A/N:
Ayan, chapter 10 na tayo. Salamuch sa patuloy na pagbabasa. ^o^
Happy Reading! :)
***
Skyler's POV
"G-gi...sing ka?" Napabalikwas ako.
He cracked one eye open, which I found really cute, but right now I'm really embarrassed so I can't focus at that.
"Yeah." Abot-tengang sagot niya. Ugh, nakakahiya! Bad trip naman oh, akala ko 'di niya narinig ang mga kakornihang sinabi ko. (>___<)
"U-uh... Okay, saglit lang ah..." Akmang aalis sana ako pero bigla niya 'kong hinila. Ayun, napaupo tuloy ako sa couch. Tatayo na sana ulit ako pero pinigilan niya 'ko ulit, "Hey, what are you embarrassed for? Wala ka namang sinabing hindi maganda eh." He said, a smile still plastered all over his face.
I just sighed, "Nakakahiya kaya." Mahinang sabi ko. Umiling naman siya ng bahagya, "Anong nakakahiya du'n? Nagpasalamat ka lang naman, 'di ba? Okay lang 'yan... Alam mo, Sky..." Napatigil siya at tinitigan lang ako.
Nagtaas ako ng isang kilay, "Ano?"
"Swerte 'yung magiging boyfriend mo." Sagot niya, "pero teka, meron ka na nga ba 'nun?" takang-tanong niya.
I crossed my arms over my chest and nodded, "Meron na, actually."
His smile dropped, "Eh asa'n siya?" Pang-iintriga niya ulit.
"Nasa puso ko, siyempre." Ew, ang corny ko. Pero joke lang naman 'yun eh, pinagtitripan ko lang ang isang 'to, para quits na kami. Mwehehe.
"Eh, corny." Bitter na sabi niya. Tumawa naman ako, "Inggit ka lang eh. Eh bakit ikaw, wala ka bang girlfriend?"
Tumango siya, "Meron."
I felt my heart drop. Or maybe it's just my imagination? Whatevs. Pero kung meron na siyang girlfriend, ba't ako pa 'yung naging rumored? Baka naman binibiro lang rin ako nito?
"Asa'n naman siya? Ba't di ko pa siya nakikita?" Tanong ko.
Natawa lang siya at nilapit ang mukha niya sa'kin. Ugh, weakness ko talaga 'to. Nakakainis.
"Asa'n siya? Nasa tabi ko." Sabi niya na may kasamang kindat.
Watda? Ano daw?!
"Hindi, joke lang. Baka magalit pa sa'kin 'yung boyfriend mo..." Sabi niya habang naglulungkut-lungkutan.
Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso, "Ogags! Wala akong boyfriend, shunge. Naniwala ka naman? Sa mukhang 'to?" Pag-amin ko.
He frowned, "You're beautiful."
Napatigil ako pagkasabi niya nu'n. Feeling ko namumula na ako ng bongga.
"H-huh? Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
"W-wala." Nauutal na sagot niya. "So ano, okay na ba pakiramdam mo?" Pagpapalit niya ng topic.
Tumango ako, "Oo, bukas na lang tayo mag-practice..." Sagot ko.
"Sige. Thank you Sky ah."
"Para saan?" Takang-tanong ko.
"For forgiving me earlier." Sabi niya na tinanguan ko naman.
"Salamat rin sa pag-aalaga." Saka ko naalala ulit 'yung sinabi ko kanina, nung akala ko natutulog siya. Hay, nakakahiya talaga.
Natahimik kami ng ilang segundo, pero may naisipan akong itanong, "'Di ka pa pala uuwi?"
"Hmm, bakit, gusto mo na ba 'ko umalis?"
"Tinatanong lang, 'to naman." Sagot ko.
"Well I could go, pero sinong kasama mo dito?" Tanong niya.
"Eh, kaya ko naman na ang sarili ko eh. Darating na rin sila Denver maya-maya."
"Sigurado ka? I can stay." Sabi niya.
Umiling ako, "H'wag na. Baka may importante ka pang lakad."
"Okay. Text mo na lang ako kung may problema, ha?"
Tumango ako, "Sige."
Tumayo na kami pareho. "Ingat." Mahinang sabi ko. Ngumiti naman siya, "Thanks." And then the unexpected happened.
Bigla niya akong niyakap.
Hindi ako agad nakagalaw. Nanatili lang kaming ganun, hanggang sa...
"Ate Skyler? Kuya Idol?"
Nakita kami ni Denver.
***
A/N:
Pasensya na sa short update.
Sana nagustuhan niyo. :)
Exciting ang mangyayari sa next chapter mwahaha. ^o^
Salamat sa pagbabasa! Vote and comment guys.