-uusap lang kami kung may itatanong. Nothing more, nothing less. Siguro ang kailangan ko na lang ay masanay sa ganito.
"Xera!" Tawag sa akin ng isang babae.
Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon nakita ko ang humahangos na Eris na papunta sa amin.
"Bakit?" I asked.
Hingal na hingal siyang umupo sa tabi ko. "Wala lang. Ba't nandito pa kayo?"
"Project," I answered.
Inirapan naman ako ni Eris at bumaling siya kay Ken, "Oy, ikaw ba't ang tahimik mo?"
Nagkibit-balikat si Ken at hindi sumagot.
Inirapan din siya ni Eris. "So, anyways, akala ko ba nagkaaminan na kayo?"
Siniko ko naman kaagad ito at tumingin kay Ken na nakangiti ngayon. "Bakit ba, Xera?" She asked again. Ang daldal talaga nito!
"Nagkaaminan nga," He said. Nagulat pa ako nung nagsalita siya.
"Oh? Ano nangyari?" She asked again.
"Ayun, friends pa'rin kami." He answered.
How I wish na huwag ng dagdagan ni Eris ang mga tanong niya.
"Tinuldukan niyo na?"
"Alin?" I asked.
"Siya." He answered.
Hindi pinansin ni Eris ang tanong ko imbis ay nagtanong pa siya kay Ken. "E, ikaw?"
"Hindi. Walang balak."
Naguguluhan ko silang tiningnan. Wala akong nagegets!
"Ah, so anong plano?" She asked, again. Kailan ba 'to mauubusan ng tanong?
"Wala pa. Alam mo naman na hindi ako vocal na tao." Nilingon ko naman si Ken ngayon na nakatingin pala sa akin. Iniwas ako kaagad ang mga mata ko at inayos iyong huling ilalagay sa project.
"We're done." Tumayo ako at huminga ng malalim.
"Done? Di pa nga tayo nagsisimula." Bulong ni Ken pero sapat ng marinig naming dalawa ni Eris. Humalakhak naman si Eris sa narinig. Kumunot ang noo ko.
"What? Tapos na 'yong ipapasa nating project, ano sinasabi mo dyan na di pa tayo nagsisimula?" I confusedly asked.
Umiling nalang siya. "Papasa ko na,"
Tumayo naman siya at sumunod si Eris ng pagtayo, "O'sya, titingnan ko si Mommy sa cashier baka tapos na trabaho." Tumango naman kaming dalawa ni Ken.
"Bye, Xera."
Ngumiti ako at nagpaalam din. "Bye, Ken. Good luck. Makukuha mo rin yan."
Ngumiti sakanya si Ken, "Sana nga." Tumawa silang parehas habang ako ay walang nagegets.
Nang makaalis na si Eris ay balik sa katahimikan ang paligid namin ni Ken. Kaunti na rin kasi ang mga studyante dahil malapit nang mag 5:30.
"Ako na magpapasa, umuwi ka na. Maggagabi na." He said again pagkatapos niyang ayusin iyong mga gamit namin.
Umiling ako, "Hindi, ayos lang."
"Okay," He nodded at kinuha ang proyekto namin sa table.
Nagsimula kaming maglakad papuntang faculty, wishing na nandoon pa si Ma'am kundi ay paniguradong bukas na namin ito maipapasa. "Kailan 'yong contest mo?" Panimula niya.
Hindi agad nag-sink in agad sa akin na ako ang kausap niya ngunit nakapabawi naman ako ilang segundo, "This Friday,"
"First day, right?" Tumango ako. "Makakasama mo si Zoen." Bulong niya ngunit 'di ko narinig.
"Ha?"
"Wala." He answered, "Bakit kasi si Gabriel ang lalaban para sa Math competition?" Bulong niya pa ngunit di ko narinig ng malinaw.
Hindi ko na siya pinansin hanggang sa nakapunta kaming faculty. Nandoon si Ma'am kaya napasa namin kaagad, saktong 5:30.
"See you tomorrow," He said nang mahatid niya ko sa sakayan ng tricycle.
"See you," Tumango siya at naglakad na palayo.
'Pag dating ko sa bahay ay agad akong nagmano kay Mama saka sabay-sabay kaming kumain. Pagkatapos noon ay naglinis ako ng katawan at naghanda na sa pagtulog.
Humiga ako sa kama at inabot ang cellphone ko sa may lamesa. Inopen ko ang messenger ko para ma-check ang messages, pati na rin 'yong mga kaklase kong nagreremind kung ano ang mga gagawin para bukas.
I sighed nang nakita kong sineen ni Kenshin iyong message ko sakanya nung isang isang araw. Habang iniiscroll ko ang mga threads ay biglang nag-chat sa akin si Zoen. Agad-agad ko itong binuksan.
"Hi, sorry di kita nasundo kanina, busy kasi opening act kami sa competition." He said.
I replied, "Okay lang! :) Besides, di mo naman ako responsibility."
Ilang segundo palang ay nakita kong nag-reply na siya.
"No, :) I considered you as my responsibility now."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakangiti.
"Why? How? When? Where? Haha." I replied back.
Ilang minuto ang nakalipas ngunit walang reply. Active pa'rin naman siya. I sighed at inilagay iyong cellphone sa lamesa at akmang matutulog na ng narinig ko ang tunog ng messenger. Mabilis ko 'tong kinuha at binuksan iyong thread.
"Because I like you, Xera."