The Rebels

By Wintermoonie

14.2K 1.8K 1.6K

The peace within Bangtan City was disturbed and terror started to reign. Believed to be murdered, Serafica fo... More

The Rebels Portrayers
INTRO
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 01

869 134 154
By Wintermoonie

Dedicating this chapter to
jirehcutisism

──⊹⊱✫⊰⊹──
01. Run
──⊹⊱✫⊰⊹──


18 November 2018

Tumatakbo ng mabilis ang isang binatang nakasuot ng kulay itim na damit habang umaambon at nakatakip ang ibabang bahagi ng kanyang mukha.

"HABULIN NYO!!!" sigaw naman ng isang lalaking naka-uniporme ng isang gray suite and tie kaparehas ng tatlo pang kasamahan nya na may dala-dalang pamalong gawa sa metal, kasing kapal ito ng isang ordinaryong tubo.

Kahit gaano pang kabilis ang gawin nilang pagtakbo ay hindi nila ito maabutan dahil sadyang maliksi ang binata at nakalusot pa ito sa masikip na eskinita. Lumukso ito sa isang pader upang makarating sa kabilang bahagi at halos madulas pa ito dahil sa basang buhanging pababa sa main road.

Tinalon nito ang tila bangin na daanan makalayo lamang sa apat na humahabol sa kanya. Walang nagawa ang mga iyon kundi ang magsisihan at pilit na umikot upang dumaan na lamang sa hagdan.

Isang sulyap ang iginawad ng binata mula sa mga hinihingal na mga lalaking humahabol sa kanya at napangisi ito ng makitang halos hindi na rin sila makatakbo dahil sa sobrang kapaguran.

"KAPAG NAHULI KA NAMIN, PATAY KA TALAGA!" sigaw muli ng lalaki sa kanya ngunit tinawanan na lamang nya ang mga ito dahil kapansin-pansing hindi sya mahahabol ng mga ito.

Napalingon sya sa kanyang likuran ng bumusina ang isang itim na kotseng pangkarera. Dali-dali nya itong pinuntahan at bago pa sya tuluyang sumakay doon ay sinulyapan nyang muli ang mga humahabol sa kanya. "BETTER LUCK NEXT TIME, LOSERS!"

Pinaharurot naman ng binatang nagmamaneho ang sasakyan ng makasakay na ang binata. Seryoso lamang ito habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. "Nakuha mo ba ang pera?" tanong nito.

Tinanggal ng kasama nya ang maskarang nakatakip sa ibabang bahagi ng kanyang mukha, dinukot ang isang makapal na envelope mula sa kanyang bulsa at ngumisi ng nakakaloko. "Ako pa?" napangisi rin ang lalaking nagmamaneho at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan.

──⊹⊱✫⊰⊹──

Palabas na si Levi Andromeda, isang National Investigation Officer, mula sa isang coffee shop dala ang dalawang take-out ng kape at donut. "Oh," inabot nya iyon sa partner nyang si Serafica Vera na kanina pang nakasandal sa kanilang sasakyan at tila inip na inip.

Sakto namang tumunog ang radyo nila ng sandaling kakain na sana ang dalawa, "plate number 07 JM 1103, huling nakita na tinatahak ang Bangwool Ave, reported for theft. Track it down!" utos ng superior nila.

Isang humaharurot na sasakyan dala ang plate number na kaka-report lang ang dumaan sa harapan nila. "Tangina, hindi pa nga ako nakakakagat ng donut, eh!" reklamo ni Levi habang sumasakay sa passenger's seat habang nakangisi naman ang dalaga.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Serafica, o Rafie, na lalong ikinainis ni Levi dahil hindi sya makakuha ng tiyempong kumagat sa kanyang hazelnut donut lalo pa't dinoble ng dalaga ang acceleration ng sasakyan. Mabuti na lamang at gamit nila ngayon ang patrol car nila kung hindi ay sigurado nyang milyong-milyong multa na ang aabutin nila.

Palihim namang ngumisi si Levi habang nakatingin sa race car na sinusundan nila. Matagal-tagal na rin simula ng huli nilang misyon, ang paggawa ng daily report ay hindi nya forte. Pakiramdam kasi nito ay bumalik lang sya sa kolehiyo kung saan libo-libong thesis ang ginagawa nya.

Mabilis ang paglinga ni Rafie sa paligid, kinakalkula kung gaano kabilis dapat nyang patakbuhin ang sasakyan at kung saan sila posibleng dumaan bilang shortcut. Tinatahak nila ngayon ang Dulset Highway at iisa lang ang lalabasan nila, ang Sitio Paruparo.

"Brace yourself, this case is ours!" nakangising sambit ni Rafie ng mga sandaling iyon.

Rafie tripled the acceleration and went towards the tunnel. Kakaunti lamang ang sasakyang dumaraan dito dahil patungo na ito sa labas ng siyudad.

Sunod-sunod ang busina ng mga sasakyang halos mabangga ni Rafie ngunit hindi nya ito pinansin. Hindi rin naman kasi ito naglagay ng patrol siren para ipaalam na mula sila sa isang sangay ng Ministry of Defense at may hinahabol silang mga kriminal.

Napangisi lang ang dalaga ng makitang malapit na sila sa dulo ng tunnel. Tinanggal ni Levi ang kanyang seatbelt, unti-unting binuksan ang pintuan ng sasakyan upang makalabas dahil sa eksaktong paglabas nila rito ay halos makasabay nila ang racing car na inireport sa pagnanakaw. Tinalon nya iyon habang so Rafie naman ay iniharang ang sasakyan sa daan.

Napamura ang dalawang binatang sakay nito at napatigil bago pa mabangga ang sasakyang humaharang sa two-way road.

Inilabas ni Levi ang kanyang baril at itinutok sa dalawa habang sinesenyasan silang lumabas ng sasakyan. Balakin man nilang tumakbo at tumakas ay hindi na rin nila nagawa lalo pa't paglabas nila ay naghihintay rin si Rafie na may dalang metal na baseball bat habang nakasandal sa pintuan ng kanilang patrol car.

"Taas ang kamay kung ayaw nyong mabawian ng buhay!" banta ni Levi sa dalawang binatang naka-facemask ngayon.

Nagpalitan ng tingin ang dalawa at base sa mga mata nila ay para nilang sinisisi ang isa't isa. Nakabantay si Levi sa binatang nagmamaneho ng sasakyan habang nilalapitan naman ni Rafie ang binatang nakasakay sa passenger's seat, "ID." naiinip nitong saad habang inilalahad nya ang kanyang kaliwang palad.

Napakamot ng ulo ang binata at nag-aalinlangang dinukot ang wallet sa kanyang bulsa at ibinigay ang ID nito sa dalaga, ganun din ang ginawa ng kasama nito.


Nagpalitan ng tingin sina Levi at Rafie ng makita ang National Identification Card ng dalawa. Sila rin mismo ang nagtanggal sa face mask ng mga ito para masigurong hindi nila ninakaw ang ID na ipinakita nila.

Parehong lumawak ang mga ngiti nina Storm at Sky habang naka-peace sign ang mga ito.

"Hindi po kami lalaban," mahinahong sambit ni Sky kay Levi lalo na't nakita nya ang Ministry of Defense emblem sa coat ng binata.

"Marami pa po akong pangarap sa buhay at paliligayahing mga babae," sambit naman ni Storm na syang nagpatawa sa kaibigan nya at kay Levi ngunit sya ring nagpalaki ng mga mata ni Rafie.

──⊹⊱✫⊰⊹──

Please leave me a comment💬 and let me know what you think. Don't forget to give me a star⭐ too. 😉

See you next chapter!

Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
5.5M 197K 58
Is he as dark as his eyes?
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...