Mysterious Soulmate

By -Babin-

1M 11.4K 1.4K

A story of a guy who finds his perfect match in the imperfect world of corporate industry. More

Note:
Stanly's Profile
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 {part 1}
Chapter 3 {part 2}
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (under construction)
Chapter 11 (under construction)
Chapter 12 (under construction)
Chapter 13 (under construction)
Chapter 14 (under construction)
Chapter 15 (under construction)
Chapter 16 (under construction)
Chapter 17 (under construction)
Chapter 18 (under construction)
Chapter 19 (under construction)
Chapter 20 (under construction)
Chapter 22 (under construction)
Chapter 23 (under construction)
Chapter 24 (under construction)
Chapter 25 (under construction)
Chapter 26 (under construction)
Chapter 27 (under construction)
Chapter 28 (under construction)
Chapter 29 (under construction)
Chapter 30 (under construction)
Chapter 31 (under construction)
Chapter 32 (under construction)
Chapter 33 (under construction)
Chapter 34 (under construction)
Chapter 35 (part 1) (under construction)
Chapter 35 (part 2) (under construction)
Chapter 36 (under construction)
Chapter 37 (under construction)
Chapter 38 (under construction)
Chapter 39 (under construction)
Chapter 40 (under construction)
Author's Note
MMS Special
SC - The Wedding
SC - The Reception

Chapter 21 (under construction)

19K 205 20
By -Babin-

Angelie's POV

Ilang araw ng di nagpapakita si Slate ah, even call or text wala.. hmmm ano nanaman kayang problema ng lalaking yun?

Papasok na sana ako sa trabaho ng mag ring ang phone ko..



"Hello."



"Anj. Susunduin kita diyan hintayin mo 'ko."



"Teka sandali saan ka ba nanggaling bakit ang tagal mong nawala?"



"Mamaya nalang basta hintayin mo ko."



"Ui Slate."



Binaba na niya yung phone, pano to may pasok ako ngayon? Kaya nga lang baka mas kailangan ako ni Slate ngayon, baka may problema 'to at kailangan kong tulungan. Hayyy mag iimbento nga muna ako kay Stanly.. kunyari nalang may pupuntahan ako..



Tumawag ako kay Stanly..



"Boss."



"Oh? Parating ka na ba?"



"Magpapaalam lang ako sa'yo.."



"Ano yun? Bakit?"



"May dadaanan akong dating kakilala kaya baka di muna ako makakapasok ngayon."



"Huh? Sino naman?"



"Basta hindi mo kilala ui, ha absent muna ako ah."



"Ok but promise me that you'll take care of yourself pag ginabi ka hwag kang umuwi mag isa mag pahatid ka sakin ok?"



"Yes boss."



"Sige ingat."



Binaba ko na ang phone phew kinabahan ako dun.. akala ko di na niya ko papayagan.



Ilang minuto lang at dumating na rin si Slate, binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pumasok na 'ko.



Habang nasa byahe kami hindi ko mapigilang mailang.. nakaka ilang ang katahimikan. Tinititigan ko siya at parang sabik siya na may sabihin sakin na kung ano man yun.. malalaman ko din mamaya.



Hayy grabe nakakapanis ng laway .. di bale na nga ako na kakausap..



"San ka ba ng galing? San ka nag punta bakit ilang araw kang hindi nag pakita.. pati noong party ng kuya mo di ka pumunta.."



"Wala akong kuya.."

Kinabahan na 'ko bigla.. hala anong problema.. ginawa ko nalang light ang lahat..



"Ikaw talaga." Pinalo ko siya sa braso.. "Anong walang kuya? Si Stanly kaya kuya mo kaya yun.."



"Hindi ko kuya si Stanly! Ok?!" Pasigaw na sagot niya..



"Ano bang problema?"



"Wala!"



"Slate.. ano ba kasing nangyari sa inyo bakit ganyan ka magsalita?"



"Wala!"



I sigh.. "Ihinto mo ang sasakyan."



"Huh?"



"Ihinto mo nga sabi ang sasakyan!"



"Anj may pupun...."



"Wala akong pakialam basta ihinto mo ang sasakyan mo at bababa ako! Hindi ako makikipag-usap sa inyo hangga't hindi kayo nagkakaayos dalawa!"



Hininto niya ang sasakyan..



"Anj sagutin mo na kasi ako! Pangako hinding hindi ka magsisisi..."



"Ano bang pinag sasabi mo?"



"Anj ok naman diba? Mabait naman ako, bakit hindi pa maging tayo?"



"Teka nga sagutin mo muna ang tanong ko sa'yo kanina. Anong nangyari sa inyo ng kuya mo?"



Tumahimik siya at tumingin sa malayo...



"Hindi ako papayag na mapunta ka lang kay Stanly, Anj."



"Huh?"



"Galit ako sa kanya ngayon! Hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya."



Ito na siguro ang tamang panahon para sabihin sa kanyang hindi siya ang lalaking gusto ko..



"Slate, sorry pero hindi ikaw ang gusto ko eh." Mahinahon kong sagot.. hindi ko pwedeng sigawan to dahil mukhang naka inom..



"Pero gusto naman kita eh.."



"Slate makinig ka.. may iba na akong mahal.."



"Sino? Si Stanly ba? Anj hindi ka niya mahal! Hindi ka nga niya gusto eh!"



Parang kumurot sa dibdib ko ang mga sinabi niya sakin..



"Slate, lasing ka ba?"



"Alam mo ba kung bakit palagi akong wala?"



Tumingin siya sakin ng nakakatakot ewan may halong nakaka awa din..



"Dahil sa tuwing makikita ko kayo ni kuya na mag kasama! Parang hinihiwa ang puso ko! Anj sayo ko lang naramdaman 'to! Ibang-iba ka sa huling girlfriend ko Anj. Sa tuwing lalapit ako sa'yo hinaharang ako ni kuya! Hindi mo ba napapansin yun? Ayaw niya kong mapalapit sayo dahil iniisip niya na baka pag laruan lang kita pero Anj, di naman totoo yun eh!"



"Slate hindi talaga.. kapatid lang ang turing ko sa'yo eh.."



Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko..



"Maghihintay pa rin ako Anj."



Hala paano na 'to?? Bakit pinalaki ko pa yung gulo na 'to? Kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito..



Niyakap niya ko at pagkatapos nginitian niya ko.. ang gwapo niya kapag ngumingiti pero nalulungkot pa rin ako dahil alam ko na sa likod ng mga ngiting yun ay ang masakit na nararamdaman niya. Binuksan na niya ang pinto at lumabas na 'ko..



Umuwi na lang ako sa apartment ko, parang nawalan na rin ako ng ganang pumasok. Ang dami-daming pumapasok sa isip ko ngayon.



Stanly's POV

Ilang araw ng di nagpapakita sakin si Slate. Even on my birthday kahit sana dumaan lang siya pero di talaga.. Tanya tried to contact him, even mom pero nagmamatigas yata talaga. Sabi naman sakin ni Tanya dumalaw naman daw siya noong isang araw sa wakwak para makita si mommy pero ayaw niya talaga ako makausap, tsk bakit naman kung kelan tumanda kami tsaka kami nagkaproblema ng ganito. Di ko naman 'to ginusto eh, di din pumasok si Angelie ngayon pero nagpaalam naman siya na may pupuntahan lang daw siyang dating kakilala.



One more time, isa nalang talaga...



Cring..........



"The number you dialled is not yet in service.."



"Ahhhh. Ang hirap mong ma contact Slate, crap, ano ka ba?? Para kang bata ahh hwag ka ngang mag tampo-tampuhan para kang di lalake." Txt ko kay Slate..



After an hour nag reply siya..



"In your face Stanly!"



Shet! Napapamura na ako sa ginagawa niyang kalokohan! Ahhh umiinit ang ulo ko... maya maya lang may pumasok na babaeng empleyado sa opisina ko..



"Sir Stanly may pinapasabi po si......"



"What!?"



"Sir..."



"Sa susunod na papasok ka sa opisina ko kumatok ka ah! Labas!" Mainit ang ulo ko ngayon tsk kailangan kong kumalma kailangan kong mag relax..

Pero hindi pa pwede ngayon.. sunod-sunod ang mga appointments ko hindi ko pwedeng i-cancel 'to lahat dahil 'pag ginawa ko yun.. mawawalan na 'ko ng mga stock holders niyan kaya tiis tiis lang Stanly...



Okay report sa meeting, done. Another meeting, done. Appointments , done. Mga business proposal para sa Gonzaga group-of-companies well done! Ahhh malaki talaga ang matutulong nila sa kumpanya ko kaya hinding-hindi ko sila tatantanan..



Inabot na 'ko ng gabi, kauuwi ko lang galing Hong Kong. Natapos ko na ang lahat ng trabaho ko hayyy relief, ngayon kailangan matanggal ko ang stress from work and with that stupid brother of mine. Nagmaneho ako, I drove and drove, wala akong paki kahit saan ako mapadpad buti nga walang traffic ngayon eh. Paikot-ikot lang pala ako sa buong Makati di ko namamalayan kaya minabuti ko nalang na dumeretso bahay tingin ko masyado na 'kong pagod ngayon bukas nalang ako magpapahangin.



Pag dating ko ng Alexus binigay ko sa valet ang susi at dumeretso na ko sa unit ko. Namomroblema ako.. tiyak na 'pag nalaman ni mommy na hindi kami magkasundo ni Slate ngayon, magagalit yun sakin at ako ang sisisihin..



Pagpasok ko sa unit ko, nabigla ako nang makita ko si Slate. Mukhang nakainom na 'to at kasalukuyang nanonood ng replay na NBA game.



"Slate." I said.



Pero di niya ko pinansin..



"Slate." Tawag ko ulit.. "Slate kumain ka na ba?"



At sa wakas tumingin narin.. medyo namamaga na ang mukha sa kalasingan..



"Woah kuya! You're here.." tumayo siya sa couch at yumakap sakin..



"Slate what's wrong?"



Tinitigan niya ko ng matagal... "Kuya ikaw talaga, walang problema!" Medyo di na maayos ang pagsasalita niya.. nakarami to..



"Slate you're drunk!"



"Drunk? Anong drunk pinagsasabi mo! Di ako lasing ah! Alak mo lang diyan ang ininom ko!"



Napatingin ako sa lamesa nakaka 5 bote na pala 'to..



"Slate that's enough!" Kinuha ko ang basong hawak niya..



"Hey!!" Sigaw niya..



Napahinto ako bigla, di ko maasikaso si Slate ngayon pagod din ako sa trabaho...



"Ikaw!" Pinanduruan niya ko. "Ikaw ang problema ko gago ka!"



"Slate you're drunk that's enough.."



"Anong enough, enough? Huh? Tigilan mo nga ako! Hoy ikaw Stanly ka! Hwag na hwag mong malapitan si Angelie ah tandaan mo akin lang siya."



Tingin ko alam ko na kung bakit... tsk tsk tsk nakipagkita si Angelie kanina kaya hindi pumasok, ano naman kayang sinabi ni Angelie dito at bakit ganito 'to ngayon.



"Slate matulog ka na." Mahinahon kong sagot. Inakbayan ko siya at ihahatid sana sa kwarto pero bigla siyang kumalas.



"Siraulo ka! Di mo ba 'ko nakikilala? Huh?"



"Slate c'mon matulog ka na!" Nauubos na ang pasensya ko..



Kumalas ulit siya.. tapos bigla niya 'kong sinapak sa mukha.. "Eh ang kulit mo pala eh! Sino ba may sabi sayong gusto ko matulog ha?"



Nagdilim na ang paningin ko kaya di ko na rin alam ang ginagawa ko binalikan ko ng sapak si Slate at ayun na nagsapakan kami, wala akong pakialam basta ang gusto ko mabawian siya sa mga suntok na binibitawan niya.. walang makakaawat sa 'min dahil kaming dalawa lang ang nasa unit ko ngayon kaya matira matibay kami.



Sinikmuraan ko siya pero mabilis niya kong nabawian ng tuhurin ang sikmura ko at sikuhin ang mukha ko.. ngayon puno na ng dugo ang kamay niya pumutok na ang kilay ko at napa dugo niya na rin ang nguso ko pero di talaga ako magpapaawat, binawin ko siya at nabawian ko nga rin ng dumugo na ang ilong niya at napa putok ko ang nguso niya. Mas malakas lang siya sakin ngayon dahil naka inom siya. Gusto kong isungalngal sa kanya ang kamao ko, nawala na sa isip kong kapatid ko siya..



Hinampas ko siya ng silya ako naman pinukpok ng baso sa ulo..



Pareho na kaming namumula sa dugo ng ilang minuto pa napahinto kaming pareho at napa upo sa couch..



Tulala lang kami tinitiis ang hapdi ng mga sugat namin. Maya-maya lang humupa na ang galit ko at natawa nalang kaming bigla. Tanggal kalasingan niya eh, natawa nalang kami ng malakas...



"Grabe, di ko akalaing magagawa natin 'tong bagay na 'to.." sabat ko..



"Haha kaya nga eh, ewan ko ba basta pag dating ata kay Angelie nakakalimutan kong magkapatid tayo eh.."



Tumingin ako sa kanya..



"Sorry Slate."



"Wala yun kuya sorry din.."



Natawa ako at ginulo gulo ko ang buhok niya na parang batang kapatid ko lang ulit.. "Kalimutan na natin to." Sabi ko.



"Sige Slate yeluhan mo na 'yang nguso mo! Kunin mo na lang sa taas ng kusina yung icebag." Tumayo na 'ko para hugasan ang mukha ko..



"Ikaw kuya patahi mo na yang kilay mo!" Tatawa-tawang biro niya..



"Di naman ako masyadong napuruhan yelo lang katapat nito.."



Tumayo si Slate at lumapit sa 'kin.. hinawakan niya ang kanang balikat ko at...



"Kuya hinding hindi ako magpapatalo sa'yo.."



Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.



"Let's make a deal.. magpaunahan nalang tayo Slate.. kung sino ang piliin ni Angelie yun na yun.. kung ikaw man yun, ok sige wala na 'kong magagawa pero pag ako ang pinili niya.. layuan mo kami."



Umiling lang siya.. "Di mo 'ko kayang talunin kuya.."



Tumalikod na siya at lumabas ng unit ko. Di ko talagang lubusang akalaing dadating sa puntong kailangan naming magpatayan para sa isang babae.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 49.9K 15
It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi ang love letter ng kanyang nakababatang...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
6.4K 976 46
NOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. L...