The Girl That You Failed To K...

By MsKyoHartHart

5.2K 1.2K 564

Painted By: Joanna Miraflor He wants her back, he realized what he did was stupid. He regrets leaving her. N... More

The Girl That You Failed To Keep
CHAPTER 1- Her Advice #1
CHAPTER 2- A Red Box
CHAPTER 3- Her Advice #2
CHAPTER 4- Her Suitor
CHAPTER 5- His Safe Haven
CHAPTER 6- She Cares
CHAPTER 7- He's Hoping
CHAPTER 8- Different Meanings
CHAPTER 9- He's Overreacting
CHAPTER 10- Her Advice #3
CHAPTER 11- Jealousy
CHAPTER 12- The Smirk
CHAPTER 13- Module
CHAPTER 14- Her Advice #4
CHAPTER 15- His Reason
CHAPTER 16- Her Best Bud
CHAPTER 17- Abnormal Heartbeat
CHAPTER 18- Pictures
CHAPTER 19- The Old Man
CHAPTER 20- Her Advice #5
CHAPTER 22- Pain
CHAPTER 23- Her Carefree Side
CHAPTER 24- A Bit of Confession
CHAPTER 25- Pictures
CHAPTER 26- The Old Man
CHAPTER 27- Her Advice #4
CHAPTER 28- Miala's Logic
CHAPTER 29- Pain
CHAPTER 30- Her Carefree Side

CHAPTER 21- Miala's Logic

101 34 13
By MsKyoHartHart

Third Person's  Pov

Nagising si Lei ng dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kwarto niya at tumatama sa balat niya.

Kaagad siyang bumangon at umupo sa kanyang kama at nag unat-unat.

Nahagip ng kanyang mga mata ang picture frame na nakadikit sa kaliwang pader ng kwarto niya.

Ito ang pinagtulungan nila ni Lei na idikit sa pader kagabi bago niya ito hinayaang makauwi sa bahay nito.

Akala niya ay doon ito matutulog sa kwarto niya pero hindi naman pala.

Pinaasa lang siya ng kaibigan.

Ang picture frame na iyon ay naglalaman ng larawan nila ni Lei.

Namangha siya sa galing ng pagkaka-edit na ginawa sa larawan nila dahil pinagmukha silang nasa isang hardin, nakaupo sa isang bench at magkatabi, ang dalawang daliri nila sa kamay ay magkadugtong at nakapormang infinity.

Ang infinity ang sumisimbolo sa pagkakaibigang mayroon sila ni Lei na kailanman ay hindi matatapos at magpapatuloy lang kahit na nasa kabilang buhay na sila.

Ang pagkakaibigan nila ni Lei ang magpapatunay na may forever at sisiguraduhin nilang dalawa na kahit ano pang problema at tampuhan ang dumaan sa kanila, malalampasan nila iyon ng walang kahirap-hirap.

Mas lalo pang nagpaganda sa larawan ang matitingkad nilang ngiti na walang bahid ng kaplastikan o pagpipilit. Makikita sa larawan na sobrang saya ang nararamdaman nila katulad nalang noong unang matagpuan nila ang isa't-isa at naging magkaibigan.

"No one knows how grateful I am to have you in my life, Lei." Sabi niya na parang kinakausap ang kaibigan na nasa litrato.

Para siyang tanga na nakangiti dito.

Agad siyang tumayo para makapag-ayos ng maalala niyang tinawagan siya ng kanyang pinsan na si Clyde pagkatapos umuwi ng kaibigan niyang si Lei kagabi.

Sinabi nito sa kanya na kailangan niyang pumunta sa bahay ng mga ito ngayon dahil gusto siyang makita ng ina ni Clyde, ang tita niya at higit sa lahat, may ibabalita daw ito sa kanya.

Tinanong niya kay Clyde kung ano iyon ngunit ayaw naman sabihin ng magaling niyang pinsan kaya napagdesisyunan niya nalang ngayon na pumunta roon dahil nangako din siya sa kanyang tita na dadalawin niya ito.

Wala naman siyang pasok ngayon dahil sabado kaya sa tingin niya ay ito na rin ang magandang tyempo para dalawin at kamustahin na rin ito.

Maayos ang pakikitungo niya sa kanyang tita, ang ina ni Clyde at kapatid ng ina niya dahil mabait naman ito at masasabi niyang mas malambing pa ang ina ni Clyde kaysa sa ina niya kaya isang beses ay nahiling niya na sana ito nalang ang ina niya, na sana nagkapalit nalang sila ni Clyde ng ina.

Masasabi niya na wala siyang mapipintas sa kanyang tita dahil todo alaga ito sa kanya noong mga panahong halos pabayaan na siya ng mga magulang niya dahil sa paghahanap sa nakababata niyang kapatid na si Luisa.

Nasa pinto na siya at papalabas ng may bumungad sa kanyang isang nakakabighaning ngiti na kayang magpaganda ng umaga.

"Good Morning Ms. Lane! I have a great morning too because of you!" Sabi ng kaharap niya na sinabayan niya lang ng irap.

Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niya si Sky ay automatiko na siyang napapairap.

Ganoon niya ata ka-ayaw sa presensya ng binata.

'You're playing hard to get buddy!' Saad ng konsensya niya na sinagot niya naman ng 'I have to. Because if not, I'll end up falling for him. Not so good idea buddy!'

"So you're a stalker ha? Alam mo kung kailan ako lalabas. That's bullsh*t Garcia!" Sabi niya dito at lumabas na para maisara ng tuluyan ang pinto.

Dahil pagnakita na naman siya ni Aling Senya, paniguradong masesermonan na naman siya nito dahil sinabi na nga nito sa kanya na hindi ito tinatambayan.

"You can say that. But, would you mind if I stand you corrected? I'm handsome Lane, so better call me your admirer than your stalker, my lady."

Napatulala siya kay Sky ng sabihin nitong gwapo ito dahil ngayon lang nito pinuri ang mismong sarili at mas nakakagulat pa ng tawagin siya nitong 'my lady' dahil hindi naman siya nito pag-aari.

"Conceited much? Please Sky, don't ever call me your lady. Because I'm not and will never be."  Tumalikod na siya kay Sky at napapikit sandali dahil pakiramdam niya ay kakainin niya ang mga salitang binitawan niya dito dahil kanina lang parang inamin niya na rin sa konsensya niya na unti-unti na siyang nahuhulog sa binata pero pinipigilan niya pa ring wag mangyari.

Dinilat niya na ang mga mata at nagsimulang maglakad papunta sa sakayan ng tricycle na nasa labas ng subdivision nila.

Napagpasyahan niyang sumakay na lang ng tricycle patungo sa subdivision nila Clyde dahil tinatamad na siyang mag-abang ng jeep sa highway at makipag-unahang sumakay sa mga pasahero.

Dahil sigurado siya na pagganitong oras marami ng nag-aabang doon ng masasakyan na jeep.

"Hey, wait! Where are you going? Can I accompany you?" Tanong nito sa kanya at ngumiti.

Nahabol na siya nito at ngayon niya lang napansin na nakaback pack pala ito at mukhang ready talaga itong gumala at samahan siya.

Samantalang siya, ni isa walang dala. Tanging ang sarili niya lang.

Ang ipinagtataka niya bakit parang alam na alam ng binata na may lakad siya ngayon, wala naman siyang sinabi dito.

"No need Sky! Hindi naman ako PWD para samahan mo. At pwede ba? Kung gusto mo na namang may masira ng araw. Wag ako! Okay? Wag ako!" Mataray na sabi niya kay Sky ngunit hindi naman ito binigyang pansin ng binata.

Sumabay pa rin ito sa paglalakad niya at magiliw siyang kinakausap.

Parang inaaliw siya nito habang naglalakad.

Pampaalis bored kumbaga.

Pero kung ito nga ang nais ng binata, mas gugustuhin niyang maglakad nalang mag-isa dahil pakiramdam niya ay hindi siya safe pagkasama o katabi niya ito.

'Duh!~ you're physically safe with him Jannah. Sky is not the manyak type of guy! The only problem is you! Masyado ka kaseng indenial eh kaya ka nagkakaganyan! Wala kang peace of mind. Dahil yung utak at puso mo nagtatalo. Alam mo te? Madali lang naman yan eh! Acceptance is the key. Tanggapin mo nalang na nahulog ka na sa kanya hindi yung nagpapakipot ka pa. Jusko day! 2016 na, ang tagal niya ng nanliligaw sayo. Hindi pa ba sapat yon?' Sabi ng maliit na boses na nanggagaling sa konsensya niya.

Maihahalintulad niya ang konsensya niya kay Lei, todo kung makasermon.

Napaisip tuloy siya kung ganito din ang magiging reaksyon ng kaibigan niya kung sakaling sabihin niya dito ang nangyayari ngayon sa buhay pag-ibig niya.

"Alright Lane, Let's have a deal?" Agaw atensyon na sabi ni Sky sa kanya.

Nasa harapan niya na ito at hinaharangan ang dinaraanan niya.

Doon niya lang napansin na nakashort lang ito at nakaputing T-shirt.

Napakaplain at simple nitong tignan pero sa mata niya nagiging kaakit-akit pa rin ito.

Marahil ay nadadala ng pagkachinito nitong mga mata at ang mga ngiti nito na parang bukal na bukal sa loob.

At kahit hindi mo ito maamoy, tignan mo palang mukhang ang bango bango na.

Napakalinis kase nitong tignan.

Nang mapansin niyang parang napapatagal na ang pagtitig niya sa binata ay agad niyang inalis ang tingin dito at binura ang paghangang nararamdaman para dito.

Hindi iyon makakabuti para sa puso niya baka biglaan siyang maheart attack pag nasobrahan.

"Hindi ako negosyante para makipagtransact sayo Garcia." Sabi niya dito at pinanatili ang sarili na kalmado pero sa loob loob niya hindi pa rin niya maalis ang paghanga sa binata.

'Jusko! Ano bang nangyayari sa akin?! Halos araw araw ko naman 'tong nakakasalamuha pero bakit feeling ko, ngayon ko lang siya nakita?! Why can't I stop myself drooling at him?! D*mn it!' Gusto niya sanang isigaw ang mga salitang yan at ibuhos ang lahat ng nararamdaman pero hindi pwede dahil nasa harap niya ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon ngayon.

Kung bakit ganoon ang epekto nito sa kanya ngayon dahil the last time she checked herself....

"No matter what lies you say to me or no matter what you do to keep me away, for some reason my heart just can't let go of you because my heart is filled with love for you, only you Miss Lane. I love you!"

Kinikilig siya kay Sky dahil sa mga sinabi nito kahapon bago ito umalis.

"Negosyante lang ba ang may kakayahang makipagtransact Lane? Hindi ba pwedeng ako rin? Parang ganito, nanliligaw ako sayo. At ang manliligaw nag iinvest ng time, effort, money at love para sa babaeng napupusuan niya. Handa siyang magpakapagod, magtiyaga at maghintay para makita niyang masaya ang taong mahal niya at mahalin din siya nito pabalik and when the time comes, magbubunga lahat ng dugo at pawis na inalay niya. At ang magiging return on investment niya ay ang sagot ng babae, oo man o hindi. See? Hindi lang negosyante ang pwedeng makipagtransact. Ako din." Paliwanag nito sa kanya habang tinataas-taas pa nito ang dalawang kilay na parang kinukumbinsi siya at nakangiti ng malapad.

"Dami mong alam! Uwi!" Sabi niya sa binata at agad na nilagpasan ito.

Masyado ng humahaba ang usapan nila ni Sky at sa tingin niya ay hindi na maganda yon dahil halos hirap na hirap na siyang magpigil ng ngiti habang nagpapaliwang ang binata sa kanya kanina.

Mukha siyang timang at mukhang sineryoso nga ng binata ang pambabara niya kanina.

"Hey! Wait, I have a deal to propose!"

"Ano ba yan?! Peste naman Sky! Anong kinalaman niyan sa buhay ko?!"

"Hmm. You don't want me to accompany you right?"

Tumango lang siya dito at pinakita rito na tamad na tamad siyang magsalita at kausapin ito.

"So hindi na kita hahabulin, kukulitin at sasamahan ngayong buong araw sa isang kondisyon."

Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil magiging sky-free ang araw niya ngayon kung sakaling tanggapin niya ang kondisyon nito o malulungkot siya dahil wala ito sa tabi niya at hindi niya ito makikita man lang dahil parang nasanay na siya na lagi itong napapagmasdan.

Pero isinantabi niya nalang ang huling naisip dahil hindi maganda yon sa pakiramdam at tinanong kung ano ang nais nito.

"Tulungan mo muna akong isipin ang solusyon sa logic na ibinigay sa akin ni Miala. Oh wait, Do you still remember her?"

"Are you trying to make me laugh Sky? Logic lang ng bata hindi mo pa masagot? Really Sky? Really?!" May pang-uuyam na sabi niya dito tsaka niya ito tinignan mula ulo hanggang paa.

Hindi naman iyon pinansin ng binata.

Mukhang pumasok lang ito sa kaliwang tenga nito at lumabas sa isa.

Parang wala itong pake kung minamaliit na siya ng dalaga.
Siguro ay nasanay na siya sa ugali at asal na ipinapakita nito kapag kaharap siya ng dalaga.

Para sa binata, defense mechanism lang ito ng dalaga kaya hinding-hindi siya magpapadala sa sinasabi nito kahit minsan masakit na.

"Kaya nga ako magpapatulong sayo eh. O ano payag ka na? Maglakad na lang tayo habang iniisip mo din ang sagot sa logic na 'to." Tumango lang siya at inirapan ang binata.

Ayos na rin iyon sa kanya para makarating agad siya sa sakayan at para hindi masayang ang oras niya.

Magkasabay na sila ngayon na naglalakad habang sinasabi sa kanya ni Sky ang logic ni Miala.

"Can I hold your hand?" Sabi nito sa kanya na ikinagulat niya naman.

Magrereklamo na sana siya pero agad namang ipinaliwanag ni Sky sa kanya kung bakit nito hahawakan ang kamay niya.

Sinabi nito na kailangan daw yon para sa logic ni Miala.

Para mas madali daw nitong mai-demonstrate sa kanya ang sitwasyon kaya sa huli pumayag na din siya.

'Kunwari ka pa eh no? If I know, kating-kati na yang palad mo na mahawakan ang kamay ni Fafa Sky. Maang-maangan pa atii!' Gigil na sabi sa kanya ng konsensya niya.

Hindi niya iyon pinansin sa halip mas napuna niya ang malambot na kamay ng binata.

Dinaig pa siya nito. Hindi niya naman masasabing walang  ginagawa ang binata kaya malambot ang kamay nito dahil kitang-kita ng dalawang mata niya kung gaano karami ang mga ginagawa ni Sky lalo na sa school dahil ito ang paboritong utusan ng mga professor doon.

Palibhasa kase ay madali itong lapitan at palaging nakangiti, parang hindi marunong tumanggi.

Sa totoo lang, medyo magaspang ang kamay niya kaya nahihiya siya sa binata sa tuwing nadidiinan nito ang pagkakahawak sa kamay niya pero hindi niya nalang ito pinahalata dahil ayaw niyang lumaki ang ulo nito porke malambot ang kamay.

'Maswerte lang siya, minalas lang ako. Tss.' Komento niya sa isip lang.

"Ngayong hawak mo na ang kamay ko, baka pwede mo nang simulan kung ano yung logic na gusto mong sagutin ko? Nakakahiya naman kase sa akin di ba?" Malumanay niyang sabi kay Sky pero kakikitaan ng diin sa bawat salita at may halong pagkasarkastiko din ang tono.

Naiinip kase siya sa lagay nila ngayon ng binata.

Hindi niya din mawari kung naiinitan ba siya ng sobra dahil sa araw o sadyang mainit talaga dahil sa magkahawak nilang kamay.

Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya makahinga dahil wala siyang hanging malanghap o baka naman kinikilig lang siya kaya ganoon.

"Too bossy. Mas nakakainlove!"

"Tss. Dami mong satsat."

"Hahaha. Sige, game na! Isipin mo na ang magkahawak nating kamay ay napapalibutan ng matataas na bundok." Panimula nito at marahan nitong diniinan ang pakakahawak nito sa kamay niya.

"Itong kamay natin ang magsisilbing sapa. Samantalang itong mga braso natin ang magsisilbing lupa sa gilid ng sapa. Dito sa lugar na to, may isang kuneho."

Tinuro nito ang mismong braso nito kung saan nakapwesto ang isang imaginary rabbit na sinasabi nito.

Matamang nakikinig lang si Lois sa binata. Marahil ay pinapakinggan nitong mabuti ang sitwasyon para may maisagot agad dito.

Ayaw niya kaseng magmukhang bobo sa harap ng binata.

"Gusto ng kuneho na makarating sa kabilang parte ng sapa which is yung sa braso mo naman dahil nandoon ang iba niyang kasamahan. Paano siya makakarating doon?"

Napaingos siya dito na parang napakasimple at madali lang sagutin ang logic nito. Para sa kanya, maski grade one student kayang sagutin iyon.

"Simple lang, edi tumalon siya. Anong purpose ng paa? Basic."
Sabi niya dito at akmang aalisin niya na ang kamay buhat sa pagkakahawak ni Sky.

Ngunit masyadong mahigpit ang pagkakawak ng binata sa kamay niya kaya hindi niya ito makuha.

"He can't. Masyadong malawak ang sapa at malayo ang pagitan ng lupa. Maaari siyang mahulog sa tubig at maging dahilan ng pagkalunod ng kuneho. At wala din siyang bagay o kahoy na pwedeng pagtulayan dahil medyo malalim ng kaunti ang tubig sa sapa."

"Eh bakit hindi nalang siya umakyat paitaas. Sa ganoong paraan, makakahanap siya ng way para makarating siya sa kabilang parte ng sapa." Kampante niyang sagot dito.

Nakahinga siya ng maisip niya iyon dahil pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamatalinong sagot sa logic ni Miala.

At last, lulubayan na siya ni Sky pansamantala at magiging tahimik na ulit ang puso niya.

Napansin niya ding malapit na  sila sa terminal ng tricycle kaya konting kembot na lang ay makakawala na siya kay Sky.

"Hindi din pwede. Dahil masyadong matarik ang daraanan niya. Babagsak lang ulit siya sa baba at worst, pwede pa siyang masugatan at mamatay."

"Mamatay agad? Wow. Advance mo masyado eh no?! So anong gusto mong gawin ng rabbit?" Sabi niya dito na may halong pagkasarkastiko.

"Kaya nga ako nagtatanong sayo dahil hindi ko din alam ang sagot."

"Alam mo wala namang saysay 'tong pinag-uusapan natin eh. Nagsasayang lang tayo ng laway! Mas mabuti pa, itanong mo nalang din kay Miala ang sagot."

"Hindi niya sasabihin at hindi niya din ako pinapansin.Papansinin niya lang ako kapag nasagot ko na 'tong logic niya. Nagtatampo kase siya dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya noong isang araw na ipapasyal ko siya at magbabonding kami."

Naalala niya iyon. Dahil narinig niya mismo na sinabi nito na aalis ito at si Miala para ipasyal ang bata pero hanggang sa umalis sila doon ng binata, siya pa rin ang kasama nito.

Bigla tuloy siyang nakonsensya dahil pakiramdam niya pati kay Miala ay nakikipag-agawan siya ng atensyon kay Sky.

Sa pangalawang pagkakataon, nakikipag-agawan na naman siya ng atensyon at ang katunggali niya ay mas bata sa kanya.

Napailing na lang siya dahil napakaunfair talaga ng buhay.

"Ugh! I don't know the answer so leave me alone and go back to Miala. Imbes na nagsasayang ka ng oras sa akin. Bakit hindi ka nalang bumawi sa kanya?" Suhestiyon niya dito na ikinanuot lang ng noo ng binata.

Dahil parang may bahid ng selos ng bitawan niya ang mga ganoong salita.

Parang ayaw din nito sa suhestiyon niya.

Pero agad din naman iyong nagbago dahil bigla itong ngumiti at parang may naalalang maganda.

Inalis nito sa likod nito ang nakasukbit na backpack. Binuksan nito iyon at kinuha ang mga rosas.

Nagulat siya sa kinilos nito dahil hindi niya inaasahan iyon.

At mas lalong lumaki ang mata niya ng lumuhod sa harapan niya si Sky at kinuha ulit ang kamay niya.

Bigla tuloy sumagi sa isip niya na magpopropose ito ng kasal.

Hindi na niya nagawang magsalita dahil masyadong mabilis ang pangyayari.

Naramdaman niya nalang na dumapo ang labi ni Sky sa likod ng kamay niya.

Hinalikan nito ang kamay niya pagkatapos ay ngumiti sa kanya.

At ayan na naman ang malakas at papalakas na papalakas na pagkabog ng dibdib niya.
 

"Wala naman talagang sagot sa logic na yon. Gusto ko lang hawakan ang kamay mo." Pinagsalikop nito ang kamay nila at tumayo.

Sa dinami-rami ng nangyayari hindi na tuloy makapagfunction ang utak niya dahil hindi na din siya makapag-isip kung ano at paano magrereact.

"Your hand fits in mine like it's made just for me but bear this in mind, it was meant to be and I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks and it all makes sense to me..."

Hindi alam ni Sky kung gaano siya nagugulat sa mga ipinapakita nito sa kanya.

Napapanganga na lang siya palagi sa tuwing may nadidiskubre siyang bago sa binata.

Dahil hindi niya naman inaasahan na marunong pala itong kumanta at lalung-lalo na, hindi niya alam na maganda pala ang boses nito.

" …… I know you've never loved the crinkles by your eyes when you smile you've never loved your stomach or your thighs, the dimples in your back at the bottom of your spine but I'll love them endlessly… "

Hindi niya magawang magsalita. Hindi niya din magawang umangal sa magkahawak pa rin nilang kamay.

Dahil sa totoo lang, kung nasa tamang pag-iisip siya panigurado kanina niya pa ito nasigaw-sigawan dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya, sa pinaparamdam nito sa kanya.

"… I won't let these little things slip out of my mouth but if I do it's you oh it's you they add up to I'm in love with you and all these little things…… "

Pakiramdam niya ay napakaespesyal niya dito at kaunting-kaunti nalang ay lalabas na sa katawan niya ang puso niya dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman.

Pero ang mas nangingibabaw ay ang kilig at saya na hatid ng binata sa kanya.

"Nakakatuwang isipin na yung kamay mo sakto lang sa kamay ko. It looks like your hand fits mine like the last piece of a jigsaw puzzle and the spaces between your fingers were created so that I could fill them in and I will gladly do that in a heart beat. Nakakalokong isipin na itong kamay na 'to ang may kakayahang magpaikot at magpahinto ng mundo ko. Just like how you light up my world and show me things I never dreamed I'd see. I want you to know Lane, that I'm so thankful for letting me hold your hand and have this kind of wonderful memories with you. At kung mabibigyan ulit ako ng pangalawang pagkakataon para mahawakan ang kamay mo, I will never think twice to grab it again. Thank you for being you Lois whenever you're with me. You're the only person that has an ability to make me smile without even trying. No effort, just you."

Habang nagsasalita ito, wala siyang ibang ginawa kundi tignan lang ito. Para siyang nahihipnotismo sa mga sinabi nito sa kanya.

"Sumakay ka na, baka maiwan ka pa. Mag-iingat ka ha? Mamahalin mo pa ako. I love you Lane." Hinalikan siya nito sa noo at kasabay ng pagbitaw nito sa kamay niya ay ang pag-abot nito sa kanya ng pitong rosas.

Araw araw siyang nakakatanggap ng ganoon dahil dito.

Hindi ata mabubuo ang araw niya ng hindi siya nabibigyan ni Sky ng mga bulaklak.

Pero palaisipan sa kanya kung bakit laging pito ang ibinibigay nitong bulaklak. Masyadong magastos at hindi naman siya santo para pag-alayan ng ganoon.

Pero hindi niya naman maitatanggi na nagugustuhan niya talaga ang mga binibigay nito.

Hindi niya lang iyon matanggap dahil takot pa siyang mahulog ulit at magmahal.

Pero mukhang hindi niya na kayang kalabanin ang emosyong namumuo sa kaliwang parte ng dibdib niya dahil malakas pa rin ang kabog niyon kahit wala na ang binata sa harap niya.

Doon niya lang din napansin na naglalakad na palayo si Sky habang kumakaway pa ito sa kanya at tinatawag na siya ng tricycle driver dahil siya na lang ang hinihintay at lalarga na ito.

"I'm almost there Sky. Wait me please." Naibulong niya nalang sa sarili at napahawak sa dibdib niyang mabilis pa rin ang tibok.

At pagkatapos ay sumakay na siya sa tricycle bago pa siya maiwanan.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 49.1K 16
CATCHLINE: I dont know what to do anymore, all I know is I am madly inlove with you that it hurts... so much. TEASER: Loving someone who does...
183K 7.2K 46
Regan Cordova yearns to taste true freedom. So when an opportunity to be independent arrives, he takes it without any second thoughts. With a clear g...
1.7K 159 61
Janella was a strong but childish person. She always cared for others but never cared for herself. She always prioritize other people feelings than h...
303K 3.5K 53
In a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up...
Wattpad App - Unlock exclusive features