This Can't be Love

By applekath

254 6 5

"How can you face your REALITY if in your DREAMS you're happy?" More

Prologue
CHAPTER 2: BLACKMAIL LOVE?

CHAPTER 1: EXPENSIVE SCRATCH

148 3 5
By applekath

(Characters on media side)

CHAPTER 1

EXPENSIVE SCRATCH

POV KATHLEEN

Ok, late na naman ako. As always! Gagalitan na naman ako ng aking mahal na tita, andito ako ngayon sa Manila naninirahan sa aking pinakamamahal na tita, as usual wala akong bahay dito, kasi nga hindi ako taga rito sa malaking syudad na ito.

"Faye ano na yan anung oras na?!" Inis na singhal ng tita ko. Galit na naman siya, sa tono pa lamang.

"Yes po tita!" Medyo hinihingal na sagot ko. Nagmamadali ko kasing nilagay lahat ng mga dapat kong dalahin sa bag ko. Ay nako! Bahala na kahit anung itsura ng loob ng bag ko, mailagay ko lang lahat ng kailangan ko.

Bakit ba kasi parati akong ganito? I tried to wake up early, nagpa-alarm pa ako sa phone ko pero wala talaga hindi ako nagising. Tulog mantika talaga ako, pero dahil nakipagpustahan ako ngayon sa isang office mate ko na hindi ako male-late kaya kailangan kong mag madali. Lumabas na ako ng kwarto upang harapin ang tita ko, nasa may pintuan na siya at naghihintay sa akin.

"Tita bye! Alis na po ako." Agad ko siyang hinalikan sa pisngi at nagmamadaling tumakbo palabas nang unit. Hingal na hingal akong sumakay nang elevator, buti nalang bumukas agad ang isa. Hay nako! Wala pa man lang ako sa office tagaktak na ang pawis ko, takot na kasi akong sermonan. The last time na masermonan niya ako eh, halos paulit ulit yung sinasabi niya, nakakabingi, kahit na hindi naman siya sumisigaw pero parang sirang plaka.

Nang makarating ako sa ground floor agad akong tumakbo palabas. Hindi talaga ako puwedeng mahuli. "Good morning ma'am," narinig kong sabi nung isa sa mga butler sa condo, ngumiti lang ako at dere-deretso tinahak ang palabas ng building. Nang makarating ako sa may side ng kalsada, hindi ko pinansin ang mga sasakyan na nakaparada at nagpumilit akong sumiksik upang makatawid. Masyado naman kasing dikit dikit ang pagkakapark nila, buti nalang sexy ako. Nakasabit ang malaki kong bag at iba pang mga paper bags sa balikat ko nang may narinig akong parang bakal na sumabit sa lata, akala ko may naapakan lang ako, kaya agad kong tiningnan ang inaapakan ko, pero shit!

Ohhh my! Yung bag ko, mangiyak-ngiyak ako sa nangyari, sa isip isip ko, ano ang ginawa mo bag ko? Yung puso ko parang kulang nalang lumabas sa dibdib ko grabing kaba, halos lumuwa na sa rib-cage ko ang puso ko. Kailangan ko ng magmadali, wala namang nakakita. Go Faye! Bye car! Wala naman sigurong nakasakay doon, sana hindi niya napansin. Akmang tatakbo na sana ako patawid, ng biglang may humila sa braso ko. Para akong na-istatwa, alam ko kung sino ang taong nakahawak sa braso ko. Kaya mas lalong nagwala ang nasa dibdib ko.

"Hey miss..." Malamig na boses ang aking narinig mula sa kaniya. Hindi ako humaharap sa kaniya dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon.

"Ah-aahh yes?" Nanginginig na tugon ko sa kaniya. Pinagpapawisan na ako ng malamig, kung kanina pinagpapawisan ako nang normal, ngayon parang galing sa freezer yung pawis ko sa lamig. Alam ko kasi ang pakay niya at alam ko na mamahalin ang sasakyan na nagasgasan ko.

"You scratch my lovely car..." Lalong naging malamig ang boses niya at talagang mariin ang pagkakasabi sa salitang scratch. Yung boses niya ay punong-puno ng pagkainis, though kahit malamig ang boses niya you will find it attractive. Parang boses ng isang gwapong Dj sa radio. Dahan-dahan akong lumingon sa bandang likuran ko upang makita ko ang kaniyang mukha. Nang masilayan ko ang buong pagmumukha niya, hindi ko maiwasang mamilog o manlaki ng mga mata. Lalong lumakas tibok ng puso ko kumakawala na siya, hindi dahil sa natatakot ako sa maaring isunod pa niyang sasabihin sa akin. Kung hindi, dahil sa nakita ng mga mata ko.

Hindi ko nga alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas nang loob ko nang sabihin ko sa kaniyang. "Sir I'm really, really, sorry about the scratch, maliit na scratch lang naman yan, sige bayaran kita please let me go lang." Nagmakaawa na ako sa kaniya, and I used my cutest puppy eyes. Sana maawa, lahat naman ng ginagawan ko ng puppy eyes nadadala. Alam ko kasing maganda ako at irresistible. But I was soo wrong! This man! Hindi umepekto puppy eyes ko. Ngayon lang ito sumablay. Wala bang pakiramdam ang lalaking ito? So I took courage to talk kahit na feeling ko umuurong ang dila ko sa takot. Late na ako sa office. So I have no choice.

"Ok.. I know your mad, kasi nagasgasan ko yang mamahalin mong sasakyan, don't worry hindi naman ako tatakas, ayan ohh!" Sabay turo ko sa office na nasa kabilang kalsada lang, lalong kumunot yung noo niya, hindi ata naniniwala.

"Ano gagawin ko dyan?" Iritable at nagtatakang tanong niya sa akin.

Oo nga pala, ano nga ba naman alam niya kung anong meron sa itinuro ko? So again i took another courage to answer him.

"Ah! Sorry, diyan kasi ako nagtatrabaho, kaya hindi naman kita tatakasan, late lang talaga ako so I need to go now." Napakamot ako sa aking batok maibsan lang yung kaba  ko habang nagpapaliwanag.

Kaya dali-dali kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko, bahagyang lalakad na sana ako ng maramdaman ko hinila niya ako ulit.

Shit! Ano na naman? Pakawalan na nya ako, hindi naman ako tatakas. Wala sa bukabolaryo ko iyon. I took a deep sigh, hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimula. At ito lang ang naisip ko.

"Mr. ah--" I paused for a seconds, hindi ko kasi alam name niya. At agad may inabot sa kaniya. "...basta, Mr. ito oh!" Yung calling card ko sa office, no choice na kung magpapalitan pa kami nang number it takes a lot of time.

"Soo please, please, I just need to go?" And finally! Binitiwan niya rin ang braso ko. But still, I'm dead doomed. I lose the deal, tapos may babayaran pa akong scratch nang mamahaling sasakyan. How lucky I am today huh?!

I was about to walk cross the street, then again...

Hinila niya muli ang braso ko. Which makes me irritate. Ano na naman kailangan niya? Kawawa na ang braso ko kanina pa hinihila. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at may nilagay siyang papel. Hindi ko siya nilingon, pinanabayaan ko lang siyang gawin iyon, sa hindi ko malamang dahilan. Muli may sinabi siya...

"It's important not to misplace that thing", at nang lingunin ko siya walang ka-emo-emosyong ang mukha niya. Halatang galit pa din siya.  1 minuto kaming ganun nang maramdaman ko na binitawan na nya yung kamay ko. Wala sa wisyong nagsalita ako, "Just call that number anytime." At agad na naglakad patawid ng kabilang kanto ng kalsada.
~~~

AFTER OFFICE 6:00PM...

Andito pa din ako sa office, kailangan kong mag-overtime para mabawi ko ang nawalang pera sa akin nang dahil lang sa pustahan na iyon. Medyo nabigla ako nang magring ang landline ko.

Ano ito 6:00pm na, tapos na ang office hour may nangahas pang tumawag? Mga tao nga naman ngayon, hindi na marunong sumunod sa rules. Sabagay, nasa isang manning or shipping agency nga pala ako, what would I expect? We need a lot of seaman na sasakay sa barko at marami ding may gustong makasakay. Dahil tinatamad na akong sagutin ang telepono I asked my Cadet to answer it.

Nang matapos ko ang ginagawa ko sa computer agad kong pinatay ito at nag-ayos ang mga gamit ko para makauwi at makapagpahinga, nawalan na ako ng ganang mag-OT.

Tuwang tuwa na ako dahil sa wakas ang sobrang pagod ng maghapon na ito at daming applicant, so excited na akong makahiga sa aking kama. Ngunit kumulo ang tiyan ko, saka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako kumakain nang lunch. Babawi nalang ako nang dinner, for sure naman yung Tita ko may left food para sa akin. Buti nalang mabait pa din ang tita ko sa akin.

Masaya kong sinabit ang side bag ko sa aking balikat at ang iba pang gamit na dala ko, ngunit biglang napantig ang tenga ko sa narinig.

"Ma'am Kath, ikaw po yung hanap nang nasa telepono." Sabi nung cadet na sumagot sa phone.

Tama ba narinig ko? Sa akin? Kailan pa nagkaroon ng tawag sa akin ng ganitong oras? Ang pagkakaalam ko applicant lang pero hindi naman nila alam ang name ko. I never used my name para hanapin nang mga applicant. Well, I have no choice, baka opisyal, mahirap maghanap nang opisyal na pasasakayin sa barko, maarte kasi sila. So I grab the phone.

"Yes, hello?" Magalang na bungad ko agad sa kabilang linya.

"Hi, Ms. Kathleen." Malamig na boses ang nasa linya, ang creepy naman nito...

"Hmm... Sir past 6pm na po, tapos na po ang office hour namin, pero kung magaapply po tayo you can--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na niya agad.

"I know." Alam naman pala niya! Lecheng applicanteng ito. Bwisit! Nangaasar ba siya? Naku malaman-laman ko lang kapag hindi ka opisyal, I swear! I will reject your application! So no choice talaga, kailangan ko pa din maging mabait, mahirap na.

"A-ahh sir alam nyo naman pala po bakit tumawag pa kayo?" Magalang na sagot ko.

Naku pasalamat ka dala ko talaga ang pangalan ng Company.

"I need you to go on the address I gave you. Now." At ngayon isang maawtoridad na boses ang sumagot sa akin at halos lumuwa sa mukha ko ang mga mata ko sa panlalaki.

Ohhh my! Now I know kung sino ang nasa linya. I almost forgot, saka ko lang naalala yung sinabi ko kanina sa kanya, ang tanga mo Faye..Tita help me!!! Bakit nga ba kasi nasabi ko anytime? Bahala na nga!

"W-wait, gabi na, saka bakit ako pupunta doon?" Pagtatanong ko na parang inosenteng bata na walang kamuwang-muwang. Pero syempre, takot ko lang, mamaha i-pasalvage ako nito dahil sa hindi ko mabayaran yung gasgas nang sasakyan niya. Then a few seconds...

I heard his murmur na 'Fuck', and then he follow, "Just do it!" I can hear and feel sa boses niya ang nagpipigil sa inis. Oh! My! Momay! Which makes my heart pump intensely! Seryoso nga siya, natatakot na ako ha.

"Wait! Kung papatayin mo ako dahil sa hindi kita binayaran kanina sa gasgas ng sasakyan mo. Please! I'm begging you, marami pa akong pangarap, bata pa ako, kahit bayaran nalang kita every month. Wag mo lang--" medyo nahiya ako sa kasama kong cadet, dahil hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko, pinutol na naman niya. Itutuloy ko sana yung sasabihin ko pero naunahan niya ako.

"The hell?! You think I am a killer? Just do it so you can pay that scratch!" And the usual, ang sagot niyang nakakatakot at kaka-goosebumps sa lamig at awtoridad. Another no choice, since he's now offering na mababayaran ko yun kapag pumunta ako, so I agreed kahit na talagang wala sa loob ko.

"Oo nga, sabi ko nga diba? Pupunta ako? Just--" I pause for a second thinking what the next line I should say, natataranta na din kasi ako, and I really wanted to reject yung pag punta sa lugar na yun at the same time, hindi ko alam papunta doon.  "...just give me a time hanapin ko lang kung saan ko nilagay yung address na ibinigay mo po."

"What the fvck??!" Aray ha! Aray..ang sakit sa tainga, sinisigawan ako nang kumag na ito. Sasagot na sana ako sa ginawa niya pero sunod sunod agad ang ginawa niyang pagsasalita na may halong pang-iinsulto.

"What planet have you been!? Nawala mo yung papael? And you don't even know our house?! Are you fvcking kidding me?!" Ano daw? Ako galing ibang planeta? Tama ba pagkakaintindi ko? Sa ganda at sexy kong ito? Walang hiya siya! Tapos minumura pa ako? Yes I know na wala akong alam dito sa syudad na ito, dahil hindi naman talaga ako taga rito sa Manila, 1 month palang ako dito.

Agad kong binuksan ang bag ko at hinanap yung papel. Sa wakas at kakuha ko din yung papel na binigay niya. Saglit ay binasa ko ito, and wow! Bonifacio Global Complex, buti nalang alam ko yun, kasi yung tita ko bumili sila ng condo ulit doon. Pero agad din akong natauhan nang marinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya, medyo uminit bigla ang ulo ko kaya para ako g riffle na baril sunod-sunod ang pagsasalita.

"Hoy! Mr. ah-ehh, basta! Hindi ako nagbibiro alam ko lang yang BGC pero hindi ko alam kung saan ka nakatira! Hello?! Ang laki ng mga bahay diyan, at malay ko ba kung alin ang bahay ninyo diyan!" Pasigaw ko din na sagot sa kanya. Napatingin ako sa Cadet na kasam ko, I signal him to go home. Nakakairita kasi ang kausap ko at nakakahiya sa kasama ko.

"Hey Ms Fay---" I can't take it anymore, so I hang the phone.  Sigawan ba ako? Oo na maganda na sasakyan niya wala talaga akong ibabayad doon at no choice talaga ako kundi ang puntahan yung address.

Dali dali kong kinuha yung cellphone ko para tawagan ang pinaka mamahal kong tita para magpaalam, syempre palusot muna ako, bwisit kasi puro kamalasan ehh..

Hawak-hawak ko yung papel habang binabasa ang iba pang nakasulat "Caimito PI Bonifacio Global Complex". Ayun yung napaka ganda kong mga mata nanlaki sa nabasa.

CAIMITO PI?!! Sabi nang nagwawala kong utak.

Baliw ba siya? Wala man lang nilagay na number nung bahay doon sa subdivision. Tiningnanko muli ang papel baka sakaling may naligaw na number, luckily may pangalan sa bandang baba ng papel. "Lancer Light Lopez" 

Nice name! Napangiti ako sa naisip ko, at sabay alog ng ulo dahil masyado ng green minded. Paano ba naman kung gagawin mong accronym, triple "L"

-----------------------------*

Pag-sakay ko sa taxi agad kong sinabi kung saan ang pupuntahan ko. Boring at matamlay na sinabi ko ang lugar.

Usually kapag nag-t-taxi ako, I always to to the taxi driver, para hindi boring ang byahe. Pero ngayon? Sa buong byahe tahimik kami ni manong driver panis na nga ata mga laway namin, badtrip ako, kaya wala sa mood makipagusap.

Mabilis akong nakarating sa BGC, buti nalang walang gaanong traffic medyo mura binayaran ko.

"Manong paki pasok niyo dyan sa subdivision", pokerface lang ako. Hindi ko pinahahalata na iritable ako sa nakikita kong subdivision, dahil super laki, at hindi ko alam kung paano ko hahanapin yung bahay kung lalakarin ko lang. Dumeretso ang taxi na sinasakyan ako at bago makarating sa entrance may guard na lumapit, agad kong inabot ang papel na binigay ng lalaking akala mo kung sinong may ari ng mundo.

"Kayo pala po yung sinabi ni Mr. Lance. Saglit lang po Ma'am." Hindi ko siya pinansin at naghintay. Buti naman sinabi na niyang darating ako, kundi baka naghintay ako sa labas ng subdivision.

Nakita kong tumawag yung guard syempre kanino pa ba edi sa asungut na yun.

After nung guard lumapit ulit sa akin.

"Ahh ma'am sabi po kasi ni Mr. Lance maglakad nalang daw po kayo papasok sa loob", kung kanina naka poker face lang ako ngayon yung mukha ko parang uminom ng Datu Puti Vinegar.

"Tama ba narinig ko? Paglalakarin nya ako sa loob?" Walang hiya yun ah!

"Manong ano yan seryoso? Ang laki laki nung subdivisions hello?" Pagtataray ko ulit, pero ang totoo kinakabahan ako.

"Opo Ma'am yun po kasi utos nya. Ako ho! mawawalan ng trabaho kapag hindi ko sinunod ang ipinag-utos", nangunsensya pa si manong, huhuhu ang sama ng lalaking iyon

"Ok, ok, FINE! Papasukin mo na ako." Lumabas ako agad sa taxi, mag gagabi nadin kasi mahihirapan akong makauwi nito hindi ko pa naman nakikitang masyado paligid ko kapag gabi.

Dala kong pera 500php, ang binayaran ko saktong P250, may sukli pa, tama lang pabalik, sana wag maligaw dahil wala na akong ibabayad.

---------*

Heto na ako naglalakad sabi ni manong guard deretso lang daw.

Bakit and dilimmmmm.

Actually hindi naman totally madilim yun nga lang dim yung light kulay yellow, ano ba namang subdivision ito mayayaman ang nakatira pero ang ilaw ganito.

Akala ko magiging maayos yung paghahanap ko sa kaniya kaso natigilan ako sa paglalakad ng may marinig akong galit na galit na aso. Nararamdaman kong nasa likod ko siya hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Gustuhin ko man tumakbo pero parang napako yung mga paa ko.

Mukhang malaki ang aso dahil yung pagkahol niya masyadong malaki para sa isang maliit at cute na hayop. Pilit ko pa ding kinukumbinse ang sarili ko na lumakad habang kagat-kagat ang dila ko, yun kasi sabi ng matatanda. Para daw hindi ka kagatin ng aso, kagatin mo ang dila mo.

Nang sa wakas maihakbang ko ang kaliwa kong paa, doon ko naman naramdamang tumakbo ang aso, ayos lang sana kung palayo pero ramdam na ramdam ko yung papalapit niyang hakbang sa akin.

Hindi ko na alam ang dapat kong gawin dahil napako na naman ako sa kinatatayuan ko, sa sobrang takot sumigaw nalang ako at inisip na bahala na. Pinikit ko ang mga mata ko habang nakatakip ang mga kamay sa aking tainga.

Hinihintay ko yung maaring sakit na mararamdaman ko sa kagat niya. Pero, wala akong natanggap na kagat. Nagtataka akong lumingon dahan-dahan para makita kung paanong nangyari na buhay pa ako at hindi tuluyang nilapa ng malaking aso.

Hindi ko din napansing umiiyak na pala ako, nakita ko yung aso nakahiga na siya pero buhay pa naman.

"Miss ok ka lang?" Isang lalaking pagod na pagod na parang ang layo ng itinakbo. Hindi ko pa din siya sinagot nanginginig ako sa takot, nabigla ako ng inalalayan niya ako para makatayo at nagpatangay naman ako.

"Miss s-so-sorry, ok na, wag ka ng umiyak." Nagaalalang sabi niya sa akin. Nakatungo lang ako habang sinasabi niya sa akin yun.

"Anong nangyayari dito?" Malamig na tanong nung lalaking dumating

W-wa-wait kilala ko yung boses na iyon....

POV RUI SPENCER

Gabing gabi na hindi ko parin mahanap si husky, inis na inis ako sa katulong namin dahil pinabayaan niyang bukas ang gate.

Pagod na pagod na ako kakaikot sa subdivision. Habang naglalakad ako nakita ko may aninag ng isang babae, medyo kasi dim ang mga ilaw dito sa amin, nakita kong parang may hinahanap siya, hmm..malapitan nga.

Nabigla ako ng si husky tumatakbo papunta sa kinaroroonan ng babaeng nakita ko, kinabahan ako tinakbo ko agad si Husky.

Buti nalang na trained ako kung pano pigilan ang aso sa ganitong sitwasyon, sorry husky pero hindi ako papayag na may makagat ka, hinampas ko gamit ang kamay ko ang leeg ng aso ko tama lang para tumigil siya at manghina.

Nanginginig ang babae, hindi ko makita mukha niya, patuloy parin siya sa pag-iyak habang nanginginig ang katawan sa takot, haysst pag balik ko talaga sa bahay lagot sa akin ang katulong na iyon. Halos hingal na hingal ako sa pag takbo ko huminga muna ako ng malalim sabay nagsalita

"Miss ok ka lang?" naku ano bang klaseng tanong ko yan. Halata namang hindi hindi siya sumagot kaya itinayo ko siya, alam ko takot na takot parin siya nanginginig parin siya eh..

"Miss s-so-sorry, ok na wag ka ng umiyak" pag hingi ko ng umanhin at pag papakalma ko sa kanya, hindi parin siya gumagalaw ehh.

"Anong nangyayari dito?" malamig na tanong nung lalaking dumating, lumingon ako sa pinanggalingan nito, si Lancer pala...

*PLAKKK!!!*

What??? Nanlaki mga mata ko, lagot never pang may sumampal sa lalaking ito dahil takot ang mga babae at kung sino mang tao dyan, dahil nga kilala siyang makapangyarihan, in just a blink of an eye pwedeng kang mawala.

"HOW DARE YOU!" narinig kong nanggaling sa bibig nung babae, mataray at malamig ang boses, until now hindi ko parin nakikita mukha niya, nako lagot siya kay Lance, pero kinabigla ko, yung mga mata ni Lancer hindi galit, pero halatang nabigla na may pagkamangha. Muling nagsalita yung babae

"How dare you na paglakarin ako sa subdivision na ito, hindi naman pala safe dito what kind of subdivision is this! Ito ba kabayaran sa simpleng gasgas ng sasakyan mo?"

Ha?gasgas ng sasakyan? It means siya yung girl na sinasabi sa akin ni Lance...

FLASHBACK........

Nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Riu Spencer Ayala oo Ayala isa kami sa pinaka mayaman dito sa pilipinas, kababata ako ni Lancer, sila ang Top 1 na mayaman dito sa Pilipinas hindi lang sa Pilipinas pati sa ibang bansa.

--------***

Kararating lang niya, andito ako sa bahay nila may usapan kasi kaming magkikita dito sa kanila para pagplanuhan yung party mamaya dahil may arrange marriage para kay Lance at mamaya ang annoucement.

plano naming sirain yun napagutusan niya akong hanapan siya ng babae na pwedeng gamitin at mapagpanggap, dahil palalabasin namin na may girlfriend na sya at mahal na mahal niya at yung babae lang na yun ang pakakasalan niya wala nang iba.

Sa kasamaang palad wala akong nakita, magagalit na naman ito sa akin pero...

Nagtataka ako, ngayon ko na lang ulit nakitang nakangiti si Lance.

"YOW PRE!" bungad kong bati sa kaniya andito kami ngayon sa theatre nila, usapan namin tanghali dapat andito na siya, kaso 3pm na siyang dumating, buti nalang maganda palabas.

"YOW!" maiksing tugon din niya sa akin, pero nakangiti.

"Siya nga pala wag kana maghanap ng babae" nakangiti padin niyang sabi sa akin, nakakapagtaka na ito ahhh.

"bakit may nakita kana ba?" tanong ko sa kaniya habang kinakain ko yung pop corn ko at abala padin sa panunuod, ng bigla niyang patayin ang wide screen.

"what the?!" tiningnan niya ako ng masama death glare*

"woahhh men tingin mo palang talo na ako" sarcastic na sabi ko.

"yeah i found a girl" maiksi pero naka ngiting sagot sa akin.

boring pinagod niya ako, siya din pala makakahanap. Pero iba feeling ko dito ngayon ko lang talga siya nakitang nakangiti.

"bakit ganyan kang makatingin?!" naka death glare ulit siya at malamig yung tanong niya, tss! creepy friend.

"she's fit for our plan, saka may babayaran siya sa akin at pwedeng maging blackmail ko sa kaniya" ok na shock ako sa sinabi ng kaibigan kong ito

"bakit ano bang ginawa niya sayo?, saka anung utang niya, kung alam ko lang edi sana si Selina nalang kinuha ko marami din naman siyang utang sa---y, wooaahh! w-wa-wait si Selina nga ba yan?!" binigyan niya ako ulit ng death glare.

"what?!" pagtatanong ko ng may confusion, ehh si Selina lang naman may utang sa kanyang babae, tingnan mo itong lalaking ito hindi mo maintindihan tss!

"hindi" maiksing sagot niya tapos kaunting minutong katahimikan nagsalita muli sya.

"ginasgasan niya ang sasakyan ko" cool na sabi niya tapos naka ngiti padin, ha ano daw? Yung Lamborghini nya? nanlaki muli mata ko at tinitigan siya, nakangiti pa ang gago, samantalang kahit lamok ayaw niya padadapuan yung sasakyan na yun ako nga ehh dinambahan lang ni husky ( siya nga pala yung aso ko) at nagkaroon ng kaunting gasgas yung tipong kasing liit ng langgam.

halos isang buwan akong hindi pinansin, tapos nagasgasan nung babae pero nakangiti pa (=__="")7 weird ha, pero mukhang magandang makilala yung babae nakakaexcite, ano kaya nakita ng kaibigan ko.

------END OF FLASHBACK

Hindi ko makitang galit si Lance woah siya ba yan, kahit babae pinapatulan niya pero itong isang ito sinampal na siya pero wow ha, parang na-amaze pa, ano ba itsura ng babaeng ito. Kung seswertehin ka nga naman humarap na nga ang babae, yung mata ko ganito ohh (O______O) with matching (>_____<) (O______O)

POV LANCE

What the???sinampal niya ako, ang sakit, first time kong may sumampal sa akin, hindi nya ba ako kilala? Pero hindi ko mapigilang ma-amazed.

Bakit umiiyak siya nakita ko yung mga mata niya, napaka ganda, ano bang nangyayari, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, napako lang yung tingin ko sa kanya, nagsalita siya pero hindi ko naintindihan, bakit ganito, parang nag slow motion ang paligid hindi ko.

Bumalik din ako sa katinuan ko, narinig ko nagsalita yung lalaki

"Pare sorry kasi yung aso ko muntik na siyang makagat", kumunot bigla ang noo ko, tiningnan ko ng masama yung lalaki, nagbago expression ko ng makita ko kung sino

"aalis na ako, i'll pay that scratch" malamig na sabi ni Faye habang nakatalikod na sa akin.

POV KATHLEEN/FAYE

hala anung katangahan na naman sinasabi ko wala nga akong pamasahe pabalik ehhh bayaran pa kaya yung scratch na yun, huhuhu!! ahhh basta i want to go home i hate this place.

Tiningnan ko yung lalaking tumulong sa akin kumunot noo ko..

sa kaniya ba yung asong malaki? Hinihimas-himas niya, walang hiya its payback time, pinunasan ko yung mga mata ko at agad nilapitan yung lalaki

"hoy! Aso mo pala yang muntik na akong makagat! Dahil dyan ihatid mo ako pauwi!" mataray at maawtoridad kong utos sa kaniya.

Hind na ako nagkapaghintay na magsalita siya hinila ko siya agad upang makatayo sabay hila palakad ng subdivision.

Nagtaasan bigla ang balahibo ko at napatigil sa paglalakad ng marinig ko si Mr. ano nga name ulit??

"ARE YOU SURE YOU CAN PAY THAT SCRATCH?" mala horror na boses na napakalamig without any emotion on it.

Hawak ko padin ang braso nung isang lalaki binitawan ko ito at muling naglakad ng parang walang narinig. Tss bahala siya kasuhan na nya ako, basta once na makapag ipon ako babayaran ko yun, napahinto ako ulit ng sabihin niya

"OK THEN PAY" grrr (x__x) patay ako kakatakot na yung boses nya, humarap ako ulit sa kanila at dali daling lumapit sa kinororoonan niya

*BOOGSH* (A/N: HEHEHE SORRY ANG LAME KO HINDI KO ALAM KUNG PAANO ANG SOUNDS NUN)

Hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang binatukan

"ARAY!" pagreact niya sa ginawa ko

"HOY BABAE PANGALAWA NA YAN HA AKALA MO HINDI KITA KAYANG PATULAN!" ok galit na siya pakealam ko, ano bang nasa isip ko bakit ko nga ba binatukan ito

"ok then go kaya mo pala akong patulan ehh" boring na tugon ko sa kaniya. Nakakapagtaka iniwas niya yung tingin sa akin after kong sabihin yun.

"IF YOU REALLY WANT TO GO YOU HAVE TO PAY ME P20,000" lumaki mata ko O_O ano tama ba narinig ko 20k??

"I WANT IT FULL" ano full? GAGS ba ito? hello hindi ako mayaman

"hoy lalaki hindi ako milyonarya para bayaran ka ng full----" pinutol nya bigla sasabihin ko

"then you have to stay until the event is done" anung event ang pinagsasasabi nito...


(A/N:)PASENSYA NA SA MGA READERS KO HINDI KO TALAGA MAPIGILAN ANG AKING SARILI NA MAGTYPE ULIT NG PANIBAGONG KWENTO, ALAM KO MAY ISA PA AKONG KWENTO HINDI PA TAPOS PERO KATING KATI NA KASI TALAGA AKO NA GAWIN ITO HINDI AKO MAPAKALI KAPAG GANITONG TUMATAKBO SYA THEN HINDI KO GINAWA (/_\) PARANG HINDI AKO MAKAHINGA(T^T) PERO SANA MAINTINDIHAN NYO.....

Yes! AYAN NA-I-PINOST KO NA WALA NAMAN NAGBABASA BUT ATLEAST NAWALA NA YUNG EAGERNESS KO NA MAI-TYPE KO ITO, KUNG IKAW MAN PO AY NAGBABASA NITONG STORY KO COMMENT KA NAMAN OHHH HEHEHE PUPPY EYES (☻__☻) SAKA VOTE NA DIN MABILIS UPDATE NITO KASI ACTUALLY TAPOS NA SIYA SA AKING WORDPAD, WAITING LANG NG MAY MAGBASA AT COMMENT AT VOTE AT LAHAT NA

THANK YOU MWUAHHHH SLURPPP :-*

Continue Reading

You'll Also Like

412K 17.2K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
Wattpad App - Unlock exclusive features