Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XV: The Last Supper

152K 5.2K 4.6K
By Serialsleeper



CHAPTER XV:

The Last Supper

Third Person's POV



Ilang sandaling nanatiling nakayakap si Dana sa matalik na kaibigang matagal nawalay sa kanya. Gustuhin man niyang magsalita at humingi ng kapatawaran, hindi niya magawa sa takot na baka lalo lamang manariwa sa isipan ni Cielo ang dahilan sa paglisan nito tatlong taon na ang nakakaraan.


Walang ibang magawa si Dana kundi maiyak na lamang habang nakabaon ang mukha sa balikat ni Cielo.


"You're such a crybaby." Mahinang sambit ni Cielo at unti-unting naglakad patungo sa direksyon ng napakalaki niyang aparador habang nasa likod niya parin ang kapit-tukong si Dana. Dahil hindi bumibitaw, hinayaan na lamang ni Cielo na sumunod si Dana na nakayakap parin sa kanya.


"And a horrible person." Umiiyak na sambit ni Dana sa pagitan ng kanyang hikbi.


"Nah, you're not horrible. You're just a Drama Queen." Pagmamang-maangan na lamang ni Cielo sa dahilan ng kinikilos ni Dana.


Binuksan ni Cielo ang aparador at nagulat siya nang makitang napakaayos na ng kanyang mga gamit. Mula sa mga damit, hanggang sa mga sapatos, pati mga gamit pang-eskwela. Kahit mga kahon niyang naglalaman ng personal na gamit tatlong taon na ang nakakaraan ay narito parin at nakaayos na para sa kanya. Nakita ni Cielo ang isang papel na nakadikit sa isa sa mga damit kaya agad niya itong kinuha.


Anak,

Narito parin ang lahat ng mga gamit mo. Wala akong pinagalaw o pinabago, pinalinis ko lang. Wala akong alam pagdating sa pagdadalaga kaya pagpasensyahan mo na si Papa kung hindi mo man nagustuhan ang mga bagong damit na pinalagay ko dito.


"Baliw..." Mahinang sambit ni Cielo at isinilid na lamang ang papel sa kanyang bulsa nang may ngiti sa kanyang labi.


"Sino? Ako?" Agad na napabitaw si Dana kay Cielo at napaangat sa kanyang mukhang pulang-pula na kaiiyak.


"Ang papa ko. Pero ikaw, baliw ka rin kaya tamaan na ang dapat tamaan." Walang emosyong sambit ni Cielo kaya napabusangot na lamang si Dana habang pinupunasan ang mukhang basang-basa na.


"He got me new clothes and stuff. Are you thinking what I'm thinking?" Muli, walang emosyong sambit ni Cielo na nakatitig lamang sa mga damit.


"I honestly don't know who you are anymore but I still love you to death." Sabi pa ni Dana dahilan para agad mapangiwi si Cielo.


"Dress-up Dana. We could play dress-up." Sabi na lamang ni Cielo.


Agad napa-thumbs up si Dana na ngayo'y ginagaya ang walang ekspresyong mukha ni Cielo.


"Idiot." Mahinang sambit ni Cielo.


"Pikon!" Panunukso ni Dana sabay sundot ng tagiliran nito.


Isa-isang inilabas nina Cielo at Dana ang mga damit na nakasabit sa loob. Maya't-maya silang nakakahanap ng mga damit na hindi ayon sa kanilang panlasa kaya tinatapon nila ito kahit saan.


"These clothes are from super expensive brands but I gotta say, you're dad chose the tackiest clothes." Natatawang sambit ni Dana at agad na binato kay Cielo ang nakuhang napakalaking palda.


"He was really bad at making decisions... Well the apple didn't fall too far from the tree either." Mahinang sambit ni Cielo at unti-unting kumurba ang isang ngiti sa mukha niyang may kalakip na lungkot sa kanyang mga mata.


"Permission to punch your dad when I see him?" Nakangising sambit ni Dana.


"You're going to punch him for being a fashion baddie?" Natatawang sambit ni Cielo at binato naman kay Dana ang nahawakang balabal.


"No. Because he admitted you in that—" Natigil si Dana sa pagsasalita nang mapagtantong hindi niya pala dapat ungkatin ang nakaraan, "Because he sucks at making decisions." Sabi na lamang ni Dana at agad na tumayo.


"Now look at what we have here..." Hindi mapigilan ni Dana na matawa nang makita ang ilang mga litratong nakadikit pa sa pader. Isa rito ay isang lumang litrato na kuha limang taon na ang nakakaraan.


Kahit si Cielo ay natawa rin nang makita ang litrato nilang dalawa na Dana na kuha habang kapwa sila nasa gitna ng kawalan, walang dumaraang sasakyan kaya kapwa sila nakaupo sa tahimik na kalsada at kumuha na lamang ng mga litrato.


"We wanted to go to that beach so bad kaya lang kinulang yung naipon natin at kinailangan nating maki-hitch." Kasabay ng pagtawa ni Dana ang pagtakas ng butil ng luha mula sa mga mata niya.


"And we ended up riding at the back of a jeep filled with chicken." Di gaya ng dati ay bakas na ang emosyon sa boses ni Cielo at wala itong ibang pinapahiwatig kundi saya sa bawat pagtawa.


"Amoy chicken poop tayo pagdating natin doon sa beach!" Dagdag naman ng tawa ng tawang si Dana.


"Kung tama ang pagkakaalala ko, ni hindi nga tayo umabot sa beach habang sakay ng jeep na 'yon kasi bumaba agad tayo nang malapit na tayo at tinakbo nalang natin papunta sa beach." Pagtatama naman ni Cielo sa mga pangyayari.


"Ay oo! Dahil doon nagka-sunburn tayo ng bonggang-bongga! Tirik na tirik ang araw pero tinakbo natin yung daan patungo sa beach! Pagod na pagod ka nang tumakbo pero hinigit ko parin ang pawisan mong kamay!" Natatawang sambit naman muli ni Dana.


"We really were like sisters huh?" Mahinang sambit ni Cielo dahilan para agad na matigil si Dana sa pagtawala.


"We still are Cielo." Giit ni Dana at agad na napatingala sa direksyon ng mga kahong nakapatong sa itaas na bahagi ng aparador. Walang paligoy-ligoy itong kinuha ni Dana dahilan para agad makunot ang noo ni Cielo.


"Three years later and you're still a meddler." Biro ni Cielo.


"Nah, more like curious." Sabi ni Dana at agad na binuksan ang kahon dahilan para agad na tumambad sa kanya ang mga pribadong gamit ni Cielo gaya ng mga sketchpad, diary at pati narin isang digital camera.


"Andito parin pala 'to." Manghang sambit ni Cielo at agad na pinulot ang digital camera.


"Hindi mo pa naa-upload ang photos natin noong class retreat." Biro ni Dana.


"After 3 years, hindi pa tuluyang nade-deadbat." Sabi ni Cielo nang sinubukan niya itong paandarin.


"Well then, let's make use of its remaining power." Pagmamalaki ni Dana at agad na umakbay kay Cielo at kumuha ng litrato.


****



"Ayos! May kuryente, tubig tapos ngayon bigas!" Hindi mapigilan ni Wacky na mapabungisngis nang matagpuan ang isang malaking rice dispenser na punong-puno pa ng bigas, "Pero sandali, anong klaseng abandonadong bahay 'to? Ba't parang ang kumple-kumpleto."


"Ang tanong may ulam ba?" Tanong ni Shem dahilan para agad na binuksan ni Wacky ang malaking aparador sa kanyang tabi. Ngumisi si Wacky na tila ba ipinagmamalaki ang mga natagpuang de-lata at iwinagayway pa ang mga kamay na animo'y ipini-presenta pa ang mga ito.


"Mukha kang tanga." Natatawang sambit ni Shem dahilan para agad mawala ang ngisi sa mukha ni Wacky.


"Mura kag kigwa." Walang emosyong sambit ni Wacky dahilan para mapawi naman ang tawa sa mukha ng binatang si Shem.

"Anong—"


"'Wag mo nang itanong." Sabi na lamang ng balisang si Church na nakaupo lamang sa isang tabi at sinusulit ang natitirang baterya ng kanyang ipod.


Napabuntong-hininga na lamang si Shem at kinilatis ang mga kurtina sa kusinang kinaroroonan samantalang si Wacky naman ay naupo sa mesa at pinagmasdan ang namamaga niyang paa.


"Akala ko ba haunted house na ang bahay na'to? Eh daig pa nito ang bahay namin sa dami ng supplies!" Sabi na lamang ni Wacky upang maibsan ang katahimikan sa kanila.


Biglang dumating si Raze sa kinaroroonan nila dala ang isang toolbox at inilapag ito sa mahabang mesa, "Ipinaayos nina Papa ang bahay na'to para sa pagbabalik ni Cielo kasi gusto ng papa niya na dito siya tumira. Last week lang nila natapos ang mga renovation at last week lang rin namin nilagay ang mga supplies diyan. Mag-isang lang na titira dito si Cielo kaya naman lahat ng mga kakailanganin niya, ipinahanda na ng papa niya."


Binuksan ni Raze ang pahabang toolbox at inilabas niya mula rito ang isang papel na naglalaman ng blueprints ng buong bahay. Inilapag niya ito sa mesa kaya naman agad na napalapit sa kanya ang tatlo at pinagmasdan rin ito.


"May mga pinalagay si Papa rito na trap door at ilan pang maliliit na daan. May basement rin sa bahay na'to pero bababa lang tayo doon kapag talagang kinakailangan na. Hangga't sa maaari, hindi tayo bababa doon, naiintindihan niyo ba?" Maotoridad na sambit ni Raze kaya tumango na lamang sina Church at Wacky, maliban lamang kay Shem na nakunot ang noo.


"Bakit? Ano bang meron sa basement?" Naguguluhang sambit ni Shem.


"Mga gamit ng lolo ni Cielo." Tipid na sagot ni Raze habang pinagmamasdan ang blueprint na tila ba kinakabisa ito.


"Nga pala asan si Axel?" Tanong ni Raze at agad na nilibot ang kanyang paningin.


"Pinatulog na ata si Pip." Sagot na lamang ni Wacky.


"Tawagin mo siya. Kailangan nating magtulungan lahat sa paglalagay ng mga harang sa bawat pinto at bintana." Maotoridad na sambit ni Raze kaya napabuntong-hininga na lamang si Wacky, "Patayin niyo ang mga ilaw, kandila nalang muna ang gamitin natin para makasiguro."


****


Dahil sa iniindang sakit sa kanyang paa ay dahan-dahan lamang si Wacky sa pag-akyat sa hagdan at maya't-maya pa siyang napapasandal sa dingding bilang alalay. Nang marating ang isang kwarto kung saan naroroon at natutulog ang batang si Pip ay hindi naiwasan ni Wacky na magtaka nang mapansing wala sa silid si Axel.


Lalo pa siyang nagtaka nang marinig niya ang boses ni Axel mula sa balkonahe at tila ba may kausap ito.


"Akala ko ba nasa taas sina Dana at Cielo?" Naguguluhang sambit ni Wacky sa sarili at dahan-dahang naglakad patungo sa balkonahe upang silipin kung sino ang kausap ni Axel.


"Hindi ako si Hector at mas lalong hindi ko kilala ang Amelia na sinasabi mo."

"Astaroth sino ka ba talaga?!"

"Hindi kita kilala kaya tantanan mo na ako!"


"Anak ng..." Mahinang sambit ng naguguluhan at nakangiwing si Wacky nang makitang nag-iisa lamang si Axel sa maliit na balkonahe. Mag-isa man, patuloy sa pagsasalita si Axel at tila ba nakikipagtalo pa.


"Axel sinong kausap mo?!" Hindi na mapigilan pa ni Wacky na mapabulalas dahilan para agad mapalingon sa kanya ang gulat na si Axel.


"H-ha?" Kunot-noong sambit ni Axel at unti-unting itinaas ang kanyang kamay sabay turo sa kanyang harapan.


"Ha—Hangin. Pre hangin ang nasa harapan mo." Kunot-noong giit ni Wacky na hindi na maitago pa ang kunsomisyon.


"H-hindi mo ba talaga siya nakikita?" Nauutal na sambit ni Axel at papalit-palit na napatingin kay Wacky at sa harapan niya.


Nanlaki ang mga mata ni Wacky at hindi na niya naitago pa ang kilabot na nararamdaman, bahagya siyang napaatras kay Axel at dinuro ang binata, "Pre kung siraulo ka, utang na loob kontrolin mo ang sarili mo. Hindi ito ang tamang oras para umiral yang topak mo kasi sa mga oras na'to ang mga buhay natin ay nakasalalay sa isa't-isa kaya pwede ba? Umayos ka at mamaya ka na maghasik ng kabaliwan kapag wala na ta'yo sa lungsod na'to."


"H-hindi ako baliw." Kalmadong giit ni Axel na hindi rin nagpapatinag sa mala-punyal na tingin ni Wacky.


"Aba, edi okay." Suminghal si Wacky at sarkastikong ngumisi, "Kailangan nating magpunta sa baba para mag-plano. Pero bago ka bumaba doon, siguraduhin mo munang naka-lock tong balkonahe at pati narin ang bintana. Sabi din ni Raze, 'wag muna tayong gumamit ng ilaw, may mga kandila doon sa baba." Dagdag pa nito ngunit bago umalis ay itinuro muna niya ang dalawang daliri sa mga mata at itinuro naman sa direksyon ni Axel na tila ba pinagbabantaan ito.


Napabuntong-hininga si Wacky nang tuluyang makalabas mula sa silid. Hindi niya mapigilang mapakamot ng marahas sa kanyang ulo dahil sa inis at kunsumisyon sa ikinilos ni Axel.


Muli, napahawak si Wacky sa dingding at nagsimulang maglakad ng dahan-dahan.


"May rayuma ang lolo ni Cielo noon, baka may natira siyang painkillers o ointment doon."


Natigil si Wacky sa paglalakad at napangiwi na lamang nang marinig ang boses ni Dana na tila ba nang-aasar. Nanggagaling ito mula sa likuran niya kaya nilingon na lamang niya ito at sinamaan ng tingin.


"Salamat sa pang-aasar. Ang laking tulong." Sarkastikong sambit ni Wacky.


"Actually 30% lang ang pang-aasar ko and 70% serious. May baston rin nga ang lolo niya noon, malay mo mas makatulong sa'yo." Saad ni Dana at hinawakan ang balikat ni Wacky upang maalalayan ito sa paglalakad.


"Teka, nakapagbihis ka?" Nakunot ang noo ni Wacky nang mapagtantong nakasuot na ngayon si Dana ng malaking t-shirt na kulay pula at shorts.


"I've been wearing that blue dress for three days. It's been covered with blood, brains, guts, pukes, and even sewer shit. Of course, I'd change clothes." Sarkastikong tugon ni Dana habang kapwa sila naglalakad ng dahan-dahan patungo sa hagdan.


"Dana oo o hindi lang naman sana ang pwedeng sagot di puro English." Sarkastikong sambit ni Wacky na nakangiwi na naman.


"Amboy ka pero dinaig ka pa ng jejemong si Church pagdating sa nararapat mong mother tongue." Ganti naman ni Dana.


"Nga pala, asan si Cielo?" Pag-iiba na lamang ni Wacky ng usapan.


"Taking a shower upstairs. Why?" Tanong ni Dana.


"Kasi," Bago tuluyang sumagot ay ibinalik muna ni Wacky ang tingin mula sa kwartong kinaroroonan ni Axel, "May tililing si Axel. Pansin ko sila yung laging magkasama kaya sabihan mo yung si Cielo na dumistansya muna kay Axel." Pabulong na sambit ni Wacky dahilan para tuluyang makunot ang noo ni Dana.


"And what the heck is a tililing?" Nalilito man, hindi mapigilan ni Dana na matawa.


"Sira sa ulo ba. Pakno, Pahong, Liki, Buang, Baliw!" Pagdidiin ni Wacky kaya napakamot agad si Dana sa kanyang ulo.


"Baliw? No offense pero mas papasa ka pang baliw kesa sa kanya. " Mahinang sambit ni Dana na tila ba natatawa pa kaya napapadyak si Wacky sa inis.


"Dana naman eh!" Inis na sambit ni Wacky, "Nakita ko mismo kanina, nagsasalita siya ng mag-isa. Para siyang may imaginary friend. Ang tawag niya nga ata dun As-Astra—Ast—"


"Astaroth?" Pagtatapos ni Dana sa sinasabi ni Wacky ngunit kasabay nito ang agad na paglaho ng ngiti sa mukha niya.


"Mismo! Yun nga! Astaroth!" Agad na tumango-tango si Wacky, "Pero teka ba't mo alam?" Hindi mapigilan ni Wacky na makunot-noo.


"Pati rin siya...." Hindi mapigilan ni Dana na maguluhan.


"Siyang ano?" Naguluhan rin lalo si Wacky.


"Wacky don't tell anyone about this yet okay?" Pakiusap ni Dana pero agad na umiling si Wacky.


"Dana may baliw sa grupo, kailangan 'tong malaman ng iba para mabantayan nating lahat si Axel. Attention is better than cure nga diba?" Giit ni Wacky pero isang nakangiwing eskspresyon lamang ang ginawa ng dalaga bilang sagot.


"Edi oo na, hindi muna sasabihin." Sabi na lamang ni Wacky at napabuntong-hininga.


****


Nang makarating sina Dana at Wacky sa kusina ay hindi na nila nadatnan pa ang mga kasamahan na ngayo'y abala sa paglalagay ng harang sa mga bintana at pinto. Ngunit sa kabila nito ay naiwan parin ni Raze ang blueprints sa mesa dahilan para agad itong mapagmasdan ni Dana.


"They changed some parts of the house..." Mahinang sambit ni Dana.


"Nilagyan nga raw nila ng trap door. Ang tanong bakit?" Naguguluhang sambit ni Wacky.


"Because they want to make Cielo feel safe... Because they want to protect her even if its already too late... To make sure what happened three years ago won't happen again." Nanlulumong sambit ni Dana at pinilit na lamang ang sariling ngumiti.


"Ano bang nangyari noon?" Tanong ni Wacky.


"We failed to protect Cielo." Tipid na sagot ni Dana at lumapit sa water dispenser matapos makakuha ng isang maliit na bote ng softdrink na wala nang laman.


"Hindi ka na galit sa kanya?" Tanong ni Wacky at ngumisi na animo'y tinutukso si Dana.


"Being mad at her was the biggest mistake of my life. I'm mad at myself for treating her badly, for thinking she abandoned me and for failing to protect her. I promised her back when we were kids that I would protect her whatever it takes but I failed miserably... how about that?" Nakangiti man, bakas parin ang lungkot sa mga mata ni Dana.


"Sinubukan mo naman diba?" Tanong ni Wacky kaya tumango-tango si Dana at lumapit kay Wacky habang dala ang bote na puno ng mainit na tubig.


"Take off your shoe. You can't ignore the pain forever." Sabi ni Dana sabay turo sa paa ni Wacky na hindi niya halos maiapak.


Napabuntong-hininga na lamang si Wacky at tinanggal ang sapatos na punong-punong putik at bahid ng dugo.


"What the hell?" Agad na natawa si Dana nang tumambad sa harapan niya ang medyas ni Wacky na kulay dilaw at may disenyo pa ng mga bituwin at robot.


"Sige, tawa lang ng tawa." Walang emosyong sambit ni Wacky.


"Your socks are so cute, who chose them? Your mom?" Panunukso ni Dana na tawa parin ng tawa kaya agad na napangiwi si Wacky at sinamaan ng tingin ang dalaga.


"Problema mo ba sa medyas ko?!" Agad na bulyaw ni Wacky.


"Dude you're a grown-up dude. Sorry okay? Sorry." Sarkastikong sambit ni Dana sa pagitan ng kanyang pagtawa.


"Tangina! Eh trip ko ang ganitong medyas! Pagtawanan mo man ako, patuloy ko paring susuutin 'to! Pare-pareho lang kayo nila Church, lagi niyong pinagtatawanan ang mga medyas ko! Pucha kayo, bahala kayo sa mga buhay niyo!" Inis na sambit ni Wacky na tila ba pikon na pikon na kaya agad na inabot ni Dana sa kanya ang bote.


"Come on little cutie, quit being such a baby. Forgive me for your socks are such a cutie!" Pang-aasar pa lalo ni Dana kaya napabuntong-hininga na lamang si Wacky at idinampi ang bote sa kanyang paang namamaga na.


"Hey, you're not taking your sock off?" Tanong ni Dana nang tuluyan siyang matigil sa pagtawa.


"Tangina komportable sabi ako sa medyas ko!" Giit ni Wacky kaya itinaas na lamang ni Dana ang kanyang kamay at painosenteng ngumiti.


Habang dinadampian ni Wacky ng mainit na sensasyon ang namamagaang paa ay patuloy naman na kinakabisa ni Dana ang mga pagbabagong nagawa sa buong bahay. Samantalang ang iba naman sa kanila ay abala sa paglalagay ng mga takip sa bawat bintana at paglalagay ng dagdag na harang sa bawat pinto.


"Dana may ipapakita pala ako sayo." Biglang basag ni Wacky sa katahimikan sa pagitan nila.


"Not interested to see your other sock." Sarkastikong sambit ni Dana habang pinagmamasdan parin ang blueprints.


"Dana seryoso ako!" Giit ni Wacky kaya napabuntong-hininga na lamang si Dana at lumapit sa binatang ngayo'y hawak-hawak na ang kanyang video camera.


"Bakit? Anong meron?" Tanong ni Dana ngunit bakas sa tono ng pananalita niyang wala siyang interes sa gustong ipakita nito.


"Kanina ko pa kasi iniisip ang tungkol sa na-videohan ko. Hanggang ngayon nalilito parin ako, baka sakaling ikaw maintindihan mo." Seryosong sambit ni Wacky at ipinakita kay Dana ang isa sa mga naunang video na nakunan ni Wacky tatlong araw na ang nakakaraan.


"Kuha to noong birthday ni Church diba?" Kunot-noong sambit ni Dana nang makitang sila ang nasa video noong mga oras pinapaandar nila ang isang lumang plaka.


"Oo..." Mahinang sambit ni Wacky.


Laking gulat ni Dana nang makitang habang nasa kalagitnaan sila ng pagpapaandar ng plaka ay biglang nagsimulang magsulputan ang kulay itim na usok na tila ba nagmumula sa plaka. Sa simula ay mistula lamang itong mga itim na usok ngunit habang tumatagal ay gumagalaw ang mga usok hanggang sa nabubuo ang pigura ng mga katawan na tila ba isang anino. Sa pagkalat ng mga usok ay siya ring pagkalat ng mga anino na tila ba pumapalibot sa kanila.


"Oh my God..." Napasinghap na lamang si Dana sa kilabot at dali-daling ibinalik kay Wacky ang kanyang video camera.


"Wala ka bang ibang napansin nang paandarin natin ang plaka?" Tanong ni Wacky na bakas narin ang takot sa mukha.


"N-nothing... I saw you, you were scared while holding your camera." Nauutal na sambit ni Dana habang inaalala ang nangyari tatlong araw na ang nakakaraan.


"Iyon ay dahil nagtataka ako kasi iba ang nakikita ko sa rumerehistro sa video camera ko. Sa tingin mo, ano to?" Naguguluhang sambit ni Wacky.


"T-technical Glitch? S-siguro technical glitch lang?" Pagmamaang-maangan ni Dana na hindi na halos makapagsalita dahil sa kilabot.


"Dana yan din yung inisip ko pero ngayong alam ko na ang tungkol sa mga skunks?" Hindi na naitago pa ni Wacky ang takot sa mga mata niya dahilan para lalong matakot at kabahan si Dana.


"Iniisip ko rin ang tungkol kay Axel kanina... P-paano kung hindi siya baliw? Paano kung may third eye lang siya at may nakikita siyang—"


"Stop." Bulalas ni Dana kaya natigil na lamang si Wacky sa pagsasalita.


"Ayaw mo bang malaman kung anong nangyayari sa lugar nato?" Giit ng naguguluhang si Wacky.


"No... I just want this to be over, I just want to have my old life again." Giit ni Dana at lumapit na lamang sa lalagyan ng mga pinggan at hinanda na lamang ang hapagkainan.


***


Napatingala si Cielo at dinama ang malamig na tubig na tumatama sa kanyang mukha at bumababa sa kanyang katawan. Habang hinahayaan na anurin ng tubig ang bawat bahid ng dugo sa kanyang balat ay patuloy naman ang pagragasa ng mga alaala sa kanyang isipan.


"Cielo hija, walang mga ahas dito. Walang multo. Walang ibang tao dito sa silid maliban lamang sa ating dalawa. Hija hindi totoo ang mga nakikita mo." Sambit ng doktor sabay bigay kay Cielo ng dalawang piraso ng gamot. Dahil hindi makapagsalita o makapagdesisyon man lamang para sa kanyang sarili, wala siyang magawa kundi inumin na lamang ang kanyang gamot at manatili sa kwartong nababalot ng kulay puti.


"Nililinlang ka lang ng isipan mo... Hindi sila totoo... Cielo, hindi totoo itong mga naguguhit mo." Sambit ng kanyang ama at niyakap siya ng mahigpit.


Takot na takot si Cielo habang tumatakbo. Wala siyang ibang nais kundi matakasan ang mga ahas na pilit lumalapit sa kanya. Hindi niya alam saan pupunta kaya takbo lang siya ng takbo sa bawat pasilyong bumubungad sa kanya. Natigil lamang siya sa pagtakbo nang tuluyan siyang maharang ng mga nars at maturukan ng mga pampakalma.


"They weren't real... They were just hallucinations... I was crazy... I was crazy..." Paulit-ulit na sambit ni Cielo at makaraan ang ilang sandali ay tuluyan nang inihinto ang paliligo.


Napabuntong-hininga si Cielo habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Basang-basa pa ang buhok niya pero sa kabila nito ay taas-noo parin siya habang suot ang damit na pinili ni Dana para sa kanya—Isang kulay itim na bestidang bumabagay sa mala-nyebe niyang kutis. Hanggang tuhod man, mahaba naman ang manggas nito sapat para maprotektahan si Cielo mula sa lamig ng paligid.


Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin ni Cielo ang isang ahas na gumapang patungo sa direksyon niya pero imbes na pansinin ito ay napabuntong hininga na lamang si Cielo at ngumiti.


"I'm not crazy. They're just hallucinations. My mind's just playing tricks on me." Paulit-ulit na sambit ni Cielo at taas-noong nilapatan ang sarili ng kulay pulang lipstick. Habang patuloy na binabalewala ang mga ahas na nakikita, itinali ni Cielo ang kanyang buhok at ipinulupot sa leeg niya ang isang bago ngunit kulay asul paring scarf na binili ng ama para sa kanya.


Nang lumabas si Cielo mula sa silid ay nagtaka siya nang makita si Axel na nakaupo sa sahig at tila ba hinihintay siya. Malalim ang iniisip nito, sa sobrang lalim ay ni hindi man lamang nito napansin ang paglabas ni Cielo.


"Axel anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Cielo dahilan para bahagyang mapapitlag si Axel at agad na mapatayo.


"Ah eh.. Ano kasi... ah.." Nasapo ni Axel ang kanyang batok.


"I can't read minds so you might as well tell me." Sabi na lamang ni Cielo kaya napabuntong-hininga si Axel at unti-unting napatitig sa mga mata niya.


"N-naramdaman mo na ba yung tipong.... Unang pagkakita mo pa lang sa isang tao, ramdam mo nang kilala mo siya buong buhay mo?" Tanong ni Axel dahilan para mapatitig si Cielo pabalik sa mga mata nito.


"A-ang pakiramdam na nakikita mo pa lang ang mga mata niya, nagkakaroon ka ng mga alaalang hindi naman sayo..." Nauutal na sambit in Cielo dahilan para dahan-dahang maglakad si Axel papalapit sa kanya.


"Guys kakain na!" Biglang umalingawngaw ang boses ni Shem dahilan para agad na mapalingon sina Axel at Cielo sa direksyon nito.


****


Matapos makapagdasal ay ilang sandaling namayani ang katahimikan sa hapagkainang. Nababalot man ng kadiliman ang buong bahay, nagsindi naman sila ng mga kandila upang maging gabay nila.


"Para sa mga magulang, kaanak, kaklase, kaibigan at mamamayan ng drayton." Itinaas ni Shem ang kanyang kutsarang puno ng kanin at ulam saka sinubo ito.


"Amen." Sabay-sabay nilang sambit at sabay-sabay na kumain.


"Ayoko dito... asan ang papa ko..." Umiiyak na sambit ni Pip kaya naman agad siyang kinandong ni Dana at hinalikan sa pisngi.


"You're a brave boy okay? You'll eat and gain energy because that's what your Papa wants." Nakangiting sambit ni Dana at sinubuan na lamang ang bata.


"Church kumain ka na." Saad naman ni Wacky sa kaibigang nasa tabi lamang niya at ni hindi man lamang ginagalaw ang nakahaing pagkain sa kanyang harapan.


"Ang mga kapatid ko... Kasama kaya nila sina Mama at Papa? Nakakain kaya sila ng maayos?" Mahinang sambit ni Church dahilan para magkatinginan ang ilan sa kanila.


"Nga pala, Snow ba talaga ang apelyido mo? Ano yun? May lahi kang amerikano?" Pag-iiba na lamang ni Shem ng usapan nang sa gayon ay bahagyang gumaan ang aurang nakapaligid sa kanila.


"I don't know." Tipid na sagot ni Cielo at nagpatuloy na kumain.


"Sa pagkakaalam ko may lahi ka ring intsik diba?" Tanong naman ni Raze dahilan para tuluyang matawa si Dana.


"Oy ba't ka tumatawa?!" Pabirong sinamaan ni Raze ng tingin si Dana.


"Shut up Ramonsito." Bulalas ni Dana kaya sa isang iglap ay napuno ng tawanan ang buong kusina.


****


"Goodnight!" Sabay-sabay nilang sigaw sa isa't-isa bago tumungo sa kani-kanilang mga silid. Magkahiwa-hiwalay sila ng mga silid na tinutulugan maliban lamang kay Cielo at Dana na magkasama sa iisang silid at pati narin sina Raze na kasama ni Pip.


"I never thought I'd get the chance to lie on a comfy bed again." Bulalas ni Dana at agad na pumlakda sa kama.


"Hindi ba talaga natin pwedeng i-on ang lights or i-open man lang ang bintana..." Hindi mapigilan ni Cielo na mapabusangot.


"They already boarded up the windows plus it would be safer this way." Katwiran na lamang ni Dana at nahiga ng maayos.


Habang nakahiga sa iisang kama ay napansin ni Dana ang pamilyar na mga guhit sa dingding—ito ang mga guhit na nagsilbi nilang mga gabay mula pagkabata. Malabo man dahil iisang kandila lamang ang nagliliyab, sapat naman ang liwanag nito para maaninag ni Dana ang mga guhit.


"You still remember our codes..." Mahinang sambit ni Dana at napangiti.


"I never forgot... Well, never will. I'm glad you remember them too." Sabi naman ni Cielo at hindi na napigilan pang mapangiti.


"778 is safe, triangle with an X inside is Danger.. Honestly, iyon nalang ang naalala ko." Pag-amin ni Dana at napatitig na lamang sa blankong kisame.


"Inverted letter K inside a circle means I'm okay and don't worry about me.... And a flame figure means help." Paliwanag ni Cielo bilang paalala sa kaibigan.


"778 Cielo... It's always gonna be 778 from now on." Paniniguro ni Dana at agad na itinaas ang kanyang hintuturo upang mapa-thumbs up kahit pa sa kisame siya nakaharap.


"778..." Pag-uulit ni Cielo at napangiti sabay taas rin ng kanyang hintuturo.


Bahagyang gumulong si Dana at napatagilid sa direksyon ni Cielo. Ipinatong niya ang mukha sa kanyang palad, "Alam mo ba, marami palang pinabago sina Tito sa bahay na'to."


"Gaya ng?" Tanong ni Cielo at gaya ni Dana ay tumagilid siya at pinatong sa palad ang mukha.


"Trap doors," sabi ni Dana at itinuro ang direksyon ng dingding, "May part diyan sa dingding na parang pinto pero hindi lang natin nahahalata, dahil diyan pwede tayong makalusot sa iba pang mga kwarto. Tapos sa sahig, may trap doors din para mapagtaguan. I guess your Dad rigged this place to make you feel safe and to protect you kahit wala siya rito." Paliwanag pa ni Dana.


"D-dana... Dana anong masasabi mo tungkol kay Axel?" Biglang bulalas ni Cielo dahilan para agad makunot ang noo ni Dana.


"It's hard to judge him at the moment... But even if—"


"Dana siya 'yon..." Mahinang sambit ni Cielo bago pa man matapos ni Dana ang kanyang sasabihin.


"The boy in your dreams... I knew he looked familiar." Pabulong na sambit ni Dana.


"And you think that's not weird?" Kunot-noong sambit ni Cielo nang mapansing kalmado lamang si Dana at tila ba hindi man lang naguguluhan sa sinasabi niya.


"The last three days has been beyond weird. I stand for science but apparently, I'm running out of logical explanations that could make sense of all this shit. But then again, survival is the only thing in my mind. Survive first, ask questions later." Pabirong sambit ni Dana at nginisihan ang kaibigan.


"Okay..." Mahinang sambit ni Cielo at unti-unti na lamang ipinikit ang kanyang mga mata at nahiga ng maayos at ganun rin si Dana.


"I don't mean to contradict my previous statement but I just want to ask you something..." Sambit ni Dana at unti-unting ipinikit ang mga mata gaya ng ginawa ni Cielo.


"What is it?" Tanong ng pikit matang si Cielo.


"Who's Astaroth?" Tanong ni Dana dahilan para unti-unting maidilat ni Cielo ang kanyang mga mata.


"Something we shouldn't talk about." Pabulong na sambit ni Cielo na ngayo'y may takot na sa kanyang mga mata.


***


Sa kalagitnaan ng hatinggabi ay biglang nagising si Dana nang maulinigan ang isang mahinang pag-iyak. Antok na antok man at naguguluhan, pinilit niyang talasan ang pakiramdam hanggang sa mapagtanto niyang nasa tabi lang niya ang umiiyak—Si Cielo. Natutulog man, tila ba takot na takot ito sa napapanaginipan.


"Cielo.. Cielo gising... Nananaginip ka..." Paulit-ulit na sambit ni Dana habang tinatapik ang balikat ng kaibigan.


Sa isang iglap ay napasinghap si Cielo at napaupo sa kama. Tagaktak na ang pawis sa mukha niya at kasabay nito ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata niya.


"H-hec—Si Hec..." Wala halos salitang nabubuo sa boses ni Cielo dahil sa labis niyang paghikbi at pag-iyak.


"Ha? Sino? Cielo tahan na, nanaginip ka lang." Nag-aalalang sambit ni Dana at agad na inalo at hinimas ang likod ng kaibigan.


"778... Cielo 778..." Paulit-ulit na sambit ni Dana habang humihinga ng malalim at pinapagaya ito kay Cielo.


Nasapo na lamang ni Cielo ang kanyang mukha at muling napahiga. Ngunit nakahiga man, patuloy parin siyang umiiyak at humihikbi bagay na labis ipinag-alala ni Dana.


"Cielo you just had a bad dream okay? I'll go get some water." Sabi na lamang ni Dana at agad na bumaba mula sa kama. Dali-daling ipinaibabaw ni Dana sa suot niyang pulang t-shirt at short ang isang malaking denim jacket. Kinuha niya rin ang isa pang kandila at sinindihan ito bago bumaba sa kusina.


****


Nang makarating sa madilim na kusina dala ang isang flashlight ay napako si Dana sa kinatatayuan nang dumako ang paningin sa malaking refregirator. Dahil rito ay muling bumaha sa isipan niya ang alaala ng mga magulang ngayo'y wala sa tabi niya.


Naluluha man, huminga ng malalim si Dana at pinilit na tatagan ang kalooban. Itinaas niya ang kamay na hawak ang isang kandilang nagsisilbi niyang gabay at nagtuloy-tuloy papunta sa kinalalagyan ng mga baso.


Habang kumukuha siya ng tubig ay nagsimula siyang makarinig ng mga boses na tila ba nanggagaling hindi kalayuan sa kinaroroonan niya.


"Church ligtas tayo dito!"

"Pero ang mga kapatid ko! Kailangan ko silang puntahan!"

"Hindi mo alam kung asan sila!"

"Hahanapin ko sila! Maiwan ka dito kung gusto mo basta hahanapin ko sila! Dapat kanina ko pa sila hinanap!"


"Wacky?" Mahinang sambit ni Dana nang mabosesan ito.


Inilapag ni Dana ang hawak na baso sa mesa at agad na sinundan ang ingay na tila ba nagmumula sa sala. Nang marating niya ito ay nagulat siya nang makitang wala na ang mga harang na inilagay nila Raze at ngayo'y naiwan pang bahagyang nakabukas ang pinto.


"Idiots!" Mahinang sambit ni Dana at agad na lumabas upang sundan ang mga ito.


****


"Nakikiusap ako sa inyo! 'Wag niyo siyang sasaktan!" Umiiyak na nagmakaawa ang dalagang duguan. Pilit siyang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng tatlong kalalakihang nagtatawanan.

"Hector! Hector!" Walang ibang magawa ang dalaga kundi lumuha habang nasasaksihan ang pagpapahirap sa kanyang kasintahan.

Lumapit ang isang lalaki sa binatang si Hector at marahas itong hinigit at sapilitang pinaluhod.

"A-amelia..." Hinang-hina man at umaagos ang dugo mula sa bibig, pinilit ng binatang ngumiti habang sinasambit ang pangalan ng dalaga.


Walang ibang magawa si Cielo kundi maiyak habang naglalaro ang mga eksenang ito sa kanyang isipan. Naguguluhan man, ramdam ni Cielo ang matinding panlulumo at lungkot kaya dinadaan na lamang niya sa iyak ang matinding bigat ng kalooban.


Huminga ng malalim si Cielo habang nanatiling nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Naalala niya si Dana kaya naman unti-unti siyang napaupo. Hindi niya napigilang magtaka nang mapansing hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakabalik.


Hinilamos na lamang ni Cielo ang kanyang palad at pinasadahan ng haplos ang kanyang mahabang buhok. Tatayo na sana siya ngunit laking gulat niya nang makita ang napakaraming ahas na nagkalat sa sahig. Sa sobrang dami ay hindi na alam ni Cielo saan aapak kaya sa sobrang takot ay agad siyang napaupo sa kama habang yakap ang mga tuhod.


"Hindi kayo totoo... Hindi kayo totoo..." Paulit-ulit na sambit ni Cielo at napaatras-abante habang yakap ang sarili.


Unti-unting ipinikit ni Cielo ang kanyang mga matang nagsisimula nang lumuha ngunit laking gulat niya nang sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang malabong tili na animo'y nanggagaling sa labas.


"Hindi kayo totoo." Tahasang sambit ni Cielo at walang paligoy-ligoy na bumaba sa kama at umapak sa sahig. Ibinaling niya ang tingin rito at nakita niyang wala na ang mga ahas na nakikita niya kanina.


Dali-daling kinuha ni Cielo ang kanyang scarf na nasa gilid ng kama at isinuot ito sa kanyang leeg habang naglalakad patungo sa pinto. Ngunit nang mahawakan na niya ang doorknob at akmang bubuksan na niya ito ay nagtaka siya nang marinig ang iilang mga mabibigat na yapak mula sa labas.


Sa di malamang dahilan, tinamaan si Cielo ng matinding kaba at kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng puso niya.


Dahan-dahan siyang napabitaw sa doorknob at humakbang ng isang beses paatras. Palakas ng palakas ang naririnig niyang mga yapak at animo'y papalapit na ito sa kinaroroonan niya kaya naman dahan-dahan niyang pinindot ang gitna ng doorknob para mai-lock ito. Ilang Segundo lamang ang lumipas ay laking gulat ni Cielo nang makita ang bahagyang pagalaw ng doorknob.


Dahan-dahan siyang napatakip sa kanyang bibig nang makita ang muling paggalaw ng doorknob, ngunit sa pagkakataong ito ay mas bumilis na. Hindi ito bumukas kaya kitang-kita ni Cielo ang paulit-ulit na pag-ikot nito, pabilis nang pabilis at palakas nang palakas ang pwersa na animo'y nagagalit na ang kung sino mang gustong pumasok at tumulak nito.


Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang ungol na animo'y punong-puno ng galit at kasabay nito ang isang kalabog na gawa ng pagtama ng matigas na bagay sa pinto.


END OF CHAPTER 15.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3





Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
KAHIMANAWARI By talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...