The Rebels

Autorstwa Wintermoonie

14.2K 1.8K 1.6K

The peace within Bangtan City was disturbed and terror started to reign. Believed to be murdered, Serafica fo... Więcej

The Rebels Portrayers
INTRO
Chapter 01
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 02

652 145 112
Autorstwa Wintermoonie

Dedicating this chapter to
Skyblue_Shadow03

──⊹⊱✫⊰⊹──
02. The Beginning
──⊹⊱✫⊰⊹──

"R-R-Rafie!" nanginginig na tawag ni Mr. Han, ang kanilang direct superior, sa kanya habang sinusundan nya ang dalagang salubong ang kilay at matatalas ang mga matang halos hindi na kumurap.

Kasunod nito ay si Levi na halos nakaakbay na sa dalawang binata na nahuli nila kanina lamang. Sinipa nito ang pintuan papasok at lahat ng kalalakihan ay napatalon sa ginawa nya.

"PUN-" hindi naituloy ng unit superior na naroon ang pagmumura nito ng masalubong ang nanlilisik na mga mata ng dalaga. Madalas ay mas gusto nyang naka-shades na lang ito kaysa makita ang matang halos patayin na sya. "M-Ms. Vera!" nauutal na sambit nito sa pangalan ng dalaga.

Padabog nyang inilapag ang report paper na nakuha nila kanina. "Who the hell reported plate number 07 JM 1103 under theft?" walang sumagot sa kanya. Rafie and Levi are known to be most notorious duo in the Ministry of Defense.

Timothy Stellar proudly raised his hand. "It was reported as a getaway car after stealing money from..."

"Did you check the database of the car owner?" kunot pa rin ang mga noo ni Rafie nang tanungin nya iyon. Nakapamewang ito sa harapan ng lalaking may katangkaran.

Napalunok ng sariling laway ang binata, "w-well..."

"Who reported the theft?" tanong nya sa iba pang taong naroon at lahat sila ay hinanap ang call history ng kanilang departamento.

"Mr. Kal," sagot ng isang baguhan. "Iyon po ang pangalan ng nag-report."

Magtatanong pa sana si Rafie ng biglang may umentrang lalaki na naka-suot ng gray suit, may katandaan at manipis ang buhok. Kasunod nito ay ang tatlo pang lalaking nakasuot ng katulad nya.

"Boss! Ang magnanakaw!" turo ng maliit ng lalaking nasa likuran nito na sa tingin ni Rafie ay si Mr. Kal.

Nagngingitngit ang boss nila at akmang lalapitan si Storm nang humarang si Levi sa pagitan nila. "Hanggang dyan ka lang," banta nya rito.

"NINAKAW NYA ANG PERA KO!" galit na galit namang sagot ng lalaki at nagtakip ng ilong ai Levi.

Umeksena naman kaagad si Timothy dahil sya ang may hawak ng kasong ito. Nais nyang patunayan na magaling sya at hindi sya nararapat sa support unit. "Mr. Kal, we are already investigating your claim and rest assured that these two rascals will be put behind bars."

Napataas ang kaliwang kilay ni Rafie at napailing naman si Levi na animo'y may nakakahiya itong sinabi habang nagsisikuhan naman sina Storm at Sky, tila ba nagsisisihan sa nangyari.

Umupo si Rafie sa bakanteng lamesa, nasa pagitan sya ngayon ng grupo ni Mr. Kal at ng dalawang binata. "Aba, dapat lang! Ninakawan nila ako ng two hundred thousand pesos, pati ang tsebrolet ko ninakaw rin! Either ikulong ang dalawang delingkwenteng yan o magbayad sila ng sampung milyon!" maangas at ma-awtoridad nitong pagbibitaw ng mga salita.

"Aba, dapat lang! Ninakawan nila ako ng two hundred thousand pesos, pati ang tsebrolet ko ninakaw rin! Either ikulong ang dalawang delingkwenteng yan o magbayad sila ng sampung milyon!"

Napatingin sila sa gawi ni Rafie ng i-play nya ang kanyang recording. Halatang na-offend ang lalaki at kanyang mga kasamahan ng sandaling iyon, maging si Timothy ay tila nainis.

"False accusations can be punishable by law. Maaari kang makulong hanggang limang taon dahil lamang sa pagsisinungaling mo," pagpapaliwanag nito bago tumingin sa gawi ng kliyente ni Timothy.

Inilabas naman ni Levi ang dalawang papel mula sa bulsa sa loob ng coat nya at ibinigay iyon sa binatang humahawak ng kaso nitong si Mr. Kal, ang dalawabg superiors naman ay pumalibot sa kanya upang basahin iyon.

Case Number: 2018-1100456
Date: 2018 November 18
Reporting Officer: DCC Serafica Vera
Prepared by: AC Levi Andromeda

Incident type: Fraudulence

Address of occurrence: 321 Lotus Ave, Bangtan City, 061313

Witnesses:
     Vino Espiritu.
       Shop owner, 25, male.

Evidences:
     Fingerprint from the envelope.
     Exchange email communication.
     Voice call recording.
     CCTV footage.

On November 18, 2018, at approximately 15:37, two unidentified males in their mid-thirties approached Storm Darlington for their transaction of car parts ordered from the website sellyourstuff.com/carparts/chevrolet-race-motors. The accuser had agreed to buy a turbo charger to upgrade his racing motors in the amount of fifty thousand but found out that the items prepared were made of plastic. The accused disputed about their 'No return, no exchange' policy.

Sky Amore offered help in getting his friend's money back and was about to report to police about the incident but found out that they were being framed.

Deputy Serafica and Assistant Commissioner Levi hunted down the car that was reported at around 16:18, responding to the police call. After reviewing the CCTV footage, the identities of the victims, and the email exchange between the accused and the accuser, it has been confirmed that this is a new modus being operated by the Zpyder Gang.

Napatingin bigla ang dalawang superiors sa mga lalaking naka-grey suit. Ang ilang papeles ay mga patunay na hindi biktima ang dalawang binata na sina Storm at Sky. Tila natunugan nilang alam na ang ginawa nilang panloloko kaya't nais na sana nilang tumakas ng lumitaw ang team na hawak ni Rafie bilang back-up.

Halos makusot naman ang report na hinahawakan ni Timothy dahil sa inis. Naunahan na naman kasi siya nina Rafie at Levi na malutas ang kaso.

Tumayo si Rafie mula sa pagkakaupo at pinosasan ang tinatawag nilang Mr. Kal, "you have the right the remain silent."

"But don't exercise it too often, baka lalong mangamoy panis ang laway mo!" putol ni Levi rito.

"Anything you say can be used against you," pagtutuloy ng dalaga habang pinapakita ang recorder nito. "You also have the right to hire an attorney."

"Malakas ang ebidensya laban sa inyo, wag na lang kayong mag-aksaya ng pera at oras ng iba." walang ganang singit ni Levi at sinenyasan ang tauhan nilang ikulong na ang mga ito.

Tumingin si Rafie sa support team na ngayon ay nakatungo dahil sa kahihiyang inabot nila, "we have a database for a reason. Use it!" Hindi na nagpaalam ang dalaga at tuluyan ng lumabas sa opisinang iyon.

Sumunod na sa kanya sina Levi at ang dalawang binatang manghang-mangha sa dalawa. "Isa kang alamat, Ms. Rafie!" nakangiting komento ni Storm sa kanya ng makarating na sila sa labas ng building.

"Salamat, Ms. Rafie and Sir Levi! Wala kaming planong umabot sa ganito ang sitwasyon, gusto lang naming makuha yung perang ninakaw nila." nakangusong paliwanag naman ni Sky.

Tumango naman si Storm bilang pagsang-ayon sa kaibigan, "patay kami sa mga erpats namin ngayon. Lalo na 'to," itinuro nya ang kaibigan na inilapat ang hintuturo sa kanyang labi.

Napatingin tuloy ang dalawang detective sa kanila. Tumingin sa malayo si Sky, napakamot naman ng ulo si Storm. May pagtataka man ay mas pinili nilang huwag ng itanong kung ano ang ibig sabihin ng binanggit ng binata kanina.

Kinuha ni Rafie ang calling card nito at ibinigay sa dalawa, "baka balikan kayo ng grupo nila. Tawagan nyo kami kapag nangyari 'yon." saad nya sa dalawa at tumalikod na upang pumasok muli sa kanilang opisina.

"T-THANK YOU!" masayang pagtawag ni Sky sa dalawa.

"MS. RAFIE, I LOVE YOU," sigaw naman ni Storm. "KAPAG WALA KANG MAHANAP NA BOYFRIEND, LIBRE AKO! IIWANAN KO ANG LAHAT NG BABAE PARA SA'YO!" dugtong pa niya kahit na alam naman na nitong hindi na sya maririnig ng dalaga.

Rafie and Levi share the same office. Wala naman na silang itatago sa isa't isa lalo na't sabay silang lumaki.

Magkapatid ang turing nila sa isa't isa dahil simula ng maulila si Levi ay inampon na sya ng papa ni Rafie. Tulad nilang dalawa, kapwa militar ang mga tatay nila habang military doctor naman ang ina ng binata.

Binuksan ni Rafie ang kanilang flat screen television sa opisina at naupo sa kanyang swivel chair, nakalagay na kaagad iyon sa news channel pagkabukas pa lamang nya. Nasa gilid naman ang lamesa ni Levi na puno rin ng mga papeles. Babasahin pa sanang muli ng dalawa ang mga pending cases na isinumite sa kanilang departamento nang mapaangat ang ulo nila sa ibinabalita.

"A terrorist attack in the borders of Ythaqui happened half an hour ago. Endless exchange of missiles and bombs can be heard between the terrorists and appointed militaries."

"P-Papa! L-Levi, si papa!"

──⊹⊱✫⊰⊹──

Hindi ko talaga alam paano gumawa ng police report tapos ingles pa, my poor nose! Char. 😂

Storm will always be my favourite flirt in this story. 😊

Please leave me a star⭐ and a comment💬 to let me know your thoughts. Maraming salamat po!

See you next chapter! 💜

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...