Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

بواسطة Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... المزيد

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XIV: What destroyed her

123K 5.6K 2.7K
بواسطة Serialsleeper


CHAPTER XIV:

What destroyed her

THIRD PERSON'S POV



"Kamusta ang retreat? Naputol na ba ang mga sungay niyo?" Pabirong tanong ng Ama ni Dana sa pagpasok pa lamang ng kanyang anak sa kotse kasama si Cielo.


"Papa please, I'm a good girl." Taas-noong pagmamalaki ni Dana habang pabirong iniirapan ang kanyang ama.


"At dahil diyan, mas tumubo pa po lalo ang sungay niya." Pang-aasar naman agad ni Cielo dahilan para matawa na lamang ang ama ni Dana sabay paandar ng radyo. Agad na umalingawngaw ang awiting 'Anak' ni Freddie Aguilar.


"Oh my God! Turn that thing off!" Agad na pagsusumamo ni Dana pero humalakhak lamang ang kanyang ama na tila ba inaasar pa siya't lalo lamang itong nilakasan.


"Petition to curse your dad on my mind?" Mahinang sambit ni Cielo na ngayo'y nakapikit na.


"Petition granted." Mahinang sambit naman ni Dana na walang magawa kundi samaan na lamang ito ng tingin lalo pa't mag-isa lamang sa front seat ang kanyang ama at nasa likuran lamang silang dalawa ni Cielo.


"Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo, at ang kamay nila ay iyong ilaw—tanggal ang kuko, sumirit ang dugo." Naiinis man, hindi parin mapigilan nina Cielo at Dana na matawa lalo pa't todo birit ang ama ni Dana sa pagkanta habang binabago ang mga linya nito.


****


Dala ng pagod dahil sa byahe at mga aktibidad ay hindi na naiwasan pa ni Cielo na makatulog sa loob ng sasakyan. Kaya nang mapansin ni Dana na malapit na ito sa kanyang bahay ay ginising niya ito.


"Cielo? Psst, malapit na tayo sa bahay niyo." Sabi ni Dana habang sinusundot ang pisngi ng kaibigang natutulog habang nakasandal ang ulo sa bintana ng sasakyan.


Pulang-pula man ang mga mata dahil sa antok, pinilit na lamang ni Cielo na ngumiti. Napatanaw siya sa tanawin at nang makita ang mga nagtataasang puno sa paligid ay sinimulan na niya ang pag-iinat.


"Anong oras na?" Tanong ni Cielo habang pinagmamasdan ang napakadilim na kakahuyang tila ba walang hanggan.


"It's almost 11pm. Hay, siguro naman tulog na ang lolo mo ngayon." Sabi pa ni Dana dahilan para agad makunot ang noo ng kanyang ama.


"Teka Cielo, sinasaktan ka parin ba niya hanggang ngayon?" Nag-aalalang sambit ng ama ni Dana lalo pa't alam rin niya ang tungkol sa kalupitan ng lolo ni Cielo pagdating sa kanya.


"Sumasama po ako lagi kay Mama para 'wag akong maiwang mag-isa kasama si lolo." Sabi na lamang ni Cielo dahilan para mapataas ang kilay ni Dana.


"Actually Papa, lalo lang tumaas ng sungay lolo niya. Mula nang mamatay ang Lola ni Cielo last summer, parang lalong naging demonyo ang lolo niya. Kung noon si Cielo lang, ngayon halos lahat—" Natigil si Dana sa pagsasalita nang biglang hinawakan ni Cielo ang braso niya at tiningnan siya nito na tila ba nakikiusap na 'wag nang magsalita pa.


"M-matanda na po kasi si lolo, medyo sumpungin na lalo't nagluluksa parin siya sa pagkawala ni Lola." Pagmamaang-maangan na lamang ni Cielo sabay ngiti, ngunit kahit na anong gawin niyang pananakip, alam ng mga taong nakapaligid sa kanya ang totoong pagkatao ng kanyang lolo.


"Cielo kahit noong nabubuhay pa ang lola mo, ganun na ang lolo mo sa'yo. Hindi ba nga, lagi ka naming pinapapunta sa bahay namin sa tuwing wala ang lola at nanay mo para 'wag mo lang makasama ang lolo mo sa iisang lugar." Paalala ng ama ni Dana dahilan para mapatitig na lamang si Cielo sa sahig habang pilit na itinatago ang lungkot sa pamamagitan ng ngiti.


"Cielo baka mamaya lalo pang lumala yang lolo mo ha?" Nag-aalalang sambit naman ni Dana.


"Hindi naman masamang tao ang lolo ko." Sabi na lamang ni Cielo sabay ngiti.


"'Yan ang problema sa inyo ng pamilya mo, masyado niyong pinagpapasensyahan ang lolo mo. Kung ako sa'yo puntahan mo yung Papa mo sa Maynila, doon ka nalang muna sa kanya tumira. Diba kahit hindi magkasundo ang Mama at Papa mo, sinusustentohan ka parin naman ng Papa mo?" Tanong pa nito dahilan para mapataas ulit ang kilay ni Dana.


"Papa naman! 'Wag mo ngang sulsulan si Cielo na umalis ng Drayton!" Inis na sambit ni Dana.


"Eh kesa ba naman dito siya sa Drayton at nasa puder ng lolo niya?" Giit naman ng Ama niya.


"Dito na po ako bababa." Sabi ng kalmado lamang na si Cielo dahilan para maihinto ng ginoo ang kanyang sasakyan. Hindi nito namalayan na napakalapit na pala nila sa malaking bahay kung saan nakatira si Cielo.


"Hey, we're just worried. Everyone is." Sabi ni Dana sa kaibigan.


Tumango-tango si Cielo habang may ngiti parin sa kanyang labi, "You have nothing to worry about. Pero thank you talaga sa inyo."


"You know you're always welcome. Basta Cielo ha? Pag sinaktan ka na naman nun, lumaban ka na." Bilin ni Dana dahilan para agad siyang samaan ng tingin ng kanyang ama.


"Ang ibig sabihin ng anak ko, 'wag kang mag-aatubiling ipagtanggol ang sarili mo. Mag-sumbong ka o di kaya'y humingi ng tulong kung kinakailangan. Hindi na kasi pwedeng kunsintihin at balewalain ang ginagawa ng lolo mo, mahirap na." Makahulugang sambit ng ama ni Dana kaya tumango-tango na lamang si Cielo.


"Papa naman eh! Pareho lang yan sa sinabi ko!" Inis na sambit ni Dana kaya hindi na napigilan ni Cielo na matawa sa mag-ama.


"Sige po, mauna na ako. Ingat kayo." Paalam ni Cielo saka lumabas mula sa sasakyan.


Nanatili si Cielo na nakatayo sa gitna ng ubod ng tahimik na kalsada, pinanood niya ang mag-ama na umalis habang kinakawayan ito.


Bago tuluyang makalayo ang sasakyan, dumungaw si Dana mula sa bintana upang kawayan pabalik ang kaibigan. Papalayo man mula sa isa't-isa, kapwa parin sila nagpapalitan ng ngiti at kumakaway. Lingid sa kaalaman nila, ito na pala ang magiging huli nilang pagkikita sa matagal na panahon.


***


Dahil nasa loob pa ng gubat ang kanyang bahay, kinailangan pa ni Cielo na maglakad ng ilang sandali. Bitbit man niya ang kanyang napakalaking backpack habang yakap ang isang paper bag, hindi naman siya nahihirapan dahil sa mga kulay asul na Christmas light na nagsisilbing gabay sa daang patungo sa kanyang tahanan.


Sanay na si Cielo na dumaan sa gitna ng naglalakihang mga puno lalo pa't sa tahanang ito na siya lumaki. Tahimik man at may dalang kilabot ang paligid, hindi ito ramdam ni Cielo.


"Home at last." Napangiti na lamang si Cielo nang marating niya ang dulo ng mga Christmas lights at tumambad sa kanya ang malaking bahay na may dalawang palapag. Gawa man ito sa kahoy, ubod ng tatag naman ng pundasyon at mga materyales nito na naglalabas ng makaluma ngunit marangyang aura.


Kapansin-pansin ang katahimikan sa paligid at ni-isa ay walang ilaw na nakasindi sa loob ng bahay. Hindi na ito bago kay Cielo lalo pa't alas-onse na ng gabi at karaniwang tulog na ang kanyang lolo at ina sa ganitong oras.


Nang makarating sa tapat ng malaking pinto ay agad na ibinaba ni Cielo ang bitbit na paper bag. Kukunin na sana niya ang susi mula sa bulsa nang bigla niyang mapansing nakabukas pala ng bahagya ang pinto.


"Ba't di 'to naka-lock?" Kunot noong sambit ni Cielo. Naguguluhan man, pumasok na lamang siya sa loob ng bahay at kinapa ang dingding para paganahin ang ilaw.


Nang tuluyang magliwanag ang paligid ay laking gulat ni Cielo nang tumambad sa kanyang harapan ang napakagulong sala. Nagkalat ang mga gamit sa sahig na tila ba may nagwala at ito ang pinagbuntungan ng galit, marami ding mga bubog na nagkalat sa sahig na nagmula sa isang malaking picture frame na ngayo'y basag na.


"Mama...." Hindi maiwasan ni Cielo na kabahan lalo na nang makitang basag na ang kanilang family picture at iba pang mga litrato.


"Ma?! Ma asan ka?!" Napasigaw si Cielo at dali-daling na nagtungo sa hagdan. Nakakaakyat na siya ng ilang hakbang nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang sigaw na tuluyang nagdulot ng matinding takot sa buong sistema niya.


"Anak takbo! Umalis ka na! Takbo!" Boses ito ng kanyang ina at tila ba nanggagaling sa itaas. Bakas sa boses nito ang matinding takot at taranta dahilan para mataranta rin ang dalaga.


"Ma!" Napasigaw si Cielo. Tatakbo na sana siya paakyat upang saklolohan ang ina ngunit bigla siyang nakarinig ng malakas na kalabog mula sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito ay otomatikong nanlaki ang mga mata niya sa takot nang makita ang kanyang lolo. May hawak itong isang malaking kutsilyong may bahid na ng dugo.


"Nagpatira ako ng mga ahas rito sa bahay ko." Nagngingitngit na sambit ng matanda habang inila-lock ang pintong daan sana ni Cielo paalis.


"L-lolo, lolo anong ginagawa mo?" Nauutal na sambit ni Cielo na nagsisimula nang maluha dahil sa matinding takot. Ang mga kamay niya'y nagsisimula nang manginig habang ang paa niya'y nagsisimula nang manlambot.


"Matagal ko na dapat 'tong ginawa!" Sambit ng matanda sabay taas ng kanyang hawak na kutsilyo.


"Cielo umalis ka na!" Nang muling marinig ang sigaw ng ina ay agad na kumaripas si Cielo ng takbo paakyat sa hagdan.


Takbo siya ng takbo hanggang sa makarating siya sa isang pasilyo at madatnan ang kanyang inang nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Hinang-hina man ito, pilit nitong itinataas ang kanyang kamay na tila ba sinusubukang kausapin ang nag-iisang anak.


"Mama!" Iyak ni Cielo at agad na dinaluhan ang ina sa sahig. Lalong napahagulgol si Cielo nang makita niya ang napakalaking wakwak sa tiyan nitong dahilan para lumabas ang ilang bahagi ng lamanloob nito.


"M-mahal na mahal kita..." Garagal na ang boses ng ginang dahil sa dugong patuloy na lumalabas mula sa kanyang bibig. Lubos mang nahihirapan, pinilit ng ginang na haplusin ang pisngi ng anak, "T-takbo.. Tumakbo ka na..." Dagdag pa nito.


Gamit ang mga kamay na nangingnig na hinugot ni Cielo ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Panay ang pag-hagulgol niya habang pinipindot ang password upang mabuksan ang kanyang cellphone hanggang sa tuluyang matawagan ang ama ni Raze.


"Mama, mama 'wag mo akong iwan!" Paulit-ulit na pagmamakaawa ni Cielo habang pilit na hinahagkan ang inang naghihingalo.


"Tito sagutin mo! Sagutin mo!" Natatarantang sambit ni Cielo habang pinapakinggan ang pag-ring nito sa kabilang linya.


Nang mahinto ang pagri-ring at mapagtantong nasagot na ang tawag ay magsasalita na sana si Cielo ngunit bigla na lamang may matigas na bagay na tumama sa ulo niya dahilan para agad siyang bumagsak sa sahig at mabitawan ang cellphone na kasalukuyang nakakonekta sa pulis na siyang ama ni Raze.


"Hindi na kayo dapat makabalik pa!" Sigaw ng matandang nagpupuyos sa galit at itinapon sa isang tabi ang baston na ginamit bilang pamalo sa dalagang si Cielo.


"T-tay 'wag... 'Tay..." Pagmamakaawa ng ina ni Cielo na hindi na halos makagalaw.


"Hindi mo ako ama! Wala akong anak na demonyo!" Pagwawala pa ng matanda.


Walang ano-ano'y bigla na lamang hinigit ng matanda ang buhok ni Cielo na ngayo'y hilong-hilo parin at tagaktak na ang dugo mula sa sugatang ulo.


"M-mama..." Napasinghap si Cielo nang sapilitang iniangat ng matanda ang kanyang ulo. Wala siyang magawa kundi mapatingala dahil wala na siyang lakas pang tumayo. Dala ng labis na takot, napatitig na lamang ang luhaang mga mata ni Cielo sa mga mata ng kanyang inang lubos na nagdadalamhati.


Gaya ni Cielo, wala ring humpay ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ng kanyang ina. Awang-awa ito sa kalagayan ng anak, gusto niya itong protektahan ngunit wala na siyang lakas pa kahit lapitan man lamang ito.


"Mabubulok kayo sa impyerno kung saan kayo nararapat." Sabi pa ng matanda at gamit ang hawak na kutsilyo, walang paligoy-ligoy niyang ginilitan ng leeg ang dalaga at binitawan ito na tila ba isang kasangkapang wala nang halaga.


"Ma... Mama." Napasinghap si Cielo. Wala mang boses na lumalabas mula sa kanyang bibig, patuloy ang paggalaw ng labi niyang walang ibang gustong sambitin kundi ang inang gaya niya'y labis ang paghihirap.


Umaagos ang napakaraming dugo mula sa leeg ni Cielo na ngayo'y may napakalaki nang hiwa. Gamit ang nanlalambot at nanginginig na mga kamay, pinipilit niyang hawakan ang kanyang leeg ngunit hindi niya magawa dahil sa dugong nagtatalsikan papunta sa palad niya.


Nanatili si Cielo na nakahandusay sa sahig na ngayo'y may bahid na ng kanyang dugo. Nanlilisik ang kanyang mga matang lumuluha, kahit nahihirapan ay pinipilit niya paring suminghap ngunit kasabay naman nito ang pangingisay ng kanyang mga paa.


"Cielo..." Iyak ng kanyang inang tila ba pinagsakluban na ng langit at lupa dahil sa nasaksihan.


"Kung alam ko lang na isa kang Fergullo, hindi na sana kita inampon!" Muling umalingawngaw ang nanggagalaiting boses ng matandang lalake. Sa pagkakataong ito, ang ina naman ni Cielo ang nilapitan niya at muling inundayan ng mga saksak kahit pa nakabulagta na ito at naghihingalo.


"Dana... Dana nagawang tawagan ni Cielo si Papa kaya narinig ni Papa ang lahat. Tinangka ni Papa na iligtas si Cielo at ang ina niya pero huli na ang lahat... Nang makarating si Papa sa bahay nila, natagpuan niya ang bangkay ng ina ni Cielo na tadtad ng saksak. Natagpuan rin ang bangkay ng lolo niya, nakasaksak pa ang baston nito sa dibdib niya... At si Cielo, natagpuan si Cielo sa ilalim ng kama niya, nag-aagaw buhay dahil sa laslas sa kanyang leeg." Kwento ng nanlulumong si Raze, "Ayon sa mga narinig ni Papa nang gabing 'yon, umabot sa sukdulan ang kasamaan ng lolo niya kasi nalaman nito ang pinanggalingan ng ina ni Cielo."


Tila ba tinakasan ng lakas si Dana dahil sa mga narinig, paupo itong bumagsak sa lupa dahil sa labis na panlulumo. Gamit ang nanginginig niyang mga kamay, tinangka niyang takpan ang kanyang bibig ngunit panay ang paglabas ng hikbi niyang sinasabayan pa ng pag-ragasa ng kanyang luha.


"Hindi ko alam kung ano ang totoo o kung posible ba iyon pero ayon sa mga ebidensyang nakalap nila Papa, si Cielo ang nakapatay lolo niya gamit ang baston. Pero kung ako ang tatanungin, imposibleng si Cielo ang gumawa nun lalo pa't hindi rin naman matalim ang baston. Kahit huli na ang lahat, sinubukan parin ni Papa na protektahan si Cielo. Hindi niya pinaalam sa lahat ang nangyari para may pagkakataon pa si Cielo na mabuhay ng normal sa kabila ng lahat. Ginamit ni Papa ang posisyon niya sa kapulisan upang maisikreto ang lahat. Dana kahit ako, kamakailan ko lang nalaman ang lahat." Paliwanag pa ni Raze saka dinaluhan si Dana kinauupuan. Hindi narin napigilan pa ni Raze ang sarili na maluha.


"I... I didn't know ..." Napahagulgol si Dana habang nakatitig sa kawalan.


"Nasa bingit ng kamatayan si Cielo nang mga panahong iyon, kinailangan niyang mailipat sa Maynila dahil sa kakulangan ng mga kagamitan sa ospital ng Drayton. Nalaman ng ama ni Cielo ang nangyari sa kanila. Dahil wala na ang ina ni Cielo, otomatikong napunta ang kustodiya ni Cielo sa ama niya, simula rin nun nawalan na si Papa ng control sa lahat at nahirapan na siyang protektahan si Cielo. Nagawa man ni Cielo na makaligtas mula sa kamatayan, nawala naman ang kakayahan niyang magsalita dahil sa nangyari sa leeg niya. Nang tinanong si Cielo hinggil sa iba pang nangyari nang gabing 'yon, lagi siyang balisa at tila ba wala sa sarili. Inisip ng lahat na post-traumatic stress disorder lang 'yon sanhi ng mga nangyari pero habang tumatagal, lalong lumalala ang kundisyon ni Cielo. Lagi raw siyang takot na takot at nang binigyan siya ng ballpen para maibahagi ang mga nararamdaman niya, wala siyang ibang ginawa kundi gumuhit ng mga ahas at kung ano-anong imahen na hindi nila maintindihan. Marami siyang mga salitang sinusulat Dahil sa mga ikinilos ni Cielo, ipinasok siya ng ama niya sa isang mental facility. Tatlong taon Dana... Tatlong-taong nasadlak si Cielo sa impyernong 'yon, hindi makapagsalita at hindi makaaalis. Ni hindi rin pinapayagan si Papa na makita siya. Habang tumatagal, bumubuti naman daw ang kondisyon ni Cielo hanggang sa nagawa na niyang magsalita ulit. Isang araw bigla kaming nakatanggap ng tawag mula sa papa ni Cielo, lalabas na raw si Cielo mula sa mental facility at gusto niyang dito ulit si Cielo manirahan. Akala namin mababalik ang lahat sa dati, akala namin may pagkakataon na kaming matulungan si Cielo na makabalik sa dati niyang buhay pero nangyari ang lahat ng 'to."


Walang ibang magawa si Dana kundi maiyak dahil sa katotohanan. Lalo lamang siyang nasasaktan dahil sa mga alaalang bumabalik sa isipan niya.


"Shut-up Dana! Not everything is worth talking about because what happened in the past is all in the past!"


Bumalik sa isipan niya ang mga salitang binitawan ng dalaga sa kanya. Ngayo'y lubusan na niyang naiintindihan ang ibig sabihin nito.


"Akala ko may puwang pa kami diyan sa puso mo! Akala ko may chansa pang magbago yang pinapakita mo! Akala ko may kakarampot pa kaming halaga sa'yo! Ba't ka pa bumalik?! Hindi ka nalang sana bumalik! Tinalikuran mo na kaming lahat! Ba't ka pa bumalik?!"


Bumalik rin sa isipan niya ang mga masasakit na salitang binitawan sa kaibigang inakala niyang nang-iwan sa kanya.


"I-I'm sorry... I'm sorry... Hindi ko alam... I'm sorry..." Paulit-ulit na sambit ni Dana sa pagitan ng kanyang bawat paghikbi. Wala itong ibang magawa kundi maiyak na lamang dahil sa matinding pagsisisi.


"Hindi sinabi ni Papa sa'yo kasi alam niyang magkakaganito ka. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit hindi sinasabi ni Cielo ang totoo.." Sabi ni Raze habang tinatapik ang likod ng kababata.


"I.. I was mad at her... I hated her... Why didn't you tell me? How could you keep the truth from me?!" Nilunok ni Dana ang nagbabadyang hikbi. Kahit na anong gawin niya, ayaw paring tumigil ng luha niya.


"Ang pagpapanggap at pagmumukhang matatag, 'yon ang ginagamit ni Cielo para maibsan ang sakit at pagdadalamhati niya. Pinipilit niyang ibaon sa limot ang lahat sa pamamagitan ng pagpapanggap na walang masamang nangyari sa nakaraan niya, na wala siyang emosyon.... Ang kalimutan ang lahat at 'wag na itong pag-usapan pa.... Dana 'yon lang din ang paraang naisip namin para matulungan si Cielo... Alam naming parang kapatid mo na si Cielo kaya inisip naming makakalimutan mo ang tampo mo sa kanya at babalik ang lahat sa dati." Nanlulumong sambit ni Raze.


"B-but I didn't!" Napahagulgol lalo si Dana, "I hated her for thinking she abandoned me.... Oh God, I never should've said those awful things to her. Dapat niyakap ko siya nang una ko siyang makita... Dapat sinabi ko na agad sa kanya na miss na miss ko na siya... Dapat.. Dapat..."


Napahagulgol na lamang si Dana ng napahagulgol kaya niyakap na lamang siya ni Raze ng mahigpit.


***


Nang tumambad kay Cielo ang dating tahanan ay agad siyang napako sa kinatatayuan. Wala siyang ibang magawa kundi mapatingala at mapatitig sa bintana ng dati niyang silid.


"Okay ka lang?" Tanong ni Axel na ngayo'y karga-karga ang batang si Pip.

"If I say I'm okay, will it make me feel okay?" Mahinang sambit ni Cielo.

"It will be okay." Sabi ni Axel at inilahad ang kanyang kanang kamay sa dalaga.

"But if it won't?" Tanong ni Cielo at napatingin sa kamay ni Axel.

"It will be okay." Giit pa ni Axel kaya at sa di malamang dahilan, napahawak na lamang si Cielo sa kamay nito.


"Astig pala ng bahay niyo! Kaso asan ang gate? Ba't walang gate?" Kunot-noong sambit ni Wacky habang pinagmamasdan ang napakalaking bahay sa kanilang harapan.


"Begars can't be choosers." Sabi pa ni Shem at siya na mismo ang naunang lumapit sa pinto ng bahay at binuksan ito. Agad namang sumunod sa kanya sina Wacky at Church. Nagtulungan ang tatlo sa paghahanap sa switch ng ilaw.


Nang tuluyang mapaandar ang mga ilaw ay agad na bumungad sa tatlo ang isang maayos na silid. Kumpleto ito sa mga kagamitan at wala nang bahid ng kahit na anong karahasan.


"Haunted house? Aba haunted na kung haunted, basta walang skunks, solve na ako." Sabi ni Shem at agad na dumapa sa mahabang sofa.


"Nakahanap kaya ng maayos na mapagtataguan ang mga kapatid ko?" Biglang sambit ni Church na ngayo'y balisa na naman habang pinapasadahan ng tingin ang paligid. Bagay na agad ikinapawi ng ngiti sa mukha nina Wacky at Shem.


Samantala, nagsimulang maglakad si Axel kaya napabuntong-hininga na lamang si Cielo at sumunod sa binata habang magkahawak ang mga kamay.


"Cielo ilang kwarto meron ang bahay na'to?" Agad na salubong ni Wacky sa pagpasok pa lamang ni Cielo sa loob.


"Five upstairs. Isa sa attic." Walang kaemo-emosyong sambit ni Cielo at inakyat ang hagdan kasama narin ng iba.


Nang makarating pangalawang palapag ng bahay ay agad na pinasok ni Axel ang unang kwartong nadatnan at inihiga sa malambot na kama ang natutulog na si Pip. Sina Wacky, Shem at Church naman ay kinilatis ang bawat bintana upang masigurado ang kaligtasan nila.


Samantala, si Cielo ay nagpatuloy lamang sa paglalakad hanggang sa makarating sa dati niyang silid. Hindi niya mapigilan ang pagtakas ng luha niya nang tuluyang mapahakbang papasok sa kanyang dating kuwarto at tumambad sa kanya ang isang napakalaking salamin na napapalibutan ng napakaraming litratong nagpapaalala sa kanya ng mga masasayang alaala kasama ang ina, lola, at mga kaibigan.


Sa isang iglap ay biglang may naramdaman si Cielo na mga kamay na pumulupot sa katawan niya. Nang pagmasdan ang sarili sa salamin ay nagulat siya nang mapagtantong nakayakap na pala si Dana sa kanyang likod at ibinaon pa nito ang mukha sa kanyang balikat.


"Problema mo?" Walang emosyon ang boses, unti-unti namang kumurba ang ngiti sa mukha ni Cielo.

"Amoy imburnal ka." Umiiyak na sambit ni Dana.



END OF CHAPTER 14!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3



واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

4.2K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
Runaway بواسطة Reynald

غموض / الإثارة

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...